You are on page 1of 3

Dalawang Uri ng Sanaysay:

Maanyo o Pormal na Sanaysay- Maanyo ang sanaysay kung ito’y


pangkaisipan. Nagpapabatid ng mahahalagang kaalaman sa lohikal at
masining na paglalahad ng mga impormasyong tinatalakay. Mahirap
maunawaan sapagkat malalim o hindi pangkaraniwan na pananalita ang
ginagamit. Katunayan, kahanga-hanga ang paraan ng pagkakasulat nito
dahil isinaalang-alang ang tono na dapat nakapaloob dito. Bukod sa nasa
ikatlong panauhan at kagalang-galang ito’y seryoso sa tono. Obhektibo ang
paraan ng pagsulat ng mananaysay, walang kinikilingan na sinuman, ang
layunin lamang ay maipahayag ang kanyang opinyon. Ito ay maaring
mapanuligsa, makasaysayan, sosyolika at may pilosopiya. Ang paksa nito
ay hindi karaniwan at nangagailangan ng matiyagang pag-aaral at
pananaliksik. Ito rin ay nangangailangan ng mga sumusunod:
 Maingat na pagpili at paghahanay ng mga salita
 Maayos at mabisang paglalahad ng mga kaisipan
 Lubos na kaalaman sa paksa
 Mahusay at malinaw na pagbubuo ng mga pangungusap
Malaya o di pormal na Sanaysay- Kabaligtaran ito ng unang uri at
tinatawag itong personal na sanaysay. Karaniwan ay ayon lamang sa
nais o hilig at karanasan ng mananaysay ang mga paksa nito. Ito’y
karaniwang himig na nakikipag-usap lamang. Ang mga pananalita ay
karaniwan at hindi na nangangailangan ng masusing pag-aaral upang
makasulat ng ganitong uri ng sanaysay. Ito ay higit na madali at
magaang sulatin sapagkat simple at kadalasang natural ang paglalahad
ng mga kaisipan. Ito ang dahilan kung bakit waring pamilyar o malapit
ito sa damdamin ng mga mambabasa. Madali itong maunawaan at
parang nakikipag-usap lamang.
Mga Bahagi ng sanaysay:
Simula o introduksyon- Ito ang unang sinusulat sa isang sanaysay.
Ito ay dapat nakakakuha ng atensyon ng bumabasa para basahin niya
ang natitirang bahagi ng sanaysay. Pwede itong isulat sa paraang:
a) Pasaklaw na pahayag- Inuuna ang pinakamahalagang impormasyon
hanggang sa mga maliliit na detalye.
b) Tanong na retorikal- Isang tanong na tinatanong ang nagbabasa para
hanapin ang sagot sa sanaysay at para isipin niya.
c) Paglalarawan- Pagbibigay linaw at deskripsyon sa paksa.
d) Sipi- Isang kopya o copy galing sa ibang mga literaturang gawa gaya
ng libro, artikulo, at iba pang sanaysay.
e) Makatawag pansing pangungusap- Isang pangungusap na
makakakuha ng atensyon ng nagbabasa.
f) Kasabihan- Isang kasabihan o salawikain na makapagbibigay ng
maikling pagpapaliwanag ng iyong sanaysay.\
g) Salaysay- Isang eksplinasyon ng iyong sanaysay.
Gitna, katawan o nilalaman- Dito nakalagay ang lahat ng iyong ideya
at pahayag. Pwede rin itong isulat sa paraang:
a) Pakronolohikal- Nakaayos ayon sa panahon ng pangyayari.
b) Paanggulo- Pinapakita ang bawat anggulo o “side” ng paksa.
c) Paghahambing- Pagkukumpara ng dalawang problema, anggulo at
iba pang paksa.
d) Papayak o pasalimuot- Nakaayos sa paraang simple hanggang
kumplikado at vice versa.
Wakas o konklusyon- Dito nakalagay ang iyong pangwakas na salita o
ang buod sa sanaysay. Pwede itong isulat sa paraang:
a.) Tuwirang sinasabi- Mensahe ng sanaysay.
b.) Panlahat na pahayag- Pinakaimportanteng detalye ng sanaysay.
c.) Pagtatanong- Winawakasan ang sanaysay sa pamamagitan ng
isang retorikal na tanong.
d.) Pagbubuod- Ang buod o summary ng iyong sanaysay.

Elemento ng sanaysay:

1. Paksa- Pinag-uugatan ng anumang uri ng diskurso.


Karaniwan itong sumasagot sa tanong na “tungkol saan ang
akda?”. Ito ang pinakapayak na antas ng mga pinag-
uusapan. Ito rin ang sentro ng ideya ng buong akda.
Kinokontrol ng paksa ang manunulat kung hanggang saan
lamang ang hangganan ng kanyang isusulat.
2. Tono- Ang saloobin ng may-akda sa paksa. Sa
pamamagitan ng mga espesipikong wika na ginamit ng may-
akda, mababatid kung sino ang target na mambabasa.
Maaaring ang tono o himig ay natutuwa, nasisiyahan,
nagagalit, sarkastiko, naiinis, nahihiya at iba pa.

3. Kaisipan- Ang nais iparating ng manunulat sa mga


mambabasa, dito umiinog ang maliliit na himaymay ng akda.
Inilalahad ang kaisipan ng isang akda sa isang buong
pangungusap. Ang kaisipan hindi tuwirang binabanggit kundi
ginagamitan ng pahiwatig ng may akda para mailahad ito.

You might also like