You are on page 1of 1

Dalawa ang sistema ng pamahalaan ng mga ating ninuno. Ito ang Pamahalaang Barangay at Pamahalaang Sultanato.

Ang pamahalaang barangay ay nagmula sa salitang balanghay o balanghai na tawag sa mga sasakyang-pandagat ng
mga Malay. Ang isang barangay ay binubuo ng 30 hanggang 100 na pamilya. Datu, gat, raha, o lakan ang tawag sa
pinuno ng isang barangay. Meron din siyang katulong sa pamumuno ng isang barangay. Ito ang konseho ng
matatanda nanagsisilbing tagapayo ng datu sa paggawa ng batas at ang umalohokan ang nagsisilbing tagapagbalita ng
barangay kapag may bagong batas na napasa ang datu. Nagkakaroon ng seremonya kung nakipagsundo ang isang datu sa
isa pang datu. Isinasagawa nila ang sanduguan o kasi-kasi, ang sanduguan ay ang paghiwa ng bisig at papatakan ng dugo
ang kanilang alak at sabay na iinom.

pamahalaang sultanato ay itinatatag ni Shariff Abu Bakr sa Pilipinas. Sinusunod nila ang mga aral ni Propeta
Mohammed.Nanggaling ang pamahalaang ito sa Saudi Arabia. Sultan_ ang tawag sa pinuno nito. Meron din siyang mga
katulong; Ruma Bichara na isang grupo ng mayayamang datu ng sultanato, sila rin ang tagapayo ng sultan sa isang
proyekto o sa pagggawa ng batas.;Qadi o Kadi, tinutulungan niyang tuparin ng sultan ang tungkuling
panrelihiyon.;Panglima, namumuno sa mga lugar na malayo sa sentro ng pamahalaan.;Panditas, tagapayo ng
panglima.;Rajah Muda, siya ang tagapagmana ng sultan.Nakilo ang chief of defense.Mayroong 2 batas. Ang Shari'a
(_Batas_ng_Qur'an) ay nakabatay sa mga aral ni Mohammed na mababasa sa kanilang banal na aklat. Ang adat (
customary law) ay nakabatay naman sa tradisyon, paniniwala, at kaugalian ng Muslim.Ang pamahalaang sultanato ay
itinatatag ni Shariff Abu Bakr sa Pilipinas. Sinusunod nila ang mga aral ni Propeta Mohammed. Nanggaling ang pamahalaang
ito sa Saudi Arabia. Sultan ang tawag sa pinuno nito. Meron din siyang mga katulong;Ruma Bichara na isang grupo ng
mayayamang datu ng sultanato, sila rin ang tagapayo ng sultan sa isang proyekto o sa pagggawa ng batas.;Gadi o Kadi,
tinutulungan niyang tuparin ng sultan ang tungkuling panrelihiyon.;Panglima, namumuno sa mga lugar na malayo sa sentro
ng pamahalaan.;Panditas, tagapayo ng panglima.;Rajah Muda, siya ang tagapagmana ng sultan.Nakilo ang chief of
defense.Mayroong 2 batas. Ang Shari'a ( Batas ng Qur'an) ay nakabatay sa mga aral ni Mohammed na mababasa sa
kanilang banal na aklat. Ang adat ( customary law) ay nakabatay naman sa tradisyon, paniniwala, at kaugalian ng Muslim.

Tandaan:
- May dalawang uri ng pamahalaan noon sa pilipinas- pamahalaang barangay at sultanato.
- Ang pamahalaang barangay ay pinaniniwalaang dala ng sampung datu mula sa Borneo.
- May iba't ibangparaan ng paglilitis noon para sa mga taong may sala.
-Ang pamahalaang sultanato ay umusbong sa pananampalatayang Islam nang itatag ni Shariff Abu Bakr ang sultanato ng
sulu noong 1450.

- Ang mga pinuno noon ay may tungkuling tagapagbatas, tagalitis, at tagahukom.

You might also like