Professional Documents
Culture Documents
NOLI ME TANGERE (Notes)
NOLI ME TANGERE (Notes)
Sinimulang sulatin ni Dr. Jose P. Rizal ang mga unang bahagi ng "Noli Me Tangere" noong 1884
sa Madrid noong siya ay nag-aaral pa ng medisina. Nang makatapos ng pag-aaral, nagtungo siya
sa Paris at doon ipinagpatuloy ang pagsusulat nito.. At sa Berlin natapos ni Rizal ang huling
bahagi ng nobela noong Pebrero 21,1887.
Sa simula, binalak ni Rizal na ang bawat bahagi ng nobela ay ipasulat sa ilan niyang kababayan
na nakababatid sa uri ng lipunan sa Pilipinas at yaon ay pagsasama-samahin niyang upang
maging nobela. Ngunit hindi ito nagkaroon ng katuparan sapagkat ang kanyang mga kaibigan na
sana ay tutulong sa kanya ay wala ring nagawa kundi ang mambabae at magsugal., kaya sa harap
ng kabiguang ito, sinarili niya ang pagsulat nang walang katulong.
Ipinaliwanag ni Rizal sa kanyang liham sa matalik niyang kaibigang si Dr. Ferdinand Blumentritt
ang mga dahilan kung bakit niya isinulat ang "Noli." Ang lahat ng mga ito ay maliwanag na
inilarawan sa mga kabanata ng nobela.
1
MgaTauhan ng Noli Me Tangere
I. Angkan ni Crisostomo Ibarra
A. Crisostomo Ibarra
- binatang nag-aral sa Europa; nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang
matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego.
- anak ni Don Rafael Ibarra
- kasintaha ni Ma. Clara
B. Don Rafael Ibarra
- ama ni Crisostomo Ibarra
- mayamang taga -San Diego
- nabilanggo at namatay
- nakainggitan nang labis ni Padre Damaso dahilan sa yaman kung kaya
nataguriang erehe.
C. Don Saturnino
- lolo ni Crisostomo Ibarra
- naging sanhi ng pagkamatay ng lolo ni Elias
D. Eibarrimendia
- ninuno ni Crisostomo
V. Mga Mag-asawa
A. DoaVictorina
- Babaing nagpapanggap na mestisang Kastila kung kaya abut-abot ang kolorete sa
mukha at maling pangangastila.
- asawa ni Don Tiburcio
B. Don Tiburcio de Espadaa
- Isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa paghahanap ng magandang
kapalaran
- napangasawa ni Donya Victorina.
- nagkukunwaring doktor
C. Doa Consolacion
- Napangasawa ng alperes; dating labandera na may malaswang bibig at pag-uugali
- kaaway ni Doa Victorina
D. Alperes
- Matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego
- asawa ni Doa Consolacion