You are on page 1of 16

Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

MGA MATERYALES NG MODYUL

Talaan ng mga modyul

Blg. CODE NG
PAMAGAT NG MODYUL
MODYUL
Ang Pagtataguyod ng Wikang Pambansa sa Mas
1. Mataas na Antas ng Edukasyon at Lagpas Pa FIL 313-1

Pagpoproseo ng Impormasyon Para sa


2 Komunikasyon FIL 313-2

MGA GAWING PANGKOMUNIKASYON NG MGA


3 FIL 313-3
PILIPINO
4 Mga Napapanahong Isyung Lokal at Nasyonal FIL 313-4

5 Mga Tiyak na Sitwasyong Pangkomunikasyon FIL 313-5

Bachelor of Science in Bulacan Date Developed:


0 June 2020
Office Management Polytechnic Page 1 of 16
Date Revised:
Kontekstwalisadong College July 2020
Komunikasyon sa Document No. Developed by:
Roselyn L. Dela cruz Revision # 02
Filipino 313 30-Fil 313
Mga Gawing
Pangkomunikasyon
ng mga Pilipino

Bachelor of Science in Bulacan Date Developed:


0 June 2020
Office Management Polytechnic Page 2 of 16
Date Revised:
Kontekstwalisadong College July 2020
Komunikasyon sa Document No. Developed by:
Roselyn L. Dela cruz Revision # 02
Filipino 313 30-Fil 313
NILALAMAN NG MODYUL
PAMAGAT NG KURSO: Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

PAMAGAT NG MODYUL: Mga Gawing Pangkomunikasyon ng mga


Pilipino

BILANG NG ORAS: 3

MGA TIYAK NA LAYUNIN NG PAGKATUTO:

Sa pagtatapos ng kurso, inaaasahang matututuhan ng mga mag-aaral ang


mga sumusunod:
Kaalaman
1. Mailarawan ang mga gawaing pangkomunikasyon ng mga Pilipino sa iba’t
ibang antas at larangan.
2. Maipaliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang mabisang wika sa
kontektwalisadong komunikasyon sa mga komunidad at sa buong bansa.
Kasanayan
1. Magamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na sitwasyong
pangkomunikasyon sa lipunang Pilipino.
2. Makapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng
tradisyonal at modernong midyang akma sa kontekstong Pilipino.
3. Makagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na presentasyon ng
impormasyon atanalisis na akma sa iba’t ibang konteksto.
4. Makagawa ng makabuluhan at mabisang materyales sa komunikasyon na
akma sa iba’t ibang konteksto.
Halagahan
1. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling paraan ng pagpapahayag ng mga
Pilipino sa iba’t ibang antas at larangan.
2. Maisaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa
pakikipagpalitangideya.

PANGALAWANG PAKSA:
• Tsismisan
• Umpukan
• Talakayan
• Pagbabahay-bahay
• Pulong-bayan
• Komunikasyong Di Berbal (Kumpas atbp.)
• Mga Ekspresyong Lokal
PAMAMARAAN NG PAGTATAYA:
• Oral naPagsusulit
• Pagsasanay
• Pagradong Talakayan

SANGUNIAN:
https://www.scribd.com/document/398698619/Kontekstwalisadong-
komunikasyon-sa-akodemikong-Filipino

Bachelor of Science in Bulacan Date Developed:


0 June 2020
Office Management Polytechnic Page 3 of 16
Date Revised:
Kontekstwalisadong College July 2020
Komunikasyon sa Document No. Developed by:
Roselyn L. Dela cruz Revision # 02
Filipino 313 30-Fil 313
Mga ImpormasyonFIL 313-3
Mga Gawing Pangkomunikasyon ng mga Pilipino

MGA LAYUNIN SA PAG-AARAL:


Sa pagtatapos ng kurso, inaaasahang matututuhan ng mga mag-aaral ang
mga sumusunod:
Kaalaman
1. Mailarawan ang mga gawingpangkomunikasyon ng mga Pilipino sa iba’t
ibang antas at larangan.
2. Maipaliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang mabisang wika sa
kontektwalisadong komunikasyon sa mga komunidad at sa buong bansa.

Kasanayan
1. Magamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na sitwasyong
pangkomunikasyon sa lipunang Pilipino.
2. Makapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng
tradisyonal at modernong midyang akma sa kontekstong Pilipino.
3. Makagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na presentasyon ng
impormasyon atanalisis na akma sa iba’t ibang konteksto.
4. Makagawa ng makabuluhan at mabisang materyales sa komunikasyon na
akma sa iba’t ibang konteksto.

Halagahan
1. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling paraan ng pagpapahayag ng mga
Pilipino sa iba’t ibang antas at larangan.
2. Maisaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa
pakikipagpalitangideya.

Mahalaga ang ginagampanan ng komunikasyon sa pang-araw-araw na


pakikipagsapalaran ni Juan dela Cruz sapagkat nag-iiwan ito ng kaintalanag
maaaring may malaking dulot sa karanasang agpapatakbo ng kanyang sariling
buhay.

Bachelor of Science in Bulacan Date Developed:


0 June 2020
Office Management Polytechnic Page 4 of 16
Date Revised:
Kontekstwalisadong College July 2020
Komunikasyon sa Document No. Developed by:
Roselyn L. Dela cruz Revision # 02
Filipino 313 30-Fil 313
Mga Gawing Pangkomunikasyon ng mga Pilipino
• TSISMISAN: Pakikipagkwento ng Buhay-buhay ng mga
Kababayan
Gaya nga ng sabi ni Rico Blanco sa kanta niyang “Chismis”, ang tsismis
ay ang pambansang marijuana ng bansa. Parte na ito ng kulturang Pilipino.
Bawat barangay ay mayroong isang grupo ng mga tsismoso/a na nagkikita
araw-araw para pag-usapan ang mga ‘balita’. Kadalasan naririnig ito sa
palengke, bakuran, tindahan at pinapasukan ng mga manggagawa ngunit
kadalasan sa mga ito ay mga housewife o di kaya mga middle-aged na walang
magawa. Madalas na maririnig ang mga Pilipino na magsabi ng “Tara
magtsismisan tayo” o kaya “Ano ang bagong tsismis?”
Gaya ng lahat ng bansa, mahilig magtsismisan ang mga Pilipino, ngunit
may mas negatibo na konotasyon ng salitang tsismis kumpara sa Ingles na
may katumbas na ‘gossip’. Ang gossiper ay tumutukoy lamang sa tao na
mahilig makipagkwentuhan o magkalat ng sikreto ng iba samantalang ang
tsismosa ay kilala bilang sinungaling at mapag-imbento ng kwento. Paminsan-
minsan lamang kung magsabi ng katotohanan at kung totoo naman ang mga
kwento ay madalas namang exaggerated.
Karaniwang nilalayuan o iniiwasan ang mga tsismoso/a, pero marami
rin ang mahilig makipagkwentuhan sa kanila. Natural lamang na maintriga
ang mga tao sa mga sikreto at baho ng iba. Ang mali sa pagiging tsimoso/a ng
mga Pinoy ay ang pangtsitsismis hango sa inggit na naging pasimpleng paraan
na upang makapanakit sa kapwa at mga kaaway.
Ang mga tsismis ay kadalasang ginagamit para makasakit at
makapanira ng reputasyon ng ibang tao, o kaya naman ay husgahan ang
kanilang katauhan, kamalian, at kasalanan. Ang madalas na pinaguusapan na
tsismis sa komunidad ay mga sensitibong bagay tulad ng sex, paagbubuntis ng
mga hindi kasal o ‘disgrasyada’, pagiging homoseksuwal, at pambababae,
ngunit pinagtsitsismisan din ang iba’t ibang bagay tulad ng estado sa buhay o
kaya naman sa pag-aaral.

Bachelor of Science in Bulacan Date Developed:


0 June 2020
Office Management Polytechnic Page 5 of 16
Date Revised:
Kontekstwalisadong College July 2020
Komunikasyon sa Document No. Developed by:
Roselyn L. Dela cruz Revision # 02
Filipino 313 30-Fil 313
Legal na Aksyon at mga Patakaran na Kaugnay ng Tsismis
Sa Kodigo Sibil sa Artikulo 26 na ang mga sumusunod na akto, bagamat
hindi maituturing na krimen ay maaaring makabuo ng isang dahilan ng
aksyon o cause of action para sa mga danyos, pagtutol at iba pang kaluwagan:

1. Panunubok sa pribadong buhay ng iba;


2. Panghihimasok o pang-iistorbo sa pribadong buhay o ugnayang
pampamilya ng iba;
3. Pang-iintriga na dahilan kung bakit ang isang indibidwal ay iiwasan ng
kanyang kaibigan;
4. Pang-aasar o pamamahiya sa iba dahil sa kanyang paniniwalang
pangrelihiyon, mababang antas ng pamumuhay, luugar ng
kapanganakan, pisikal na depekto at iba pang personal na kondisyon.

Ito ay sinang-ayunan sa Kodigo Penal ng Pilipinas sa Artikulo 353, ang


Libelo na isang pampubliko at malisyosong mga paratang sa isang krimen o sa
isang bisyo o depekto na maaaring makatotohanan o haka-haka, anumang
kilos, pagkukulang, kondisyon katayuan o kalagayan na dahilang ng
kasiraang-puri, ngalan o pagpapasala sa isang likas na tao o upang masira ang
alaala ng isang namayapa na (Salin mula sa Article 353, RPC).
Sa barangay, may karampatang multa ang bawat tsismis. 300, 500 at
1000 sa una, ikalawa at ikatlong paglabag na may kaakibat na community
service.
• TALAKAYAN: Masisinang Palitan at Talaban ng Kaalaman

Ang talakayan ay pagpapalitan ng ideya sa pagitan ng dalawa o higit


pang kalahok na nakatuon sa tukoy na paksa. Ito ay maaring por mal o
impormal at puwedeng harapan o mediated o ginamitan ng anumang medya.
Ang pormal na talakayan ay karaniwang nagaganap sa mga itinakdang
pagpupulong at sa mga palabas sa telebisyon at programa sa radio kung saan
pinipili ang mga kalahok. Sa kabilang banda, ang impormal na talakayan ay
madalas nangyayari sa umpukan, at minsan sa tsismisan o di sinasadyang
pagkikita kay may posibilidad na hindi lahat ng kalahok ay mapipili. Ang
karaniwang layon ng talakayan ay pagbusisi sa isyu o mga isyung kinakaharap
ng isang tao, isang grupo, buong pamayanan, o buong bansa para makahalaw
ng aral, magkaroon ng linaw at pagkakaunawaan, maresolba ang isa o
makakakawing na mga problema at makagawa o makapagmungkahi ng
deesisyon at aksiyon. Para maabot ang layon, kahingian ang bukal sa loob na
pagpapalitan, masinsinang pagsusuri at pagtatasa, at pagtatahi ng mga

Bachelor of Science in Bulacan Date Developed:


0 June 2020
Office Management Polytechnic Page 6 of 16
Date Revised:
Kontekstwalisadong College July 2020
Komunikasyon sa Document No. Developed by:
Roselyn L. Dela cruz Revision # 02
Filipino 313 30-Fil 313
opinion, kaalaman at proposisyon. Malabong may maabot ang isang talakayan
kung walanag mangyayaring bahagina at deliberasyon sa pagitan ng mga
kalahok. Sa mga pormal na talakayan, karaniwan nang may itinalaganag
tagapagdaloy (facilitator) na tiyak sa kaayusan ng daloy ng diskusyon. Sa
pareho, inaasahan na magkakaroon ng pagpapalitan at pagbabanggaan ng
magkakaibang pananaw, pagkritik sa mga ibinahaging ideya at impormasyon,
at maging ang marubdob na pagtatalo-talo lalo na kapag kontrobersiyal o
sensitibo ang paksa. May mga pagkakataong nagkakainitan kung kaya
mahalaga rin ang papel ng mga kalmadong kalahok na magsisilbing taga-awat
o tagapagpalamig (neutralizer) kapag may nagtataas nang boses, nagmumukha
nang inis o galit, at may nauubusan na ng pasensiya. Maaaring mas tuwiran
ang sagutan kapag palagay na ang loob sa mga katalakayan. Sa mga mainit na
pagtatalo, balitaktakan o tuligsaan, kadalasang maingat ang mga Pilipino sa
pagbibitaw ng salita at sa binibitawang mga salita (Maggay, 2002, p.29).

Sa lipunang Pilipino, mas madalas mangyari ang harapan kaysa


mediated na talakayan, na maaaring iangkla ang pagiging makalipunan nating
mga Pilipino at sa “personal” na pakikipag-ugnyan natin sa kapuwa (San Juan
& Soriaga, 1985, p. 435). Halimbawa, sa pag-aaral ni Bawas (2008). Ang
pangkatang talakayan ay isa sa mga pamamaraan ng harapang komunikasyon
na madalas gamitin ng mga barangay health worker sa Bakun, Benguet dahil
mas personal ang dulog at mas nagkakaroon ng pagkakaunawaan ang mga
magkakausap. Talamak din ang paggamit ng talakayan sa mga pananaliksik
sa agham panlipunan na kadalasa’y ginagamitan ng mga gabay na
katanungan. Subalit may mga bentahe ang mediated na talakayan na wala sa
harapang porma nito. Una, naiigpawan nito ang hadlang sa distansiya kung
ang mga kalahok ay magkakalayo.

Halimbawa, maaaring gamitin ang teleconferencing o Facebook chatgroup para


makapagsagawa ng talakayan ang mga taong nasa iba’t ibang pamayanan.
Pangalawa, maraming tagapakinig o manonood ang naaabot ng talakayang
isinasahimpapawid sa pangmadlang midya kagaya ng radio o telebisyon.

Halimbawa, ang talakayan sa telebisyon sa pagitan ng mga piling eksperto,


opisyal ng gobyerno at mamamayan hinggil sa isang problemang panlipunan
ay maaaring mapanood ng maraming Pilipino sa iba’t ibang panig ng bansa at
makapagbigay sa kanila ng kapaki-pakinabang na ideya upang harapin ang
problema. Pangatlo, ang midyang pangkomunidad ay mainam gamitin sa mga
talakayan hinggil sa mga gawaing pangkaunlaran na nakatuon sa mga tukoy
na pamayanan at may dulog na partisipatori (Quebral, 1988, p.81). Ang
radyong Tambuli ay isang magandang halimbawa ng midyang pangkomunidad
sa Pilipinas kung saan nagaganap ang demokratikong talakayang na mediado
sa pagitan ng mga opisyal ng lokal na pamahalan at ng mga mamayan
(Gumucio-Dagron, 2001, pp. 110-111). Masigla ang talakayang pagkomunidad
sa radyong Tambuli dahil ang estasyon ay pinamamahalaan ng isang
multisektoral na konseho, ang mga brodkaster ay mga lokal na boluntir, at ang
mga programa ay nakalapat saa sosyo-ekonomik, kultural, politikal at
pangkaligirang konstekto ng mga tao sa mga komunidad na pinaglilingkuran
nito.

Bachelor of Science in Bulacan Date Developed:


0 June 2020
Office Management Polytechnic Page 7 of 16
Date Revised:
Kontekstwalisadong College July 2020
Komunikasyon sa Document No. Developed by:
Roselyn L. Dela cruz Revision # 02
Filipino 313 30-Fil 313
• UMPUKAN
Ang umpukan ay ang paggawa ng tao ng isang maliit na grupo o
pangkat, pagtitipon ng mga tao para sa isang okasyon o pangyayari o sa anong
kadahilanan. Ginagamit din ang “umpukan” para ilarawan ang kakapalan o
karamihan ng tao sa isang grupo o pangkat. Maari rin na ang “umpukan” ay
mangangahulugang buhol. Isa sa pinakamasarap gawin ay makisalo sa
umpukan at pag-usapan ang kung anu-ano lang.
IBA’T-IBANG LUGAR KUNG SAAN KARANIWANG GINAGAWA ANG ISANG
UMPUKAN
Sa isang klase, nagbigay ng limang grupo ang isang guro para pag-
usapan ng mga estudyante and napapanahong isyu.
Sa isang baranggay, nagpulong-pulong ang mga kasapi ng isang purok
para pagusapan ang pwedeng gawin sa isang bayanihan.
Sa isang kanto, nag-iinuman ang mga kapit-bahay mong tambay at
pinag uusapan nila ang bagong salta mong kapit-bahay.
Sa isang parke, isang umpukan ng mga bata ang naglalaro ng Jak en
poy.

• PAGBABAHAY-BAHAY: Pakikipag-kapuwa sa Kanyang Tahana’t


Kaligiran
Ang pagbabahay-bahay ay isang gawaing pangkomunikasyon ng mga
Pilipino kung saan naglalakbay o dumadayo ang isang tao o grupo ng tao sa
isang partikular na lugar kung saan iniisa-isa nila ang mga kabahayan upang
kumuha ng mga impormasyon o datos na kinakailangan nilang makalap para
sa isang partikular na gawain. Ang halimbawa nito ay ang census, oplan
tokhang, pangangampanya at marami pang iba.
Census
Ito ay isang gawain kung saan isinasagawa
ang pagbabahay-bahay upang makakalap ng mga
mahahalagang impormasyon. Halimbawa nito ay
ang 2015 Census of Population. Ito ay isinasagawa
tuwing Agosto upang magkaroon ng angkop na
datos ng bolang ng populasyon sa bawat barangay
sa buong bansa.

(MediaSource:https://www.fa
cebook.com/1180105148850
06/photos/support-the-2015-
census-of-population-
magpabilang-magpa-
census/1012225565463492/

Bachelor of Science in Bulacan Date Developed:


0 June 2020
Office Management Polytechnic Page 8 of 16
Date Revised:
Kontekstwalisadong College July 2020
Komunikasyon sa Document No. Developed by:
Roselyn L. Dela cruz Revision # 02
Filipino 313 30-Fil 313
Oplan Tokhang
Ito ay hango sa salitang cebuano na toktok-hangyo
o ang ibig sabihin ay katok at pakiusap. Gawain
itong isinasagawa ng mga pulis alinsunod sa
programa ng administrasyong Duterte kung saan
nagbabahay-bahay sila upang madakip ang mga
gumagamit at nag bibinta ng mga ipinagbabawal na
gamot o droga. (Media Source: https://news.abs-
cbn.com/news/01/29/18/police-relaunch-tokhang-
as-bishops-warn-vs-waste-of-lives)

• PULONG-BAYAN: Marubdod na Usapang Pampamayanan


Ang pulong-bayan ay pagpupulong ng mga taong naninirahan sa isang
bayan upang pag-usapan ang mga suliranin, hakbang at maging ang mga
inaasahang pagbabago. Ito ay pamamaraan ng mga Pilipino upang
mapagusapan nang maayos ang mga bagay-bagay. Dito maaaring sabihin ng
mga kalahok ang kanilang saloobin. Lahat ay binibigyan ng pagkakataon
makapagsalita. Ito ay pangkomunikasyon na pamamaraan ng mga Pilipino.
Ito ay karaniwang isang paraan na kung saan ang mga tao ay
makakagawa ng mga demokratikong desisyon. Sa isang pulong ng bayan dapat
tiyakin ng lahat ng tao na nakikilahok sila sa mga legal na gawain ng negosyo.
Nakatalaga sa mga pulong bayan ang mga agenda na dapat pag-usapan.
Ang isa sa mga pinaka-kapansin-pansin na starters ng mga pulong-
bayan ay tinukoy bilang Puritans.

• KOMUNIKASYONG DI-BERBAL
Ito ay gumagamit ng ekspresyon ng mukha, galaw ng katawan at
salitang hindi maiintindihan ng taga-pagkinig. Mahalaga ang di- berbal na
komunikasyon sapagkat:
1. Inilalantad o ipinahihiwatig nito ang kalagayang emosyunal ng isang tao
2. Nililinaw nito ang kahulugan ng isang mensahe
3. Pinananatili nito ang interaksyong resiprokal ng tagapagpadala at
tagatanggap ng mensahe
Ang mga sumusunod ay ang iba’t ibang uri ng komunikasyong di-berbal:
1. Oras (Chronemics). Mahalaga ang oras. Ito ay ang isang bagay na kulang sa
maraming tao. Ang paggamit ng oras, kung gayon, ay maaaring kaakibatan ng
mensahe.

Bachelor of Science in Bulacan Date Developed:


0 June 2020
Office Management Polytechnic Page 9 of 16
Date Revised:
Kontekstwalisadong College July 2020
Komunikasyon sa Document No. Developed by:
Roselyn L. Dela cruz Revision # 02
Filipino 313 30-Fil 313
2. Espasyo (Proxemics). Maaaring may kahulugan din ang espasyong inilalagay
natin sa pagitan ng ating sarili at ng ibang tao.
a. Public Distance (12 ft or more)
b. Social Distance (4-12 ft)
c. Personal Distance (1 ½- 4 ft)
d. Intimate Distance (up to 1- ½ ft)

3. Katawan (Kinesics). Maraming sinasabi ang ating katawan, minsan pa nga’y


higit pa sa mga tunog na lumalabas sa ating mga bibig. Kaya nga may
tinatawag sa Ingles na body language. Ito ay maaaring Makita sa ating mga
mata. Hindi rin maitatago ang ating mga damdamin at tunay na intensyon sa
ating mukha. Makikita sa mukha ng tao kung siya’y masaya, umiibig,
malungkot, nag-aalala, natatakot, may suliranin, nahihirapan o galit. Ang
ating pananamit at kaanyuan ay maaaring may mensahe rin. Ang ating tindig
at kilos ay maaari ring magsalita para sa atin. Maaaring ang kumpas ng kamay
din (1) regulative, (2) descriptive, at (3) emphatic.

a. Panlalaki ng mata (galit, gulat, hindik, pagtataka)

(Media Source:https://www.scribd.com/presentation/428824953/Mga-
Gawaing-Pangkomunikasyon-Ng-Mga-Pilipino-Autosaved)

b. Pagtaas ng isang kilay (pang-iisnab, pagtutol, panlalait, pagmamataas)

(Media Source:https://www.scribd.com/presentation/428824953/Mga-
Gawaing-Pangkomunikasyon-Ng-Mga-Pilipino-Autosaved)

Bachelor of Science in Bulacan Date Developed:


0 June 2020
Office Management Polytechnic Page 10 of 16
Date Revised:
Kontekstwalisadong College July 2020
Komunikasyon sa Document No. Developed by:
Roselyn L. Dela cruz Revision # 02
Filipino 313 30-Fil 313
c. Pagkunot ng noo (naguluhan, yamot, nag-iisip nang malalim)

(Media Source:https://www.scribd.com/presentation/428824953/Mga-
Gawaing-Pangkomunikasyon-Ng-Mga-Pilipino-Autosaved)

d. Pagnguso (pagtatampo, may itinuturo)

(Media Source:https://www.scribd.com/presentation/428824953/Mga-
Gawaing-Pangkomunikasyon-Ng-Mga-Pilipino-Autosaved)

e. Pagkagat ng labi (pagsisisi, pagdadalamhati, nasasaktan)

(Media Source:https://www.scribd.com/presentation/428824953/Mga-
Gawaing-Pangkomunikasyon-Ng-Mga-Pilipino-Autosaved)

Bachelor of Science in Bulacan Date Developed:


0 June 2020
Office Management Polytechnic Page 11 of 16
Date Revised:
Kontekstwalisadong College July 2020
Komunikasyon sa Document No. Developed by:
Roselyn L. Dela cruz Revision # 02
Filipino 313 30-Fil 313
f. Pag-umang ng nakakuyom na kamao (laban o astang palaban)

(Media Source:https://www.scribd.com/presentation/428824953/Mga-
Gawaing-Pangkomunikasyon-Ng-Mga-Pilipino-Autosaved)

g. Pagngisi (may masamang balak)

(Media Source:https://www.scribd.com/presentation/428824953/Mga-
Gawaing-Pangkomunikasyon-Ng-Mga-Pilipino-Autosaved)

h. Pagkibit ng balikat (pagwawalang bahala)

(Media Source:https://www.scribd.com/presentation/428824953/Mga-
Gawaing-Pangkomunikasyon-Ng-Mga-Pilipino-Autosaved)

Bachelor of Science in Bulacan Date Developed:


0 June 2020
Office Management Polytechnic Page 12 of 16
Date Revised:
Kontekstwalisadong College July 2020
Komunikasyon sa Document No. Developed by:
Roselyn L. Dela cruz Revision # 02
Filipino 313 30-Fil 313
i. Pagkuyakoy ng mga hita o binti habang nakaupo (ninenerbyos o sobrang
sigla)

(Media Source:https://www.scribd.com/presentation/428824953/Mga-
Gawaing-Pangkomunikasyon-Ng-Mga-Pilipino-Autosaved)

4. Pandama (Haptics). Ito ay tumutukoy sa paggamit ng sense of touch sa


pagpapahatid ng mensahe sa ating wika, may iba iba tayong tawag sa paraang
paghawak sa tao o bagay at sa bawat paraan may iba ibang kahulugan. Ito ay
ang mga: hawak, pindot, hablot, pisil, tapik, batok, haplos, at hipo.
5. Simbolo (Iconics). Sa ating paligid ay marami kang makikitang simbolo na
may malinaw na memsahe.

6. Kulay (Colorics). Ang kulay ay maaaring magpapahiwatig ng damdamin o


oryentasyon. Sadya ngang ang kulay ng mga bagay-bagay ay nilalapatan natin
ng kahulugan.

(Photo Source:https://www.scribd.com/presentation/428824953/Mga-
Gawaing-Pangkomunikasyon-Ng-Mga-Pilipino-Autosaved)

Bachelor of Science in Bulacan Date Developed:


0 June 2020
Office Management Polytechnic Page 13 of 16
Date Revised:
Kontekstwalisadong College July 2020
Komunikasyon sa Document No. Developed by:
Roselyn L. Dela cruz Revision # 02
Filipino 313 30-Fil 313
7. Bagay (Objectives). Ito ay may kahulugang ipinahihiwatig na minsan ay
hindi napapansin ng mga tao na minsan din ay minsang makikita. Ang gamit
ng isang bagay ay isang mensahe na pinapakita nito.
8. Kapaligiran. Malinaw na ipinapakita sa ating kapaligiran ang kahulugan
kung ito ay malinaw, maayos, hindi magulo, o di kaya’y magandang
bakasyonan o puntahan.
9. Paralanguage. Ito ay tumutukoy sa paraan ng pagbigkas sa isang salita.
Halimbawa nito ay ang pagsasalita ng isang pipi. Hindi masyadong
maiintindihan ng isang tagapagkinig ang mensahing ibinabahagi ng isang pipi,
maliban na lamang kung ika’y isang eksperto o may kaalaman sa mga
pananalita o kumpas ng kamay ng isang pipi.

• MGA EKSPRESYONG LOKAL


Ibig sabihin, ang mga ekspresyong lokal ay nangangahulugang mga
salitang ginagamit ng mga tao sa pagpapahayag ng kanilang mga saloobin o
damdamin. Ito ay maaaring sa isang lugar lamang sapagkat ito ay “lokal”
lamang.
Katulad halimbawa ng mga bakla o ng mga tambay sa kanto na may
sariling pamamaraan ng pagpapahayag ng kanilang saloobin na kakaiba ang
lenggwahe at hindi agad na maiintindihan sapagkat ito ay sarili nilang mga
salita.
Alam naman natin ang mga panibagong salita na sumikat sa
kasalukuyang panahon gaya ng mga sumusunod:

(Photo Source:https://www.scribd.com/presentation/428824953/Mga-
Gawaing-Pangkomunikasyon-Ng-Mga-Pilipino-Autosaved)

Bachelor of Science in Bulacan Date Developed:


0 June 2020
Office Management Polytechnic Page 14 of 16
Date Revised:
Kontekstwalisadong College July 2020
Komunikasyon sa Document No. Developed by:
Roselyn L. Dela cruz Revision # 02
Filipino 313 30-Fil 313
(Media Source:https://www.scribd.com/presentation/428824953/Mga-
Gawaing-Pangkomunikasyon-Ng-Mga-Pilipino-Autosaved)
Ang mga halimbawa sa itaas ay mga salitang tambay o pang-kanto at
maaaring mga salitang balbal na ang ibig sabihin ay mga salitang
panlansangan. (TAGALOG LANG, 2002)
Ilan din sa mga halimbawa nito ay
“Patola” - ginagamit upang ilarawan ang isang tao na mainitin ang ulo at
pumapatol sa issue.
“Hopia” - Isang tao na patuloy na umaasa sa isang bagay na imposible ng
mangyari.
“Anak ka ng tokwa” - Isang ekspresyon na nababanggit na nagpapahayag ng
pagkamangha o galit.
Ang mga halimbawang mga salita ay nagsasaad ng pagpapahayag ng
saloobin o damdamin o mga ekspresyon na ginagamit sa isang lugar at kapag
mayroong dayuhan ay hindi ito agad na mabibigyan ng kahulugan o tamang
interpretasyon sapagkat ito ay maaaring espesyal lamang sa isang eksaktong
pook na ang mga salita ay maaari rin namang lumaganap dahil may
posibilidad na ang dayuhang titira sa lugar na iyon ay makakasanayan ang
salitang kaniyang nakagisnan sa lugar.
Ayon din sa isang ulat, may iba’t ibang mga wika o dayalekto na
ginagamit ang bawat pangkat-etniko lalo na sa ating bansa na tinatawag na
mga ekspresyong lokal. Itatak natin sa ating isipan na ang mga ekspresyong
ito ay mula sa isang “lokal”. Ibig sabihin, ang mga nakaugalian ng mga tao sa
iisang lipunan o pangkat.
Batay sa Census of Population and Housing (Census 2000) ng National
Statistics Office, ang populasyon ng Dabaw ay 1,147,116. Cebuano ang wika
ng karamihan. Isa sa bawat tatlo ay Cebuano (33.32%). Ang iba ay mga Bisaya

Bachelor of Science in Bulacan Date Developed:


0 June 2020
Office Management Polytechnic Page 15 of 16
Date Revised:
Kontekstwalisadong College July 2020
Komunikasyon sa Document No. Developed by:
Roselyn L. Dela cruz Revision # 02
Filipino 313 30-Fil 313
(31.69%), Dabawenyo (7.84%), Boholano (6.61%), Ilongo (3.7%) o kasapi ng
ibang grupong etniko (16.01%) at mga etnikong dayuhan.
Sa kabilang dako, nailathala naman sa pangturismong websayt,
http://davao.islandsphilippines.com/davao_dialect.html, ang Talaan ng iba’t-
ibang katutubong wika ng mga taga-syudad ng Dabaw:
● Cebuano, 74.56%;
● Tagalog, 3.86%;
● Hiligaynon, 3.43%;
● Bagoboo,
● Guiangao, 3.16%;
● Davaoeño,1.26%;
● Tagacaolo, 2.38%;
● Bilaan, 1.67%;
● Ilocano, 1.01%;
● Waray, 0.55%;
● Manobo, 2.15%;
● Maguindanao, 1.91%;
● Mandaya, 2.01%;
● ibang wika, 2.04%;
● hindi tiyak, 0.01%.

Sa kabuuan, ang mga ekspresyong lokal ay ang mga salitang ginagamit


ng mga tao sa isang partikular na lugar at maaring ito ay ang iba’t ibang
barayti ng wika na nalalaman ng mga pangkat ng tao kung saan siya
naninirahan.

Bachelor of Science in Bulacan Date Developed:


0 June 2020
Office Management Polytechnic Page 16 of 16
Date Revised:
Kontekstwalisadong College July 2020
Komunikasyon sa Document No. Developed by:
Roselyn L. Dela cruz Revision # 02
Filipino 313 30-Fil 313

You might also like