You are on page 1of 6

PAGDIDILIDILI NG ISANG PILIPINO

Kapag napapanood ko ang kasalukuyang labanan ng mga korporasiyon


ng mga prayle at ng mga tanyag na mamamayan ng aking bansa; kapag
nababasa ko ang maraming kathang inilathala ng magkabilang panig sa
pagtatanggol ng kani-kanilang mga kaisipat mga simulain, manaka-nakay
sumasagi sa aking isip na itanong sa aking sarili kung ako, bilang anak ng
aking bansa, ay hindi nararapat lumahok at magpahayag na kakampi ng isa
sa dalawang panig, sa dahilang hindi ako nararapat magwalang-bahala sa
anumang bagay na nauukol sa aking inang-bayan, o kung, sa udyok ng higit
na kahinahunan at sa higit na pagkakilala, ang nararapat kong gawin ay
manatiling walang kinikilingan, manood at sumubaybay sa labanan upag
mamalas kung aling pangkat ang nananalo at nang sa gayoy
makapagpahayag agad na akoy kakampi nito, upang sa ganitong paraay
mapitas na madali ang bunga ng tagumpay.
Ang buhay koy naging isang wlang-patid na pag-aalinlangan at isang
walang tantang pag-uurong-sulong. Alin kayang panig ang kakampihan ko?
Siyasatin natin nang buong ingat ang suliranin, at makikita natin
pagkatapos.
Anu-anong mga kalamangan ang idinudulot ng pagpapahayag na
kalaban ng mga prayle?
Sa katotohanay wala! Gaano man ang gawin kong pagsusuri sa bagay
na itoy lalot lalo kong nasusumpungan na ang pagiging kalaban ng mga
prayley isang kahangalan at kakulangan ng bait. Iyang pakikipagbaka upang
ang bansay umunlad ang bansay uunlad kung maaari, at kung hindi
naman ay hindi. Isa pa, ano ang kabuluhan sa akin kung ang susunod na
salin ng lahiy magtamasa ng lalong marami o lalong kakaunting kalayaan
kaysa akin, magkaroon ng lalong mabuti o lalong masamang pinag-aralan,
magkaroon ng katarungan para sa lahat o hindi magkaroon Ang mahalaga
para sa akin ay ito: na ako, ang aking unang bilang, ay huwag mahirapan;
ang suliraniy ang kasalukuyan. Lalo pang mahalaga ang isang ibong nasa
kamay kaysa sandaang lumilipad, anang salawikain. Ang mabuting
pagkakawanggawa ay nagsisimula sa sarili, ang saad ng ikalawa. Sa bagay
na itoy may dalawang salawikaing kumakatig sa akin at walang nalalaban
kahit na kalahating salawikain man lamang. Ang tutooy kung ang isang taoy
lalaban sa mga korporasiyon ng mga prayle, siyay sasapanganib na
humantong sa piitan, mabilanggo o matapon sa isang pulo. Aba! Hindi
gaanong masama ito, palibhasay ibig kong makapaglakbay, makilala ang
mga pulo, bagay na hindi maaaring gawin nang bubuti pa sa paroong bilang
isang tapon. Hindi na mangangailangan ng mga pasaporte at makaparoroon
nang walang kapanga-panganib. Pumasok sa bilangguan! Ba! Lahat ng taoy
tumutungo sa bilangguan; sa ganitoy magkakabahay nang walang bayad,
sapagkat kung ako ay hindi ako magbabayad. Ang pagkakatapon at ang
bilangguan, samakatwid, ay hindi dapat alagatain, datapuwat kung akoy
kung wakasan ang aking bilang isa, kung kasangkapanin nila ang isang
pagbabangon at akoy siyang paratangang may kagagawan niyon, magtatag
ng isang hukumang pandigma laban sa akin at akoy ipadala sa kabilang
buhay?1... Hm! Itoy isang mabigat na sagwil sa pagiging kalaban ng mga
prayle. Ano ang kabuluhan sa akin kung ang mga prayley ayaw ng pagkatuto
ng bayan? Mayroon silang pinaghahawakang matwid. Akoy sumasang-ayon
sa kanila. Sapul sa pagkabatay naging mahirap na sa akin ang pagpasok sa
paaralan at lalo pang mahirap makalabas sa dahilang akoy paminsang-
minsang kinukulong ng guro. Ipailalim ang bagay na ito sa botohan at
makikitang ang lahat ng batay boboto sa mga prayle, at hihingin nilang alisin
ang lahat ng uri ng pagtuturo. Na ang mga prayley tumututol sa pagtuturo
ng wikang kastila at ano ang kabuluhan niyan? Sa anong bagay
kakailnganin natin ang pagkatuto ng wikang kastila, gayong mayroon naman
tayong mayamang wikang tagalog, ng bisaya, ng ilokano, at iba pa? Para sa
anong bagay kakailanganin natin ang wikang Kastila? Upang matutuhan ba
ang maririkit na kuwento at kuru-kurong nauukol sa kalayaan, kaunlaran,
at katarungan, at manatili tayo pagkatapos sa pagkadayukdok lamang?
Upang maunawaan ba ang mga batas, mabatid ang ating mga karapatan, at
matagpuan pagkatapos na ang pinaiiral ay ibang mga batas at mga bagay na
totoong naiiba? Ano ang mahihita natin sa pagkaalam ng wikang kastila?
Maaari tayong makipag-unawaan sa Diyos sa pamamagitan ng alinmang
wika kung naging wikang latin sana, ay manapa: sinasabi ng kura na lalong
madaling dinggin ng Diyos ang mga dasal sa latin, ang mga kura ay
nabubuhay sa kasaganaan, at tayong mga tagalog ay nasa salat na
kalagayan. Ngunit ang wikang kastila? Upang maunawaan ba ang mga
paghahamak ng mga guwardiya sibil? Para sa bagay na iyay hindi na
kinakailangang matuto ng wikang kastila:sapat nang malaman, maunawaan
ang wika ng mga pangungulata, at magkaroon ng isang katawang
nakararamdam kahit bahagya. At ano ang mahihita natin, sa ipinagbabawal
ang pagsagot, at yamang maaaring isakdal ang isang tao dahil sa paglabag
sa maykapangyarihan at sa dahilang ang mga guwardiya sibil din ang
hahatol, ay hindi sasala ang bilangguan Ang katotohanay ako rin ang
nagnanasang makapaglakbay at makadalaw sa mga pulo, kahit na nakatali
nang abot-siko. Tungkol nga sa hindi pagtuturo ng wikang kastila ay kasang-
ayon ako ng mga prayle.
Tungkol sa sinasabi nilang ang mga prayle ay nabubuhay ng gayon at
ganito, na silay maraming babae, mga kaagulo, na hindi nila
pinakukundangan kahit na mga babaing may-asawa, mga babaing balo, ni
mga dalaga, at iba pa, akoy kung maaaring magkaroon ng dalawa, tatlo o
apat na babae ay bakit hindi magkakaroon? Ang mga babaiy siyang may sala.
Isa pay may mabuting katangian ang kura, hindi niya pinababayaang
mamatay sa gutom ang kanyang mga babae, gaya ng ginagawa ng maraming
lalaki, bagkus tinutustusan sila, pinararamtan ng maayos, tinatangkilik ang
mga kamag-anak nila at nag-iiwan ng saganang pamana sa kanilang mga
anak na babae o mga pamangking babae. At kung may kasalanan man sa
pagiging babae ng kura, ay madaling nakakalagan nito ng kasalanan at hindi
pa parurusahan ng mabibigat. Sa tapatang sabi, kung akoy naging isang
babae at kailangan kong magpakasama ay makikipag-agulo na muna ako sa
isang kura sa dahilang sa gayoy magiging kaagulo ako ng isang mala-
Hesukristo, o ng isang kahalili ng Diyos sa lupa. Sa bagay na itoy inaakala
kong ang pagkainggit ay siyang dahilan kung bakit ang mga prayley
inaalimura ng kanilang mga kaaway. Sinasabing kinakamkam ng mga
prayley ang lahat mga asyenda, ang lahat ng salapi ng bayan Iyay
ginagawa rin ng mga insik; sa daigdig, ang sinumang maaaring magpayaman
ay nagpapayaman at sa palagay ko, ang isang prayle, kung dahil lamang sa
kanyang pagka-prayle, ay hindi nahuhubdan ng kanyang pagkatao. Bakit
hindi pag-usigin, kung gayon, ang mga Insik at ang mga mangangalakal? At
saka, sino ang nakakaalam? Marahil ay kinukuha nila an gating salapi upang
tatyoy papaghirapin at nang sa ganitoy madali rayong maakyat sa langit.
Ang pagsusumakit nilang itoy dapat pa nga nating pasalamatan. Siyay
pinararatangan ding nagbibili nang mahal ng mga kalmen, mga sintas, mga
kandila, mga kuwintas at iba pa. Itoy isang pagpaparatang upang
magparatang lamang. Bumili ang ibig bumili at ang ayaw ay huwag. Bawat
mangangalakal ay nagtatakda ng halagang ibig niya sa kanyang mga
paninda. Nagtitinda ang insik ng tinapa, sa halagang dalawa sangkuwalta,
kung minsan, at kung minsan namay talo sa dalawang kuwalta. Bakit ang
pinapayagan natin sa isang insik na nangangalakal ng tinapa ay hindi natin
mapayagan sa isang kurang mangangalakal ng mga kalmen? Ang kura bay
kulang ng pagkatao sa insik? Kayat sinasabi kong iyay bunga lamang ng
kasamaang-loob. Ipagsigawat ipamarali nilang ang prayle, dahil sa kanyang
salapit kapangyarihan ay siyang nag-uutos kung pagkakalupit-lupit ay
kailangan din akong sumunod? Sapagkat kung hindi ang kura ang nag-utos,
ay mag-uutos kung pagkakalupit-lupit ay kailangan din akong sumunod?
Sapagkat kung hindi ang kura ang nag-utos, ay mag-uutos naman ang
sinumang kabo ng mga karabinero at ang lahat ay iyon din. Sa maikling
salita, wala akong nakikitang anumang katwiran upang maging kalaban ng
mga kurang prayle.
Tingnan natin ngayon kung may mga kalamangan ang pagiging
kakampi ng mga prayle laban sa mga pilipinong liberal.
Sinasabi ng mga prayle na ang mga itoy pawing ateo, hindi
naniniwalang may Diyos aywan ko kung totoo iyon; iisa lamang ang
nakikilala ko na nagngangalang Mateo, datapuwat hindi kailangan iyan.
Sinasabi nila na ang lahat ng mga yaoy mahuhulog sa impiyerno. Sa
tapatang sabi, kahit na hindi tayo nararapat humatol ng masama sa
kaninuman, ngunit ang kahalili ng Diyos sa lupa ay hindi nasasaklaw ng
pagbabawal na iyan. Siya ang lalong nakakaalam nang higit sa iba kungsaan
tayo tutungo pagkatapos ng kamatayan, at kung itoy hindi niya nalalaman
ay sinasabi kong walang sinumang maaaring makaalam na lalo. Ipinatatapon
ng mga prayle ang marami sa kanilang mga kagalit; sa bagay na itoy hindi
ako maaari ni nararapat tumutol; nagkaroon ako ng isang usapin at itoy
ipinanalo ko sa dahilang ang aking kausap ay nagkataong kalaban ng prayle
at natungo siya sa tapunan nang akoy nawawalan nan g pag-asang Manalo
at wala na akong salaping maipanunuhol sa mga kinauukulang pinuno, ni
wala nang kabayong maihahandog sa hukom at sa gobernador. Ang Diyos ay
maawain! Nagharap ng isang sumbong na pampamahalaan laban kay
Kapitan Juan, na may isang anak na dalagang napakaganda, na
pinagbawalan niyang paroon sa kumbento upang humalik sa kamay ng kura:
magaling! Iyay pag-aalinlangan sa kabanalan ng pari, at totoong karapat-
dapat sa pagpapatapon. Bukod ditoy ano ang gagawin niya sa kanyang anak
na babae? Bakit itoy aalagaan niya nang buong pag-iingat kung saw akas ay
hindi naman siya magmomongha? At kahit na magmomongha, hindi ba may
bulung-bulungang kumakalat na ang mga mongha sa Santa Clara at ang mga
prayleng pransiskanoy nagkakaunawaang mabuti? Ano ang masama sa
gayon? Hindi bat angmga monghay mga kaisang-dibdib ni Hesukristo? Hindi
bat ang mga prayley mga kahalili ni Hesukristo? Sa anot magkakaroon ng
napakaraming babae para sa kanya lamang na mag-isa? Wala, talagang wala;
ang mga prayley may matwid sa lahat ng bagay at akoy magpapahayag ng
pahkampi sa mga preyle laban sa aking mga kababayan. Ang mga Pilipinong
liberal ay mga kaaway ng mga kastila, ganyan ang sinasabi ng mga prayle. At
ayokong maging kaaway ng mga kastila. Ang katunayang silay gayon nga
ay sapagkat gayon ang sinasabi ng mga prayle.
Datapuwat kung manalo ang mga liberal? At kung dahil sa pagkahapo,
sa pag-uusig at kawalang-pag-asa, dahil sa napakaraming pagpapabilanggo
at pagpapatapon, ay ipakipagsapalaran nila isang araw ang lahat para sa
lahat, gawin dito ang gaya ng ginawa sa Espanya,2 pugutan ng ulo ang
kanilang mga kaaway at pagpapatayin ang mga ito bilang paghihiganti sa
napakaraming gawaing tinatawag nilang marahas at makahayop, sa
napakaraming pagpapabilanggo, pagpapatapon at pagbitay na ginawa sa
udyok nila? At kung mangyari ang lahat ng itoy magtagumpay sila? Kung
gayoy maaari nilang paabutin sa akin ang kanilang paghihiganti e! e!
Bulay-bulayin nating mabuti kung itoy maaaring mangyari.
Maaari bang mangyari sa Pilipinas ang paglipol sa mga prayle? Maaari
bang mangyari rito ang isang pamumuksang katulad ng nangyari sa buong
Espanya nooong may anim na pung taon na ngayon, ayon sa sabi-sabi?
Hindi; ang pilipinoy hindi sumasalakay kalian man sa isang hindi
nasasandatahan, sa isang hindi nagsasasnggalang sa sarili. Itoy nakikita
natin sa mga batang nag-aaway; ang nakalalakiy nagwawaksi ng knayang
kalamangan at nilalabanan ang lalong maliit sa paggamit ng isang kamay
lamang; hindi sumasalakay hanggang hindi nakahanda ang kaaway. Hindi
ang indiyoy maaaring maging ungas,hangal, panatikot lahat na ng manais,
ngunit lagi nang magsisimpan ng ugaling pagkamaginoo, at kailangang
maging lubha, lubhang tinampalasan, kailangang maging nasa sukdulan ng
kawalang pag-asa upang makagawa ng pagpatay at paglipol na kahambing
niyaon. Datapuwat kung gawin nila sa mga prayle ang ginawa ng mga ito sa
mga erehe sa kaarawan ni San Bartolome sa Pransiya? Sinasabi sa mga
kasaysayan na sinamantala ng mga katoliko ang gabi habang nagkakatipon
ang mga erehe sa Paris, at ang mga itoy pinagpupugutan ng ulo at
pinagpapatay Kung ang mga pilipinong kalaban ng mga prayle, sa
pangambang baka gawin sa kanila ang ginawa ng mga ito sa Pransiya, ay
gumaya sa aral at silay magpauna? Banal na Diyos! Kung sa dakilang
pakikitunggaling ito ng buhay, sa pagkakamalas na lahat silay para-parang
nasasa panganib hindi lamang sa buhsy, kundi sa kanilang pag-aari at sa
kalayaan, ay ipakipagsapalaran nila ang lahat para sa lahat at mabuyo
hyanggang sa mga pagmamalabis, dahil sa pangingilabot na nililikha ng mga
kasalukuyang pangyayari? Kapahamakan ng mga kapahamakan! Ano kung
magkagayon ang mangyayari sa akin kung akoy magpahayag ngayong
kakampi ng mga prayle? Ang lalong mabuti ay huwag magpasiya. Habang
hindi pinaglulubag ng pamahalaan ang mga kagalitan, ay masamang
makilahok sa mga suliraning ito. Nararapat kayang ipatapon o ipabitay ang
mga pilipinong liberal upang mapuksa ang binhi ngunit ang mga anak nila,
ang kamag-anak, mga kaibigan ang budhi ng boong bansa? Hindi ba lalo
pang maraming kalaban ng mga prayle ngayon kaysa noong 72? Bawat
pilipinong ipinabilanggo o ipinatapon ay nagmumulat ng mata ng sandaan at
nakaaakit ng gayon din karaami para sa kanyang pangkatin. Kung maaari
sanang bitayin ang lahat ng Pilipino, at matira kami ng mga prayle upang
mapagtamasahan ang bansa, ito ang lalo sanang mabuti, ngunit kung
magkagayon, akaoy siyang magiging alipin nilang lahat at akoy mapipilitang
gumawa para sa kanila, at ang kalagayan koy lalo pang magiging masama.
Ano, kung gayon ang nararapat gawin? Ano ang ginagawa ng pamahalaan?
Ang pagka-liberal ay isang halamang hindi namamatay kalian man, anang
sinumpang si Rizal Tahasang mananatili akong walang kinikilingan: ang
kabaitay nasa kalagitnaan.
Oo, akoy walang kakampihan. Ano ang mahihita ko kung magwagi ang
kasamaang-asal o ang kabaitan kung akoy mapapabilang sa mga talunan?
Ang suliraniy mananalo, at ang pananalong lalong tiyak ay ang pananalong
natamo na. Mag-antabay hanggang mahinog ang mga unang bunga at
pumitas ng mga ito. Magmatyag kung aling pangkatin ang magtatagumpay
at kapag umaawit na sila ay kakampi ako sa kanila, await din ako nang lalong
malakas kaysa iba, lalait aki sa mga talunan, magkukumpas,
magtatalumpati upang ang ibay maniwala sa lagablab at katapatan ng aking
mga pananalig. Ito ang tunay na karunungan! Papatay ang mga ungas at ang
mga kihote upang magtagumpay ang kanilang mithiin; ang ibig koy
magpatayan sila upang magtagumapay ang sa akin. Ang kanilang mithi ay
ang katarungan, ang pagkakapantay-pantay, ang kalayaan! Ang aking mithiy
mabuhay sa kapayapaat kasagaan! Alin ang lalong maganda at lalong
pakikinabangan, ang kalayaan ng palimbagan, halimbawa, o ang isang
rilyenadong kapon? Alin ang lalong dakila, ang pakakapantay-pantay ng mga
krapatan o ilang sisidlang puno ng kuwaltang mamiso? Pagkakapantay sa
pagkakapantay ay pinipili ko ang paagkakapantay ng mga kuwaltang
maaaring isalansan at itago. Na Manalo ang mga prayle, Manalo ang mga
liberal, ang suliranin ay makipag-unawaan, pagkatapos, sa kung sino man
ang nanalo. Ano ang kabuluhan sa akin ng inang-bayan, ng karangalan ng
tao, ng pagsulong, ng kagitingan? Ang lahat nang iyay walang halaga kapag
wala ni isang kuwalta!

KASAYSAYAN:
Ayon kay Ginoong Mariano Ponce, ang lathalaing ito ni Rizal, na sinulat
sa Madrid noong 1884 marahil, ay nanatiling hindi nalathala. At itoy
sapagkat dahil sa mabangis na pagtatapat, bagaman ginamitan ng mga
panunuya, ay nagiging mahirap na makakita sa Madrid at lalo na sa Maynila
ng isang pahayagang papayag na maglathala nito. Hindi sasalang kung
ilalathala ang artikulong ito ay karaka-rakang sasabog ang buong galit ng
makapangyarihang daigdig ng mga prayle.
1 Lumalabas na parang hula ang mga pangungusap na ito. Sa
katotohanan, si Rizal ay pinagbintangang siyang nagtatag ng katipunan, na
siyang nagsimula ng himagsikan, at dahil ditoy pinarusahang patayin si
Rizal.
2 Ayon kay Retana, ang mga nagsipanggulo sa Espanya ay nagsigawa
ng lalong kakilakilabot na pagpaparusa sa mga prayle, gayong walang
gaanong dahilan kaysa ginawa ng mga Pilipino sa mga prayle, na
pinakundangan ang kanilang buhay habang silay nangabibilanggo;
napakadali sa mga manghihimagsik na pagpapatayin sila kung di man ang
lahat ay halos ang lahat ng mga prayle.
Aklat na pinagkunan:
Mga Lathalain ng:
PAMBANSANG KOMISYON Ng IKASANDAANG TAON NI JOSE RIZAL
Maynila 1961
Mga akdang pampulitika at pangkasaysayan ni Jose Rizal
Ikapitong tomo
Tinipon at inihanda ng Lupon ng mga Tagapagsalin sa wikang pambansa

You might also like