You are on page 1of 1

LAKI SA LAYAW

--------------“Anhin kong saysayin ang tinamong tuwa


ng kabataan ko’y malawig na lubha,
pag-ibig ni ama’y siyang naging mula,
lisanin yaong gubat na payapa.

--------------“Pag-ibig anaki’y aking nakilala


di dapat palakihin ang bata sa saya,
at sa katuwaa’y kapag nahihasa,
kung lumaki’y walang hihinting ginhawa.

--------------“ “Sapagka’t ang mundo’y bayan ng hinagpis


mamamaya’y sukat tibayan ang dibdib,
lumaki sa tuwa’y walang pagtitiis,
anong ilalaban sa dahas ng sakit?

--------------“ “Ang taong magawi sa ligaya’t aliw


mahina ang puso’t lubhang maramdamin,
Inaakala pa lamang ang hilahil
na daratna’y di na matutuhang bathin.

--------------“ “Para ng halamang lumaki sa tubig,


daho’y nalalanta munting di madilig’
Ikinaluluoy ang sandaling init,
gayon din ang pusong sa tuwa’y maniig.

--------------“ “Munting kahirapa’y mamalakhing dala


Dibdib palibhasa’y di gawing magbata
Ay bago sa mundo’y walang kisapmata
Ang tao’y mayroong sukat ipagdusa.

--------------“ “Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad,


Sa bait munit sa hatol ay salat;
Masaklap na bunga ng maling paglingap.

You might also like