You are on page 1of 27

PASKO - Dula-dulaan

Sinulat nina: Laura B. Corpuz at Pacita D. Morales

Unang Tagpo
(Tanawin: Loob ng bahay)

(Naghahanda ang mag-anak papunta sa simbahan. Tumutugtog ang kampana.)

Nanay: Dalian ninyo mga anak. Baka mahuli tayo sa misa.


Anak 1: Nandiyan na po ako, Nanay.
Anak 2: Hintayin ninyo ako. Hindi ko makita ang sapatos ko.
Anak 3: Handa na po ako, Tatay.
Anak 4: Ako rin po.
Nanay: O sige, hihintayin namin kayo sa labas ng bahay, mga anak.
Tatay: Mag-ingat kayo sa paglalakad sa kalsada.

(Lalakad ang mag-anak papuntang simbahan.)

Tilon

Pangalawang Tagpo
(Tanawin: Labas ng simbahan matapos ang misa)

(May mga tindera. May tugtuging pamasko.)

Nanay at Tatay: Maligayang Pasko sa inyo, mga anak.


Mga Anak: (Magmano) Maligayang Pasko rin po sa inyo, Nanay at Tatay.
(May mararaanang mga tindera ang mga bata paglabas ng simbahan.)
Anak 1: Ano po ang tinda ninyo?
Tindera 1: Mayruon akong puto at kutsinta.
Anak 1: Pagbilhan po ninyo ako ng puto.
Anak 2: Mayruon po ba kayong suman?
Tindera 2: Mayruon ako, anak. Ilan ba ang gusto mo?
Anak 2: Dalawa po.
Anak 3: Kina Lolo at Lola na lang ako kakain, Ate. Hindi pa naman ako gutom.
Anak 4: Ako rin; maraming magluto si Lola, marasap pa!
Nanay: Halina kayo kina Lolo at Lola. Hinihintay nila tayo.
Tatay: (Kakatok sa pinto ng bahay nina Lolo at Lola.)
Lolo: (Bubuksan ang pinto.) Tuloy kayo mga anak.

Tilon

Pangatlong Tagpo
(Tanawin: Loob ng bahay nina Lolo at Lola)

Mga Anak: Mano po, Lolo. Mano po, Lola.


Lolo at Lola: Kaawaan kayo ng Diyos, mga anak.
(Nanay at Tatay magmamano rin)
Ninong at Ninang: (Naka-upo sa silya.)
Anak 1: Mano po, Ninong. Mano po, Ninang.
Ninang at Ninong: Kaawaan ka ng Diyos.
Anak 2: Lola, ang sarap naman ng amoy ng luto ninyo!
Lola: Para sa ating salu-salo ang lahat ng niluto ko.
Lolo: Halina na kayo, mga anak. Nakahanda na ang mga pagkain natin para sa Noche
Buena.
Anak 3: Gutom na nga ako eh.
Anak 4: Sabi ko na inyo eh, maraming magluto si Lola, at masarap pa.

(Matapos kumain - Hahaplusin ang tiyan sa busog at magkukuwentuhan)

Anak 2: Nanay, Tatay, sanay maging Pasko araw-araw para narito tayong lagi kina Lolo at
Lola.
Mga Anak: Lolo, Lola, aalis na po kami. Maligayang Pasko po ulit sa inyo at Manigong
Bagong Taon sa lahat.
Nanay at Tatay: Maraning salamat po sa handa ninyong mga pagkain. Busog na busog po
kaming lahat.
Buong Mag-anak: (Muling mag-mamano kasabay ang pagpapaalam.) Paalam na po.
Mamasko pa po kami sa ibang kamag-anak natin pagkagising sa umaga.
Lolo at Lola: Mag-iingat kayo sa daan.

Tilon

Mga Tauhan:

Lolo at Lola: Lucas at Pacita Morales


Ninang at Ninong: Thelma Capati at Wilmer Andrada
Nanay at Tatay: Laura Corpuz at Lito Capati
Mga Anak: Aileen Capati, Jennifer at Robert Estoye, Zenaida Falcon
Mga Tindera: Perlita Nichols at Magdalena Raboza
Tagapagsalaysay: Alona Corpuz at Belinda Falcon
Musika: Renato Blancaflor at Daisy Franada
Tilon: Ric Corpuz at Carlito Vero
Ang Pamilyang Mahirap
Ivan: Inay! Nasan na po ang uniporme ko?
Inay: Nandyan anak sa--
Kara: Nay, bukas na po exam namin ha? Dalawang buwan na po tayong di nakapag-
babayad.
Inay: Ay. Naku anak, bukas na iyon?
Kara: Oo inay. Kailangan na pong mag- bayad. Di ako makapagte- test.
Inay: Osig--
Bunso: Nay. Ang sapatos ko po.. Sira na.
Inay: Ha? Sira nanaman? Paayos mo nalang anak sa itay mo.
Ivan: Inay.. Male- late na ho ako! Ang uniporme ko po.
Inay: Ah. Oo nga pala. Nandyan anak sa loob ng kwarto mo.
Nakita naman ni Inay na lumabas ng kwarto si Itay na handa nang pumasok sa trabaho.
Inay: Oh. Ayan na pala ang itay nyo. Osige anak, paayos mo na ang sapatos mo nang
makapasok ka na. Maaga pa naman.
Bunso: Opo. Inay.
...

Di-naglaon.. Nakaalis na rin ang mga anak nila at nakapasok na sa eskwelahan.. Naiwan ang
mag-asawa sa bahay. At nagsimulang magsalita si Itay.

Itay: Naku, pano yan inay? Wala pa kong sahod, sa susunod na linggo pa ang sweldo ko?
Bukas na pala ang exam ni Kara.
Inay: ... (nakatungo lamang si inay)
Itay: Si Bunsoy pa, ang sapatos nya. Mahigit isang taon na iyon. At ngayo'y sira- sira na.
Kawawa naman ang bata.
Inay: ...

Napansin naman ng Itay na kanina pa walang imik ang asawa nya. Kaya naman ito'y
kinamusta nya.

Itay: Oh, tila di ka yata nagsasalita? Bakit?

Habang palapit ito kay Inay, napansin nitong namumutla ang asawa.Hinawakan nito ang
leeg at noo..

Itay: May lagnat ka. Tsk, tsk. Wag ka muna pumasok sa trabaho. Magpahinga ka muna sa
ngayon at baka lumala pa yan. Eto, gamot para sa lagnat mo, inumin mo ya--
Inay: Hindi.
Itay: Ha? Anong hindi? Kailangan mo uminom ng gamot at magpahinga.
Inay: Ayoko. Kailangan ko magtrabaho.
Itay: Pero..
Inay: Ayoko. Makikiusap ako sa amo ko. Ipapa-aga ko ang sweldo ko. Kailangan na natin ng
pera.

Sabi ni inay na tila kumbinsidong- kumbinsido sa sinasabi nya.

Itay: Osya. Ikaw bahala. Basta magpahinga ka ha? Sumusobra na yata ang pagtatrabaho mo.
Tapos uminom ka ng gamot. Papasok na ko sa trabaho. Paalam. Tandaan mo, makararaos
din tayo.

At pagtapos nun, umalis na si Itay.


Si Inay ay isang inang mapag-aruga, mapag-alaga at mapag- pasensya. Sya ang laging
kumikilos sa bahay nila. Nagtatrabaho sya bilang isang labandera. Ang itay naman, isa syang
pulis. Mayroon silang tatlog anak, ang panganay na si Ivan, na nasa kolehiyo na. Ang dalaga
nilang si Kara na 4th year student na. At ang grade 5 nilang anak na bunso. Mahirap ang
buhay ngunit pinagtyatyagaan na lamang nila. Pinaka- pangunahing problema nila ay ang
pera. Mahigit tatlog buwan na silang di nakapag babayad sa tinitirahan nila. Kaya naman
sunud- sunod ang bayarin.

Nang makarating si Inay sa bahay na pinagtatrabahuan niya..

Amo: Oh. Nandyan ka na pala. Buti naman at dumating ka na. Aalis kasi kami ng mga anak
ko. Kung maaari sana'y ikaw muna ang umasikaso dito. Wala sila Inday.. Dayoff nila. Kaya
ikaw lang ang maiiwan dito. Pagpasensyahan mo na ha. Hayaan mo dadagdagan ko sweldo
mo.
Inay: Naku, ma'am yun nga po ang pinunta ko rito.
Amo: Oh, bakit?
Inay: Kasi po ma'am. Bukas na po ang exam ng anak ko, tapos sinisingil na rin po kami sa
bayarin sa bahay. Eh kaso ang asawa ko po, sa susunod na linggo pa ang sweldo. Eh
hanggang ngayong week nalang po ang mga bayarin.
Amo: Ah..
Inay: Eh nahihiya man po akong magsabi sainyo, ngunit nagbabakasali lang po akong kung
maaari ay ngayon ko po makuha ang sweldo ko, kahit magkano lang po. Basta makapag-
bayad lang ako sa amin.

Hiyang hiya nitong nagtapat sa amo.

Amo: Ah.. Eh magkano ba kailangan mo?


Anak ng Amo: Mommy! Tara na!

Di lamang pinansin ng amo ang anak nya, at patuloy na naghintay sa sagot nya.

Inay: Naku, kayo po ang bahala. Nakakahiya po talagang humingi ng may--


Amo: Haha. Sige na. Magkano ang kailangan mo. Mahigit apat na taon ka nang nagtatrabaho
dito. At malaki ang naitulong mo sa bahay pati sa pamilya ko. Kaya binabalik ko lang ang
pabor. Magkano ba talaga?

Sabi nito na nakangiti. Mabait ang amo ni Inay. Mapagkumbaba at maraming kaibigan.
Walang niisang taong minaliit nya kahit katulong lamang ito sa bahay nila.

Inay: Naku, eh sa totoo lang po 36,000 po eh. Kasama na po ang lahat ng utang namin sa
nirerentahan.
Amo: Ah ganun ba? Oh, etoh. 50,000. Ang matitira, sayo nalang. Sa susunod na buwan may
sweldo ka pa.
Inay: Naku! Maraming salamat po! Malaking tulong po ito.
Amo: Haha. Ayos lang. Basta wag mo kaming iiwan ha?
Pagbibiro nito.

Amo: Kailangan ka rin namin dito! Hahaha.


Inay: Napaka- bait mo po talaga Ma'am.
Amo: Naku.. Masaya lang akong makatulong sa ibang tao. Minsan rin kaming naging ganyan
kaya tumutulong ako.
Inay: Ah ganun po ba? Salamat po.
Amo: Walang anuman. Osige, mauna na ko. Atat nang gumala ng mga anak ko. Haha.
Maiwan na kita ha? Uuwi din kami dito mamayang hapon.
Inay: Sige po. Mag- ingat po kayo, ma'am!
Amo: Ikaw rin.
Nakangiting nagpaalam sila sa isa't isa. Sobrang pasasalamat ni Inay at nagkaroon sya ng
Amo na handang tumulong sa pamilya nya. Nang maiwan sya sa bahay nito, nilinis nya ang
bawat sulok ng bahay. Naglaba, atbp. Hanggang sa dumating ang pamilya ng amo nito.

Amo: Oh. Kamusta naman? Pasensya na kung natagalan ka samin ha?


Inay: Naku, ayos lang po.
Amo: Walang dudang swerte ang pamilya mo sa'yo. Masipag at mapag-aruga.
Inay: Ginagampanan ko lamang po ang papel ko.
Amo: Ahaha. Hindi na nila kailangan ng ibang tao para mag alaga sa kanila. Dahil nandyan
ka naman.
Inay: (natuwa naman ito at napangiti)
Amo: Osige na. Baka hinihintay ka na ng asawa mo't mga anak. Gutom na yun siguro.
Inay: Naku, baka nga po!
Amo: Gerald! Anak! Nasan na?
Gerald: Opo! Eto na po.

Sabi nito habang naglalakad palapit sa kanila.

Gerald: Eto po oh.

Inaabot nito ang isang plastik na may mga ulam.

Inay: Naku, ano yan iho?


Gerald: Pagkain po.
Amo: Pasalubong namin para sa'yo. Hindi ba't kaklase ito ng anak mo?
Inay: Tama po kayo.
Amo: Eh kanina nang sunduin ko si Gerald, magkausap sila ni Ivan.
Gerald: Opo. Eh nakwento nya po sakin na nakita nya na nahihirapan na kayo kanina bago
sila pumasok. Tila magkandarapa ka na raw po sa sobrang daming inaatupag. At narinig nya
raw po ang napagusapan nyo ng asawa mo. Kaya naman nung uwian na po namin, niyaya
namin syang isabay pauwi. Sabi nya ayaw na raw po.
Inay: Naku, bakit daw?
Gerald: Kailangan nya raw po magtrabaho para makatulong sa inyo. Part-time Job daw po.

Sa sinabi ni Gerald, halos mangiyak- ngiyak na si Inay. Hindi nya akalaing sa araw na ito,
napakaraming nangyaring hindi inaasahan.

Amo: Oh, ano pang hinihintay mo? Umuwi ka na. Alam kong pagod ka na.
Inay: Naku. Maraming maraming salamat po ha?
Amo: Osige. Magkita nalang tayo bukas.
Inay: Sige po.
Umuwi si Inay sa bahay at nadatnang nandon na ang dalaga nya't ang bunso pati ang Itay.
Pumasok sya sa bahay at napansing wala ang panganay nya.

Mga anak: Mano po, Inay.


Inay: Oh, nasan ang kuya nyo?
Kara: Di po namin alam eh. Kanina pa ang uwian nya.
Inay: Ah ganun ba? Osige, etoh kumain na tayo.
Itay: San mo naman nabili yan?
Inay: Naku, eh pasalubong sakin ng amo ko. At alam nyo ba, makapag babayad na rin tayo
ng mga bayarin natin!

Natutuwa nitong sabi.

Itay: Talaga? Eh san galing ang pera?


Inay: Pinakiusapan ko ang amo ko. Sobrang bait talaga nya't pati ang pangbayad sa tuition ni
Kara at sa bahay natin ay binigay nya.
Bunso: Nanay, ang bait nila.
Inay: Oo anak. Kaya dapat kayo wag kayong magiging madamot. Osige tara na't gutom na
siguro kayo.
Itay: Halina.
...

Nang matapos kumain ang pamilya.. Kinagabihan wala parin ang panganay nila. Si Itay, si
Kara at ang bunsong kapatid at tulog na. Si Inay naman ay lumabas ng bahay. Nahihilo man
at inaantok na ang Inay ay hinintay parin nito si Ivan na pumasok sa gate nila.

Di naglaon ay dumating na nga. May dala itong supot. At nagmano sa kanya.

Inay: Oh, bakit ngayon ka lang dumating?


Ivan: Inay, pasensya na po kung late na akong nakauwi. Eto po ang gamot oh.
Inay: Para saan yan?
Ivan: Inay, alam ko pong kahapon ba kayo may sakit. Hindi mo lang pinahahalata. Kaso
kaninang umaga po, di na kinaya ng katawan nyo.. Tapos, nag trabaho pa kayo. Malala na
ang sakit nyo. Kaya eto po, inumin nyo nang maagapan agad yan.

Wala nang ibang ginawa ang Inay kundi yakapin ang anak at pasalamatan ito.
Kinaumagahan ay isa nanamang panibagong araw. Maraming pagbabago, pero ito naman ay
para sa ikinabuti ng pamilya nila.
Pag-iibigan ni Jeny at Max
Tagapagsalaysay: Unang araw ni Jeny sa paaralan bilang ika-lawang taon ng sekundarya at
nabalitaan nilang magkakaibigan na sina Ron, Jeny, Ciara, Len, Diana, Mika na maraming
bagong lipat na mga estudyante sa kanilang paaralan at isa na rito si Max na isang mayaman
at maraming alam at minsan ay may kakulitan din siya.

Habang nagmamadaling maglakad si Jeny ay nakabunggo niya si Max.

Max: Ay sorry po! Tulungan ko na po kayo miss.


Jeny: Hindi huwag na kaya ko na to.
Max: Hindi! Tutulungan na kita. Saan ba ang punta mo at parang nagmamadali ka?
Jeny: Makulit ka din eh! Papasok na kasi ako sa aming klase eh.
Max: Ganito talaga ako ahaha...sige mag-iingat ka!

Tagapagsalaysay: Pagpasok ni Jeny sa kanilang silid-aralan ay pagod na pagod dahil sa


pagmamadali pero hindi niya pinansin ang mga kaibigan niyang nagkwekwentuhan dahil sa
nangyari kanina.

Jeny: Nakakapagod! Sino kaya yung nakabunggo ko kanina??? (kinakausap ang sarili)

Tagapagsalaysay: Nilapitan siya ni Ron at kinausap dahil nagtataka si Ron bakit hindi sila
kinausap ni Jeny.

Ron: May problema ka ba??


-Hoy!
Jeny: ah eh wala wala
Lumapit si ang mga kaibigan niya sa kanya

Diana: Anu na naman ba ang pinagiinarte mo jan?


Jeny: Ala! May nakabunggo kasi ako kaninang lalaki! Parang nakita ko na siya noon pero
hindi ko lang maisip kung kailan o paano kami nagkakilala!!
Ciara: Naku girl! Tadhana yan! May nabasa akong ganyan sa isang libro!

Tagapagsalaysay: Umalis si Ron at umupo nalang sa kanyang upuan at parang nalungkot sa


nalaman narinig niya kay Jeny.

Ciara: Hoy! Mga tsismosananjan na si sr.


Mika: Eto naman makapag tsismosa wagas.. sampalin kaya kita..
Len: Hoy! Maldita! Nanjan na nga si sr. eh naguusap pa kayo! (pasungit)

Pumasok ang Teacher

Guro: Magandang hapon sa inyong lahat mga bata!


Estudyante: Magandang hapon din po!
Guro: May bago kayong kaklase! Sige Iho pumasok ka na at magpakilala...

Pumasok si Max.

Max: Hello po ako nga pala si Max mula ako sa Manila.


Tagapasalaysay: Nagbulungan bigla ang magkakaibigan nang malaman nilang iyon ang
nakabunggo kay Jeny.
Mika: Hala Girl! Yan ba yung sinasabi mong nakabunggo mo kanina
Diana at Ciara: Kachaka mo girl!!
Len: Hmmft! Ako nalang sana nakabunggo niya!! (kinikilig)
Diana: Friend naman! Selos ka na agad andito naman si Ron!
Ciara: Oo nga naman!
Len: Pakielam ko jan!

Guro: Sige Max maraming salamat dun ka umupo sa bakanting upuan sa tabi ni Jeny.
Max: sige po maraming salamat.

Nagulat si Max dahil nakita niya ung nakabunggo niya kanina.

Max: Oh miss!! Ikaw pala yan dito din pala ung punta mo nagsabay nalang sana tayo para di
na tayo nagkabunggo pa.
Jeny: Ah! Eh! Teka! Teka! Hindi po miss pangalan ko!! Ako po si Jeny..
Max: Eh gusto ko miss eh ahaha
Jeny Ewan ko sayo kagulo mo
Max: Bakit miss? Anu ba ginagawa ko?
Jeny: Sabi ko Jeny hindi miss
Max: Miss!
Jeny: Jeny!
Max: Sabi na ngang Miss!
Jeny: Sabi ko Jeny!
--
Len: Friend ! Tignan mo parang kilala na nila agad ung isat isa.
Ciara: Oo nga eh..!! kakainggit ahaha.
Diana: Pero teka tignan niyo si Ron mukhang malungkot.

Pinuntahan nila si Ron habang si Len ay naiwan na nakaupo sa kanyang upuan.

Diana: Bakit ka malungkot Ron?


Ron: Ala may iniisip lang ako.
Ciara: Hulaan ko si Jeny yang nasa isip mo diba.
Ron: Oo
Ciara: Kasi eh bakit kasi hindi mo pa aminin sa kanya na mahal mo siya.
Ron: Alam mo hindi ganun kadali yun! Baka kapag inamin ko sakanya iyon eh baka hindi na
kami magpansinan dahil sa ginawa ko.
Diana: Sabagay tama din siya friend! Hayaan na lang natin siyang magemote.

Tagapagsalaysay: Habang tumatagal ang panahon mas lalong napapalapit si Jeny at Max sa
isat-isa habang malungkot pa din si Ron dahil hindi niya maamin kay Len na mahal niya ito.
Isang Araw habang pauwi si Jeny ay nakita niya si Max na naglalakad mag-isa.

Jeny: Oh Max ikaw pala yan! Bakit ikaw lang mag-isa.


Max: Oh miss! Ikaw pala yan may bakit nandito ka?
Jeny: Pauwi na kasi ako nang makita kita!! Ikaw bakit ka nandito?
Max: Pauwi na din ako.. may kinausap lang ako gusto mo ba munang maglakad lakad tayo
kung ok lang sayo??
Jeny: Ok sge ba..
Tagapagsalaysay: Nagusap ang dalawa habang naglalakad, pero biglang napaupo si Jeny.

Max: Oh may problema ba?? Napagod ka siguro dapat pala hindi na kita inaya sge umupo
ka muna.
Jeny: Ok lang ako (Biglang mapapaupo ulit)
Max: Sabi ko sayo eh pagod ka na
Umupo silang dalawa

Max: Dapat sinabi mo na pagod ka na para inihatid na kita sa inyo.


Jeny: Hindi, ok lang iyon, ako din ang may gusto nito kaya ok lang ako..
Max: Sigurado ka oh eto uminom ka muna ng tubig

Tagapagsalaysay: Makalipas ang ilang saglit ay napagdesisyonan ni Max na ihatid si Jeny sa


kanilang bahay. At habang dumaraan ang maraming araw ay may kakaibang nararamdaman
si Max kay Jeny. Ika-13 ng Pebrero, naguusap ang mga kaibigan.

Ron: Kayo na ba ni Max??(malungkot na salita)


Diana: Kayo na noh??
Ciara: Aminin mo na friend.
Len: Siguro kayo na kaya ayaw mo magsimula kalat na kaya sa campus na kayo na.
Jeny: Grabe campus agad??? Di ba pwedeng sa silid-aralan muna.. tsaka hindi naman kami..
magkaibigan lang kami..
Len: Magkaibigan o matalik na magkaibigan alam mo dun din kayo hahantong may nabasa
din akong ganyan.

Tagapagsalaysay: Lumapit si Max kay Jeny at kinausap.

Max: Pwede ba kitang ayain bukas??


Jeny: Saan?
Max: Maglibot!
Len: Maglibot sge sama ako!
Ciara at Diana: Sige ako din!
Len: Ikaw Ron di ka ba sasama?
Ron: Hindi sige enjoy niyo nalang!

Tagapagsalaysay: Nung gabi ng Ika-13 ng Pebrero ay inamin na ni Ron ang kanyang


nararamdaman kay Jeny at nabigla si Jeny sa sinabi ni Ron pero sinagot na ni Jeny si Ron
nung araw na iyon. Nang sumapit ang Ika-14 ng Pebrero ay napagisip-isip ni Max na aminin
na din kay Jeny ang kanyang nararamadaman.

Dumating na si Jeny sa kanilang tagpuan pero siya ay parang kinakabahan at malungkot.


Maya-maya ay dumating na din si Max.

Max: Oh sorry kung pinaghintay kita. Eto oh bulaklak. Oh bakit parang malungkot ka! May
problema ba?

Jeny: May sasabihin kami sayo ni Ron?


Ron: Kami na ni Jeny sinagot na niya ako kagabi! Nabigla ka! Sobrang saya ko nung
nangyari sinagot niya ako.
Jeny: Itigil mo na nga iyan Ron! Iwan mo muna kami ni Max.
Ron: Bakit ba eh boyfriend mo naman na ako bakit mo ako pinapaalis??
Jeny: Basta iwan mo muna kami!
Ron: Ayoko ko nga!
Jeny: Kapag hindi ka Umalis break na tayo!
Ron: Ayoko!
Jeny: Anung ayaw mo?
Ron: Ayokong magbreak tayo kaya aalis na ako!

Tagapagsalaysay: Naiwang magisa si Max na malungkot at si Jeny.


Max: Alam mo napakasakit ng nangyari sakin ngayon. Akala ko masasabi ko na sayo ang
nararamdaman ko na MAHAL NA MAHAL KITA.
Jeny: Nahuli ka!, ngayon mo lang sinabi alam mo bang ikaw nalang ang hinihintay kong
umamain sa akin dahil nung naglilibot tayong dalawa may gusto na din ako sayo noon.
Max: Sagutin mo nga ako? Bakit si Ron ang sinagot mo.
Jeny: Kasi napansin kong malungkot siya nitong mga nakaraang araw at sinabi ni Ciara na
may gusto sa akin si Ron kaya pinagbigyan ko siya baka mawala ang lungkot niya.
Max: So, masaya ka na! napaligaya mo na siya! Pwes magsama nalang kayong dalawa.
Jeny: Wait, wag kang aalis!
Max: Para saan pa? Ikaw lang ang mahal ko at wala ng iba pero sinayang mo.
Jeny: Ang totoo niyan Mahal din kita.
Max: Bahala ka.

Tagapagsalaysay: Simula nung araw na iyon hindi na pumasok pa sa eskwelahan si Max at


nagaalala na si Jeny sa kanya. Ilang buwan na siyang hindi pumapasok. At ilang araw
matapos ang pangyayari ay nakipaghiwalay na si Jeny kay Ron.

(Sad Scene)

Hinanap ni Jeny si Max at habang siya ay nagmamadali may nakabunggo siya.

Jeny: aray! Magdahan-dahan naman po kayo.


Max: Ayos ka lang ba miss!
Jeny: Pamilyar sa akin iyang boses na yan at ang pagtawag sa akin na miss.
Max: Hindi ka nagkakamali.

Sinampal ni Jeny si Max

Max: Bakit mo ginawa iyon?


Jeny: Ikaw kasi eh pinagaalala mo ako, akala ko kung nasaan ka na hindi ko na alam kung
anu gagawin ko kapag nawala ka na ng tuluyang.
Max: Hindi na mangyayari muli iyon dahil (luluhod) ipapangako ko sayo na hindi na kita
iiwan pang muli dahil mahal na mahal kita.
Jeny: Mahal na mahal din kita.

Tagapagsalaysay: Matapos ang matagal na paghahanap ni Jeny kay Max ay natagpuan niya
ito kung saan sila una nagkita. At duon namuo ang kanilang pagmamahalan sa isat-isa.
Simula nun naging masaya na ang dalawa na parang walang nangyari. Sabay nilang tinapos
ang sekundarya, kolehiyo at silay naging mag-asawa.
PLOP! CLICK!
(Dobu Kacchiri)
Mga Tauhan:
KOTO
KIKUICHI
ISANG NAGDARAAN
KOTO : Isa akong Koto na nakatira sa pook na ito. Ngayon tatawagin ko si Kikuichi para
konsultahin siya. Nariyan ba si Kikuichi?
KIKUICHI : Nariyan na!
KOTO : Nasaan ka?
KIKUICHI : Heto na ko.
KOTO : May mahalaga akong kailangan sa iyo. Dahil matagal na rin naman akong hindi
nakalalabas ng bahay, ang daming oras na nakabitin sa kamay ko. Gusto kong magbiyahe at
nang makapagmasid naman ng mga tanawin. Ano sa tingin mo?
KIKUICHI : Sa totoo lang, imumungkahi ko nga sana sa iyo, Ekselenteng ideya.
KOTO : Ano pang hinihintay natin kung ganoon. Maghanda ka ng sake.
KIKUICHI : Ngayon din. Nakahanda na ang bote ng sake.
KOTO : Umalis na tayo agad. Halika na!
KIKUICHI : Nakahanda na ako.
KOTO : Ano sa palagay mo? Nagtatawanan na siguro ang mga taong makita ang dalawang
paris natin na namamasyal at nagmamasid sa mga tanawin. Pero ang pagbibiyahe sa bagong
lugar ang nakapagpapagaan ng pakiramdam bukod pa sa kasayahang nalalasap mo.
KIKUICHI : Wala naman sa palagay kong mag-iisip na para tayong gago. Kaya, kapag
nararamdamang mong gusto mong magbiyahe, dapat lang na ilang ulit tayong magbiyahe.
Nakabubuti iyon sa inyo, Amo.
KOTO : Nasa labas na tayo ng nayon. Marahil nasa gitna tayo ng bukirin. Ang lungkot dito.
KIKUICHI : Nasa gitna nga tayo ng bukirin.
KOTO : Kapag nasa kapatagan ako, parang lumalawak ang aking puso at gumagaan ang
pakiramdam ko.
KIKUICHI : Gaya ng sabi mo, kasiya-siya ang magbiyahe.
KOTO : Makinig ka! Noon ko pa gustong sabihin sa iyo na hindi sa habambuhay ka na
lamang umaawit ng mga maiikling awit o bumibigkas ng mga kuwento. Bakit di mo
ensayuhin ang Labanan sa Heike, ang pamosong epiko?
KIKUICHI : Gusto ko nga sanang hingin ang tulong mo tungkol diyan. Masuwerte na lang at
ikaw mismo ang nagbukas tungkol diyan. Kung maituturo mo sa akin yan, tatanawin kong
malaking utang-na-loob.
KOTO : Ituturo ko kung ganoon. Wala rin lang tao sa paligid, bibigkasin ko sa iyo ang isang
berso.
KIKUICHI : Sadyang kay buti mo. Sige, makikinig ako.
KOTO : Umabot sa krisis ang labanan sa Ichi no Tani, at nauwi sa isang malaking giyera.
Natalo ang mga dakilang Hieke, at nagsisugod ang mga mandirigma ng Genjisilang sabik
sa kabantugan. Parang mga trigong nagbagsakan sa harap ng mga armas-pandigma.
Kalunus-lunos na pagdanak ng dug! Walang katapusang kaguluhan! Putol ang baba ng ilan,
at ang iba namay talampakan. Sa gitna ng nakakukuliling mga daing at pananangis, pilit
pinaglalapat ang kanilang mga sugatang talampakan sa duguang baba,ang sugatang baba sa
duguang talampakan. Ay, kahabag-habag na tanawin! Tatlo o apat na raang mga
mandirigma ang nagkalat sa kapatagan!
KIKUICHI : Kagila-gilalas palang talaga ang epikong yan. Nagagalak akong marinig.
KOTO : Halikat pumunta tayo doon sa malayu-layo pa. Sumunod ka sa kin!
KIKUICHI : Sige lang, sumusunod ako.
KOTO : Maraming bumibigkas ng Heike, pero wala akong alam na nakabibigkas ito nang
mainam. Kaya kailangang pag-aralan mo itong mabuti.
KIKUICHI : Iinsayuhin kong mabuti, at inaasahan kong tuturuan mo akong muli.
KOTO Sakalit maitalaga ako sa posisyon ng Kengyo, gagawin kitang isang Koto.
KIKUICHI : Napakabuti mo ngang talaga.
KOTO : Ano yon? Nakakarinig ako ng alon ng tubig. Siguroy malapit tayo sa dagat.
KIKUICHI : Oo nga, pakiramdam ko;y dagat nga yon.
KOTO : Kailangan nating tawirin ito. Anong dapat nating gawin?
KIKUICHI : Ano nga bang dapat nating gawin?
NAGDARAAN: (Sa mga manonood) Dito lang ako nakatira. Dahil may lalakarin ako sa
kabila ng bundok, kailangan kong magmadali. Ano itong nakikita ko? Dalawang bulag ang
nagbabalak lumusong sa dagat. Paano kaya nila magagawa yon? TitigiI muna ako rito at
panoorin sila pansumandali.
KOTO : Halika! Maghagis ka ng bato para matantiya natin ang lalim ng dagat.
KIKUICHI : Sige. Ayan, naghagis na ako. PLOP!
KOTO : Malalim doon.
KIKUICHI : Malalim na malalim doon.
KOTO : Subukan mo sa ibang direksiyon.
KIKUICHI : Sige. Ayan, naghagis ulit ako. CLICK!
KOTO : Mababaw doon.
KIKUICHI : Mukha ngang mababaw doon.
KOTO : Kung gayon, lumakad na tayo nang painut-inot. Halika na!
KIKUICHI : Pero amo, teka muna sandali.
KOTO : Bakit?
KIKUICHI : Bubuhatin ko na kayo sa likod ko.
KOTO : Naku, hindi na kailangan. Basta sumunod ka sa akin.
KIKUICHI : Pero kaya nga ako naririto para pagsilbihan kayo. Para na rin sa kabutihan ng
aking kaluluwa. Hayaan niyo ng buhatin ko kayo.
KOTO : Hindi, huwag na. Dahil hindi ka rin nakakakita, baka maaksidente pa tayo.
Maghawakan na lang tayo sa isat isa saka lumakad nang painut-inot.
KIKUICHI : Pero ito ang pagkakataon ko para makatulong sa inyo. Kailangang mabuhat ko
kayo sa aking likuran.
KOTO : O sige, sige. Dahil mapilit ka, papayag akong buhatin mo ako. Pero kailangang
maghanda na muna tayo. Ihanda mo na rin ang sarili mo.
KIKUICHI : Salamat, nakahanda na ako.
NAGDARAAN: Mautak ang mga bulag na yon. Sinusubukan nila ang lalim ng dagat sa
pamamagitan ng paghahagis ng bato. Masuwerte talaga akong aso. Ako ang magpapabuhat
patawid sa dagat. (Papatong siya sa likod ni KIKUICHI).
KIKUICHI : Humawak kayong mabuti. Ngayon sisimulan ko nang magpainut-inot sa dagat.
Sana naman hindi masyadong malalim. Ayan nakarating na ako sa kabila. Nagawa ko ito
nang walang kahirap-hirap, at natutuwa akot wala ring disgrasya.
NAGDARAAN: (Sa mga manonood). Hindi ko inaasahan ang suwerteng ito. Tuwang-tuwa
ako.
KOTO : Ano Kikuichi? Nakahanda ka na ba? Walang sumasagot? Hindi ko ito maintindihan.
Ki-ku-i-chi! Na-sa-an ka?
KIKUICHI : Na-ri-to a-ko!
KOTO : Bakit di mo pa ako buhatin patawid?
KIKUICHI : Pero kabubuhat ko lang sa inyo.
KOTO : Kabubuhat lang sa akin? Pero naghahanda pa lang ako. Hindi mo pa ako nabubuhat.
Ang hayop na yon mag-isa palang tumawid.
KIKUICHI : (Magmamadaling tumawid sa pinaggalingan) Kailan kayo tumawid na muli rito
Amo?
KOTO : Kailan? Abat walanghiya tong taong ito. Umaayaw na yata. Madali kat buhatin mo
na ako agad.
KIKUICHI : Hindi ko maintindihan ito. Di bale, tatawid na lang uli ako. Kumapit na kayo sa
likod ko.
KOTO : Huwag kang magalaw.
KIKUICHI : Lalakad na ako nang painut-inot. Mukhang napakalalim dito.
KOTO : Basta mag-iingat ka at huwag kang masyadong magalaw.
KIKUICHI : Opo, opo. Ang lalim naman nito! Naku, tulungan ninyo ako, saklolo!
NAGDARAAN: Nakakaaliw pagmasdan ang kawawang mga bulag!
KOTO : Nakakapanggalit itong nangyayari sa atin. Basang-basa na ako. Kaya nga ba
tumanggi na akong pabuhat sa iyo noong una pa.
KIKUICHI : Ipagpaumanhin ninyo. Patutuyin ko kayo. Talaga namang nag-iingat ako, pero
natalisod ako. Patawarin ninyo ako.
KOTO : Nauunawaan kong aksidente ang nangyari, at wala tayong magagawa roon. May
nangyari ba sa sake?
KIKUICHI : Anong sabi nyo? Ah, ang bote ng sake. Heto, hindi nadisgrasya.
KOTO : Giniginaw na ko. Tagayan mo ako.
KIKUICHI : Sige po.
NAGDARAAN: Abat may isa pa pala akong suwerte. Akong iinom noon.
KIKUICHI : Nagtatagay na po ako. Glug, glug!
KOTO : Tama na yan. Mawawala rin ang ginaw ko pag nainom ko na ito.
KIKUICHI : Sigurado, Amo.
NAGDARAAN: (Sa mga manonood). Ang sarap nito!
KOTO : Ano na, Kikuichi? Bakit di mo ako tinatagayan?
KIKUICHI : Pero katatagay ko lang pot binigay ko sa inyo.
KOTO : Iyon din ang akala ko, pero wala ni isang patak ang baso ko.
KIKUICHI : Talagang hindi ko maintindihan ito. Magtatagay uli ako Heto, pupunuin ko na
ang baso.
KOTO : Sige, bilisan mo.
KIKUICHI : Eto na. Glug, glug!
NAGDARAAN: (Sa mga manonood). Abat may kasunod pa! Walang kasinsarap ang sakeng
ito!
KOTO : Tama na yan. Uminom ka rin nang kaunti.
KIKUICHI : Puwede po ba? Salamat sa kabaitan ninyo. Napakasarap ng sake, di po ba?
KOTO : O, bakit hindi mo pa ako tinatagayan?
KIKUICHI : Pero katatagay ko lamang po ng isang punung baso para sa inyo.
KOTO : Akala ko nga, pero ni isang patak, wala pa rin ang baso ko. Kamuhi-muhi kang
tarantado ka. Ni isang patak di mo man lang ako pinatikim, kasi sinosolo mong pag-inom.
KIKUICHI : Naku, hindi ganyang magsalita ang amo ko. Bakit ko naman sosolohin ito nang
hindi inuuna ang amo ko? Mali ang akusasyon ninyo sa akin. Nakadalawa na po kayong
tagay.
KOTO : Abat talaga bang ginagalit mo ko? Hindi ka lang gago, dinadaya mo ko at
pinalalabas na iniinom kong tinatagay mo nang di mo alam. Tagayan mo ako ulit.
KIKUICHI : Gusto ko po sana. Pero, ipagpaumanhin ninyo! Wala na pong natira.
KOTO : Ano? Ni isang patak wala nang natira?
NAGDARAAN: (Sa mga manonood). Talagang nakakaaliw ito. Pag-aawayin ko sila. Bang!
Bangg!
KOTO : Aray,aray ko! Abat sobra na ito. Matapos mo akong agawan ng inumin, ngayon
naman may gana ka pang bugbugin ako.
KIKUICHI : Anong sabi ninyo? Bugbugin?
KOTO : Sinaktan mo na ako, ulol!
KIKUICHI : Itinatabi ko lang po ang bote ng sake. Ni hindi nakaturo sa direksiyon ninyo ang
mga kamay ko.
KOTO : A, hindi pala? At sino pang mananakit sa akin, aber? Sino, sabi?
KIKUICHI : Aray, aray ko po! Inaakusahan nyo na nga ako ng kung anu-anong hindi ko
naman ginagawa, ngayon naman sinasaktan nyo pa ako. Bakit binubugbog ninyo ang isang
walang kasalanang katulad ko?
KOTO : Abat ni hindi nga nakatutok sa iyo ang mga kamay ko.
KIKUICHI : Hindi nakatutok? Sinong nanakit sa akin? Magsalita kayo,sino pa?
KOTO : Aray, aray ko! Kikuichi, ano ba? Bakit mo ba ako sinasaktan?
KIKUICHI : Nasa binti ko ang mga kamay ko.
KOTO : Nasa binti mo? Kaninong mga kamay ang sumuntok sa akin?
KIKUICHI : Aray, tama na! Huwag ninyong abusuhin ang inosenteng tulad ko. Amo.
KOTO : Ano? Abusuhin?
KIKUICHI : Ano pa nga bang ginagawa ninyo?
KOTO : Ni hindi nga dumadapo ang mga kamay ko sa iyo.
KIKUICHI : Di dumadapo? Kung gayoy sinong nanununtok sa akin?
KOTO : Aray, ano ka ba?
KIKUICHI : Aray ko po, tama na!
NAGDARAAN: Nakakatuwa talaga ito. Paiikutin ko sila sa ibat ibang pakana. Pero, teka!
Abat tinutuluyan na nilang magsuntukan.Delikado pa ang manatili pa rito. Kailangang
makaalis na ako habang may araw pa.
KOTO : Nauubos nang pasensiya ko. Hindi kita patatakasin lintik ka!
KIKUICHI : Bakit ako sinasaktan?
SILANG DALAWA: A-a-ray.
KIKUICHI : Ikinahihiya ko kayo Amo. Hawak ko na kayo ngayon. Nagpapanggap lang pala
kayong mabait. Santo-santito!
KOTO : Huwag, sandali lang! Matapos mo akong bugbugin, tatakbuhan mo ako. Wala bang
ibang tao rito? Hulihin nyo siya, hulihin nyo! Huwag nyo siyang patatakasin!
KAPALARAN
TAUHAN: JHON AT SI ROU

UNANG PASOK NG KLASE, NA KITA NI JHON SI ROU SA ISANG UPOAN SA LIKOD NG


KANILANG ROOM...

JHON: HI !
ROU: HI...
JHON: KAMUSTA ANG UNANG ARAW MO DITO ?
ROU: AYOS LANG , SAYU?
JHON: AYOS LANG DIN.

PUMASOK NA ANG KANILANG GURO.


NAGPAKILALA SILA ISAT ISA, PAG KATAPOS NG KUNTING KWENTOHAN PINALABAS NA SILA
NG KANILANG GURO.
PINUNTAHAN NI ROU SI JHON , PARA MAKISABAY NA LUMAKAD PAPUNTA SA SUSUNOD NA
KLASE.

JHON: O, GUSTO MONG SUMABAY?


ROU: OU
JHON: MARAMI KA NA BANG NAKILALA?
ROU: MEDYO, EH IKAW?
JHON: MARAMI NA. ANG BABAIT NAMAN KASI NILA. MAHIYAIN KA ANU???
ROU: SINABI MO PA.
JHON: HHE, MASANAY KANA... TATAGAL KA NAMAN DITO EH
ROU: EWAN KO LANG KUNG TATAGAL AKO DITO ..
JHON : O, BAKIT NAMAN?
ROU: BAKA KASI LILIPAT KAMI NG BAHAY SA SUSUNOD NA BUWAN.
JHON: NAKO SAYANG NAMAN, GUSTO SANA KITANG IMBITAHIN SA AKING KAARAWAN SA
SUSUNOD PANG BUWAN.
ROU: AH, GANUN BA? SIGE SUSUNOKAN KO...

NAKALIPAS ANG ISANG BUWAN LUMIPAT NA NG BAHAY SINA ROU...


PUMASOK NA RIN SYA SA BAGO NYANG PAARALAN... NAG CHACHAT PARIN NAMAN SI ROU
AT SI JHON AT NAG TETEXT, KAYA MAY KUMONIKASYON PARIN SILA...

JHON: O, PALAPIT NA ANG KAARAWAN KO PUMONTA KA HA.


ROU: OO BA.

NAKALIPAS NA ANG LIMANG TAON... NAWALA ANG KANILANG KUMONIKASYUN DAHIN SA


SUBRANG BUSY NILA...

SA ISANG MALL, HABANG BUMIBILI SI ROU SA ISANG RESTAURANT NKA SABAY NYA SI
JHON SA PILa.

JHON: IKAW BA YAN ROU?


ROU: JHON?
JHON: OO , AKO SI JHON..
ROU; DI KO AKALAING MAGKIKITA PA PALA TAYO..
JHON : OU NGA..

NAG USAP SI JHON AT SI ROU TUNGKOL SA BUHAY NILA NGAYON ....

LUMIPAS ANG 2 TAON...


NAGPAKASAL SILANG DALAWA
DIYAN NAG TATAPOS ANG AMING DULADULAAN.
ANG PULUBI
Ni Epifanio G. Matute

Pulubi: (Habang pumapasok ay nag aalis ng sambalilo) Bigyan po kayo ng magandang


araw.
Tony: (Titindig sa pagkakaupo) Gandang araw po naman May kailangan ho ba kayo?
Pulubi: (Isasahod ang kalliwang kamay) Nagpapallimos po ako Maawa na kayo sa
pobreng pulubi
Cruz: Pur bida Mal-akas man sang pul-ubing ito bat-a-pa
Junior: Mukha ngna naming ke-lakas-lakas ninyo, Mama
Pulubi: Tama ang sabi mo, Totoy Ke-lakas-lakas ko ngang kumain!
Cruz: Pur bida! Kung malas-as kay-ong ga-kaon Baki-t hind-I may kay-u-ga-
trabahar? Wal-a man kay-ung sak-it?
Pulubi: (Baballing kay Mr. Cruz). Wala ngna po akong sakit Kaya ako malakas kumain e!
Tony: O, e ganon pala bakit hindi kayo magtrabaho?
Pulubi: E alam ninyo Masam pos a akin ang mag-trabaho e
Terya: Masama sa inyo ang magtrabaho? Aba, bakit ho naman?
Pulubi: pag nagtrabaho po ako Napapagod po ako e.
Junior: Anak ng huwe naman! Meron ho ba naming trabahong hindi nakapapagod?
Pulubi: Alam ko, Totoy Pero, pag napapagod ako lalo akong lumalakas kumain!
Cruz: ay pu bida! Mi kat-wiran man sya!
Tony: (Halos pabulong sa sarili) May katwiran daw Tamad ka ninyo ang pulubing ito!..
Pulubi: (Narinig ang sinabi ni Tony) Aba, hindi po ako tamad ang gusto ko lang trabaho
e yong walang ginagawa!
Terya: Walang ginagawa? Aba naku e meron ho ba naming trabahong.. walang
ginagawa?
Pulubi: Aba meron po, Aling ano meron po
Tony: Saan ho naman ang trabahong iyon?
Pulubi: Saan po ho! sa Kongreso!
Tony: Sa Kongreso? Aba marami hong ginagawa ang mga Kongresista!
Pulubi: Wala po pasyalan lamang sila nang pasyalan
Cruz: Purbida! ano man ang ibig mong sabihon gapasyal lam-ang sila?
Pulubi: E, hindi po ba panay ang kanilang mga kumperensya kung saan-saan?
Yon po ang ibig kong trabaho
Junior: Ayoooon E, bakit hindi ho kayo kumandidato sa Kongreso?
Pulubi: Hindi maaari, Totoy Hindi ako pwede
Terya: At bakit naman hindi?
Pulubi: Maski naman po ako ganito honest po ako! Ayokong manloko!
Tony: Aba, hindi ho naman lahat ng pulitiko ay manloloko!
Terya: Aba naku ano bay an? Nanghihingi lang ng limos ang tao e nagtatalo pa
Kayo?
Tony: O bweno Bigyan na ninyo ng limos! (Uopo uli sa silya at itutuloy ang
pagbabasa)
Terya: (Habang kinakapa ang bulsa ng saya) Aba e wala yata akong barya e (Babaling
sa pulubi) Este tumatanggap ho kayo ng bigas, Mama?
Pulubi: (Titingnan muna ang kanyang bayong) Aba e komporme ho sa bigas
Cruz: (Pabulalas) Ay pur bida dilikado man sang pulubing itu!
Pulubi: Aba iyan lang ho ang maipagmamalaki ko Maski na ako ganito e Hindi po ako
basta-basta pulubi!
Tony: (Payamot na matitigil sa pagbabasa) E, ano ho bang klaseng bigas pa ang gusto
ninyo?
Pulubi: (Babaling kayn Tony) Hindi naman ho ako delikadoMaski naelon-elon na lang!
Terya: (Pataka)Elon-elon? Aba, naku E, Naric! Lang ho ang bigas naming e!
Pulubi: Naric? Ay naku Huwag na ho! Maraming salamat ho.
Junior: Bakit ho? Anong diperensya ng Naric?
Pulubi: Ay naku, Totoy Sa tanang buhay ko hindi pa ako tumitikim ng Naric!
Tony: Bakit ho naman? Masarap naman ang bigas-Naric medyo nga lang malagkit
Pulubi: Hindi ho malagkit Ma-racket!
Tony: (Payamot) Sya.. sya.. Kung ayaw ng bigas e Bigyan na lang ng pera nang
matapos na ang salitaan!
Terya: O sya hala Pero wala akong barya e (Babalingan si Junior) Meron ka ba
riyan, Junior?
Junior: (Dudukot sa dalawang bulsa) Sino, ako? ay walang laman ang bulsa ko kundi
butas! (Lalapit kay Tony na nakaupo sa silya) Ikaw, kuya? Abonohan mo muna
Tony: Ha? (kakapain ang mga bulsa) Wala rin e Teka (Titindig sa pagkaupo at lalapitan
si Mr. Cruz) Meron ba kayo riyan, Mr. Cruz?
Cruz: Ha? Ay pur bida maski saan ga-umpisar sa akon man ga tapos!
BAKIT BABAE ANG NAGHUHUGAS NG PINGGAN
Characters:
Yoh asawa ng bungangera na si Anna.
Anna ang bungangerang misis.
Hao si ginoong albularyo mula sa kabundukan ng Tralala.
Ren mayamang ginoo.
Horo-horo - kapitbahay nina Yoh at Anna.
Tamao isa pang kapitbahay.
Manta - isang extra.
_____
Sa isang maliit na barangay na hindi ko alam kung saan, mayroong naninirahan na mag-
asawa. Yun nga sina Yoh at Anna. Si Yoh ay isang tamad na asawa (alam nating lahat iyon) at
si Anna ay bungangera (alam din natin yon). Isang araw.

Anna: Yoh! Magsibak ka ng kahoy!


Yoh: .
Anna: (lapit sa asawa sabay sigaw) YOH! HINDI BA SABI KO SA IYO MAGSIBAK KA NG
KAHOY!
Yoh: (nagulat at nahulog mula sa upuan) Ha? Ah oo nga sabi ko nga ehehehe. (sabay alis)
* sa labas ng bahay habang nagsisibak ng kahoy si Yoh.* Horo-horo: Aba! Kumpareng Yoh!
Kamusta ka na?
Yoh: Eto ganun pa rin.
Horo-horo: Ba! Hindi ako makapaniwalang hanggang ngayon ay under ka pa rin dyan kay
Anna! Akala ko kapag kasal na kaya eh babait na yon. (napakamot sa ulo)
Yoh: eheheh. ganon lang talaga yon.
Horo-Horo: Alam ko na bakit hindi mo kaya subukang sabihin sa kanya na sawa ka na sa
pang-uunder nya sa iyo?
Yoh: Huh? Hmm. O sige pag-iisipan ko.
Horo-horo: yan ang lalaki! (sabay alis)
* Pagkatapos ni Yoh na magsibak ng kahoy ay pumasok na siya sa bahay. Doon nya naabutan
si Anna na nanonood ng Dolphin Bay.*
Yoh: Anna! Tapos na akong magsibak!
Anna: buti naman. Magluto ka naman ngayon.
Yoh: Pero. (biglang tumitig si Anna)
Anna: Pero ano?
Yoh: ah? Wala wala. Hehehe. Sige. (sabay alis)

* Nagluto na nga si Yoh at pagkatapos nilang kumain ni Anna.*

Anna: O, linisan mo na yang mga plato.


Yoh: Ha eh ikaw na lang.
Anna: (gulat) Aba! At sumasagot ka na ngayon! Ako ang asawa mo kaya dapat mo akong
pagsilbihan!
Hindi pwede ang tatamad-tamad sa pamamahay na ito! Naiintindihan mo?
Yoh: (takot pero sige pa rin) Eh masyado mo naman akong inaabuso!
Anna: (Shocked) Inaabuso? Hoy para sabihin ko sa iyo, hindi kita nire-rape! Kapal ng apog
mo!
Yoh: (Natawa) Hindi yun ang ibig kong sabihin. Dapat gumagawa ka rin sa bahay.
Anna: Ayoko nga. Yoh: Ah alam ko na. Pustahan na lang tayo. Kung sinong unang
magsasalita o gumalaw ang siyang maghuhugas nga mga pinggan simula ngayon.
Anna: Sige.
* At nagsimula ang pustahan. Si Yoh ay nanatili sa kanyang upuan at nakatitig lamang kay
Anna. Si Anna naman ay nakaupo rin medyo malapit kaya Yoh. Maya-maya.*

Ren: Heto na naman ako. Hoy utang nyo bayaran nyo na!
Anna at Yoh: .
Ren: Hello! May kausap ba ako dito?
Anna at Yoh:.
Ren: Huh? Magsalita naman kayo. Tinatakot nyo naman ako eh.
Anna at Yoh: .
Ren: Yikes! Tatawag na ako ng albularyo! Baka sinapian na itong mga ito! (sabay takbo)
* Tumawag nga si Ren ng albularyo na nagmula pa sa mahiwang kabundukan ng Tralala. Ito
ang pinakamahusay na albularyo. Si Hao.*
Hao: (Tinitingnan ang mag-asawang hindi gumagalaw) Ngayon laman ako nakakakita ng
ganito!
Tamao: (habang nakiki-usyoso) Naku kawawa naman sila!
Horo-horo: (nakiki-usyoso rin) Oo nga.
Hao: hmmm. Sa tingin ko kailangan nilang sumailalim sa isang banal na seremonya. (daan
si Manta)
Hoy bata, pwede mo bang kunin ang mga ito para sa akin? (Sabay abot sa isang listahan kay
Manta).
Manta: Ha, o sige po. (sabay alis)
Hao: Ang kailangan lang nating gawin ay maghintay para sa pagbabalik ng batang iyon.
* Makalipas ang ilang saglit, bumalik si Manta bitbit ang isang malaking supot.*
Manta: Tatang, eto na po yung pinapakakuha ninyo.
Hao: (nagalit) Hoy! Wag na wag mo akong tatawaging tatang! For your information, 18 pa
lang ako. Pero kung pagbabasehan mo yung past life ko, pwede mo na akong tawaging
tatang.
Manata: Eh di ganun din po iyon! Sige po! Babay! (takbo)
Hao: Diyaskeng baya yun ah. Bueno, magagawa ko na ang seremonya. Ah! Eto na ang mga
kailangan ko: Dragon Katol! Siguradong lamok ay tepok! (May American accent) (sinindihan
ang katol) At eto rin ang tawas! Uy ang dami pa! Teka nga, makadekwat nga ng kaunti para
may magamit ako.
Horo-horo: Haha! Tawas lang pala ginagamit mo eh!
Hao: (napahiya) Eh bakit ikaw, anong gamit mo?
Horo-horo: Ako Secret Platinum! Spring Breeze yung scent!
Hao: (natawa) E pambabae yun diba?
Tamao: Oo nga kasi akin talaga yun! Gumagamit siya pag hindi ako nakatingin kaya pala
ang bilis maubos!
Hao: Teka nga. Sisimulan ko na nga itong seremonya! Tama na ang diskusyong tungkol sa
deodorant!

* Nagsagawa ng seremonya si Hao. Ang dami dami na niyang nasindihang katol kaya ang
baho.*

Anna: (sa isip) yuck! Ang baho baho naman ever!


Yoh: (sa isip rin) ang bantot! Amoy putok! Ayokong masinghot dahil mas malala pa ito sa
utot ng taong may kinaing bulok! (galing kong mag-rhyming no! joke joke joke)

* Wala pa ring nangyari dahil hindi naman sinapian sina Yoh at Anna. Wala nang maisip si
Hao kaya ito na lang ang huli niyang maisip.*

Hao: Eto na lang ang alam kong solusyon. Ang paggamit sa mahiwagang baston na mula sa
mahiwagang bundok. Ang bundok ng Smokey Mountain!
Tamao at Horo-horo: Yuck!
Hao: He! Manahimik kayo! Eto na! Idinadalangin ko sa mga banal na espiritu ng Smokey
mountain na iligtas ninyo itong mag-asawang ito mula sa mga masasamang kaluluwa!
Yaaah! (hahampasin ng baston si Anna kaso biglang tumayo at nagsalita si Anna)
Anna: (inis) Hoy ginoong albularyo, wag mo nga akong mahampas-hampas! Baka sampalin
kita dyan!
Wala akong balak magkaroon ng pasa noh! Paano na ang aking flawless skin kung
magkakapasa ako?
Horo-horo at Tamao: Yehey! Ang galing-galing ni ginoong albularyo! Napagaling niya si
Anna!
Yoh: Yehey rin kasi si Anna ang unang nagsalita! Siya ang maghuhugas ng plato simula
ngayon! Yehey! (nagpagulong-gulong sa lupa)
Anna: Kainis kasi kayo! Napaka pakialamero talaga ninyo!
Horo-horo, Hao at Tamao: Huh?
Anna: Nagpupustahan lang kami ni Yoh na kung sinong unang magsalita o gumalaw ang
maghuhugas lagi ng plato! Bwisit talaga kayo!
Horo-horo: Pasensya na po madam Anna.
Anna: Hmmph!
Narrator: At iyan ang dahilan kung bakit babae ang naghuhugas ng Pinggan!
Tapos na po
Ang Matapat na Bata ay Pinagpapala
Mga Tauhan:
Mang Teban (Yuri Booc)
Aling Pepay(Lorraine Vito)
Jun-jun(Third Vista)
Ray-ray(Lindsay Esparrago)
Tagapagsalaysay/Teacher(Reinaflor Talampas)

Isang araw sa tahanan nila Mang Teban

ALING PEPAY: Mga anak, halina kayo at kumain na tayo..


MANG TEBAN: Aba, mga anak, bilis-bilisan ninyo at medyo gutom na kami ng nanay nyo!
JUN-JUN AT
RAY-RAY : Nandiyan napo tatay! (Tumatakbo silang magkapatid pero nagtatalo)
RAY-RAY: Sabihin mo na kasi Kuya..
JUN-JUN: Natatakot ako eh!
RAY-RAY: Sige na kuya, mas maganda kung sabihin na natin kina nanay..
ALING PEPAY: Jun-jun, Ray-ray, ano ba yung pinagtatalunan nyo?
RAY-RAY: Kasi po Nanay, sobra po ang sukli ni kuya sa canteen kanina..Hindi pa po niya
naisoli.
JUN-JUN: Nanay, kasi po , kasi pohindi ko po nabilang agad ang sukli..
MANG TEBAN: Jun-jun, pagpasok mo bukas, isauli mo na anak ha.
JUN-JUN: Opo, Tatay..
ALING PEPAY: Alam mo ba anak kapag matapat kang bata, malulugod ang Diyos sa
iyo..

Kinabukasan, sa classroom..

JUN-JUN: Teacher, sobra po ang sukli na naibigay sa akin sa canteen kahapon. Eto po
ang P 20.00 na sobra.
TEACHER: Ang husay! Ang bait na bata! Salamat!

Haharap ang Teacher sa kanyang mga estudyante.

TEACHER: Mga bata, gayahin nyo si Jun-jun, isang matapat na bata!

Sa pag-uwi, sinalubong si Junjun at Ray-ray ng kanilang mga magulang at tinanong.

ALING PEPAY: Jun-jun naisoli mo ba anak ang sobrang sukli?


JUN-JUN: Opo, nanay!
MANG TEBAN: Ito ang tandaan nyo mga anakang matapat na bata ay pinagpapala.

Tandaan natin, sa lahat ng bagay, dapat tayo ay laging matapatHonesty is the best
policy sabi nga sa wikang Ingles.

Dito po nagtatapos ang aming mga dula


ANG PAMILYA
Nanay-
Anak (ate)-
Anak-
Anak (bunso)-
Tatay-
Lola-
Lolo-
Kasambahay-
Kapitbahay-
Anak nung kapitbahay-
Tagapagsalaysay-

Tagapagsalaysay: Ang pamilya Ledesma ay katulad lang ng iba ngunit para sa kanilang
mga kapitbahay sila na ata ang pinakamabait na pamilya sa barangay.
Ate: Yaya, pwede ba to kainin? Nagugutom na ako eh.
Kasambahay: Nako para sa kapatid mo yan! Kakain na naman ng hapunan eh. Sandali
nalang.
May tumama sa bubong
Bunso: Ate narinig mo yung tumama sa bubong?
Anak: Wag kang magaalala baka kahoy lang yan na nahulog dahil sa lakas ng hangin.
May kakatok sa pintuan
Lola: Ate may kumakatok ata. Baka tungkol sa bagay na bumagsak sa bubong natin iyan.
Paki tignan mo naman kung sino.
Pagbubuksan ng pintuan
Ate: Ano po yun?
Kapitbahay: Nako pasensya na po. Yung anak ko po kasi naglalaro ng bato ngayon dahil sa
lakas ng hangin tumama siya sa bubong ninyo. Di ko po alam kung may nasira.
Ate: Manang, sila mama nalang po ang kausapin ninyo diyan. Mamayang gabi ho sila
makakauwi.
Kapitbahay: Sige babalik nalang ako mamaya. Paki sabi nalang ang tungkol dito sa kanila.
Salamat.
Sa loob ng bahay
Lolo: Sino daw iyon, apo?
Ate: Tama po si lola, tungkol nga sa pagtama sa bubong ito. Babalik nalang daw siya pag
dumating na sila mama.
Bunso nakadungaw sa bintana
Bunso: Nandiyan na sila mama!
Papasok ang magulang
Tatay: Mga anak nandito na kami. Tamang-tama lang ang dating namin para sa hapunan.
Papasok sa loob
Nanay: Oh siya kain na tayo
May kakatok
Bunso: Ako na!
Bubuksan ang pintuan
Bunso: Sino po sila?
Kapitbahay (kasama ang kanyang anak): Ako po ang kapitbahay ninyo. Natamaan po ng
anak ko ang inyong bububong dahil sa kakulitan niya. Pwede bang makausap ang magulang
mo tungkol dito?
Bunso: Sige po. Pasok po.
Sa kainan
Nanay: Ukol saan po ang gusto inyong sabihin?
Kapitbahay: Tungkol po sa bububong ninyo, natamaan po ng anak ko, di ko pa nakikita
kung may nasira man o nabutas ngunit babayaran ko naman ito.
Tatay: Nasabi nga po ng aking anak yan sakin. Tinignan ko po at nasira ang bububong
ngunit di naman ito nabutas dahil sa hindi naman malakas ang tama.
Kapitbahay: Nako pasensya na po. Magkano po ba ang kailangan kong bayaran?
Nanay: Hindi na po kailangan. Hindi naman malakas ang tama kayat hindi naman kami
mapapamahal. Sainyo na lamang ang para sa pampagawa niyo sana ng aming bubong.
Kapitbahay: Nako marami pong salamat. Sa totoo nga po kailangan ko ang perang para sa
pagpagawa ng inyong bubong. Anak humingi ka ng tawad at magpasalamat.
Anak ng kapitbahay: Maraming salamat po. Pasensya na sa nagawa ko.
Lolo: Okay lang iyon iho. Basta wag paglalaruan ang mga bato sa susunod ha.
Anak ng kapitbahay nods
Tagapagsalaysay: Kitang kita nga naman ang pagiging mabait sa kapwa ng pamilyang
Ladesma kayat sila ang tinatawag na pinakamabait na kapitbahay sa barangay.
Ang Pamahiin sa Buhay ni Dorna Pineda
Mga Tauhan:
Dorina Pineda
Nanay/ Mrs. Pineda
Mommy/ Mrs. Arguellas
Lavinia Arguellas
Stephanie
Alvin Arguellas
Tagapagsalita

Iskript:
Scene 1: Ang Pag-uusap ng Magkasintahan
Dorina: O Alvin, napatawag ka.
Thank you, happy anniversary din! Kailan ka ba uuwi dito?
Namimiss na kasi kita. Salamat sa regalo ha. Pasensya ka na dahil wala akong
naibigay.
Sige na, mag-iingat ka ha. Nandito na kasi ako sa bahay baka mahuli ako ni
inay. Bye!
Mahal kita!
Scene 2: Ang Kasabihan
(Umuwi na si Dorina galing sa simbahan at pumasok siya sa kusina upang tulungan ang
kaniyang ina.)
Dorina: Inay, nandito na po ako!
Nanay: Nandito ako sa kusina anak.
Dorina: Mano po nay.
Nanay: Kaawaan ka ng Diyos anak. Aba, masaya ata ang dalaga ko.
Dorina: Hindi naman po inay, maganda lang po ang araw ko. (Nakangiti si Dorina.)
Nanay: Halika, tulungan mo ako dito.
Dorina: Sige po. Ako na lang ang maghihiwa ng sibuyas. Ano po ba ang ulam natin?
Nanay: Iyan lang! Wala kasi tayong pambili anak. ( Napatitig ang anak sa ina.) Hindi
biro lang.
Adobong sitaw ang ulam natin.
Dorina: Pwede po bang kangkong na lang? Mas masarap po kasi yun at para maiba
naman po.
Nanay: Mukha ka ng kangkong! (Natawa ang mag-ina.) O siya, pumitas ka na ng mga
kangkong mamaya diyan sa taniman ni Aling Bebang at huwag mong
kalimutang magpaalam ha.
Dorina: Opo inay.
(Naghihiwa ng sibuyas si Dorina)
Nanay: Bakit ka umiiyak?
Dorina: Naluluha lang po ako dahil sa sibuyas na hinihiwa ko.
Nanay: Alam mo ba na may kasabihan ang matatanda na kapag napaluha ka habang
naghihiwa ng sibuyas ay hindi mo daw makakasundo ang iyong biyenan.
Dorina: Inay! Huwag po kayo magsalita ng ganyan! Mga pamahiin lang po iyan at hindi
po iyan totoo!
(Nagulat ang nanay sa sinabi at naging reaksyon ng dalaga.)
Nanay: Bakit ka apekatado? Bakit magpapakasal ka na ba?
Dorina: Uhm, hindi po inay. Hindi po. Huwag niyo na po akong alalahanin.
(Nakatitig ang nanay sa anak na para bang may hindi siya nalalaman tungkol kay
Dorina)
Scene 3: Si Stephanie
(Umuwi na si Lavinia na may dalang sorpresa kay Mrs. Arguellas.)
Lavinia: Mommy, guess whos with me! (Masayang pumasok ng bahay upang
salubungin ang ina.)
Mrs. Arguellas: Ano ba iyon anak at mukha atang tuwang tuwa ka!
Lavinia: Mommy, kasama ko si Stephanie. Remember her?
(Pumasok si Stephanie sa bahay.)
Stephanie: Hello po tita! Kamusta na po kayo?
Mrs. Arguellas: Ah Stephanie! Long time no see. Nandito ka ba para bisitahin si Alvin?
Wala kasi siya e may business trip.
Stephanie: Alam ko po. Napadaan lang po ako dito kasi nakita ko si Lavinia sa airport.
Ito po pala mga pasalubong ko po galing States.
Mrs. Arguellas: Salamat Steph, napakabait mo talaga. O sige, magkuwentuhan muna
kayo diyan ni Lavinia at magpapagawa lang ako ng makakain at maiinom natin.
O Lavinia, ikaw na muna ang bahala kay Steph ha.
Lavinia: Yes mommy!
(Umalis na si Mrs. Arguellas at pumunta ng kusina.)
Lavinia: Ang swerte mo naman Steph! Alam mo bang gustong-gusto ka ni mommy
para kay Kuya Alvin!
Stephanie: Gusto niyo nga ako para kay Alvin pero gusto ba ako ni Alvin? Hindi niya
kasi ako tinitingnan e para bang may mahal na siyang iba.
Lavinia: Ano ka ba?! Hindi ako papayag na mapunta siya sa iba. Ikaw lang ang gusto
ko para kay kuya. Sigurado akong iyon din ang iniisip ni mommy.
Stephanie: Talaga Lavinia? Tutulungan mo akong mapasa-akin siAlvin? Salamat.
Salamat talaga! (evil smile)
Scene 4: Ang Tawag
(Kausap ni Dorina si Alvin sa cellphone.)
Dorina: Hello Alvin? Napatawag ka. May problema ba?
Ano? Nagpopropose ka ba?!
Oo naman, mahal din kita. Sigurado ka ba na handa ka ng magpakasal?
Paano ang iyong pamilya? Ha? Ikaw ng bahala dun?
(Natahimik si Dorina.)
Andito pa ako. Siyempre gusto kitang pakasalan. Ako ng bahala kay inay.
Alam kong maiintindihan niya ang sitwasyon. Umaasa din ako na magiging
maayos ang lahat sa pagitan mo at ng iyong pamilya. Mag-iingat ka ha.
Paalam.
Scene 5: Ang Nakakagulat na Balita
Nanay: Anak, nandiyan ka ba?
Dorina: Nandito po ako sa kwarto inay! ( Sinusuot ang gown.)
(Pagpasok ng inay sa kuwarto)
Nanay: Bakit mo suot ang damit kong pangkasal?!
Dorina: Bagay po ba inay? Maganda ba? Anong ayos po ba ng buhok ang bagay sa
akin?
Nanay: Teka teka! Bakit mo nga iyan suot? Ano bang mayroon?
(Naging seryoso si Dorina.)
Dorina: Inay, niyaya na po ako ni Alvin na magpakasal.
(Nanlaki ang mga mata ni nanay at napaupo siya sa narinig niya.)
Dorina: Nay! Ayos lang po ba kayo?
Nanay: Ano bang kasal ang sinasabi mo? Sino si Alvin?
Dorina: Si Alvin Arguellas po. Nobyo ko po siya. Matagal na po kaming magkasintahan
at may 1 taon na po. Iyon po yung araw na umalis tayo bilang labandera at
katulong sa bahay ng mga Arguellas. Pasensya na po inay kung inilihim ko po
ito sa inyo.
Nanay: Anak! Bakit mo ito nagawa? Bakit si Alvin Arguellas pa! Magkaibang-magkaiba
ang estado ninyo sa buhay! Sigurado akong hindi papayag si Mrs. Arguellas sa
gusto niyo.
Dorina: Malapit na pong umuwi si Alvin dito at siya na daw po ang bahala doon. Inay,
sana po maintindihan niyo ako. Mahal ko po si Alvin at alam kong ganoon din
siya sa akin. Sana po ay pagbigyan niyo na po ang kahilingan ko.
Nanay: Wala na akong magagawa. Basta anak nandito lang ako lagi para sa iyo.
(Napangiti ang anak at niyakap ang ina. Napangiti na din ang ina dahil nakita naman
niyang masaya ito.)
Dorina: Maraming salamat po inay!
Nanay: Sandali! Hubarin mo muna iyan! Hindi daw matutuloy ang kasal mo kapag
sinuot mo ang damit pangkasal bago ka ikasal!

Dorina: Hay naku nay, huwag po kayo maniwala sa mga ganyan. Kasabihan
lang po iyan pero sige na po huhubarin ko na po ito.
(Hinubad ni Dorina ang damit pangkasal.)
Scene 6: Ang Pagkakagulo
(Nag-ring ang telepono sa bahay ng mga Arguellas.)
Mrs. Arguellas: Hello? O Alvin anak! Napatawag ka? ANO?! Kanino?! Hindi pwede!
Ang hampas lupang iyon?! Hindi ako papayag! Si Stephanie ang karapat-dapat
sayo! Hello Alvin? Hello?!
( Binaba ng pagalit ang telepono. Dumating si Lavinia dahil narinig niyang sumisigaw
ang kanyang mommy.)
Lavinia: Mommy, Ano pong nangyari? Sino po yung tumawag? Bakit po ba kayo
nagagalit?
Mrs. Arguellas: Hindi ako makakapayag!
Lavinia: Hindi ka makakapayag saan? Bakit narinig ko yung pangalan ni Stephanie?
Mrs. Arguellas: Iyang kuya mo magpapakasal daw siya kay Dorina Pineda!
Lavinia: What?! Dorina! You mean, yung anak ng dati nating labandera?!
Mrs. Arguellas: Siya na nga iyon! Ano bang ginawa ng babaeng iyon sa kuya mo?!
Kailangan natin siyang makita.
Lavinia: Yes, mommy. Kailangan ito malaman ni Stephanie.
Scene 7: Ang Pagkikita
(Dumating si Mrs. Arguellas, Lavinia at Stephanie sa bahay ng mga Pineda. Kumatok
sila)
(knock knock)
(Binuksan ni Nanay ang pinto at nagulat.)
Nanay: Mrs. Arguellas!
Mrs. Arguellas: Oo ako nga. Gusto kong makausap si Dorina.
Nanay: Pumasok po kayo. Tatawagin ko lang siya.
(Pumasok ang tatlo na bakas sa kanilang mga mukha ang pandidiri.)
Nanay: Maupo po muna kayo.
(Bumulong si Lavinia sa kanyang ina..)
Lavinia: Mommy, ang baho naman dito. Bakit niyo pa kasi ako sinama? Madudumihan
lang yung damit ko e.
Mrs. Arguellas: Magpalit ka na lang ulit mamaya. Kailangan natin itong gawin para
protektahan ang kuya mo.
(Tinawag ni Nanay si Dorina.)
Nanay: Anak, nandito si Mrs. Arguellas.
(Nagulat si Dorina.)
Dorina: Ano po? Bakit daw po?
Nanay: Hindi ko alam. Gusto ka daw niyang makausap. Anak, ito na nga ba ang
sinasabi ko.
Dorina: Huwag po kayong mag-alala kakayanin ko po ito para sa amin ni Alvin. Wala
na po itong atrasan. (Nagpakita ng determinasyon si Dorina.)
Nanay: Nandito lang ako anak. Hindi kita papabayaan.
Dorina: Salamat po inay.
( Lumabas ng kuwarto ang mag-ina at nagkita na sina Mrs. Arguellas at Dorina.)
Dorina: Magandang hapon po Mrs. Arguellas.
Mrs. Arguellas: Hindi na kami magpapaligoy-ligoy. Sinabi na sa akin niAlvin na gusto
ka daw niyang pakasalan. (Galit na sinabi ni Mrs. Arguellas.) Dorina, alam kong
alam mo na magkaiba ang katayuan ninyo sa buhay. Bakit ang anak ko pa? Ano
ba ang gusto mo? Pera? Sapat na ba ang 100 thousand para layuan mo ang
anak ko? 500 thousand?
Dorina: Hindi (Pasagot na si Dorina nang biglang nagsalita si Nanay.)
Nanay: Pasensya na po Mrs. Arguellas. Alam namin na mahirap lang kami pero hindi
kami ganun ka baba gaya ng iniisip ninyo! May dignidad kami at hindi namin
kailangan ng pera niyo!
(Nagulat ang lahat sa sinabi ni Nanay.)
Dorina: Tama po si inay. Kahit po anong gawin niyo hindi niyo po kami mabibili ng pera
niyo. Mahal ko si Alvin at alam kong mahal din niya ako. Maaari na po kayong
umalis.
(Nabigla si Stephanie kay Dorina at napahiya naman si Mrs. Arguellas. Tumayo siya at
dali-daling umalis.)
Mrs. Arguellas: Tara na. Wala ng dapat pag-usapan. Ito ang tatandaan niyo hindi pa
tapos ang laban.
(Tiningnan ni Dorina at ni Nanay ang 3 babae na umalis.)
Scene 8: Ang Masamang Balak
(Nasa kotse sina Mrs. Arguellas, Lavinia at Stephanie.)
Lavinia: Iyon ba ang gustong mapangasawa ni kuya? Yuck!
Mrs. Arguellas: Ano ba kasi ang nagustuhan ng kuya mo sa hampas lupang iyon? At
kung makasagot akala mo kung sino! Hindi ito pwede! Si Steph dapat ang
pakakasalan ni Alvin!
(Hindi kumikibo si Stephanie dahil sa kanyang mga natuklasan.)
Lavinia: Ano na pong gagawin natin?
Mrs. Arguellas: Kailangan kong mapigilan ang kuya mo!
Scene 9: Ang Pagbabanta
Mrs. Arguellas: Hello Alvin! Hindi ako makakapayag na magpakasal ka sa babaeng
iyon! Kung hindi ka susunod sa akin papatayin ko siya!
(Binaba ang telepono.)
Scene 10: Ang Hindi Pagsipot ni Alvin sa Kasal
(Malungkot na mag-isang nakatayo si Dorina na suot ang damit pangkasal.)
Scene 11: Ang Desisyon ni Dorina
(Pagkaraan ng isang buwan)
Nanay: Anak, ayos ka lang ba talaga?
Dorina: Opo inay.
Nanay: Alam kong nasasaktan ka pa din anak.
Dorina: Inay, bakit po ba ganoon? Saan po ba ako nagkulang? Basihan po ba ang
katayuan sa buhay ang pagpapakasal?
Nanay: Hindi totoo iyan. Siguro ay hindi talaga kayo para sa isat isa.
Dorina: Bakit hindi siya dumating sa kasal? Hindi kaya nagkatotoo ang mga pamahiin--
Ang pagpatak ng luha ko sa paghihiwa ng sibuyas at ang pagsuot ko ng damit
pangkasal? Sana po pala hindi ko iyon ginawa.
Nanay: Huwag mong sisihin ang sarili mo. Malalagpasan mo din ito anak. Marami
pang iba diyan. Hindi lang si Alvin ang lalaki sa mundo.
Dorina: Pero inay, mahal ko siya. Siya po ang buhay ko. Hindi ko alam kung
makakaya ko na mawala siya. Inay, paano na po ako?
Nanay: Nandito lang ako anak. Sigurado akong malalagpasan mo din ang pagsubok
na ito. Manalig ka.
Dorina: Opo inay. Naniniwala po ako na may dahilan si Alvin kung bakit hindi siya
dumating. Sigurado ako na ito ay upang maprotektahan ako. Hindi ako
naniniwala sa mga pamahiin. Mas naniniwala ako kay Alvin.

You might also like