You are on page 1of 2

Anakpawis

Isang tao, munting taong kaharia`y nasa bukid,

May maliit na bakurang abot-tanaw ang silahis;

Nagtatanod – isang kubong kabahaya`y tila langit;

Ang libangan, halanang sa looba`y kaakit-akit,

Sa maghapon, ang kawaksi`y ang sariling bisig...

Munting tao, hamak lamang – iyan ako, anakpawis.

Sa kalapit na kaingin, diyan ako nagsusuyod,

Isang kawal ng paggawang nakangiti kung mapagod;

Ang ararong aking ugit, paduhapang kung humagod,

Habang yaong kalabaw ko`y hinahabol sa pag-isod;

Diyan unang nadama kong ako`y anak sa pag-irog –

Sa pag-ibig ako`y pusong nalalaang pabusabos!

Sa ulo ng bukirin naroon ang isang sapa,

Pakiwal pang gumigilid sa pilapil na mahaba;

Doon ako nagsasaka ng pang-ulam na sagana,

Biya, hipon, hito`t dalag na sa putik ay naggala;

Bawat isdang mahuli ko ay parakip ng Bathala,


Kung tuhugin sa pagsuyo`y pumapalapag na biyaya!

Sa duluhan, nar`on naman ang lumanang nakalatag;

Ang pakwan, nakagapang, at ang melon nakausad;

Kalabasa`y nanulay pa sa talusok na nagkalat

Sa alalay ng magsamyo at mahinhing hanging -gubat;

Diyan ako pinagpala`t naging ganap na mapalad,

Isang tao, munting taong kaharia`y nasa bukid,

Ang maliit na bakura`y abot-tanaw ng silahis;

Kayamanan, isang kubong napupuspos ng pag-ibig;

Ang sagisag , isang tabak ni Solimang nanggagalit;

Maghapunan, sa katawan, dugong buhay ang natigis....

Muntging tao, kung hamak man – yan ako, anakpawis.

Ipinasa ni: Charles Adrian E. Yabut

You might also like