You are on page 1of 17

De La Salle University-Dasmarias

College of Liberal Arts


Social Sciences Department
Kasaysayan at Kultura ng Pilipinas

Total Examination Reviewer


Preliminaries

Name:
Course, Year and Section: HUB22/HUB21/HUB23
1. Kahulugan ng Kasaysayan
2. Pananaw at Kahalagahan ng Kasaysayan
3. Paglalahad ng Paraan at Metodolohiya ng Pagsulat ng Kasaysayan
4. Pagtanaw sa Lokal na Kasaysayan ng Dasmarias, Cavite
5. Katangiang Pisikal ng Bansa bilang pundasyon ng Kultura
6. Unang Pamayanan
7. Maagang Panahon ng Paleolitiko hanggang migrasyon ng Lahing Austrenasyano
8. Mga Patunay sa pagkakaroon ng Kabihasnang Pilipino
9. Ang Lipunang Balanghay
10. Pagdating ng Islam at ang Pagtatatag ng Sultanato
11. Mga pagbabago at Pagsubok sa Bayan
12. Panahon ng Pagdating at Pananakop ng mga kastila
13. Mga patakaran na tinatag sa panahon ng pananakop
14. Ang reaksyon at tugon ng Bayan
15. Ang kilusang Agraryo at ang mga unang pag-aalsa

*Ang mga paksa bilang 9-15 ay hindi napag-aralan ngunit nag mga ito ay kabilang
sa preliminaryong period ayon sa Silabus.*-HUB22
*Ang mga sumusunod na informasyon at lektura ay batay sa mga hand-outs at
discussion ni Mr. Gilbert Macarandang. Kabilang din dito ang mga lektura na na-
idownload mula sa www.nicenet.org*

Kahulugan ng Kasaysayan

Kasaysayan

- salitang-ugat: Saysay-mahalaga, makabuluhan, may katuturan


Ingles- History, Latin-Historia, Pranses-Histoire
- ang kasaysayan ay ang pag-aaral ng mga nakaraang pangyayaring may
halaga sa tao.
- Nagiging mahalaga ang isang nakaraang pangyayari kung ito ay
isasalaysay.
- Ang pagkakaroon ng Kasaysayan ay nakabatay sa pagkakaroon ng
Sibilisasyon

Dalawang Uri ng Pagsasalaysay


1. Pasulat ng Pagsasalaysay
2. Pasalitang Pagsasalaysay

2 Mahahalagang disiplina ng kinakailangan sa Pagsusulat at Pagsusuri ng Kasaysayan


1. Antropolohiya- Pag-aaral ng kabuuan ng isang tao; kanyang gawi, iniisip at paniniwala
2. Arkeolohiya- Pag-aaral ng mga ebidensya ng nakaraan.

2 Uri ng Ebidensya ng Nakaraan


1. Artifact o Artipakto- Anumang bagay na likha ng tao. Ang mga bagay na tio ay
nagpapakita ng sibilisasyon.
2. Dokumento- Anumang bagay na naisusulat.

2 Uri ng Dokumento
1. Pribado- mga dokumento na galing sa isang individwal
2. Pampubliko- mga dokumento na nanggagaling sa gobyerno

Karagdagang Informasyon
Espanyol- mga mamamayan ng Espanya
Kastila- mga mamamayan ng isa sa mga probinsiya ng Espanya, ang Castille

Pananaw at Kahalagahan ng Kasaysayan

Tradisyon ng Pagsasalaysay o Kasaysayan ng Kasaysayan

Nahahati ang tradisyon ng Pagsasalaysay o Kasaysayan ng Kasaysayan ng Pilipinas sa


dalawang panahon:

1. Panahon bago dumating ang mga Kastila o Espanyol


2. Panahon ng pagdating mga Espanyol

Panahon bago dumating ang mga Kastila o Espanyol

Ang mga ninuno ng mga Pilipino ay mayroon ng sibilisasyon bago pa man


dumating ang mga mananakop na Espanyol. Isang matibay na katibayan ng pagkakaroon
nila ng sibilisasyon ay pasalitang kasaysayan na kanilang pinasa mula sa isang
henerasyon patungo sa isa pang henerasyon. Ang Pasalitang Kasaysayan na ito ng mga
ninunong Pilipino ay napapaloob sa kanilang mga Epiko at Awitin. Ang mag epiko at
awiting ito ay karaniwang sinasambit ng kanilang mga babaylan o mga pari tuwing sila
ay nagkakaroon ng mga ritwal o sakramento (bis: paganito).

Ang mga kwento ng ating mga ninuno ay karaniwang nakasentro sa kanilang mga
Diwata o Diyos. Sa kadahilanang pasalita ang paraan ng pagpapasa ng mga awitin at
epiko ng mga sinaunang Pilipino, may mga pagdadagdag at pagbabawas ng mga detalye
na naganap. Tanging mga magkakalahi lamang ang maaring makapagbago ng kanilang
mga kwento sapagakat sila lamang may alam ng wikang kanilang sinasalita.

Ang pananaw na ito sa Kasaysayan ay tinatawag na Pantayong Pananaw


(Panghalip: tayo).

Pagdating ng Mga Espanyol

1565-1610 Ika-16-17 na Siglo

Noong napadpad sina Ferdinand Magellan sa bansang Pilpinas noong Marso 21, 1521,
hindi lang mga sundalo sa pakikidigma ang kanyang mga kasama. Nagsama rin siya ng
mga paring misyonero na magsisilbing instrumento sa pagpapakalat ng Relihiyong
Katolisimo sa bansa. Halimbawa na lamang ay si Padre Pedro Valderrama na kasa-
kasama ni Magellan sa Pilipinas. Ang nasabing prayle ay nagdaos na misa sa Limasawa.
Hindi lamang si Magellan ang nagdala ng mga paring misyonero sa bansa. Maging si
Miguel Lopez de Legazpi ay nagdala rin ng paring misyonero sa kanyang pagpunta sa
Pilipinas.

Naging mahalaga ang papel ng mga paring misyonero sa pagpapakalat ng kristyanismo sa


ating bansa. Isa pang mahalagang tungkulin ng mga paring misyonero na ito ay maging
escribanos o manunulat. Sila ang nagsilbing tagapagsulat ng mga pangyayaring kanilang
nasaksihan. Ang mga dokumentong kanilang sinulat ay naglalaman ng obserbasyon nila
tungkol sa kultura ng mga ninuno natin. Kabilang dito ang kanilang sariling pananaw
tungkol sa kultura ng ating mga ninuno.

Pinapadala ng mga paring misyonero na ito sa Espanya ang kanilang mga naisulat na
dokumento. Dalawang opisina ang tumatanggap ng mga dokumentong ito, ang gobyerno
o ang monarkiya at ang simbahan.

Ang pananaw na ito sa kasaysyan ay tinatawag na Pansilang Pananaw (Panghalip: Sila).

Sa pag-uusap ng mga kastila, ang kanilang OC o Object of Conversation ay ang mga


Pilipino.

Ika-18 na Siglo (1701-1800)

Sa isang pueblo, isa lamang ang nakakaalam sa wikang Kastila. Ito ay ang kura paroko o
ang pari ng isang pueblo. Habang lumilipas ang panahon naipapasa nila ang kaalamang
ito sa mga Pilipino na nagiging sacristan sa simbahan. Tinuturuan nila nag mga ito na
magsalita at magsulat sa wikang Kastila.

2 Dahilan Kung Bakit Gusto ng Mga Pamilyang Pilipino na maging Sakristan at Pari ang
Kanilang mga Anak na lalaki
1. Upang mapatawad sa kanilang mga kasalanan at mapalapit sa Diyos
2. Upang masiguro nila ang kanilang pagpasok sa langit pag sila ay namatay na
Ang Indio ay bibigyan ng depinisyon bilang katutubong kristyano. Hindi lahat ng mga
Indio ay mangmang. Mula sa mga Indio na ito, sumulpot ang mga tinatawag na Ladinos.
Ang mga Ladinos ay marunong magsalita at magsulat gamit ang wikang Kastila.
Hindi naglaon ay binigyan din ng pagkakataon na ang mga Indio at Mestizo ay makapag-
aral at maging pari. Sila ay tinawag na mga paring Sekular.

Ang mga paring sekular at ang mga ladinos ay karaniwang kinakausap ng mga paring
Kastila. Sa kanilang pag-uusap, pinamumukha ng mga kastila na mangmang at walang
sibilisasyon ang mga Pilipino. Isa sa mga kilalang Ladino ay si Diego Silang.

Ika-19 na Siglo (Dumami ang mga Ladinos dahil dumami din ang mga Espanyol)

2 Dahilan Kung Bakit hindi agad dumami ang mga Kastila sa Pilipinas
1. Mahaba ang Paglalakbay
2. Namamatay ang mga manlalakbay dahil sa Paglalakbay

Di nagtagal, ang mga Ladinos ay nakapag-aral na pormal at nagging mga Ilustrados. Ang
mga ilustrados na ito ay ang mga taong nakapag-aral ng pormal at nagging mulat sa
realidad ng buhay. Ang mga Ilustrados ay nagtayo ng Propaganda kaya naman sila ay
tinawag na mga propagandista. Nilalayon ng mga propagandista na maging probinsiya ng
espanya ang Pilipinas, samakatwid, ninanais nila na maging mamamayan din ng Espanya
ang mga Pilipino. Ito ay tinatawag na asimilasyon.

Ilan sa mga prominenteng Ilustrado ay sina Dr. Jose Rizal, Marcelo Del Pilar at Graciano
Lopez Jaena. Upang maparating sa Espanya ang kanilang mga hinaing, nagtayo sila ng
knailang dyaryo na tinawag na La Solidaridad. Sa pa,mamagitan nito, naprating nila sa
hari ng Espanya ang kanilang mga hinaing. Sa mga artikulong kanilang nilathala sa La
Solidaridad, ginamit nila ang wikang kastila upang makapagsulat ng mga artikulo na para
sa mga Kastila.
Ang pananaw na ito sa Kasaysayan ay tinatawag na Pangkaming Pananaw (Panghalip:
Kami)

Pagdating ng mga Amerikano (1898-1946)

Edukasyon ang pinakamahalagang ambag ng mga amerikano sa mga Pilipino. Nagtayo


sila ng mga State College at State University sa bansa. Binigyan din nila ng pagkakataon
ang mga Pilipino na makapag-aral sa Amerika. Ang mga matatalinong Pilipino na ito ay
tinawag na mga Pensionados. Sila ay tinawag na mga Amboys. Ang mga iskolar na ito ay
kinakailangang pumili ng mga eskwelahan sa Amerika upang doon makapag-aral. Ang
mga Pilipinong ito ay nakatanggap ng Full Bright Scholarship na nagbigay sa kanila ng
opurtunidad.

Pagdating nila sa Pilipinas, sila ay nagkakaroon ng posisyon at hinahayaang magturo sa


mga unibersidad. Dinala nila sa bansa ang kanilang maka-amerikanong pananaw kaya
naman naging napaka-impluwensyal ng kulturang amerikano sa ating bansa.

Kahalagahan ng Pag-aaral ng Kasaysayan


1. Upang malaman ng tao ang kanyang nakaraan at upang kanya itong maintindihan
2. Upang matutunan ng tao na pahalagahan kung bakit at paano naging kasalukuyan
ang kasalukuyan.
3. Upang makita ng tao kung paano nakakaapekto ang mga nakikita at di nakikitang
pwersa sa paglago ng bansa.
4. Upang matuto ang tao na gumawa ng mga desisyon na makakaambag sa ikabubuti
ng lahat.
5. Upang matutunan ang mga pagkakamali ng tao at maitama niya ang mag ito.
KARAGDAGANG INFORMASYON
-Ang wika na natutunan sa pakikinig lamang ay nababago.
-Sa U.P., noong taong 1910, sa Departamento ng Kasaysayan, ang nagging tseyr ay si
Austin Craig.
-Naulit lamang ang ibat-ibang uri ng Pananaw Pangkasaysayanb noong Panahon ng
mga Amerikano.

Paglalahad ng Paraan at Metodolohiya ng Pagsulat ng Kasaysayan

1. Bumuo ng posibleng eksplanasyon sa isang pangyayari


2. Kumalap ng mga informasyon; primaryo at sekondaryo
3. Suriing mabuti ang informasyong nakalap at gamitin ang mga ito upang
mapatunayan o hindi ang hinuha tungkol sa isang pangyayari

Pagtanaw sa Lokal na Kasaysayan ng Dasmarias, Cavite

Katulad ng bayan ng Amadeo, ang Dasmarias ay maraming bersyon ng local nitong


kasaysayan. Parte ang baying ito ng Imus hangggang noong taong 1868. Noong taong ito,
naging isang munisipalidad na rin ang Dasmarias at pinangalanan itong Perez-
Dasmarias. Pagkatapos ng 37 taon ng kalayaan, ang Dasma ay muling binalik sa Imus.
Nanatiling baryon g Imus ang Dasma hanggang 1917.

Nagsilbing mahalagang daanan ang Dasma parqa sa mga rebolusyunaryong Magdalo. Sa


Pasong Santol sa Salitran Dasma nakipaglaban ang hukbo ni Emilio at Crispulo
Aguinaldo sa hukbo ni General Jose Lachamber. Nagtagal ang labanang ito mula Marso 7
hanggang Marso 24, 1897. Nang matalo ang hukbo nina Aguinaldo, natalo na rin ang
Imus.

Ang mga unang nanirahan sa bayan na ito noong taong 1862 ay ang pamilya nina nGil
Tirona, Vicente Guevarra, Eleuterio Ceda, at Eustaquio Palume. Dumami ang mga tao
kaya naman nagkaroon ng petisyon ang mga ito na gawing munisipalidad ang bayan.
Bago pa man maging bayan ang Dasma, mayroon na ito Simbahan na itinayo ng mga
Agustinong pari.

Ang Kasaysayan ng Dasma ay kaugnay ng isa sa mga naging magiting nitong pinuno, si
Placido Campos. Siya ang capitan municipal ng Dasma nang puimutok ang rebolusyon
noong 1896. Sa tulong ng kanyang sekretaryo na si Francisco Barzage, nilusob nila ang
mga kumbento ng mga kastila at ang kanilang garison. Sa kasamaang palad, nakatakas
agad ang mga ito.

Pinursige ng mga rebelde ang mga tumakas na espanyol. Di nagtagal at nahuli nila ang
mga ito. Namatay ang isang espanyol na sarhento at isang pari.

Makalipas ang 7 buwan, bumalik ang mag espanyol upang gumanti. Ang hukbo ni
General Lachamber ay nagtagumpay sa paggapi sa hukbo ni kapitan idong at mgha
voluntarios. Halos kalahati ng 20, 000 populasyon ng bayan ang nangamatay dahil sa
labanan.
Noong digmaan sa pagitan ng mga Amerikano at Pilipino noong 1899-1901, muling
nakipaglaban si Kapitan Idong kasama ang hukbo ni Hen. Aguinaldo. Natalo sila at
nadakip si Kapitan Idong at ang Kanyang pamangkin na si Guillermo Campos. Sila ay
binilanggo sa Intramuros. Nang makalaya, bumalik si Kapitan Idong sa kanyang pamilya.

Noong Oktubre 1901, ang mga amerikano ay nagtatag ng ng gobyernong sibil. Lumiit
ang populasyon ng dasma kaya naman muli itong binalik bilang barrio ng Imus noong
taong 1901. Noong 1917, naging bayan ulit ang Dasmarias.

Katangiang Pisikal ng Bansa bilang pundasyon ng Kultura

Sa kaso ng kulturang Pilipino, malaki ang naging papel ng katangiang pisikal sa


pagkakabuo nito.

Ang pilipinas ay may dalawang malalaking bahagi na mayroong isang napakalaking


pagkakaiba. Ito ay ang bahagi ng banasa na madalas daanan ng bagyo at yaong bahagi na
hindi dinadaanan ng bagyo.

Noong ika-16 na siglo na kung saan malakas ang kalakalan ng mga pampalasa,
maraminng manlalakbay ang naging interesado upang makahanap ng mga pampalasang
kalakal. Halimbawa na lamang nito ay si Magellan na nanggaling pa sa europa upang
makahanap pa ng maaring mapagkukunan ng mga pampalasa.

Ang bahagi ng bansa na hindi naman madalas daanan ng basgyo ay naging lundayan o
pook tigilan ng mga mangangalakal. Ilan sa kanila ay nagsipag-asawa ng ilan sa mga
katutubong naninirahan doon. Diot nagsimula ang pagpapayaman ng gene pool ng mga
bahagi ng Pilipinas na hindi masyadong dinadaanan ng bagyo. Nagkaroon ng bahid ng
kulturang kanluranin ang kulturang Pilipino ng mga taong naninirahan dito.

Ang bahagi ng bansa na lagging dinadaanan ng bagyo ay hindi masyadong pinuntahan ng


mga dayuhan kaya naman nanatili ang purong kulturang Pilipino sa mga lugar na ito.

Unang Pamayanan, Maagang Panahon ng Paleolitiko hanggang migrasyon ng


Lahing Austrenasyano at Pagkakabuo ng Kalupaan ng Pilipinas

-Ang Pilipinas ay isang kapuluan na makikita sa singsing ng apoy at sinturon ng lindol


-Madalas daanan ng bagyo ang ating bansa dahil katabi lamang natin ang karagatang
pasipiko.
-Mayroon tayong kabihasnang maritime
-Mula sa panahon ng Cretaceous hanggang Pleistocene, nabuo ang mga anyong lupa at
ang archipelago ng Pilipinas dahil sa mga prosesong heolohikal na tinatawag na
paggalaw ng platong tektoniko
-Noong nakakonekta pa ang Pilipinas sa kontinenteng asya, sinasabing naglakbay
patungo sa ating bansa ang mga hayop gaya ng rhinoceros at mga elepante at ang mga
unang tao gaya ng Homo erectus at Homo Sapiens.
-Ang mga sinaunang tao ay pinaniniwalaang naninirahan sa dalwang lugar, ang timog
silangang asya at Beijing.
-Sa paglubog ng mga tulay na lupa, ang naging tanging paraan upang makapaglakbay
patungo sa ibang lugar ay sa pamamagitan ng mga Bangka at maritimong nabigasyon.
-Dito nagsimula ang pagkalat ng lahing austrenesyano. Sila ay gumamit ng mga Bangka
upang makapunta sa pasipiko. Nagkaroon ng kabihasnan ang mga ito ng magkita ang
lahing Australoid at Austrenesyano sa gitna at timog pilipinas.
-Nagsimula ang pagkalat ng mga Asutrenesyano pagkatapos nilang bumuo ng kabihasnan
kasama ang lahing Australoid. Sila ay pumunta sa mga lugar gaya ng Indonesia,
Malaysia, Oceania at Madagascar nopong 2500 Bago ang Kasalukuyan.

Heolohiya- ang pag-aaral ng mundo at ang istruktura, komposisyon, at pagkakabuo nito.

-Sinasabing nabuo ang mga kasalukuyang masa ng lupa sa mundo dahil sa pagkakahiwa-
hiwalay ng tinatawag na super continent o Pangaea.
-Ito ang tinatawag na Continental Drift Theory
-Ang teorya ito ay pinropose ni Alfred Wegener (ve-ge-ner)
-Di kalaunan ay napalitan ang teoryang ito ng Plate Tectonic theory.
-May dalawang uri ng mga plates, minor at major.
-Ang kapuluan ng pilipinas na nasa hilid ng Philippine sea pate ay nabuo dahil sa
paggalaw ng huli.
-Pinaniniwalaaang nabuo ang Pilipinas mula sa tinatawag na Proto-Philippine na arko ng
mga pulo na binubuo ng kasalukuyang Bicol, Leyte, at Silangang Mindanao.
-Ang paggalaw at pag-uumpugan ng mga plates ay nagbunga rin ng mga lindol at
bulkanismo.
-Nalikha din sa pagitan ng mga nag-uumpugan na plates ang mag trintsera at kanal na
pinagsibulan ng mga bulkan.
-Sa mahabang panahon ng paggalaw, narrating ng Pilipinas ang kasalukuyang
kinaroroonan nito.
-Ang bansa natin ay malapit sa equator at nasa gilid ng pasipiko kaya naman masasabi na
tropikal ang klima ng bansa.
-Mayroon tayong dalawang urio ng klima, tag-init at tag-ulan.
-Mayroon din ang ating bansa ng dalawang uri ng monsoon. Yaong umiihip mula sa
kontinente ng Asya patugo sa sa karagatan na umiihip tuwing nobyembre hanggang mayo
(AMIHAN).
-Ang ikalawang uri ng monsoon ay yaong umiihip mula sa pasipiko patungong
kontinente na umiihip lamang tuwing hunyo hanggang oktubre (HABAGAT)
-Nang magsimula nag panahon Pleistocene, malaking porsyento ng kalupaan ang
nagpakita dahil sa panahon ng pagyeyelo. Nagign tuyonmg lupa ang mga masa nga
lupang ito.
-Nagkadugtong-dugtong ang mga kalupaan sa tinatawag na Sunda Shelf na sumasakop sa
Borneo, Sulu, Palawan, hilagang Luzon at Taiwan (Dating Formosa).
-Ayon sa mga siyentipiko, ang mga tulay lupa na ito ay naging daanan ng mga hayop
gaya ng mga elepas, stegodon, at rhinoceros. Natagpuan ang mga fossil ng mga ito sa
lambak Cagayan, pangasinan, rizal, novaliches, QC, Iloilo, Zamboanga, at Sulu.
-Kasabay ng mga hayop na ito ang pagpunta ng mga hominid o malataong nilalang na
kabilang sa ispecie ng mga homo erectus at homo sapiens.

Taong sakop Panahol Heolohikal Kaganapan


65 M taon B.K. Huling Cretaceous -Nabuo ang unang elemento
ng bansang Pilipinas
-Nangyari ito dahil sa
paglubog ng Phil. Sea Plate
sa ilalim ng Indian
Australian Plate.
-Ang mga unang elemento
na ito ng ating bansa ay ang
Bikol, Leyte, at Silangang
Mindanao.
53-37 M taon B.K. Eocene -Mula sa equator kasabay
ng pagkilos ng pacific plate,
naanod ang arko ng
kapuluang Pilipinas sa
pahilagang kanlurang
direksyon.
-Nahati ang Pilipinas sa
tatlong arko
-Arkong Luzon (Sierra
Madre at Samar)
-Arkong Halmahera (bahagi
ng Indonesia)
-Arkjong Sangihe
(Zambonga at Kudarat)
37-23 M taon B.K. Gitnang Oligocene -Lumawak ang dagat Timog
tsina dulot ng pagbuka ng
suelo ng dagat sa pagitan ng
Eurasian Plate at
Microcontinental Block.
23-6 M taon B.K. Maagang Miocene -Pagalwak ng Sea Floor ng
dagat Sulu
Gitnang Miocene -Nagkaroon ng bulkanismo
sa arkong Sulu
-ito ay bunga ng pagbungo
ng microcontinental block
ng Palawan sa orhinal na
arkong isal ng Pilipinas.

6 M taon B.K. Huling Miocene -nagpatuloy ang pagkilos ng


pacific at Philippine plates.
-tumigil ang bulkanismo
-lumitaw ang mga
kapatagan sa Luzon

6-2 M taon B.K. Huling Miocene-Maaagang -Nagsimula ng mabuo ang


Pleistocene Pilipinas sa kasalukuyang
porma nito.

*M taon B.K- Milyong taon bago ang kasalukuyang Panahon

Sinaunang Tao: Homo erectus at Homo sapiens

Katangian Homo erectus Homo sapiens


Nakakatayo Oo Oo
Paraang ng pagpunta sa Sa pamamagitan ng mga Sa pamamagitan ng mga
Pilipinas tulay na lupa bangka
Nakakagawa ba sila ng Oo Oo (mas pino nga lang
gamit kaysa sa mga gawa ng mga
Homo erectus
Nomadic ba sila Oo Oo
Pisikal na anyo Makapal ang bungo, may Kahawig ng ispecie ng
nakausling buto sa may modernong tao
talukap ng mata, may
malaking panga, ,ay maliit
na baba
Sukat ng utak 750-1100 cm3 1200 cm3
Paano sila nabuhay Sa pamamagitan ng Sa pamamagitan ng
pangangaso at pangangalap pangangaso at pangangalap
Saan sa Pilipinas sila Sapagkat sila ay nomadic, Sila ay nomadic din ngunit
nanirahan walang permanenteng lugar pinaniniwalaang sila ay
kung saan sila tumira. nanirahan sa sa yungib ng
Pinaniniwalaang nanirahan tabon sa Palawan at sa mga
sila sa Lambak ng Cagayan lugar na may sapat na
pagkain

Mga Patunay sa pagkakaroon ng Kabihasnang Pilipino

1. Palay o Agikultura (Hagdan-hagdan taniman)


2. Pagtatanim ng lamang-ugat
3. Pagtatanim ng mga prutas
4. Pag-aalaga ng Hayop
5. Pakikipagpalitan ng mga produkto
6. Paggawa ng mga kasangkapan
7. Pagnganga ng bunga
8. Paggamit ng Bangka
9. Paglilibing ng namatay na kaanak
KARAGDAGANG INFORMASYON
-Ang plate tectonic theory ay nanggaling sa salitang griyego na tektonika na ang ibgi
sabihin ay mason.
-May dalawang mahahalagang layers batay sa plate tectonic theory : Ito ay ang
asthenosphere at ang lithosphere
-May dalawang mahalagang ebidensiya na nanggaling ang lahing Pilipino sa lahing
Austrenesyano: Linggwistikong ebidensiya at Materyal na ebidensiya (Hagdan-
hagdan palayan)

Ang Pinagmulan ng Lahing Pilipino

Ang mga sinaunang Pilipino ay pinaniniwalaang nagmula sa Formosa. Bago pa man sila
dumating sa Pilipinas, una muna nilang pinuntahan ang Tsina. Mula sa Formosa, dumaan
sila ng Tonkin gulf upang makapunta sa Mekong river at sa red river. Sa mga nasabing
lugar na ito, natutunan nila ang pagtatanim ng palkay sa mga rice terraces. Malamig ang
klima sa lugar na ito at alam ng mga sinaunang settlers sa Pilipinas na ang palay ay
maiging tumutubo sa mga lugar na malamig. Nang sila ay magdesisyon na bumalik sa
Formosa, muli nilang tinahak ang daan patungong tonking gulf. Ang ilang sa kanila ay
nagdesisyong bumalik sa Formosa upang sunduin ang kanilang mga kaanak doon. Ang
ilan naman ay napadpad sa Lingayen gulf at manila bay. Yaong mga tao na napadpad sa
lingayen gulf ay tinahak ang Agno river hanggang marating nila ang kayapa river. Dito
sila nagsimulang gumawa ng mga rice Terraces. Di naglaon ay iniwanan din nila ang
Kayapa at pumunta sila sa kasalukuyang lugar ng mga Ifugao. Nagsimula ulit silang
gumawa ng mga rice terraces doon.

Ang grupo ng mga tao na dumako sa manila bay ay nanatili sa mga baybayin sa silangan.
Ang ibang grupo ay dumaan ng pasig river at nadiskubre nila ang Laguna de bay
(Majayjay-Lukban Area).

Ang mga Ifugao ay nanirahan na sa banawe noon pang 1000 b.k. Nanggaling sila ng
Kayapa at Lingayen Gulf. Ang mga taong dumapo sa manila bay at lingayen gulf ay
pinaniniwalaang nagsasalita ng parehas na wika dahil nga parehas naman silang
nanggaling sa Tsina. Makalipas ang 7,000 taon, ang wikang Ifugao at Tagalog ay
nagkaroon ng malaking pagkakaiba.
ANG TEORYA NG MONOSYLLABIC NA PINAGMULAN NG PHILIPPINEASIAN
NG MGA WIKA

-Ang mga Philippineasian na wika ay sumunod sa ebolusyunaryong debelopment mula sa


pinaksimple hanggang sa pinaka-kompleks
-Validation-mahalgang proseso sa teoryang ito
-Sa pagbuo ng disyllabic na tagalong,. May tinatawag na infixation at expansion
-Ang mga terminong tumutukoy sa mga parte ng katawan ay hindi karaniwang binago.
Kaya naman, ang mga ito ay malakas na ebidensiya ng linggwistikong debelopment.

Ang Lipunang Balanghay: Philippine Society and Culture in the 16th century

AREAS DESCRIPTION
Pisikal na Anyo -Ayon sa mga kastila ang mga unang
nakita nilang Pilipino ay may katam-
tamamg taas at maitim na kulay
-Ayon kay Pigafetta, ang mga Pilipino
daw ay mayroong olive skinned o tan na
kulay.
-Ayon kay Padre Alcina, hindi naman
talaga maiotim ang mga katutubo sa
Leyte at Samar
-Ayon naman kay Loarca, Ang mga tag-
visayas ay matipuno at magaganda
-Ang babae ay mas maputi kaysa sa lalaki
-Binokot ang tawag sa anak ng mga
datung babae na hindi pinalalabas.
Disenyo ng Ngipin -Sangka ang tawag ng mga taga-Visayas
sa pag-aayops ng ngipin
-Sa prosesong ito, tinatanggal ang
kalahati ng ngipin at kinukulayan ito.
Minsan pa nga ay nilalagyan ito ng ginto.
-Nagnganga sila upang magkaroon ng
kulay ang ngipin.
-Pusad ang tawag sa paglalagay ng ginto
sa ngipin
-Manunusad ang tawag sa gumagawa
nito
Pagtatatoo -Tinawag ng mga kastila na pintados ang
mga sinaunang Pilipino na may tattoo.
-Batuk ang tawag nila ditto
-Sa ibang lugar naman, tinatawag na
Patik ang pagtatatoo
-Ang nilalagyan lamang ng tattoo ay
yaong mga kalalakihan na nanggaling sa
digmaan
Paghuhulma ng Ulo -Ang mga hindi muslim na Sumatra ay
hinuhulma ang ulo ng mga bata upang
ito ay maging flat.
-Maging ang ilong ay hinuhulma din.
-hinuhulma ng mga taga visayas ang ul;o
ng mga bata upang ang mga ito ay
maging malapad at lumiit ang ilong.
-Maraming nahukay na mga bungo sa
Albay, Marinduque, Samar, Cebu, Bohol,
Surigao at davao na ganito ang hugis ng
mga bungo.
Paglalagay ng Pins sa Ari -Ang mga kalalakihan sa Visayas ay
naglalagay ng mga pins sa kanilang ari
para sa pakikipagtalik.
-Ikinagulat ito ng mga Espanyol,
Portuguese, Italyano, at mga Ingles.
-Tugbuk ang tawag sa pin na inilalagay
sa ari ng bata para sa pakikipagtalik .
-Ito ay nilalagay sa may urinary canal na
mayroong butas para sa pag-ihi.
-Maliliit ito na bars na yari sa gintp,
brass, ivory o kaya ay lead.
-Nagsilsilbing anchor ito para sa singsing
na mayroong ngipin na tinatawag na
Sakra.
-Gumagamit din sila ng mga pellets.
Pagtutuli -Ang pagtutuli ay laganap sa Visayas.
-Ito ay pagtatapyas ng balat ng ari
pahalang at hindi pabilog.
-Ito ay tinatawag na supercision sa halip
na circumcision.
-Pisot ang tawag sa hindi pa tuli.
-Noong ika-17, tinawag itong Islam
Pagbubutas ng Tenga -Ang lalaki at babai ay nagsusuot ng
hikaw.
-Parehas na may butas ang kanilang mga
tenga.
-Ang lalaki ay mayroon isa hanggang
dalawa lobes.
-Ang babae naman ay mayroong 3
hanggang 4 na lobes.
-Ang sukat ng butas ng tenga ay maaring
kasing laki ng dalawang daliri o parang
kasing laki ng isang buong kamay.
Buhok -Pinagmamalaki ng mga kababaihan ang
kanilang buhok na hanggang paa.
-Panta ang tawag sa mala-koronang ayos
ng buhok ng mga kababaihan.
-Hindi ito maaring hawakan ng mga
kalalakihan
-Gumagamit sila ng mga pabango galing
sa sesame
-Para sa mga datu, nasi nilang mas
malakas ang maoy ng kanilang buhok
kaya naman gumagamit sila ng pabango
mula sa ambergris, civet, at musk.
(Ambergris=sperm whales,
civet=viverridae, musk=usa)
Societal Structure Datos, Tumaguas, at Oripes
(PARA SA KARAGDAGANG
INFORMASYON, MAG-REFER SA
LEKTURA ANIM NA MAARING
MAKUHA MULA SA NICENET.ORG

Supplemental Materials for Reading and Reviewing


1. Discussion and Lecture notes of Mr. Macarandang
2. Lectures 1, 2, 3, 4, 5, 6, mula sa nicenet.org
3. Hand-out tungkol sa Pagsibol ng Lahing Pilipino at Kapaligira (at GF of AEA)
4. Lokal na Kasaysayan ng Dasmarias
5. Kasaysayang Bayan ni Dante Ambrosio
6. Philippine Society and Culture in 16th century setting ni W.H. Scott

*Paki-counter check ang ilang mga termino at Informasyon.


*Pasensya na sa mga maling ispeling. Nagmamadali na kasi ako.
*Maraming salamat sa Pagbabasa.
*Maligayang mahabang walang tulugang pag-aaral!
://ACHub220910

You might also like