Professional Documents
Culture Documents
Kabanata 1
Ang Pagtitipon
Kabanata 2
Si Crisostomo Ibarra
Ang dalawang sakristan ay sina Crispin at Basilio, mga anak ni Sisa at siyang
kausap ni Pilosopo Tasyo sa simbahan. Hinabilin ng huli ang inihandang hapunan ng
kanilang ina. May matinding suliraning hinaharap ang dalawang musmos at ito ay
lubos na nagdudulot ng kawalang pag-asa sa magkapatid, lalo na kay Crispin, ang
nakababata sa dalawa. Pinagbintangan kasi siya ng Pari na nagnakaw ng dalawang
onsa o halagang P32.00. Ang sahod lamang nila ay dalawang piso sa isang buwan,
kung kayat hindi niya mababayaran ang nawawalang salapi, at ang pataw na multa
ng tatlong beses. Hiniling nito sa kanyang kuya na tulungan siyang bayaran ang
ibinibintang sa kanya ng pari, bagay naman na tinutulan ni Basilio dahil na rin sa
kailangan niya itong ibigay sa kanilang ina upang may makain. Nahiling tuloy ni
Crispin na mabuti pang lahat sila ay magkasakit. Nangulila din ang bata sa kanyang
ina, na kung ito ay kapiling nila tiyak niyang ipagtatanggol sila nito sa kalupitan ng
mga pari. Naisip rin niya na mabuti pa nga ay ninakaw na lang niya ang nawawalang
pera at ng sa gayon ay maibabalik pa niya ito at mamatay man siya sa palo ay may
maiiwan naman siya sa kanyang ina at kapatid. Nag-aalala naman si Basilio sa galit
ng ina kapag nalaman nito na napagbintangang magnanakaw ang kanyang kapatid.
Buo naman ang tiwala ni Crispin na hindi maniniwala ang kanilang ina na ginawa
niya iyon, dahil ipapakita niya ang maraming latay sa buo niyang katawan dahil sa
palo ng kura, pati ang bulsa niyang butas. Sasabihin rin niya na ang tangi niyang
pera ay isang kuwalta lamang na aginaldo sa kanya noong nakaraang pasko, at pati
ito ay pinag-interesan ng ganid na prayle. Bukod sa mga palong tinatamo ni Crispin,
gutom na gutom na rin siya sapagkat hindi na siya pinapakain mula ng siya ay
pagbintangan. Patuloy na nag-uusap ang magkapatid tungkol sa kanilang kalagayan
at hindi nila namalayan ang pagpanhik ng sakristan mayor. Narinig nito ang kanilang
pag-uusap at nagpupuyos ito sa galit. Pinagmulta niya si Basilio dahil daw sa salang
maling pagpapatugtog nito sa kampana. Sinabi naman nito kay Crispin na hindi siya
makakauwi hanggat hindi niya ibinabalik ang ninakaw na salapi. Tinangkang
mangatwiran ni Basilio, bagay na nakapagpahamak pa sa kanya sapagkat hindi siya
papauwiin hangang hindi ika-sampu ng gabi. Ang desisyon ng sakristan ay lubhang
mapanganib para kay Basilio sapagkat mahigpit na ipinapatupad ng guwardiya sibil
na bawal ng maglakad ang sinuman bago sumapit ang ika-siyam ng gabi. Pagkasabi
nito ay kinaladkad na ng sakristan si Crispin at hindi na magawang makiusap ni
Basilio sa pangamba at awa sa kapatid. Dinig na dinig nito ang pagpapalahaw at
daing ng kapatid dahil sa sakit na nararamdaman. Wala siyang magawa kundi ang
matulala at balutin ng matinding paghihinagpis, awa, at kawalang pag-asa na may
magawa siya para tulungan at baguhin ang kalagayan ng kapatid. Sa kabila ng
kamusmusan ng kaisipan ay tumindi ang pagnanais na makapag-araro sa bukid
upang maka-alis sa kalupitan ng simbahan. Kasabay ng pagtila ng ulan ay ang
pagpapatihulog ni Basilio mula sa bintana ng kampanaryo gamit ang lubid ng
kampana.
Nagkita sa tabi ng lawa si Ibarra at ang guro sa San Diego. Itinuro ng huli kung
saan naitapon ang bangkay ng kanyang ama at isa si Tinyente Guevarra sa iilang
nakipaglibing. Isinalaysay ng butihing guro ang ginawang pagtulong ni Don Rafael sa
ikauunlad ng edukasyon at naitulong nito sa kanyang kapakanan. Si Don Rafael kasi
ang tumustos sa kanyang mga pangangailangan sa pagtuturo nuong siya ay
nagsisimula pa lamang. Naisalaysay ng guro ang mga suliraning kinakaharap ng San
Diego tungkol sa edukasyon. Isa na dito ang kawalang ng panggastos para sa mga
kagamitan sa pag-aaral, ang kawalan ng silid aralan na akma upang makapag-aral ng
walang balakid ang mga bata, ang kakaibang pananaw ng mga pari sa paraan ng
pagtuturo, ang mga patakaran ng simbahan tungkol sa nilalaman ng kanyang mga
aralin, at ang kawalan ng pagkakaisa ng mga magulang ng mag-aaral at ng mga taong
may katungkulan. Ang mga libro ay nasusulat sa Kastila at kahit anong tyaga ng guro
na iaral sa kanyang mga estudyante ang nilalaman ng babasahin, pilit itong
pinanghihimasukan ni Padre Damaso. Madalas din itong mamalo at pagmumurahin
ang mga bata kapag nakarinig ito ng ingay mula sa tapat ng kwadra, kung saan nag-
aaral ang mga bata dahil nga sa walang silid-aralan. Ang mga magulang naman ay
pinapanigan ang mga pari tungkol sa pagpalo bilang epektibong paraan ng
pagdedesiplina at pagtuturo. Ang pakikialam ng Pari, at ang maraming mga balakid
sa pagtuturo ang naging sanhi upang magkasakit ang guro. At nang siya ay bumalik
upang magturong muli, higit pang nabawasan ang bilang ng kanyang mga mag-aaral.
Laking pasasalamat niya ng hindi na si Padre Damaso ang kura sa San Diego, kayat
minabuti niyang iangkop ang nilalaman ng mga aralin sa kalagayan ng kanyang mga
mag-aaral. Bagamat nagkaroon siya ng kalayaan para iangkop ang kanyang mga
aralin, higit pa ring pinahalagahan ng simbahan ang pagtuturo tungkol sa relihiyon.
Sa mga binanggit na ito ng guro, nangako naman si Ibarra na gagawin ang kanyang
makakaya upang matulungan ang guro at maiangat ang kalagayan ng edukasyon sa
bayan. Kanya itong babanggitin sa araw ng pulong sa paanyaya ni Tinyente Mayor.
Ito ang araw ng pagdating ni Maria Clara at ni Tiya Isabel sa San Diego upang
mamalagi doon para sa pista ng bayan. Kumalat ang balita ng kanyang pagdating
sapagkat kinagigiliwan siya lahat ng mga tao doon. Kumalat din ang madalas na
pagkikita nila ni Ibarra, bagay na ikinagalit ni Padre Salvi. Napapansin naman ni
Maria Clara ang pagbabago ng kilos at mga titig nito tuwing siya ay kaharap. Plano ng
magkatipan na magkaroon ng piknik sa ilog kasama ang kanilang mga kaibigan.
Iminungkahi ni Maria Clara na huwag ng isama si Padre Salvi sapagkat siya ay
nababahala kapag ito ay nasa paligid niya. Hindi naman ito napagbigyan ni Ibarra
dahil sa hindi ito magandang tingnan. Habang nag-uusap ang dalawa ay dumating
naman si Padre Salvi kung kaya't nagpaalam na si Maria upang mamahinga.
Inimbitahan ni Ibarra si Padre sa piknik at kaagad naman itong sinang-ayunan ng
kura. Pagkalipas ng ilang oras ay umuwi na rin si Ibarra. Sa kanyang paglalakad ay
nakasalubong niya ang isang lalaking humihingi ng tulong. Pinaunlakan naman siya
ni Ibarra.
Kabanata 24 – Sa Kagubatan
Kabanata 27 – Sa Pagtatakipsilim
Kabanata 28 – Sulatan
Umaga pa lamang ay handa na ang mga banda ng musiko upang magbigay saya at
salubungin ang kapistahan. Sinabayan pa ito ng tunog ng kampana at mga siklab at
pasabog ng paputok. Nagising ang mga tao sa bayan at nagsigayak na para makiisa.
Ang taumbayan ay naghanda ng kanilang pinakamainan na kasuotan at mga alahas.
Naghanda rin ng masasarap na pagkain ang bawat tahanan at hinahatak ang mga tao
upang tikman ang mga ito. Taliwas ito sa ikinilos ni Pilosopo Tasyo, sapagkat ayon sa
kaniya, paglulustay lamang ng pera at pakitang tao lamang ang pagsasaya sa araw na
ito. Marami ang dapat na higit pagkagustasan ng may kabuluhan at marami ang
hinaing ng bayan na hindi natutugunan. Sang-ayon si Don Filipo sa ganitong
pananaw ngunit ala siyang lakas ng loob upang salungatin ang pari. Sa simbahan ay
naghihintay na ang mga tao at mga tanyag na tao sa bayan. Si Padre Damaso naman
ay itinaon ang sarili na magkasakit upang higit na makakuha ng importansya mula sa
lahat. Inalaagaan siya ng taga-pangasiwa ng simbahan habng siya ay may sakit.
Sinumulan ang mahabang prusisyon ng iba't-ibang santo bandang alas otso ng
umaga. Kahit sa prusisyon ay ipinapakita ang pagkaka-iba ng antas o diskriminasyon
sa lipunan kahit na ang mga nagpuprusisyon ay mga ginggon. Natapos ang prusisyon
sa tapat ng bahay ni Kapitan Tyago, na inaabangan naman nila Maria Clara, Ibarra at
ilan pang mga Kastila.
Kabanata 30 – Sa Simbahan
Sinimulan ni Padre Damaso ang kanyang sermon mula sa isang sipi sa Bibliya at
nagsermon sa wikang Tagalog at Kastila. Ang kabuuan ng sermon ni Padre Damaso ay
pagpupuri sa mga banal na santo ng simbahan, ang dapat tularan na sina Haring
David, ang mapagwaging si Gideon, at si Roldan na isang tapat na mananampalataya;
at higit sa lahat ay ang panlilibak sa mga Pilipino na binibigkas sa wikang Kastila
kung kayat walang kamalay-malay ang nakararami sa kahulugan ng kanyang mga
sinasabi. Pinatutsadahan din ng Padre ang lahat ng tao na kanyang hindi gusto
upang ipahiya ang mga ito sa karamihan. Sapagkat karamihan ng mga tao doon ay
walang naiintindihan sa pinagsasasabi ng Padre, hindi nila napigilang antukin at
mapahikab, lalo na si Kapitan Tyago. Si Maria at Ibarra naman ay palihim na
nagsusulyapan at nangungusap ang kanilang mga mata. Sinimulan na din sa wakas
ni Padre Damaso ang misa sa wikang Tagalog. Dito ay walang pakundangan na
tinuligsa niya si Ibarra, bagamat hindi niya pinangalanan ang kanyang inaalipusta ay
mahahalata naman ng lahat na walang ibang pinatutunguhan ang kanyang mga
salita kundi si Ibarra lamang. Hindi naman na natuwa si Padre Salvi sa nagaganap
kung kaya't nagpakuliling na ito upang maging hudyat kay Padre Damaso na tapusin
na nito ang kanyang sermon. Ngunit nanatiling bingi ang mayabang na pari at
nagpatuloy pa ng kalahating oras sa walang kwentang sermon at pag-alipusta kay
Ibarra. Samantala, palihim naman na nakalapit si Elias kay Ibarra habang tuloy ang
misa. Binalaan ni Elias si Ibarra na mag-ingat at huwag lalapit sa bato na ibabaon sa
hukay sapagkat maaari niya itong ikamatay. Wala namang nakapansin sa pagdating
at pag-alis ni Elias.
Nagkaroon ng demonstrasyon ang taong dilaw kay Nol Juan patungkol sa paggamit ng
panghugos bago ganapin ang pagpapasinaya sa paaralan. Ang istrukturang ito ay may
walong metro ang taas at ang apat na haligi ay nakabaon sa ilalim ng lupa. Ang apat
na haligi naman ay nasasabitan ng malalaking lubid na sa tingin ay napakatibay ng
pagkakayari. Ipinagmalaki ng taong dilaw na ang ganitong paraan ay natutuhan pa
niya sa nuno ni Ibarra na si Don Saturnino. Ipinakita ng taong dilaw kung paano
itinataas at ibinababa ang batong malaki na siyang ibabaon sa hukay na
napapagitnaan ng apat na haligi. Hinangaan naman ito ni Nol Juan at pinuri rin ito
ng mga tao sa paligid. Dumating ang araw ng pagpapasinaya ng bahay-paaralan.
Pinaghandaan niya ang araw na iyon, naghanda din ang mga guro at mag-aaral ng
mga pagkain para sa mga panauhin. Mayroon ding mga banda ng musiko. Sinimulan
ni Padre Salvi ang pagbabasbas sa bahay-paaralan. Inilulan ang mga mahahalagang
kasulatan at relikya at iba pang mahahalagang bagay sa isang kahang bakal, na
ipinasok naman sa bumbong na yari sa tingga. Ang lubid ang nagko-kontrol sa bato,
na may hukay sa gitna kung saan ilalagay ang tingga. Hawak naman ng taong dilaw
ang lubid. Sinimulan ng Pari ang seremonya at nagsibabaan ang lahat ng
importanteng tao upang sumaksi. Isa si Elias sa mga taong naroroon upang sumaksi
sa okasyon. Hindi niya winala ang tingin sa taong dilaw. Hustong pagbaba ni Ibarra
upang maki-isa sa pagsaksi ay humulagpos ang lubid mula sa kalo at kasaba'y nito
ay ang pagkagiba ng balangkas. Ilang saglit ang lumipas at nasaksihan ng lahat na si
Ibarra ay nakatayo sa pagitan ng nasirang kalo at ng malaking bato. Ang taong dilaw
ang siyang namatay at hindi si Ibarra. Nais ng alkalde na ipahuli si Nol Juan ngunit
sinabi ni Ibarra na siya na ang bahala sa lahat.
Hindi dalawin ng antok si Ibarra ng gabing iyon. Balisa ito sa kaguluhang naganap
kung kaya't nilibang ang sarili sa paggawa sa kanyang laboratoryo. Ilang sandali ay
dumating si Elias sa tahanan ni Ibarra. Layunin ni Elias na ipagbigay-alam kay Ibarra
na may sakit si Maria Clara, at kung may ipagbibilin ang binata bago siya pumunta sa
Batangas. Ipinaliwanag din ni Elias kay Ibarra kung paano niya nasugpo ang
kaguluhan ng nagdaang gabi. Sinabi nito na kilala niya ang magkapatid at
napakiusapan niya na itigil ang kaguluhan. Napahinuhod naman ang magkapatid na
gwardya sibil dahil sa kanilang utang na loob kay Elias. Umalis na rin si Elias
makalipas ang ilang sandali. Nagmamadali naman na gumayak si Ibarra upang
tumungo sa bahay ni Kapitan Tyago. Sa daan ay nasalubong ni Ibarra ang kapatid ng
taong dilaw na si Lucas. Kinulit nito si Ibarra tungkol sa salapi na makukuha ng
kanyang pamilya dahil sa pagkamatay ng kanyang kapatid. Sinagot ito ng maayos ni
Ibarra na magbalik na lamang sa isang araw sapagkat siya ay patungo sa maysakit.
Ngunit sadyang mapilit si Lucas at kinukulit si Ibarra. Bago pa man mawala ang
pagtitimpi ng huli ay tumalikod na lamang ito. Naiwan si Lucas na nagpupuyos ang
kalooban, at sa kanyang isipan ay iisa ang dugong nananalaytay sa ugat ni Ibarra at
ang lolo nito na nagparusa sa kanilang ama. Maari lamang silang maging
magkaibigan kung magkakasundo sila sa salaping ibabayad ni Ibarra.
Patuloy na mataas pa rin ang lagnat ni Maria Clara at kapag ito ay nagdedeliryo ay
walang binabanggit kundi ang pangalan ng kanyang ina. Patuloy naman siyang
inaalagaan nni Tiya Isabel at mga kaibigang dalaga. Si Kapitan Tyago naman ay
walang tigil na nagpapamisa at nag-aabuloy, ang pinakahuli ay ang pagbibigay ng
tungkod na ginto sa Birhen ng Antipolo. Makalipas ang ilang araw, kasabay ng pag-
inom ng gamot na nireseta ni Don Tiburcio ay humupa ang mataas na lagnat ni
Maria. Ikinatuwa naman ito ng mag-asawang Tiburcio, kung kaya't hindi muna
pinagdiskitahan ni Donya Victorina ang kanyang asawa. Magkakaharap sina Padre
Salvi, Kapitan Tyago at mag-asawang Espadana at napag-usapan na malilipat sa
parokya ng Tayabas si Padre Damaso. Ayon kay Kapitan Tyago, ikalulungkot ito ni
Maria Clara sapagkat para na rin niyang ama ang pari. At ang pagkakasakit ng dalaga
ay bunga ng mga kaguluhan na nangyari noong gabi ng pista. Ikinasiya naman ng
kura na mainam nga na hindi nagkikita sina Ibarra at Maria Clara dahil tuluyan itong
gumaling. Sinalungat naman ito ni Donya Victorina at sinabing ang nakapagpagaling
kay Maria ay ang panggagamot ni Don Tiburcio. Hindi naman siyempre nagpatalo ang
pari at sinabing higit na nakagagaling ang pagkakaroon ng malinis na budhi kaysa
mga gamot. Napikon ang Donya at iminungkahi sa pari na gamuting ng kanyang
kumpisal ang nakakabanas na si Donya Consolacion. Wala namang naisago ang Pari
kung kaya't tinagubilinan na lamang niya si Kapitan Tyago na ihanda na si Maria
para sa pangungumpisal. Ipinabigay rin niya ang beatico upang lubusan itong
gumaling. Oras na para uminom ng gamot si Maria Clara at ininom nga nito ang
pildoras na mula sa bumbong ng kristal. Ititigil lamang niya ang pag-inom nito kapag
siya ay nakaramdam na ng pagkabingi. Nalaman ni Maria kay Sinang na abala si
Ibarra na mapawalang bisa ang pagiging ekskomulgado nito kung kaya't hindi pa ito
makasulat sa dalaga. Dumating naman si Tiya Isabel upang ihanda si Maria sa
pangungumpisal at pati na rin ang kalooban nito tungkol sa paglimot kay Ibarra.
Nagsimula na ang pangungumpisal ni Maria Clara. Sa obserbasyon ni Tiya Isabel, Si
Padre Salvi ay halatang hindi nakikinig sa sinasabi ni Maria Clara bagkus ay matiim
itong nakatitig kay Maria na tila ba inaalam ang nasa isip ng dalaga. Matapos ang
kumpisalan ay lumabas si Padre Salvi na nakapangunot noo, namumutla, pawisan at
kagat-labi.
Hindi na nag-aksaya ng panahon si Elias sinabi niya kaagad kay Ibarra na siya
ang sugo ng mga sawimpalad. Ipinaliwanag niya ang napagkasunduan ng puno ng
mga tulisan (Si Kapitan Pablo) na hindi na binanggit pa ang mga pag-aalinlangan at
pagbabala. Ang kahilingan ng mga sawimpalad, ani Elias ay (1) humingi sila ng
makaamang pagtangkilik sa gobyerno na katulad ng mga ganap na pagbabago sa mga
kawal na sandatahan, sa mga prayle, sa paglalapat ng katarungan at sa iba pang
pangangasiwa ng gobyerno (2) pagkakaloob ng kaunting karangalan sa pagkatao ng
mga tao, ang kanilang kapanatagan at bawasan ang lakas at kapangyarihang taglay
ng mga sibil na madalas na nagiging puno’t dulo ng paglapastangan sa karapatang
pantao.
Nagtaka si Ibarra, hindi niya sukat akalaing ang isang tulad ni Ibarra ay
naniniwala satinatawag na masamang kailangan na para bang nais palabasin nito na
kailangang gumawa muna ng masama upang makapagdulot ng mabuti. Naniniwala
siya na kapag ang sakit ay malala, kailangang gamutin ng isang mahapding panlunas.
Ang sakit ng bayan ay malubha kaya’t kailangan ang kaparaanang marahas kung ito
ay makakabuti. Ang isang mabuting manggagamot, anya ay sinususri ang
pinagmulan ng sakit at hindi ang mga at hindi ang mga palatandaan nito na sinisikap
na bigyan ng lunas. Katulad ng mga sibil na sa pagnanais daw na masugpo ang
kasamaan, ito’y iniinis sa pananakot, paggawa ng marahas at walang habas na
paggamit ng lakas. At kapag pinahina ang guwardiya sibil ay malalagay naman sa
panganib ang katahimikan ng bayan. Paano raw magkakagayon gayong 15 taon nang
may mga sibil, ngunit ang mga tulisan ay patuloy pa rin sa pandarambong. Ang mga
sibil ay walang naidudulot na kabutihan sa bayan sapagkat kanilang pinipigil at
pinahihirapan ang isang tao kahit na marangal dahil lamang sa nakalimutan ang
cedula personal, at kapag kailangang malinis ang kanilang mga kuwartel, ay
manghuhuli sila ng mga kaawa-awang mamamayan na walang lakas na tumutol.
Napag-usapan pa nila na bago itatag ang guardia civil nanunulisan ang mga
tao dahil sa matinding pagkagutom. Binigyang diin naman ni Elias na ang mga
sawimpalad na hinihingi ng bayan ang pagbabago sa mga palakad ng mga prayle at
ng isang pagtangkilik laban sa korporasyon. Pero, sinabi naman ni Ibarra na may
utang na loob na dapat tanawin ng bayan sa mga paring pinagkakautangan ng
pananalig at patangkilik noon laban sa mga pandarahas ng mga may-kapangyarihan.
Lumitaw sa pagpapalitan ng kuro-kuro ng dalawa na kapwa nila mahal ang
bayan. Pero, hindi napahinuhod ni Elias si Ibarra tungkol sa pakiusap ng mga
sawimpalad. Kaya, ipinahayag niya kay Ibarra na sasabihin na lamang daw niya sa
mga ito na ilipat na sa Diyos o sa kanilang mga bisig ang pagtitiwala na sa kapwa tao
na di magtatamong-pala.
Isinalaysay ni Elias ang kanyang kasaysayan kay Ibarra upang malaman nito
na siya ay kabilang din sa mga swimpalad.May 60 taon na ang nakakalipas, ang
kanyang nuno ay isang tenedor de libros sa isang bahay- kalakal ng kastila.Kasama
ng kanyang asawa at isang anak na lalaki, ito ay nanirahan sa Maynila.Isang gabi
nasunog ang isang tanggapang pinaglilingkuran niya. Isinakdal ang kanyang nuno sa
salang panununog. Palibhasay maralita at walang kayang ibayad sa abogado, siya ay
nahatulan. Ito ay ipinaseo sa lansangan na nakagapos sa kabayo at pinapalo sa bawat
panulukan ng daan. Buntis noon ang asawa, nagtangka pa ring humanap ng
pagkakakitaan kahit na sa masamang paraan para sa anak at asawang may sakit.
Nang gumaling ang sugat ng kanyang nuno, silang mag-anak ay namundok na
lamang. Nanganak ang babae, ngunit hindi nagtagal namatay ito. Hindi nakayanan ng
kanyang nuno ang sapin-saping pagdurusang kanilang natanggap. Nagbigti ito. Hindi
ito naipalibing ng babae. Nangamoy ang bangkay at nalaman ng mga awtoridad ang
pagkamatay ng asawa.Nahatulan din siyang paluin.Pero, ito ay hindi itinuloy at
ipinagpaliban sapagkat dalawang buwan siyang buntis nuon. Gayunman, pagkasilang
niya, ginawa ang hatol.
Isang umaga, nakagisnan na lamang ng anak ang ina na patay na. Ito ay
nakabulagta ssa ilalim ng isang puno at ang isang ulo ay nakatingala sa isang bakol
na nakasabit sa puno. Ang kanyang katawan ay ibinaon samantalang ang mga
paa,kamay ay ikinalat. Ang ulo naman ay siyang dinala sa kanyang ina. Walang
nalalabing paraan sa nakakabata dahil sa kalunos-lunos na pangyayaring ito kundi
ang tumakas. Siya ay ipinadpad ng kapalaran sa Tayabas at namasukang obrero sa
isang mayamang angkan. Madali naman siyang nakagiliwan sapagkat nagtataglay nga
ito ng magandang ugali.
Alam ni Linares na hindi nagbibiro ang Donya. Kailangang hamunin niya ang
alperes subalit sino naman kaya ang papayag na maging padrino niya, ang kura kaya
o si Kapitan Tiyago. Pinagsisisihan niya ang kanyang paghahambog at
pagsisinungaling sa paghahangad lamang na makapagsamantala. Labis siyang
nagpatianod sa kapritso ng Donya.
Madilim ang gabi at malamig ang ihip ng hangin pumapaspas sa mga dahong
tuyo at alikabok ng makipot ng daang patungo sa libingan. May tatlong anino na
paanas na naguusap sa ilalim ng pinto ng libingan. Itinanong ng isa kung nakausap
na niya ng kaharap si Elias. Hindi raw pero siguradong kasama ito sapagkat nailigtas
na minsan ni Ibarra ang buhay nito. Tumugon ang unang anino na ito nga ay
pumayag na sumama sapagkat ipapadala ni Ibarra sa Maynila ang kanyang asawa
upang ipagamot. Siya ang sasalakay sa kumbento upang makaganti siya sa kura.
Binigyang diin naman ng ikatlong anino na kasama ng lima lulusob sila sa kwartel
upang ipakilala sa mga sibil na kanilang ama ay may mga anak na lalaki. Isa pa,
sinabi ng alila ni Ibarra na sial ay magigng 20 na katao na. Saglit na huminto sa
pagaasanan ang mga anino nang mabanaagan nilang may dumarating na isang anino
na namamaybay sa bakod.
Orasyon. Pahangos na patungo ang kura sa bahay ng alperes. Ang mga taong
gustong humalik sa kanyang kamay ay hindi niya pinapansin. Tuloy-tuloy na
pumanhik ito ng bahay at malakas na tinwag ang alperes. Lumabas agad ang alperes
kasunod ang asawang si Donya Consolacion. Bago makapag salita ang kura,
inireklamo agad ng alperes ang mga kambing ng kura na naninira sa kanyang bakod.
Sinabi naman ng pari na nanganganib ang buhay ng lahat. Katunayan, anya ay
mayroong napipintong pag-aalsa na gagawin nang gabing iyon. Nalaman ito ng pari,
anya sa pamamagitan ng isang babae na nangumpisal sa kanya na nagsabi sa kanya
na sasalakayin ang kuwartel at kumbento. Dahil dito nagkasundo ang kura at alperes
na paghandaan nila ang gagawing paglusob ng mga insurektos. Humingi ang kura ng
apat na sibil na nakapaisana ang itatalaga sa kumbento. Sa kuwartel naman ay
palihim ang pagkilos ng mga kawal upang mahuli nang mga buhay ang mga lulusob.
Layunin nito na kanilang mapakanta ang sinumang mahuhuling buhay. Ika-walo ng
gabi ang nakatakdang paglusob, kuna kaya nakini-kinita ng alperes at kura ang pag-
ulan ng kurus at bituin sapagkat ganap silang nakahanda.
Sa kabilang dako, isa naman lalaki ang mabilis na tumatakbo sa daan patungo
sa tirahan ni Ibarra. Mabilis na umakyat ng bahay at hinanap sa nakitang utusan ang
amo nito na kaagad naman itinuro na ito ay nasa laboratoryo. Pagkakita ni Elias kay
Ibarra ipinagtapat niya kaagad ang nakatakdang paglusob at batay sa kanyang
natuklasan. Si Ibarra ang kapural at nagbayad sa mga kalahok sa paglusob.
Ipinasunog ni Elias kay Ibarra ang lahat ng mga aklat at kasulatan nito sapagkat di
na maiiwasan na siya ay mapasangkot at tiyak na siya ang isisigaw ng sinumang
mahuhuli ng mga sibil.
Nang mawala ang putukan, pinapanaog ng alperes ang kura. Inakala ng mga
nasa bahay na nasugatan ng malubha sa pari Salvi. Tiniyak ng alperes na wala ng
panganib kaya lumabas na sa pinagtataguan ang kura, nanaog ito. Si Ibara ay nanaog
din. Pinasok naman ni Tiya Isabel ang magkaibigan sa silid. Hindi nagkausap si
Ibarra at Maria, basta nagpatuloy nalamang sa paglakad ng binata, mabilis.
Napadaan siya sa hanay ng mga sibil na naka bayoneta pa. Sa may bandang tribunal,
nangingibabaw ang tinig ng alperes sa pagtatagubilin sa kapitan na wag niyang
pabayaan makatakas ang mga nahuling lumusob.
Balisa ang mga sibil na nasa kwartel. Panay ang kanilang pagbabanta sa mga
batang sumisilip sa puwang ng mga rehas upang tingnan ang mga nadakip. Naroroon
ang alperes, direktorsillo, Donya Consolation at nag kapitan na halatang malungkot.
Bago mag-ikasiyam dumating ang kura at wala sa loob na naitanong niya sa alperes
sina Ibarra at Don Filipo. Kasunod niya ang isang parag batang umiiyak at duguan
ang salawal. Hinarap sa kura ang dalawang tanging buhay na nabihag ng mga sibil.
Tarsilo Alasigan ang tunay na pangalan ni Tarsilo. Pilit siyang tinatanong kung
kaalam si Ibarra sa nasabing paglusob. Ngunit, iginigiit din niyang walang kamalay-
malay si Ibarra sapagkat ang ginawa ay upang ipaghiganti ang kanilang amang
pinatay sa palo ng mga sibil. Dahil dito, iniutos ng alperes na dalhin si Tarsilo sa
limang bangkay, ito ay umiling. Nakita niya ang kanyang kapatid na si Bruno sa
tadtad ng saksak, si Pedro na asawa ni Sisa at ang kay Lucas na may tali pang Lubid
sa leeg. Dahil sa patuloy itong walang immik kahit sa sunod-sunod ang pagtatanong
sa kanya. Nagpuyos sa galit ang alperes. Iniutos na paluin ng yantok si Tarsilo
hanggang sa magdugo ang buong katawan nito.
Nakakapaso ang sikat ng araw, ngunit ang mga babae ay ayaw umalis.
Palakad-lakad umiiyak ang mag-ina ni Don Filipo. Inusal-usal naman ni Kapitana
Tinay ang pangalan ng kanyang anak na si Antonio. Si Kapitana Maria naman ay
pasilip-silip sa rehas upang tignan ang kambal niyang anak. Ang biyenan ni Andong
ay nanduroon din at walang gatol na ipinagsasabio na kaya raw hinuli si Andong ng
mga sibil ay dahil sa bago nitong salawal. Amy isang babae naman ang halos
mangiyak-ngiyak na nagsabing si Ibarra ang may pakana at kasalanan ng lahat. Ang
suro ng paaralan ay kasama-sama rin ng mga tao. Samantalang si Nol Juan ay
nakaluksa na sapagkat ipinalagay niyang wala ng kaligtasan si Ibarra.
Mag-iikalawa ng hapon ng dumating ang isang kariton na hila ang isang baka.
Tinangka ng mga kaanak ng mga bilanggo na sirain at kalagan ang mga hayop na
humihila sa kariton. Pero, ipinagbawalan sila ni Kapitana Maria at sinabing kapag
ginawan nila iyon, mahihirapan sa paglakad ng kanilang ka-anak ng bilanggo.
Pagkakita kay Ibarra ng mga tao, biglang umugong ang salitaan na kung sino
pa ang may sala ay siya pa itong walang tali. Dahil dito ay inutusan ni Ibarra na
gapusin siya ng mga kawal ng abot-siko. Kahit na walang utos ang kanilang mga
pinuno ang mga sibil sumunod sin sila sa utos ng binata. Ang alperes ay lumabas na
naka-kabayo at batbat ng sandata ang katawan. Kasunod ay may 15 ng kawal na
umaalalay sa kanya.
Sa ibang kumbento naman ay iba ang pinag-uusapan. Ang mga nag-aaral daw
sa mga heswita sa Ateneo ay lumalabas na nagiging pilibustero. Sa isang bahay
naman sa Tundo, hindi mapakali si Kapitan Tinong dahil minsan ito ay nagpakita ito
ng kagandahang loob kay Ibarra. Kaya panay ang sisi sa kanya ng asawang si
kapitana Tinchang. Ang kanilang dalawang anak na dalaga ay sa isang tabi lamang at
di umiimik. Nasabi pa ni Tinchang na kung siya ay naging lalaki lamang, disin sana
ay haharap siya sa Kapitan-Heneral at ihahandog nito ang kanyang paglilingkod laban
sa mga manghihimagsik.
Sinabi ni Don Primitivo na dapat napakilala si Tinong kay Ibarra pagkat ang
mga mabubuti raw ay napaparusahan dahil sa mga masasama. Kaya’t walang ibang
nalalabing paraan kundi ang gumawa ng huling habilin si Tinong. Nawalan ng malay
ng di oras si Tinong dahil sa payo. Nang bumalik ang kanyang ulirat, dalawang payo
ang ibinigay ni Don Primitivo: (1) magbigay sila ng regalo sa heneral ng kahit anong
alahas at idahilan na ito ay pamasko at (2) sunuging lahat ng mga kasilulatan na
maaaring makapagpahamak kay Tinong, na katulad ng ginawang pagsunong ni Ibarra
sa kanyang mga kasulatan. Boto silang lahat sa payo.
Habang mabilis na sumasagwan si Elias, sinabi niya kay Ibarra na itatago siya
sa bahay ng isang kaibigan sa Mandaluyong. Ang salapi ni Ibarra na itinago niya sa
may puno ng balite sa libingan ng ninuno nito ay kanyang ibabalik upang may
magamit si Ibarra sa pagpunta nito sa ibang bansa. Nasa ibang lupain daw ang
katiwasayan ni Ibarra at hindi nababagay na manirahan sa Pilipinas, dahil ang buhay
niya ay hindi inilaan sa kahirapan. Inalok ni Ibarra na magsama na lang sila ni Elias,
tutal pareho na sila ng kapalaran at magturingan na parang magkapatid. Pero,
tumanggi si Elias.
Itinapon ni Elias ang mga damo sa pampang, kinuha ang isang mahabang
kawayan at ilang bayong at sumige sa pagsagwan. Nagkuwentuhan muli sina Elias at
Ibarra. Nakalabas na sila sa ilog-Pasig