You are on page 1of 7

Seth Adriel R.

Baldovino May 12, 2017

T2B MASIPAG MOVIE ANALYSIS

I. FORREST GUMP (1994)


II. Mga Tauhan
A. Forrest Gump
B. Jenny Curran
C. Lt. Dan Taylor
D. Benjamin Buffard “Bubba” Blue
E. Mama Gump
F. Forrest Jr.
III. BUOD

Ang pelikulang Forrest Gump ay sumunod sa talambuhay ng isang indibidwal na may kalagayan
na malayo sa pagiging normal. Hindi man sya pinagpala sa intelektwal na kapasidad, hindi ito
naging balakid para abutin ang lahat ng kanyang nais. Si Gump ay patuloy lamang na nagtitiwala
sa kanyang sarili at sa takbo ng tadhana, at di man lang inalintana ang mga negatibong kutya sa
kanya. Sa dinami rami ng dilema sa buhay ni Gump, nagawa pa rin nyang tingnan ang positbong
muka ng mga problemang ito. Bagamat nakamit ni Forrest Gump ang karamihan sa mga bagay
na kanyang pinangarap, naging mahirap parin para sa bida na makuha ang mailap na damdamin
ng kanyang kababata na si Jenny Curran. Kaugnay rito, kahit na napakarami nang pambihirang
gantimpala ang kanyang natamo, di pa rin nya malimutan kung gaano kahalaga si Jenny sa
kanyang pagkatao. Kahit lumaki sila nang magkahiwalay at pilit pinagtatabuyan ni Jenny si
Forrest, ang tadhana ay tila gumagawa ng paraan para sila ay muling pagtagpuin at pagtambalin.
Kung susumahin, ang nasabing pelikula ay tumalakay sa buhay ni Gump bilang isang
ekstraordinaryong nilalang na nagtagumpay sa buhay sa kabila ng lahat ng naging kakulangan
sa kanyang pagkatao.

IV. Banghay ng mga Pangyayari

a. Tagpuan
Ang naturang storya ay sumentro sa mga kaganapan sa Amerika pamula 1950. Nagsimula ang
lahat sa Greenbow, Alabama kung saan ipinanganak ang batang si Forrest Gump. Sa syudad na
ito, nakilala nya si Jenny na naging matalik niyang kaibigan. Sumunod, pumasok siya sa
University of Alabama kung saan nagpunyagi sya sa pagiging atleta kahit laganap ang kultura ng
pag-aaglahi sa mga kakaiba ang kulay ang balat doon. Bahagya din namang namalagi si Gump
sa Vietnam noong kapanahunan ng Vietnam War para lumaban para sa Amerika. Nang
makabalik sa sariling bansa, nakarating siya sa Washington para makatagpo ang presidenteng
si Nixon. Pagkaraan nito, bumalik siyang Alabama noong 1980 kung kalian pumatok ang negosyo
ng paghihipon Samantala, nalibot din ni Gump ang buong Amerika nang siya’y iwanan ni Jenny
na mag-isa. Di kinalaunan, nanumbalik sya sa Alabama, ang kanyang pinagmulan at doon na
siya nanirahan kasama ang kanyang anak. Kung susuriin, ang mga tagpuan ng pelikula ay
konkretong patunay na hindi naging batayan ang pagkatao ni Gump para marating ang mga
kasulok sulukan ng mundo. Ang kanyang kapansanan ay hindi nagdikta kung paano dapat siya
mamuhay bilang isang malayang nilalang.
b. Karakter

Forrest Gump

Ang naturang karakter ay nagsilbing tagapagsalaysay at pangunahing tauhan sa pelikula. Ang


nasabing protagonista ay isang lalaki mula Alabama na bagamat hindi linang ang kritikal na pag-
iisip ay nagagawa paring patotohanan na sya ay may busilak na pagkatao. Bilang bida ng pelikula,
sa kanya umiikot ang storya ng pelikula. Sa naging takbo ng kanyang buhay, makikita kung
paano niya napagtagumpayan ang sigwa ng buhay sa gitna ng mga pangungutya mula sa
lipunan. Sa kabuuan, hindi makikitaan ng pagiging negatibo si Gump, sa halip nagagawan nya
ng paraan na maresolbahan hindi lamang mga problema niya bagkus ay ang mga paghihirap din
ng tao sa paligid nya.

Tumatak na diyalogo:

"I'm not a smart man. But I *know* what love is."

“I don't know if we each have a destiny, or if we're all just floatin' around accidental-like on a
breeze. But I, I think maybe it's both.”

Jenny Curran

Si Jennifer Curran ay naging matalik na kaibigan ni Forrest pamula noong nakilala nya ito sa
Alabama. Simula pa man noon, nabighani na kaagad si Gump sa kanya kaya naman di naglaon
ay minahal na sya nito. Sa kabilang dako, naging biktima si Jenny ng sekswal na pang-aabuso
sa kamay ng kanyang marahas na ama. Buhat rito, humiwalay si Jenny kay Forrest kaya naman
natahak nya ang madlim na bahagi ng kanyang buhay. Nalulong si Jeny sa droga at iba pang
bisyo na sumira sa kanyang pagkababae. Matapos nyang paulit-ulit na iwanan si Gump,
nanumbalik sya kay Gump, at sa pangyayaring ito ay namunga ang isang supling. Di rin nagtagal
ay pumanaw sa Jenny dulot na rin ng kasiraan na kanyang nagawa sa buhay.

Tumatak na diyalogo:

"Dear God, make me a bird. So I could fly far. Far far away from here."

Lt. Dan Taylor

Sya ay nagsilbing komander nina Bubba Blue at Forrest noong Vietnam War. Ang kanyang mga
ninuno ay nagsilbi ring mga bayani sa larangan ng gera kung kayat abot -abot ang katapangang
pinapamalas niya. Matapos maputulan ng mga binti sa gera, gumuho ang kanyang buhay
sapagkat naniniwala syang nakatadhana syang mamatay doon sa lupa ng digmaan. Nalumbay
at nalulong sa depresyon si Lt. Dan Taylor ngunit naisalba siya ni Forrest nang siya ay nakasama
sa negosyo ng paghihipon. Nagbunga dito ang makabgaong karekterisasyon ni Lt. Dan Taylor.

Tumatak na Diyalogo:
Have you found Jesus yet, Gump?

Benjamin Buffard “Bubba” Blue

Si Bubba ay isa sa mga naging kaibigan ni Gump na nakilala nya nang sya’y sumanib sa
sandatahang lakas.Nangako sa kanya si Gump na magtatayo sila ng negosyong paghihipon
matapos ang gera. Subalit sa pagkakamatay ni Bubba, ginunita ni Gump ang kanyang pangako
sa pamamagitan ng pagpangalan sa negosyo nila bilang Bubba Gump Shrimp Company. Dahil
sa tagumpay ng negosyong ito, ibinigay ni Forrest ang bahagi ng kita sa pamilya ni Bubba.

Tumatak na diyalogo:

I'm gonna lean up against you, you just lean right back against me. This way, we don't have to
sleep with our heads in the mud. You know why we a good partnership, Forrest? 'Cause we be
watchin' out for one another. Like brothers and stuff. Hey, Forrest, there's somethin' I've been
thinkin' about. I got a very important question to ask you. How would you like to go into the
shrimpin' business with me?

Mama Gump

Ang ina ng protagonista ay isang deteminado, matapang at mapagmahal na ina para kay Gump.
Sinigurado nya na maibibigay nya lahat ng kaya nyang mailay para sa kanyang anak kahit ano
mang maging kabayaran ntio. Matapos mawala ang kanyang asawa, mag-isa na lang niyang
pinalaki si Forrest. Alinsunod dito, lubos ang karunungan niyang taglay sa pagpapaliwanag ng
mga bagay-bagay kay Gump.

Tumatak na diyalogo:
“ Remember what I told you, Forrest. You're the same as everybody else. Do you hear what I
said, Forrest. You're the same as everybody else. You are no different.”

“Life is like a box a chocolate, you never know what your going to get.”

Forrest Jr.

Sya ang syang naging bunga ng panandaliang pagmamahalan ni Forrest at ni Jenny. Nakilala
nya ang kanyang ama noong sya ay bahagyang pag-iisip na. Di katulad ng kanyang ama,
marunong at may taglay na potensyal si Forrest Jr. Tanging ang kanyang ama na lamang ang
nagpalaki sa kanya matapos mamatay ang kanyang ina.

Tumatak na Diyalogo:

“ I love you too, Dad.”


c. Suliranin
Ang naging panghunahing suliranin na sa pelikua ay nakasalalay sa kaibigan niyang si Jenny. Sa
lahat ng pagsubok na kinaharap ni Gump, tanging ang damdamin niya para kay Jenny ang hindi
nya maresolbahan. Masasabing si Jenny rin ang naging dahil ng lahat ng kung ano man si Forrest
sa kasalukuyan.
Bukod kay Jenny, naging suliranin rin para kay Forrest ang batayan ng lipunan. Dahil nga sa
extraordinaryong katangian ni Gump, hindi na nakakagulat na naging tampungan sya ng tukso.
Buhat dito, pinatunayan ni Gump sa lipunang kinabibilangan nya na di batayan ang kapansanan
para mamuhay ng normal sa mundo.

d. Mga Kaugnay na Pangyayari o Mga Pagsubok sa paglutas ng Suliranin


Hindi inalintana ni Gump ang lahat ng suliraning dumaan sa kanyang buhay. Sa halip,
nagtagumpay sya sa lahat ng aspeto ng buhay na kanyang sinuong. Mula sa pagiging sentro ng
tukso, nagpunyagi sya larangan ng football, at naging tanyag dahil dito. Bukod pa riyan, naging
bayani si Forrest nang isa siya sa mga sundalong nakipaglaban sa Vietnam. Siya rin ang
nagsulong ng kapayapaan sa pagitan ng Tsina at Amerika kaya naman ginantimpalaan siya ni
Pangulong si Nixon. Sa larangan naman ng negosyo, naging matagumpay rin sya sa paghihipon.
Naging mayaman ang protagonista nguinit patuloy na naging mapagkumbaba at payak.
Gayumpaman, kahit malayo na ang narrating ni Gump, mariing itinanggi pa rin ni Jenny ang
damdamin nya kay Gump.

e. Mga Ibinunga
Lumipas ang ilang taon matapos syang itanggi ni Jenny. Pinapunta sya ni Jenny sa kanyang
tahanan. Dito nalaman niya na nagkaroon sila ng anak na normal. Nagpakasal ang dalawa ngunit
hindi rin nagtagal ay pumanaw si Jenny. Sa katapusan ng pelikula, makikitang si Forrest na
lamang ang siyang nagtaguyod sa kanyang anak.

V. Paksa o Tema
Ang diwang makadamdamin ng pelikula ay maipipinta sa pananaw na ang buhay ay hindi
kailanman dapat sukuan. Sinasabi lang ng pelikula na sa tamang pangangasiwa sa mga
pagsubok, walang balakid ang di kayang malagpasan. Tulad ni Forrest Gump, lubos siyang
naging matatag sa gitna ng lahat ng hamon na isinubo sa kanya ng buhay. Tinanggap nya ito ng
buong buo at ginamit ang lahat ng kanyang makakaya para iahon ang sarili mula sa laylayan.
Sumakatwid, ang pelikula ay isang palala hindi lamang sa mga taong may kapansanan bagkus
ay sa buong sangkatuhan na dapat tanggapin ang sarili at bumagon sa lahat ng pagkakataon na
madadapa dahil sa paghihirap. Hindi kailanman dapat ikonsidera ang pag-ayaw bagkus ay dapat
lumaban lang para sa kinabukasan. Mayroon mang mga kumukutya o mayroon mang mga
pagkukulang ang isang indibidwal, nararapat lamang na mas maging matatag ito para
mapagtagumapayan ang mga pagsubok ng panahon.

VI. Mga Aspetong Teknikal


a. Sinematograpiya
Sa larangan ng Sinematograpiya, naging mainam ang naging patakbo ng lente ng kamera para
maipakita ng husto ang daloy ng istorya sa aestitikong pamamaraan. Kaugnay rito, ang iba’t ibang
kuha ng kamera tulad ng long shot, mid shot, close up, over the shoulder shot, POV shot, zoom
shot, low angle at high angle shot ay nagpakita ng dibersidad sa pagpapakita ng kwento ng
pelikula. Nakadagdag ang mga teknik na ito sa emosyon ng mga partikular na eksena at
nakakatulong rin para bigyang pokus ang mga mahahalagang elemento sa pelikula. Kaugnay
rito, ang mahusay na paggamit din ng kamera ay nakatulong para bigyang kulay ang
napakaraming tagpuan na makikita sa palabas. Sa kabuuan, lumitaw ang kagandahan ng
palabas dahil sa mga teknik na ipinamalas sa paggawa dito. Kung kaya naman, naging epektibo
ang pelikula sa pagpapalutang ng mensahe ng kwento.

b. Musika
Ang musika ay isa sa mga esensyal na sangkap sa pagbuo ng isang pelikula sapagkat nakakadag
dag ito hindi lamang ng emosyon kundi tumitimpla rin sa biswal na kagandahan ng pelikula. Kung
susuriin ang Forrest Gump, masasabing nakalikha ng ritmo ang paggamit ng musika na sya
namang nagpatibay sa personalidad at emosyon ng mga karakter sa bawat eksena. HInggil dito,
nakatulong ang tunog para pagyabungin ang tema ng pag-asa sa daloy ng istorya. Perpekto ang
mga tunog na nagamit sa bawat tanghal at umaangkop sa damdamin ng tagpo mapa- lungkot o
saya man ito. Masasabi ko rin na makatotohanan ang mga naging tunog at hindi naging sagabal
sa pag-intindi ng daloy ng kwento.

c. Epektong Biswal
Maliban sa makabagbag damdaming kwento, nakakapukaw din ng pansin ang epektong biswal
na nagamit para gawing mas kaaya-aya ang pelikula. Kabilang nga sa mga epektong biswal ay
ang paggamit ng CGI technology hindi lamang para pahagain ang manonood kundi para
makabuo ng isang mas magandang banghay. Sa tulong ng nasabing epektong biswal, nagawang
maibalik ang mga personalidad, muson at mga pangyayari na nilapasan na ng panahon. Sa
tulong ng teknolohiya naihatid ng pelikula sa tagapanood ang mensahe ng palabas.

VII. Kabuuang Mensahe ng Pelikula


a. Isip
Sa larangan ng kaisipan, ang mensaheng dala ng pelikula ay nakapako sa sa karunungang hindi
dapat gawing batayan ang intelektwal na kapasidad para mapagtagumpayan ang buhay. Dapat
maitatak sa isip na tiyaga at tamang pagpupursigi ang kailangan para malinang ang mga
talentong taglay ng isang indibidwal.
b. Damdamin
Sa aspetong makadamdamin, pinapakahulugan ng pelikula ang dangal ng tunay na pag-ibig.
Makikita ang damdaming ito sa pinamalas ni Gump kay Jenny matapos hindi maganawang
malimutan ni Gump si Jenny kahit abot abo tang pagtakwil nya kay Gump. Sa pangyayaring ito
ipinaparating ang mensaheng, hindi dapat sinusukuan ang isang taong labis mong
pinapahalagahan.
c. Kaasalan
Ang mensahe ng pelikula patunkol sa kaasalan ay nakaugat sa pagkakaroon ng positbong
pananaw sa buhay sa kabila ng anumang pagsubok o balakid ang dumaan. Sinasabi rin ng
pelikula na baliwalain ang pangungutya ng iba, sa halip ay magpursigi pa lalo para mapatunuyan
ang halaga ng sarili.

PAGSUSURI NG PELIKULA

1. TAUHAN
Makatotohanan ang pagsasatao ng mga aktor sa pelikula sa mga karakter na naisulat sa sa iskrip.
Lubos na naisabuhay at naihatid ng mga artista ang kinakailangang emosyon para bigyang
hustisya ang kanilang karakter na ginagampanan. Dahil sa mahusay na pagganap, makikita agad
ang mga personalidad ng mga panauhan sa pelikula. Naging kaaya aya at malinaw ang papel ng
bawat isa sa paggawa ng nsabing pelikula

2. ISTORYA O KWENTO
Bagamat may bahagyang pagkakatulad ang istorya ng “Forrest Gump” sa ibang pelikula, hindi
nito binigong pukawin ang aking damdamin sa makakabagbag-damdamin nitong banghay. Kung
tutuusin naging orihinal naman ang daloy ng kwento sapagkat muli nitong nabuhay ang mga
pangyayari ng nakaraan at nabago ito sa tulong ng matalinong pagmamanipula ng direktor.Bukod
pa riyan, naging malinaw para sa akin ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari gayunmang
gumamit ang pelikula ng In Medias Res o umpisa sa gitna na banghay. Sa gayong dahilan,
masasabi kong nagustuhan ko ang kwentong inalay ng pelikula.

3. DIYALOGO
Ang batuhan ng linya na naganap ay kapuri-puri sapagkat naging makatotohanan ito lalo na sa
parte ni Forrest Gump na nilimitahan ng kanyang kapansanan. Hinggil dito, nadama ko ang
emosyon sa bawat linyang nabunyag. Hindi naging bulgar bagkus ay naging angkop ang diksyon
at pagpili ng mga salita sa bawat eksena. Matiwasay ang linggwaheng nagamit kaya naman
epektibo ang nging epekto nit o sa kwento.

4. TITULO/ PAMAGAT
Payak ngunit direkta ang naging pamagat na”Forrest Gump” para sa pelikula. Hindi man ito
nakadagdag ganda o nakapanghihikayat sa mga manonood , masasabing nabababagay parin
ang titulong ito para sa pelikula. Tuwirang malalaman sa pamamagitan ng tittulo na ang paksa ng
naturang palabas ay iikot sa bidang nagngangalang Forrest Gump.

5. SINEMATOGRAPIYA
Sa larangan ng Sinematograpiya, naging mainam ang naging patakbo ng lente ng kamera para
maipakita ng husto ang daloy ng istorya sa aestitikong pamamaraan. Kaugnay rito, ang iba’t ibang
kuha ng kamera tulad ng long shot, mid shot, close up, over the shoulder shot, POV shot, zoom
shot, low angle at high angle shot ay nagpakita ng dibersidad sa pagpapakita ng kwento ng
pelikula. Nakadagdag ang mga teknik na ito sa emosyon ng mga partikular na eksena at
nakakatulong rin para bigyang pokus ang mga mahahalagang elemento sa pelikula. Kaugnay
rito, ang mahusay na paggamit din ng kamera ay nakatulong para bigyang kulay ang
napakaraming tagpuan na makikita sa palabas. Sa kabuuan, lumitaw ang kagandahan ng
palabas dahil sa mga teknik na ipinamalas sa paggawa dito. Kung kaya naman, naging epektibo
ang pelikula sa pagpapalutang ng mensahe ng kwento.

6. TEMA O PAKSA

Ang tema ng nasabing pelikula ay nagdala ng emosyonal na kabuluhan na tuwirang naisalin sa


mga manonood. Ang diwang makadamdamin na namayani habang pinapanood ko ang pelikula
ay tuamtak sa aking puso at diwa. Sa kaparehang teksto, lubos na mararamdaman ng mga
manonood ang tema sapagkat ang mga mensaheng nakapaloob sa palabas ay may kaugnayan
sa istorya ng buhay ng karamihan. Mula dito, ang pelikula ay nagpapaalala na nararapat lang na
bumangon ang isang indibidwal sa pagkakadapa at hindi sumuko para mabigyang hustiysa ang
kanyang pagiging tao. Mayroon mang maging sagabal o distraksyon sa buhay, kinakailangang
mas maging matatag para mapagtagumpayan ang pagsubok ng panahon.

7. VISUAL EFFECT

Maliban sa makabagbag damdaming kwento, nakakapukaw din ng pansin ang epektong biswal
na nagamit para gawing mas kaaya-aya ang pelikula. Kabilang nga sa mga epektong biswal ay
ang paggamit ng CGI technology hindi lamang para pahagain ang manonood kundi para
makabuo ng isang mas magandang banghay. Sa tulong ng nasabing epektong biswal, nagawang
maibalik ang mga personalidad, muson at mga pangyayari na nilapasan na ng panahon. Sa
tulong ng teknolohiya naihatid ng pelikula sa tagapanood ang mensahe ng palabas.

You might also like