You are on page 1of 2

Kabanata 14

●Talasalitaan

1. tinamo - natanggap

2. malawig - malawak; malaki

3. lisanin - iwan

4. namihasa - sumobra

5. tibayan - lakasan

6. magawi - masanay

7. ikinaluluoy - ikinalalanta

8. maniig - mamihasa

9. magbata - magtiis

10. nunukal - likas

●Tema ng aralin

Ito ay tungkol sa tamang pagpapalaki ng magulang sa kanilang anak.

● Mensahe

Ang mensahe ng kabanata ay ang bata na sanay sa saya at madaling pamumuhay, nawawala ang
opportunidad nyang matuto para magdesisyon para sa sarili nila. Madalas ang mga ito ay nakadepende
sa kanilang mga magulang. Mali ang ganoong paraan ng pagpapalaki sa kanilang anak. Minsan akala ng
mga magulang ay pagmamahal ang ipinapakita nila sa kanilang mga anak ngunit mali dahil tinuturuan
nila ang kanilang mga anak dumepende sa kanila hanggang sa paglaki.
●Buod

Pero hindi nagtagal ay pinadala si Florante ng kanyang ama sa Atenas. Sinabi nito na kapag ang bata ay
nasanay sa masayang buhay at hindi nakakaranas ng paghihirap ay hindi giginhawa ang buhay paglaki.
Sapagkat kapag puro saya at sarap ang ipinaranas sa anak ay lalaki itong mahina. Inihalintulad pa niya ito
sa isang halaman na pag naarawan ay nalalanta agad. Sa mundong ito dapat ay maging malakas at
pagtibayin ang loon para matutong harapan ang mga panahong malupit ang trato ng mundo sayo. Sinabi
din nito na ang pagpapalaki sa layaw ng magulang sa anak ay may masaklap na bunga. Inaakala nila na
pagsinunod nila ang kagustuhan ng anak at napasaya iyo ay pagmamahal na ang tawag. Ang
pagmamahal ng magulang ay pag gabay sa anak upang paglaki nito ay sa tamang daan mapunta at
kayanin harapin ang mundo ng buong lakas at tapang. Kaya kahit pa lumuluha si Prinsesa Floresca na ina
nito ay ipinadala parin sya ng kanyang ama na si Duke Briseo sa Atenas upang doon mag aral at mamulat
sa mga bagay bagay tungkol sa buhay.

You might also like