You are on page 1of 2

BATANG MAHIRAP

Kahit na ako'y batang mahirap


May ambisyon din at mga pangarap
Handang magsikap at mag-aral
Umaasa sa Diyos at nag-dadasal

Ang kahirapan ay hindi sagabal


Para mabuhay ng matuwid at marangal
Lahat ng ito ay mga pagsubok lamang
Upang sukatin ang aking kakayahan. Bow!

KAHAPON NGAYON AT BUKAS

Ang Kahapon ay nakaraan na


Sama ng loob ay kalimutan mo na
Subalit ang mga leksyon ay dapat tandaan
Upang dating pagkakamali ay maiwasan

Ang Ngayon ang pinaka importante


Gawin natin ang nararapat at nakakabuti
Ito ang dapat pagtuunan natin ng pansin
Dito nakasalalay ang kinabukasan natin

Ang mga Bukas na darating ay di pa natin alam


Pag may magandang plano syempre mas mainam
Pero huwag masyadong umasa sa bukas
Dahil lahat ng buhay ay may wakas. Bow!
LAHING MATAPANG
Minsan sa isla ng Mactan
Nagpang-abot si Lapu-lapu at Magellan
Si Lapu-lapu ay sadyang matapang
Napatay ang dayuhang si Magellan

Doon naman sa isla in Bohol


Si Dagohoy naman ang taga-pagtanggol
Lumaban sa mga mapang-aping kastila
Hindi sumuko hanggang namayapa

Sa isla naman ng Luzon


Si Andres Bonifacio nangulo ng rebolosyon
Lumaban para sa ating kalayaan
Buhay ay inalay para sa bayan

Sila'y mga bayani na ating bayan


Lahing Pilipino at lahing matapang
Kanilang mga dugo sa ugat ko'y nananalaytay
Para sa bayan buhay ay handang ialay. bow

You might also like