You are on page 1of 9

West Visayas State University

College of Education
Bachelor in Elementary Education, Major in General Education
PEDA 202 – BUILDING BRIDGES ACROSS THE SOCIAL SCIENCE DISCIPLINES
La Paz, Iloilo City
West Visayas State University
College of Education
Bachelor in Elementary Education, Major in General Education
PEDA 202 – BUILDING BRIDGES ACROSS THE SOCIAL SCIENCE DISCIPLINES
La Paz, Iloilo City

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN VI

I. Mga Tiyak Layunin


A. Nakatutukoy ng mga tungkulin ng bawat sangay ng pamahalaan;
B. Nakakikilala ng mga katangian ng bawat pinuno ng bawat sangay ng pamahalaan; at
C. Naipakikita ang pagkakaisa sa pangkatang gawain.

II. Paksang Aralin


A. Paksa: Sistemang Pampamahalaan ng Pilipinas
B. Mga Sanggunian:
Avelino, Norma C., et. al. (2007). Yaman ng Pilipinas 6. EdCrisch International, Inc.:
Lungsod ng Makati, Maynila, pp. 91-95.
Avelino, Norma C., et. al. (2007). Yaman ng Pilipinas 6, Manwal ng Guro. EdCrisch
International, Inc.: Lungsod ng Makati, Maynila, pp. 85-88.
Mendoza, Laura Z., et. al. (2010). Ang Lahing Pilipino, Dakila at Marangal 6. Rex
Bookstore, Inc.: Sampaloc, Maynila, pp. 157, 168, 170, 171-173.
C. Mga Kagamitang Pampagtuturo: manila paper, worksheet, mga larawan ng mga
opisyales ng pamahalaan, computerized na mga babasahin sa bawat sentro
D. Pagpapahalagang Pangkatauhan: Pagkakaisa sa Pangkatang Gawain
E. Paraan ng Pagtuturo: Interest Learning Center

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik-Aral
Itanong: Anu-ano ang mga katangian ng isang demokratikong pamahalaan?

2. Pagganyak
Tingnan ang mga larawan na nakapaskil sa pisara. Kilala niyo ba sila? Sinu-sino ang
mga nasa larawan?
Ngayon, tayo’y maglalaro ng “Sino Siya?”
Narito ang mga panuntunan kung paano natin ito gagawin.
a. Ilalarawan ko sa inyo ang titulo o tungkulin ng opisyal ng pamahalaan na aking
hinahawakan.
b. Kapag alam ninyo ang sagot, pakitaas lang ng inyong kanang kamay. Kung sino
ang aking ituturo ay siya lamang ang maaaring makasagot.

Halimbawa ng mga Larawan:

*Prepared by: Ian Brunia Oranio BEEd 4-B *Prepared for: Prof. Eleanor S. Jamero (Course Facilitator)
Page 2
West Visayas State University
College of Education
Bachelor in Elementary Education, Major in General Education
PEDA 202 – BUILDING BRIDGES ACROSS THE SOCIAL SCIENCE DISCIPLINES
La Paz, Iloilo City

Pres. Noynoy Aquino Vice Pres. Jejomar Binay Sen. Miriam Defensor-Santiago Sen. Manuel Villar

Chief Justice Ma. Lourdes Serano Cong. Arthur Defensor Jr. Sen. Franklin Drilon Sen. Loren Legarda

B. Panlinang na Gawain
1. Introduction of Centers
Ngayon, ating pag-aaralan ang sistemang pampamahalaan ng Pilipinas at ang
tatlong sangay nito. Alam naman natin na ang sistemang pampamahalaan ng Pilipinas
ay Pampanguluhan at ang tatlong sangay ng ating pamahalaan ay Tagapagpaganap,
Tagapagbatas at Tagahukom. Ating pang alamin kung anu-ano ang mga ito at kung
anu-ano ang mga mahahalagang ginagampanan ng mga ito sa ating pamahalaan.
Mayroon tayong anim na mga sentro. Ang sentro 1-A at sentro 1-B ay tungkol sa
Unang Sangay ng Pamahalaan o ang Tagapagpaganap o Executive Branch. Ang sentro
2-A at sentro 2-B naman ay tungkol sa Ikalawang Sangay ng Pamahalaan o ang
Tagapagbatas o Legislative Branch at ang sentro 3-A at sentro 3-B naman ay tungkol sa
Ikatlong Sangay ng Pamahalaan o Tagahukom o Judiciary Branch.
Ang mga sentro 1-A, 2-A at 3-A ay nasa harap ng classroom at ang mga sentro
1-B, 2-B at 3-B ay nasa likurang bahagi ng classroom.

2. Orientation of the Centers


Bawat grupo ay magtatalaga ng kani-kanilang lider at secretary. Ang lider ang
siyang magtatalaga ng gawain ng bawat miyembro ng grupo samantalang ang secretary
naman ang siyang hahawak ng worksheet ng grupo at siya rin ang naatasang sumulat
ng napagkasunduang sagot ng grupo. Nararapat na ang bawat miyembro ng grupo ay
may kani-kaniyang obserbasyon.
3. Working in the Centers

*Prepared by: Ian Brunia Oranio BEEd 4-B *Prepared for: Prof. Eleanor S. Jamero (Course Facilitator)
Page 3
West Visayas State University
College of Education
Bachelor in Elementary Education, Major in General Education
PEDA 202 – BUILDING BRIDGES ACROSS THE SOCIAL SCIENCE DISCIPLINES
La Paz, Iloilo City

Ang listahan ng inyong mga ka-pangkat at nakapaskil sa pisara. Aking tatawagin


ang lider ng bawat pangkat.
Ang mga pangkat 1-A, 2-A at 3-A ay pupunta sa mga sentro sa harap ng pisara
samatalang ang mga pangkat 1-B, 2-B at 3-B ay pupunta sa mga sentro sa likurang
bahagi ng classroom.
Ang mga pangkat 1-A at 1-B ay mag-uumpisa sa Tagapagpaganap samantalang
ang mga pangkat 2-A at 2-B ay mag-uumpisa sa Tagapagbatas at ang mga pangkat 3-A
at 3-B naman ay mag-uumpisa sa Tagahukom. Matapos ang walong minutong time
allotment, ang bawat pangkat ay gagalaw pa-kanan. Ang proseso ay magpapatuloy
hanggang ang lahat ng mga sentro ay madaanan.

Worksheet:
Kwalipikasyon,
Tungkulin at Tagapagpaganap Tagahukom Tagapagbatas
Kapangyarihan
Kapangyarihan Kinatawan Senador
Edad
Edukasyon
Pagkamamamayan
Paninirahan sa Pilipinas
Mga Tungkulin at 1. 1. 1.
Kapangyarihan 2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.
6. 6.
7. 7.
8. 8.
9.

C. Pangwakas na Gawain
1. Pagtatalakay
Base sa inyong nalaman sa mga sentro at gamit ang inyong worksheet, narito
ang ilang mga katanungan.
a. Ano ang sistemang pampamahalaan ng ating bansa?
b. Ilang sangay nahahati ang pamahalaan ng Pilipinas?
c. Anu-ano ang mga tatlong sangay na ito?
d. Sino ang humahawak ng kapangyarihang tagapagpaganap?
e. Anu-ano ang mga tungkulin at kapangyarihan ng tagapagpaganap?
f. Anu-ano ang mga kwalipikasyon ng pagiging Pangulo ng Pilipinas?
g. Sinu-sino ang mga katulong ng Pangulo ng bansa sa pagpapatupad ng mga batas?
h. Paano nakaaapekto ang layo ng lugar sa pagpapatupad ng Pangulo ng mga batas?

*Prepared by: Ian Brunia Oranio BEEd 4-B *Prepared for: Prof. Eleanor S. Jamero (Course Facilitator)
Page 4
West Visayas State University
College of Education
Bachelor in Elementary Education, Major in General Education
PEDA 202 – BUILDING BRIDGES ACROSS THE SOCIAL SCIENCE DISCIPLINES
La Paz, Iloilo City

i. Sa tingin mo, anu-ano ang mga batas na ipinatupad ng ating pangulo sa


kasalukuyan na nakatulong sa paglago ng ekonomiya ng bansa?
j. Sang-ayon ka ba kung ipasasailalim ng ating pangulo ang ating bansa sa Batas
Militar? Ano sa tingin mo ang magiging epekto nito sa lipunan?
k. Sinu-sino ang mga nagsisilbing tagapagpaganap sa pamahalaang lokal?
l. Sino naman ang humahawak ng kapangyarihang tagapagbatas?
m. Ano ang mga tungkulin ng mga tagapagbatas?
n. Anu-ano ang mga kwalipikasyon ng pagiging senador ng bansa? pagiging
kongresista?
o. Sinu-sino naman ang mga tagapagbatas sa pamahalaang lokal?
p. Kung ang mga tagapagbatas ay gagawa ng isang batas para sa kanilang sariling
interes, ano kaya ang magiging epekto nito sa pag-uugali ng mga Pilipino?
q. Sinu-sino naman ang mga humahawak ng kapangyarihang tagahukom?
r. Anu-ano ang kwalipikasyon ng pagiging miyembro ng Korte Suprema?
s. Anu-ano ang mga kapangyarihan ng Korte Suprema?
t. Anu-ano ang mga pagbabago sa sistemang pampahalaan ng Pilipinas, noon at
ngayon?
u. Ano ang ginagampanan ng wika sa sistemang pampamahalaan ng Pilipinas?

2. Paglalahat
a. Ilarawan ang sistemang pampamahalaan ng bansa.
b. Anu-ano ang mga sangay ng pamahalaan ng bansa?
c. Sinu-sino ang mga namumuno sa bawat sangay?
d. Anu-ano ang kani-kanilang tungkulin?

3. Paglalapat
Panuto: Isulat sa loob ng balloon ang mga gawain ng bawat sangay ng pamahalaan
na nasa ibaba.

Tagapaghuko Tagapagbata Tagapagpagana


m s p
_______________ _______________ _______________
_______________ _______________ _______________
_______________ _______________ _______________
_____________ _____________ _____________

a. Pag-aralan at rebisahin ang hatol

*Prepared by: Ian Brunia Oranio BEEd 4-B *Prepared for: Prof. Eleanor S. Jamero (Course Facilitator)
Page 5
West Visayas State University
College of Education
Bachelor in Elementary Education, Major in General Education
PEDA 202 – BUILDING BRIDGES ACROSS THE SOCIAL SCIENCE DISCIPLINES
La Paz, Iloilo City

b. Ipatupad ang mga batas


c. Magkaroon ng superbisyon sa lahat ng hukuman
d. Disiplinahin ang mga hukom
e. Humirang ng mga kagawad ng gabinete
f. Gumawa ng mga batas
g. Pagtibayin ang badyet
h. Ipatupad ang Batas Militar
i. Ipawalang bisa ang mga batas

4. Pagpapahalaga

Ano kaya sa tingin ninyo ang naging puhunan ninyo sa pagsagawa nang mabuti
sa nakaraang pangkatang gawain?
Sang-ayon ba kayo na ang pagkakaisa ay susi sa kaunlaran ng mga Pilipino?
Bakit? Sa anong paraan mo maipapakita ang iyong pakikiisa?
Anu-ano ang mga programa ng pamahalaan na masasabi mong ika’y nakiisa sa
pagsulong ng kaunlaran ng bansa?

IV. Pagtataya
A. Panuto: Isulat sa sagutang papel ang titik ng wastong sagot.
1. Ang sistemang pampamahalaan ng ating bansa ay ____________________.
a. parliamentaryo
b. pampanguluhan
c. federal
d. unitaryo
2. Ang sangay ng ating pamahalaan na pinamumunuan ng pangulo ng bansa ay ______.
a. tagapagpaganap
b. tagapagbatas
c. tagapaghukom
d. wala sa mga nabanggit
3. Ang sangay na pinamamahalaan ng Korte Suprema at mababang hukuman ay
tinatawag na ________________.
a. tagapagpaganap
b. tagapagbatas
c. tagapaghukom
d. wala sa mga nabanggit

*Prepared by: Ian Brunia Oranio BEEd 4-B *Prepared for: Prof. Eleanor S. Jamero (Course Facilitator)
Page 6
West Visayas State University
College of Education
Bachelor in Elementary Education, Major in General Education
PEDA 202 – BUILDING BRIDGES ACROSS THE SOCIAL SCIENCE DISCIPLINES
La Paz, Iloilo City

4. Ang humahawak ng kapangyarihan ng tagapagbatas ay ang _______________.


a. Korte Suprema
b. Pulisya
c. Kongreso
d. Malacañang

B. Panuto: Isulat sa chart ang tatlong sangay ng pamahalaan, ang mga namumuno at ang
bahaging ginagampanan ng bawat isa. Itala ang mga gawain ng bawat sangay ng
pamahalaan na di bababa sa tatlo.

Sangay ng Pamahalaang Pambansa

  

  

  

V.
Takdang Aralin

Panuto: Itala sa assignment notebook ang pangalan ng ating kasalukuyang:


1. Tagapagpaganap
2. Tagapaghukom (Punong Mahistrado)
3. Tagapagbatas (12 senador) at (lahat na kinatawan sa lungsod at probinsiya ng Iloilo)

APPENDIX

*Prepared by: Ian Brunia Oranio BEEd 4-B *Prepared for: Prof. Eleanor S. Jamero (Course Facilitator)
Page 7
West Visayas State University
College of Education
Bachelor in Elementary Education, Major in General Education
PEDA 202 – BUILDING BRIDGES ACROSS THE SOCIAL SCIENCE DISCIPLINES
La Paz, Iloilo City

Unang Sangay ng Pamahalaan: Tagapagpaganap o Executive Branch


(Sentro 1-A at 1-B)

Ang pangulo ng Pilipinas ang siyang tagapagpaganap at puno ng bansa. Siya ang
commander-in-chief ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas o Armed Forces of the Philippines.
Tungkulin niya’t kapangyarihan na pamahalaan at kontolin ang mga kagawarang
tagapagpaganap, mga kawanihan at tanggapan.
Tungkulin din niyang ipatupad ang lahat ng mga batas; hirangin ang mga karapat-dapat
sa tungkulin; makipagkontrata at managot ng mga pag-utang sa labas ng bansa; pumasok sa
kasunduang pambansa o kasunduang pandaigdig; iharap sa kongreso ang pambasang badyet;
ipasailalim sa Batas Militar ang bansa o alinmang bahagi nito; at magkaloob ng kapatawaran sa
nagkasalang nagpakabuti.
Dalawa ang lupong tagapayo ng pangulo: ang sanggunian ng estado at gabinete. Ang
sanggunian ng estado ay binubuo ng mga pinunong pambayan at mga pribadong
mamamayang hinirang ng pangulo. Ang gabinete ay binubuo ng mga kalihim ng mga
kagawarang tagapagpaganap.
Ang nais maging pangulo ng bansa ay dapat katutubong ipinanganak na mamamayan
ng Pilipinas. Siya rin ay dapat na apatnapung taong gulang man lamang sa araw ng halalan.
Dapat na siya’y nakababasa’t nakasusulat; rehistradong botante; at naninirahan sa Pilipinas sa
loob ng labimpitong taon bago sumapit ang araw ng eleksyon.
Ayon sa Saligang Batas ng 1987, ang pangulo ng Pilipinas ay tuwirang inihahalal ng
taong bayan para sa terminong anim na taon na walang muling paghahalal. Pinaniniwalaang
sapat na ang anim na taon upang matapos ng isang pangulo ang kanyang mga programa at
proyekto para sa sambayanan.
Ang mga punong tagapagpaganap ng mga pamahalaang lokal ay ang Kapitan ng
Barangay, Alkalde, Bise Alkalde ng lungsod o bayan, Gobernador at Bise Gobernador ng
lalawigan, at mga opisyal ng rehiyon.

Ikalawang Sangay: Tagapagbatas o Legislative Branch


(Sentro 2-A at 2-B)

Ang Kongreso ng Pilipinas ang humahawak ng kapangyarihan ng tagapagbatas. Ang


paggawa, pagsusog, at pagwawalang-bisa ng mga batas ang pangunahing gawain o
kapangyarihan nito. Binubuo ng dalawang kapulungan ang Kongreso – ang Mataas na
Kapulungan o Senado at ang Mababang Kapulungan o Kapulungan ng mga Kinatawan.
Ang nais maging senador ay dapat na katutubong ipinanganak na mamamayan ng
Pilipinas. Siya rin ay tatlumpu’t limang taong gulang man lamang sa araw ng halalan;

*Prepared by: Ian Brunia Oranio BEEd 4-B *Prepared for: Prof. Eleanor S. Jamero (Course Facilitator)
Page 8
West Visayas State University
College of Education
Bachelor in Elementary Education, Major in General Education
PEDA 202 – BUILDING BRIDGES ACROSS THE SOCIAL SCIENCE DISCIPLINES
La Paz, Iloilo City

nakakabasa’t nakasusulat; rehistradong botante; at naninirahan sa Pilipinas sa loob ng


dalawang taon bago sumapit ang araw ng eleksyon.
Ang nais maging kinatawan o kongresista naman ay dapat may mga katangiang tulad
ng sa senador maliban na 25 taong gulang sa halip na 35 taong gulang at isang taong
paninirahan sa Pilipinas sa halip na dalawang taon.
Ang iba pang tagapagbatas ay nasa pamahalaang lokal tulad ng Sangguniang
Panlalawigan para sa lalawigan, Sangguniang Bayan o Lungsod para sa bayan o lungsod, at
Sangguniang Pambarangay para sa barangay.

Pangatlong Sangay: Tagapaghukom o Judiciary Branch


(Sentro 3-A at 3-B)

Ang Korte Suprema at mababang korte ang bumubuo ng kapangyarihang


panghukuman. Ang hukuman ang nagpapasya upang mapangalagaan ang mga karapatan,
buhay, at ari-arian ng bawat tao. Ang katarungan ay sinisikap ibigay sa dapat tumanggap nito.
Ang nais maging kasapi ng Korte Suprema ay dapat na apatnapung taong gulang man
lamang; at katutubong ipinanganak na mamamayan ng Pilipinas. Siya rin ay naging hukom ng
isang hukuman o nagpraktis bilang abogado sa Pilipinas sa loob ng 15 taon o mahigit pa; at
may subok na kakayahan, kalinisan ng budhi, katapatan, at malayang pag-iisip.
Kapangyarihan ng Korte Suprema na magtalaga ng mga pansamantalang hukom sa mga
mababang hukuman. Tungkulin din nito na humirang ng lahat ng mga pinuno at kawani ng
mga hukuman ayon sa batas ng serbisyo sibil; magkaroon ng superbisyon sa lahat ng mga
hukuman at sa mga tauhan ng mga ito; disiplinahin ang mga hukom ng mga mababang
hukuman o iatas ang kanilang pagkatiwalag sa tungkulin; at iatas ang pagbabago ng lugar ng
paglilitis upang maiwasan ang pagbabago ng pagpapairal ng batas.
Dagdag pa, tungkulin din ng Korte Suprema na gumamit ng orihinal na hurisdiksyon sa
usaping may kinalaman sa mga ambassador at iba pang mga ministro; muling pag-aralan,
rebisahin, baligtarin, o pagtibayin ang pag-apela sa isang kaso; magtakda ng mga alintuntunin
tungkol sa pangangalaga at pagpapatupad ng mga karapatang konstitusyunal; at lumikha at
pangasiwaan ang isang Judicial at Bar Council.

*Prepared by: Ian Brunia Oranio BEEd 4-B *Prepared for: Prof. Eleanor S. Jamero (Course Facilitator)
Page 9

You might also like