You are on page 1of 2

PANALANGIN NG ISANG GURO

Panginoon, isang taos-pusong pasasalamat ang aming ipinaabot sa Inyo sa walang


sawa ninyong paggabay sa bawat isa sa amin sa sakit at kapahamakan,

talinong patuloy na dumadaloy sa aming mga isipan upang maging bukas sa


katotohanan at kamalian.

Ang buhay na nagsisilbing pag-asa upang mabuhay na ayon sa iyong gawi at


magsilbing inspirasyon sa mga mag-aaral upang matupad ang kanilang mga hiling.
Patuloy kaming natututo at patuloy nagkakamali kaya

walang sawa kaming hihingi ng inyong kapatawaran gaya ng pagpapatawad sa


mga nagkakasala sa amin.

Kami ay humihingi sa inyo ng gabay sa bawat landas na aming tinatahak, sa bawat


problemang nararanasan at sa bawat yugto ng aming pag-aaral

. Tulungan mo aking mga mag-aaral na buksan ang kanilang isipan upang

maunawaan ang bawat talakayan at mabuting puso upang ang kabutihan ay


mangingibabaw sa lahat ng aming mga gawain at desisyon sa buhay.

Ilayo kami sa tukso at tulungan mo kaming tanggapin ang mga kamalian at


malinawan sa halaga at dahilan ng aming mga pagkasawi

Ito po ang aming samo at dalangin sa matamis

na pangalan ng iyong anak na si Hesus,

AMEN

You might also like