You are on page 1of 2

Tig-isang halimbawa ng Maikling

Kwento at Tula na ipapasa para kay Sir


Mylo Redera. Sa Maikling Kwento, isang
tungkol sa pagmamahal na kayang
maibalik ang lahat na nawala. At sa tula
ay tungkol sa pag-ibig na hindi
maipagtapat.

Filipino 102
Maikling Kwento at Tula

Abigael Patricia Gutierrez


BSN I - A
Ipagtapat
ni: Abigael Patricia Gutierrez

Noong unang araw ng pasukan


Tayo'y ordinaryong magkaklase lang
Alam lang sa isa't-isa'y pangalan
Magkasama sa iisang silid-aralan

Nag-uusap paminsan-minsan
Madalas pero panandalian naman
Kumakaway sa tuwing nagsasalubungan
Sa pangkatang gawain ay nagtutulungan

Habang dumaraan ang mga araw


Mas naging malapit tayo sa isa't-isa
Mga pag-uusap natin, tumatagal na
Kung minsan pa nga ay nagbibiruan pa
Di ko na namalayang, ako sayo'y nahulog na pala

Tinititigan kita nang di nahahalata


Minamasdan ang ngiti sayong mukha
Sa tuwing lumalapat ka sa akin
Para akong lumulutang sa hangin

Pero ba't di ko kayang sabihin


Na ako sayo'y may pagtingin?
Natatakot na baka sa isang iglap
Maglaho ang lahat ng pinagsamahan natin

Kaya hanggang ngayo'y naguguluhan


Di pa rin masabi ang nararamdaman
Paano? Saan? Kelan? Ewan.
Mahal na mahal kita, sana iyong malaman.

You might also like