You are on page 1of 3

STUDY GUIDE SA ARALING PANLIPUNAN

(3RD QUARTER)

ARALIN 9: ANG KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO SA TIMOG AT


KANLURANG ASYA
Ang Kolonyalismo ay ang pagtatamo ng mga lupain upang matugunan ang layuning
pangkomersiyal at panrelihiyon ng bansa.
Ang Imperyalismo ay patakaran ng isang makapangyarihang bansa na palawakin ang kanilang
kapangyarihan sa pamamagitan ng pagsakop o pagkontrol sa pangkabuhayan at pampolitikal na
kaayusan ng ibang bansa.
Ang tawag sa dating gobernador ng mga lokal na pamahalaan ng Imperyong Mughal sa India ay
Maharajah.
Ang Sepoy ang tawag sa kanilang mga sundalong India.
Ang Imperong Briton
- Ito ay kinikilalang pinakamalaking imperyong naitatag sa kasaysayan ng daigdig.
Ang tatlong motibo ng Imperyong Briton
God
- Ang pagpapalaganap ng relihiyong Kristiyanismo sa ibat’ibang bansa.
Gold
- Ang pagbili ng Spicies gamit ang ginto.
Glory
- Ang siyang bansang maraming masasakop ang siyang tatanghaling makapangyarihan.

Aralin 10: Ang Nasyonalismo at Paglayo ng mga Bansa sa Timog at Kanlurang Asya
Ang nasyonalismo ay ang pag-iisang damdaming politikal ng mga ng mga mamayan upang
tapusin ang pamamahala at Impluwesiyang dayuhan sa loob ng isang bansa.

Ang Rowlatt Act

- Ang pamahalaang Britain ay pinagkalooban ng karapatang supilin at ikulong ng


dalawang taong walang paglilitis ang sinumang tututol sa patakaran ng Britain.

Ang Amritsar Massacre


- Bilang pagtutol sa Rowlatt Act, ang mga Muslim at Hindu ay nagtipon sa Amritsar,
kabisera ng lungsod ng Punjab.

- Linggid sa kanilang kaalaman na ipinagbabawal ng mga Briton ang pagtitipong


pampubliko.

- Ipinag-utos ni Heneral Reginald Dyer, ang pagpapaputok ng ripple nang walang


anumang babala.

- Si Mahandasa Karamchand Gandhi ay kilalang lider sa larangan ng politika sa India.


Siya ay isa rin sa masigasig na lider ng Kilusang Pangkasarinlan ng bansa.

- Ang prinsipyong satyagraha, na nangangahulugang walang karahasang pagtutol ng


mamayan sa anumang hindi makatarungang batas o mass civil disobedience.

- Si Gandhi ay higit na kilala bilang “Dakilang kaluluwa” (Great Soul)


- Pinangalanan din siya bilang “Ama ng India”
Aralin 11: ANG MGA PAGBABAGO SA TIMOG AT KANLURANG ASYA
Sa Timog Asya
- Ang kaugaliang suttee o satin ay ipinagbabawal ng Batas ng 1829 sa India. Ito ay
nagbibigay ng Karapatan sa mga babaeng Indian na manumbalik ang kanyang pamumuhay
sa pagkamatay ng kanyang asawa.
- Widow Remarriage Act ng 1856, nakapagkalooban ng karapatang mag-asawa muli ang
kababaihang Indian na namatayan nang asawa.
- Ang Hindu Personal Laws of 1956 ay nagkaloob sa kababaihang Indian ng karapatang
magmana ng mga ari-arian mula sa kanyang mga magulang.
- Sa kasalukuyan, ang mga kababaihan sa rehiyon ay binagbigyan na rin ng pagkakataong
mangasiwa ng mga paupahan. At pinagkalooban din ng puhunan upang makapagsimula
ng pangkabuhayan o Negosyo.
- Ang mga kababaihan rin sa panahong ito ay nasa larangan na ng politika.
- Nakagisnan sa panahong ito ang pagpapahalaga ng mga pamilya at kaakibat ng
pamamahay sa katayuan ng kababaihan sa tradisyonal na pamilyang patriarchal.
Sa Kanlurang Asya
- Binibigyang-halaga ang purdah, ito ay ang paghihiwalay ng kababaihan at kalalakihan sa
lipunan, at karangalan.
- Ang kababaihan sa Saudi Arabia, anuman ang edad, ay kinakailangang may kasamang
lalaking tagapagtanggol.
- Hindi maaring bumuto o mahalal ang sa anumang posisyon sa pamahalaan.
- Tanging ang bansang ito lamang ang ipinagbabawal sa kababaihang magpatakbo o
magmaneho ng sasakyan.
- Pinapayagan maghanap-buhay ngunnit kailangan humingi ng permiso sa kanilang
tagapagtangol
- Sa pagpili rin ng hanapbuhay kinakailangan naaangkop sa kanilang pisikal at mental na
kasanayan, at ang hanapbuhay na ito ay dapat hindi makakahadlang sa kanyang gawain at
katungkulan sa tahanan at pamilya.
- Sa Turkey, naging bahagi na ng modernisasyong Kemalist ang mga kilusang
pangkababaihan. Nakuhang maipaglaban ng mga kilusang ito ang sumusunod:
- Pagbabawal sa gawin polygamy, ito ay ang pagbabawal mag-asawa ng higit pa sa isa.
- Pantay na Karapatan sa usaping diborsiyo at Karapatan sa pag-aari
- Pagbibigay ng pampolitikong karapatan sa kababaihan, kasama na ang karapatang
makaboto at maihalal sa posisyon ng pamahalaan.
- Ang sa Lebanon naman ay anumang kasarian ay nagtatamasa nang pantay na karapatang
sibil.

“Study hard and focus. Fighting! <3”


Ms. Sotto

You might also like