You are on page 1of 7

Makaraig Isagani Kapitan Heneral Mataas Na Kawani Ben Zayb Hindi man lamang nabalita sa mga

pahayagan ang nangyari kay Huli. Nangakalaya ang mga estudyanye. Unay si Makaraig. Pinakahuli
si Isagani. Nabalita sa tulong ni Ben Zayb, ang pagiging mahabagin ng Heneral. Ang tanging di
nakalaya ay si Basilio. Ipinagtanggol ng Mataas na Kawani si Basilio. Mabuting bata raw at
matatapos na ng panggagamot. Lalong napahamak si Basilio dahil lahat ng sabihin ng Kawani ay
tinututulan ng Heneral. At kailangan daw magkaroon ng halimbawang di dapat tularan ang mga
mahilig sa pagbabago. Si Basilio ay pinagbintangan ng Heneral na gumamit ng bawal na aklat sa
medisina. Sinabi ng Kawani na dapat matakot ang Heneral sa bayan. Natawa ang Heneral wala raw
siyang pakialam sa bayan dahil ang naghalan sa kanya ay ang bayang Espanya hindi ang bansang
Pilipinas. Kapag itinanggi sa isang bayan ang liwanag, tahanan, katarungan at kalayaan ituturing ng
bayan na magnanakaw ang nagtanggi ng mga ito. Nang nasa kanyang sasakyan na ang Mataas na
Kawani ay nasabi niya sa kanyang kutserong katutubo: Kapag dumating ang araw ng inyong
pagsasarili ay alalahanin mong sa Espanyay hindi nawalan ng mga pusong tumitibok dahil sa inyo.
Makaraan ang dalawang oras ay nagbitiw sa tungkulin ang Kawani at nagsabing siyay uuwi sa
Espanya lulan ng kasunod na koreo (bapor). Tadeo Pelaez Makaraig Isagani Senong Basilio Simoun
Ben Zayb Dahil sa mga nangyayari sa mga estudyante ang maraming magulang ay din a nagpaaral
ng mga anak. Buti pa ang maglimayom o kayay masaka. Marami ang di nakasulit sa eksaming
ibinigay ng serbisyo sibil. Natuwa pa si Tadeo, sinigan ang kanyang mga aklat. Si Pelaez ay napatali
sa negosyo ng ama. Napasa-Europa si Makaraig. Si Isaganiy sa aklat lamang ni Padre Fernandez
nakasulit. Si Salvador ay nakapasa dahil sa kahusayang magtalumpati. Si Basilio lamng ang di
nakakuha ng pagsusulit. Nasa bilangguan pa siya. Doon niya nabatid ang pagkawala ni Tandang
Selo sa tulong ni Senong na kutsero na tanging dumadalaw sa bilanggong kanayon. Si Simoun ay
mabuti nat ayon kay Ben Zayb ay di mag-uusig at sa halip ay madaraos ng isang pistang walang
katulad bago umalis sa bayan. Naipayo ni Ben Zayb na bilin ni Simoun ang bahay ni Kapitan Tiago
na nabili ng ama ni Pelaez. Mula nooy madalas si Simoun sa tindahan ng mga Pelaez na wika ng
ibay pinakisamahan na niya. At tumagal ang ilang linggo ay nabalitang ikakasal si Juanito kay
Paulita. Higit na magkabagay si Juanito at Paulita. Kapuwa walang isip at muning lampas sa
pansariling kaligayahan kapwa anakMaynila. Hinintay-hintay ng buong Maynila ang piging sa kasal
ng dalawa. Si Simoun daw ang mamamahala. Itoy ganapin dalawang araw bago umalis ang
Heneral. Ang mga taga-Maynila ay nakipag-agawan sa pakikipagkilalakay Simoun upang silay
anyayahan sa piging. Simoun Basilio Kapitan Heneral Araw ng pag-alis ni Simoun. Sasama na siya
sa Kapitan Heneral. Nakahanda na ang kanyang dadalhingmga alahas at lahat na. Paniwala ng
marami na hindi makapangahas magpaiwan si Smoun. Maring paghigantihan siya ng mga galit sa
kanya o pag-uusigin siya ng kahaliling Heneral. Nagkulong si Simoun sa kanyang silid. Wala raw
dapat tanggapin kundi si Basilio. Dumating ang binata. Pinatuloy siya sa utusan Kay laki ng
ipinagbago ni Basilio. Payat na payat, gusot ang buhok at walang ayos ang pananamit. Wala ang
dating kaamuan sa kanyang mga mata.Matalim na ang mga iyon. Para siyang bangkay na nabuhay.
Maging si Simoun ay nagulumihan sa anyo ng kababayan. Sinabi ni Basilio kay Simoun na siya ay
naging masama na anak at kapatid na nilimot niya ang pagkapatay ng kapatid kaya siya ay
pinarusahan ng Diyos. Siya ngayon ay nakahanda ng gumanti ng samasama. Sinabi niya na ang
pag-iwas niya sa gulo na tulad ng pakikiisa kay Simoun ay nagbunga lamang ng kanyang
pagkabilanggo Sasanib na raw siya kay Simoun. Noon lamang nagsalita si Simoun . Nasa sa panig
daw pala niyang talaga ang katwiran. Ang kanyang usapin ay siyang usapin ng mga sawimpalad na
tulad ni Basilio. Tumindig si Basilio na maaliwalas na ang mukha. Sinabi niyang matutuloy na ang
himagsikan dahil hindi na siya nagaatubili. Sinabi ni Simoun na ang mga ating mapayapa at ayaw ng
gulo ang siyang nagtulak sa kanya upang ipagtuloy ang kanyang mga balak. Kung noon sanay
nagkatulungan na ang mga nasa sa mataas na lipunan at ang mga nasa ibaba ang gawain sana ay
mapagkawanggawa at hindi madugo at buktot.Sa mga imbi niya natagpuan ang kanyang mga
katulong. Kung sila man ay hindi makagawa ng makinis na estatuwa sapat nang simulan nila ang
paglilok at bahala na ang mga susunod sa kanila. Di maunawaan ni Basilio si Simoun. Nagtuloy sila
sa laboratoryo. Sa mesa roon ay may isang kakaibang ilawan. Ang pinakalalagyan ay anyong
Granada, may bitak at naiino pa ang mga tila buto nito. Tinanggal ni Simoun ang mitsa. Bakal na
may dalawang sentimetro ang kapal na sisidlan na may isang litrong gas. Binuhusan ito ni Simoun
ng likido. Nabasa ni Basilio ang nakatitik sa lalagyan ng likido nitroglisirina. Tumango si Simoun.
Ipinaliwanag niya na ang granada ay hindi isang payak na dinamita. Iyon daw ang mga tinipon na
luha ng mga api na siyang panglaban nila sa lakas at dahas. Noon lamang nakakita ng dinamita si
Basilio. Hindi makakibo ang estudyante. Tinurnilyuhan ni Simoun ang isang masalimuot na
kasangkapang inilagay sa ilawan.Sinabi ni Simoun na ang ilawan ay gagamitin sa isang pista.
Pagkaraan ng 20 minuto ang liwang nitoy mangungulimlim at kapag ginalaw ang mitsa ay sasabog
ang Granada kasunod ang mga supot ng pulbura sa kainan at walang makaliligtas sa mga bisita ng
kapistahan. Nabigo ang pagkakagulong katulong sana ang mga artilyero dahil sa kawalan ng
pangangasiwa.Ngayon kailangan niya si Basilio upang mangunguna sa labanan. . Kukunin nila sa
tindahan ni Quiroga ang mga baril at patayin ang lahat ng kalaban at ayaw sumama at patayin. Hindi
na sinuri ni Basilio ang narinig. Binulag na siya ng tatlot kalahating buwang pagkabilanggo.Nais
niyang maghiganti. Basilio Isagani Sinong Simoun Paulita Juanito Nasa sa daan si Basilio. Ika-8 ng
gabi. Makikituloy sana siya kina Isagani ngunit hindi umuwi ang kaibigan sa buong araw na iyon.
Dalawang oras na lamang at sasabog na ang ilawan ni Simoun. Maraming dadanak na dugo.
Marami ang mamamatay. Sinalat ni Basilio ang kanyang rebolber at mga bala. Naalala niya ang
babala ni Simoun na siya ay lumayo sa daang Anloague.Naghinala si Basilio. Ang bahay ni Kapitan
Tiyago ay nasa daang iyon.May binanggit na kasayahan si Simoun. Sa bahay na iyon idaraos ang
piging sa kasal nina Paulita at Juanito. nakita niyang dumating ang sasakyan ng bagong kasal.
Nahabag si Basilio kay Isagani. Naisip niyang yakaginng sumama sa kanya si Isagani.Siya rin ang
tumugon. Hindi papayag si Isagani sa gayong madugong pagpatay sa marami. Hindi pa
nararanasan nito ang nangyari sa kanya. Nagunita niya ang pagkabilanggo, ang kabiguan sa pag-
aaral,ang nangyari kay Huli. Muling hinaplos ang puluhan ng rebolber at ninasang dumating na sana
ang sandaling hinihintay. Nakita niyang dumating si Simoun. Si Sinong ang kutsero ni Simoun.
Sumunod ang sasakyan ni Simoun sa mga bagong kasal. Nagtungo si Basilio sa Anloague. Doon
ang tungo halos ng lahat sa bahy ni Kapitan Tiyago. Ang Kapitan Heneral ang ninong at dadalo sa
hapunan, dala ang isang tanging ilawang handog naman ni Simoun. Ang mga dingding ng bahay ay
dinikitan ng magagarang papel ar magagarang aranya at mga bulaklak ang palamuti. Mga angkat
ang alpombra. Kurtinang pulang pelus na nabuburdahan ng ginto at may unang titik ng pangalan ng
mag-asawa. May tinuhog na artipisyal na bulaklak ng suha. Magarang- magara ang bahay na iyon.
Parang hapag ng mga diyoses ang pagdarausan ng hapunan. Ang mesa para sa mga dakilang
panauhin at mga diyus-diyusan ay sa asotea nakalagay. Pipito ang doon ay luluklok.Naroon ang
pinakamasarap at pinakamamahaling alak. Ubos-kaya si Don Timoteo.Kung sinabi lamang ng
Heneral na ibig nitong makain ng tao, gagawin iyon ni Don Timoteo. B Don Timoteo Donya Victorina
Paulita Juanito P. Salvi P. Irene Kap. Heneral Simoun Basilio Isagani Ikapito ng gabi nang
magsisimulang dumating ang mga may paanyaya. Una ang maliliit. Sunod ang palaki sa katayuan
sa tungkulin at sa kabuhayan. Lahat ay pinagpupugayan ni Don Timoteo. Dumating ang bagong
kasal. Kasama si Donya Victoria. Batian. Kamayan. Naroon na sina Padre Salvi ngunit wala pa ang
Heneral. Nais tumungo ni Don Timoteo sa palikuran ngunit di siya makaalis at wala pa ang Heneral.
May pumintas sa mga kromo sa pader. Nagalit si Don Timoteo. Iyon saw ang pinakamahal na
mabibili sa Maynila. Sisisngilin daw niya ang utang ng namintas kinabukasan. Dumating na rin ang
heneral. Nawal ang mga dinaramdam ni Don Timoteo. May nagsabi na ang araw ng kapitan dahil
natititigan na tio nang harap-harapan. Si Basilio ay nasa harap ng bahay at pinapanood ang mga
nagdaratingan. Naawa siya sa mga inakala niyang mga walang malay na mamamatay roon. Naiisip
na bigyan ng babala ang mga iyon. Ngunit siyang pagdating ng sasakyan nina Padre Slavi at Padre
Irene. Nagbago siya ng isip. Hindi ako dapat magmalabis sa pagtitiwalang inilagak sa akin. Akoy
may utang na loob sa kanya; sa kanilay wala. Siya ang humukay ng libingan ng aking ina na pinatay
nila. Akoy nagpakabuti; pinagsikapan kong magpatawad, ano ang ginawa sa akin? Mangamatay na
nga sial na ang aming pagtitiis, nasabi ni Basilio. Nakita niya si Simoun, dala ang ilawan. Waring
kakila-kilabot ang anyo ni Simoun na naliligid ng apoy. Parang nag-alinlangan sa pagpanhik sa
hagdan si Simoun. Ngunit nagtuloy rin ito. Nang dumating ang Kapitan Heneral ay sandaling
nakipag-usap dito at sa ibang naroon ang mag-aalahas. Saka ito nawala sa paningin ni Basilio.
Namayani na naman ang kabutihang-loob ni Basilio. Nalimot ang ina, ang kapatid, si Huli, ang
sariling kaapihan. Ninais na iligtas ang nangasabahy. Ngunit hinadlangan siya ng mga tanod dahil
sa marusing niyang anyo. Namutla si Simoun nang makita si Basilio na iniwan ng tanod-pinto upang
magpugay sa mag-aalahas. Matigas ang mukha ni Simoun na tumuloy sa sasakyan at nag-utos. Sa
Eskolta. Matulin! Mabilis ding lumayo si Basilio. Ngunit may nakita siyang isang lalaking
tatanawtanaw sa bahay. Si Isagani! Niyaya niya itong lumayo. Marahang itinulak ni Isagani ang
kaibigan. Nagpilit si Basilio. Bakit ako lalayo Bukas ay hindi na siya ang dati. May hapdi ang tinig ni
Isagani. Ipinaliwanag ni Basilio ang ukol sa ilawan. Hinila niya si Isagani. Tumutol ito. Mabilis na
lumayo si Basilio.Nakita ni Isagani na nagtungo sa kainan ang mga tao. Naisip niyang sasabog ang
bahay kasama si Paulita. Mabilis na nagpasya ito.Sa loob ay nagkatagpo ang nagpipiging ng isang
kaputol na papel na ganito ang nakasulat. MANE THACEL PHARES JUAN CRISOSTOMO IBARRA
Isa raw biro iyon, ani Don Custodio. Patay na raw si Ibarra. Nang makita ni Padre Salvi ang papel at
sulat ay namutla ito. Sinabi nitong iyon nga ang lagda ni Ibarra. Saka nahilig sa sandigan ng silya
ang kura nanlambot sa takot. Nagkatinginang takot na takot ang lahat. Tatawag sana ng mga kawal
ang Kapitan Heneral. Walng nakita kundi mga utusang di niya kilala. Nagkunwang hindi takot.
Magpapatuloy tayo sa pagkain, aniya. Huwag intindihin ang isang pagbibiro. Ngunit nagsalita si Don
Custodio. Ipinalagay kong ang kahulugan ng sulat ay papatayin tayo ngayong gabi . Di nakakibo ang
lahat. May nagsabi. Baka lasunin tayo. Binitiwan ang mga kubyertos. Lumabo ng ilawan.
Iminungkahi ng Kapitan Heneral kay Padre Irene na itaas ng huli ang mitsa ng ilawan. Biglang may
mabilis na pimasok, tinabig ang utusang humadlang, kinuha ang ilawan, itinakbo sa asotea at
itinapon sa ilog, May humingi ng rebolber, may magnanakaw raw. Ang anino ay tumalon sa rin sa
ilog. Ben Zayb P. Camorra Simoun Don Custodio Mula sa bahay ni Kapitan Tiyago ay patakbong
tinungo ni Ben Zayb ang kanyang tanggapan upang sulatin ang pangyayari. Pinalabas niyang
bayani ang Kapitan Heneral, sina Padre Irene, Don Custodio at Padre Salvi. Ang lathalain ay isa ring
paghahangad ng mabuting pagyao at paglalakbay ng Heneral. Ngunit ang kanyang isinulat ay
ibinalik sa kanya ng patnugot ng pahayagan. Ipinagbawal ng Heneral ang pagbanggit ng ano mang
ukol sa pangyayari. Dumating ang balita mula sa Pasig. Nilusob dawn g maraming tulisan ang
bahay-pahingahan ng mga prayle at nakatangay ng may dalawang libong piso. Malubha ang isang
prayle at dalawang utusan. Gumalaw ang guni-guni ni Ben Zayb. Gagawin niyang bayani ang kura
na sa pagtatangol ay nagkasira-sira ang isang silyang ginamit laban sa mga tulisan. Nagtungo siya
sa Pasig. Natagpuan niyang ang nasugatan ay si Padre Camorra. Doon siya pinapagtika sa
kasalanang ginawa sa Tiyani. May isang maliit na sugat sa kamay at may pasa sa ulo. Tatlo ang
mga magnanakaw na may taglay ng gulok. Limampung piso ang nanakaw. Ayon kay Ben Zayb ay
hindi tama ang salaysay ni Padre Camorra. Kailangan daw gawing marami ang mga tulisan. May
nadakip sa mga tulisan. Sila raw ay inanyayahang sumama sa pangkat nina Matanglawin upang
sumalakay sa kumbento at mga bahay ng mayayaman. Pangungunahan sila ng isang Kastila na
mataas, kayumanggi, puti ang buhok at ang pasabiy kumikilos sa utos ng Kapitan Heneral na
kaibigan niyang matalik. Katulong pa raw nila ang mga artilyero. Wala raw dapat ikatakot. Ang
hudyat daw ay isang malakas na putok. Walang putok. Inakala ng mga tulisan na sila ay nilinlang.
Nagsiurong ang ilan Ang ibay nagsibalik sa bundok. Balak nilang maghiganti sa Kastila na
makalawa nang lumoko sa kanila. Ang tatlong tulisan ay nagpasiyang manloob. Ayaw paniwalaan
ang mga tulisan sa paglalarawang si Simoun ang puno nila. Ngunit si Simoun ay di matagpuan sa
bahay niya . Maraming bala at pulbura roon. Si Don Custodio ay naghanda ng habla laban kay
Simoun. Mabilis na kumalat ang balita ukol sa mag-aalahas. Marami ang di makapaniwala.
Kabesang Tales Guwardiya Sibil Carolino Mautang Tandang Selo Buong Luzon halos ang
nilaganapan ni Matanglawin sa kanyang panunulisan. Siyay pumatay sa hukom pamayapa sa
Tiyani, nanunog, nangulimbat. Ngayoy sa Batangas, bukas ay sa Kabite, di maglilipat-araw ay sa
Tayabas, pagkatapos ay sa Panggasinan o sa Albay. Laging naliligtasan ni Matanglawin ang mga
habol sa kanya. At sa kawalangkaya ng mga sibil sa dumakip sa mga tulisan ay mga magsasakang
walang sala ang kanilang dinarakip. May anim o pitong magsasaka ang dinakip ng mga sibil
matapos ang isang pagsalakay ni Kabesang Tales. Abut-siko at kabit-kabit ang gapos ng mga ito na
inilakad nang tanghaling tapat sa kainitan ng Mayo walang sombrero at nakayapak. Ang pawis nilat
alikabok ay nagpuputik sa kanilang mukha ang magkahalong poot at kawalang pag-asa. Ni hindi nila
mapahid ang mahapding pawis na sumisigid sa kanilang mga mata. Kung may isang nabubuwal sa
hapo at gutom ay hinahagupit silang lahat at ang nabuwal ay makakaladkad sa kanilang pagtakbo.
Sumisigaw ang nabuwal na patayin na siya. Umiiyak. Parang bata. Isinusumpa ang oras ng kanyang
pagsilang.Nilalait pa sila ng mga guwardiya sibil. Ngunit may isang sibil na tutol sa gayong
pagmamalupit. Nang di makatiis ay sumisigaw na rin ito sa mapagparusa: Hoy, Mautang, bayaan
mo silang magsilakad nang payapa! Nagpakikilalang bago ka nga lamang Carolino patuya pang
tugon ni Mautang. Ano ba ang ginagawa ninyo sa mga bihag ng digma? Pinakukundanganan namin.
Tugon ni Carolino: Mangyariy kaaway na nagsilaban ang mga iyon ang mga itoy mga kababayan
natin! ganti ng mapagpahirap. At bumubulong kay Carolina: Ginaganyan natin iyan upang lumaban o
tumakas at nang barilin na lamang natin Isang bilanggo ang sinumpong ng pagdumi o pag-ihi
marahil at nakiusap na payagan muna siyang makatigil nang sandali. Di siya pinayagan.
Mapanganib daw ang lugal na iyon. Naliligid sila ng bundok.Higit kang malupit pa kaysa mga Kastila,
anang bihag. Isang putok nang narinig. Gumulong-gulong si Mautang tutop ang dibdib na nilabasan
ng dugo sa bibig Alto! Sigaw ng kabong putlang-putla. (matatapang lamang sa walang laban). Isang
putok pa at ang kabo naman ang tinamaan sa bisig at namaluktot sa sakit. Itinuro ng kabo ang mga
bilanggo. Fuego! sigaw niya. At ang mga bihag ay pinagbabaril. Saka pa lamang lumaban ng
putukan sa mga nasa batuhan sa bundok. Ang mga nasa batuhan ay tinayang may tatatlong riple
lamang. Lumusob ang mga sibil. Ang unang umakyat patungo sa pinangungublihan ng mga di
kilalang kalaban ay gumulong-gulong na pababa. Hala, Carolino! Nahan ang mabuti mong
pagpapatama! pasigaw na wika ng kabo. Isang lalaki ang biglang lumitaw sa ibabaw ng isang
talampas. Nagwawasiwas ito ng baril. Paputukan! sigaw ng kabo kasabay sa pagmumura. Tatlong
kawal ang nangagputok. Patuloy na may isinisigaw ang lalaki. Hindi siya mauunawaan. Natigilan si
Carolino. Parang nakilala niya iyon. Tinutukan siya ng baril ng kabo. Ipinagbabaril sa kanya ang
lalaki. Tumalima si Carolino. Gumulong at nawala sa talampas ang lalaki. May isinigaw ito. Natulig si
Carolino. Parang nagsitalilis ang mga nagtatago sa itaas. Lumusob ang mga sibil. Isa pang lalaki
ang lumitaw, sa talampas. Iniamba ng lalaki ang sibat. Pinaputukan siya ng mga kawal. Nabulid ang
lalaki. Ang unang umabot sa kaitaasan ay may dinatnang matandang lalaking naghihingalo.
Binayuneta ito. Di man lamang kumurap ang matanda. Nakatingin kay Carolino. Nakaturo ang daliri
sa likod ng talampas. Gulilat at putlang-putla si Carolino. Nakilala niyang ang matanday ang
ingkong niyang si Tandang Selo. Nakita niyang ang mga nanlalalim na mata ng matanda ay mga
salamin ng matinding hinanakit. At nang mamatay ito ay patuloy na may itinuturo sa likod ng
talampas. P. Florentino Simoun Don Tiburcio Malungkot na tumugtog ng kanyang armonyum si
Padre Florentino. Kaaalis ni Don Tiburcio de Espadana na nag-akalang siya ang Kastilang tinutukoy
sa telegrama na darakpin daw sa gabing iyon. Inakalang siyay natunton na ni Donya Victorina. Ang
telegrama ay pinabasa ng tenyente ng guwardiya sibil sa bayan kay Padre Florentino sa ngalan ng
pagkakaibigan. Anang telegrama: Espanyol escondido casa Padre Florentino cojera remitara vivo
muerte. Ang totoo, si Simoun ang Kastilang tinutukoy sa telegrama. Sugatang dumating doon si
Simoun may dalawang araw na. Di man lamang siya inusisa ay tinanggap siya ng pari. Hindi pa
nakabalita ang pari ng nangyari sa Maynila. Inakala ng pari na dahil wala na ang Kapitan Heneral ay
may nagtangkang maghiganti kay Simoun. Ang sugat niyay buhat daw sa kawalang-ingat, ayon sa
mag-aalahas. Nagkasiya ang pari sa mga palagay. At nakatulong ang hinala ng pari na si Simoun ay
tumakas samga kawal na tumutugis nang tanggapin nito ang telegrama. Si Simoun ay tumangging
paggamot pa sa mediko sa kabesera. Pumayag siyang paalaga kay Dr. de Espadana lamang.
Malubha ang mga sugat ni Simoun. Tumigil sa pagtugtog si Padre Florentino. Iniisip ng pari ang
kahulugan ng pakutyang ngiti ni Simoun nang mabatid nito ang tungkol sa telegrama at sa ikawalo
ng gabi ang dating mga darakip. Naisip ni Padre Florentino na isang taong palalo si Simoun. Datiy
makapangyarihan, ngayoy kahabag-habag. Ngunit bakit sa kanya pinili ni Simoun na makituloy? At
darakpin na lamang nang patay o buhay ay nakukuha pang ngumiti nang pakutya. Inisip ni Padre
Florentino kung paano maililigtas ng isang paring Pilipino si Simoun gayong noong kapanahunan
nito ay humamak sa kanyang pagkamahabang-uri ng pagkapari at pagka-indiyo. Di pinansin ni
Simoun ang pakisuyo ni Padre Florentino may dalawang buwan ang nakalilipas upang tulungang
makalaya si Isagani sa piitan. Si Simoun ang gumawa ng mga kaparaanan upang mapadali ang
pagaasawa ni Paulita kay Juanito na lubos na ipinagdamdam ni Isagani at ikinalalayo nito sa mga
kapwa tao. Nilimot ni Padre Florentino ang lahat. Wala siyang inisip kundi ang pagliligtas kay
Simoun. Ngunit parang walang pagnanasang mailigtas ni Simoun ang sarili. Pumasok si Padre
Florentino sa silid ni Simoun. Wala nang mapangutyang anyo sa mukha ni Simoun. Waring isang
lihim na sakit ang noon ay tinitiis ng mag-aalahas. Napaghulo ng pari na uminom ng lason si
Simoun. Nabaghan ang pari. Tinangka ni Padre Forentino na ihanap ng lunas si Simoun. Pasigaw
na sinabi ng mag-aalahas na huwag na silang mag-aksaya ng panahon dahil mamatay siyang dala
niya ang kanyang lihim. Ang pari ay lumuhod sa kanyang reclinatorio (luhuran sa pagdarasal) at
nanalangin sa paanan ng imahen ni Hesukristo at pagkatapos ay buong kabanalang kanyang inilapit
ang isang silyon sa maysakit, at tumalagang makinig. Ipinagtapat ni Simoun ang tunay niyang
pangalan. Halos nasindak ang pari. Malungkot na ngumiti ang maysakit. Tinakpan ng pari ng panyo
ang mukha at tumungo upang makinig. Isinalaysay ni Simoun ang kanyang buhay. Labintatlong taon
siya sa Europa. Nagbalik siyang puno ng pangarap at pag-asa.Pinatawad ang mga nagkasala sa
kanyang ama pabayaan lamang siyang mabuhay nang payapa. Ngunit mahiwagang mga kamay
ang nagtulak sa kanya sa isang kaguluhang gawa-gawa at ang lahat ay nawala sa kanya.:
pangalan, yaman, pag-ibig, kinabukasan, kalayaan at naligtas lamang siya sa kamatayan sa tulong
ng isang kaibigan. Tinika niyang maghiganti. Nangibang bansa siya dala ang bahagi ng kayamanan
ng kanyang magulang at siyay nangangalakal. Nakilahok siya sa himagsikan sa Kuba. Nakilala niya
roon ang kapitan heneral na noon ay kumandante pa lamang. Pinautang siya. Naging kaibigan
matalik dahil sa kawalanghiyaan ng kapitan na si Simoun ang nakaalam. Sa tulong ng salapi ay
nakuha niyang maging kapitan heneral ang kaibigan at naging sunud-sunuran sa kanya dahil sa
katakawan sa salapi.Inupatan niya ang kapitan sa paggawa ng maraming kabuktutan. Mahaba ang
pagtatapat ni Simoun at gabi na nang matapos. Sandaling naghari ang katahimikan. Paiulita Chikoy
G. Pasta K. Loleng Isagani K. toringgoy Momoy Nabatid din ng madla, sa likod ng pagpigil sa balita,
ang mga pagbabangon at mga supot ng pulbura . Ito ang naging paksa ng usapan ng lahat - palihim
nga lamang. Si Chikoy kasi, payat na platero. Ay nagdala ng hikaw para kay Paulita nang
tinatanggal na ang mga palamuti at mga hapag sa bahay ni Kapitan Tiyago at nakita niya mismo ang
suput-supot na pulbura sa ilalim ng mesa, sa silong, sa bubungan, sa likod ng mga upuan. Ayon
daw kay G. Pasta ay iisa ang maaring gumawa ng gayonisang kaaway ni Don Timoteo o kaagaw ni
Juanito. Naroon sa bahay ng mga platero si Isagani. Anang may-aring si Kapitan Loleng ay magtago
si Isagani. Ngumiti lamang si Isagani. Nagpatuloy si Chikoy. Dumating daw ang mga sibil. Wala
namang mapgbintangan. Si Don Timoteo lamang daw at si Simoun ang nangasiwa sa pag-aayos ng
bahay na iyon. Pinaalis daw ang lahat ng mga di kailangan sa imbestigasyon. Naku, kung may isa
man lang daw na nanigarilyo sa mga trabahador, sasabog ang buong daan ng Anlogue. Kung
sumabog daw ang mga pulbura ang noong gabi. Nangatakot ang mga babae. Naghulaan kung sino
ang pinaghihinulaan. Mga prayle. Si Quiroga. Isang estudyante. Si Makaraig. At tumingin si Kapitan
Toringgoy kay Isagani. Ani Chikoy: ayon sa ilang kawani, si Simoun. Nagtaka ang lahat. Naalala ni
Momoy, isang dumalo sa piging, ang pagalis ni Simoun sa bahay bago magsimula ang hapunan. Si
Simoun daw ay nawawala, patuloy ni Chikoy. Kasalukuyang itoy pinaghahanap ng mga sibil. Lalong
nabuo sa isip ng mga kababaihan ang pagiging demonyo ni Simoun na nagkakatawang-tao. Naalala
uli ni Momoy ang pagkakaagaw sa ilawan ni Simoun na nuoy namamatayan ng ningas. Nagpayot
dito sa silid ni Isagani.Nagpatuloy si Chikoy.Tinataya raw ng mga maykapangyarihan na ang ilawan
ay siyang magpapasiklab sa pulbura. Nahintakutang gayon na lamang si Momoy. Ngunit nang
makita ang kasintahang si Siensa na nakatingin sa kanya ay nagtapang-tapangang nagsabi:
Masama ng ginawa ng magnanakaw. Mamatay sanang lahat! Nagantanda sa takot ang lahat ng
matanda at babae. Lumapit si Momoy kay Isagani. Hindi nga mabuting kumuha ng di kanya. Ani
Isagani na mahiwang nakangiti. Kung nalaman lamang ng magnanakaw na iyon kung ano ang
nilalayon .kung siya ana ay nakapag-isip-isip tiyak na di niya gagawin ang gayon. Pantayan man ng
kahit ano . Hindi ako tatayo s kanyang kalagayan! Saka nagpaalam si Isagani. Ngunit upang hindi
na bumalik pa sa kanyang amain. Inihingi ng tawad ng pari ang mga pagkukulang ni Simoun at
hiniling niya kay Simoun na igalang ang kalooban ng Diyos Mahinahong nagtanong si Simoun kung
bakit hindi siya tinulungan ng Diyos sa kanyang layunin. Ang sagot ng pari ay dahil masama ang
kanyang pamamaraan.Hindi maililigtas ng krimen at kasamaan ang mga dinumihan ng krimen at
kasamaan.Ang poot ay walang nalilikha kundi mga panakot ; ang krimen ay mga salarin ang
nalilikha. Pag-ibig lamang ang nakagagawa ng mga bagay na dakila. Ang katubusan ay kabutihan;
ang kabutihan ay pagpapasakit, ang pagpapasakit ay pag-ibig. Tinanggap ni Simoun ang lahat na
sinabi ng pari. Inamin niyang siya ay nagkamali. ngunit naitanong niya ng dahil ba sa
magkakamaling iyon ay ipagkait na ng Diyos ang kalayaan ng isang bayan at ililigtas ang
napakaraming higit pang salarin kaysa sa kanya. Ang matatapat at mababait ay nararapat na
magtiis nang ang mga adhika nila ay makilala at lumaganap.Ang nararapat na gawin ay magtiis at
gumawa ang tugon ng pari. Napailing si Simoun. Ang magtiis at gumawa ay madaling sabihin sa
mga hindi pa nakaranas ng pagtitiis at paggawa. Anong klaseng Diyos ang humingi ng ganoon
kalaking pagpapasakit. Sinabi ng pari ay ito raw ang isang Diyos na makatarungan.Diyos na
nagpaparusa sa kakulangan natin ng pananalig at sa mga gawa nating masama.Pinabayaan natin
ang kasamaan kayat katulong tayo sa paglikha nito. Ang kalayaan ay di natin dapat tuklasin sa
tulong ng patalim. Tuklasin natin ito sa tulong ng nagpapataas ng uri ng katwiran at karangalan ng
tao.. Gumawa tayo ng mabuti , tapat at marangal hanggang mamatay tayo dahil sa kalayaan. Pinisil
ni Simoun ang kamay ng pari. Naghari ang katahimikan. Dalawang pisil pa. Nagbuntunghininga si
Simoun. Higit na mahabang katahimikan. Nang mapunang hindi umiimik ang maysakit ay pabulong
na nagwika si Padre Florentino; Nasaan ang kabataang naglalaan ng magagandang sandali, ng
kanilang mga pangarap at kasiglahan alang-alang sa ikabubuti ng kanilang bayan ? Saan naroon
ang handang magpakamatay upang hugasan ng dugo ang napakaraming pagkakasala? Upang
karapatdapat ang pagpapakasakit itoy kailangang malinis at busilak. Nasaan ang kabataang may
lakas na tumanan na sa aming mga ugat, ng kalinisan ng diwa na narumihan na sa amin, ng apoy
ng sigla na patay na sa aming puso? O kabataan, kayoy aming hinihintay! Nangilid ang luha sa
mga mata ng pari. Binitawan ang kamay ni Simoun. Lumapit sa durungawan. May kumatok na
utusang nagtanong kung magsisindi na ng ilawan. Sa tulong ng isang lampara ay tinanglawan si
Simoun. Hinipo ito; nabatid na ito ay patay na.Lumuhod at nanalangin si Padre Florentino. Tinawag
ang mga utusan, pinaluhod at pinagdasal. Umalis sa silid si Padre Florentino Kinuha ang takbang
bakal ni Simoun. Dinala ito sa talampas na laging inuupuan ni Isagani upang sisirin ng tingin ang
kalaliman ng dagat. Doon ay inihagis ng pari ang mga takba ng brilyante at alahas ni Simoun.
Nilulon ng dagat ang kayamanang yaon.

You might also like