You are on page 1of 51

Huseng Sisiw

Jose Ma. Rivera


Huseng Sisiw
ANG MAKATANG GURO
NG WALANG KAMATAYANG
FRANCISCO BALAGTAS
ni
JOSE MARIA RIVERA

MAY INTRODUKSIYON
ni VIRGILIO S. ALMARIO

Pambansang Komisyon Komisyon


para sa Kultura at mga Sining sa Wikang Filipino

AKLAT NG BAYAN
MAYNILA
2014
Huseng Sisiw: Ang Makatang Guro ng Walang Kamatayang Francisco Balagtas
ni Jose Maria Rivera

Karapatang-sipi © 2014 ng orihinal na teksto ni Jose Maria Rivera, at ng isinapanahong bersiyon


at introduksiyon ni Virgilio S. Almario

RESERBADO ANG LAHAT NG KARAPATAN. Walang bahagi ng librong ito ang maaaring sipiin o
gamitin nang walang nakasulat na pahintulot mula sa may-akda at tagapaglathala.

Disenyo ng pabalat: Alyssa Romielle Manalo


Disenyo ng aklat: Maria Christina Pangan

Ang ilustrasyon sa pabalat ay orihinal ni Dr. Jose S. Navarro ng Kawanihan ng Sanidad at


kinopya ni John Romel Manalo para sa edisyong ito.

The National Library of the Philippines CIP Data

Recommended entry:

Rivera, Jose Maria.


Huseng sisiw : ang makatang guro ng walang
kamatayang Francisco Balagtas / ni Jose Maria
Rivera ; may introduksiyon ni Virgilio S. Almario.
-- Maynila : Pambansang Komisyon para sa Kultura
at mga Sining, Komisyon sa Wikang Filipino, c2014.

p. ; cm.

ISBN978-971-0197-39-2

1. De La Cruz, Jose (Huseng Sisiw). 2. Poets, Filipino


-- Biography. I. Almario, Virgilio S. II. Title.

899.21110092 PR9550.A56D4 2014 P420140251


Inilathala ng
KOMISYON SA WIKANG FILIPINO
2/F Gusaling Watson, 1610 JP Laurel St., San Miguel, Maynila 1005
Tel. 02-733-7260 • 02-736-2525
Email: komfil.gov@gmail.com • Website: www.kwf.gov.ph

sa tulong ng grant mula sa


PAMBANSANG KOMISYON PARA SA KULTURA AT MGA SINING
633 General Luna Street, Intramuros, Manila 1002
Tel. 527-2192 to 97 • Fax 527-2191 to 94
Email: info@ncca.gov.ph • Website: www.ncca.gov.ph

The National Commission for Culture and the Arts (NCCA) is the overall coordination and
policymaking government body that systematizes and streamlines national efforts in promoting
culture and the arts. The NCCA promotes cultural and artistic development: conserves and
promotes the nation’s historical and cultural heritages; ensures the widest dissemination of
artistic and cultural products among the greatest number across the country; preserves and
integrates traditional culture and its various expressions as a dynamic part of the national cultural
mainstream; and ensures that standards of excellence are pursued in programs and activities.
The NCCA administers the National Endowment Fund for Culture and the Arts (NEFCA).
NILALAMAN
PAG-ANINAW KAY HUSENG SISIW
ni Virgilio S. Almario........................................................................................1
Paunang Salita.....................................................................................22
Mga Kurokuro ng Nagsisibuo
ng Balagtasiana....................................................................................26
Ang Magguro.......................................................................................38
UNANG BAHAGI
Waring paliwanag...............................................................................46
Unang balitang napatala....................................................................48
Isang pagkakataon..............................................................................50
Kung sino si Huseng Sisiw..................................................................56
Nang magkakilala si Balagtas at Hu-
seng Sisiw...............................................................................60
Kurido, Komedya at ilang Tula..........................................................62
Halaga ni Huseng Sisiw......................................................................66
Ilang mga pangyayari.........................................................................68
Kung bakit iilan ang mga akdang nai-
palimbag................................................................................76
Isa pang katangian ng Makata...........................................................80
Kung bakit pinalayawan ng Sisiw......................................................80
Ang lalu niyang pinagka-abalahan...................................................84
Ayos ni Huseng Sisiw..........................................................................84
Sanhi ng pagkakagalit nila ni Balagtas..............................................86
Nang mamatay ang Makata...............................................................86
Mga kamag-anak na buhay pa..........................................................88
Isa pang pangyayari............................................................................90
Ang mga dula ng Makata...................................................................90
Gulang ng mamatay ang Makata......................................................92
Mga nagsitulong...!.............................................................................94
Ang larawan ng Makata.....................................................................92
Sa Wakas.....!........................................................................................94
IKALAWANG BAHAGI
Sa ikasisiya ng madla..........................................................................96
Ilang paliwanag..................................................................................126
Uri ng mga komedya ng Makata......................................................128
Habol...................................................................................................132
Dr. Jose P. Bantug (Siya kaya’y Mana-
nagalóg?)...............................................................................140
Balagtasiana........................................................................................166
MGA NILALAMAN

Paunang Salita.....................................................................................23
Mga Kuro-kuro ng Nagsisibuo
ng Balagtasiana....................................................................................27
Ang Magguro.......................................................................................39
UNANG BAHAGI
Waring paliwanag...............................................................................47
Unang balitang napatalâ....................................................................49
Isang pagkakataon..............................................................................51
Kung sino si Huseng Sisiw..................................................................57
Nang magkakilála si Balagtas at Hu-
seng Sisiw...............................................................................61
Korido, Komedya at ilang Tula..........................................................63
Halaga ni Huseng Sisiw......................................................................67
Ilang mga pangyayari.........................................................................69
Kung bakit iilan ang mga akdang nai-
palimbag................................................................................77
Isa pang katangian ng Makata...........................................................81
Kung bakit pinalayawan ng Sisiw......................................................81
Ang lalo niyang pinagkaabalahan.....................................................85
Ayos ni Huseng Sisiw..........................................................................85
Sanhi ng pagkakagalit nilá ni Balagtas..............................................87
Nang mamatay ang Makata...............................................................87
Mga kamag-anak na buháy pa..........................................................89
Isa pang pangyayari............................................................................91
Ang mga dula ng Makata...................................................................91
Gulang nang mamatay ang Makata..................................................93
Mga nagsitulong...!.............................................................................95
Ang larawan ng Makata.....................................................................93
Sa Wakas.....!........................................................................................95
IKALAWANG BAHAGI
Sa ikasisiya ng madla..........................................................................97
Ilang paliwanag..................................................................................127
Uri ng mga komedya ng Makata......................................................129
Habol...................................................................................................133
Dr. Jose P. Bantug (Siya kayâ’y Mana-
nagalóg?)...............................................................................141
Balagtasiana........................................................................................167
Pag-aninaw kay Huseng Sisiw
ni Virgilio S. Almario

I SANG NAPAKALAKING PROBLEMA ngayon sa pagbuo ng kasaysayang


pampanitikan ang pagsipat sa panahong bago malathala ang Florante
at Laura ni Balagtas noong 1838. May ilang makabuluhan at malabo
lámang na impormasyon. Una, sumigla ang panitikang nakalimbag
dahil pinahintulutan ang paglalathala ng mga salin at halaw na awit at
korido bago matapos ang ika-18 siglo at bungad ng ika-19 siglo. [Walang
dokumento akong nababása hanggang ngayon kung kailan naganap ang
pagpapahintulot.] Kaugnay ng popularidad ng nakalathalang mga salaysay
na patula ang naunang paglaganap din ng pagtatanghal ng komedya.
Ikalawa, tumaas ang pagkilála sa mga makata ng tulang nakalimbag at
dula. Ang malungkot, hindi nabigyan ng kaukulang kredit ang mga
makata, maliban sa iilan na naaaninaw dahil sa iniwang inisyals at sa putol-
putol na gunita ng panahong iyon. Ikatlo, itinuturing na pinakabantog
at pinakamahusay na makata ng panahong iyon si Jose de la Cruz, alyas
Huseng Sisiw, na sinasabi pang naging guro ni Balagtas sa pagtula.

Dahil sa hulíng nabanggit kayâ napakahalaga ang Huseng


Sisiw (1933) ni Jose Ma. Rivera. Ito ang kauna-unahan at kaisa-isang
pagsasaliksik at pag-uulat sa búhay at pagtula ni Jose de la Cruz. Dahil
sa pangyayaring ito, napakahalaga ang muling paglalathala ng Komisyon
sa Wikang Filipino (KWF) sa aklat ni Jose Ma. Rivera upang masiyasat ng
mga interesadong iskolar ng panitikan ngayon ang mga nalikom niyang
impormasyon hinggil sa dakilang makata bago si Balagtas. Mahalaga kahit
ang pagsisikap ng KWF na ilathala nang walang pagbabago ang orihinal
na edisyon ng aklat ni J.M. Rivera upang masuri din ang paraan ng
paglilimbag at paraan ng pagsulat sa panahon ng Amerikano.

Nais ko munang ilarawan ang orihinal na edisyon ng aklat ni J.M.


Rivera noong 1933.

Ang buong pamagat ng aklat ni J.M. Rivera ay Huseng Sisiw Ang


Makatang Guro ng Walang Kamatayan Franciso Balagtas. May súkat itong
katulad ng mga ordinaryong limbag na libro noon (6” x 9”). Ang akda
ni J.M. Rivera ay umaabot sa 50 pahina ngunit kumapal dahil sa ibang
1
bahagi ng libro, tulad ng pitóng pahinang anunsiyo, dalawang pahinang
“Paunang Salita” ni Jose P. Bantug, anim na pahinang “Mga Kurokuro ng
Nagsisibuo ng Balagtasiana,” dalawang pahinang tulang “Ang Magguro”
ni Deogracias A. Rosario, at walong pahinang impormasyon hinggil sa
Balagtasiana at iba pang bagay (paghahandog, talaan ng nilalaman)
sa unahan ng akda; sakâ sampung pahinang mga dagdag na anunsiyo,
impormasyon, at retrato, at 13 pahinang artikulong “Dr. Jose P. Bantug
Siya Kaya’y Mananagalog?” ni Kanlaon (Guillermo Y. Santiago-Cuino) sa
likuran.

Inilathala ito ng Balagtasiana, na ayon sa isang anunsiyo ay isang


kapisanan ng mga “Patronizer of Philippine Literature, Art, and Culture,”
ang pangulo noon ay si Dr. Jose P. Bantug, at may opisina sa tahanan ng
pangulo sa 1460 Pennsylvania, Singgalong, Maynila. Kabílang sa mga
pundador nitó sina Dr. Jose S. Navarro, Prop. Nicanor Abelardo, Prop.
Antonio J. Molina, Prop. Guillermo E. Tolentino, Jose Ma. Rivera, Jose N.
Sevilla, Deogracias A. Rosario, Gui. Y. Santiago-Cuino, at tagapayo ang
Kgg. Norberto Romualdez. Ang aklat ni J.M. Rivera ang unang inilathala
ng Balagtasiana bagaman may anunsiyo na hinggil sa susunod na aklat
upang ipahiwatig na isang serye ang buong proyekto.

Kapansin-pansin sa aklat ang mga tig-isang pahinang anunsiyong


komersiyal, kabílang ang de-latang bangus ng Bulacan Canning Company,
ilawang Coleman ng L.R. Aguinaldo, programang tulaan sa radyo na
isponsor ang Puyat Music House, pangkalusugang Yucuanseh Drug Co.,
Henson’s Pharmacy, Farmacia Central, Inc., at Framacia Oriental, sapatos
na Ang Tibay, G.H. Grajo’s Tailoring, Marmoleria, at Mayon Publishing
House. [Sáyang at hindi na kasáma sa edisyong lathala ng KWF ang mga
adbertisment na ito.] Paano kayâ nilikom ang mga naturang adbertisment?
Iyon kayâ ng sekreto para maipagbili ang aklat sa Php 0.40 lámang bawat
kopya? Ilang kopya kayâ ang ipinalimbag ng Balagtasiana? Naubos kayâ
ang mga limbag na kopya? Paano kayâ itininda ang ganitong piraso ng
kritisismong pampanitikan kalaban ng mga reprint ng popular pang awit
at korido, mga komersiyal na magasin sa pangunguna ng Liwayway (na
sikát na noon), at mga nakaaklat na nobela (na ayon kay Iñigo Ed Regalado
ay sumapit sa “Gintong Panahon” nitó sa loob ng panahon ng Amerikano)?

Kapansin-pansin din ang pangalan ng organisasyong tagapaglathala.


“Balagtasiana.” Bakit ipangangalan ng isang maliit at edukadong pangkat
ng “mga Patron ng Panitikan, Sining, at Kultura” ang kanilang sarili
2
kay Balagtas? Bakit hindi kay Rizal? Si J.P. Bantug ay isang kolektor at
ipinagmamalaki niya ang ilang pirasong orihinal na alaala ni Rizal. [Anak
niya ang isa ring kolektor na si Antonio Bantug at naging asawa ng apó
ni Rizal sa kapatid na si Narcisa na si Asuncion Lopez.] O bakit hindi nilá
ipinagmalaki ang “Filipiniana”—isang eksotikong taguri at kinagigiliwan
na noong itawag ng mga Oryentalista sa koleksiyong Filipino? Para sa atin
ngayon, ang Balagtasiana ay isang patunay sa mataos na paggálang kay
Balagtas kahit ng mga edukado sa bungad ng ika-20 siglo. Isang damdamin
ito na naglahò sa pagtiim ng Amerikanisadong edukasyong pangkultura.
Maganda ring titigan ang kasapian ng Balagtasiana, na binubuo hindi
lámang ng mga panitikero kundi maging ng ibang bantog na alagad ng
sining (si Guillermo Tolentino ay eskultor, sina Nicanor Abelardo at Antonio
Molina ay mga kompositor sa musika) at hindi lámang ng mga Tagalog
kundi maging ng mga di-Tagalog (si Gui. Y. Santiago-Cuino ay Ilonggo, si
Norberto Romualdez ay Waray). Sinasagisag na ng Balagtasiana ang tila
nagkakaisang prente para sa nasyonalismong pangwika at pangkultura
na mananaig sa 1934 Kumbensiyong Konstitusyonal. Kahit ang islogan ng
Bulacan Canning Company (“Tangkilikin ang Industriang Pilipino”) ay
nagpapahiwatig sa nasyonalismong pang-ekonomiya na nais itaguyod ng
Balagtasiana.

Modelong Hermenegildo Cruz

IPINAGMAMALAKI MISMO NI J.M. Rivera na naisip niya ang


proyektong Huseng Sisiw dahil sa aklat na Kun Sino ang Kumatha ng
“Florante” (1906) ni Hermenegildo Cruz. Na sa isang bandá at sa malaking
paraan ay napakainam para sa kasaysayang pampanitikan. Nadagdagan
ang ating kaalaman hinggil sa panahon ng awit at korido at ng komedya,
bukod sa nabigyan táyo ng mga impormasyon hinggil sa isang dakilang
makata bago si Balagtas at ng mga sampol ng kaniyang pagtula. Ngunit
sa kabilâng bandá ay nakapanggigipuspos para sa mananaliksik at
historyador. Taglay ng akda ni J.M. Rivera ang malalaking problema sa
pamamaraan ng masinop na saliksik at historyograpiya, at sakít din ng
aklat ni H. Cruz.

Tulad ni H. Cruz, naging masigasig si J.M. Rivera sa pagtatatag sa


isang maituturing na awtentisadong mga petsa ng kapanganakan at ng
kamatayan ni Huseng Sisiw. [Naunahan niya ang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig na pumugnaw sa maraming dokumento sa mga simbahang
3
Katolika.] Nabuklat niya sa Libro de Bautismo sa Tundo na bininyagan
noong 24 Disyembre 1746 ang isang Joseph de la Cruz, anak nina Simon
de la Cruz at Maria Naval. Sang-ayon sa talaan, apat na araw na noong
ipinanganak (de 4 dias nacido) ang sanggol. Sa gayon, maaaring mahinuha
na ipinanganak si Huseng Sisiw noong 20 Disyembre 1746.

Nakita naman ng tagasaliksik sa talaan ng kamatayan sa simbahan


ng Tundo na inilibing noong 18 Marso 1829 sa Camposanto de Bitas ang
isang Jose de la Cruz. Namatay si Huseng Sisiw sa gulang na 84 taón.
Hindi nga lámang tiniyak ng pumirmang presbitero na si Fray Manuel
Pastor kung ilang araw nang patay at pinaglamayan ang inihatid sa
hulíng hantungan. Pinakunan pa ni J.M. Rivera sa isang potograpo ang
partida bawtismo at Libro de entierros, 1818–1831, at ang mga retrato ay
nakalathala sa kaniyang aklat.

Sa pamamagitan lámang ng dokumentasyong ito ni J.M. Rivera


ay maisusulat na ang sumusunod sa biyograpiya ni Huseng Sisiw: (20
Disyembre 1746–sk 18 Marso 1829).

Kahanga-hanga rin ang pagsisikap ni J.M. Rivera na mabuo sa atin


ang pisikal na anyo ni Huseng Sisiw. Sa pamamagitan ng mga impormant
na sina Moises Cruz, apó ni Huseng Sisiw, Sotero Santos, naging tagasulat
ni Huseng Sisiw, Dalmacio Ma. Rivera, amain niya, at iba pang katandaan
sa Tundo na nakagugunita pa sa makata ay nabuo ni J.M. Rivera ang
sumusunod na pigura: “Malaking lalaki. Malapad ang noo. Ang kanyang
mga mata ay nagpapakilala sa pagka-talaisip. Mahawas ang mukha.
Matangos ang ilong. Maliit ang bibig na palaging inaaligiran ng isang
makahulugang ngiti. Kaigihan ang baba. Kung lumakad ay banayad, laging
bumubulong at ang daliring hintuturo ng kamay niyang kanan ay palaging
ikinukumpas na waring guro sa musika, samantalang ang kanyang mga
mata ay nakapako sa panganorin.” Di-karaniwan ang kaniyang anyo;
hindi pang-Indio at maaaring ituring na pang-Mestiso.

May dagdag pang impormasyon, na dahil nakaririwasa at malaki


ang kinikíta ay mahilig itong magbihis. “Barong labrado” o “pinyang
sinabugan” ang lagi niyang isinusuot paglabas ng tahanan. [Kailangang
ipagtanong ngayon kung ano ang mga damit na ito.] Ginto rin diumano
ang hebilya ng isinusuot niyang sapatos.

Ang totoo, nakapahiyas sa pabalat ng aklat ni J.M. Rivera ang isang


4
iginuhit na busto ni Huseng Sisiw. Kinilála itong guhit ng ilustrador na si
Dr. Jose S. Navarro na nagtatrabaho sa Kawanihan ng Sanidad. [Barkada
siya marahil ni Jose P. Bantug.] Maaaring iginuhit ni J.S. Navarro ang
kaniyang “Huseng Sisiw” alinsunod sa nabanggit kong paglalarawan
ng mga impormant. Ngunit maaari ding nakatulong sa pag-alaala ang
diumano ay larawan ni Huseng Sisiw na nakatanghal sa isang panulukan
ng Teatro de Tundo noon. [Ang pagyayaring ito ay nagpapatunay sa
paghanga ng madla kay Huseng Sisiw. Hangang-hanga din diumano ang
may-ari ng dulaan na si Domingo Celis kayâ hinirang niyang tagasuri ng
mga komedyang itatanghal sa Teatro de Tundo ang makata.]

Tulad ni H. Cruz, nakapagtipon din si J.M. Rivera ng mga


anekdota hinggil sa eksentrisidad ni Huseng Sisiw. Halimbawa, waring
lagi itong nag-iisip kayâ hindi nasasagot ang mga bumabatì sa lansangan.
Napakahusay ng kaniyang memorya kayâ nakapagdidikta siya ng mga dula
sa limang tagasulat nang sabay-sabay. Walong taóng gulang pa lámang ay
mahusay na siya sa wikang Espanyol kahit katon at kartilya lámang ang
pinag-aralan. Bago namatay ay nakatutula siya sa wikang Latin. Tulad ni
Balagtas ay mahilig manligaw si Huseng Sisiw. May mga anekdota si J.M.
Rivera hinggil sa siste ng makata kahit sa sining ng panliligaw. Gayunman,
namatay siyang matandang binata. (Viudo reservado ang anotasyon ni Fray
Pastor sa kasulatan ng paglilibing.)

Pakikipagtálo sa Modelo

ANG ISANG INTERESANTE ay ang pakikipagtálo ni J.M. Rivera sa


ulat ni H. Cruz hinggil sa naging ugnayan nina Balagtas at Huseng Sisiw.
Unang-una, idiniin ni J.M. Rivera na hindi totoong tinawag na “Huseng
Sisiw” ang makata dahil sisiw ang laging hinihinging bayad sa mga
nagpapagawa ng tula. Totoong mahilig kumain ng sisiw ang makata ngunit
dahil hindi ito kumakain ng manok. May paniwala ang makata na higit
na masustansiya at higit pang magaang kainin ang murà at malambot na
pagkain. Nang may magtanong sa naturang eksentrisidad, ganito diumano
ang sagot ng makata:

“Lalong masustansiya ang manok na sisiw kay sa inahin o


dumalaga. At, sa gulay, ang lalong mura ay siyang mabuti sapagka’t
punongpuno ñg sustansiya. Ang murang bunga ñg upo’y lalong
masarap kaysa magulang na.”
5
Kasunod ng ganitong paglilinaw ang pagsalungat kay H. Cruz hinggil sa
sanhi ng pag-aaway ng dalawang dakilang makata. Hindi diumano totoo
ang ulat ni H. Cruz na nabigong magpaturo ng pagtula si Balagtas kay
Huseng Sisiw dahil mahirap si Balagtas at walang maibayad na kahit sisiw.
Ang kabaligtaran ang nakuha ni J.M. Rivera sa kaniyang mga impormant.
Mahusay din diumanong kumilatis ng talino si Huseng Sisiw at sa gayon
ay maraming naturuang makata na nagtagumpay sa pagsulat ng komedya,
awit, at korido. Kaagad niyang nasimpan ang talino ni Balagtas kayâ
itinangi ang pagtuturo sa kabataang makata. Naging Guro-at-Disipulo ang
relasyon ng dalawa, gaya ng nakasaad sa tulang “Ang Magguro” ni D.A.
Rosario.

Ano sa gayon ang sanhi ng paghihiwalay nina Balagtas at Huseng


Sisiw?

Sa ulat ni J.M. Rivera, naganap ang paghihiwalay ng dalawa nang


minsang manghingi ng payo si Balagtas sa kaniyang Guro, binigyan ng payo,
ngunit hindi naman sinunod ng Disipulo ang payo. Nalaman ito ni Huseng
Sisiw, kayâ nang muling dumalaw si Balagtas ay pinagsabihan diumanong:
“Kung hindi mo rin lamang ako susundin ay ano’t iyo pang pinagtanungan?
Buhat ngayon, Kiko, ipalagay mong hindi tayo nagkakilala.” Mula noon ay
hindi na nagbatî ang dalawang makata. Dinamdam naman diumano ito
nang labis ni Balagtas dahil “talagang kumikilala at humahanga,” ayon
kay J.M. Rivera, “sa makatang taga-Tundo.”

Nais kong panigan si J.M. Rivera sa kasong ito. Higit na kapani-


paniwala ang kaniyang natipong impormasyon kaysa ulat ni H. Cruz.
Gayunman, ang bersiyon ni H. Cruz ang nakalimbag sa lahat ng teksbuk
sa panitikan. Wika nga, higit na makapangyarihan ang teksto ni H. Cruz
kaysa J.M. Rivera. O marahil, higit na kumalat ang pag-aaral ni H.Cruz
dahil si Balagtas ang paksa samantalang bihira ang bumása nang taimtim
sa aklat ni J.M. Cruz dahil hindi ganoon kataas ang paghanga kay Huseng
Sisiw ng mga Amerikanisadong kritiko’t guro ng ika-20 siglo at hanggang
ngayon.

Sa kabilâng dako, nakapag-aalinlangan ang pahabol ni J.M.


Rivera hinggil sa impluwensiya ni Huseng Sisiw kay Balagtas hanggang
sa pagsulat ng Florante at Laura. Ayon sa impormant niyang si Fabian de
Castro, dumating isang araw si Balagtas at ipinarinig kay Huseng Sisiw ang
6
isang tula na may ganitong saknong:

Aano pa ako sa kalangitan


Doon man sa langit ay may kaliluhan,
At kung hindi gayo’y, bakit papayagang
Maghari ang samá sa sangsinukuban?

“Natigasan” diumano si Huseng Sisiw sa narinig na tula. Sa gayon,


ipinasulat kay Balagtas ang sumusunod na diktasyon:

Bakit kalangitan bingi ka sa akin


Ang tapat kong luhog ay hindi mo dingin?
Di yata’t sa isang alipusta’t iling
Sampung tainga mo’y ipinangunguling?

Datapwa’t sino ang tatarok kaya


Sa mahal mong lihim Dios na dakila?
Walang mangyayari sa balat ng lupa
Di maykagalingang iyong ninanasa.

Taglay ng naturang anekdota ni Fabian de Castro ang lubhang


pagsamba niya kay Huseng Sisiw kakambal ang mahihiwatigang pagsisikap
pababàin ang pagtingin natin kay Balagtas. Hindi lang “matigas” ang
sinasabing saknong ni Balagtas. Malî pa ang súkat ng unang taludtod at
mahinà ang ginamit na tugmaang tunog. Samantala, naging dalawang
mahusay na saknong ito nang baguhin ni Huseng Sisiw at ang ipinahayag
na pagtatanong ay may buod na mapanghimagsik laban sa doktrinang
Kristiyano. Ang totoo, isang makabuluhang bahagi ito ng Florante at Laura.
At ang nakagugulat, halos ito ang mga saknong 23–24 sa una’t mahabàng
hibik ni Florante:

Bakit kalangita’y bingi ka sa akin


Ang tapat kong hiling ay hindi mo dinggin?
Diyata’t sa isang alipusta’t iling
Sampong tainga mo’y ipinangunguling?

Datapuwat sino ang tatarok kayâ


Sa mahal mong lihim Diyos na dakila?
Walang mangyayari sa balát ng lupa
Di may kagalingang iyong ninanasà.
7
Ang sinipi kong pagbabago ni Huseng Sisiw ay mula sa ulat ni J.M.
Rivera. Ang sinipi kong mga saknong 23–24 ay mula sa edisyong 1861 ng
Florante at Laura at akin ang paglalagay ng tuldik at modernisadong baybay.
Sa pahambing na sulyap, kaagad makikita na ang tanging makabuluhang
pagbago ni Balagtas sa “itinuro” ni Huseng Sisiw ay ang “luhog” na
ginawa niyang “hiling” sa ikalawang taludtod ng unang saknong. Ang
anyo ng “datapwa’t” sa bungad ng ikalawang saknong na dapat sanang
“datapuwa’t” ay maaaring kamalian ni J.M. Rivera sa kaniyang pagtatalâ
sa sinabi ni F. de Castro.

Kung sinangguni ni J.M. Rivera ang kaniya mismong saliksik hinggil


sa petsa ng kamatayan ni Huseng Sisiw ay imposibleng napakialaman ng
Guro ang Florante at Laura. 1829 namatay si Huseng Sisiw; 1838 unang
nalathala ang obra maestra ni Balagtas, ayon kay H. Cruz. Maliban kung
nais ipahiwatig ni J.M. Rivera, sa pamamagitan ni F. de Castro, na lubha
at napakatiim ang turo ni Huseng Sisiw kay Balagtas kayâ tinandaan ito
ng hulí at ipinaloob sa kaniyang awit kahit matapos ang sampung taón. O
kayâ, na sinulat na ni Balagtas ang kaniyang Florante at Laura noon pang
buháy si Huseng Sisiw ngunit ipinaghintay pa ng mahabàng panahon ng
mga rebisyon bago ipinalathala.

Wala nang maaaring sumagot sa aking naturang mga usisa.


[Nakapagtatakáng hindi ito inusig nang lumabas ang saliksik ni J.M. Rivera.
Nasaan si H. Cruz? O kahit sina Julian Cruz Balmaseda at Lope K. Santos,
upang mag-usisang tulad ko?] Ang itatanong ko pa, bago maniwala: Sino
ba si Fabian de Castro? [Wala siya sa listahan ng mga pinasalamatang
impormant ni J.M. Rivera.] Saan niya napulot ang kaniyang anekdota? Kahit
paano ay may mga paliwanag si J.M. Rivera sa kaniyang mga engkuwentro
sa kaniyang mga impormant. Halimbawa, nagsimula siyang makipag-usap
kay Sotero Santos noong Abril 1916. [Ipaliliwanag din nitó na mahigit 23
taón ang ginugol ni J.M. Rivera sa saliksik bago naisara noong 16 Mayo
1933.] Ipinaliwanag din niya ang matagal nang pagkakaibigan nila ni
Moises Cruz upang maging kapani-paniwala para sa kaniyang pananaw.
Ngunit ang istorya ni F. de Castro ay “habol” lámang sa buong ulat at wala
kahit isang praseng pagpapakilála sa kaniya si J.M. Rivera.

Nása ganitong malungkot na yugto pa noon ang historyograpiya


sa Filipinas. [Ang pahabol ko pang nagtatakáng nagtatawa: Sa buong aklat
ay tinawag na “Jose de la Cruz” si Huseng Sisiw ng mga dokumento at

8
impormant, maliban kay J.M. Rivera na konsistent sa pagtawag sa kaniyang
“Jose Cruz.”]

Halimbawa ng Pagtula ni Huseng Sisiw

ANG NAPAKAHALAGA SA saliksik ni J.M. Rivera ay ang ikalawang


bahagi ng kaniyang ulat at nauukol sa mga halimbawa ng pagtula ni Huseng
Sisiw. Malaking utang-na-loob natin ang pangyayaring ito kay Moises Cruz
na nagtipon at nag-ingat sa mga komedya ni Huseng Sisiw at ipinamana ang
kaniyang koleksiyon kay J.M. Rivera. Ipinatikim ni J.M. Rivera ang patunay
ng “katalinuhan ng bantog at dakilang makata” sa ikalawang bahagi ng
kaniyang ulat sa tulong ng ilang siniping tagpo mula sa mga komedyang
Don Gonzalo de Cordoba, Principe Baldovino, Conde Rodrigo de Villas, Los
Dos Virreyes, at El Amor y la Invidia. Nilagyan pa niya ng anotasyon ang
bawat pagsipi at malaking tulong ngayon upang maunawaan ang takbo ng
istorya sa mga naturang komedya. Sa unang bahagi ng kaniyang ulat ay
inilista ni J.M. Rivera ang mga naturang komedya, kasáma ang La Guerra
Civil de Granada, Hernandez at Galisandra, Reina Encantada o Casamiento
por Fuerza, Doce Pares de Francia, at Jason at Medea.

Maaring mahinuha ngayon na ang sampung komedya ang kabuuan


ng koleksiyong inihabilin sa kaniya ni Moises Cruz bago namatay. Ngunit
bakit ang lima lámang ang ipinatikim niya para sa ating mambabása? Ako
halimbawa ay higit na interesado sa Jason at Medea, dahil hinggil ito sa
mitolohiyang Griyego at naiiba sa kalahatan na pawang hinggil sa mga
sigalot na bunga ng pananakop ng mga Muslim sa Europa. Nasaan din
ngayon ang katipunang ito ni J.M. Rivera? Sino ang pinamanahan niya o
saang aklatan kayâ ito natambak?

Isa ring bihasang manunulat ng dula si J.M. Rivera. Sa gayon,


nais kong ipanukala na ang pagpilì niya ng mga sipi mula sa komedya ni
Huseng Sisiw ay napapatnubayan ng kaniyang pansariling pamantayan
hinggil sa kung ano ang kasiya-siya sa komedya bílang dula at kung bakit
maituturing na dakilang komedyante si Huseng Sisiw. Ang totoo, nabigyan
na ito ng kaukulang pagpapahalaga ni Bienvenido Lumbera (1986) upang
hangaan ang katangian ni Huseng Sisiw sa dramatisasyon gamit ang
diyalogo at sa malinaw na diwang masayáhin batay lámang sa mga sipi
ni J.M. Rivera. Ang naturang pagpapahalaga ni B. Lumbera ay maaaring
may kakambal na di-akalaing pagkatuklas dahil sa namamayaning
9
mapangmaliit na pagtanaw noon (at hanggang ngayon) sa hanay ng mga
Amerikanisadong kritiko hinggil sa panitikang kolonyal ng Filipinas.
Nabigyan din ng pagpapahalaga ni B. Lumbera ang paglipat ni Huseng
Sisiw sa katutubong súkat na wawaluhin tungo sa naturalisadong súkat
na lalabindalawahin upang ipahiwatig ang paglipat mula sa realistiko’t
may igting na usapan tungo sa higit na malumbay o mapagliming himig.
Sa ganitong paraan naitanghal ni B. Lumbera ang pagtula ni Huseng
Sisiw bilang makabuluhang bitling sa panahon ng mga limbag na akdang
pansimbahan at sa pagsulat ni Balagtas.

Nais ko pang idagdag na ang mga sipi ni J.M. Rivera ay


nakapagbibigay sa atin ngayon ng mga halimbawa ng karaniwan at
nakamihasnang tagpo sa isang komedyang Filipino. Mga maituturing
itong obligatoryong eksena at kailangang buuin ng komedyante bílang
tradisyonal na bahagi ng kaniyang komposisyon para sa anumang palabas,
pang-isang gabihan man sa isang teatro o pambuong nobenaryo sa isang
pista ng bayan. Nakamihasnan na ring abangan ang mga ito ng madlang
manonood, gayundin ang inaasahang nilalaman ng mga ito.

Una sa mga ordinaryong eksena ang korte ng hari at dito nagaganap


ang pagtanggap sa isang embahada o ang pagkonsulta ng hari sa kaniyang
konseho o pamilya upang ipasok ang isang paksang suliranin sa dula.
Kinakatawan ito ng sipi mula sa unang akto ng Los Dos Virreyes. Ikalawa
ang pagtatagpo sa halamanan (ang totoo’y tinatawag itong jardineria) na
maaaring di-sinasadyang pagkikita ng mga pangunahing tauhang babae
at lalaki o ang pagtatagpo at pagsusuyuan ng mga ito. May ganitong
tungkulin ang sipi mula sa Principe Baldovino. Ikatlo ang eksenang
duwelo, karaniwang labanan ng bida at ng kontrabida, at nagtatapos sa
kamatayan ng isa sa dalawa alinsunod sa layunin ng dula. Isang bahagi
ng sipi mulang D. Gonzalo de Cordoba ang ganito. Ikapat at grande ang
eksena ng paghahanda sa giyera at ang mismong batalya, na nagtatanghal
ng parada ng mga hukbo, pagmamartsa, at nagsusukdol sa pasayaw na
pagbabáka. May ganitong tungkulin ang sipi mula sa El Amor y la Envidia.
Maaari ding isang torneo ang maganap na mapagpasiyang labanan.
Ikalima bagaman walang halimbawa nitó sa mga sipi, ang eksena ng
púsong na sa pamamagitan ng nakatatawa o masisteng pagtula o pag-arte
ay nagdudulot ng aliw bílang pag-antala sa anumang namumuong tensiyon
sa dula. Ikaanim ang paglalakbay, na maaaring isahan o maramihan, na
malimit nauukol sa paghahanap, isang pagdadalá ng kalatas, o kampanya
patungo sa kabilâng kaharian. May pahiwatig ng ganitong paglalakbay ang
10
paghiram ni Guifero sa kabayo ni Roldan sa Principe Baldovino. Nagaganap
sa paglalakbay ang mga dagdag na abentura at kagila-gilalas na panganib.

Inaasahan din ang katapat at obligatoryong uri at himig ng diyalogo


sa mga naturang mga obligatoryong eksena. Ang marahas at mayabang na
mga ditso (dicho sa Espanyol) ay karaniwang maririnig sa eksenang duwelo,
batalya, at maging sa eksenang korte na tumatanggap ng embahada. May
mahabàng debate sa eksenang korte kapag nanghihingi ng payo ang
hari. Tigib naman sa malalambing na diga ng suyuan o malulumbay na
monologo ang eksenang halamanan. Ang direksiyon ng tinig sa mga tagpo
ng payabangan ay malimit na patalastas; samantalang ang tinig ng mga
tagpo ng pag-ibig ay dapat asahang panambitan.

Kaipala, sa ganito nag-ugat ang umiiral at mapanlahat na


komentaryo laban sa panitikan ng kolonyalismo—na ganap itong
didaktiko at sentimental. Halimbawa, tigib sa nanlulumong damdamin
ang sumusunod na panimulang hibik ni Esmelecinda dahil sa nakatakdang
kasal sa bumihag na Almirante Balan at dahil sa inaakalang kawalan ng
malasakit ng asawang si Guifero:

Langit na mataas, hulugi ng aua,


Sa lagay na ito ang palad cong aba,
Huag mong itulot na mapasacania
Aco at tangain ng agos ng luha!

Samantala, sa gitna ng napipintong batalya sa El Amor y la Envidia,


isang tauhan ng Hari ang nagmayabang na mangunguna sa pagpuksa sa
mga kaaway kayâ iginigiit ang kabutihan ng pakikidigma:

Hari: Ipagutos na aming lusubin


Itong nangagpunla ng hindi magaling!
Na cung babayaan marahil magsupling
At lalong darami sa bayan ang tacsil!

Taglay ng hibik ni Esmelecinda ang tinatawag kong malungkuting


salamisim, na masasalamin sa panambitan ng dasal at ng naging popular
na awit ng harana at kundiman ng ika-19 siglo. Malinaw sa pahayag ng
mandirigmang tauhan ng Hari ang retorika ng pangangaral na mistulang
patnubay ng tao sa bawat hakbang at pasiya sa búhay. Ngunit pansinin
ang pananaludtod na halos hubad sa talinghaga. Totoo, may hambingang
11
malakas na dagsa o pagbahâ ng tubig (“tangain ng agos ng luha”) ang hibik
at may alusyon sa pagsasáka (“nangagpunla,” “magsupling”) ang sigaw
ng mandirigma. Ngunit hindi malinaw ang pinagmulan ng “ang palad
kong aba” at lalo nang walang sandigang katutubo ang “darami sa bayan
ang tacsil.” Marahil, ang pangyayaring ito ang batayan ng mapanlahat
ding haka na naging abstrakto at mapaglahad ang pagtula sa panahon
ng kolonyalismo kung ikokompara sa mapagpahiwatig at matalinghagang
pagtula bago lumaganap ang Kristiyanismo.

Pagtitig sa Tekstong Kolonyal

SUBALIT KAPAG TINITIGAN ang teksto ni Huseng Sisiw bílang


tekstong produkto ng kolonyalismo ay maaaring maaninaw ang
kabaligtaran ng nabanggit na mapanlahat na haka. Hindi ganap na
naglahò ang sinauna’t katutubong pananalinghaga. Dumanas lámang ito
ng napakatinding pagsiil at pagsikil sa panahon ng pananakop at sapilitang
ipinailalim sa Liwanag ng doktrinang Kristiyano. Bunga ng indoktrinasyong
Kristiyano ang mapanlahat, mapagmalaki, Puti/Itim, ngunit makitid na
pangangaral; biktima ng lupit ng kolonyalismo ang himutok at daing ng
malungkuting salamisim.

Hindi ganap na naglahò ang tradisyonal na praktika ng pagtula.


Bukod sa nagbago lámang ng himig ay sumandig ito sa mapanakop na
Katotohanan. Nawala halos ang detalyadong pagtuklas sa kalikasan ng
bugtong at sa pagmumuni sa karanasang pambalana ng salawikain. Dahil
na rin sa pangyayaring ang mga komedya, awit, at korido ay hinggil sa mga
banyagang lupain, higit na tumanghal ang unibersal na gaya ng bundok
at gubat, ilog at dagat, langit, araw, at bituin. Nawala ang kalaw, mangga,
puto, at daeng. Subalit napalitan ito ng mga parabula’t leksiyon mula sa
Bibliya at sa kaligiran ng kabalyero’t palasyo sa Europa.

Nais kong ipanukala ngayon na kongkreto at hindi abstrakto


ang mga aral at sentimiyento sa komedya o korido noon kapag inisip
na nakabatay ito sa Bibliya at karanasang Midyibal na pinaghanguan at
pinalalaganap ng panitikang kolonyal. Kapag itinabi ang komedya o korido
sa sangguniang tekstong kolonyalista ay masisilip ang bukal ng wika ng atin
panitikang kolonyal. Halimbawa, ang “kataksilan” ay isang karaniwang
motif sa istorya ng mga kabalyero. Maraming naging popular na bida sa
metriko romanse ang nasawi dahil sa isang “taksil” na kontrabida. Kayâ
12
sa Puti/Itim na binaryo ng metriko romanse, bukod sa Kristiyano/Moro
ay higit na malaganap ang tunggaliang Marangal/Taksil. Nakaipon ang
komedya’t korido ng isang bokabularyo ng pang-uri para sa kontrabidang
taksil at sinungaling, at sa mga sipi mula kay Huseng Sisiw lámang ay
makukuha na ang sumusunod: bulaan, kuhila, lilo, sukab, linsil, pusóng,
palamara, duwag, mang-aagaw ng korona, mainggitin. Hindi natatálo ang
kontrabida dahil Moro kundi dahil, wika nga ng mga alagad ng Hari sa El
Amor y La Envidia, “may budhing tacsil.”

Sa operasyon ng pananalinghagang kolonyal, ang aral o hibik sa


saknong ay nakaagapay sa doktrinang Kristiyano sa paraang alusyon o
pahambing. Halimbawa, ang ganitong panimulang taludtod na likha
diumano ni Huseng Sisiw:

Ang unang bati ko’y sabay ang pagluhod,


Gaya ng pagbati ng anghel kay Hesus.

Maaaring isang tula ito sa dupluhan. Ang pagluhod ay maaaring


isang paraan ng pagpupugay na ginagawa na noon sa harap ng datu.
Ngunit ano ang anghel? Walang kuwenta ang komparasyon sa ikalawang
taludtod kung hindi nakapagbasá ng pasyon ang nakikinig.

Dahil sa saligang Kristiyano, hindi kataka-taká na idiing


pangunahing birtud ng panitikang kolonyal ang pagiging butihin,
masunurin, magálang, matulungin, mapagtiis, mapagbigay, at
katulad. Kung tutuusin ay hindi naman masamâng ugali ang mga ito
ngunit sa panahon ng pananakop ay nagtuturo ang mga ito ng feudal
at mga hálagáhan ng mabuting sákop—ang pangunahing adhika ng
indoktrinasyon. Nakaukit ito sa ganitong panaghoy ng magsing-ibig na
Floro at Clavela:

Sabay na tumaghoy ang magkasing liyag


Nang ganitong wika: Langit na mataas;
Hindi mangyayari ang anomang bigat
Nang parusa nila kundi mo ipayag!

Isang ganap na pagtanggap ito sa guhit ng tadhana, lalo na’t sa


paniwalang napapatnubayan ng Langit ang kapalaran ng tao. Alam ng Diyos
na makapangyarihan ang lahat ng nangyayari sa mundo. Kung babalikan
ang pasakdal na hibik ni Florante sa saknong 23–24 at ikokompara ito
13
sa kababanggit na sipi mula sa Floro at Clavela ay hindi kapani-paniwala
ang impormasyon ni Fabian de Castro na kay Huseng Sisiw nagmula ang
gayong eretikong pagtatanong ni Balagtas.

Sa Floro at Clavela rin diumano sinipi ni J.M. Rivera ang ginamit


niyang pangwakas sa unang bahagi ng kaniyang ulat:

Ang sa plumang lakad kung baga sa araw


Ihinto’t pagsikat, tungo sa lubugan;
Dangal, buhay, sinta at lahat ng bagay
Nang tao’y tungo rin, sa kalilibingan…!

Muli, isang taos na pagtanggap ito sa mortalidad ng tao. Maaaring


isang karunungan itong nalagom na rin ng sinaunang salawikain. Ngunit
alam nating hayagang maipapahayag ito ni Huseng Sisiw sa limbag na
panitikan sapagkat tumitiyap sa Kristiyanong aral (“Mula sa abo, tungo sa
abo.”) hinggil sa hanggahan ng búhay at ng lahat ng bagay sa mundo

Sa kabilâng dako, hindi hadlang ang indoktrinasyon sa taal at


matalas na diwang masayáhin ni Huseng Sisiw. Namimilaylay itong tila
natural na simbuyo, kung minsan parang patay-mali, upang magpangiti sa
bumabása kahit sa isang tagpong maigting. Halimbawa, nang manghiram
si Guifero ng kabayo kay Roldan ay inaasahan nating aayaw si Roldan
dahil bilang kamag-anak ni Esmelecinda ay kinasusuklaman niya ang
pangyayaring hindi umiisip ng paraan si Guifero para iligtas ang asawa.
Ngunit sagot ni Roldan:

Namimili ng sasacay
Cung ang cabayo ni Roldan,
At cung sa para mo naman
Hindi ko maibibigay!

Sa may lacas, tapang, licsi


At hustong pagcalalaqui,
Ang cabayo cong narini
Lalong nagbibigay puri.

Ang sagot ni Roldan ay isang parunggít. Pihikan daw ang kaniyang


kabayo. Isinasakay lámang ang may lakas, tapang, liksi, at “husto ang
pagkalalaki.” [Medyo macho ang pahayag ni Roldan, at karaniwan ito sa
14
komedya.] Ngunit tinutuya ni Roldan ang pagiging “duwag” ni Guifero.
Gayunman, pinahiram ni Roldan si Guifero ng kabayo nang mabatid na
balak nitóng iligtas si Esmelecinda. Sa susunod na eksena, dinatnan ni
Guifero ang asawa na namimighati sa halamanan dahil nalimot ng pamilya,
pati ng asawa, at dahil nakatakdang ipakasal sa Almirante Balan. Hindi
natiis ni Guifero ang sumabad nang marinig na pakakasal si Esmelecinda.

GUIFERO: Pakasal at baquit?


ESMELECINDA: Lilong caballero! (Reparo)
Aba’t icao pala’y yaong si Guifero
Na cung aco caya’y pinutlan ng ulo
Sino pang daratnan iuan mo na, hayo!

Ang munting sagutan ay isang marikit na halimbawa ng


dramatikong pagtilad ni Huseng Sisiw sa saknong upang higit na bumagay
sa diwa ng diyalogo. At tingnan ang reaksiyon ni Esmelecinda nang marinig
ang asawa. Nagulat siya siyempre sa biglang pagpasok ni Guifero. Ngunit
bumuwelta siya noon din at nagpahayag ng poot dahil sa matagal niyang
paghihintay ng saklolo. Sinisi si Guifero. At pagkaraan, itinaboy pa kunwari
ang asawa. Ang buong episodyo ay isang ehemplo ng wastong tiyempo
sa entablado. Ang pabago-bagong himig ng reaksiyon ni Esmelecinda sa
biglang pagsulpot ni Guifero ay isang marikit at nakatutuwang halimbawa
ng pag-arte—ng hindi totoo ngunit mahirap hulaang damdamin—at tiyak
na sasalubungin ng halakhak ng madlang sumusunod sa mga nagaganap sa
entablado. Ang totoo, pinong-pino ang pagtatanghal ng diwang masayáhin
ni Huseng Sisiw, disimulado ang tunay na damdamin ni Esmelecinda na
kung tutuusin ay dapat sanang nagtitili sa galak nang makita ang asawang
napakatagal nang hinihintay, ngunit natutuklasan natin ngayon dahil sa
pagtitig sa tekstong sinipi ni J.M. Rivera.

Pang-akit ng Siste

HINDI GANAP NA naibilanggo ng pananakop ang diwang


masayáhin sa panitikang kolonyal. Siyempre, nabúhay itong malaya
at masagana sa panitikang pabigkas at malayò sa anino ng Simbahan.
Subalit nanatili itong hiyas ng lehitimong panitikang nakalimbag sa anyo
ng pagsisiste, lalo na sa anyong parinig at parunggit ng Indio sa kapuwa
Indio at sa mga sitwasyong waring umuusig lámang sa bisyo’t kahinaan ng
sákop.
15
Isang ikinalulugod na katangian noon at ngayon ay ang husay sa
paklí—ang bilis at talas sumagot sa kausap o hinggil sa suliraning kaharap.
Halimbawa, ang posibleng pakli laban sa pag-iwas ng isang dalaga sa
kaniyang manliligaw:

Sa aki’y huwag nang matwimatwiranin


Na may magulang kang dapat sangguniin;
Di bakit si Kristo ay nakapaghain
Nang langit kay Dimas, di may magulang din?

Nakapamilaylay sa pakling ito ni Huseng Sisiw ang suwail na siste laban


sa konserbatibong pagpapabahala ng lahat sa magulang. Ang ibig sabihin
ng makata: Higit na mahalaga ang damdamin ng dalaga kaysa pasiya ng
ama’t ina. Higit na mapusok na ipinahayag ito ni Huseng Batute nitóng
ika-20 siglo sa dramatikong:

“Ako’y hindi makasulat at ang nanay, nakabantay.”


Asahan mo, katoto ko, hindi ka pa minamahal.
Ngunit kapag sumulat na sa ibabaw man ng hukay
Minamahal ka na niya nang higit pa kaysa búhay.

Pansinin pa na ang siste ni Huseng Sisiw ay mahigpit na nakaangkla
sa kaalaman ng madla sa isang tagpo sa relihiyoso ngunit naturalisadong
senakulo kung Mahal na Araw.

Ngunit may halimbawa rin ng pagkakataóng nahuhubdan ng


Kristiyanong alusyon at metapora ang taludtod ni Huseng Sisiw. Binabalikan
niya ang karanasang-bayan at ang idyoma ng ordinaryong mamamayan
upang dito humugot ng matitimyas na laro ng salita. Halimbawa, sa
malungkot na digang ito:

Kabati sa wika’t kabati sa tingin


At sa pagkatao, nama’y kabati rin,
Nguni’t sa pagsinta, kung aking warii’y
Hindi na kabati’t kusa pang katanim…!!!

May anekdota si J.M. Rivera na naipahayag ang siniping panambitan


ni Huseng Sisiw kaugnay ng pagkabigo sa pangingibig sa isang babae na

16
dáting napakatalik niyang kaibigan (kayâ “kabatî”). Ngunit nilayuan
siya ng babae nang pagtapatan niya ito ng pagsinta. Nakahanay sa unang
dalawang taludtod ang lubusang pagkakasundo ng dalawa sa lahat ng
bagay. Maliban sa pag-ibig. At ipinanlulumo ng persona/mangingibig ang
pangyayari na ang pagtatapat niya ng pagsinta ay nagbunga ng paghihiwalay
nila ng babae, bukod sa malaking posibilidad na ikinagálit ng babae (naging
“katanim”) ang kaniyang pagtatapat. Ngunit lubhang katangi-tangi ang
laro sa salitâng isinangkot ni Huseng Sisiw sa “katanim.” Nakatanghal
ang kaniyang kadalubhasaan sa idyomatikong paggamit ng Tagalog. Sa
literal na antas ay nagkakasundo ang estruktura ng “kabati”/ “katanim.”
Ang magkasáma sa maraming gawain ay natural na magkasáma rin sa
pagtatanim. Ngunit isang idyomatikong gamit din ng “pagtatanim” ang
pagkikimkim ng samâ-ng-loob at gálit. Anupa’t ang “katanim” sa tula ni
Huseng Sisiw ay walang kaugnayan sa agrikultura, at higit na tumutukoy
ito sa mabigat na pakiramdam ng persona/mangingibig na kapuwa na
silá nag-iingat ng samâ-ng-loob sa isa’t isa. At napakalungkot na wakas
ito ng isang matalik na pagkakaibigan. Para sa atin, naipasok ni Huseng
Sisiw ang isang sisteng may parikalà sa pamamagitan lámang ng isang
pangwakas na salita.

Isa pang saknong sa saliksik ni J.M. Rivera ang napakarikit na


halimbawa ng siste ni Huseng Sisiw:

Ah…! Sayang na sayang, sayang na pag-ibig


Sayang na singsing kong nahulog sa tubig
Kung ikaw rin lamang ang makasasagip…
Mahangay hintin kong kumati ang tubig!

Tula din ito ng palasintahan. Ngunit ngayon ay babae ang persona, isang
higit na mapang-uyam na Esmelecinda. Pansinin din: Tulad sa saknong
na “Kabati,” ang “Sayang na Sayang” ay walang alusyon man lámang na
Kristiyano. Sa halip, lalo na sa “Sayang na Sayang,” higit na kailangan
ang saliksik sa karunungang-bayan upang ganap itong maintindihan.
Dapat balikan dito ang ulat ni Julian Cruz Balmaseda (1938) hinggil sa
karagatan—isang proto-drama at popular na aliwan noon. Batay diumano
ang laro sa isang alamat hinggil sa isang prinsesang nahulog ang gintong
singsing sa dagat (kayâ karagatan ang pamagat). Isang timpalak ang laro
para sa mga binata upang sumisid at hanapin ang singsing, idinadaan ang

17
simbolikong pagsisid sa marikit na pagtula, upang ihandog pagkaraan ang
tagumpay sa isa sa mga dalagang kalaro. Nagiging pagkakataón diumano
ang laro upang manligaw ang isang binata, at nauuwi ito sa totohanang
kasalan kapag tinanggap ng dalaga ang simbolikong singsing.

Ngunit hindi laging gayon ang nangyayari. Maaaring tanggihan ng


dalaga ang inihahandog na singsing sa paraang patula din. Ito ang naging
kapalaran ng binata sa persona ng “Sayang na Sayang.” Hindi lámang
tinanggihan ang alay. Ipinagdiinan pang hihintayin na lámang niyang
mawala ang dagat kaysa ipasagip sa binata ang kaniyang nahulog na
singsing. Maitutulad ngayon ang winikang “hintaying kumati ang tubig”
sa kawikaang “pagputi ng uwak” para sa sawimpalad at hindi na dapat
umasang binata.

Walang kabuluhan ang “Sayang na Sayang” kapag hindi nagunita


ang karagatan. Sa kabilâng dako, nagiging kalugod-lugod ang pagtitig
natin ngayon sa kagandahan ng saknong dahil sa pagkatanto kung
paano ito nilikha ni Huseng Sisiw mula sa isang gunitang katutubo.
Naisadula niya sa isang saknong ang maigting na tagisan ng damdamin
sa karagatan upang tumanghal itong higit kaysa isang aliwang laro dahil
isang makabuluhang bahagi ng masalimuot na ugnayang pantao sa ating
katutubong komunidad. Ilang pamilya kayâ noon ang “nagkataniman”
dahil sa pambibigo ng dalaga sa binatang maninisid ng singsing?

Sáyang at iilan ang natipon ni J.M. Rivera sa ganitong maituturing


nating hiyas ng pagtula ni Huseng Sisiw. May mga palatandaan na ang
kaniyang pagtula, kapag naiiralan ng diwang masayáhin at lalo na kapag
hindi nakapiit sa paksaing Kristiyano, ng kailangan nating sipatin at titigang
pagbabalik ng bait at katwiran na nasikil sa panahon ng kolonyalismo. Sa
ganito totoong maituturing na Guro ni Balagtas si Huseng Sisiw—isang
matibay na patunay sa mapagpalayang espiritu sa puso ng naganap na
naturalisasyon sa komedya, awit, at korido bago ang himagsik na isinabog
ng Florante at Laura.

Ferndale Homes
23 Setyembre 2014

18
“HUSENG SISIW”

ANG MAKATANG GURO NG WALANG KAMATAYANG


Francisco Balagtas

MAY PANGUNANG SALITA


NI
Dr. Jose P. Bantug
At
NILAKIPAN NG KURU-KURO
Nang Nagsisibuo Ng Samahang “Balagtasiana”

I
UNANG AKLAT NG “BALAGTASIANA”

Maynila, K. P.
—1933—
HUSENG SISIW

ANG MAKATANG GURO NG WALANG KAMATAYANG


Francisco Balagtas

MAY PAUNANG SALITA


NI
Dr. Jose P. Bantug
At
NILAKIPAN NG KURO-KURO
ng Nagsisibuo ng Samahang Balagtasiana

I
UNANG AKLAT NG BALAGTASIANA

Maynila, K. P.
—1933—
PAUNANG SALITA

K
AHIT na ang Literaturang Tagalog ay nagpakilala ñg kanyang
pagsulong sa simula ñg Siglong XVII, at ang unang lathalang
walang himig na relihioso na nagbuhat sa kamay ñg mga pilipino ay
naganap nuong taong 1610, sa pamamagitan ñg aklat ñg Prinsipe
ñg mga manglilimbag na pilipino, G. Tomas Pinpin, isa rin namang
katotohanang ang ating sariling literatura, hanggang sa sumapit sa Siglo
XIX, ay may taglay na tatak relihioso.

Totoo ñgang kahit na tayo ay nayuyungyungan ñg kaugaliang


pagkabanal nuon, ang ating matatandang mangangatha ay ginamit din
naman ang gayong pamamaraan upang itudla ang kanilang mga busog
laban sa mga maginoong dahil sa pagkalasing sa tungkuling kanilang
hinahawakan, ay pikit matang ininis ang bayan.

Nguni’t, ang tiyakang pagkakahayag ñg ating sariling literatura,


ay hindi ipinakilala kundi sa simula ñg Siglo XIX sa pamamagitan ñg
kaugaliang napalarawan sa mga aklat na tinagurian noong ñg Libros
de Caballeria Andante, na inawit ang kabantugan ñg mga Rolando at
Rodrigo, gaya ñg pinatutunayan at natutunghayan sa ating mga awit at
kurido na hanggang sa mga araw na ito’y kinagigiliwan pa manding
basahin ñg maraming kababayan.

Sa gayon ay lumitaw ang isang pangkat ñg mga tunay na


mangangatha, at sa kanila’y nangulo nang buong katangian, ñg nagtatapos
na ang Siglo XVIII at simula ñg XIX, ang makata at mangdudulang walang
katulad, si José de la Cruz, na nagtamo ñg isang kabantugan, sa ilalim ñg
22
PAUNANG SALITA

K
AHIT na ang Literaturang Tagalog ay nagpakilála ng
kaniyang pagsúlong sa simula ng Siglong XVII, at ang
unang lathalang walang himig na relihiyoso na nagbuhat sa kamay
ng mga Filipino ay naganap noong taóng 1610, sa pamamagitan
ng aklat ng Prinsipe ng mga manlilimbag na Filipino, G. Tomas
Pinpin, isa rin namang katotohanang ang ating sariling literatura,
hanggang sa sumapit sa Siglo XIX, ay may taglay na tatak relihiyoso.

Totoo ngang kahit na táyo ay nayuyungyungan ng kaugaliang


pagkabanal noon, ang ating matatandang mangangatha ay ginamit din
naman ang gayong pamamaraan upang itudla ang kanilang mga búsog
laban sa mga maginoong dahil sa pagkalasing sa tungkuling kanilang
hinahawakan ay pikit-matang ininis ang bayan.

Ngunit ang tiyakang pagkakahayag ng ating sariling literatura


ay hindi ipinakilála kundi sa simula ng Siglo XIX sa pamamagitan ng
kaugaliang napalarawan sa mga aklat na tinagurian noong Libros
de Caballeria Andante, na inawit ang kabantugan ng mga Rolando at
Rodrigo, gaya ng pinatutunayan at natutunghayan sa ating mga awit at
korido na hanggang sa mga araw na ito’y kinagigiliwan pa manding
basáhin ng maraming kababayan.

Sa gayon ay lumitaw ang isang pangkat ng mga tunay na


mangangatha, at sa kanila’y nangulo nang buong katangian, ng nagtatapos
na ang Siglo XVIII at simula ng XIX, ang makata at mandudulang walang
katulad, si José de la Cruz, na nagtamo ng isang kabantugan, sa ilalim ng
23
mga ito pa’y hindi linagyan ñg kanyang pañgalan na siyang kaugalian
ñg mga manunulat noon.

Ang kanyang mga aklat ay nagpasalinsalin, at samantalang


namamayani sa mga kababayan, ang kanyang katauhan ay napawing
parang aso hanggang sa ipinalagay na ang kanyang pagiging tao ay likha
lamang ñg alamat.

Ito ang mangangathang ñgayon ay binubuhay ñg beteranong


manunulat, G. José Maria Rivera, at, salamat sa kanyang pagpupunyagi
at masinop na pagpunpon, na sumasaklaw sa di kukulanging apat na
siclo, ay nagkaroon siya ñg kapalarang maimpok ang lahat ñg mga
sinulat ñg guró, at dumating siya sa pagpupunyagi sa pagkakatuklas
ñg mga katibayan sa pagkakabinyag at kamatayan ñg kailan man ay
kahangahangang José de la Cruz, ang dakilang taga-iwí ñg Prinsipe ñg
mga makatang tagalog, Francisco Balagtas. Si José de la Cruz ñga ang
sanhí ñg walang likat na pag-aaral sa biyograpya, sa panig ni G. Rivera,
na ñgayon ay hinihimay sa lalong marilag na karangalan ñg Guro.

Magpatuloy ang giliw na mambabasa, sa mga dahon ñg aklat na


ito, at hawiin mong tuluyan ang ulap na mahabang panahong bumalot
at pinapangulimlim, ang hugis ñg pangunahing manunulat ñg ating
bayan.

JOSÉ P. BANTUG.

Maynila, Hunyo 9, 1933.

24
mga ito pa’y hindi linagyan ng kaniyang pangalan na siyang kaugalian
ng mga manunulat noon.

Ang kaniyang mga aklat ay nagpasalin-salin, at samantalang


namamayani sa mga kababayan, ang kaniyang katauhan ay napawing
parang asó hanggang sa ipinalagay na ang kaniyang pagiging tao ay
likha lámang ng alamat.

Ito ang mangangathang ngayon ay binubúhay ng beteranong


manunulat, G. José Maria Rivera, at, salamat sa kaniyang pagpupunyagi
at masinop na pagpumpon, na sumasaklaw sa di kukulanging apat na
siklo, ay nagkaroon siya ng kapalarang maimpok ang lahat ng mga
sinulat ng guró, at dumating siya sa pagpupunyagi sa pagkakatuklas
ng mga katibayan sa pagkakabinyag at kamatayan ng kailan man ay
kahanga-hangang José de la Cruz, ang dakilang tagaiwí ng Prinsipe ng
mga makatang Tagalog, Francisco Balagtas. Si José de la Cruz nga ang
sanhí ng walang likat na pag-aaral sa biyograpiya, sa panig ni G. Rivera,
na ngayon ay hinihimay sa lalong marilag na karangalan ng Guro.

Magpatuloy ang giliw na mambabasa, sa mga dahon ng aklat na


ito, at hawiin mong tuluyan ang ulap na mahabàng panahong bumálot at
pinapangulimlim ang hugis ng pangunahing manunulat ng ating bayan.

JOSÉ P. BANTUG.

Maynila, 9 Hunyo 1933.

25
MGA KUROKURO
NG NAGSISIBUO
NG
BALAGTASIANA


ISANG pagpapatotoo ng isang gawaing makasaysayan at
napakamahalagang tulong sa Kasaysayan ng Panitikan, ang aklat na ito
ni G. Jose Ma. Rivera.

—Dr. Jose S. Navarro

Si G. José Ma. Rivera ay kilalang kaparis ng isa sa mga literato at


mandudulang tanyag sa buong Kapuluan. Nguni’t katulad ng dakilang
mga genio sa lahat ng kapanahunan, ang di-pananahimik ng kanyang
kaluluwa, ang pananabik sa dapat matalos ay hindi makapagtiis at
walang kasiyahan sa luwalhati ng kanyang nalalaman at ito ay lalo
pang pinapag-apoy ni Dr. Jose P. Bantug at ng ibang bumubuo ng
“BALAGTASIANA”. Si G. Rivera ay nagsiyasat at sa tulong ng kanyang
kadalubhasaan at pambihirang tiyaga ay naganap na maihayag
ang kanyang mga tinuklas na kaparis ng isang makapangyarihang
historiograpong di-pangkaraniwan,—naihayag ang katotohanan sa
kabuhayan ng Makatang Gurong si “Huseng Sisiw”.

—Prop. Antonio J. Molina.


26
MGA KURO-KURO
NG NAGSISIBUO
NG
BALAGTASIANA


Isang pagpapatotoo ng isang gawaing makasaysayan at
napakamahalagang tulong sa kasaysayan ng panitikan, ang aklat na ito
ni G. Jose Ma. Rivera.

—Dr. Jose S. Navarro

Si G. José Ma. Rivera ay kilaláng kaparis ng isa sa mga literato at


mandudulang tanyag sa buong Kapuluan. Ngunit katulad ng dakilang
mga henyo sa lahat ng kapanahunan, ang di-pananahimik ng kaniyang
kaluluwa, ang pananabik sa dapat matalos ay hindi makapagtiis
at walang kasiyahan sa luwalhati ng kaniyang nalalaman at ito ay
lalo pang pinapag-apoy ni Dr. Jose P. Bantug at ng ibang bumubuo
ng Balagtasiana. Si G. Rivera ay nagsiyasat at sa tulong ng kaniyang
kadalubhasaan at pambihirang tiyaga ay naganap na maihayag
ang kaniyang mga tinuklas na kaparis ng isang makapangyarihang
historyograpong di-pangkaraniwan—naihayag ang katotohanan sa
kabuhayan ng Makatang Gurong si “Huseng Sisiw”.

—Prop. Antonio J. Molina.


27
Ang paggunita kay Huséng Sisiw ay di lamang pagaala-ala
sa kanyang pagkamakata o pagka-guro sa pagtula ñg ating dakilang
Balagtas kung hindi paglalahad minsan pa na dapat kilalanin linañgin at
mahalin ang sarili nating wika na ayon din sa pagtatapat na inihahayag
sa pamamagitan ñg mga abut-sabi ñg mga batlaya, na, ang wika natin
ay di huli sa kayamanan, sa lambing at tamis sa alin mang wikang kilala,
na, kung ano mayroon sila ay mayroon din tayo at mayroon tayong
mga salita’t mga kataga na wala sa kanila. At sino ang nakababatid
nito? Saan natatago ang mga pañguñgusap na iyang maging ang ating
mga tanyag na dalubhasa, paham at pantas sa wikang TAGALOG ay di
nakababatid?

Giliw na nanasa, sa sandaling ito’y sinagian ka kaypala ñg bagong


alitigtigin, nagkaroon ka ñg pagaalinlañgan, pagkagitla o pagtataka at
magtatanong sa sariling,—“Diyata’t mayroong mga pañguñgusap tayo
na wala ang iba?” At saan naroon ito at sino ang gurong magtuturo,
at saan iniiñgatan ang lihim na iyan? Ang sagot ko’y ito. Sa mga
Lunduyang paaralan ñg Kabatlayaan ay dumalo ka’t makinig ñg mga
panayam ñg mga sinugong buhat sa Balantayan ñg walang hanggang
Alañgaang at mababatid mong ang Kabatlayaan pala’y kadunuñgan
ñg mga karunuñgan, lihim na talakhayang natatago sa “KABAN NG
KAALAMAN” (kabanalan), siyang talaktakan ñg buháy na diwa, siyang
talaytayan ñg mga pagtupad, siyang talatagan ñg lahat ñg lihim, siyang
talintiñgan ñg mga damdamin, siyang katotohanang ipagpapatuloy at
siyang boong aklat ñg mga Aklatang babásahin ñg mga marurunong.
Doon ñga mapapakinggan mong mañgusap ang mga Batlaya sa
pamamagitan ñg mga kasangkapan, Batlayang tulad ñg MANANAKOP,
MAHAL NA INA, Konpusyo, Rizal, Balagtas at lahat na ñg mga banal at

28
Ang paggunita kay Huséng Sisiw ay di lámang pag-aalaala
sa kaniyang pagkamakata o pagkaguro sa pagtula ng ating dakilang
Balagtas kung hindi paglalahad minsan pa na dapat kilalanin,
linangin, at mahalin ang sarili nating wika na ayon din sa pagtatapat
na inihahayag sa pamamagitan ng mga abot-sabi ng mga batlaya, na,
ang wika natin ay di hulí sa kayamanan, sa lambing at tamis sa alin
mang wikang kilalá, na, kung ano mayroon silá ay mayroon din táyo
at mayroon táyong mga salita’t mga kataga na wala sa kanila. At sino
ang nakababatid nitó? Saan natatago ang mga pangungusap na iyang
maging ang ating mga tanyag na dalubhasa, paham, at pantas sa wikang
Tagalog ay di nakababatid?

Giliw na nanasa, sa sandalîng ito’y sinagian ka kaipala ng bagong


alitigtigin, nagkaroon ka ng pag-aalinlangan, pagkagitla, o pagtataká at
magtatanong sa sariling,—“Diyata’t mayroong mga pangungusap táyo na
wala ang iba?” At saan naroon ito at sino ang gurong magtuturo, at saan
iniingatan ang lihim na iyan? Ang sagot ko’y ito. Sa mga Lunduyang
paaralan ng Kabatlayaan ay dumalo ka’t makinig ng mga panayam ng
mga isinugong buhat sa Balantayan ng walang-hanggang Alangaang
at mababatid mong ang Kabatlayaan palá’y kadunungan ng mga
karunungan, lihim na talakhayang natatago sa “Kaban ng Kaalaman”
(kabanalan), siyang talaktakan ng buháy na diwa, siyang talaytayan ng
mga pagtupad, siyang talatagan ng lahat ng lihim, siyang talintingan ng
mga damdamin, siyang katotohanang ipagpapatuloy at siyang buong
aklat ng mga Aklatang babásahin ng mga marurunong. Doon nga
mapapakinggan mong mangusap ang mga Batlaya sa pamamagitan
ng mga kasangkapan, Batlayang tulad ng Mananakop, Mahal na Ina,
Konpusyo, Rizal, Balagtas, at lahat na ng mga banal at mga bayaning

29
mga bayaning taga-ligtas sa dilim at kamangmañgan, at wikang Tagalog
ang kanilang ginagamit, mga salita’t katagang ngayon mo lamang sa
tanang búhay mo maririnig.
—GUILLERMO E. TOLENTINO
Hulyo 28, 1933.

UNIVERSITY OF SANTO TOMAS


Department of History

HUSENG SISIW ang pamagat ñg isang maliit na kasaysayan na


bago lamang katatapus sulatin ñg isa sa pinakamagiting na manunulat
ñg mga Tagalog, si G. José Maria Rivera. Sañgayon sa pangbuñgad na
dahon nito, ang kasaysayan ay isang kabuoan ñg “Biyograpya” nang
makatang Taga-Tundo na lalong nakilala sa palayaw na “Huseng Sisiw”,
at may tatak na Tundo, Maynila, Mayo, 1933 na siyang nagpapakilala
na ito ay nasulat sa gayong lugar at sa gayong petsa.

Ang pamagat na ito ay nagpapaalaala sa atin tuloy ñg isang katha


ni G. Hermenegildo Cruz na may pamagat na Kung Sino Ang Kumatha
ñg Florante at Laura, na nasulat sa mga unang panahon ñg pagdating ñg
mga Amerikano dito sa ating bayan. Hindi ang ibig sabihin nito ay ang
bagong katha na katatapos lamang maisagawa ñg naturang manunulat
ay isang buñga lamang ñg pakikigaya sa naunang sumulat. Hinding-
hindi ñga ito ang tinutukoy natin. Sapagkat ang dalawa ay totoong
magkaiba sa halos na lahat ñg bagay, na kanilang tinutokoy. Gayon
man sa ganang akin ay iisa lamang ang kanilang puntahin, una’y ang
ipakilala sa madlang mangbabasa na tayo, noong panahong una, ay
30
tagaligtas sa dilim at kamangmangan, at wikang Tagalog ang kanilang
ginagamit, mga salita’t katagang ngayon mo lámang sa tanang búhay
mo maririnig.
—GUILLERMO E. TOLENTINO
28 Hulyo 1933.

UNIVERSITY OF SANTO TOMAS


Department of History

Huseng Sisiw ang pamagat ng isang maliit na kasaysayan na


bago lámang katatapos sulatin ng isa sa pinakamagiting na manunulat
ng mga Tagalog, si G. José Maria Rivera. Sang-ayon sa pangbungad
na dahon nitó, ang kasaysayan ay isang kabuoan ng “Biyograpiya” ng
makatang taga-Tundo na lalong nakilála sa palayaw na “Huseng Sisiw,”
at may tatak na Tundo, Maynila, Mayo 1933 na siyang nagpapakilála
na ito ay nasulat sa gayong lugar at sa gayong petsa.

Ang pamagat na ito ay nagpapaalaala sa atin tuloy ng isang katha


ni G. Hermenegildo Cruz na may pamagat na Kung Sino Ang Kumatha
ng Florante at Laura, na nasulat sa mga unang panahon ng pagdating ng
mga Amerikano dito sa ating bayan. Hindi ang ibig sabihin nitó ay ang
bagong katha na katatapos lámang maisagawa ng naturang manunulat
ay isang bunga lámang ng pakikigaya sa naunang sumulat. Hinding-
hindi nga ito ang tinutukoy natin. Sapagkat ang dalawa ay totoong
magkaiba sa halos na lahat ng bagay, na kanilang tinutukoy. Gayon
man sa ganang akin ay iisa lámang ang kanilang puntahin, una’y ang
ipakilála sa madlang mambabasa na táyo, noong panahong una, ay
31
may dalawang bantayog, dalawang dalubhasang manunlat, dalawang
maningning na tala, na pikit matang ipinakilala ang kahalagahan
ñg wikang Tagalog. Bawat isa sa dalawang ito ay naging alitaptap na
humawi sa karurukan ñg dilim na noon ay nanagano sa ating lupang
sawi. Ang mga sinulat ñg dalawang ito ay kababanaagan natin ñg di
lamang pagmamahal nila sa wikang Tagalog kundi pati ñg walang
kupas na pagmamahal sa kanilang bayan. Ang dalawang dakilang
manunulat natin noon, si Balagtas na kumatha ñg walang kamatayang
Florante at si Huseng Sisiw na naging guró ñg kumathang iyan, ay
halos walang pinagibhan sa dalawang paganong pilosopo ñg Grecia
na si Platon at si Aristoles, na ang una ay siyang guro at ang ikalawa ay
siyang discipulo. Sapagka’t tulad ni Aristoteles na discipulo ni Platon, si
Balagtas na discipulo ni Huseng Sisiw ay higit sa nakilala sa kaniyang
guro.

At ang ikalawang puntahin, sa palagay ko, ng G. Cruz at G.


Rivera, bukod sa ipakilala ang dalawang manunulat natin, ay upang
gisingin ang mga natutulog na kababayan at mapanuto sa kanilang
lakad. Alalaon baga, matapos gamiting kasangkapan ang paniniwalang
tayo ay sa ganang atin ay maysariling matatawag na Horacio at
Ciceron ng mga taong Latino, Cervantes at Lope de Vega ng mga
Kastila, Shakespeare at Milton ng mga Inglis, Longfellow at Poe ng mga
Americano; Tolstoi, Turgenev, at Dostoevsky ng mga Ruso; Moliere at
Racine ng mga Frances; Homero at Aeschylus ng mga Griego,—sila
ay hindi na magaatubili sa paghahangad na tayo ay magkaroon na ng
muling pagsilang, isang renacimiento, tulad ng pagsilang na muli ng
mga Griego matapos kamtan nila ang kalayaan na tinamo sa pakikibaka
laban sa masasamang mga Turko.

32
may dalawang bantayog, dalawang dalubhasang manunulat, dalawang
maningning na talà, na pikit-matang ipinakilála ang kahalagahan
ng wikang Tagalog. Bawat isa sa dalawang ito ay naging alitaptap na
humawi sa karurukan ng dilim na noon ay nanagano sa ating lupang
sawi. Ang mga sinulat ng dalawang ito ay kababanaagan natin ng di
lámang pagmamahal nilá sa wikang Tagalog kundi pati ng walang
kupas na pagmamahal sa kanilang bayan. Ang dalawang dakilang
manunulat natin noon, si Balagtas na kumatha ng walang kamatayang
Florante at si Huseng Sisiw na naging guro ng kumathang iyan, ay halos
walang pinag-ibhan sa dalawang paganong pilosopo ng Gresya na si
Platon at si Aristoteles, na ang una ay siyang guro at ang ikalawa ay
siyang disipulo. Sapagkat tulad ni Aristoteles na disipulo ni Platon, si
Balagtas na disipulo ni Huseng Sisiw ay higit sa nakilála sa kaniyang
guro.

At ang ikalawang puntahin, sa palagay ko, ng G. Cruz at G.


Rivera, bukod sa ipakilála ang dalawang manunulat natin ay upang
gisingin ang mga natutulog na kababayan at mapanuto sa kanilang
lakad. Alalaon bagá, matapos gamiting kasangkapan ang paniniwalang
táyo ay sa ganang atin ay may sariling matatawag na Horacio at
Ciceron ng mga táong Latino; Cervantes at Lope de Vega ng mga
Kastila; Shakespeare at Milton ng mga Ingles; Longfellow at Poe ng mga
Amerikano; Tolstoi, Turgenev, at Dostoevsky ng mga Ruso; Moliere at
Racine ng mga Franses; Homero at Aeschylus ng mga Griyego—silá ay
hindi na mag-aatubili sa paghahangad na táyo ay magkaroon na ng
muling pagsílang, isang renacimiento, tulad ng pagsílang na muli ng mga
Griyego matapos kamtan nilá ang kalayaan na tinamo sa pakikibáka
laban sa masasamâng Turko.

33
Ang kathang ito ni G. Rivera ay siyang kaunaunahang katha na
nagbibigay sa atin ng maraming ulat tungkol sa buhay ni Huseng Sisiw,
samakatuwid, sa paglabas ng kathang ito ay kasama at kakambal ang
paniniwala na siya, si Huseng Sisiw, laban sa paniniwala ng marami,
ay hindi pala isang personage ficticio, kundi isang tunay na tao na
nabuhay din tulad natin. Tahasan kong ipinagtatapat na ng sulatin ko
ang aking aklat na Tagalog Litereture—A Historico-Critical Study noong
taong 1930, kahit na ako’y nagukol ng ilang dahon tungkol sa buhay
at pagkamanulat ni Huseng Sisiw, ako ay hindi lubos na naniwala sa
buhay na pinagdaanan ng manunulat na iyan. Subalit, ngayon namang
mabasa ko na ang aklat (manuscrito) ni G. Rivera kay Huseng Sisiw, na
naglalarawan pati ng isang sipi ng partida de bautismo ng taong iyan,
lapat na lapat na aking aking paniniwala sa pagkabuhay nito.

Dito ay nakalarawan na wastong-wasto ang di lamang buhay ni


Huseng Sisiw kungdi pati ang kanyang pagkadalubhasang manunulat.
Pati ang mga comedia at kuridong mga nasulat na anonimo ó walang
tatak ng ngalan ni Huseng Sisiw ay natahó nating kay Huseng Sisiw
pala. Ito’y ang Doce Pares de Francia, Rodrigo de Villa, D. Gonzalo de
Cordova, Los Dos Virreyes, Clarta, Adela, at Florante, etc., sangayon
kay G. Rivera sa dahong sampu ng kanyang aklat. Ang unang bahagi
ng aklat na ito ay binubuo ng kanyang buhay at mga ulat tungkol sa
kanyang pagkamanunulat. Ang ilan sa mga sawikaing punong-puno ng
mga ginintuang aral, gayon din ang mga ilang pagkasubok sa kanya sa
kanyang kagitingan sa pagka mangdudula ay nakalarawang wastong-
wasto sa unang bahagi nito. Sa lalong pinaka maigsing talata, subali’t
mga talatang siksik ng mga makahulugang nilalaman, ang unang
bahagi nito ay nabuo.

34
Ang kathang ito ni G. Rivera ay siyang kauna-unahang katha na
nagbibigay sa atin ng maraming ulat tungkol sa búhay ni Huseng Sisiw,
samakatwid, sa paglabas ng kathang ito ay kasáma at kakambal ang
paniniwala na siya, si Huseng Sisiw, laban sa paniniwala ng marami, ay
hindi palá isang personage ficticio, kundi isang tunay na tao na nabúhay
din tulad natin. Tahasan kong ipinagtatapat na nang sulatin ko ang
aking aklat na Tagalog Litereture—A Historico-Critical Study noong
taóng 1930, kahit na ako’y nag-ukol ng ilang dahon tungkol sa búhay
at pagkamanulat ni Huseng Sisiw, ako ay hindi lubos na naniwala sa
búhay na pinagdaanan ng manunulat na iyan. Subalit, ngayon namang
mabása ko na ang aklat (manuskrito) ni G. Rivera kay Huseng Sisiw, na
naglalarawan pati ng isang sipi ng partida de bautismo ng táong iyan,
lapat na lapat na aking aking paniniwala sa pagkabúhay nitó.

Dito ay nakalarawan na wastong-wasto ang di lámang búhay ni


Huseng Sisiw kundi pati ang kaniyang pagkadalubhasang manunulat.
Pati ang mga komedya at koridong nasulat na anonimo ó walang tatak
ng ngalan ni Huseng Sisiw ay nataho nating kay Huseng Sisiw palá.
Ito’y ang Doce Pares de Francia, Rodrigo de Villa, D. Gonzalo de Cordova,
Los Dos Virreyes, Clarta, Adela, at Florante, etc., sang-ayon kay G. Rivera
sa dahong sampu ng kaniyang aklat. Ang unang bahagi ng aklat na
ito ay binubuo ng kaniyang búhay at mga ulat tungkol sa kaniyang
pagkamanunulat. Ang ilan sa mga sawikaing punông-punô ng mga
ginintuang aral, gayon din ang ilang pagkasubok sa kaniya sa kaniyang
kagitingan sa pagkamandudula ay nakalarawang wastong-wasto
sa unang bahagi nitó. Sa lalong pinakamaigsing talata, subalit mga
talatang siksik ng mga makahulugang nilalaman, ang unang bahagi
nitó ay nabuo.

35
At sa dahilang ang nais ng may katha ay lubos na masiyahan ang
kanyang mangbabasa, ang unang bahagi nito ay linakipan ng isa pa, na
siya namang naging ikalawang bahagi. Dito ay kanyang isinalin ang ilan
sa mga bahagi ng mga dula at comedya ni Huseng Sisiw, mga bahaging
lubos na nagpapatingkad sa pagka dalubhasa ng ating manunulat.

Hindi marahil ako magkakamali kung sabihin ko sa pagkatapos


nito na ang aklat na ito ay kagigiliwan ng sino mang babasa, lalong-lalo
na’y kung ang mga ito ay mahiligim sa pagbasa ng literature a realistica
at ng biyograpya At sa mga mangbabasa namang ang hilig ay naandoon
sa literatur a romantica, ang aklat na iti ay magsisilbing patnubay sa
landas na iyan.

Ang mga kilatis na manunulat na tulad ni G. Rivera, na mahiligin


sa pagtuklas ng katotohanan at pagbubunyag ng katotohanang ito, ang
sa kasalukuyan ay siyang lubhang kailangan ng ating bansa. Umaasa
ako na ang dakilang manunulatna ito, na sa aking pagkaalam ay
mangdudula, kuentista, humorista, at editorialista pa, ay magpapatuloy
sa ganitong landas sa ikabubuti ng lahing Pilipino at ng wikang Tagalog.
Gayon ding aking ipinaabot sa ginoong ito ang aking taos na pagbati
at pakikidaop palad alang-alang sa wikang Tagalog at sa paglabas ng
kanyang aklat ukol kay Huseng Sisiw.

—DR. EUFRONIO M. ALIP

36
At sa dahilang ang nais ng maykatha ay lubos na masiyahan
ang kaniyang mambabasa, ang unang bahagi nitó ay linakipan ng isa
pa, na siya namang naging ikalawang bahagi. Dito ay kaniyang isinalin
ang ilan sa mga bahagi ng mga dula at komedya ni Huseng Sisiw,
mga bahaging lubos na nagpapatingkad sa pagkadalubhasa ng ating
manunulat.

Hindi marahil ako magkakamali kung sabihin ko sa pagkatapos


nitó na ang aklat na ito ay kagigiliwan ng sino mang babása, lalong-lalo
na’y kung ang mga ito ay mahiligin sa pagbása ng literatura realistica at
ng biyograpiya. At sa mga mambabasá namang ang hilig ay naandoon
sa literatura romantica, ang aklat na ito ay magsisilbing patnubay sa
landas na iyan.

Ang mga kilatis na manunulat na tulad ni G. Rivera, na mahiligin


sa pagtuklas ng katotohanan at pagbubunyag ng katotohanang ito, ang
sa kasalukuyan ay siyang lubhang kailangan ng ating bansa. Umaasa
ako na ang dakilang manunulat na ito, na sa aking pagkaalam ay
mandudula, kuwentista, humorista, at editoryalista pa, ay magpapatuloy
sa ganitong landas sa ikabubuti ng lahing Filipino at ng wikang Tagalog.
Gayon ding aking ipinaabot sa ginoong ito ang aking taos na pagbatì
at pakikidaop-palad alang-alang sa wikang Tagalog at sa paglabas ng
kaniyang aklat ukol kay Huseng Sisiw.

—DR. EUFRONIO M. ALIP

37
Ang Magguro
Tula ni DEOGRACIAS A. ROSARIO

I.
Sa dahon ng kasaysayan ng bayan kong iniirog
Ay may tanging kabanatang hindi dapat na malimot
Ang Tundo ay napatulad sa Parnasong sakdal tayog
Na sambahan ng makatang sa pagtula’y walang pagod;
Ang bayan ay dambanang nalilipos ng kampupot
Ng sining at kagandahang wari’y diwang nag-uutos
Na lumikha ng awiting sa puso ay nagdudulot
Ng pag-asang walang maliw at ligayang di-maubos.
Sa hukbo ng manunulang sa Tundo ay nakasapit,
Ang Makata sa Panginay sa bayan ko’y nakiawit,
Sa piling ni Hoseng Sisiw, ang kudyapi at panitik
Ay nagsaliw ng tulain na likha ng panaginip;
Ang humanga sa kay Selya’y dito unang nakasilip
Ng dilag ng Paralumang naging unang iniibig

II.
At kung hapong “pantay mata” ang lagay ng haring
tala’y
Parang aking namamalas ang larawan ng makatang
Kaakbay ni Hoseng Sisiw at payapang gumagala
Sa malamig na pasigan nitong dagat ng Maynila.
Sa lamlam ng dapit-hapo’y kumikita ng hiwaga
Na panghiyas sa tulaing ihahandog sa diwata
At kung sila’y mapagal na ay uupong mapayapa
At ang tulang nakuro na’y bibigkasing buong gara.
Bawa’t mali ng makata na maykatha ng “Florante’y”
Pinupuna ng matandang sa tulaan ay bayani,
Sa harap ng dalubhasang nagtuturo ng mabuti
Si Balagtas ay payapa’t walang kibo, parang pipi.
Bawa’t turo ng matanda ay tinipon sa sarile
At sa awit na linikha ay ginawang palamuti.

38
Ang Magguro
Tula ni DEOGRACIAS A. ROSARIO

I.
Sa dahon ng kasaysayan ng bayan kong iniirog
Ay may tanging kabanatang hindi dapat na malimot
Ang Tundo ay napatulad sa Parnasong sakdal tayog
Na sambahan ng makatang sa pagtula’y walang pagod;
Ang bayan ay dambanang nalilipos ng kampupot
Ng sining at kagandahang wari’y diwang nag-uutos
Na lumikha ng awiting sa puso ay nagdudulot
Ng pag-asang walang maliw at ligayang di-maubos.
Sa hukbo ng manunulang sa Tundo ay nakasapit,
Ang Makata sa Panginay sa bayan ko’y nakiawit,
Sa piling ni Huseng Sisiw, ang kudyapi at panitik
Ay nagsaliw ng tulain na likha ng panaginip;
Ang humanga sa kay Selya’y dito unang nakasilip
Ng dilag ng Paralumang naging unang iniibig

II.
At kung hapong “pantay mata” ang lagay ng haring talà’y
Parang aking namamalas ang larawan ng makatang
Kaakbay ni Huseng Sisiw at payapang gumagala
Sa malamig na pasigan nitóng dagat ng Maynila.
Sa lamlam ng dapithapo’y kumikita ng hiwaga
Na panghiyas sa tulaing ihahandog sa diwata
At kung silá’y mapagal na ay uupông mapayapa
At ang tulang nakuro na’y bibigkasing buong gara.
Bawa’t mali ng makata na maykatha ng Florante’y
Pinupuna ng matandang sa tulaan ay bayani,
Sa harap ng dalubhasang nagtuturo ng mabuti
Si Balagtas ay payapa’t walang kibo, parang pipi.
Bawat turo ng matanda ay tinipon sa sarili
At sa awit na linikha ay ginawang palamuti.

39
III.
¡Naging Hari si Balagtas! At sa Tundo naging utang
Ang matayog na pangarap at malambing na kundiman!
Ang dilag ng taga rito’y siyang unang Paralumang
Inalayan ng tulain na putong sa kanyang ngalan
At sa langit ay sumipi ng kulay at kayumiang
May tampo ng kinakasi’t may higanti sa kalaban,
¡Isang guro ang nagturo’t pinuri ng taong bayan
Na sa Tundo ay humanga sa Makata sa Panginay!
Sa Panginay ay sumilang ang Hari ng ating Wika
Nguni’t dito sa bayan ko: sa Tundo kong darakila
Naging ginto ang panulat na hantungan ng paghanga
At kahi’t na sinasabing siya’y likas na makata,
Dapwa’t dito ay may gurong nagturo sa kanyang diwa,
Kaya’t ngayon: si Balagtas sa Tundo ay may DAMBANA!

—Deogracias A. ROSARIO.
Abril, 1916

40
III.
¡Naging Hari si Balagtas! At sa Tundo naging utang
Ang matayog na pangarap at malambing na kundiman!
Ang dilag ng tagarito’y siyang unang Paralumang
Inalayan ng tulain na putong sa kanyang ngalan
At sa langit ay sumipi ng kulay at kayumiang
May tampo ng kinakasi’t may higanti sa kalaban,
¡Isang guro ang nagturo’t pinuri ng táong bayan
Na sa Tundo ay humanga sa Makata sa Panginay!
Sa Panginay ay sumilang ang Hari ng ating Wika
Nguni’t dito sa bayan ko: sa Tundo kong darakila
Naging ginto ang panulat na hantungan ng paghanga
At kahit na sinasabing siya’y likás na makata,
Dapwat dito ay may gurong nagturo sa kanyang diwa,
Kaya’t ngayon: si Balagtas sa Tundo ay may DAMBANA!

—Deogracias A. ROSARIO.
Abril 1916

41
HANDOG
Sa Pañgulo ñg Samahang Balagtasiana,
Dr. José P. Bantug, at sa lahat ñg nagsisibuo sa
naturang samahan.
Taglay ang paghañga at buong pusong pag-
galang.

José Maria Rivera.

Tundo, Maynila,
Mayo 12, 1933.
HANDOG
Sa Pangulo ng Samahang Balagtasiana,
Dr. José P. Bantug, at sa lahat ng nagsisibuo sa
naturang samahan.
Taglay ang paghanga at buong pusong
paggalang.

José Maria Rivera.

Tundo, Maynila,
12 Mayo 1933.
“Balagtasiana”
(Patronizer of Philippine Literature, Art and
Culture)

Founded and headed by:—

Dr. José P. Bantug


Dr. José S. Navarro
Prof. Nicanor Abelardo
Prof. Antonio J. Molina
Prof. Guillermo E. Tolentino
Dr. José Ma. Rivera
Mr. José N. Sevilla
Mr. Deogracias A. Rosario
Mr. Gui Y. Santiago-Cuino
Hon. Norberto Romualdez, Adviser

(Address all communications to the President,


1460 Pennsylvania, Singgalong, Manila.)
“Balagtasiana”
(Patronizer of Philippine Literature, Art and
Culture)

Founded and headed by:—

Dr. José P. Bantug


Dr. José S. Navarro
Prof. Nicanor Abelardo
Prof. Antonio J. Molina
Prof. Guillermo E. Tolentino
Dr. José Ma. Rivera
Mr. José N. Sevilla
Mr. Deogracias A. Rosario
Mr. Gui Y. Santiago-Cuino
Hon. Norberto Romualdez, Adviser

(Address all communications to the President,


1460 Pennsylvania, Singgalong, Manila.)

You might also like