You are on page 1of 4

PANANALIKSIK UKOL SA EPEKTO NG TEKNOLOHIYA SA KOMUNIKASYON, WIKA,

AT KULTURA

Ang Konseptong-papel na ito ay inihanda at


Iniharap sa Kagawaran at Departamento ng Filipino,
Kolehiyo ng BSIT, STI College Las Pinas

Bilang Pagpapatupad sa isa sa Pangangailangan ng Asignaturang


Fil. 2 - Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

Members
Cadorna, Edison D.
Abriol, Genelsis Allen
Villanueva, Mark Jervin
Bacani, Agatha Dominique O.

Blg. ng miyembro 1-4


BSIT322
SY 2017 - 2018

Bb. Medelyn Obando

March 23, 2017

Talaan ng Nilalaman
Pahinang Pamagat

Talaan ng Nilalaman

I. Rasyunal

II. Layunin

A. Pangkalahatan

B. Tiyak

III. Metodolohiya

IV. Inaasahang Reslulta

Reperensiya, Talasanggunian, Bibliograpiya

Dahong Dagdag

I. Rasyunal

Hindi maipagkakaila ang laki ng naging epekto ng teknolohiya sa pang-araw-araw

na pamumuhay ng mga tao. Simula ng madiskubre ito noong panahon ng

industriyalisasyon, malaki na ang pinagbago nito. Dahil sa mabilis na modernisasyon

ng teknolohiya, mas lalong nagiging malaki ang naitutulong at nagagawa nito sa mga

tao. Hindi lamang malaki ang epekto nito sa mga trabahong ginagawa ng mga tao

ngunit malaki rin ang epektong nagagawa nito sa komunikasyon, wika at kultura ng

bansa. Maaaring ang mga epektong ito ay nakasasama o nakabubuti para sa bansa.

Sa kasalukuyan, ang teknolohiya ay madalas na naiuugnay sa mga makabagong

imbensyon at gadget na ginagamit ang mga makabagong natuklasan na proseso at

prinsipyong maka-agham. Gayun pa man, maaari rin isalarawan ng teknolohiya kahit

na ang mga makalumang imbensyon katulad na lamang ng typewriter. Sa panahon


ngayon, talamak na ang paglaganap ng teknolohiya sa buong mundo. Dahil sa mga ito,

mas napapadali ang mga gawain ng mga tao.

Sa pananaliksik na ito, nais ng mga nananaliksik na malaman at maibahagi ang

mga nagiging masama at mabuting epekto ng teknolohiya sa komunikasyon, wika at

kultura ng bansa. Dahil na rin sa malaking epekto nito sa komunidad, gustong alamin

ng mga nananaliksik kung may malaking kontribusyon nga ba ang teknolohiya sa mga

nagaganap na pagbabago sa wika at kultura ng bansa. Bukod pa rito, ang mga

nananaliksik ay gustong malaman kung ang teknolohiya ay nagkokonekta sa pagitan

ng kultra at wika.

II. Layunin

A. Pangkalahatan

Ang pananaliksik na ito ay tumatalakay sa mga epekto ng teknolohiya sa

komunikasyon, kultura at wika ng bansa. Layunin ng pananaliksik na ito na tukiyin

at maibahagi kung ang mga epektong iyon ay nakabubuti o nakasasama sa bansa.

B. Tiyak

1. Matukoy ang mga dahilan kung paano nakaaapekto at nakatutulong ang

teknolohiya sa komunikasyon

2. Malaman kung paano nakatutulong ang teknolohiya sa pagkokonekta sa

wika at kultura ng bansa

3. Matukoy ang mga kontribusyon ng teknolohiya sa ebolusyon ng wika at

kultura at malaman kung ito ba ay nakasasama o nakabubuti

You might also like