You are on page 1of 1

Ilang Mga Hamon sa Pamilyang Filipino sa Panahon ng Internet

Nicolo M. Masakayan

Abstrak

Sa papel na ito ay sinikap na himayin ang ibat ibang dulot ng Internet sa pamilyang
Filipino. Isinagawa ito gamit ang mga lente ng sosyolohiya at pilosopiya. Lumalabas na
maraming hamon ang dapat harapin ng pamilyang Filipino sa hindi mapigilang
paglawak ng Internet sa ating bansa. Kabilang dito ang epekto ng Internet sa mga asal
at paniniwala na importante sa kabuuan ng pamilyang Filipino tulad ng pakikisama,
respeto sa magulang at nakatatanda, at ang pangangailangan ng bawat indibidwal na
mapabilang sa isang pamilya o grupo; ang pag-usad mula sa Gemeinschaft na
oryentasyon patungo sa mas-Gesellschaft na lipunan; at ang konsepto ng clannishness
and close kinship ties at ang relasyon nito sa paglawak ng social network ng mga
miyembro ng pamilya. Inusisa rin ang pagbukod at pagbuklod na maaaring mangyari sa
pamilya: ang paglaganap ng anti-social behavior na dulot ng adiksyon sa Internet, at
ang pagbuo ng komunidad na virtual ng mga pamilyang Filipino. Binigyan-diin din ang
konsepto ng identidad na laganap sa virtual na mundo, at ang koneksyon nito sa
pagkakaintindi natin kung bakit nahuhumaling ang maraming tao sa paggamit ng
Internet. Sa pinakahuling seksyon ay tinalakay ang pagpasok ng trabaho o kompanya
sa ating kabahayan dahil sa Internet, at ang mabuti at di-mabuting epekto nito sa mga
pamilya.

You might also like