You are on page 1of 13

Republic of the Philippines

CAMARINES NORTE STATE COLLEGE


F. Pimentel Avenue, Brgy. 2, Daet, Camarines Norte – 4600, Philippines

COLLEGE OF TRADES AND TECHNOLOGY


Mga Kagamitang
Fil.1 Kontekstwalisadong Pagkatuto-
Komunikasyon
sa Filipino

1st
Semester
AY 2021-2022

KOMUNIK
ASYONG DI-BERBAL
SITWASY
ONG PANGWIKA

1 | Page KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO


Republic of the Philippines
CAMARINES NORTE STATE COLLEGE
F. Pimentel Avenue, Brgy. 2, Daet, Camarines Norte – 4600, Philippines

COLLEGE OF TRADES AND TECHNOLOGY

FIL.1 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO


[KRISTEL MAY B. DE ARAO]
[Instructor 1]

Contact Details
Contact Number: [09369324410]
E-mail Address: [kristelmay16.dearao@gmail.com]
Web Address: https://web.facebook.com/kristelmay.dearao.7

Consultation Schedule
[Wednesday to Friday 10:00am -12:00pm]

BALANGKAS NG MGA PAKSA ORAS: 3


A. KOMUNIKASYONG DI-BERBAL IKA- 8 LINGGO [Midterm]
B. SITWASYONG PANGWIKA

INTENDED LEARNING OUTCOMES (ILO’s)


Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
● Nakikilala ang iba’t ibang uri ng komunikasyong di-berbal
● Naipapahayag ang saring ideya hinggil sa mga sitwasyong pangwika
● Nakabubuo ng isang repleksyong papel tungkol sa isang babasahin “Ipinagbubuntis ng wika ng
telebisyon ang wikang Filipino”

Introduksyon:

A. KOMUNIKASYONG DI-BERBAL
Ang komunikasyong berbal ay pangunahing kumakasangkapan sa wika sa pagpapahayag ng
kaisipan o damdamin. Ang wika ay maaari ring magamit sa pagsira o pagpigil sa makakabuluhang usapan
o palitang-kuro na maaaring humantong sa dimagandang relasyon sa kapwa.

Hindi ito gumagamit ng salita o wika bagkus ay naipapakita ang mensaheng nais iparating sa
kausap sa pamamagitan ng kilos o galaw ng katawan o bahagi ng katawan ng tao.

MGA URI NG DI-BERBAL NA KOMUNIKASYON

1. OBJECTIVES- may mga ginagamit na bagay upang kontrolin o magbigay ng mensahe


para sa ibang tao.
2. CHRONEMICS-paggamit ng oras bilang mensahe sa komunikasyon.
3. OLFACTORICS- ginagamit ng isang tao ang pandama sa pakikipaugnayan sa iba ay
ang kanyang pang-amoy.
4. PROXEMICS. Ito ay paggamit ng distansya o espasyo ng sarili sa ibang tao.
5. KINESICS. Ito ay tinatawag ding body language. Ito ay komunikasyong gumagamit ng
katawan bilang mensahe.
6. VOCALICS- ang di-berbal na komunikasyon sa mga nalilikhang tunog bukod sa mga
pasalitang paraan ng pakikipagtalastasan.

2 | Page KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO


Republic of the Philippines
CAMARINES NORTE STATE COLLEGE
F. Pimentel Avenue, Brgy. 2, Daet, Camarines Norte – 4600, Philippines

COLLEGE OF TRADES AND TECHNOLOGY


7. HAPTICS. Ito ay tumutukoy sa paggamit ng sense of touch kapag nagpapahatid ng
mensahe.
8. ICONICS. Simbolo o sagisag.
9. COLORICS. Ito ay komunikasyong ginagamitan ng kulay sa pagpapahayag ng
mensahe.
10. PARALANGUAGE. Pagbigkas ng mga makabuluhang yunit ng tunog na hindi
inirerepresenta ng letra kapag sinusulat.
11. OCULESICS. Tumutukoy ito sa paggamit ng mga mata sa pagpapahayag ng mensahe
12. PICTICS. Ito ay ekspresyon ng mukha sa pagpapahayag ng mensahe.

B. SITWASYONG PANGWIKA
Sapagkat patuloy na umuunlad at nagbabago ang mundo, nagbabago rin ang paggamit ng wika sa iba’t
ibang siywasyon. Sa komunikasyon, maraming pamamaraan upang ibahagi ang kaalaman, ideya,
damdamin at iba pagamit ang wika.

IBA’T IBANG SITWASYONG PANGWIKA NA KASALUKUYAN NATING GINAGAMIT

1. Sitwasyong Pangwika sa Telebisyon


Filipino ang karaniwang ginagamit na wika bilang midyum sa telebisyon. Sa mga local channel
karaniwang palabas ay gumagamit ng wikang Filipino. Sinasabing ang telebisyon ang
pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan dahil sa kasalukuyan dahil sa dami ng mamamayang
nakaabot nito.

Ang paggamit ng wikang Filipino ng mga nangungunang estasyon sa telebisyon gaya ng GMA
7, ABS CBN at TV% ay malaking impluwensya sa pakikipagkomunikasyon ng mga tao. Ang paggamit
ng wikang abot at madaling maiintindihan ay salik sa pagkatuto nang nakararami sa pamamagitan ng
panggagaya sa paraan ng pagsasalita mula sa mga napapanood sa telebisyon. Mabuti man o masama,
isang mahalagang isaalang-alang ang wika sa telebisyon bilang komunikasyong Filipino.

2. Sitwasyong Pangwika sa Social Media at Internet


Ingles ang nangungunang wika na ginagamit sa social media at internet. Sa kasalukuyan,
haloslahat ng tao s mundo ay gumagamit ng social media o nakaa-access sa internet. Isa ang social
media sa pinakaepisyenteng paraan sa pagpapadala ng mensahe sa mga malalayong lugar at mahal
sa buhay. Kabilang sa mga popular na “socal media account” na ginagamit ay “Facebook”, “Twitter” at
“Instagram” na halos kayang ipadala o magpost ng larawan, dokumento, video at mga impormasyon.

Karaniwang nagaganap ang code switching bilang lengguwahe sa social media. Ang “code
switching” ay paggamit ng magkaibang wika sa loob ng isang pahayag. (Carpio at Castillo, et al., 2012).
Sa internet, bagamat marami nang website ang mapagkukunan ng mga impormasyon o kaalamang
nasusulat sa Filipino o Tagalog, nananatiling Ingles pa rin ang pangunahing wika nito. Ang
pangunahing website at sa iba pang impormasyong mababasa, maririnig at mapapanood sa internet ay
nananatiling Ingles (Dayag at Castillo, et al.,2012)

3. Sitwasyong Pangwika sa Text


Ang text message o text ay pagpapadala ng mensahe o short messaging system (SMS) gamit ang
mobile/ cellular phones na madalas gamitin sa pakikipagtalastasan sa kasalukuyan. Dahil ang
teknolohiya ay patuloy na nagbabago at bahagi ito ng kultura, Malaki ang impluwensiya nito sa wika
particular sa paraan ng pagsusulat ng tao.

3 | Page KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO


Republic of the Philippines
CAMARINES NORTE STATE COLLEGE
F. Pimentel Avenue, Brgy. 2, Daet, Camarines Norte – 4600, Philippines

COLLEGE OF TRADES AND TECHNOLOGY

Isa ang Pilipinas sa mga bansa na nangunguna sa paggamit ng cellphone o pagpapadala ng


mensahe kaya kapansin-pansin din ang dami ng tao na naiimpluwensyahan ng wika sa text kapag sila
ay nakikipagpalitan ng mensahe.

Dahil ag gamit ng teknolohiya ay upang mapadali ang Gawain ng tao, ang pagpapaikli ng salita ay
isang paraan para makatipid ng oras at dami ng tina-type na letra na limitado lamang sa text. Ibig
sabihin mina-maximize ng tao ang gamit ng teknolohiya na makikita sa paraan ng kanilang pagsusulat.

Ito ang wika ng text. Ito ang Filipino ng text messaging. Halimbawa na lamang ang “k” mula sa
pinaikling “okay” o kaya naman ay “nand2” o “d2” sa halip na “nandito” o “dito”.

KATEGORYA NG KOMUNIKASYON

May mga kategorya sa komunikasyon na hinati na maaaring sa dami ng nagsasalita o


nakikinig o kaya’y sangkot na sangkap sa komunikasyon. (tsanel, midyum, at iba pa)

1. INTRAPERSONAL NA KOMUNIKASYON- ito ay komunikasyong nagaganap sa sarili


lamang. Kabilang dito ang personal na pagmumuni-muni, pagsasaulo ng mga ideya,
pag-aanalisa o kaya naman ay pagsusulat para sa sarili lamang.

2. INTERPERSONAL NA KOMUNIKASYON- ang komunikasyomg ito ay nagaganap sa


pagitan ng higit sa isa na maaaring kinasasangkutan ng nagsasalita at nakikinig o
nagbabasa at nagsusulat. Kabilang sa anyong interpersonal na komunikasyon ay
dayadikong komunikasyon, pangkatang komunikasyon at pampublikong komunikasyon.

a. Dayadikong komunikasyon- itoay komunikasyong nagaganap sa dalawang tao


lamang.
Hal. Pakikipagchat (hindi group chat), pakikipag-usap sa telepono, counselling
b. Pangkatang komunikasyon- ito ay binubuo ng higit sa dalawang tao na sangkot
sa dalawang tao na sangkot sa komunikasyon. Maaring magkasindami ang
bilang ng nakikinig at nagsasalita sa pangkatang komunikasyon.
Hal. Pagpupulong, inuman, kumperensya
c. Pampublikong Komunikasyon- sa komunikasyong ito, mas marami ang bilang ng
nakikinig kumpara sa nagsasalita.
Hal. Misa, pagtuturo, talumpati gaya ng SONA.

3. KOMUNIKASYONG PANGMADLA O MASS COMMUNICATION- ito ay kategorya ng


komunikasyon na ginagamitan ng midya. Kabilang sa mga midyang ginagamit sa
ganitong uri ng komunikasyon ang radio, telebisyon, dyaryo o pahayagan at social
media.
GAWAIN:

Basahin at unawain ang “IPINAGBUBUNTIS NG WIKA NG TELEBISYON ANG WIKANG FILIPINO”.


Gumawa ng reaksyong papel hinggil dito.

4 | Page KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO


Republic of the Philippines
CAMARINES NORTE STATE COLLEGE
F. Pimentel Avenue, Brgy. 2, Daet, Camarines Norte – 4600, Philippines

COLLEGE OF TRADES AND TECHNOLOGY

5 | Page KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO


Republic of the Philippines
CAMARINES NORTE STATE COLLEGE
F. Pimentel Avenue, Brgy. 2, Daet, Camarines Norte – 4600, Philippines

COLLEGE OF TRADES AND TECHNOLOGY

6 | Page KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO


Republic of the Philippines
CAMARINES NORTE STATE COLLEGE
F. Pimentel Avenue, Brgy. 2, Daet, Camarines Norte – 4600, Philippines

COLLEGE OF TRADES AND TECHNOLOGY

7 | Page KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO


Republic of the Philippines
CAMARINES NORTE STATE COLLEGE
F. Pimentel Avenue, Brgy. 2, Daet, Camarines Norte – 4600, Philippines

COLLEGE OF TRADES AND TECHNOLOGY

8 | Page KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO


Republic of the Philippines
CAMARINES NORTE STATE COLLEGE
F. Pimentel Avenue, Brgy. 2, Daet, Camarines Norte – 4600, Philippines

COLLEGE OF TRADES AND TECHNOLOGY

9 | Page KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO


Republic of the Philippines
CAMARINES NORTE STATE COLLEGE
F. Pimentel Avenue, Brgy. 2, Daet, Camarines Norte – 4600, Philippines

COLLEGE OF TRADES AND TECHNOLOGY

10 | Page KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO


Republic of the Philippines
CAMARINES NORTE STATE COLLEGE
F. Pimentel Avenue, Brgy. 2, Daet, Camarines Norte – 4600, Philippines

COLLEGE OF TRADES AND TECHNOLOGY

11 | Page KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO


Republic of the Philippines
CAMARINES NORTE STATE COLLEGE
F. Pimentel Avenue, Brgy. 2, Daet, Camarines Norte – 4600, Philippines

COLLEGE OF TRADES AND TECHNOLOGY

SANGGUNIAN:

12 | Page KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO


Republic of the Philippines
CAMARINES NORTE STATE COLLEGE
Maranan M., Kontekstwalisadog Komunikasyon sa Filipino.pp.60-72
F. Pimentel Avenue, Brgy. 2, Daet, Camarines Norte – 4600, Philippines
Zapico, Marvin.2018. Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino.p.75-82
COLLEGE OF TRADES AND TECHNOLOGY

13 | Page KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO

You might also like