You are on page 1of 18

SALAWIKAIN

- ay mga maiiksing pangungusap na lubhang makahulugan at naglalayong magbigay


patnubay sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Naglalaman ito ng mga karunungan.
Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.
Kahulugan: Sa tinagal-tagal man ng samahan ng magkasintahan, sa bandang huli ay
humahantong din ito sa kasalan.
Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit
Kahulugan: Ang taong nagigipit kung minsan ay napipilitang gumawa ng mapangahas na
bagay na maaaring maging dahilan upang lalu lamang siyang magipit.
Pag maliit ang kumot, magtiis kang mamaluktot
Kahulugan: Kung nakakaranas ng kakulangan sa buhay ang isang tao ay dapat siyang
mamuhay ng naaayon sa kanyang kakayahan. Matutong magtipid at maging payak sa
pamumuhay.
Kung hindi ukol, hindi bubukol
Kahulugan: Ang swerte sa buhay ay huwag asahang makakamtan kung hindi nakalaan para
sa iyo.
Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa
Kahulugan: Hindi sapat na tayo ay humingi ng awa sa Diyos, kailangan din natin na pag-ukulan
ng sikap at gawa upang matamo ang mimithing biyaya.
Lahat ng gubat ay may ahas
Kahulugan: Saan man sa ating lipunan ay may mga taong traydor na gumagawa ng mga
bagay na nakalalason o nakasisira sa samahan ng bawat isa.
Magkulang ka na sa magulang huwag lamang sa iyong biyenan
Kahulugan: Kadalasang ipinapayo ito sa mga nagbabalak magpakasal o sa mga bagong mag-
asawa upang mapabuti ang kanilang pagsasama. Ang mga magulang kase ay higit na
mapagtatakpan o mapapatawag ang pagkukulang ng sariling anak keysa sa pagkukulang ng
ibang tao.
Kung ano ang puno, siya ang bunga
Kahulugan: Ginagamit sa paghahambing ng anak sa kanyang mga magulang. Sapagkat ang
mga magulang ang humuhubog sa pagkatao at pag-uugali ng anak, ang anak ang nagiging
larawan ng pagkatao at pag-uugali ng kanyang mga magulang. Ang mabuti (o masamang)
anak, ay karaniwang ibinubunga ng mabuti (o masamang) mga magulang.
Kung ano ang itinanim, ay siyang aanihin
Kahulugan: Kung ano ang ginawa mo sa kapwa ay kadalasang ganun din ang gagawin sa iyo.
Halimbawa kung naging matulungin ka sa kapwa ay tutulungan ka rin ng mga taong tinulungan
mo.

May tainga ang lupa,may pakpak ang balita


Kahulugan: Mag ingat sa mga sinasabi dahil maaaring marinig ng iba nang hindi mo
nalalaman dahil may mga taong tsismoso at mahilig magkalat o gumawa ng kuwento sa
ibang tao.

Ang pili nang pili, natatama sa bungi


Kahulugan: Hindi ka dapat mag-aksaya ng oras sa mapipili ng gusto dahil pag naubos ang
oras wala na ang mga bagay na gusto mo.

Batong buhay ka man na sakdal ng tigas, sa patak ng tubig lamang


naagnas
Kahulugan: Gaano ka man katapang may mga panahon na ikaw ay mahina at napapaiyak.

Ang taong walang kibo, nasa loob ang kulo


Kahulugan: May mga taong tahimik ngunit pag sila ay may hindi nagustuhan lumalabas ang
tunay nilang kulay o pag-uugali

Sa taong walang takot, walang mataas na bakod


Kahulugan: Ang tunay na matapang ay walang kinatatakutan o inaatrasang pagsubok.

Ang hipong tulog ay tinatangay ng agos


Kahulugan: Panatilihin alerto at maging mapagbantay para hindi ka mahanap ang iyong
sarili saisang masamang sitwasyon.

Ang nakatikip na bibig ay hindi pinapasukan ng langaw


Kahulugan: Panatilihin ang bibig ay nakasara at tumahimik upang manatili sa
labas ng problema.

Ang ampalaya kahit anong pait, sa nagkakagusto'y matamis


Kahulugan: Gaano man kapait ng isang gulay, ito ay matamis sa mga taong gusto nito.

Kung walang tiyaga, walang nilaga


Kahulugan: Pag hindi pinagsikapan ang bagay na gusto mo sa huli hindi mo rin ito
makukuha dahil wala kang ginawa para makamtam ito.
Bago mo sabihin at gawin, makapitong iisipin
Kahulugan: Pag isipang mabuti ang mga bagay na gagawin o sasabihan mo para hindi mo
ito magsisihan sa huli
Ubus-ubos biyaya, pagkatapos nakatunganga.
Kahulugan: Pag nagamit mo ang lahat ng biyaya o nakain mo na ang mga biyayang pagkain.
Kinabukasan wala ng natira sa iyo.
BUGTONG
- ay isang pangungusap o tanong na kadalasang nilalaro ng mga batang
pinoy, at ng mga nakakatanda. It ay may doble o nakatagong kahulugan na
nilulutas bilang isang palaisipan.

1. Bugtong: Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.


Sagot: kandila
2. Bugtong: Baboy ko sa pulo, ang balahiboy pako.
Sagot: langka
3. Bugtong: Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat.
Sagot: ampalaya
4. Bugtong: Isang butil ng palay, sakot ang buong buhay.
Sagot: ilaw
5. Bugtong: Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan.
Sagot: anino
6. Bugtong: Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon.
Sagot: banig
7. Bugtong: Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.
Sagot: siper
8. Bugtong: Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas.
Sagot: gamu-gamo
9. Bugtong: Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo.
Sagot: gumamela
10. Bugtong: Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay.
Sagot: kubyertos
11. Bugtong: Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob.
Sagot: kulambo
12. Bugtong: Maliit pa si kumare, marunong ng humuni.
Sagot: kuliglig
13. Bugtong: Baka ko sa palupandan, ungay nakakarating kahit saan.
Sagot: kulog
14. Bugtong: May bintana ngunit walang bubungan,
may pinto ngunit walang hagdanan.
Sagot: kumpisalan
15. Bugtong: Heto na si Kaka, bubuka-bukaka.
Sagot: palaka
16. Bugtong: Magandang prinsesa, nakaupo sa tasa.
Sagot: kasoy
17. Bugtong: Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari.
Sagot: paruparo
18. Bugtong: Dalawang batong itim, malayo ang nararating.
Sagot: mga mata
19. Bugtong: Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita.
Sagot: tenga
20. Bugtong: Sa maling kalabit, may buhay na kapalit.
Sagot: baril

PABULA
- ay isang maiksing kuwentong kathang-isip na kinatha nuong unang panahon. Eto ay ginagampanan ng mga hayop na
nagsasalita at kumikilos na tulad ng tao. Ang pabula ay tumatalakay sa mga kilos at pag-uugali na nangangailangang
ituwid o baguhin dahil sa pagiging hindi mabuti o makatarungan.
Kabayo at ng Mangangalakal
Isang mangangalakal ang maghahatid ng dalawang sakong asin sa
palengke. Inilulan niya ang mga sako ng asin sa kanyang kabayo at
nagtungo sila sa palengke.

Nang tumatawid sila sa isang ilog na dinaanan ay hindi sinasadyang


nadulas at natumba ang kabayo. Napunit ang mga sako at ang ilang
bahagi ng asin ay nabuhos sa ilog at ang iba naman ay nalusaw dahil
sa pagkababad sa tubig. Hindi naman nasaktan ang kabayo at
napansin niya na lubhang gumaan ang pasan niyang dalawang sako
ng asin at siya ay natuwa

Nang sumunod na linggo ay magpupunta uli ang mangangalakal sa


palengke at naglulan na nman ng dalawang sakong asin sa kanyang
kabayo. nang mapalapit na sila sa ilog ay napagisip-isip ng kabayo:

"Kung magpapadulas ako sa ilog ay tiyak na gagaan uli ang pasan ko,"
ang sabi ng kabayo sa kanyang sarili.

Ganun na nga ang ginawa ng kabayo. Muling nabutas ang mga sako
at ibang asin ay nabuhos sa ilog at ang iba naman ay nalusaw. Nguni't
sa pagkakataong eto ay nakahalata ang mangangalakal na sadyang
nagpadulas ang kabayo sa ilog.

Pagdaan pa ng isang linggo ay muling magtutungo ang mangangalakal


sa palengke subalit sa pagkakataong eto ay apat na baldeng may
lamang alpombra ang kanyang inilulan sa kabayo - dalawang balde sa
magkabilang tabi ng kabayo.

"Aba, ok to, mas magaan ang pasan ko ngayon. Ganun pa man ay


magpapadulas pa rin ako sa ilog para mas gumaan pa ang pasan ko,"
ang sabi ng kabayo sa kanyang sarili.

Pagdating sa ilog ay kusa na namang nagpadulas ang kabayo ngunit


laking gulat niya nang biglang bumigat ang kanyang pasan nang siya ay
malublob sa tubig. Ang apat na balde na may alpombra ay napuno ng
tubig at di hamak nanaging mas mabigat pa keysa sa dalawang sakong asin.

Ang Kabayo at ng Kalabaw


Isang magsasaka ang nais manirahan sa ibang bayan kaya isang araw
ay inipon niya ang kanyang mga gamit at inilulan sa kanyang alagang
kabayo at kalabaw. Maaga pa ay sinimulan na nila ang mahabang
paglalakbay.

Makaraan ang ilang oras ay nakaramdam ng matinding pagod at pang-


hihina ang kalabaw dahil sa bigat ng kanyang pasang gamit.

"Kaibigang kabayo, di hamak na mas mabigat ang pasan kong gamit


keysa sa iyo. Maaari bang tulungan mo ako at pasanin mo yung iba?"
pakiusap ng kalabaw.

"Aba, yan ang ipinataw sa iyong balikat ng ating amo kaya pagtiisan mo,"
anang kabayo na lalo pang binilisan ang paglalakad.

"Parang awa mo na tulungan mo ako. Di ko na kakayanin ang bigat ng


dala ko. Nanghihina ako. Alam mo namang kailangan kong magpalamig
sa ilog kapag ganito katindi ang init ng araw dahil madaling mag-init ang
katawan ko," pakiusap pa rin ng kalabaw.
"Bahala ka sa buhay mo," naiinis na sagot ng kabayo.

Makaraan pa ang isang oras at lalung tumindi ang init ng araw. Hindi
nagtagal at ang kalabaw ay iginupo ng bigat ng kanyang dala at siya
ay pumanaw.

Nang makita ng magsasaka ang nagyari ay kinuha niya ang lahat ng


gamit na pasan ng kalabaw at inilipat sa kabayo na bahagya namang
makalakad dahil sa naging napakabigat ng kanyang mga dalahin.

"Kung tinulungan ko sana si kasamang kalabaw ay hindi naging ganito


kabigat ang pasan ko ngayon," may pagsisising bulong ng kabayo sa kanyang sarili.

Daga at ng Leon
Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na
leon. Kanyang inaakyat ang likuran ng leon at pagdating sa itaas ay
nagpapadausdos siya paibaba.

Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising ang leon. Dinakma ng leon


ang daga at hinawakan sa buntot na wari bagang balak siyang isubo at
kainin. Natakot at nagmakaawa ang daga.

"Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang gambalain ka sa


pagtulog mo. Wala akong masamang hangarin. Nakatuwaan ko lang na
maglaro sa iyong likuran. Huwag mo akong kainin" sabi ng daga.

Nabakas ng leon sa mukha ng daga ang tunay na pagmamakaawa.


"Sige, pakakawalan kita pero sa susunod ay huwag mong gambalain
ang pagtulog ko," sabi ng leon.
"Salamat kaibigan. Balang araw ay makagaganti rin ako sa kabutihan mo, "
sagot ng daga.
Lumipas ang maraming araw at minsan sa pamamasyal ng daga sa
kagubatan ay kanyang napansin ang isang lambat na nakabitin sa puno.
Lumapit siya upang mag-usisa at agad niyang nakilala ang leon na nahuli
sa loob ng lambat na ginawang bitag ng mga nangagaso sa kagubatan.

Dali-daling inakyat ng daga ang puno at nginatngat ang lubid na nakatali sa


lambat. Agad namang naputol ang lubid at bumagsak ang lambat kasama
ang leon sa loob. Mabilis na bumaba ang daga at tinulungan ang leon na
nakawala sa lambat.
"Utang ko sa iyo ang aking buhay," laking pasasalamat na sabi ng leon sa kaibigang daga.

ANG LOBO AT TUPA


Isang lobo pulong sa isang tupa na naliligaw mula sa kulungan ng mga tupa, hindi nalutas upang maglatag ng marahas na mga
kamay sa kaniya, kundi upang mahanap ang ilang mga sagot sa paratang, na dapat Nakahanay sa tupa mismo ang kanyang
karapatan na kumain sa kanya. Siya kaya hinarap niya:
"pare, noong nakaraang taonmong mahalay inalipusta mo ako.
" "katunayan," bleated ang tupa sa isangmalungkot tono ng boses, "hindi ako ay pagkatapos ay ipinanganak.
" Nang magkagayo'y sinabi ng lobo, "Ikaw pagkain sa aking pastulan."
"Hindi, mabuti sir," tugon ng tupa, "hindi ko pa natikman damo.
" Muli ay sinabi ng lobo, "uminom ka ng aking mabuti."
"Hindi," sabi ang tupa,
"hindi ko pa uminom ng tubig, para sa bilang pa gatas sa aking ina ay ang parehong mga pagkain at inumin sa akin.
" Na kung saanang lobo nasamsam sa kaniya, at kumain siya, na sinasabi,
"Well! hindi ako ay mananatiling supperless, kahit na pabulaanan ang bawat isa sa aking imputations."

ANG LOBO AT KAMBING

Ang lobo, pagtatago kaniyang malungkot kalagayan sa ilalim ng isang masayangpagkukunwari, indulged sa isang labis-
labis pagpupuri sa tubig, ay sinasabi ito aywalang kapantay mahusay, at hinihikayat siya sa hagdanan. Ang kambing, nasa sa
isiplamang ng kanyang uhaw, thoughtlessly kumuha ng
puwesto down, kapag lamangbilang siya namamatay kanyang uhaw, ang Fox alam sa kaniya ng kahirapan sila
ayparehong sa, at iminungkahing ng isang pamamaraan para sa kanilang mga karaniwang makatakas. "Kung," sabi niya, "ikaw
ay ilagay ang iyong nasa unahan-paa sa mga pader, at yumuko ang inyong ulo, ako'y tatakbo up ng
iyong likod at makatakas,at tutulong sa iyo sa labas pagkatapos." Sa kambing kaagad assenting sa ito
pangalawang panukala, ang lobo leapt sa kanyang likod, at steadying kanyang sarili sa
ang kambing's sungay, umabot sa kaligtasan ang bibig ng mabuti, kapag siya agadginawa off bilang mabilis na bilang ay
maaaring siya. Ang kambing upbraided siya ngmga paglabag ng kanyang linay, kapag siya
ay lumingon at sumigaw: "Ikaw mangmanglumang kapwa Kung ikaw ay nagkaroon ng maraming mga talino sa
iyong ulo bilangikaw ay may mga buhok sa iyong balbas, hindi mo gusto ay wala na sa
harap monagkaroon siniyasat ang paraan ng up, o may nakalabas na ang iyong sarili sapanganib mula sa kung saan ikaw ay
nagkaroon ng walang ibig sabihin ng pagtakas. "

ANG KUNEHO AT LOBO


Isang araw kuneho isa don't ridicule a short ang mga paa at mabagal na tulin ng lakad ngang pagong. Sa
huli, tumatawa, sinabi: "Kahit na ikaw ay matulin sa hangin, ako'ymatalo ka sa
isang lahi." Ang kuneho deeming kanyang assertion na lang imposible,assented sa mungkahi, at
kanilang napagkasunduan na ang lobo ay dapat pumili ngmga kurso, at ayusin ang mga layunin. Sa araw na takda
sa mga lahi nila nagsimula na magkasama. Ang pagong hindi kailanman para sa isang sandali tumigil, ngunit angnagpunta sa sa
isang mabagal ngunit tumatag makipagsabayan tuwid sa katapusan ngkurso. Ang Hare, nagtitiwala sa kanyang katutubong katulina
mga lahi, at nakahiga sa tabi ng daan, nahulog nahihimbing. Sa hulingnakakagising up, at paglipat bilang mabilis hangga't siya ay
maaaring, nakita niya angpagong ay naabot na ang layunin, at noon ay matiwasay dozing pagkatapos ng kanyangnakakapagod
na.

ANG OSO AT DALAWANG MANLALAKBAY


Dalawang lalaki ay naglalakbay na magkasama, kapag ang isang oso biglangsinalubong sila sa kanilang mga landas. Isa
sa kanila umakyat pataas nang mabilis sa isang kahoy, at inilihim ang kanyang sarili sa ang mga sanga. Ang iba
pang, nakikita na dapat siya ay atakihin, nahulog sa lupa, at kapag ang lobo dumating sa taas at nadama niya siya
ng kaniyang nguso, at tunawin niya ang lahat ng higit, siya gaganapin ang kanyang hininga, at nagdahilan ng
anyo ng kamatayan ng mas maraming bilang siya maaaring. Ang Tumungo sa lalong madaling panahon iniwan niya, para sa mga
ito ay hindi sinabisiya ay hawakan ang isang patay na katawan. Kapag ganap na siya ay wala na, ang iba pang mga manlalakbay
ay bumaba sa punong kahoy, at accosting kanyang kaibigan, jocularly. Itinanong "kung ano
ito ay ang oso ay binulong sa kanyang tainga?" Sinabi niya,"Binigyan niya ako ng payo na
ito:. Huwag paglalakbay sa isang kaibigan na ilang ka sa diskarte ng panganib"

ANG KABAYO AT MANGANGABAYO


Isang sundalong kabayo kinuha ang sukdulan ng panganganak sa kanyang charger.Habang ang digmaan ay tumagal, siya ay
tumingin sa kaniya na gaya sa kanyang kapwa-helper sa lahat ng mga emerhensiya, at pinakain siya ng maingat na
may hay atmais. Kapag ang digmaan ay higit, siya lamang ang pinahihintulutan ipa niya na kumain, at ginawa dalhin siya mabigat
na load ng mga kahoy, at sumailalim siya samaraming bagay sa mga alipin mahirap na trabaho at masama
ang paggamot. War,gayunman, sa pagiging muli ipinahayag, at ang pakakak summoning kaniya sa kaniyang
mga pamantayan, ang
mga Sundalo ilagay sa kanyang charger nito militargayak, at inimuntar, pagiging armas sa kanyang mabigat
na baluti. Ang Horse nahulogkaagad sa ilalim ng bigat, hindi na katumbas ng pasan, at sinabi sa kaniyangpanginoon, "Ikaw ay
dapat na ngayon e'en pumunta sa digmaan sa paa, para sa iyo ay may transformed sa akin mula sa
isang Horse sa isang asno; at kung paano maaari mong asahan na maaari ko uli turn sa isang sandali mula sa
isang asno sa isang kabayo? "

ANG LEON,OSO AT LOBO


Lamang bilang isang mahusay na oso nagsidaluhong upang sakupin ang isang ligaw na hayop bata, ang
isang leon lumukso mula sa ibang direksyon sa
ibabaw saparehong huli. Ang dalawang nakipaglaban magilas para sa premyo hanggang sa silaay nakatanggap
ng maraming sugat na ang parehong sank down hindi upang magpatuloy ang labanan.
Basta pagkatapos ng lobo dashed up, at pagsamsam ng bata, na ginawa off sa mga ito bilang mabilis hangga't siya ay
maaaring pumunta, habang ang mga Lion atang Bear tumingin sa walang magawa sa galit. "Magkano mas mahusay
na ito ay," kanilang sinabi, "upang magkaroon ng shared sa mabuting espiritu."

ANG LOBO AT UWAK


Isang lobo, pagkakaroon ng buto ng bumara sa kanyang lalamunan, inupahan ng uwak, para sa isang malaking
halaga, upang ilagay ang kanyang ulo sa kanyang lalamunan at maglabas ng buto.
Kapag ang uwak ay nakuha ang tinik, at hiningi ang ipinangako sa pagbabayad, ang lobo, grinning at paggiling ang mga
ngipin, exclaimed:

"Bakit, ikaw ay tiyak na isang sapat na gaganti, sa may na pinahihintulutan upang maglabas ng iyong ulo sa kaligtasan mula
sa bibig at pangil ng isang lobo. " Sa paghahatid ng mga masama, walang
nilaga, at nagpapasalamat kung kamakatakas pinsala para sa iyong panganganak.

ALAMAT
- ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-
bagay sa daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggil sa
tunay na mga tao at pook, at mayroong pinagbatayan sa kasaysayan. Kaugnay ang
alamat ng mga mito at kuwentong-bayan.

ANG ALAMAT NG SAGING


Noong unang panahon sa isang nayon ay may magkasintahan.
Sila ay si Juana at si Aging. Sila`y labis na nagmamahalan sa bawa`t isa.
Ngunit tutol ang mga magulang ni Juana sa kanilang pag-iibigan.
Gayun pa man di ito alintana ni Juana.
Patuloy pa rin siyang nakikipagkita kay Aging.
Isang araw, naabutan sila ng ama ni Juana.
Bigla itong nagsiklab sa galit at hinabol ng taga si Aging.
Naabutan ang braso ni Aging at ito`y naputol.
Tumakas si Aging at naiwang umiiyak si Juana.
Pinulot niya ang putol na braso ni Aging at ito`y ibinaon sa kanilang bakuran.
Kinabukasan, gulat na gulat ang ama ni Juana sa isang halaman na tumubong bigla sa kanilang
bakuran. Ito`y kulay luntian , may mahahaba at malalapad na dahon. May bunga itong kulay
dilaw na animo`y isang kamay na may mga daliri ng tao.
Tinawag niya si Juana at tinanong kung anong uri ng halaman ang tumubo sa kanilang bakuran.

Pagkakita sa halaman, naalaala niya ang braso ni Aging na ibinaon niya doon mismo sa
kinatatayuan ng puno. Nasambit niya ang pangalan ni Aging.
"Ang punong iyan ay si Aging!" wika ni Juana.
Magmula noon ang halamang iyon ay tinawag na "Aging" at sa katagalan ito`y naging saging.

Alamat ng Ilog Pasig


Payapa ang gabi noon,nagningningan ang mga talasa langit. Nagsisislbing ilaw ang liwanag sa
buwan sa kapaligiran. Isang binatat dalaga ang nagpapalamig sa simoy ng hangin sa gabi.
Nagawian na nilang mamangka tuwing kabilugan ng buwan. Napagkasyahan ng magkasintahan
na mamangka sa ilog. Dayuhang Kastila ang nasabing binata at mayuming dalagang Pilipina
ang isa. Magiliw na nanonood sa kumikinang na tala ang dalaga habang sumasagwan ang
binata.

Masayang nagkukwentuhan ang dalawa sa gitna ng gabi na pumalaot sa ilog. Ngunit may
napansin ang dalaga. Sa gitna ng dilim ay may magandang bulaklak ang nakita ang dalaga na
nakalutang sa tubig. Agad niya itong inabot. Subalit sa pag-bot niyang iyon, ang bangkang
kanilang sinasakyan ay nawala sa balance at nahulog ang binata. Sa di inaasahan, ang binata
ay hindi marunong lumangoy. Sa bawat paglutang ng binata mula sa pagkalubog , tinatawag
niya si Paz na tulungan siyang makaahon.

Paz sigueme! Paz, sigueme! Ang salitang ito ay Kastila na ang ibig sabihin ay sagipin mo ako.
Sa kasawiang palad, hindi natulungan ng dalaga ang binata. Ang huling salitang nabanggit ng
binata ay Paz sig! Hindi na muling lumutang ang binata at tuluyan na itong nalunod. Dahil sa
pangyayaring ito ang ilog ay tinawag nang Pasig o Ilog Pasig.

Alamat ng Rosas
Noong araw ay may isang magandang dalagang nagngangalang Rosa, na balita sa kanyang
angking kagandahan, kayumian, at kabaitan. Maraming nangangayupapa sa kanyang
kagandahan. Ngunit ni isa sa mga ito ay hindi niya mapusuan.
Dahil ang gusto ni Rosa ay ang maglingkod sa Panginoon at sa pagtulong sa mga
nangangailangan ng kanyang tulong. Ngunit si Cristobal, isang mahigpit niyang mangingibig, ay
di makapapayag na di mapasakanya ang dalaga, at itoy nagtangkang agawin si Rosa at dinala
ito sa hardin.
Ngunit nananalangin si Rosa sa Panginoon at noon diy siyay naging bangkay. Sa takot ni
Cristobal ay ibinaon niya ang dalaga sa bakuran nito at saka siya lumayo sa pook na iyon
upang di na magbalik kailanman.
Mula noon ay hindi na nakita ng mga taga roon si Rosa. Sa halip, sa bakuran nito ay may isang
halamang tumubo na may bulaklak ngunit paghawak sa tangkay nito ay mapapasigaw ka dahil
sa talas ng tinik ng halamang hinahawakan. Dahil niloob ito ng Panginoon na gawing bulaklak si
Rosa na ang tangkay ay may mga tinik na tagapangalaga rito upang di-pagnasaang pupulin
lamang ng sinuman.

Alamat ng Bundok Arayat


Ang Bundok sa Arayat na nakapatungo sa mga lalawigan ng Kapampangan at Nueva Ecija ay
may iniingatang mga kahiwagaan na nagkasali-salin na sa mga maraming paniniwala. Sa
maraming kapaniwalaang iyan ay lalong bansag ang mga talang nababanggit sa lathalang ito,
dahil sa pagkakatanim sa diwa ng napakarami nang salin ng lahi sa Arayat at kanonog-bayan.

Sang-ayon sa matatanda sa Arayat, ang bundok n nasabi ay ari ng isang napakaganda at


mapaghimalang babae, si Mariang Sinukuan. Di-umano kapag mabili ang mga paninda, ang
araw ng lingo sa pamilihang bayan na Arayat, si Maria ay lumulusong sa bayan upang magtinda
at mamili. Subalit ang engkantada ay hindi mo raw makikilala dahilan sa ibat ibang paraan ng
pagbabalatkayo na kanyang ginagawa.
Naroon daw ang mag-ayos siya na tulad sa isang matandang magbubukid, bukod sa pagiging
maitim, ay pango pa ang ilong at sungal sunagl ang mga labi pinatutunayan din ng marami taga-
Arayat na maraming kagila-gilalas na pangyayari ang mararanasan ng sinumang dadalaw sa
bundok na iyon. Ang kabundukan ay totoong masagana sa mga bungang-kahoy at ang
sinumang aabutin ng kagutuman doon ay malayang makakpipitas at makakain ng bungang
maibigan niya, subalit ang sinumang magtangkang mag-uwi ng mga bungang-kahoy mula roon
ay hindi matututuhan ang landas pauw.

At ang lalong kahima-himala ay ang pagbuhos ng ulan kasabay ang paglakas ng ihip ng hangin.
Ngunit sa sandaling ilapag ng taong iyon at iwan ang mga bungang dala niya, ang landas sa
pauwi ay madaling matututuhan. Ang malaking tipak ng batong-buhay sa ituktok ng bundok ay
batyang pinaglalabhan ng engkantada.
Dahil sa paniwalang napakaganda ni Mariang Sinukuan at dahil rin sa magaagndang tugtugin
maririnig sa kabundukan, wala sinumang namamlagi roon sa pangambang baka magayuma sila
at hindi na muling makabalik sa kanilang tahanan.

Alamat ng Hagdan-hagdang Palayan sa Ifugao


Ang guro sa Banaue ay kinakausap ng isang lider ng sitio. Ang sabi n glider, Ipinagmamalaki
ng Banaue ang kanyang alamat na bantog na nantog sa buong Bulubundukin. Ang Ifugao Rice
Terraces ay ikawalong himala sa daigdig. Alam mo ba kung paano nagmula ito? Si G.
Malintong ang guro ay sumagot, Ikinslulungkot ko hindi ko po alam. Gusto ko sanang
pakinggan.
Nagsimula ang pagkukwento an glider habang ngumunguya-nguya ng buyo. Noong pang
kaunas-unahang panahon ang mga tao sa Bulubundukin ay may mga kaya sa buhay. Dahil sa
kanilang kasaganahan ay nakalimot tuloy sila sa Diyos.
Si Kabunian ay nagalit kaya pinarusahan ang mga mamamayan. Umulan ng walang patid kaya
nagkaroon ng malaking baha. Tumaas ng tumaas ang tubig hanggang wala nang Makita sa
paligid liban sa mga Bundok ng Pulog at Anuyao. Ang lahat ng may buhay ay nangalunod.
Namatay lahat ng mga tao at ang natira lamang ay si Wigan at Bugan nam,ay sa Bundok ng
Anuyao. Nais magluto ni Wigansubalit walang apoy. Kanyang natanaw na may liwanag na
nagmumula sa bundok ng Anuyao. Kahit di pa gasinong lumalaki ang baha, kanyang nilangoy
ang bundok. Siyay tinanggap ni

Bugan ng buong kasiyahan.


Nang sumunod na araw ay humupa na ng patuluyan ang baha kaya ang dalawa ay lumusong sa
bundok ng Anuyao. Sapagkat napag-alaman nila na walang natira sa kanilang tribo, nang
magpatuloy ang buhay, silay nagsama bilang mag-asawa. Ang dalawang itoy nag-isang dibdib,
pati ang kanilang mga inaanak ay ang pangasawahan din kaya hindi nagtagal dumami ang tao.
Lumipas ang taon. Isang araw si Kabagan, isa sa mga apo ni Duntungan ay nagtanim ng palay
sa banlikan. Ang dakilang Diyos ay nagpakita sa kaniya aat nagsalita, Kilala kitang mabuting
tao.Dapat gantimpalaan kita sa iyong trabaho. Kung sususndin moa ang aking mga tagubilin,
kakasihan ka ng mga Diyoses. Anong gusto mong gawin ko, Kabunian?
Ang Dakilang Diyos ay sumagot, Sabihin mo sa mga tao na gumawa ng caaoaraw at gabi ng
tatlong araw na sinkad upang akoy ipagbunyi. Kung akoy msiyahan, uunlad ang inyong tribo.
Ipinag-bigay alam ni Kabagan sa ulo ng tribno ang kanyang narinig. Nagsimula ang paghahanda
hangagng sa matupad ang nasabing seremonya kay Kabunian. Kinabukasan, si Kabaganay
nagpunta sa kanyang taniman ng palay. Samantalang nagtatrabaho, napakita uli sa kanya ni
Kabunian. Siyay nagsalita, Mabuti anak. Akoy nasiyahan sa inyong parangal. Makinig ka ito
ang aking gantimpala. Kitay bibigyan ng aking supling ng palay na kung tawagiy inbagar.
Kinuha ko ito sa mahiwagang batis. Itanim sa iyong tumana. Ang tumana sa lahat ng oras ay
dapat puno ng tubig. Magtayo ka ng dike sa paligid ngiyong taniman. Ang malapot na putik at
ang batonngbuhay na yaon, tuloy turo sa duminding, ay kaloob ng Diyos. Hala, sundin mo ang
aking tagubilin at umasa kang sa mga teres ay makikipagtagalan sa panahon.

Salamat po, Diyos ko, ag sagot ni Kabagan nang buong pakumbaba. Nagsimulang magtayo
ng dike si Kabagan. Kanyang itinayo ang teres ng palay na ayon sa tagubilin ng Kabunian.
Nagsigaya ang mga kapitbahay ni Kabanagan. Ang lahat ay tumulad hanggang ang buong
Ipugaw ay ay natalikupan ng mga teres na ngayoy ating ipinagmalaki-hagdan-hagdang taniman
ng palay na itinayo ng ating mga ninuno, isang obra maestro ng inhenyeriya.

Alamat ng Palay
Noong unang panahon ang mga tao ay walang palay. Ang kanilang kinakain ay gulay, bungang-
kahoy, isda, at mga hayop. Sila ay nangangaso sa gubat at nangunguha ng bungang-kahoy sa
parang. Sila ay maligaya roon.
Nawala na ang mga hayop sa gubat at iilan na lamang ang mga bungang-kahoy. Ang mga tao
ay nalungkot.
Ang mga lalaki ay nangaso sa bundok. Silay pagod na pagod at gutom na gutom. Silay
nagpapahinga ng dumating ang magagandang dalaga. Ang mga ito ay engkantada pala. Sila ay
makapangyarihan subalit magagalang.

Ang mga mngangaso ay kinumbida ng mga engkantada. Silay nagpunta sa yungib. Dito ay
napakarami pala ang engkantada. Silay may reyna. Silay nagsaya noon, nag-awitan, at
nagsayaw.
Nagkaroon ng kainan. Nakita ng mga mangangaso ang malalaking tagayan. Ang mga ito ay
punong-puno ng pagkain na puting-puti. Noon lamang sila nakakita ng putting pagkain.
Matapos ang kainan at ang mga lalaki ay nagging bata. Sila ay kumakas. Silay pinainom ng
puting alak at silay at nagging matalino.

Gusto ng umuwi ng mangangaso. Ang reyna ay nagsalita, Kayoy bibigyan ko ng butyl. Itoy
itanim ninyo sa tag-ulan. Alam kong kayo aymabubuti kaya iyan ay sisibol. Iyan ay
mamumunga. Aanihin ninyo ang bunga.
Ang mga butil na inani ay bayuhin at linisin. Ang butyl ay magiging bigas. Ito ay lutuin. Iyan ang
inyong pagkain. Iyan ang kaloob ko sa mga tao. Hala, umuwi na kayo.
Sumunod sa bilin ang mga tao. Ang bigas na niluto ang kauna-unahang kanin sa daigdig.
Alamat ng Kawayan
Noong unang panahon ang puno ng Kawayan ay hindi yumuyuko. Mayabamg ito at taas-noo.
Ipinagmamalaki nito ang kanyang makinis na katawan.
Berdeng-berde ang kabuuan ng Kawayan. Sariwang sariwa ang kulay nito lalo na kapag
nasisikatan ng araw.
Pero mainggitin ang Kawayan. Lagi at lagging naiinis siya kung hindi pinahahalagahan. Kapag
nalallulan siya ng ibang puno at halaman ay nagtatanim siya ng galit. Masama siyang mapahiya
pagkat tumatawag siya ng kaibigang handing maghiganti upang maiangat lang ang narumihan
niyang pangalan. May isang pagkakataong naparaan ang ilang kabataan sa kagubatan.
Nagpalinga-linga sila. Nang makitang wala man lang bunga ang kawayan, nilayuan nila ito.

Nilapitan nila ang puno ng Bayabas, at Santol. Tuwang-tuwa sila sa pamimitas ng mga bunga.
Inilpag nila sa damuhan ang dilaw na dilaw na bunga ng Santol t berdeng berdeng Bayabas.
Nilapitan din nila ang mga puno ng Makopa at Caimito. Namitas sila ng bunga. Matatamis at
pulang-pula ang Makopa. Hinog na hinog rin ang mga Caimitong kulay lila.
Tuwang-tuwa ang mga kabataan habang ang prutas ay pinagsasaluhan. Inggit na inggit naman
si Kawayan. Wala kasi siyang bunga na ipamimigay. Wala siyang silbi kung prutas ang pag-
uusapan.
Sa galit ng Kawayan ay tinawag niya ang kaibigang Hangin.Pinakamalakas na ihip ang higanti ni
Hangin. Nagbagsakan ang lahat ng bunga ng Santol, Bayabas. Caimito, at Makopa. Tuwang-
tuwa si Kawayan.
Minsan may nagawiang magkasintahan sa kagubatan. Nagpalinga-linga ang binata. Nang
makitang walang bulaklak na mapupurol sa puno ng Kawayanay nilayuan nila ito. Natuwa sila ng
maulinigan ang mga halamang Rosal at Sampaguita. Dali-dalingnamupol ng bulaklak ang
binata.Ang halimuyak ng Rosal at Sampaguita ay handog na napakaligaya sa dalaga. Dahilan
sa mga bulaklak ang magkasintahan ay lalong pinagbigkis ng matapat na pag-iibigan.
Inis na inis naman si Kawayan. Wala siya kahit isaman na bulaklak na maiaalay. Sa
pagkapahiya sa sarili tinawag niya ang kaibigang si Ulan.

Sunud-sunuran si Ulan. Upang maipaghiganti ang Kawayan, pinalakas ng Ulan ang kanyang
mga patak. Nasira ang mga magagandang tangkay nila Rosal at Sampaguita. Palihim na
napangiti si Kawayan.
Isang tanghaling tapat ay may dalawang matandang nahapo sa paglalakad. Upang
makapagpahinga, naghanap si Lolo Guillermo at Lola Jovita ng punong may malalabay na
sanga. Hindi man lang nila pinansin ang mga sanga ng Kawayan pagkat makikitid ang mga
dahon nito. Natuwa sila ng namataan ang puno ng Banaba. Talagang mapapalad ang mga
dahon nito na masisilungan kung ikaw ay maiinitin ng sikat ng araw. Napansin ito ng
nakasimangot na Kawayan. Nang makaalis na si Lolo Guillermo at Lola Jovita ay tinawag ni
Kawayan ang mga kaibigang Tagak. Ipinaghiganti ng mga

Tagak ang inggit na inggit na si Kawayan sa pamamagitan ng pagpigtal sa lahat ng dahon ng


Banaba. Nakalbo ang kaawa-awang puno ng lubhang ikinagalak ni Kawayan.
Lingid sa kaalaman ni Kawayan, nakarating kay Bathala ang pagiging mainggitin ni at
mapagmataas nito.Bilang parusa, ang lagging nakatingalang si Kawayan ay pinayuyuko ni
Bathala kapag hinihipan ng malakas na hangin.Ang pagyuko ni Bathala ay pagbibigay halaga sa
anumang biyayang handog ni Bathala ay dapat na pahalagahan. Na ang inggit ay di dapat
mamugad sa puso nino man.
Iyan ang alamat ng mapagmataas na Kawayan.

Alamat ng Lansones
Sinasabing ang puno ng lansones ay karaniwang makikita sa Luzon. Gayunman, walang
gaanong pumapansin dito. Isang araw, isang magnanakaw ng kalabaw ang hinahabol ng mga
tao. Napagawi ito sa lansonesan at doon nagtago. Sapagkat gutom na gutom na rin ang
magnanakaw sa katatakbo, pumitas siya ng lansones at kumain. Nalason siya. Dinatnan siya ng
mga taong patay at may bakas pa ng bula sa bibig. Mula noon, pinagkatakutan ang lansones.
Walang nangahas kumain nito.

Minsan, isang babaing nakaputi ang dumating. Palakad-lakad ito sa may lansonesan. Pakanta-
kanta ang babae kaya marami ang nakatingin sa kanya pero nangangamba namang makipag-
usap. Nakita ng lahat na kumuha ng bunga ng lansones ang babae at nagsimulang kumain.
Inasahan ng mga nanonood na mamamatay siya pero walang nangyari sa kanya. Kinambatan
niya ang mga tao para lumapit. Alam kong nagugutom kayo, inalisan ko na ito ng lason. Maaari
na ninyong kainin. Takot pa rin ang mga tao. Pero inabutan sila ng babae ng lansones.
Makikita ninyong may bakas ng kurot ang prutas. Iyan ang tanda na inalisan ko na ito ng lason.
Kumain na kayo. At nawala ang babae.
Sinapantaha ng lahat na isang ada ang babae. Tinikman nilang lahat ang prutas. At naroon nga
ang bakas ng kurot, wariy lalong nagpalinamnam sa lansones.

Alamat ng Chocolate Hills


Noong unang panahon, sa probinsiya ng Bohol, parting Kabisayaaan, may lupang malawak
subalit ito ay tuyot. Makikita mong biyak-biyak ang lupain kapag tag-init. Talagang
pagpapawisan ka kapag napadaan ka sa lugar. Subalit kapag tag-ulan ito ay maputik at
siguradong mababaon ang iyon paa kapag ikaw ay naka-yapak. Ngunit kung araw ng taniman
ay maaliwalas ang kapaligiran sa kulay ng berdeng tanawin ng pook.

Ayon sa matatanda roon, may isang araw sa magkabilang dulo ng isla na may dalawang
higanteng dumating. Ang isa ay nagmula sa parting timog at ang isa naman ay sa hilaga. Ang
mga naninirahan doon ay nangangamba na baka magkita ang dalawa. Kayat nilisan
pansamantala ng tagaroon ang lugar. Sa inaasahang pangyayari nagkita nga ang dalawang
higante.
Anong ginagawa mo sa aking nasasakupan! Itoy aking pag-aari at umalis ka na, galit na
sinabi ni Higanteng mula saTimog . Maghanap ka ng lugar na iyong aangkinin.
Aba!, ako yata ang nauna rito at itoy pag-aari ko na! sagot ding galit ng higante mula sa
hilaga. Ikaw dapat ang umalis!
Hindi maaari ito! Ito ay pag-aari ko! sabay padyak ng Higante mula sa Timog at nayanig ang
lugar na parang lumilindol.
Lalong hindi maaari! mas malakas ang padyak ng Higante mula sa Hilaga.
Noong panahong iyon, ay katatapos pa lamang ang tag-ulan at maputik sa kinatatayuan nila.
Ginawa ng isang higante ay bumilog ng putik at binato sa isa. Subalit gumanti rin ang isa at
humulma rin ng isang bilog na putik at siya ring binato sa kalaban. Walang tigil na batuhan ng
binilog na putik. Hanggang ang dalawa ay hingalin, naubusan ng lakas at nawalan ng hininga.
Tumumba ang dalawang higante na wala ng buhay.Marami ang nakasaksi sa pangyayari na
tagaroon.

Ang sumabat sa paningin ng mga tao ang mala-higanteng bolang putik na siyang ginamit ng
mga naabing higante sa pagbabatuhan.
Pagkatapos ng pangyayari, nagsibalikan ang naninirahan doon. Namuhay ng mapayapa at
masagana.Dahil sa bulubunduking ginawa ng mga higante na kulay tsokolate na sila ring
napakikinabangang taniman, ito ang pinagmulan ng Chocolate Hills.

Alamat ng Kasoy
Noong unang panahon ay nasa loob ng kasoy ang abuhing buto nito. Lungkut na lungkot ang
buto sapagkat madilim na madilim sa loob ng kasoy. Lalo itong nalungkot nang malamang
magdaraos ng isang handaan ang Adang kagubatan. Sa gabi ng handaan ay ipinatawag ng Ada
ang lahat ng hayop at halaman.
Ang buong kagubatan ay nagliliwanag sa tama ng mga ilaw ng parol ng mga Alitaptap. Ang huni
ng mga Kuliglig at kokak ng mga Palaka ay sumasaliw sa awit ng mga Maya. Masayang
kasayaw ng mga Kuneho ang mga Usa, ng mga Elepante ang mga Tamaraw, ng Zibra ang
Tsonggo. Kapareha naman ni Kangkong ang Sitaw, ni Mangga ang Dalanghita, ni Saging ang
Papaya.

Lahat ay nagsasayaw. Lahat ay kumakanta. Masayang-masaya ang kagubatan. Bukod tanging


ang buto ng kasoy ang lungkut na lungkot.
Mabuti pa sila, nakikita ang masayang paligid. Heto ako, nakakarinig ng awit at tawanan pero
hindi naman nakikita ang katuwaan.
Naulinigan ng makapangyarihang Ada himutok ng Buto.
Gusto kong maging maligaya ka. May kahilingan ka ba?

Ayoko pong nakakulong sa madilim na lugar na kinalalagyan ko. Naiinggit ako sa ibang hayop
at halaman na tuwang-tuwa kapag may handaan sa kagubatan. Nakakasama sila sa
pagsasaya. Hindi lang nila naririnig kundi nakikita pa ang katuwaan ng lahat. Maawa kayo,
mahal na Ada. Gawan ninyo ng paraang makalabas po sana ako sa pagkakakulong ko sa loob
ng prutas na ito.
Naantig ang maawaing damdamin ng mahal na Ada. Iwinasiwas nito ang nagniningning na
pananglaw. Sa isang iglap ay nakalabas sa madilim na kulungan ang Buto.
Masayang-masayang napanood ng Buto ng Kasoy ang sayawan, kantahan, at pagkakatuwaan
ng mga hayop at halaman.

Ang malakas na pagkokak ng mga Palaka at paghuni ng mga Kuliglig ay sumaliw sa awit ng
mga Maya. Sa tuwa ng Elepanteay kumembut-kembot ito sa pag-indak. Napapasabay din sa
pagimbay ang mahagway na Kawayan kasama ang Pagong na nagbababa at nagtataas ng
bahay-bahayan.
Hatinggabi na nang iwasiwas na muli ng butihing Ada ang kaniyang makinang na pananglaw.
Hudyat iyon ng pamamahinga. Pinatay na ng mga Alitaptap ang parol nila.
Nalungkot ang Buto nang dumilim na ang paligid. Nahahalinhan ng takot at lungkot nang
kumulog at kumidlat.

Napansin ng Buto na nagsipagtago ang mga hayop sa mga kuweba. Mahigpit namang ikinabit
ng mga halaman ang mga ugat sa ilalim ng lupa.
Tulad ng dapat asahan, bumuhos na ang malakas na ulan. Takot at kinakaliglig sa lamig ang
Buto.
GaGanito pala sa labas. MaMamamatay ka sa sobrang ginaw. Mabibingi ka sa ingay ng
kulog. Malamang na tamaan ka pa ng kidlat. AAyoko na sa labas.
Hindi pinakinggan ng Ada ang abuhing Buto ng Kasoy. Bilang panghabambuhay na parusa ay
pinamalagi ng Adang manatili sa labas ng Kasoy ang abuhing Buto nito. Iyan ang Alamat ng
Kasoy at ng di nito makuntentong Buto.

SAWIKAIN
o idioma ay salita o grupo ng mga salitang patalinghaga ang
gamit at hindi tuwiran ang kahulugan.
1. Kapag mataas ang lipad, tiyak na malayo ang
babagsakan.
Kahulugan: Kapag ikaw ay masyadong hambog at hindi kontento kung ano ang
meron ka tiyak na dadating ang panahon na ikaw ay walang makukuha kahit
piso.

2. Kakaning-itik
Kahulugan: walang gaanong halaga, hindi maipagpaparangalan

3. Luha ng buwaya
Kahulugan: hindi totoong nag-dadalamhati, pakitang taong pananangis

4. Maaliwalas ang mukha


Kahulugan: masayahin,taong palangiti

5. Maitim ang budhi


Kahulugan: tuso, masama ang ugali

6. Makitid ang isip


Kahulugan: mahinang umunawa, walang gaanong nalalaman

7. Malawak ang isip


Kahulugan: madaling umunawa, maraming nalalaman

8. Malikot ang kamay


Kahulugan: kumukuha ng hindi kanya kawatan

9. Pagputi ng uwak
Kahulugan: walang maaasahan, walang kahihinatnan

10. Tulak ng bibig


Kahulugan: salita lamang, di tunay sa loob

11. Pusong-bakal
Kahulugan: hindi marunong magpatawad

12. Kalapating mababa ang lipad


Kahulugan: babaing nagbibili ng aliw

13. Alilang-kanin
Kahulugan: utusang walang batad, pakain lang, pabahay at pakain ngunit walang suweldo.

14. Balitang-kutsero
Kahulugan: balitang hindi totoo o hindi mapanghahawakan.

15. Balik-harap
Kahulugan: mabuti ang pakikitungo sa harap ngunit taksil sa likuran.

16. Di madapuang langaw


Kahulugan: maganda ang bihis

17. Itim na tupa


Kahulugan: masamang anak

18. Nagmumurang kamatis


Kahulugan: matandang lalaking nag-aayos binata,matandang babae nag-aayos dalaga

19. Matalas ang tainga


Kahulugan: madaling makarinig o makaulinig

20. Takaw-tulog
Kahulugan:mahilig matulog
Pinagsama-samang
Gawain
Proyekto sa Filipino II
(Salawikain,Sawikain,Bugtong,Pabula At
Alamat)

Ipinasa Ni:
Janine Joy M. Orpilla
II-Loyalty

Ipinasa Kay:
Maam Lacanilao

You might also like