Professional Documents
Culture Documents
Praymer ng
Disaster Risk
Reduction and
Management
(DRRM) Act
ng 2010
DRRNetPhils
Disaster Risk Reduction Network Philippines
1
Disaster Response
Pagtugon sa disaster
Ang mabilisan at panandaliang pagasalba ng buhay, pagsiguro ng
kaligtasan, pag‐iwas sa pagkalat ng sakit, at pagtugon sa
pangangailangan ng mga nasalanta.
Maghanda Hazard (Panganib)
Alamin ang mga Panganib
Likas o likhang‐tao na pangyayari na
Contingency Planning
maaaring makasira o makapatay
Bantayan ang mga
Panganib Bagyo Digmaan
Early warning systems Baha Epidemya
Tagtuyot Terorismo Disaster Risk
Proteksyon Lindol
Tsunami Risgo ng Disaster
Imprastruktura para maka‐
iwas o maprotektahan ang Sunog Ang pagsanib ng
komunidad panganib, pagkalantad at
bulnerabilidad
Exposure (Pagkalantad) S
Minimize Exposure Ang probabilidad na matamaan ng mga
Paglipat ng tirahan panganib
Paglikas Populasyon
Pagtira sa mapapanganib
na lugar
Vulnerability and Capacity
(Bulnerabilidad at Kapasidad)
Katangian ng mga komunidad na nagdudulot ng kahirapan
o kalakasan sa pagharap sa panganib at pagbangon mula sa
mga disaster.
BULNERABILIDAD KAPASIDAD
Kahirapan Maayos na paggamit ng tubig at lupa
Kapansanan Matibay na imprastruktura
Maruming kapaligiran Malakas na pamamahala
Kagutuman
at Ubos at sirang likas yaman
Bawasan ang Bulnerabilidad
Palakasin ang Kapasidad
Ilipat ang Risgo Organisadong komunidad Pagsugpo sa kahirapan
Insurance Malakas at demokratikong Alternatibong kabuhayan
Social protection pamamahala Pangangasiwa ng likas yaman
Seguridad sa pagkain Pangangalaga sa kapaligiran
Mataas na kalidad ng edukasyon Akses sa malinis na tubig,
Serbisyong pangkalusugang kuryente, komunikasyon
Malinis na kapaligiran Pagsasaayos ng mga
imprastruktura
Atbp...
3
Ang DRRM Act
Bakit kinakailangan pahalagahan ang mga disaster?
Nagdudulot ng pagkasira ng komunidad ang mga disaster. Marami ang namamatay.
Bumabagsak ang mga kabuhayan. Nagbabago ang mukha ng kapaligiran. Bumabaon ang
mapait na karanasan sa kaisipan ng mga nasalanta. Matindi ang nagiging pinsala sa
ekonomiya ng buong komunidad at bansa. Para sa Pilipinas, malaking hadlang sa kaunlaran
ang mga disaster.
Ang Pilipinas ay kabilang sa mga bansang madalas mapinsala ng mga disaster. Maiuugat ito
sa mapanganib na pisikal na katangian at lokasyon ng bansa. Madalas ang mga lindol at
nagkalat ang mga bulkan dahil nasa Pacific Ring of Fire ang Pilipinas. Unang tumatama sa
bansa ang mga bagyong nagmumula sa karagatan ng Pasipiko.
Bukod sa mga likas na dahilan, may mga panganib na dulot ng politika at pag‐uugnayan ng
mga tao, ng mga gawaing pang‐ekonomiya at ng mga di‐angkop na teknolohiya. Marami
ang napipilitang lumikas dahil sa mga digmaan. Gumuguho ang mga gusali kapag lumindol
dahil sa mahihinang imprastruktura. Naaapektuhan ang kalusugan ng mga tao kung
malubha ang polusyon lupa, dagat at hangin.
Nagiging disaster lamang ang mga panganib kung tumama ito sa mga taong mataas
ang bulnerabilidad. Tumataas ang pinsala sa mga mahihirap, mga may sakit at may
kapansanan, mga matatanda at mga kabataan, at mga kababaihan. Bagamat maraming
tao ang napipinsala, higit na nahihirapang humarap at makabangon ang mga nasa
bulnerableng sektor kapag tinamaan ng disaster.
Dahil dito, kailangang palakasin ang kapasidad mga bulnerableng sektor. Sa pagpapalakas
sa kanila, maaalpasan nila ang pagiging biktima at magiging tagapagdaloy sila ng
makabuluhang pagbabago sa komunidad.
Ano ang DRRM Act?
Ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act (DRRM Act) ang batas na
nagsasaad kung paano pangangasiwain ang pagbawas ng risgo at tutugon sa mga disaster.
Isinabatas ang DRRM Act o Republic Act No. 10121 (R.A. 10121) noong ika‐27 ng Mayo, 2010.
Binago ng lubusan nito ang sistema ng Pilipinas sa pagtugon sa mga disaster. Pinalitan nito
ang dating batas, Presidential Decree No. 1566 (P.D. 1566), na isinabatas pa noong June 11,
1978, tatlong dekada na ang nakaraan.
Ang disaster ay dulot ng Ang disaster ay dulot ng pagsanib ng
mga panganib panganib at pagkalantad ng
bulnerableng komunidad
Nakatutok sa paghahanda at
pagtugon sa mga disaster Integral na kaunlaran para mabawasan
ang risgo sa mga disaster
5
Hyogo Framework of Action
Ano ang batayan DRRM Act? Mga Stratehiya
Nakabatay ang DRRM Act sa mga prinsipyo at
(a)Epektibong integrasyon ng
stratehiya na inilatag ng Hyogo Framework for Action pagtingin sa mga disaster risk sa
(HFA). Ang HFA ay isang komprehensibo at praktikal mga polisiya, plano at programang
na pagtugon sa lumalalang epekto ng mga disaster sa pangkaunlaran sa lahat ng antas ‐
buong mundo. pag‐iwas, pagbawas ng epekto ng
mga panganib (mitigation), at
Nabuo ang HFA pagkatapos ng dambuhalang tsunami paghahanda sa mga disaster at
na pumatay ng higit 200,000 katao at nagdulot ng pagbawas ng mga bulnerabilidad
malawakang pinsala noong 2004. Batay sa pagtatasa
(b)Pag‐unlad at pagpapalakas ng mga
sa mga dating pagtugon sa mga disaster, kinilala na institusyon, mekanismo at
dapat magbago ang pananaw at pagtugon mula sa kapasidad sa lahat ng antas
disaster response patungo sa Disaster Risk Reduction.
(c)Sistematikong pagsama ng
Binuo at tinanggap ng 168 bansa ang HFA sa World pamamaraan sa pagbawas ng
Conference on Disaster Reduction sa Kobe, Hyogo r i s g o s a p a g l a n o a t
Prefecture, Japan noong 2005. Nilayon nitong p a g s a s a p a t u p a d n g m g a
palakasin ang kakayahan at bawasan ang kahinaan ng p r o g r a m a n g p a g h a h a n d a ,
pagtugon at pagbangon mula sa
mga bansa at mga komunidad sa mga disaster.
mga disaster ng mga napinsalang
Noong ika‐14 ng Setyembre 2009, niratipika ng pamayanan
Senado ng Pilipinas ang ASEAN Agreement on Disaster
Management and Emergency Response (AADMER) na
nakabatay sa HFA.
Prayoridad na Pagkilos
Sinu‐sino ang mga may mandatong
tungkulin sa DRRM?
Pambansang Pamahalaan
Iba’t ibang ahensiya ng pambansang pamahalaan ang
may tungkulin sa DRRM. Dahil sa DRRM Act, dumami
ang mga ahensiyang kalahok sa National DRRM Council
(NDRRMC) (Sec. 5).
Pamahalaang Lokal
Ikinikilala na ang pamahalaang lokal ang unang tumutugon
sa bawat disaster. Nangunguna sila, sa pamamagitan ng Local
DRRM Council (LDRRMC), sa paghahanda sa mga panganib,
pagtugon sa mga nasalanta at pagbabangon mula sa epekto ng
mga disaster (Sec. 15).
Civil society, ang pribadong sektor at mga volunteer
Epektibong maisasapatupad ang batas sa pamamagitan ng pakikilahok ng civil society organizations,
pribadong sektor at mga indibiduwal na boluntaryo (Sec. 2.d; Sec. 5.hh & ii; Sec. 11.a.17 & 18; Sec. 12.d;
Sec. 13). Pinapalakas at dinaragdagan ng mga ito ang kakayahan at puwersa ng pamahalaan.
Halimbawa ng mga civil society organizations ay ang mga kooperatiba, samahan at asosasyon sa mga
komunidad, mga non‐government organizations, at mga grupo sa simbahan at sa paaralan (Sec. 3.c).
Komunidad
Ikinikilalala ang kakayahan ng mga bulnerableng pamayanan bilang tagapagpadaloy ng pagbabago at
kaunlaran at hindi lang biktima ng mga disaster. Ang pagpapalakas ng kanilang kapasidad ang pinaka
epektibong pamamaraan sa pagbawas ng epekto ng mga disaster (Sec. 2.d).
7
I struktura
Paano nagbago ang istruktura sa DRRM?
Inilinaw ng DRRM Act ang paghihiwalay ng pangangasiwa at pagsasapatupad ng DRRM para
mapalakas ang kakayahan ng mga pamahalaang lokal. Pinalawak din nito ang kasapian ng
mga DRRMC sa iba’t ibang antas. Naging bahagi rin sa mga konseho ang mga kinatawan ng
mga CSO at ng pribadong sektor.
National DRRM Council (NDRRMC)
Binubuo ang NDRRMC ng mga Kalihim o pinakamataas na pinuno ng iba’t ibang ahensiya ng
pamahalaan at mga kinatawan ng iba’t ibang sektor. Dinagdagan sa DRRM Act ng iba’t ibang
ahensiya at sektor ang dating NDCC. Pinapatnubayan ng NDRRMC ang pambansang sistema
sa DRRM (Sec. 5; Sec. 6).
Pagbabago ng mga Istruktura
PD 1566 DRRM Act
Pangangasiwa Pagsasapatupad
National
National DCC OCD (Secretariat) OCD
DRRMC
Provincial Provincial
Provincial DCC DRRMO
DRRMC
Barangay Barangay DRRM
Barangay DCC Development Committee
Council
DND
Chair
KASAPIAN:
Mga bagong kasapi:
9
Regional DRRM Councils (RDRRMC)
Katungkulan ng RDRRMC ang pagsisiguro ng koordinasyon, pagsasa‐isa, pangangasiwa at
pagtatasa ng mga gawaing DRRM ng mga Local DRRM Councils. Pinamumunuan ng Regional
Director ng OCD ang RDRRMC. Sinisigurado nito na sensitibo ang mga regional development
plans sa mga maaaring disaster at magpupulong ang iba’t ibang ahensiya sa rehiyon at ibang
insitusyon sa panahon ng disaster. Ang Regional OCD ang siyang magsisilbing Secretariat ng
RDRRMC (Sec. 10).
National DRRM Framework
National DRRM Plan
11
Governance
Pamamahala
Paano masisiguro na mabibigyan ng prayoridad ang DRR sa
pamamahala?
Sinisiguro na mabibigyan ng prayoridad ang DRR sa pamamagitan ng pagpasok nito sa
pambansa at lokal na proseso ng pagpaplano at pamamahala. Kasama rito ang pagsasagawa
ng mga polisiya, pagpaplano, paglalaan ng pondo, at pamamaraan ng pamamahala. Partikular
na isasama ito sa mga
usapin ng kalikasan,
agrikultura, katubigan, National
enerhiya, kalusugan, Programa National DRRM
at Plano Pambansang DRRM Framework
edukasyon, pagsugpo sa na Council
Ahensya ng
kahirapan, paggamit ng sensitibo Pamahalaan
kalupaan at katubigan, sa DRR
p a m p u b l i k o n g National
OCD
imprastruktura at DRRM
Plan
pabahay (Sec. 2.g).
Lokal na
Siniguro na may malapit Sanggunian
na koordinasyon ang Local Local
DRRM DRRM
DRRMC sa mga Offices
sanggunihan sa lahat ng Plan
antas. Dahil sa lawak ng
sakop ng DRR, binigyan Local Local Development
ng mandato ang iba’t Comprehensive Plans, Programs
ibang ahensiya ng Land Use Plan and
na sensitibo sa Budgets
pamahalaan, a n g na sensitibo sa
DRR
pribadong sektor at DRR
mga CSO na lumahok sa Local
pangangasiwa a t Comprehensive
Development
pagsasapatupad sa Plan
lahat ng antas. na sensitibo sa
DRR
13
Risk Assessment
Pagtatasa ng mga Risgo
Bakit mahalaga ang Risk Assessment?
Ang unang hakbang patungo sa DRRM ay ang pagkilala sa mga nakaambang panganib sa
bawat komunidad. Kasama sa risk assessment ang pagtukoy sa panganib at sa mga
bulnerableng sektor na maaaring masalanta. Kinikilala rin ang kapasidad ng komunidad sa
pagtugon sa mga risgo. Sa pag‐aanalisa ng mga ito, mapapatnubayan ang mga komunidad sa
pagtukoy at pagbigay ng prayoridad sa mga stratehiya para mabawasan ang mga risgo.
Paano napapalakas ng batas ang Risk Assessment?
Kasama sa tungkulin ng OCD (sa
pambansang antas) at ng mga LDRRMO
(sa lokal na antas) ang pagtatasa ng mga
risgo (Sec. 9.c; Sec. 12.c.9). Ipapasok ang
resulta ng mga pag‐aaral na mga ito sa
DRRM Information System. Itatakda ito sa
mga pambansa at lokal na mga mapa ng
mga risgo. Magsisilbing batayan ang mga
pag‐aaral na ito sa pagtakda ng NDRRMP
at ng mga LDRRMP. Ito rin ang magiging
batayan sa pagdisenyo ng pambansa at
lokal na mga early warning system o
sistema ng maagang babala.
Sinisigurado ng batas ang partisipasyon ng
iba’t ibang sektor sa risk assessment.
Makakatulong ito sa pagbabahagi ng
komunidad ng mga naranasan na panganib
at mga nakagawiang pamamaraan sa
paghanda, pagtugon at pagbangon mula
sa mga disaster. Mapapalawak nito ang
kaalaman sa mga nakaambang panganib.
Sa ganitong paraan, mas madaling
Sama‐samang risk assessment para sa mas mauunawaan at masasang‐ayunan ng
malawak na bahaginan at pag‐uunawa ng komunidad ang mga matatakdang
kaalaman sa mga risgo. stratehiya sa DRRM.
Bakit mahalaga ang Knowledge Management sa DRRM?
Nasasabing mahirap isulong ang DRRM dahil sa pananaw na kapalaran lamang ang mga
disaster. Sa pamamagitan ng pagpapalakas at pagpapalawak ng kaalaman sa DRRM,
maaaring mahubog ang kultura ng kaligtasan at paghahanda sa buong komunidad.
Paano pinapalakas ng DRRM Act ang Knowledge Management?
Pangunahing stratehiya sa pagpapalakas ng kaalaaman ang pakikilahok ng iba’t ibang sektor
sa LDRRMC at sa risk assessment.
Mapapadali ang pagkuha at paggamit ng impormasyon sa pamamagitan ng pagbuo ng DRRM
Information System (Sec. 6.d). Hinihikayat ang pagbabahaginan ng mga impormasyon ng iba’t
ibang ahensiya ng pamahalaan (Sec. 9.g).
Tungkulin ng LDRRMO ang maipon at maipalaganap ang impormasyon ukol sa mga
panganib, bulnerabilidad, risgo at maaaring epekto nito, mga maagang babala, at mga
mekanismo sa pagtugon. Kasama rito ang paghawak ng impormasyon ukol sa mga taong
maaaring tumugon, kagamitan at mga kritikal na pasilidad, tulad ng ospital at mga evacuation
center (Sec.12.c.3, 10, 12, 17).
Maglilikha ng DRRM
Training Institute sa iba’t
ibang lugar para mapalakas
ang kapasidad ng mga
pamahalaang lokal at ng
mga komunidad. Sinisiguro
ng DRRM Training Institute
ang pag‐aaral, pagsusulat
ng mga kahanga‐hangang
gawain, at pagbibigay ng
mga pagsasanay sa DRRM
(Sec. 9.i).
Mahalagang ipaalam sa buong komunidad ang mga panganib at
ang mga planong pagkilos sa panahon ng disaster.
15
Bukod dito, kinilala rin ng batas ang mahalagang
papel na magagampanan ng kabataan. Pinasok ang
DRR sa sistema ng edukasyon at sa programa ng
Sangguniang Kabataan (SK) (Sec. 14).
Sa pakikipagugnayan sa OCD, isasama sa school
curricula ang DRR sa pamamagitan ng DepEd,
CHED, TESDA, National Youth Commission (NYC),
DOST, DENR, DILG‐BFP, DOH, DSWD at iba pang
ahensiya. Isasama ito sa mga aralin sa mataas na
paaralan at sa kolehiyo. Kasama rin ito sa National
Service Training Program (NSTP). Isasagawa ito sa
mga pampubliko at pribadong paaralan,kasali ang
pormal at di‐pormal na edukasyon, vocational
schools, programa sa mga katutubo at out‐of‐school
youth.
Pagtatanim ng mga puno sa gilid ng ilog
para maiwasan ang pagguho ng lupa
Pag‐eksperimento ng mga tanim na angkop sa baha o sa tagtuyot
Pagpinta ng mga flood level marker
sa gilid ng ilog para sa early warning
system
Paglagay sa mga kritikal na lugar sa komunidad ng mga pansalo
ng tubig‐ulan, lalo na sa lugar na aasahan ang tagtuyot.
17
Ano ang kaibahan ng DRRM Fund sa dating Calamity Fund?
• Hindi na kailangan maghintay na magdeklara ng State of Calamity bago magamit ang
pondo.
• Maaaring humigit pa sa 5% ng badyet ang pondo para sa DRRM (Sec. 21 par. 1).
• Maaari nang gamitin ang pondo para sa DRRM. Maaaring magamit ang pondo para
mapatupad ang DRRM Plan. Kinakailangan lang mag‐iwan ng 30% para sa Quick Response
Fund (QRF) na inilaan sa pagtugon sa pangangailangan ng mga nasalanta kung
magkaroon ng disaster . (Sec. 21 par 1; Sec. 22.a at c)
• Kung hindi maubos ang pondo, ilalagay ito sa isang special trust fund na maaari lamang
gamitin para sa DRRM. Ibabalik lang ito sa general fund kung hindi ito naubos sa loob ng
limang taon. Maari lamang gamitin ang general fund sa mga serbisyong panlipunan na
itatakda ng sanggunian (Sec. 21 par. 3).
• Pinapayagan ng batas na makiramay ang pamahalaang lokal sa ibang lugar na nasalanta
ng disaster sa pamamagitan ng pagbigay ng bahagi ng kanilang pondo. Kinakailangan nito
ng pagsasang‐ayon ng sanggunian. Sa ganitong paraan, mapapalakas ang espirito ng
bayanihan at pakiki‐isa ng iba’t ibang pamahalaang lokal (Sec. 21 par.1).
Paano sisiguraduhin na hindi mapagsasamantalahan ang DRRM Fund?
Kinakailangang magsumite ang LDRRMO ng panukalang programa at ng ulat ng pag‐gastos.
Ipapadala ito sa sanggunian at sa Commission on Audit (COA) sa pamamagitan ng nga
LDRRMC at Local Development Council (Sec. 12.c.7 & 24). Babantayan ng LDRRMC ang
paggamit ng pondo na dapat ay naaayon sa LDRRMP (Sec. 21 par. 1).
Maaring gamitin ang pondo para sa sandbagging at pagpapatibay
ng pampang ng mga ilog.
18 R.A. 10121: Disaster Risk Reduction & Management Act
Disaster Preparedness
Paghahanda
Paano pinapalakas ng DRRM Act ang paghahanda sa mga disaster?
Magsasagawa ang LDRRMO ng mga programa para
mapalawak ang kaalaman ng publiko kung paano
maghanda para sa mga naka‐ambang panganib (Sec.
12.c.10 & 17).
Daraan sa pagsasanay sa paghahanda at pagtugon sa mga
disaster ang lahat ng empleyado ng pamahalaan (Sec. 14
par. 3).
Maaaring bumili ng mga kagamitan na magagamit sa
panahon ng disaster gamit ang LDRRM Fund. Maaari rin
bumili ng pagkain na mai‐imbak at iba pang
mahahalagang kagamitan sa panahon na madalas
magkaroon ng disaster. (Sec. 21 par. 1)
Nakakapaghanda ang mga
pamahalaang lokal kung may
nakaabang na mga kagamitan
pang‐ligtas ng buhay.
19
Disaster Response
Pagtugon sa mga Disaster
Ano ang gagawin kung tumama ang disaster?
Kung may disaster, magdedeklara ng State of Calamity para mapadali ang pagtugon at
koordinasyon ng mga pamahalaang lokal. Ang pagdedeklara nito ay ayon sa ilalabas na
patnubayan ng NDRRMC. Sa pagdeklara ng State of Calamity, maaaring magamit ang Quick
Response Fund at maisapatupad ang mga Remedial Measures na nakasaad sa batas.
Sino ang maaaring magdeklara ng State of Calamity?
Ayon sa rekomendasyon ng NDRRMC, maaaring magdeklara ang Pangulo ng Pilipinas ng
State of Calamity. Maaari rin magdeklara at magtanggal ng state of calamity ang mga
sanggunian sa kanilang mga lugar sa mungkahi ng LDRRMC. Pagbabatayan ng LDRRMC ang
resulta ng pagtatasa ng pagkasira at ng mga pangangailangan ng mga nasalanta sa kanilang
pagmumungkahi (Sec. 16).
Ano ang mga Remedial Measures?
Ang mga remedial measures ang mga hakbang
na maaaring gamitin kaagad para mapadali
ang muling pagbangon ng mga nasalanta.
Remedyo lamang ang mga ito at hindi dapat
maging pangmatagalang kalakaran (Sec. 17).
Nakasaad sa batas ang mga sumusunod na
remedyo:
• Pagpigil ng pagtaas ng presyo ng bilihin
ng mga batayang kagamitan at
pangangailangan tulad ng pagkain
• Pagpigil sa pagsasamantala ng mga
negosyante sa pagpataw ng mataas na
presyo at sobrang pagiimbak ng mga
batayang produkto, petrolyo, at gamot
• Paglalaan ng pondo para mapaayos o
mapalakas ang mga imprastruktura
• Pagpapautang ng walang interes ng mga
pampublikong institusyon sa mga Makakatulong ang pagsasagawa ng mga
pinakanasantalang populasyon. Emergency Drill sa iba’t ibang klase ng panganib
para ipaalam sa buong komunidad ang mga
kailangan gawin sa panahon ng disaster
20 R.A. 10121: Disaster Risk Reduction & Management Act
Paano ang koordinasyon ng mga DRRMCs kung may disaster?
Mangunguna ang LDRRMC sa paghahanda, pagtutugon at pagbabangon mula sa disaster
ayon sa sumusunod na bataya (Sec. 15)n:
• BDC‐ kung isang barangay lang ang naapektuhan ;
• City/Municipal DRRMC‐ kung 2 o higit na barangay ang naapektuhan ;
• Provincial DRRMC‐ kung 2 o higit na bayan/lungsod ang naapektuhan ;
• Regional DRRMC‐ kung 2 o higit na probinsya ang naapektuhan ; at
• National DRRMC‐ kung 2 o higit na rehiyon ang naapektuhan .
Ang LDRRMO ang tutugon sa mga disaster, mangangasiwa sa epekto nito at ipapatupad ang
mga gawain para maipanumbalik ang mga apektadong komunidad (Sec . 12.c.8).
Kinakailangan makipagkoordinasyon ang
LDRRMCs sa pribadong sektor at mga
CSO. Magsasagawa ang LDRRMO ng
patuloy na pagbabantay at pagpapakilos
ng mga volunteer sa paggamit ng mga
pasilidad at ibang rekurso (Sec. 12.c.8).
Pangunahing tungkulin ng pamahalaan ang tumugon sa disaster. Pumapasok
ang mga Humanitarian Agencies kung di kaya o ayaw tumugon ng pamahalaan
sa mga pangangailangan ng mga nasalanta.
23
Directory
Mga Pambansang Opisina: OCD sa mga Rehiyon:
NDRRMC (02) 9115061 to 64 CAR (074) 6190966/ 3042256
Region I (072) 6076526/ 7004747
Philippine National Hotline: 143
Region II (078) 8441630
Red Cross (02) 5270000
Region III (045) 4551526
PAGASA (02) 434‐2696 Region IV‐A (049) 8344244/ 5317279
(para sa kalagayan ng panahon) Region IV‐B (043) 7234248
Pasasalamat
Isinulat ang praymer na ito ni Atty. Eunice Agsaoay‐Saño. Sinalin sa wikang Filipino ni Allan
Vera.
Inaasahan na ang praymer na ito ay magsisilbing tulong sa pag‐unawa at pagpapalawak ng
DRRM Act. Hindi ito dapat gamitin para palitan ang nakasulat sa batas. Kung may paga‐
alinlangan sa kontento ng praymer, kinakailangan pagbatayan ang nakasaad sa aktuwal na
batas. Para sa kopya ng aktuwal na batas, maaaring ma‐download ito sa:
http://www.senate.gov.ph/republic_acts/ra%2010121.pdf
Inaprubahan ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng DRRM Act noong ika‐27 ng
Setyembre, 2010. Para sa kopya ng IRR, maaaring ma‐download ito sa:
http://ndcc.gov.ph/attachments/095_IRR.pdf
Ang praymer na ito ay sinuportahan ng: