You are on page 1of 2

Panalangin ng Sambayanang Pilipino Para sa

mga Lingkod Bayan


PANALANGIN NG BAYAN (FILIPINO) ORATIO IMPERATA PARA SA MGA LINGKOD
BAYAN (Dadasalin mula 21 June to 29 June 2016)

Pari/Namumuno: Hinihimok tayo ni Apostol San Pablo na mag-alay ng panalangin at


pagsusumamo sa Diyos lalo na para sa mga nasa kapangyarihan, upang mamuhay tayo sa
kapayapaan at kapanatagan at maging maka Diyos at matuwid sa lahat ng pagkakataon.

Sabay sabay tayong manlangin: Mapagmahal na Ama, pagpalain mo at ingatan ang aming
bayang Pilipinas.

Lector: Sinabi ni Papa Francisco: “Ang pulitika ay isa sa pinakamataas na paraan ng


pagmamalasakit sa kapwa.” Pagpalain mo ang aming mga pinuno upang magmamalasakit sa
mga dukha at magtaglay ng dalisay na kababaan ng kalooban. Manalangin tayo: Commentator:
Mapagmahal na Ama, pagpalain mo at ingatan ang aming bayang Pilipinas.

Lector: Wika ni Papa Benedicto XVI, “Kung walang katotohanan, ang pag-ibig ay tila kabibeng
hungkag o ampaw.” Pagpalain mo ang aming mga lingkod bayan upang mamuhay nang
marangal at matuwid at masigasig na itaguyod ang katotohanan na nagpapalaya. Manalangin
tayo: Commentator: Mapagmahal na Ama, pagpalain mo at ingatan ang aming bayang Pilipinas.

Lector: Itinuro ni Papa Francisco na ang “pagtanggi na magturingang magkakapatid ang ugat ng
kahirapan.” Pagpalain mo ang aming mga lingkod bayan na mamuhay nang payak at magsikap
na maging taus puso sa pabubukas-palad. Manalangin tayo: Commentator: Mapagmahal na Ama,
pagpalain mo at ingatan ang aming bayang Pilipinas.

Lector: Sinabi ni Papa Francisco, “Ang pagkahumaling sa katanyagan at kapangyarihan ang tila
anay na sumisira sa lipunan,” Pagkalooban mo ang aming mga lingkod bayan ng diwa ng
kabayanihan sa pagsasakripisyo at katatagan ng kalooban. Manalangin tayo: Commentator:
Mapagmahal na Ama, pagpalain mo at ingatan ang aming bayang Pilipinas.

Lector: Itinuro si San Juan Pablo II na “Ang bawat tao ay tinatawag na makibahagi sa buhay ng
Diyos.” Hubugin mo ang aming mga lingkod bayan na magtaglay ng dalisay na paggalang sa
buhay ng tao at tahasang pagtanggi sa kultura ng kamatayan. Manalangin tayo: Commentator:
Mapagmahal na Ama, pagpalain mo at ingatan ang aming bayang Pilipinas.

Pari/Namumuno:

Ama naming Diyos na mapagmahal, kalugdan mo ang mga namumuno sa aming bayan. Sa iyong
mapagmahal na kamay, matamo nawa namin ang kasaganahan at pag-unlad, maranasan nawa
ang kapayapaan at kaayusan, maghari ang kalayaan at katarungan. Hilumin mo ang aming bayan
at iadya sa lahat ng kasamaan. Hinihiling naming ito sa pamamagitan ni Kristong aming
Panginoon. Commentator: Amen.

San Lorenzo Ruiz, San Pedro Calungsod, at lahat ng mga Pilipinong banal: Commentator:
Ipanalangin Mo kami.

Priest/Leader: Kalinis-linisang Paglilihi ng Birheng Maria, Patrona ng Pilipinas, Commentator:


Ipanalangin Mo kami.

You might also like