You are on page 1of 101

MODYUL 1: Heograpiya at mga Sinaunang Kabihasnan sa

Daigdig
PANIMULA

Isa ang HEOGRAPIYA sa mga salik na nakaaapekto sa daloy ng


kasaysayan. Sa katunayan, malaki ang bahaging ginampanan ng heograpiya sa
pag-usbong at pagbagsak ng isang kabihasnan. Ito rin ang humubog at patuloy na
humuhubog sa pag-unlad ng kabuhayan at paglinang ng kultura ng tao.

Sa Yunit na ito, mauunawaan ang ugnayan ng heograpiya at ng kasaysayan.


Maiisip kung paano nilinang at ginamit ng mga prehistorikong tao ang kanilang
kapaligiran upang matugunan ang mga pangangailangan at tuluyang mapaunlad
ang kanilang pamumuhay. Dahil sa kanilang mahusay na pakikiayon sa kapaligiran,
nabigyang daan ang pagtatatag ng maunlad na pamayanan at kalinangang kultural
na tinawag na kabihasnan.

Ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig, partikular sa Asya, Africa, at


America, ay nag-iwan ng mga kahanga-hangang pamanang maipagmamalaki sa
lahat ng panahon at nakapagbigay ng malaking kapakinabangan sa pamumuhay ng
mga tao sa kasalukuyan. Sa modyul na ito, susuriin kung paano maipamamalas
ang pag-unawa sa kahalagahan ng mga pamanang ipinagkaloob ng mga
sinaunang kabihasnang nagtagumpay sa mga hamong dulot ng kapaligiran.

Mga Aralin at Sakop ng Modyul

Aralin 1 – Heograpiya ng Daigdig


Aralin 2 – Ang mga Sinaunang Tao
Aralin 3 – Ang mga Sinaunang Kabihasnan

Sa modyul na ito, ay inaasahang matututuhan ang mga sumusunod.

 Nasusuri ang limang temang heograpikal bilang kasangkapan


sa pag-unawa sa daigdig
Aralin 1  Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig
 Napahahalagahan ang natatanging kultura ng mga rehiyon,
bansa, at mamamayan sa daigdig, kabilang ang lahi,
pangkat-etniko, at relihiyon.
 Nasusuri ang kondisyong heograpikal sa panahon ng mga
unang tao sa daigdig
Aralin 2  Naipaliliwanag ang uri ng pamumuhay ng mga unang tao sa
daigdig
 Nasusuri ang yugto ng pag-unlad ng kultura sa panahong
prehistoriko
 Naiuugnay ang heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga
sinaunang kabihasnan sa daigdig
 Nasusuri ang pinagmulan at batayan ng mga sinaunang
Aralin 3 kabihasnan sa daigdig.

2
 Nasusuri ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig batay sa
politika, ekonomiya, kultura, relihiyon, paniniwala, at lipunan
 Napahahalagahan ang mga kontribusyon ng mga sinaunang
kabihasnan sa daigdig

PANIMULANG PAGTATAYA

Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula sa mga
pagpipilian. Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang papel.

1. Alin sa isa sa limang tema ng heograpiya na tumutukoy sa bahagi ng


daigdig na may magkakatulad na katangiang pisikal o cultural? (K)
A. lokasyon C. paggalaw
B. lugar D. rehiyon

2. Anong panahon sa kasaysayan ng daigdig ang itinuturing na


pinakamaagang panahon sa pag-unlad ng tao batay sa mga ginamit na
kasangkapan at naging hudyat din ng pagtatapos ng Panahong
Pleistocene ? (K)
A. Mesolitiko C. Neolitiko
B. Metal D. Paleolitiko

3. Ano ang tumutukoy sa maunlad na pamayanan at mataas na antas ng


kulturang kinakitaan ng organisadong pamahalaan, kabuhayan, relihiyon,
mataas na antas ng teknolohiya, at may sistema ng pagsulat? (K)
A. imperyo C. kalinangan
B. kabihasnan D. lungsod

4. Ano ang tanyag na gusali sa Babylonia na ipinagawa ni Nebuchadnezzar


para sa kaniyang asawa at kabilang sa “Seven Wonders of the Ancient
World” ? (K)
A. Alexandria C. Pyramid
B. Hanging Gardens D. Ziggurat

3
5. Suriin ang mapa at sagutin ang tanong.

Indonesia

http://www.outline-world-map.com/outline-transparent-world-map-b1b

Alin sa sumusunod ang maaaring maglarawan sa klima ng Indonesia?


(P/S)
A. Tropikal na klima
B. Maladisyertong init
C. Buong taon na nagyeyelo
D. Nakararanas ng apat na klima

6. Alin sa sumusunod ang suliraning maaaring idulot ng pagkakaroon ng


maraming wika sa isang bansa? (P/S)
A. Mahirap makamit ang pag-unlad ng ekonomiya.
B. Maraming sigalot sa mga bansa.
C. May posibilidad na maraming mamamayan ang hindi
magkakaunawaan.
D. Walang sariling pagkakakilanlan ang bansa.
7. Alin sa mga sumusunod ang may wastong pagkakasunod-sunod ng
prosesong naganap sa mga sinaunang tao sa Panahong Prehistorya?
(P/S)
I. agrikultura III. labis na pagkain
II. kalakalan IV. pangangaso

A. IV, I, III, II C. IV, I, II, III


B. II, I, IV, III D. I, II, III, IV

8. Aling pahayag ang may maling impormasyon tungkol sa mga yugto ng


pag-unlad ng tao ?
A. Pinakinis na bato ang gamit noong panahong Neolitiko.
B. Umunlad ang sistema ng agrikultura sa panahong Paleolitiko.
C. Ang sistema ng agrikultura ang nagbunsod sa pagkakaroon ng
kalakalan.
D. Dumami ang maaaring gawin ng mga tao nang gumamit na sila ng
metal.

4
9. Unawain ang mapa. Sagutan ang tanong pagkatapos. (P/S)

mrsommerglobal10.pbworks.com

Batay sa mapa, ano ang pagkakatulad ng mga sinaunang kabihasnang


umunlad sa Mesopotamia, Egyptian, Indus, at Tsino?

A. Magkakatulad ang kanilang relihiyon at sining.


B. Nanirahan ang mga sinaunang tao sa tabi ng ilog.
C. Umunlad sa isang kontinente ang mga nabanggit na kabihasnan.
D. Itinatag sa gitna ng disyerto ang mga sinaunang kabihasnan.

10. Buuin ang tsart ng sanhi at bunga sa pamamagitan ng pagtatala ng


angkop na dahilan at epekto tungkol sa pinagmulan ng kabihasnan sa
Mesopotamia. (P/S)

w. Natuklasan ng mga nomadikong tao ang matabang lupain


sa pagitan ng Euphrates at Tigris.
x. Sinalakay ng mga Assyrian ang Imperyong Babylonia na
tuluyang ikinabagsak nito.
y. Nanaig ang mga Chaldean laban sa mga Assyrian.
z. Permanenteng nanirahan ang mga sinaunang tao sa
Mesopotamia at pinaunlad ang kanilang pamumuhay sa
lugar na iyon.

A. w at z C. y at z
B. x at y D. z at w

11. Aling pahayag ang may wastong impormasyon batay sa diyagram? (P/S)
historyonthenet.com
A. May pagkakapantay-pantay sa lipunang
Egyptian noong sinaunang panahon.
B. Ang mga alipin at mangangalakal ay may
pantay na karapatan sa Egypt.
C. Mas mataas ang posisyon ng mga paring
Egyptian kaysa sa mga mandirigma.
D. Ang Pharaoh, maharlika, at magsasaka
ang nasa mataas na antas ng lipunang
Egyptian.

5
12. Paano pinahalagahan sa kasalukuyang panahon ang mga pamana ng
mga sinaunang tao? (U)
A. Mas maunlad ang mga kabihasnan noon kung ihahalintulad sa mga
kabihasnan sa kasalukuyang panahon.
B. Karaniwan lamang ang mga nagawa ng mga sinaunang tao kung
kaya’t kaunti ang kanilang mga ambag.
C. Patuloy na hinahangaan at tinatangkilik ng tao sa kasalukuyan ang
mga pamanang ito.
D. Limitado lamang ang kakayahan ng mga sinaunang tao upang
makagawa ng mga kahanga-hangang bagay sa daigdig.

13. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng lugar


bilang isa sa tema ng pag-aaral ng heograpiya? (U)
A. Ang Germany ay miyembro ng European Union.
B. Malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas ang mga Kristiyano.
C. Ang Singapore ay isa sa mga bansang dinarayo ng mga dayuhang
mamumuhunan.
D. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng Pacific Ocean, timog ng
Bashi Channel, at silangan ng West Philippine Sea.

14. Paano mapananatili ang mabuting ugnayan ng mga tagasunod ng iba’t


ibang relihiyon sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang mga paniniwala? (U)
A. Huwag pansinin ang mga taong may ibang relihiyon.
B. Makisalamuha sa mga taong may magkatulad na relihiyon.
C. Gawing makatuwiran ang mga taliwas na paniniwala ng ibang
relihiyon.
D. Panatilihin ang paggalang sa bawat isa kahit may magkakaibang
relihiyon.

15. Paano napakikinabangan sa kasalukuyan ang sistemang agrikultura na


pinasimulan ng mga sinaunang tao noong panahong Neolitiko? (U)
A. Agrikultura ang tanging ikinabubuhay natin sa kasalukuyan.
B. Walang pagbabago sa sistema ng agrikultura upang magkaroon tayo
ng sapat na pagkain.
C. Limitado ang karne dahil hindi marunong ang mga makabagong tao
na magpaamo ng hayop.
D. Isa ang agrikultura sa pangunahing kabuhayan at pinagkukunan ng
pagkain ng mga tao sa kasalukuyan.

16. Ano ang kahalagahan ng kalakalan sa mga sinaunang tao na


napakikinabangan pa rin sa kasalukuyan? (U)
A. Nakasalalay dito ang pag-unlad ng agrikultura.
B. Dito lamang nakadepende ang yaman ng bansa.
C. Nagkakaloob ito ng kaayusan at katahimikan sa lipunan.
D. Natutugunan nito ang ibang pangangailangan ng tao.

6
17. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng ugnayang
heograpiya-kasaysayan? (U)
A. May klimang tropikal ang mga bansa malapit sa equator.
B. Napaliligiran ang China ng malalawak na disyerto at nagtataasang
bulubundukin.
C. Pinag-isa ni Haring Sargon ang mga lungsod-estado ng Sumer na
nagbigay-daan sa pagtatag ng unang imperyo sa daigdig.
D. Umunlad ang kabihasnang Egyptian dahil sa kapakinabangang dulot
ng Nile sa mga sinaunang taong nanirahan sa mga lambak nito.

18. Kung ikaw ay isang Sumerian na nabuhay noong panahon ng kabihasnan


sa Mesopotamia, aling sitwasyon ang hindi nararapat na maganap sa
iyong lungsod-estado?(U)
A. Walang pagkakaisa ang mga lungsod-estado upang hindi madaling
masakop ang mga teritoryo nito.
B. May mahusay na pinunong mamamahala sa lungsod-estado na
magpapaunlad sa iyong pamumuhay.
C. May sistema ng pagsulat upang magamit sa kalakalan at sa iba pang
bagay.
D. May aktibong pagpapalitan ng mga produkto sa loob at labas ng
lungsod.

19. Bakit karapat-dapat hangaan ang mga sinaunang kabihasnang umunlad


sa Mesoamerica? (U)
A. Dahil itinatag ang mauunlad na kabihasnang ito sa America.
B. Dahil higit na mataas ang antas ng pamumuhay ng mga taga-
Mesoamerica kaysa sa mga kabihasnang itinatag sa Asya at Africa.
C. Dahil nananatili pa rin ang kanilang kabihasnan hanggang sa
kasalukuyang panahon.
D. Dahil nagtagumpay ang mga katutubo na makapagtatag ng mahusay
na pamayanan sa kabila ng mga hamon ng kapaligiran sa kanilang
buhay.

20. Ano ang isang patunay na kapaki-pakinabang ang mga pamanang


inihandog ng mga sinaunang kabihasnan sa kasalukuyang panahon? (U)
A. Limitado lamang ang naiwang pamana ng mga Olmec dahil sa
pagnakaw ng mga kayamanan at pagkasira ng mga estruktura nito.
B. Patuloy pa ring ginagamit ang papel, compass, at imprentang
naimbento ng mga sinaunang Tsino.
C. Madaling unawain ang cuneiform at hieroglyphics na dapat maging
asignatura sa mga paaralan sa kasalukuyan.
D. Umanib sa mga relihiyong itinatag noong panahon ang mga
sinaunang kabihasnan sa daigdig.

7
ARALIN 1: Heograpiya ng Daigdig

Sa iyong pag-aaral ng kasaysayan ng daigdig, malaki ang bahaging


ginagampanan ng heograpiya sa paghubog ng pamumuhay ng tao mula pa
noong sinaunang panahon. Sa pagbubukas ng bagong asignatura sa ikawalong
grado, una mong pagtutuunan ng pansin ang pag-aaral ng heograpiya ng
daigdig. Tatalakayin sa araling ito kung paano nakaaapekto ang heograpiya sa
pamumuhay ng mga tao.
Halina at simulang tuklasin ang pisikal at kultural na heograpiya ng daigdig.

ALAMIN

Sa pagsisimula ng iyong paglalakbay sa unang aralin ng yunit na ito,


pagtutuunan mo ng pansin ang dalawang gawaing pupukaw sa iyong interes.
Bukod dito, ipakikita sa mga gawaing ito ang iyong dati nang alam tungkol sa
heograpiya, gayon din ang antas ng kahandaan ng bawat isa sa mga paksang
nakaloob dito. Simulan mo na.

Gawain 1. GEOpardy!

Suriin ang kasunod na GEOpardy board. Pagkatapos, bumuo ng tanong na


ang sagot ay salita o larawang makikita sa GEOpardy board. Isulat sa sagutang
papel ang nabuong tanong at ang sagot nito.

Pacific Ocean Antarctica gubat

lahing Austronesian globo bundok

compass bagyo Tropikal

Halimbawa:

Ano ang pinakamalaking karagatan sa buong daigdig?


(Pacific Ocean)

8
Gawain 2. Graffiti Wall 1

Isulat sa Graffiti Wall 1 ang iyong sariling ideya tungkol sa tanong sa ibaba.
Masasagot ito sa anyo ng pangungusap o guhit.

Paano maipapakita ang pag-unawa sa kahalagahan ng mga


pamanang ipinagkaloob ng mga sinaunang kabihasnang
nagtagumpay sa hamong dulot ng kapaligiran nito?

Sa pagbabalik-tanaw sa mga nalalaman mo tungkol sa daigdig,


sisimulan ang pagtalakay sa mga konsepto at klasipikasyon ng heograpiya
bilang asignatura. Bukod dito,tatalakayin ang katangiang heograpikal ng
daigdig bilang planeta at tirahan ng lahat ng organismo, kabilang ang tao.
Sasagutan mo rin ang mga mapanghamong gawaing magbibigay ng
karagdagan at wastong kaalaman tungkol sa heograpiya ng daigdig.

PAUNLARIN

Paksa: Katuturan at Limang Tema ng Heograpiya

Malaki ang bahaging ginagampanan ng heograpiya mula pa noong sinaunang


panahon hanggang sa kasalukuyan. Ang idinikta ng katangiang pisikal ng lugar kung
saan nanirahan ang mga sinaunang tao ang humubog sa kanilang pamumuhay.
Bagama’t hindi maitatangging nagdulot din ang heograpiya ng mapanghamong
sitwasyon sa buhay ng mga sinaunang tao, malaki pa rin ang naging epekto nito sa
pagkakaroon ng maayos na pamumuhay ng mga prehistorikong tao hanggang sa
tuluyang pagkakamit ng mauunlad na pamayanang tinawag na kabihasnan.

Nagmula ang salitang heograpiya sa wikang Greek na geo o daigdig at


graphia o paglalarawan. Samakatuwid, ang Heograpiya ay tumutukoy sa
siyentipikong pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig.

9
Ipinakikita sa Diyagram 1.1 ang saklaw ng pag-aaral ng heograpiya:

anyong lupa likas na yaman


HEOGRAPIYA at anyong tubig
flora (plant life)
klima at panahon fauna (animal life)
na
saklaw distribusyon at interaksyon ng tao at iba pang
ang organismo sa kapaligiran nito
http://digital-vector-maps.com/WORLD/GL-1068-Asia-
Globe.htm

Basahin at unawain ang teksto gayon din ang diyagram tungkol sa limang
tema ng heograpiya.

Taong 1984 nang binalangkas ang limang magkakaugnay na temang


heograpikal sa pangunguna ng National Council for Geographic Education at ng
Association of American Geographers. Layunin ng mga temang ito na gawing mas
madali at simple ang pag-aaral ng heograpiya bilang isang disiplina ng agham
panlipunan. Sa tulong ng mga temang ito, mas madaling mauunawaan ng tao ang
daigdig na kaniyang ginagalawan. Unawain ang kasunod na diyagram.

Diyagram 1.2 – Limang Tema ng Heograpiya

10
Limang Tema ng Heograpiya
Lokasyong Absolute na gamit ang
mga imahinasyong guhit tulad ng
latitude line at longitude line na
Lokasyon: Tumutukoy sa kinaroroonan bumubuo sa grid. Ang pagkukrus ng
ng mga lugar sa daigdig dalawang guhit na ito ang tumutukoy
sa eksaktong kinaroroonan ng isang
na may dalawang lugar sa daigdig
pamamaraan sa pagtukoy
Relatibong Lokasyon na ang batayan
ay mga lugar at bagay na nasa
paligid nito. Halimbawa ang mga
Lugar: Tumutukoy sa mga katangiang anyong lupa at tubig, at mga
natatangi sa isang pook estrukturang gawa ng tao

na may dalawang Katangian ng kinaroroonan tulad ng


pamamaraan sa pagtukoy klima, anyong lupa at tubig, at likas
na yaman
Katangian ng mga taong naninirahan
tulad ng wika, relihiyon, densidad o
dami ng tao, kultura, at mga
Rehiyon: Bahagi ng daigdig na
sistemang politikal
pinagbubuklod ng magkakatulad na
katangiang pisikal o kultural
Kapaligiran bilang pinagkukunan ng
pangangailangan ng tao; gayon din
Interaksiyon ng Tao at Kapaligiran: ang pakikiayon ng tao sa mga
ang kaugnayan ng tao sa pisikal na pagbabagong nagaganap sa
katangiang taglay ng kaniyang kaniyang kapaligiran
kinaroroonan
may tatlong uri
Paggalaw: ang paglipat ng tao mula ng distansiya ang isang lugar
sa kinagisnang lugar pa tungo sa ibang
lugar; kabilang din dito ang paglipat ng
mga bagay at likas na pangyayari,
(Linear) Gaano kalayo ang isang lugar?
tulad ng hangin at ulan (Time) Gaano katagal ang paglalakbay?
(Psychological) Paano tiningnan
ang layo ng lugar?

11
Gawain 3. Tukoy-Tema-Aplikasyon
Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na mga pangungusap. Pansinin ang
bawat sitwasyon tungkol sa lokasyon, lugar, rehiyon, interaksiyon ng tao at
kapaligiran, at paggalaw.

1. May tropikal na klima ang Pilipinas.


2. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng Pacific Ocean, timog ng Bashi
Channel, at silangan ng West Philippine Sea.
3. Ang pangingisda ay isang aktibong kabuhayan ng mga Pilipino dahil
napalilibutan ng dagat ang bansa.
4. Libo-libong Pilipino ang nangingibang-bansa sa Australia at New Zealand
upang magtrabaho.
5. Kasapi ang Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations.
6. Ang lumalaking populasyon sa National Capital Region sa Pilipinas ang
nagbigay-daan upang patuloy na pagtuunan ng pansin ang pagpapaunlad ng
sistema ng transportasyon at ng pabahay sa kalungsuran.
7. Ang mataas na antas ng teknolohiya ay nagpabilis sa pagpunta ng tao sa
mga bansang may magagandang pasyalan.
8. Islam ang ang opisyal na relihiyon ng mga mamamayan ng Saudi Arabia.
9. Ang Singapore ay nasa 1º 20ʹ hilagang latitud at 103º 50ʹ silangang longhitud.
10. Español ang wikang ginagamit ng mga mamamayan sa Mexico.

Sa pagpapatuloy ng gawaing ito, pumili ng isang bansa na bibigyang-pansin


ng iyong kapangkat. Suriin ang kalagayang heograpikal ng napiling bansa sa tulong
ng mga kongkretong halimbawang naaayon sa limang tema ng heograpiya. Gamitin
ang Flower Chart sa pagsagot sa gawain.

[Lugar]

[Lokasyon] [Rehiyon]
[Bansa]

[Interaksyon ng tao
[Paggalaw]
at kapaligiran]

Pamprosesong Tanong

1. Magbigay ng sariling reaksiyon tungkol sa heograpiya ng bansang napili ayon


sa limang tema nito.
2. Bakit magkakaugnay ang limang tema ng heograpiya sa pag-aaral ng
katangiang pisikal ng bansa?
3. Paano nakatulong ang mga temang ito sa iyong pag-unawa sa heograpiya ng
isang bansa?

12
Pagkaraan matutuhan ang heograpiya bilang isang konsepto, susunod
na tatalakayin ang katangiang pisikal ng daigdig. Sa paksang ito, higit na
mauunawaan ang heograpiya ng daigdig bilang nag-iisang planeta sa solar
system na maaaring tirahan ng tao at ng lahat ng nabubuhay na organismo.
Simulan mo na.

Paksa: Ang Katangiang Pisikal ng Daigdig

http://en.wikipedia.org/wiki/File:Planets2013.jpg

Nasaan ang planetang daigdig sa solar system? Ano ang iyong masasabi sa
posisyon ng daigdig sa solar system?

Isa ang daigdig sa walong planetang umiinog sa isang malaking bituin, ang
araw. Bumubuo sa tinatawag na solar systemang mga ito. Ang lahat ng buhay sa
daigdig – halaman, hayop, at tao – ay kumukuha ng enerhiya mula sa araw. Gayon,
halos lahat sa kalikasan at kapaligiran – mula sa hangin, alon, ulan, klima, at
panahon – ay naaapektuhan ng araw.Mahalaga rin ang sinag ng araw sa mga
halaman upang mabuhay at maganap ang photosynthesis. Samantala, ang mga
halamang ito ay nagbibigay ng oxygen na mahalaga sa lahat ng nilalang. Ang
pagkakaroon ng buhay sa daigdig ay masasabing dulot ng tiyak na posisyon nito sa
solar system, patunay na ang pag-inog nito sa sariling aksis at ang paglalakbay
paikot sa araw bawat taon.

Ipinakikita sa Diyagram 1.3 ang estruktura ng daigdig.

13
Ang daigdig ay binubuo ng crust,ang
matigas at mabatong bahagi ng planetang
ito. Umaabot ang kapal nito mula 30-65
kilometro (km) palalim mula sa mga
kontinente. Subalit sa mga karagatan, ito
ay may kapal lamang na 5-7 km.

Ang mantle ay isang patong ng mga


batong napakainit kaya malambot at
natutunaw ang ilang bahagi nito.

Tinatawag na core ang kaloob-loobang


http://www.rocksandminerals4u.com/earths_interio
r.html
bahagi ng daigdi na binubuo ng mga metal
tulad ng iron at nickel.

Ang daigdig ay may


plate o malalaking Estruktura ng Daigdig
masa ng solidong bato
na hindi nananatili sa
posisyon. Sa halip, ang
mga ito ay gumagalaw
na tila mga balsang
inaanod sa mantle.
http://en.wikipedia.org/wiki/Plate_t
ectonics

Ang daigdig ay may apat na hating-


globo (hemisphere): Ang Northern
Hemisphere at Southern
Hemisphere na hinahati ng equator,
at ang Eastern Hemisphere at
Western Hemisphere na hinahati ng
http://www.studyzone.org/testprep/ss5/b/c
Prime Meridian. omcontocheml.cfm

Napakabagal ng paggalaw ng mga plate na Sa katunayan,


umaabot lamang sa 5 sentimetro (2 pulgada) bawat taon. Paano nakaaapekto
Gayunpaman, ang paggalaw at ang pag-uumpugan ng mga ito ang mga plate sa
ay napakalakas at nagdudulot ng mga paglindol, pagputok ng pagbabago ng
mga bulkan, at pagbuo ng mga kabundukan tulad ng hitsura ng ibabaw ng
Himalayas. Ito rin ang makapagpapaliwanag kung bakit sa loob
daigdig?
ng milyon-milyong taon, ang posisyon ng mga kontinente sa
daigdig ay nagbabago-bago.

Talahanayan 1.1: Ilang Mahalagang Kaalaman Tungkol sa Daigdig

Tinatayang Bigat (mass) 5.9736 x 1024 kg


Tinatayang Edad 4.6 bilyong taon
Populasyon (2009) 6,768,167,712
Kabuuang Lawak ng Ibabaw ng Daigdig 510,066,000 kilometro kuwadrado (km2)
Lawak ng Kalupaan 148,258,000 km kwd (29.1%) (km2)

14
Lawak ng Karagatan 335,258,000 km kwd (km2)
Pangkalahatang Lawak ng Katubigan 361,419,00 km kwd (70.9%) (km2)
Uri ng Tubig 97% alat, 3% tabang
Circumference o Kabilugan sa Equator 40,066 km
Circumference o Kabilugan sa Poles 39,992 km
Diyametro sa Equator 12,753 km
Diyametro sa Poles 12,710 km
Radius sa Equator 6,376 km
Radius sa Poles 6,355 km
Bilis ng Pag-ikot Lumiligid ang daigdig paikot sa araw sa
bilis na 66,700 milya bawat oras (mph),
107,320 km bawat oras
Orbit sa Araw Lumiligid ang daigdig paikot sa araw sa
loob ng 365 araw, limang oras, 48
minuto at 46 na segundo

Longitude at Latitude
Sa pagtatakda ng lokasyon ng isang lugar sa globo o mapa, mahalagang
mabatid ang ilang termino at konseptong may malaking kaugnayan dito. Sa
pamamagitan ng pagbibigay ng longitude at latitude ng isang lugar, maaaring
matukoy ang lokasyon nito sa globo o mapa sa paraang absolute, astronomical, o
tiyak.
Ipinakikita sa Diyagram 1.3 ang mahahalagang imahinasyong guhit na
matatagpuan sa mapa o globo.
Ang 180 degrees longitude mula sa
Tinatawag na longtitude ang Ang Prime Meridian na Prime Meridian, pakanluran man o
distansiyang angular na nasa Greenwich sa pasilangan, ang International Date
nasa pagitan ng dalawang England ay itinatalaga Line na matatagpuan sa kalagitnaan
meridian patungo sa bilang zero degree ng Pacific Ocean. Nagbabago ang
kanluran ng Prime Meridian. longitude. pagtatakda ng petsa alinsunod sa
Ito rin ang pagtawid sa linyang ito, pasilangan o
mga bilog (great pakanluran.
circles) na
tumatahak
mula sa North Pole
patungong South
Pole.

http://www.learner.org/jnorth/tm/mclass/
http://images.yourdictionary.com/internatio
Glossary.html
http://www.avontrail.ca/coordinates.html nal-date-line

15
Tinatawag na latitude Ang equator ang Ang Tropic of Cancer ang pinaka -
ang distansyang humahati sa globo sa dulong bahagi ng Northern Hemisphere
angular sa pagitan ng hilaga at timog na direktang sinisikatan ng araw.
dalawang parallel hemisphere o hemispero. Makikita ito sa 23.5o hilaga ng equator.
patungo sa hilaga o Ito rin ay itinatakdang
timog ng equator. zero degree latitude.
Ang Tropic of Capricorn ay ang
pinakadulong bahagi ng Southern
Hemisphere na direkta ring
sinisikatan ng araw. Matatagpuan ito
sa 23.5o timog ng equator.

Gawain 4. KKK GeoCard Completion

Panuto: Gumawa ng sariling KKK GeoCard batay sa kasunod na format.


Kumpletuhin ang KKK (Kataga-Kahulugan-Kabuluhan) GeoCard na may kaugnayan
sa katangiang pisikal ng daigdig. Isulat sa unang bahagi ng KKK GeoCard ang
kataga na nasa loob ng kahon. Sa ikalawang bahagi, isulat ang kahulugan ng
nakatalang salita. Sa ikatlong bahagi, itala ang kabuluhan ng naturang kataga sa
pamamagitan ng pagsagot sa tanong na:

Paano nakaiimpluwensiya/nakaaapekto ang naturang konsepto sa buhay ng tao at iba


pang nabubuhay na organismo sa daigdig sa kasalukuyan?

G Mga Kataga:
K 1. Planetang Daigdig
E
O 2. mantle
C 3. plate
A 4. pagligid sa araw
R 5. longtitude at latitude
K
D

http://www.qldaccommodation.com/t
Ang Klima ag/alaska

Ang daigdig ang tanging planeta sa solar system na kayang


makapagpanatili ng buhay. Ang malaking bahagi ng ating planeta
ay may kaaya-ayang atmospera at sapat na sinag ng araw, init at
tubig upang matustusan ang pangangailangan ng mga halaman at
hayop sa balat ng lupa.
Mahalaga ang papel ng klima, ang kalagayan o kondisyon
ng atmospera sa isang rehiyon o lugar sa matagal na panahon.
Pangunahing salik sa pagkakaiba-iba ng mga klima sa daigdig
ang natatanggap na sinag ng araw ng isang lugar depende sa latitude at gayon din
sa panahon, distansiya mula sa karagatan, at taas mula sa sea level.

16
Ang mga lugar na malapit sa equator ang nakararanas ng pinakasapat na
sinag ng araw at ulan na nararanasan sa buong daigdig. Dahil dito, maraming
habitat o likas na tahanang nagtataglay ng iba’t ibang species ng halaman at hayop
ang matatagpuan sa mga lugar na ito. Kabilang sa mga ito ay ang mga rainforest,
coral reef, at mangrove swamp. Kapag bihira naman ang pag-ulan at napakainit ng
panahon sa isang pook, tulad ng disyerto, kakaunti ang maaaring mabuhay na mga
halaman at hayop dito. Ganito rin ang maaaring asahan sa mga lugar na lubhang
napakalamig ng panahon.

Gawain 5. Dito sa Amin.


Suriing mabuti ang kasunod na diyagram. Tukuyin ang lugar na inilalarawan
sa mapa. Kumpletuhin ang pahayag sa call out. Magsaliksik ng impormasyon
tungkol sa klima at yamang likas ng lugar na kinaroroonan ng diyagram. Buuin ang
pangungusap sa ilalim na bahagi ng diyagram.

Ako si _____________________________. Narito ako


sa ___________________________________________

Ang klima dito ay

Ang mga likas


na yaman dito
ay
____________
_________

Batay sa taglay na klima at likas na ________________________


yaman ng aming lugar, ang ________________________
pamumuhay dito sa amin ay
________________________

Pamprosesong Tanong

1. Ano ang klima?


2. Bakit nagkakaiba-iba ang klima sa iba’t ibang panig ng daigdig?
3. Ano ang kaugnayan ng klima sa mga likas na yaman na matatagpuan sa
lugar?
4. Paano nakaaapekto ang klima sa pamumuhay ng tao sa isang lugar?
5. Bakit malaki ang bahaging ginagampanan ng klima at likas na yaman sa pag-
unlad ng kabuhayan ng tao mula noon hanggang ngayon?

17
Ang mga Kontinente

Tinatawag na kontinente ang pinakamalawak na masa ng lupa sa ibabaw ng


daigdig.May mga kontinenteng magkakaugnay samantalang ang iba ay
napapalibutan ng katubigan.

Ayon kay Alfred Wegener, isang German na nagsulong ng Continental Drift


Theory, dati ng magkakaugnay ang mga kontinente sa isang super kontinente na
Pangaea. Dahil sa paggalaw ng continental plate o malaking bloke ng bato kung
saan nakapatong ang kalupaan, nagkahiwa-hiwalay ang Pangaea at nabuo ang
kasalukuyang mga kontinente.

Paano nabuo ang mga kontinente ng daigdig? Pag-aralan ang


Diyagram1.4 na nasa ibaba na tungkol sa Continental Drift Theory.

240 milyong taon – Mayroon lamang isang


super continent na tinawag na Pangaea na
pinaliligiran ng karagatang tinawag na
Panthalassa Ocean.

200 milyong taon – Nagsimulang


maghiwalay ang kalupaan ng Pangaea
hanggang sa mahati sa dalawa: Laurasia sa
Northern Hemisphere at Gondwana sa
http://geology.com/pangea.htm Southern Hemisphere.

Sa kasalukuyan – Unti-unti ang paggalaw 65 milyong taon – Nagpatuloy ang


ng mga kontinente. Tinatayang 2.5 paghihiwalay ng mga kalupaan.
sentimetro ang galaw ng North America at Mapapansin ang India na unti-unting
Europe bawat taon. dumidikit sa Asya.

May mga kontinenteng nagtataglay ng marami. May pitong kontinente ang


daigdig – Africa, Antarctica, Asya, Europe, North America, at South America at
Australia. Sa mga estadistika, ang karaniwang isinasama sa Australia ang Oceania
tumutukoy sa mga bansa at pulo sa Micronesia, Melanesia, at Polynesia.

Ipinakikita sa Diyagram 1.5 ang mapa at mahahalagang datos ng mga


kontinente ng daigdig.

18
http://geology.com/pangea.htm

Nagmumula sa Africa ang malaking


suplay ng ginto at diyamante. Naroon din ang
Nile River na pinakamahabang ilog sa buong
daigdig, at ang Sahara Desert,na
pinakamalaking disyerto. Ang Africa ang
nagtataglay ng pinakamaraming bansa kung
ihahambing sa ibang mga kontinente.
http://en.wikipedia.org/wiki/File:Africa_(orthograp
hic_projection).svg

Samantala, ang Antarctica ang tanging


kontinenteng natatakpan ng yelo na ang kapal
ay umaabot ng halos 2 km. (1.2 milya). Dahil
dito, walang taong naninirahan sa Antarctica
maliban sa mga siyentistang nagsasagawa ng
pag-aaral tungkol dito. Gayunpaman, sagana
sa mga isda at mammal ang karagatang
nakapalibot dito.
http://en.wikipedia.org/wiki/File:Antarctica_(ortho
graphic_projection).svg

Pinakamalaking kontinente sa mundo


ang Asya. Sinasabing ang sukat nito ay mas
malaki pa sa pinagsamang lupain ng North at
South America, o sa kabuuang sukat ng Asya
ay tinatayang sangkatlong (1/3) bahagi ng
kabuuang sukat ng lupain ng daigdig. Nasa
Asya rin ang China na may pinakamalaking
populasyon sa daigdig at ang Mt. Everest na
http://en.wikipedia.org/wiki/File:Asia_orthograph
ic Projection).svg
pinakamataas na bundok sa pagitan ng
Sagamartha Zone sa Nepal at Tibet sa China.

Samantala, ang laki ng Europe ay


sangkapat (1/4) na bahagi lamang ng kalupaan
ng Asya. Ito ang ikalawa sa pinakamaliit na
kontinente ng daigdig sa lawak na halos 6.8%
ng kabuuang lupa ng daigdig.

http://en.wikipedia.org/wiki/File:Europe_orthograp
hic_Caucasus_Urals_boundary.svg

19
Ang Australia ay isang bansang
kinikilala ring kontinenteng pinakamaliit sa
daigdig. Napalilibutan ito ng Indian Ocean at
Pacific Ocean,at inihihiwalay ng Arafura Sea at
Timor Sea. Dahil sa mahigit 50 milyong taong
pagkakahiwalay ng Australia bilang isang
kontinente, may mga bukod tanging species ng
hayop at halaman na sa Australia lamang
matatagpuan.Kabilang dito ang kangaroo,
wombat, koala,Tasmanian devil, platypus, at
iba pa.

Ang North America ay may hugis na


malaking tatsulok subalit mistulang pinilasan
sa dalawang bahagi ng Hudson Bay at Gulf of
Mexico. Dalawang mahabang kabundukan ang
matatagpuan sa kontinenteng ito – ang
Applachian Mountains sa silangan at Rocky
Mountains sa kanluran.

Gayundin, ang South America ay hugis


tatsulok na unti-unting nagiging patulis mula sa
bahaging equator hanggang sa Cape Horn sa
katimugan. Ang Andes Mountains na may
habang 7,240 km (4,500 milya) ay sumasakop
sa kabuuang baybayin ng South America.

Talahanayan 1.2 – Ang Ilang Datos Tungkol sa Pitong Kontinente.

Tinatayang Bilang
Kontinente Lawak (km²) Populasyon ng
(2009) Bansa
Asya 44,614,000 4,088,647,780 44
Africa 30,218,000 990,189,529 53
Europe 10,505,000 728,227,141 47
North America 24,230,000 534,051,188 23
South America 12,814,000 392,366,329 12
Antarctica 14,245,000 -NA- 0
Australia at Oceania 8,503,000 34,685,745 14

20
Karagdagan sa natutuhan mo tungkol sa mga kontinente ng
daigdig, ipinaliliwanag sa ibaba ang mala-jigsaw puzzle na hugis ng
South America at Africa, at ang bahaging ginagampanan ng daan-
daang bulkan sa rehiyong tinatawag na Pacific Ring of Fire.

Kung susuriin ang


isang mapa, mapapansing
ang mga baybayin ng
silangang bahagi ng South
America at kanlurang bahagi
ng Africa ay tila lapat at
akma sa isa’t isa na parang
mga piraso ng isang
malaking jigsaw puzzle. Ito
ay sa kadahilanang dating
magkaugnay ang dalawang
lupaing ito. Habang
tumatagal, patuloy pa rin
ang proseso ng paglawak
ng karagatan sa pagitan nito
at ang paglayo ng dalawang
nasabing kontinente. Ang phillipriley.comswiki.wikispaces.net
paliwang na ito ay batay sa
Continental Drift Theory.

Ang malawakang hangganan ng Asya, North America, at South America


ay matatagpuan sa Pacific Ring of Fire. Saklaw nito ang kanlurang hangganan
ng South America at North America patungong hilaga sa Aleutian Islands ng
Alaska, pababa sa silangang hangganan ng Asya hanggang New Zealand sa
Timog Oceania. Tinatawag itong Ring of Fire dahil matindi ang pagputok ng
bulkan at paglindol sa rehiyong ito bunga ng pag-uumpugan ng mga tectonic
plate o tipak ng crust ng daigdig kung saan nakapatong ang mga naturang
kontinente.

Sa kasaysayan, tinatayang may 540 bulkan na ang pumutok at 75% sa mga


ito ay nasa Pacific Ring of Fire. Ilan sa mga bulkan sa Pacific Ring of Fire na
pumutok at nagdulot ng malaking pinsala, ang Tambora noong nagdulot ng (92,000
ang namatay); Krakatoa noong 1883 (36,000 ang namatay); at Mt. Pelee noong
1902 (30,000 ang namatay). Samantala, ilan sa mga bansang labis na napinsala ng
malalakas na lindol ang China noong 1556 (830,000 ang namatay) at 1976 (242,000
ang namatay); Japan noong 1923 (143,000 ang namatay); Sumatra noong 2004
(227,898 ang namatay); at Haiti noong 2010 (222,570 ang namatay).

Gawain 6. Three Words in One


Saang kontinente matatagpuan ang mga pook/ hayop na tinutukoy sa bawat bilang?
Isulat ang sagot sa kahon.

21
1. 2.
Nile Sahara Hudson Appalachian
River Desert Bay Mountains

Egypt Rocky
Mountains

3.
4.
Andes Cape K-2 Lhotse
Mountains Horn

Argentina Tibet

5. 6.
Kangaroo Tasmanian Iberian Balkan
Devil Peninsula Peninsula

Micronesia Italy

Pamprosesong Tanong

1. Ano ang mga katangi-tanging paglalarawan sa bawat kontinente?


2. Sa anong aspekto nagkakatulad o nagkakaiba ang mga kontinente?
3. Bakit mahalagang pag-aralan ang mga paglalarawan tungkol sa mga
kontinente ng daigdig?

Mga Anyong Lupa at Anyong Tubig

Tinatawag na topograpiya ang pisikal na katangian ng isang lugar o rehiyon.


Sa pagdaan ng panahon, ang mga tao ay natutong makiangkop sa kanilang
kapaligiran.
Sa kasaysayan ng sangkatauhan, ang mga kauna-unahang kabihasnan ng
daigdig ay umusbong malapit sa mga lambak-ilog. Kabilang dito ang mga lambak ng
Tigris-Euphrates, Indus, Huang Ho sa Asya, at lambak-ilog ng Nile sa Africa.

22
Ang mga bulubunduking lugar ay kadalasang nagtataglay lamang ng maliit na
populasyon. Kapansin-pansing ang pinakamataas na bundok sa buong daigdig ay
matatagpuan sa Asya, tulad ng Everest (29,028 talampakan o 8,848 metro). Sa
Africa, pinakamataas ang Kilimanjaro (19,340 talampakan o 5,895 metro) at sa
Europe, ang Elbrus sa Russia (18,510 talampakan o 5,642 metro).
Tingnan ang Talahanayan 1.4.

Talahanayan 1.4 : Pinakamataas na BUndok ng Daigdig

Bundok Taas (sa metro) Lokasyon

Everest 8,848 Nepal/Tibet


K-2 8,611 Pakistan
Kangchenjunga 8,586 Nepal/India
Lhotse 8,511 Nepal
Makalu 8,463 Nepal/Tibet
Cho Oyu 8,201 Nepal/Tibet
Dhaulagiri 8,167 Nepal
Manaslu 8,163 Nepal
Nanga Parbat 8,125 Pakistan
Annapurna 8,091 Nepal

Matagal ding panahong apat na karagatan lamang ang kinilala sa daigdig:


Pacific, Atlantic, Indian, at Arctic. Noong 2000 lamang itinakda ng International
Hydrographic Organization ang isang panibagong karagatan na pumapalibot sa
Antarctica: ang Southern Ocean na umaabot hanggang 60o S latitude. Tingnan ang
Talahanayan 1.5 ang ilang katangian ng mga karagatan sa daigdig.

Talahanayan 1.5 : Mga Karagatan sa Daigdig

Lawak Average Pinakamalalim


Karagatan (sa kilometro na lalim na Bahagi
kuwadrado) (sa talampakan) (sa talampakan)

Pacific Ocean 155,557,000 12,926 Mariana Trench, 35,840


talampakang lalim

Atlantic Ocean 76,762,000 11,730 Puerto Rico Trench,


28,232 talampakang
lalim

Indian Ocean 68,556,000 12,596 Java Trench, 23,376


talampakang lalim

Southern Ocean 20,327,000 13,100 (4,000 - 5,000 metro)


16,400 talampakang
lalim, ang katimugang
dulo ng South Sandwich
Trench, 23,736

23
talampakang lalim
(7,235 metro)

Arctic Ocean 14,056,000 3,407 Eurasia Basin, 17,881


talampakang lalim

Matatagpuan sa mga karagatan ang ilang pinakamalalim na bahagi ng


daigdig, pangunahin sa talaan ang Challenger Deep sa Mariana Trench na nasa
kanlurang bahagi ng Pacific Ocean. Iba pang malalim na trench Puerto Rico Trench
sa Atlantic Ocean, Java Trench sa Indian Ocean, at Eurasia Basin sa Arctic Ocean.

Marami pang dagat na matatagpuan sa daigdig na kadalasang bahagyang


napaliligiran ng mga lupain. Pinakamalalaking dagat sa daigdig ang South China
Sea, Caribbean Sea, at Mediterranean Sea.

Mula sa Kasaysayan ng Daigdig ni Mateo et.al, edisyon 2012 (pp. 12-20)

Mababasa rin ang Project EASE (Effective Alternative Secondary


Education) AP III, Modyul 3 - Heograpiya ng Daigdig, pp. 1-40 upang higit na
mapagyaman ang sariling kaalaman tungkol sa heograpiya ng daigdig.

Gawain 7. Illustrated World Map

Punan ang mapa ng mga natatanging anyong lupa at tubig ng daigdig na


nasa loob ng kahon. Gamitin ang sumusunod na simbolo:

bundok disyerto
dagat,
look, golpo
bulubundukin ilog

phillipriley.comswiki.wikispaces
.net
24
Anyong Lupa Anyong Tubig

Greenland Nile River


Madagascar Amazon River
Borneo Yangtze River
Mt. Everest South China Sea
Mt. Kilimanjaro Mediterranean Sea
Sahara Desert Caribbean Sea
Himalayas Mountain Range Bering Sea
Andes Mountain Range Arabian Sea
Appalachian Mountain Range Bay of Bengal
Tibetan Plateau Hudson Bay
Scandanavian Peninsula Gulf of Mexico
Arabian Peninsula Persian Gulf

Pamprosesong Tanong

1. Ano ang halimbawa ng mga anyong lupa at tubig na makikita sa mapa?


2. Bakit maiuugnay ang pamumuhay ng tao sa anyong lupa o tubig na kanilang
pinaninirahan?
3. Paano nakaaapekto ang mga anyong lupa at tubig sa pag-unlad ng
kabuhayan ng tao?

Gawain 8. The Map Dictates …


Panuto: Gamit ang kasunod na mapa, kumpletuhin ang datos tungkol sa heograpiya
ng daigdig batay sa hinihingi ng sumusunod na mga pangungusap.

Lagyan ng bituin ang pitong kontinente ng daigdig.


Tukuyin ang tatlong malalaking pulo, dalawang kapuluan at isang
tangway.
Guhitan ng simbolong alon ( ) ang limang karagatan ng daigdig.
Tukuyin ang uri ng klima ng mga rehiyong may simbolong KL.
Magbigay ng halimbawa ng partikular na yaman ng mga lugar na may
simbolong YL. .
Iguhit ang karaniwang hayop na makikita sa lugar na may simbolong H.

25
Pamprosesong Tanong

1. Ano ang masasabi mo tungkol sa daigdig bilang isang planeta?


2. May epekto ba ang kalagayang pisikal ng daigdig sa mga organismo at tao?
Bakit mo ito nasabi?
3. Bakit mahalagang magkaroon ng kaalaman tungkol sa ating kapaligiran at sa
heograpiya ng daigdig sa pangkalahatan?

Pagkaraang pag-aralan ang pisikal na heograpiya ng daigdig, isunod


ang pagbibigay-tuon sa ikalawang sangay ng heograpiya – ang heograpiyang
pantao. Simulan mo na.

Paksa: Heograpiyang Pantao

Saklaw ng heograpiyang pantao (human geography) ang pag-aaral ng wika,


relihiyon, lahi, at pangkat-etniko sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

Wika

Itinuturing ang wika bilang kaluluwa ng isang kultura. Nagbibigay ito ng


pagkakakilanlan o identidad sa mga taong kabilang sa isang pangkat. May 7,105
buhay na wika sa daigdig na ginagamit ng mahigit 6,200,000,000 katao. Nakapaloob
ang mga wikang ito sa tinatawag na language family o mga wikang magkakaugnay
at may iisang pinag-ugatan. Tinatayang may 136 language family sa buong daigdig.
Ang mga pamilya ng wikang ito ay nagsasanga-sanga sa iba pang wikang ginagamit
sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Ipinakikita sa talahanayan 1.6 ang ilan sa mga
pangunahing pamilya ng wika sa daigdig.

Talahanayan 1.6 Mga Pangunahing Pamilya ng Wika sa Daigdig


Algeria, Bahrain, Cameroon, Chad,
Cyprus, Egypt, Eritrea, Ethiopia,
Georgia, Iran, Iraq, Israel, Jordan,
Kenya, Libya, Mali, Malta,
Afro-Asiatic 366 5.81 Mauritania, Morocco, Niger,
Nigeria, Oman, Palestine, Saudi
Arabia, Somalia, Sudan, Syria,
Tajikistan, Tanzania, Tunisia,
Turkey, United Arab Emirates,
Uzbekistan, at Yemen
Brunei, Cambodia, Chile, China,
Cook Islands, East Timor, Fiji,
French Polynesia, Guam,
Indonesia, Kiribati, Madagascar,
Malaysia, Marshall Islands,
Mayotte, Micronesia, Myanmar,
Austronesian 1,221 5.55 Nauru, New Caledonia, New
Zealand, Niue, Northern Mariana

26
Islands, Palau, Papua New
Guinea, Philippines, Samoa,
Solomon Islands, Suriname,
Taiwan, Thailand, Tokelau, Tonga,
Tuvalu, United States, Vanuatu,
Viet Nam, Wallis at Futuna
Afghanistan, Albania, Armenia,
Austria, Azerbaijan, Bangladesh,
Belarus, Belgium, Bosnia and
Herzegovina, Brazil, Bulgaria,
Canada, China, Croatia, Czech
Republic, Denmark, Fiji, Finland,
France, Germany, Greece,
Iceland, India, Iran, Iraq, Ireland,
Isle of Man, Israel, Italy, Latvia,
Indo-European 436 46.77 Lithuania, Luxembourg, Mace-
donia, Maldives, Myanmar, Nepal,
Netherlands, Norway, Oman,
Pakistan, Peru, Poland, Portugal,
Romania, Russian Federation,
Serbia, Slovakia, Slovenia, South
Africa, Spain, Sri Lanka, Suriname,
Sweden, Switzerland, Tajikistan,
Turkey, Ukraine, United Kingdom,
United States, Vatican State, at
Venezuela
Angola, Benin, Botswana, Burkina
Faso, Burundi, Cameroon, Central
African Republic, Chad, Comoros,
Congo, Côte d’Ivoire, Cuba,
Democratic Republic of the Congo,
Niger-Congo 1,524 6.91 Equatorial Guinea, Gabon,
Gambia, Ghana, Guinea, Guinea-
Bissau, Kenya, Lesotho, Liberia,
Malawi, Mali, Mayotte,
Mozambique, Namibia, Niger,
Nigeria, Rwanda, Senegal, Sierra
Leone, Somalia, South Africa,
South Sudan, Sudan, Swaziland,
Tanzania, Togo, Uganda, Zambia,
at Zimbabwe
Bangladesh, Bhutan, China, India,
Sino-Tibetan 456 20.34 Kyrgyzstan, Laos, Myanmar,
Nepal, Pakistan, Thailand, at Viet
Nam
Pinagkunan: http://www.ethnologue.com/statistics/family

27
Relihiyon

Mabibigyang-kahulugan ang relihiyon bilang kalipunan ng mga paniniwala at


rituwal ng isang pangkat ng mga taong tungkol sa isang kinikilalang
makapangyarihang nilalang o Diyos. Nagmula ito sa salitang religare na
nangangahulugang “buuin ang mga bahagi para maging magkakaugnay ang
kabuuan nito.” Dahil sa mga paniniwalang nakapaloob sa sistema ng isang relihiyon,
ay nagiging batayan ito ng pagkilos ng tao sa kaniyang pang-araw-araw na
pamumuhay.
Kahit ang ating mga ninuno ay mayroon nang sistema ng mga paniniwala na
nagsisilbing-gabay sa kanilang pamumuhay. Ngunit hindi ito katulad ng mga
relihiyon sa kasalukuyan na may organisado at sistematikong mga doktrina. Sa
kasaysayan ng daigdig, naging malaki ang bahaging ginampanan ng relihiyon sa
buhay ng tao, bilang indibidwal at kasapi ng isang lipunan. Naging malaking salik ito
sa pagtatag at pagbagsak ng mga kaharian, at pagkasawi ng maraming buhay.
Dahilan din ito ng pag-unlad at pag-iral ng mga kultura. Hanggang sa kasalukuyan,
nananatiling malaking bahagi ng buhay ng tao ang relihiyon.
Makikita sa pie graph ang mga pangunahing relihiyon sa daigdig at ang
bahagdan ng dami ng tagasunod ng mga ito.

Mga Pangunahing Relihiyon sa Daigdig


11.44%
Kristiyanismo
11.67% 31.59% Islam
7.10% Hinduismo
15% Budismo
23.20%
non-religious
iba pa

Pinagkunan: The World Factbook 2012

Lahi/Pangkat-Etniko

Tila isang malaking mosaic ang daigdig dahil na rin sa maraming natatanging
paglalarawan at katangian ng mga naninirahan dito. Isang batayan nito ang race o
lahi na tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang pangkat ng mga tao, gayondin ang
pisikal o bayolohikal na katangian ng pangkat.Maraming eksperto ang bumuo ng ibat
ibang klasipikasyon ng mga tao sa daigdig, ngunit marami rin ang nagsabing
nagdulot ito ng kontrobersiya sapagkat maaaring magpakita rin ito ng maraming
diskriminasyon..
Sa kabilang banda, ang salitang “etniko” ay nagmula sa salitang Greek na
ethnos na nangangahulugang “mamamayan.” Ang mga miyembro ng pangkat-etniko
ay pinag-uugnay ng magkakatulad na kultura, pinagmulan, wika, at relihiyon kaya
naman sinasabing maliwanag ang kanilang sariling pagkakakilanlan.

Sa hudyat ng guro, sagutin ang mga gabay na tanong.

28
1. Ano ang ibig sabihin ng heograpiyang pantao? Ano ang pagkakaiba nito sa
pisikal na heograpiya?
2. Ano-ano ang saklaw ng heograpiyang pantao? Ipaliwanag ang bawat isa.
3. Bakit mahalagang pag-aralan ang heograpiyang pantao?
4. Paano nakaaapekto ang heograpiyang pantao sa pagkakakilanlan ng
indibiduwal o isang pangkat ng tao?
5. Paano magiging instrumento ang heograpiyang pantao sa pagkakaisa ng
mga tao sa daigdig?

Gawain 9. Crossword Puzzle


Buuin ang puzzle tungkol sa heograpiyang pantao sa pamamagitan ng
pagtukoy sa inilalarawan ng bawat bilang.

Pahalang Pababa
1. Kaluluwa ng kultura 2. Relihiyong may pinakamaraming
3. Sistema ng mga paniniwala at tagasunod
rituwal 4. Pamilya ng wikang may
7. Pagkakakilanlang biyolohikal pinakamaraming
ng pangkat ng tao taong gumagamit
9. Pamilya ng wikang Filipino 5. Salitang-ugat ng relihiyon
10. Matandang relihiyong umunlad sa 6. Salitang Greek ng “mamamayan”
India 8. Pangkat ng taong may iisang kultura
at pinagmulan

1 2
3 4

5 6

7 8

10

PAGNILAYAN/UNAWAIN
Sa bahaging ito, ang mga tinalakay na paksa tungkol sa pisikal na
katangian at heograpiyang pantao ng daigdig ay bibigyan ng malalim na
pagtalakay sa tulong ng mga nakalaang gawain. Maipakikita rito ang
pagbibigay ng kabuluhan sa paghubog ng heograpiya sa kabuhayan at
pamumuhay ng tao.

29
Gawain 10. My Travel Reenactment
Bumuo ng limang pangkat at sundin ang sumusunod na mga hakbang:

1. Makibahagi sa talakayan ng iyong pangkat tungkol sa hindi malilimutang


paglalakbay sa isang lugar.
2. Pumili ng isang katangi-tanging kuwento ng paglalakbay.
3. Bumuo ng isang pangkatang kuwento.
4. Tiyaking nakapaloob sa kuwento ang mahahalagang konsepto o kaalamang
tinalakay tungkol sa pisikal na heograpiya ng daigdig.
5. Pagkatapos, isadula ang kuwento ng paglalakbay habang isinasalaysay ito.
6. Maaaring gumamit ang pangkat ng improvised props at kasuotan.
7. Isaalang-alang sa pagmamarka ng gawaing ito ang sumusunod na rubric:

Rubric sa Pagmamarka ng My Travel Reenactment


Pamantayan Deskripsiyon Puntos
Angkop ang pagsasalaysay sa paksang
Pagsasalaysay tinalakay; nakapaloob ang tatlo o higit pang 10
kaalaman ng aralin; madaling unawain ang
pagkakasulat ng kuwento; malinaw ang
pagbasa ng pagsasalaysay habang
isinasagawa ang pagsasadula
Magaling ang pagsasadula ng kuwento;
Pagsasadula mahusay na naipakita ng mga tauhan ang 10
kanilang pag-arte; kapani-paniwala ang
kanilang pagganap
Gumamit ng angkop na props at kasuotan sa
Pagkamalikhain pagsasadula; orihinal at makatotohanan ang 5
ginawang pagsasadula
Kabuuan 25

Pamprosesong Tanong

1. Tungkol saan ang ipinakitang dula ng iyong pangkat?


2. Anong konsepto ang maiuugnay sa binasang kuwento at isinagawang dula?
3. Paano pinatunayan sa dula ang kaugnayan ng pisikal na heograpiya at
pamumuhay ng tao?
4. Bakit mahalagang magkaroon ng kaalaman tungkol sa pisikal na katangian ng
daigdig?
5. Anong linya o pahayag sa kuwento ang nakapukaw sa iyong interes? Bakit
nagging interesante ito para sa iyo?

Gawain 11. Modelo ng Kultura

Bumuo ng anim na pangkat at talakayin ang heograpiyang pantao ng bansang


inyong napili. Sundin ang sumusunod na panuto para sa gawaing ito.

1. Gupitin ang manila paper na kahugis ng isang damit o kasuotan.

30
2. Sulatan ang “kasuotan” ng mga impormasyon o guhitan ito ng mga simbolo at
bagay na tumutukoy sa lahi, wika at relihiyon ng bansang pinili ng iyong
pangkat.
3. Sa hudyat ng guro, ipasuot sa isang miyembro ng pangkat ang nabuong
kasuotan.
4. Ipakita ang kasuotan sa harap ng klase, tulad sa isang fashion show.
5. Pumili ng 1-2 miyembro ng pangkat na magpapaliwanag sa disenyo ng
kasuotang suot ng kapangkat.
6. Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Markahan din ang gawaing ito
batay sa ibinigay na rubric.

Pamprosesong Tanong

1. Ano ang kaugnayan ng mga impormasyon, simbolo, at bagay na makikita sa


kasuotan sa lahi, relihiyon, at wika ng napiling bansa?
2. Paano mailalarawan ang mga mamamayang naninirahan sa bansang pinili
ng iyong kapangkat?
3. Paano naipakita ang pagkakakilanlan ng mga mamamayan sa napiling bansa
batay sa gawain?
4. Bakit dapat pahalagahan ang heograpiyang pantao ng mga bansa?
5. Sa paanong paraan maipakikita ang paggalang sa ibang tao?

Rubric sa Pagmamarka ng Modelo ng Kultura


Pamantayan Deskripsiyon Puntos
Nilalaman Wasto ang impormasyong nakasulat at mga
ng Kasuotan bagay o simbolong nakaguhit sa damit; 10
nakapaloob ang tatlo o higit pang konsepto ng
aralin
Disenyo Malikhain ang gawang damit; angkop ang kulay
ng Kasuotan at laki ng mga nakasulat at nakaguhit sa damit; 10
malinaw ang mensahe batay sa disenyo
Mahusay ang isinagawang pagmomodelo sa
Pagmomodelo klase; akma ang kilos sa pangkat-etniko o 5
bansang kinakatawan ng modelo
Kabuuan 25

Sa pagtatapos ng aralin na ito, sagutin ang tanong na nasa itaas ng


bagong Graffiti Wall. Pagkatapos ay muling balikan ang naunang Graffitti
Wall at paghambingin ang dalawang sagot.

Paano maipakikita ang pag-unawa sa kahalagahan ng mga


pamanang ipinagkaloob ng mga sinaunang kabihasnang
nagtagumpay sa hamong dulot ng kapaligiran nito?

31
Aralin 2: Ang mga Sinaunang Tao

ALAMIN

Bago tuluyang maglakbay sa panahon ng mga sinaunang tao, marapat


na baunin mo ang mga impormasyong dati mo nang alam. Makatutulong ito sa
pag-unawa sa paksang kasunod na pag-aaralang.

Gawain 1. Kung Ikaw Kaya?

Isiping isa ka sa mga taong nabuhay sa daigdig noong sinaunang panahon.


Pumili sa mga kahon ng tatlong bagay na sa tingin mo’y makatutulong sa iyong pang
arw-araw na pamumuhay. Mahalagang maipaliwanag mo ang Dahilan ng iyong
pagpili.

apoy bato

kahoy banga

buto ng
hayop

Pamprosesong Tanong

1. Alin ang iyong mga pinili ?


2. Bakit ang mga bagay na ito ang iyong pinili?
3. Kaya mo bang mabuhay sa sinaunang panahong kung taglay mo ang
bagay na pinili? Ipaliwanag ang sagot.

Isunod ngayon ang pagbuo ng I-R-Chart upang matukoy ang iyong


nalalaman tungkol sa mga sinaunang tao.

Gawain 2. I-R-F (Initial-Refined-Final Idea) Chart

Isulat sa unang kolum ng chart ang sariling sagot sa tanong.

Paano umunlad ang pamumuhay ng tao


noong sinaunang panahon?
Alam Ko Ngayon Nadagdag Kong Ito Na Ang Alam Ko
Kaalaman

32
Pagkatapos masabi ang alam mo Ngayon tungkol sa paksa, ay
maaari nang magtungo sa susunod na bahagi ng aralin. Sa yugtong ito,
inaasahang iyong matututuhan ang mahahalagang konsepto tungkol sa mga
sinaunang tao sa daigdig gamit ang mga teksto, graphic organizer, at mga
gawaing higit na magpapayabong sa iyong kaalaman.

PAUNLARIN

Batay sa makaagham na pag-aaral ng pinagmulan ng tao, nakita


ang mga ninuno ng tao may 2.5 milyong taon na ang nakalilipas. Sila ang
homo species (homo na nangangahulugang tao) nagtagumpay makiayon sa
kanilang kapaligiran at nagawang harapin ang mga hamon ng sitwasyon
noong sinaunang panahon.
May tatlong pangkat ng homo species na nabuhay sa daigdig at
naging mga ninuno ng mga kasalukuyang tao. Pag-aralan ang diyagram
tungkol sa Teorya ng Ebolusyon ng tao mula sa pagiging Ape hanggang sa
paglitaw ng mga homo sapiens.

Australo- Homo
pithecus

Ape –
Australopithecine – Homo habilis,
sinasabing
Chimpanzee – tinatayang ninuno ng Homo erectus, at
pinagmulan
pinapalagay na makabagong tao; Ape Homo sapiens –
ng tao
pinakamalapit na na may kakayahang mga pangkat ng
kaanak ng tao, ayon sa tumayo nang tuwid homo species
mga siyentista
Lucy – pinakatanyag na
Australopithecus afarensis na
natuklasan ang mga labi noong 1974

http://www.thejunglestore.com/ape
http://news.nationalgeographic.com/news/2012/10
/121026-australopithecus-afarensis-human-
evolution-lucy-scapula-science/
http://en.wikipedia.org/wiki/Homo_erectus

Pagkaraang lumitaw ang mga Homo species partikular ang Homo


habilis noong dakong 2.5 milyong taon ang nakararaan, nagsimula na rin ang
Panahong Paleolitiko, ang unang yugto sa pag-unlad ng kultura ng mga
sinaunang tao.

33
Lower Paleolithic Period
 Nagwakas dakong 120,000
 Tinatawag ding “Panahon
taon na ang nakararaan
ng Lumang Bato”
 Pinakamaagang pananatili ng
(Old Stone Age)
tao sa daigdig
 Nagmula ang Paleolitiko
 Hindi pa lumilikha ng mga
sa mga katagang paleos
kasangkapan
o matanda at lithos o bato
 Ang Homo habilis ay
 Pinakamahabang yugto
nangangahulugang able man o
sa kasaysayan
handy man dahil sila ang
ng sangkatauhan
unang species ng hominid na
 Maiuugat sa pagsisimula
marunong gumawa ng
ng paggamit ng
kagamitang bato
kasangkapang bato ng mga
 Sinundan ng mga Homo
hominid
erectus nang higit na may
 Unang gumamit ng apoy at
kakayahan sa paggawa ng
nangaso ang mga
kagamitang bato
sinaunang tao

Panahong Paleolitiko
dakong 2,500,000 – 10,000 B.C.E.

Upper Paleolithic Period Middle Paleolithic Period


 Dakong 40,000 – 8500 taon  Dakong 120,000 – 40,000 taon
ang nakararaan ang nakararaan
 Nagkaroon na ng mga unang  Paglitaw ng makabagong tao
pamayanan sa anyong mga noong 100,000 taon ang
campsite na kadalasang nakalilipas
matatagpuan sa mga lambak  Umusbong ang pagiging
 Ang mga Taong Neanderthal artistiko ng mga tao sa
ay nawala sa panahong ito at pagpipinta sa katawan at
napalitan ng mga Taong Cro- pagguhit sa bato
Magnon  Nabuhay ang taong
 Lumitaw ang mga Neanderthal na natuklasan sa
komplikadong pagpapangkat Germany ang mga labi
sa lipunan.

34
Mga Tanyag
na Prehistorikong Tao

Ang Homo Sapiens ang pinakahuling species


na ebolusyon ng tao, ang Homo sapiens
Neanderthalensis (circa 200,000 - 30,000 taon BP).
Higit na malaki ang utak ng Homo sapiens kung
ihahambing sa mga naunang species kaya
nangangahulugan higit ang kanilang kakayahan sa
pamumuhay at paggawa ng kagamitan. May mga
patunay na may kaalaman ang Neanderthal sa
paglilibing samantalang ang Cro-Magnon ay lumikha
ng sining ng pagpipinta sa kuweba.

Homo Sapiens Cro-Magnon


Neanderthalensi

ttp://en.wikipedia.org/wiki/File: http://en.wikipedia.org/wiki
Homo_sapiens_neanderthalensi /File:Cro-Magnon.jpg
s.jpg

Sa loob ng maraming libong taon, namuhay ang mga prehistorikong tao sa


pangangaso at pangangalap ng pagkain. Dakong 12,000 taon nang
matutuhan ng mga sinaunang tao ang pagtatanim. Tuluyan ding umunlad
ang kanilang mga kasangkapan sa paggamit ng mas makinis na bato. Ito
ang nagpasimula sa Panahong Neolitiko.

35
 Ang huling bahagi ng  Kilala ang panahong ito sa
Panahong Bato ay paggamit ng makikinis na
tinatawag na Panahong kasangkapang bato,
Neolitiko (Neolithic Period) permanenteng paninirahan sa
o Panahon ng Bagong pamayanan, pagtatanim,
Bato (New Stone Age) na paggawa ng palayok at
hango sa mga salitang paghahabi.
Greek na neos o “bago”  Naganap sa panahong ito
at lithos o “bato.” ang Rebolusyong Neolitiko
 Ang terminong neolitiko ay o sistematikong pagtatanim.
ginagamit sa arkeolohiya  Isa itong rebolusyong
at antropolohiya upang agrikultural sapagkat
italaga ang isang antas ng natustusan na ang
ebolusyong pangangailangan sa pagkain.
pangkalinangan o  Ito rin ang nagbigay-daan sa
pagbabago sa pamumuhay permanenteng paninirahan sa
at teknolohiya. isang lugar upang alagaan ang
mga pananim

Panahong Neolitiko
dakong 10,000 – 4000 B.C.E.

 May populasyong mula 3000


– 6000 katao
 Magkakadikit ang mga  Catal Huyuk – Isang
dingding ng kabahayan at pamayanang Neolitikong
ang tabing pasukan ng isang matatagpuan sa kapatagan ng
bahay ay mula sa bubungan Konya ng gitnang Anatolia
pababa sa hagdan (Turkey ngayon)
 Inililibing ang mga yumao  Isang pamayanang sakahan
loob ng kanilang bahay
 May paghahabi, paggawa
ng mga alahas, salamin, at
kutsilyo

Teksto mula sa Kasaysayan ng Daigdig ni Mateo et.al, edisyon 2012 (pp. 12-20)

Nagkaroon ng malaking pagbabago sa pamumuhay ng mga sinaunang


tao nang matutuhan nila ang paggamit ng mga kasangkapan at sandatang yari
sa metal. Naganap ito dakong 4000 B.C.E. Inilalarawan sa susunod na
diyagram – ang Panahon ng Metal.

36
Panahon ng Bronse
Panahon ng Tanso  Naging malawakan na noon
 Naging mabilis ang pag- ang paggamit ng bronse nang
unlad ng tao dahil sa tanso matuklasan ang panibagong
subalit patuloy pa rin ang paraan ng pagpapatigas dito
paggamit sa kagamitang yari  Pinaghalo ang tanso at lata
sa bato. (tin) upang makagawa ng higit
 Nagsimulang gamitin ang na matigas na bagay
tanso noong 4000 B.C. sa  Iba’t ibang kagamitan at armas
ilang lugar sa Asya, at 2000 ang nagagawa mula sa tanso
B.C.E. sa Europe at 1500 tulad ng espada, palakol,
B.C.E. naman sa Egypt kutsilyo, punyal, martilyo,
 Nalinang na mabuti ang pana, at sibat
paggawa at pagpapanday  Sa panahong ito natutong
ng mga kagamitang yari sa makipagkalakalan ang mga tao
tanso. sa mga karatig-pook

Panahon ng Metal
dakong 4000 B.C.E. – kasalukuyan

Panahon ng Bakal
 Natuklasan ang bakal ng mga
Hittite, isang pangkat ng Indo-
Europeo na nanirahan sa
Kanlurang Asya dakong 1500
B.C.E.
 Natutuhan nilang magtunaw at
magpanday ng bakal.
 Matagal nilang pinanatiling
lihim ang pagtutunaw at
pagpapanday ng bakal.
Persian Silver Cup
http://en.wikipedia.org/wiki/File:Elam_c  Nang lumaon, lumaganap ang
ool.jpg paggamit ng bakal sa iba
pang kaharian.

Teksto mula sa Project EASE Module 2

Gawain 3. I-Tweet Mo!

Bumuo ng anim na pangkat na ang bawat isa ay inaasahang pupunan ng


mga kailangang impormasyon ang “I-Tweet Mo! Organizer.”
Ibigay ang mga hinihinging impormasyon ng organizer batay sa pagkaunawa sa
binasa. Nakatakda sa pangkat 1 at 2 ang Panahong Paleolitiko,at sa pangkat 3 at 4
ang Panahong Neolitiko, at sa pangkat 5 at 6 ang Panahon ng Metal. Ibibigay ng
bawat pangkat ang mga hinihinging impormasyon ng organizer sa anyo ng mga
“tweet” o maiikling pahayag.

37
Pagkatapos ng pag-uulat ng bawat pangkat, magbigay ng komento sa mga
pahayag ng mga mag-uulat. Isulat ito sa kapirasong papel at idikit sa bahagi ng
komento ng diyagram.

@Paraan ng Pamumuhay
____Tweet:__________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________
Komento

@Kaugnayan ng Heograpiya sa Panahong Paleolitiko/Neolitiko/Metal


____Tweet:__________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________
Komento

@Mga Kagamitan/Tuklas
______Tweet:________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________
Komento

Pamprosesong Tanong

1. Ano ang mga katangian ng bawat yugto ng pag-unlad ng kultura ng tao?


2. Ano ang mga patunay na may naganap na pag-unlad sa kultura ng mga
sinaunang tao batay sa kasangkapan, kabuhayan, at iba pang aspekto ng
pamumuhay?
3. Ano ang iyong mabubuong kongklusyon tungkol sa mga sinaunang tao?

Gawain 4. Tower of Hanoi Chart

Nasa tuktok ng Tower of Hanoi Chart ang mga kongklusyon tungkol sa yugto
ng pag-unlad ng kultura ng mga sinaunang tao. Punan ang ibabang bahagi ng tower
ng ebidensiyang susuporta sa nakatalang kongklusyon.

38
Malaki ang epekto ng Malaki ang naging Higit na umunlad ang
heograpiya sa pag- epekto ng agrikultura sa pamumuhay ng tao dahil
usbong ng unang pamumuhay ng mga tao. sa paggamit ng metal.
pamayanan.
1. 1. 1.

2. 2. 2.

3. 3. 3.

Pamprosesong Tanong

1. Ano ang kaugnayan ng iyong sagot sa nakatalang kongklusyon?


2. Nakabuti ba ang pagbabagong ito sa pamumuhay ng mga sinaunang
tao? Patunayan.
3. Maipagmamalaki ba ng kasalukuyang henerasyon ang ginawang ito
ng mga sinaunang tao? Pangatuwiranan.
4. Ano ang gustong ipahiwatig ng mga kongklusyon at ebidensiyang
nakatala sa Tower of Hanoi Chart tungkol sa pag-unlad ng kultura ng
mga sinaunang tao sa daigdig?

Gawain 5. Ano Ngayon? Chart

Pagkatapos tukuyin ang mahahalagang konsepto tungkol sa bawat yugto ng


pag-unlad ng kultura ng tao, maiisip din ang kahalagahan ng mga konseptong ito sa
kasalukuyang pamumuhay.Nararapat iugnay ang mga pangyayari ng nakaraan sa
kasalukuyan sapagkat sa tulong nito, mas nakikita ang tunay na kabuluhan ng
kasaysayan.

Tukuyin ang kahalagahan ng ilan sa mga pangyayaring naganap sa iba’t


ibang yugto ng pag-unlad ng sinaunang tao sa tulong ng Ano Ngayon? Chart, Isulat
sa kahon ang kahalagahan o epekto sa kasalukuyan ng pangyayaring nasa kaliwang
kahon

__________________________________
Paggamit ng apoy __________________________________
__________________________________
_________

__________________________________
Pagsasaka __________________________________
__________________________________
_________

39
__________________________________
Pag-iimbak ng labis __________________________________
na pagkain __________________________________
_________

__________________________________
Paggamit ng mga __________________________________
pinatulis na bato __________________________________
_________

__________________________________
Paggamit ng mga __________________________________
kasangkapang metal __________________________________
_________

Pagtatayo ng mga __________________________________


permanenteng tirahan __________________________________
__________________________________
_________

__________________________________
Pag-aalaga ng mga hayop __________________________________
__________________________________
_________

Rubric sa Pagmamarka ng Ano Ngayon? Chart


Pamantayan Paglalarawan Puntos
Mahusay na nailahad ang kaugnayan ng mga
Nilalaman pangyayari noong sinaunang panahon sa 10
kasalukuyan
Ebidensya Napatunayan ang kaugnayang ito sa tulong ng
mga kongkretong halimbawa 10
Kabuuan 20

Pamprosesong Tanong

1. Gaano kahalaga ang mga pag-unlad na naganap noong sinaunang


panahon?
2. Paano hinubog ng mga pagbabagong ito ang kasalukuyang pamumuhay
ng tao?
3. Sa iyong palagay, alin sa mga pagbabago sa pamumuhay ng tao ang may
pinakamalaking epekto sa kasalukuyan?

40
Sa pagkakataong ito, muling balikan ang iyong I-R-F Chart. Muling
sagutin ang tanong na nasa itaas ng chart. Isulat ito sa ikalawang kolum, sa
Refined Idea. Bunga ng mga bagong kaalamang natutuhan mo mula sa
pagbabasa ng mahahalagang teksto at pagsagot sa mga gawaing
nagpayabong ng iyong kaalaman, maiwawasto mo ngayon ang mga konsepto
sa Initial Idea.

PAGNILAYAN/UNAWAIN

Sa puntong ito, mayabong na ang iyong kaalaman tungkol sa paksa. Higit


pang palalalimin at patatatagin sa bahaging ito ang iyong kaalaman sa
pamamagitan ng kritikal at malikhaing pag-iisip. Isang hamon para sa iyo na
makabuo ng mga konsepto at makapagbahagi ng iyong kaalaman sa
pangkatang gawain sa bahaging ito.

GAWAIN 6. Archaeologist
kaalaman sa pangkatangat gawain
Work sa bahaging ito.

Bumuo ng apat na pangkat para sa gawaing ito. Isiping miyembro ka ng isang


pangkat ng mga archaeologist na nakahukay ng mga artifact sa isang lugar. Inyong
susuriin ang bawat artifact na nahukay gamit ang Artifact Analysis Worksheet #1.
Pagkatapos nito, pag-uusapan ang mga ginawang pagsusuri at sama-samang
sagutan ang Artifact Analysis Worksheet #2.

Task Card
Kabilang ka sa pangkat ng mga archaeologist mula sa iba’t
ibang bahagi ng daigdig na kasalukuyang naghuhukay sa Catal
Hȕyȕk. Nakapaloob sa task card na ito ang ilang artifact na natagpuan
ng inyong pangkat sa nasabing lugar.
Ang Iyong Misyon
Gamit ang Artifact Analysis Worksheet#1, suriin ang bawat
artifact na nahukay sa Catal Hȕyȕk. Tingnan ang pisikal na katangian,
gamit, at kahalagahan ng mga artifact na ito.
Kaligirang Impormasyon
Ang Catal Hȕyȕk sa kasalukuyan ay isang lugar sa Turkey.
Sinasabing umunlad ang sinaunang pamayanan na ito 9000 taon na
ang nakararaan. Ang lugar na ito ay may lawak na 32 acres o halos 24
football fields. Malapit ang Catal Hȕyȕk sa pampang ng Ilog
Carsamba.

41
Artifact Analysis Worksheet #1 Artifact Analysis Worksheet #2
1. Ano ang artifact? Ilarawan ang mga
katangian nito? 1. Ano-ano ang katangian ng Catal
______________________________ Hȕyȕk batay sa iyong ginawang
______________________________ imbestigasyon?
2. Sa iyong palagay, ano ang gamit nito ______________________________
noong sinaunang panahon? ______________________________
______________________________ 2. Ihambing ang paraan ng pamumuhay
______________________________ ng mga taga-Catal Hȕyȕk sa
3. Bakit mahalaga ang artifact na ito sa kasalukuyang pamumuhay gamit ang
kasalukuyang panahon? sumusunod na aspekto:
______________________________
______________________________ a. pang-araw-araw na gawain
4. Ano ang nais ipahiwatig ng artifact na b. paraan ng paglilibing
ito tungkol sa Catal Hȕyȕk? c. sining
______________________________ d. pinagkukunan ng pagkain
______________________________

Pamprosesong Tanong

1. Ano ang kaugnayan ng mga artifact sa pagtukoy sa kultura ng mga


taong nabuhay sa Catal Hȕyȕk?
2. Ano ang mga patunay na ang Catal Hȕyȕk ay lumitaw noong panahong
Neolitiko?
3. Ano ang kongklusyong mabubuo batay sa paghahambing ng buhay sa
Catal Hȕyȕk at sa kasalukuyang pamumuhay?

Rubric sa Pagmamarka ng Archaeologist at Work

Pamantayan Paglalarawan Puntos

Artifact Mahusay na nasuri ang katangian ng bawat


Analysis artifact; mahusay na natukoy ang gamit at 10
Worksheet kahalagahan ng mga artifact na ito.
#1
Artifact Mahusay na nailarawan ang mga katangian ng
Analysis Catal Hüyük gamit ang mga sinuring artifact;
Worksheet mahusay na napaghambing ang pamumuhay sa 10
#2 Catal Hüyük sa kasalukuyang pamumuhay gamit
ang iba’t ibang aspekto
Mahusay ang pagpapaliwanag ng mga inilalahad
Pag-uulat na kasagutan; mahusay na nalagom ang mga 5
impormasyong inilahad
Kabuuan 25

42
ARTIFACTS

Mural Painting
Isang Pigurin
Imahe mula kay Prof. Michael Fuller, St.
Imahe mula kay Prof. Michael Fuller, St. Louis
Louis Community College Community College
http://users.stlcc.edu/mfuller/catalhuyuk.html http://users.stlcc.edu/mfuller/catalhuyuk.html.
.

Ceremonial Flint Dagger Obsidian Arrow Head


Imahe mula kay Prof. Michael Fuller, St. Louis Imahe mula kay Prof Michael Fuller, St. Louis
Community College Community College
http://users.stlcc.edu/mfuller/catalhuyuk.html. http://users.stlcc.edu/mfuller/catalhuyuk.html.

Mga Palamuti mula sa mga Bato


at Buto ng Hayop
Imahe mula kay Prof. Michael Fuller, St. Louis Labing Nahukay sa Loob ng Bahay sa Catal
Community College Hüyük Imahe mula sa Science Museum of
http://users.stlcc.edu/mfuller/catalhuyuk.html. Minnesota, www.smm.org/catal

43
Pagkatapos talakayan ang mga sagot sa Archaeologist at Work, muling
sagutin ang tanong na nasa I-R-F Chart. Sa puntong , ilagay ang sagot sa huling
kolum,na Final Idea. Pagkatapos ay ibahagi sa klase ang lahat ng iyong
kasagutan sa tatlong kolum ng chart.

Matapos matutuhan ang pagsisikap ng mga sinaunang tao, mapaunlad


ang kanilang pamumuhay, maiisip lamang na tuluyan nilang nakamit ang mataas
na antas ng kalinangang kultural. Ito ang pagtatag ng mga kabihasnang
nagkaloob ng mga dakilang pamana sa iyo at sa lahat ng tao sa kasalukuyang
panahon.
Halina at pag-aralan ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.

Aralin 3: Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig

ALAMIN

Gawain 1. Picture Frame

Masdan ang tatlong picture frame at pansining walang laman ang bawat
isa.Tatawag ang guro ng tatlong mag-aaral na guguhit ng mga salitang ipapaloob sa
bawat frame. Isulat sa papel ang natatanging salitang inilalarawan ng mga guhit.
K

Pamprosesong Tanong

1. Ano ang salitang mabubuo sa itaas ng mga frame?


2. Batay sa mga guhit na nasa loob ng tatlong frame, ano ang iyong
pagkakaunawa sa salitang “kabihasnan”?

Gawain 2. WQF Diagram

Panuto: Pumili ng paksa mula sa “Sinaunang Kabihasnan ng Daigdig” na gagawan


ng WQF Diagram. Isaalang-alang ang sumusunod na mga panuto sa pagbuo nito:

1. Itala sa bawat kahong nasa ibaba ng “W” (words) ang mga salitang
maiuugnay sa paksa.
2. Sa kahon ng “Q” (questions), bumuo ng 3-5 tanong na nais mong masagot
tungkol sa paksa.
3. Ipagpaliban ang pagsagot sa Bilog “F” (facts). Pabalikan ito pagkatapos ng
Pagnilayan/ Unawain.

44
Paksa: Sinaunang Kabihasnan ng Daigdig

W Q F

Pagkatapos lagyan ng mga salita at tanong ang W at Q sa WQF


Diagram, malalaman mo kung wasto ang iyong mga sagot sa pagpapatuloy ng
pag-aaral ng araling ito. Ipagpatuloy natin.

PAUNLARIN

a.
Sa bahaging ito, tatalakayin ang katuturan ng kabihasnan at ang
impluwensiya ng heograpiya sa pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan. Gayon
din ang mahahalagang pangyayari ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.
Susuriin din ang mga aspektong humubog sa pamumuhay ng mga nanirahan sa
mga kabihasnang ito.

Maging matalino sa pagsagot ng mga gawain sa bahaging ito. Simulan mo


na.

Paksa: Kabihasnan – Katuturan at mga Batayan

a. Magbigay ng kahulugan ng salitang kabihasnan. Pakinggan din ang ibibigay


na kahulugan ng mga kamag-aral.

b. Pansinin ang blank concept map. Punan ito ng mga salitang may
kaugnayan sa kabihasnan.

c. Batay sa nabuong concept map, ano ang iyong sariling pagpapakahulugan ng


salitang kabihasnan?
d. Pag-aralan ang mga larawan at sagutin ang mga pampropsesong tanong.

45
http://www.fishfarming.com/tilapia.html
http://revphil2011.wordpress.com/2011/07/28/fighting-for-the-crown/
http://forum.philboxing.com/viewtopic.php?f=8&t=110850&p=281814
0

Larawan ng Hieroglyphics Larawan ng sinaunang gulong

http://listdose.com/top-10-inventions-that-changed-human-lives-
http://depositphotos.com/4400538/stock-photo-Ancient-egypt-
forever/
hieroglyphics-on-wall.html
/
/

Pamprosesong Tanong

1. Ano ang sinisimbolo ng korona ng hari? Bakit mahalaga ang bahaging


ginampanan ng mga pinuno at batas sa isang sinaunang pamayanan?
2. Ano ang kahulugan ng larawan ng isda at palay sa aspektong
pangkabuhayan ng mga sinaunang tao? Bakit mahalaga ang aktibong
kalakalan sa pagtaguyod ng kabihasnan?
3. Paano nagsimula ang sistema ng pagsulat ng mga sinaunang tao?
4. Ano ang kahalagahan ng sistema ng pagsulat sa isang pamayanan?
5. Ano ang sinisimbolo ng gulong? Bakit malaki ang pakinabang ng
mataas na antas ng agham at teknolohiya?
6. Ano-ano ang sinaunang kabihasnang umunlad sa daigdig, partikular sa
Asya, Africa, at America?

Sa puntong ito, malinaw na ang katuturan ng kabihasnan at ang mga


batayan upang maituring na kabihasnan ang isang pamayanan. Sa pagtalakay
ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig, mahalagang talakayin ang bahaging
ginampanan ng heograpiya sa paghubog ng mga kabihasnan noong sinaunang
panahon.

46
Impluwensiya ng Heograpiya
sa Pag-unlad ng mga Sinaunang Kabihasnan

Pagmasdan ang mapa ng daigdig. Tukuyin ang mga kontinente nito. Lagyan
ang mapa ng bituin ( ) na kumakatawan sa kinaroroonan ng mga sinaunang
kabihasnan sa daigdig.

phillipriley.comswiki.wikispaces.net

Mesopotamia (Iraq) Egypt Indus (India at Pakistan)

Huang Ho (China) Mesoamerica

Basahin at unawain ang teksto tungkol sa heograpikal na kalagayan


ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig. Maaari mo nang simulan.

Ang Kabihasnang Mesopotamia sa Kanlurang Asya

Ang salitang Mesopotamia ay nagmula sa mga salitang Greek na meso o


“pagitan” at potamos o “ilog”. Samakatuwid, ang Mesopotamia ay
nangangahulugang lupain “sa pagitan ng dalawang ilog”. na inaakalang lunduyan ng
unang kabihasnan. Ang Mesopotamia ay itinuturing na kauna-unahang kabihasnan
sa buong daigdig. Sinakop at pinanahanan ito ng iba’t ibang sinaunang pangkat ng
tao, kabilang ang mga Sumerian, Akkadian, Babylonian, Assyrian, Chaldean, at
Elamite na nagtangka ring sakupin ang lupaing ito. Sa paglipas ng mahabang
panahon, iba’t ibang lungsod ang umusbong at bumagsak sa lugar na ito na nang
lumaon ay pinalitan ng iba pang mga kabihasnan.

47
Heograpiya ng Mesopotamia

Nagsimula sa malawak na lupaing


dinadaluyan ng mga ilog Tigris at
Euphrates ang kauna-unahang mga
lungsod sa daigdig, tinatawag na
Mesopotamia ang lupaig matatagpuan sa
pagitan ng mga ilog na ito. Sa
kasalukuyan, matatagpuan ito sa Iraq at
bahagi ng Syria at Turkey. Matatagpuan
ang Mesopotamia sa rehiyon ng Fertile
Crescent, isang paarkong matabang
lupaing nagsisimula sa Persian Gulf
hanggang sa silangang baybayin ng
Mediterranean Sea. Ang regular na pag-
apaw ng ilog Tigris at Euphrates ay
nagdudulot ng baha na nag-iiwan ng
banlik (silt). Dahil dito, nagiging mataba
ang lupain ng rehiyon na nakabubuti sa
Mapa ng Mesopotamia
http://www.mesopotamia.co.uk/geography/explore/ex pagtatanim
p_set.html Ang Mesopotamia ay walang likas
na hangganan kaya mahirap ipagtanggol
ang lupaing ito sa ibang karatig lugar. Naimpluwensiyahan din ito ng mga karatig
lugar dahil na rin sa mga ugnayang pangkalakalan at tunggaliang militar.
Sa mga taong 5500 B.C.E., daan-daang maliliit na pamayanang sakahan ang
matatagpuan sa kapatagan ng hilagang Mesopotamia na pinag-ugnay-ugnay ng
malalayo at mahahabang rutang pangkalakalan. Bunga ng pag-unlad ng lipunan sa
mga sumusunod na taon, nagkaroon ng mga pagbabago sa aspektong panlipunan,
pampulitika, at panrelihiyon na nagdulot ng sentralisadong kapangyarihan. Isang
halimbawa ang Uruk na itinuturing na isa sa mga kauna-unahang lungsod sa
daigdig.

Ang Kabihasnang Indus sa Timog Asya

Ang Timog Asya ay isang malawak na tangway na hugis tatsulok. Sa


kasalukuyan,binubuo ito ng mga bansang India, Pakistan, Bangladesh, Afghanistan,
Bhutan, Sri Lanka, Nepal, at Maldives.

Ang rehiyong ito ay kakaiba sa aspektong heograpikal at kultural kung


ihahambing sa ibang panig ng Asya. Madalas itong tawagin ng mga heograpo na
sub-kontinente ng India dahil inihihiwalay ito ng mga kabundukan, kaya maituturing
itong halos isang hiwalay na kontinente. Matatarik na kabundukan ng Hindu Kush,
Himalayas, at Karakuran ang nasa hilaga nito samantalang pinalilibutan ito ng
Arabian Sea sa kanluran, Indian Ocean sa katimugan, at Bay of Bengal sa silangan.
Tulad ng ibang kontinente, samu’t sari rin ang wikang ginagamit sa rehiyong ito.

Bagama’t ang rehiyong ito ay inihihiwalay ng mga kabundukan sa hilaga,


nakararanas din ito ng mga pagsalakay at pandarayuhan. Nakapapasok ang mga
tao sa mga daanang tulad ng Khyber Pass sa hilagang-kanluran, dala ang kanilang
sariling wika at tradisyon, na nagpayaman sa kulturang Indian.

48
Sinasabing mahirap na lubusang mabatid ang sinaunang kasaysayan ng
India. Nakahukay nga ang mga arkeologo ng mga kasangkapang ginamit ng mga
ninuno subalit hanggang sa kasalukuyan, hindi pa rin nauunawaan ng mga iskolar
ang mga naiwang sistema ng pagsulat ng sinaunang kabihasnan ng India.

Heograpiya ng Lambak ng Indus


Ang mga lungsod ng Harappa at Mohenjo-Daro sa lambak ng Indus ang
pinakabagong tuklas na mga sinaunang
sentrong kabihasnan sa kasalukuyang
panahon. Natagpuan ng mga arkeologo ang
mga labi ng dalawang lungsod noong 1920
ang mga lugar na ito. Gayon din ang
lipunang nabuo rito, ay kasabay halos ng
pagsisimula ng Sumer noong 3000 B.C.E.
Mas malawak ang lupain sa Indus
kung ihahambing sa sinaunang Egypt at
Mesopotamia. Sakop nito ang malaking
bahagi ng hilagang-kanluran ng dating
India, at ang kinaroroonan ng lupaing
Pakistan sa kasalukuyan. Ang mga lungsod
na itio ay nagsimulang humina at bumagsak
noong ikalawang milenyo B.C.E. Sa
kasalukuya, tinatayang mahigit 1000
lungsod at pamayanan ang matatagpuan
dito partikular sa rehiyon ng Indus River sa
Pakistan.
Mapa ng Indus Valley
http://www.mapsofindia.com/history/indus-valley-
civilization.html
Nagsimula ang kabihasnan sa India
sa paligid ng Indus River. Ang tuktok ng
kabundukang Himalaya ay nababalot ng makapal na yelo at nagmumula sa
natutunaw na yelo ang tubig na dumadaloy sa Indus River na may habang 2900
km.(1800) milya at bumabagtas sa Kashmir patungong kapatagan ng Pakistan..
Katulad sa Mesopotamia, ang pagkakaroon ng matabang lupa ay naging mahalaga
sa pagsisimula ng mga lipunan at estado sa sinaunang India. Sa pagitan ng Hunyo
at Setyembre bawat taon, ang pag-apaw ng ilog ay nagdudulot ng pataba sa lupa at
nagbibigay-daan upang malinang ang lupain.

Daan-daang pamayanan ang nananahan sa lambak ng Indus sa pagsapit ng


3000 B.C.E. Karamihan sa mga ito ay maliliit na pamayanang may tanggulan at
maayos na mga kalsada. Nang sumunod na limang siglo, nagkaroon din ng mga
kanal pang-irigasyon at mga estrukturang pumipigil sa mga pagbaha.

Sa kasalukuyan,isa lamang ang India sa mga bansa sa Timog Asya. Subalit


kung susuriin, ang hilagang bahagi nito ay tahanan at pinag-usbungan ng sinaunang
kabihasnang namumukod-tangi sa iba.

Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya

Ang kabihasnang umusbong sa China ay itinuturing na pinakamatandang


kabihasnang nananatili sa buong daigdig hanggang sa kasalukuyan. Nag-ugat ito

49
halos apat na milenyo na ang nakalilipas. Noon pa man, mithiin na ng mga Tsino
ang pagkakaroon ng mahusay na pamamahala.. Ang pagkakaroon ng mga
ideolohiyang suportado ng estado, partikular ang Confucianism at Taoism, ay lalo
pang nagpatatag sa kabihasnang Tsino. Sa aspektong politikal, halinhinang
nakaranas ang China ng pagkakaisa at pagkakawatak-watak. Ang mga
pangyayaring ito ang humubog sa kultura at mamamayan ng bansa hanggang sa
makabagong panahon.

Heograpiya ng Ilog Huang Ho

Tulad ng Mesopotamia at India,


ang kabihasnan sa China ay
umusbong sa tabing-ilog malapit sa
Yellow River o Huang Ho. Ang ilog
na ito ay nagmumula sa kabundukan
ng kanlurang China at may habang
halos 3000 milya. Dumadaloy ito
patungong Yellow Sea. Ang
dinaraanan nito ay nagpabago-bago
nang makailang ulit sa mahabang Ito
ay dumadaloy patungo sa Yellow
Sea. Ang dinaraanan nito ay
nagpabago-bago nang makailang ulit
sa mahabang panahon at
humantong sa pagkakabuo ng isang
Mapa ng Kabihasnan sa China malawak na kapatagan, ang North
http://history.howstuffworks.com/asian-history/history-of-china.htm China Plain. Ang pag-apaw ng
Huang Ho ay nagdudulot ng pataba
sa lupa ngunit dahil sa pagiging patag ng North China Plain, madalas nang
nagaganap ang pagbaha sa lugar na ito. Ayon sa tekstong tradisyunal ng China, ang
Xia o Hsia ang kauna-unahang dinastiyang naghari sa China. Subalit dahil sa
kakulangan ng ebidensiya, hindi matiyak kung kailan ito pinasimulan ni Yu, ang
unang pinuno ng dinastiya. Pinaniniwalaang si Yu ang nakagawa ng paraan upang
makontrol ang pagbahang idinudulot ng Huang Ho. Ang pangyayaring ito ay
nagbigay-daan upang makapamuhay sa lambak ang mga magsasaka. Naniniwala
ang mga Tsino na sila lamang ang mga sibilisadong tao sa gitna ng mga tribo na
tinawag nilang barbaro sapagkat hindi sila nabiyayaan ng kabihasnang Tsino.
Tinawag din nila ang kanilang lupain na Zhongguo na nangangahulugang Middle
Kingdom.

Ang Sinaunang Kabihasnan sa Africa

Isang sinaunang kabihasnan ang nagmula sa lambak ng Nile River sa Egypt


na nasa hilagang-silangang bahagi ng Africa. Ang kabihasnan sa Mesopotamia ay
mas naunang nagsimula subalit masasabing mas naging matatag ang kabihasnang
yumabong sa Egypt. Ang sinaunang Egypt ay nabuklod bilang isang estado pagsapit
ng 3100 B.C.E. at nakapagpatuloy sa loob halos ng tatlong milenyo.
Batay sa mga ebidensiyang arkeolohikal, mayroon ng lipunan sa Egypt bago
pa nagsimula ang kabihasnan sa Lambak ng Nile. Ang mga isinagawang
paghuhukay sa Egypt ay patuloy na nagpabago sa pananaw ng mga iskolar tungkol

50
sa pinagmulan ng kabihasnan nito. Sa pagtatapos ng ika-20 siglo, natuklasan ng
mga arkeologo ang isang tirahan ng mga sinaunang tao sa timog-ng kanlurang
bahagi ng Egypt malapit sa hangganan ng Sudan. Tinatayang naroroon na ang
paninirahang bago pa sumapit 8000 B.C.E. Sinasabing maaaring ang mga kaanak o
inapo ng mga taong ito ang nagpasimula sa kabihasnang Egyptian sa Lambak ng
Nile.

Heograpiya ng Egypt

Sa pag-unawa sa heograpiya ng sinaunang Egypt, mahalagang tandaang


ang tinutukoy na Lower Egypt ay nasa bahaging hilaga ng lupain o kung saan ang
Ilog Nile ay dumadaloy patungong Mediterranean Sea. Samantala, ang Upper Egypt
ay nasa bahaging katimugan mula sa Libyan Desert hanggang sa Abu Simbel. Ang
Nile River na may 4160 milya o 6694 kilometro ang haba ay dumadaloy mula
katimugan patungong hilaga.
Noon pa mang unang panahon, ang
Egypt ay tinawag na bilang The Gift of the
Nile dahil kung wala ang ilog na ito, ang
buong lupain nito ay magiging isang
disyerto. Tila hinihiwa ng ilog na ito ang
bahaging hilagang-silangan ng disyerto ng
Africa. Dati-rati, ang malakas na pag-ulan
sa lugar na pinagmumulan ng Nile ay
nagdudulot ng pag-apaw ng ilog tuwing
Hulyo bawat taon. Ang pagbahang
idinudulot ng Nile ay nahinto lamang noong
1970 nang maitayo ang Aswan High Dam
upang makapagbigay ng elektrisidad at
maisaayos ang suplay ng tubig.
Sa Panahong Neolitiko, ang taunang
pag-apaw ng Nile ay nagbigay-daan upang
makapagtanim ang mga magsasaka sa
lambak-ilog. Ang tubig-baha ay nagdudulot
Mapa ng Egypt ng halumigmig sa tuyong lupain at nag-
http://egypt-trade.wikidot.com/
iiwan ng matabang lupain na mainam para
sa pagtatanim. Ang mga magsasaka ay
kaagad nagtatanim sa pagbaba ng tubig-
baha. Ang putik na dala ng ilog ay unti-unting naiipon sa bunganga ng Nile sa hilaga
upang maging latiang tinatawag na delta. Ang lugar na ito ay nagging tahanan ng
mga ibon at hayop. Maaari ring gamitin ang tubig mula rito para sa mga lupang
sakahan.
Upang maparami ang kanilang maaaring itanim bawat taon, ang mga
sinaunang Egyptian ay gumagawa ng mga imbakan ng tubig at naghukay ng mga
kanal upang padaluyin ang tubig sa kanilang mga lupang sinasaka. Ang ganitong
mga proyekto ay nangangailangan ng malaking bilang ng mga manggagawa, sapat
na teknolohiya, at maayos na mga plano. Ang pagtataya ng panahon kung kailan
magaganap ang mga pagbaha ay naisakatuparan din sa mga panahong ito.
Maliban sa kahalagahan nito sa pagsasaka, ang Nile ay nagsilbing mahusay
na ruta sa paglalakbay noong mga panahong iyon. Nagawa nitong mapag-ugnay
ang mga pamayanang matatagpuan malapit sa pampang ng ilog. Ang pagkakaroon

51
ng mga disyerto sa silangan at kanlurang bahagi ng ilog ay nakapagbigay ng
kaligtasan sa Egypt sapagkat nahahadlangan nito ang mga pagsalakay. Dahil dito,
ang mga tao ay nagawang makapamuhay nang mapayapa at masagana sa loob ng
mahabang panahon.

Ang Kabihasnan sa Mesoamerica

Maraming siyentista ang naniniwalang may mga pangkat ng mga


mangangaso o ‘hunter” ang nandayuhan mula sa Asya patungong North America,
libong taon na ang nakararaan. Unti-unting tinahak ng mga ito ang kanlurang
baybayin ng North America patungong timog, at nakapagtatag ng mga kalat-kalat na
pamayanan sa mga kontinente ng north America at South America. Noong ika-13
siglo B.C.E., umusbong ang kauna-unahang kabihasnan sa America --- ang mga
Olmec sa kasalukuyang Mexico. Naimpluwensiyahan ang mga gawaing sinimulan
ng mga Olmec ang iba pang pangkat ng mga tao sa iba’t ibang bahagi ng America.

Heograpiya ng Mesoamerica

Hango ang pangalang


Mesoamerica sa katagang meso na
nangangahulugang “gitna”. Ito ang
lunduyan ng mga unang kabihasnan sa
America. Ang Mesoamerica o Central
America ang rehiyon sa pagitan ng
Sinaloa River Valley sa gitnang Mexico
at Gulf of Fonseca sa katimugan ng El
Salvador. Sa hilagang hangganan nito
matatagpuan ang mga ilog ng Panuco at
Santiago. Samantala, ang katimugang
hangganan ay mula sa baybayin ng
Honduras sa Atlantic hanggang sa
Mapa ng Mesoamerica
http://clccharter.org/aa/projects/ancientcivilizations
gulod o slope ng Nicaragua sa Pacific at
/mesoamerica.html sa tangway ng Nicoya sa Costa River.

Sa kasalukuyan, saklaw ng
Mesoamerica ang malaking bahagi ng Mexico, Guatemala, Belize, El Salvador, at
kanlurang bahagi ng Honduras.

Sa lupaing ito, ang malaking pagkakaiba sa elebasyon ng lupa at dalas ng


pag-ulan ay nagdudulot ng mga uri ng klima at ekolohiya sa iba’t ibang bahagi ng
rehiyon. Pabago-bago ang panahon sa rehiyong ito.Dito naitatag ang unang
paninirahan ng tao at isa ito sa mga lugar na unang pinag-usbungan ng agrikultura,
tulad ng Kanlurang Asya at China. Sa kasalukuyang panahon, may malaking
populasyon ang rehiyong ito.

Mula sa Kasaysayan ng Daigdig ni Mateo et.al, edisyon 2012

Mababasa rin ang Project EASE (Effective Alternative Secondary Education)


AP III Modyul 3 - Ang Mga Unang Kabihasnan (pp. 7-15) (p.22) (p.54) upang higit na
mapagyaman ang kaalaman tungkol sa mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.

52
Gawain 3. Triple Matching Type

Buuin ang triple matching type sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga


terminolohiya at konsepto batay sa partikular na heograpiya ng isang kabihasnan.

A B C

Sa pagitan ng mga ilog Lupain ng Yucatan Peninsula


Egypt Nasa gitna ng kontinente Timog ng Mediterranean
Tsino Biyaya ng Nile Nasa kanluran ng Yellow Sea
Indus Nasa tangway ng Timog Asya Dumadaloy ang Indus River
Mesoamerica May matabang lupain Nasa Kanlurang Asya
Mesopotamia sa Huang Ho

Pamprosesong Tanong

1. Ano-anong katangiang pisikal ng mga sinaunang kabihasnan ang may


pagkakatulad sa isa’t isa?
2. Bakit nakaapekto ang mga anyong lupa at tubig ng isang lugar sa
pagtataguyod ng kabihasnan?
3. Alin sa kalagayang heograpikal ng kabihasnan ang may malaking
impluwensiya sa pamumuhay ng mga taong nanirahan dito? Ipaliwanag
ang sagot.

Gawain 4. Geography Checklist

Unawain ang sumusunod na mga hakbang sa pagbuo ng checklistsa ibaba.

1. Makilahok sa iyong pangkat.


2. Bawat pangkat ay may partikular na paksang bibigyang-pansin:
(1) Sinaunang Kabihasnan sa Kanlurang Asya, (2) Kabihasnang
Egyptian, (3) Kabihasnang Indus, (4) Kabihasnang Tsino, at (5)
Kabihasnang Mesoamerica.
3. Basahin at unawain ang teksto ng paksang nakatalaga sa iyong
pangkat. Pagkatapos ay gumawa ng checklist (magagawa sa manila
paper) sa tulong ng sumusunod na panuto:

Isulat ang kabihasnang


nakatalaga sa pangkat

Geography Checklist
Kabihasnan:
Katangiang Heograpikal:

53
Magtala ng 5 hanggang 10 katangiang heograpikal
ng kabihasnang nakatalaga sa pangkat.

4. Kapag kumpleto na ang checklist ng iyong pangkat, makipag-usap sa


ibang pangkat.
5. Ihambing ang kabihasnan inyong pangkat at sa kabihasnan ng ibang
pangkat.
6. Muling gamitin ang checklist at sundin ang sumusunod na panuto:

Isulat ang pangalawang Isulat ang pangatlong


kabihasnang ihahambing kabihasnang ihahambing

Geography Checklist
Kabihasnan:
Katangiang Heograpikal:
1
2
3

Lagyan ng tsek (√) ang kahon kung taglay ng mga


kabihasnang tinukoy ang mga katangiang heograpikal
ng kabihasnan ng inyong pangkat.

7. Ipaskil ang ginawang checklist. Iulat sa klase ang output ng


paghahambing ng mga kabihasnan batay sa mga katangiang heograpikal .

Suriin ang nabuong checklist ng lahat ng pangkat.

Pamprosesong Tanong

1. Alin sa mga katangiang heograpikal ng mga sinaunang kabihasnan ng


daigdig ang may malaking pagkakatulad sa isa’t isa?
2. Bakit kaya karaniwang may magkakatulad na katangiang heograpikal ang
mga sinaunang kabihasnan?
3. Ano ang epekto ng mga katangiang heograpikal sa pamumuhay ng mga
sinaunang tao?
4. Para sa iyo, alin sa mga katangiang heograpikal ng mga sinaunang
kabihasnan ang nararapat na mapangalagaan? Ipaliwanag ang sagot.

Sa tulong ng natapos na gawain, inaasahang nabigyang linaw ang


kaugnayan ng heograpiya sa pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan sa
daigdig. Sa pagkakataong ito, iisa-isahin ang mahahalagang datos tungkol sa
mga sinaunang kabihasnang umunlad sa mga lambak-ilog at kontinente ng
America.

54
Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig

Sa itinatag na mga sinaunang kabihasnan sa daigdig, ang pangkat ng mga


taong nanirahan at nagtatag ng mauunlad na pamayanan sa Mesopotamia ang
kauna-unahang nakapagtaguyod ng kabihasnan. Binubuo ang kabihasnang
Mesopotamia ng mga lungsod-estado ng Sumer, at mga itinatag na imperyo ng
Akkad, Babylonia, Assyria, at Chaldea.

Ang Kabihasnang Mesopotamia sa Kanlurang Asya


Sumer (3500-2340 B.C.E.)

 Namalagi ang mga nomadikong Sumer sa mga lupaing


sakahan ng lambak-ilog.
 Nabuo ang 12 lungsod estado (hal. Eridu, Kish, Lagash,
Uruk, at Ur) na pinamunuan ng isang hari.
 Tinawag na Ziggurat ang strukturang nagsilbing tahanan
at templo ng mga patron o diyos na makikita sa bawat
lungsod.
 Naniwala sila sa maraming diyos at diyosa na
anthropomorphic o may katangian at pag-uugaling tao.
 Cuneiform (hugis-sinsel)ang paraan ng pagsulat na
ginamitan ng stylus at clay o luwad na lapida.
Ziggurat  Nag-alaga sila ng mga baka, tupa, kambing, at baboy.
http://www.bible-
archaeology.info/ziggurats.htm
 Madalas ang tunggalian ng mga lungsod-estado tungkol
sa lupa at tubig kaya hindi nakabuo ng isang matatag na
pamahalaan ang mga Sumerian.

Akkad (2340-2100 B.C.E.)

 Sinakop ni Sargon I (2334-2279 B.C.E.) ang mga


lungsod-estado at itinatag ang kauna-unahang imperyo
sa daigdig.
 Si Sargon I ay mula sa hilagang bahagi ng Mesopotamia
sa lungsod- estado ng Akkad o Agade.
 Isa sa pinakahuling mahusay na pinuno ng Akkadia si
Naram-Sin (2254-2218 B.C.E).
 Noong 2100 B.C.E., panandaliang nabawi ng lungsod
estado ng Ur ang kapangyarihan nito at pinamunuan
ang Sumer at Akkad.
Sargon I
http://en.wikipedia.org/wiki/Sarg
 Bumagsak ang dinastiyang Ur sa pagsalakay ng mga
on_of_Akkad Amorite at Hurrian sa Mesopotamia. Sa loob ng
sumunod na tatlong siglo, ang mga lungsod-estado sa
katimugan, partikular ang Isin at Larsa, ay
nagtunggalian upang makontrol ang rehiyon.

55
Babylonian (1792-1595 B.C.E.)

 Sinakop ni Hammurabi, pinuno ng lungsod ng


Babylon, ang Mesopotamia.
 Ang Babylon ay naging kabisera ng imperyong
Babylonia.
 Sa panahon ng kaniyang paghahari, nasakop ni
Hammurabi ang mga kaharian sa hilaga, kabilang
ang kahariang Ashur.
 Nang mamatay si Hammurabi ay nagkawatak-watak
ang kaharian ng Babylon.
 Noong 1595 B.C.E., sinalakay ng mga Hittite Anatolia
ang Babylon bagamat naipagpatuloy pa rin ng mga
Code of Hammurabi
http://en.wikipedia.org/wiki/Fil lungsod estado ang pamumuhay sa ilalim ng mga
e:Code-de-Hammurabi-1.jpg dayuhang pinuno.
 Ang mga Hittite ay orihinal na nagmula sa hilagang
silangang bahagi ng Black Sea. Lumisan sila at
nanirahan sa Asia Minor (kasalukuyang Turkey).

Assyrian (1813-605 B.C.E.)

 Noong 1120 B.C.E., nasupil ni Tiglath-Pileser I (1114-1076


B.C.E.) ang mga Hittite at naabot ng puwersa ang baybayin
ng Mediterranean at itinatag ang imperyong Assyrian.
 Noong ika-9 na siglo B.C.E., nagpadala sila ng mga
ekspedisyong militar pakanluran upang mapasakamay ang
mahahalagang rutang pangkalakalan at makatanggap ng
tributo.
 Isa si Ashurbanipal (circa 668-627 B.C.E.) sa mga haring
kinakitaan ng maayos na pamamahala sa kaniyang
Ashurbanipal panahon.
http://en.wikipedia.org/wiki/File:Ki  Pinabagsak ng mga Chaldean ang Assyria sa isang pag-
nadshburn.JPG
aalsa.

56
Chaldean (612-539 B.C.E.)

 Si Nabopolassar (612-605 B.C.E.) – ang nagtatag ng


bagong imperyo ng Babylonia matapos pangunahan ang
isang pag-aalsa laban sa Assyria.
 Tuluyang naigupo ni Nebuchadnezzar II (605-562
B.C.E.), anak ni Nabopolassar ang natitirang hukbo ng
Assyria noong 609 B.C.E.
 Si Nebuchadnezzar II - ang pinuno ng imperyo nang
natamo nito ang rurok ng kadakilaan. Siya rin ang
nagpagawa ng Hanging Gardens of Babylon para sa
Hanging Gardens kaniyang asawa, kinilala ito ng mga Greek bilang isa sa
http://en.wikipedia.org/wik Seven Wonders of the Ancient World.
i/File:Hanging_Gardens_of_  Noong 539 B.C.E., ang Babylon ay nilusob ng hukbo ni
Babylon.jpg Cyrus the Great ng Persia hanggang tuluyang naging
bahagi ng mas malawak na imperyo ng mga Persian ang
Mesopotamia.

Sa silangan ng Mesopotamia, partikular sa kasalukuyang Iran, umunlad ang


pamayanang Persian at tuluyang nakapagtatag ng malakas na imperyo.

Persian (539-330 B.C.E.)

 Nagtatag ng isang malawak na imperyo ang mga Persian


na tinawag na Imperyong Achaemenid. Nasa Persia
(kasalukuyang Iran) ang sentro ng imperyong ito.
 Sa ilalim ni Cyrus The Great (559-530 B.C.E.) –
nagsimulang manakop ang mga Persian. Napasailalim nila
ang mga Medes at Chaldean ng Mesopotamia at Asia
Minor (kasalukuyang Turkey).
 Darius The Great (521-486 B.C.E.) – Umabot ang sakop
hanggang India.
 Epektibo ang pangangasiwa ng mga pinunong Persian sa
kanilang imperyo. Hinati ang imperyo sa mga lalawigan o
satrapy at pinamahalaan ng gobernador o satrap.
Cyrus the Great  Nagpagawa din dito ng isang Royal Road na tinatayang
http://en.wikipedia.org/wiki may habang 1677 milya o 2699 na kilometro mula Sardis
/Cyrus_the_great hanggang Susa.
 Napatanyag din ang mga Persian sa pagsulong ng
relihiyong Zoroastrianism na itinatag ni Zoroaster.

57
Gawain 5. Complete It!

A. Kumpletuhin ang pangalan na tinutukoy na pook. Isulat ang mga akmang letra sa
patlang.
1. ___ ___ M ___ ___ - Mga unang lungsod-estado ng Mesopotamia

2. ___ K ___ ___ ___ - Unang imperyong itinatag sa daigdig

3. ___ ___ ___ ___ L ___ ___ - Kabisera ng Imperyong Babylonia

4. C ___ ___ ___ ___ ___ ___ - Imperyong itinatag ni Nabopolassar

5. ___ ___ T ___ ___ ___ - Tawag sa mga lalawigang bumuo sa Persia

6. ___ ___ ___ ___ ___ I ___ - Imperyong itinatag pagkatapos ng Babylonia

B. Isulat ang impormasyon tungkol sa kabihasnang Mesopotamia upang


makumpleto ang pangungusap.

1. Ang Mesopotamia ay maituturing na kabihasnan dahil


__________________________________________________________.

2. Naging tanyag sa kasaysayan si Haring Sargon I sa kasaysayan nang


__________________________________________________________.

3. Sa panahon ni Hammurabi naganap ang _________________________


__________________________________________________________.

4. Nagwakas ang pamamahala ng mga Chaldean sa Mesopotamia nang


__________________________________________________________.

5. Isa sa mga kahanga-hangang nagawa ni Haring Darius the Great sa


Imperyong Persian ang _______________________________________
__________________________________________________________.

Pamprosesong Tanong

1. Paano nagsimula at nagwakas ang kabihasnang Mesopotamia?


2. Sino-sino ang mga pinunong namahala sa imperyo?
3. Ano ang naging paraan ng kanilang pamamahala?
4. Bakit sinasabing ang kasaysayan ng Mesopotamia ay “pag-usbong at
pagbagsak ng mga kabihasnan”
5.

58
Ang Kabihasnang Indus sa Timog Asya

Sa rehiyong Timog Asya nagsimula ang kabihasnang Indus na nakasentro sa


mga lambak ng Indus River. Dumadaloy ang Indus River sa kasalukuyang bansang
India at Pakistan. Sa nasabing ilog umunlad ang kambal na lungsod ng kabihasnang
Indus: ang Harappa at Mohenjo-Daro na ipinakikita sa kasunod na diyagram.

Natuklasan ang
dalawang lungsod na ito
sa lambak Indus at
tinatayang umusbong ito
noong 2700 B.C.E.

Sinasabing ang mga


Dravidian ang bumuo ng
kabihasnang Indus.

Planado at malalapad
ang mga kalsada nito.

Ang mga gusali ay hugis


parisukat at ang mga
kabahayan ay may
malalawak na espasyo. Mohenjo-Daro
Harappa
Matatagpuan sa kasalukuyang Ang Mohenjo-Daro ay nasa
Ang pagkakaroon ng
Punjab na bahagi ng Pakistan. katimugang bahagi ng daluyang
mga palikuran ng mga
May 350 milya ang layo nito Indus River.
kabahayan ay itinuturing
mula sa Mohenjo Daro pahilaga. na kauna-unahang
http://www.thenagain.info/webc paggamit sa http://upload.wikimedia.org/wik
hron/india/harappa.html kasaysayan ng ipedia/commons/thumb/d/da/Mo
sistemang alkantarilya o henjo-daro-2010.jpg/320px-
sewerage system. Mohenjo-daro-2010.jpg

Nanirahan sa maliliit na pamayanan ang mga Dravidian. Ang kanilang lugar


ay matatagpuan sa mababang bahagi ng lupain, may mainit na klima at halos
walang mapagkukunan ng suplay ng bakal. Ang pagkukulang sa mga
kinakailangang suplay ay napupunan sa tulong ng pakikipagkalakalan hanggang sa
katimugang Baluchistan sa kanlurang Pakistan. Sa loob ng ilang libong taon,
nakakuha sila ng bakal, mamahaling bato, at tabla sa pakikipagpalitan ng kanilang
mga produkto, tulad ng bulak, mga butil, at tela.

59
Ang irigasyon ng lupa ay mahalaga
Sewer system
sa pagsasaka ng mga Dravidian. Nag-
aalaga rin sila ng mga hayop tulad ng
elepante, tupa, at kambing. Maaaring sila
rin ang kauna-unahang taong nagtanim
ng bulak at nakalikha ng damit mula rito.
Mayroon din silang masistemang
pamantayan para sa mga timbang at
sukat ng butil at ginto. Samantala, ang
mga artisano ay gumamit ng tanso,
bronze, at ginto sa kanilang mga gawain.
Ang lipunang Indus ay kinakitaan
ng malinaw na pagpapangkat-pangkat ng
Sewer System mga tao. Nakatira sa bahagi ng moog
http://www.mitchellteachers.org/WorldHistory/I ang mga naghaharing-uri tulad ng mga
ndiaUnit/images/mohenjodaro/WaterChannelPic mangangalakal. May mga bahay ring
_large.jpg
may tatlong palapag. Maaaring katibayan
ito ng pagkakahati-hati ng lipunan sa iba’t ibang uri ng
pictogram tao.
Nagtatag ng mga daungan sa baybayin ng
Arabian Sea. Ang mga mangangalakal ay naglakbay
sa mga baybayin patungong Persian Gulf upang dalhin
ang kanilang mga produkto tulad ng telang yari sa
bulak, mga butil, turquoise, at ivory. Natagpuan din sa
Sumer ang selyong Harappan na may pictogram na
pictogram na representasyon ng isang bagay sa
anyong larawan. Dahil dito, inaakalang ginamit ang
selyong ito upang kilalanin ang mga paninda.Patunay
lamang ang kalakalan sa pagitan ng dalawang
Steatite Seal kabihasnannoon pa mang 2300 B.C.E. Kapuna-
http://phys.org/news16853 punang wala ni isa mang pinuno mula sa sinaunang
9680.html kabihasnang Indus ang kilala sa kasalukuyan.
Maaaring hanggang ngayon ay hindi pa nauunawaan
ng mga iskolar ang sistema ng pagsulat ng kabihasnang ito kaya hindi nababasa
ang mga naiwang tala.

Narating ng mga Dravidian ang tugatog ng kanilang kabihasnan noong 2000


B.C.E. subalit matapos ang isang milenyong pamamayani sa Indus, ang kabihasnan
at kulturang umusbong dito ay nagsimulang humina at bumagsak.
May iba’t ibang paliwanag ukol sa pagtatapos ng kabihasnang Indus. May
nagsasabing bunga ito ng pagkaubos ng mga puno, mga labis na pagbaha, at
pagbabago sa klima. Maaari rin daw nagkaroon ng lindol o pagsabog ng bulkan.

May mga ebidensiya rin na ang pagkatuyo ng Sarasvati River ay nagresulta sa


pagtatapos ng kabihasnang Harappa noong 1900 B.C.E.
Isang lumang paliwanag ang teoryang Mohenjo Daro at Harappa ay nawasak
dahil sa paglusob ng mga pangkat nomadiko-pastoral mula sa gitnang Asya,
kabilang ang mga Aryan. Walang malinaw na ebidensiya na naglabanan nga ang
mga Dravidian at Aryan na nagdulot ng wasak sa kabihasnang Indus.

60
Ang mga Aryan ay pinaniniwalaang nagmula sa steppe ng Asya sa kanluran
ng Hindu Kush at nakarating sa Timog Asya sa pamamagitan ng pagdaan sa Khyber
Pass. Sila ay mas matatangkad at mapuputi kung ihahambing sa mga naunang
taong nanirahan sa lambak ng Indus. Dumating ang mga Aryan sa panahong
mahina na ang kabihasnang Indus.

Ang Panahong Vedic (1500-500 B.C.E.)


Ang mga Aryan ay nagtungo sa kanluran ng Europe at timog-silangan ng
Persia at India. Dinala nila sa mga rehiyong ito ang wikang tinatawag ngayong Indo-
European. Ang Sanskrit, ang wikang klasikal ng panitikang Indian, ay nabibilang sa
pamilya ng Indo-European. Ang mga makabagong wika tulad ng Hindi at Bengali ay
nag-ugat din sa Indo-European.
Ang salitang “Arya” ay nangangahulugang “marangal” sa wikang
Sanskrit.Ginamit ito upang tukuyin ang mga pangkat ng tao o lahi. Ang kaalaman
ukol sa unang milenyong pamamayani ng mga Aryan sa hilaga at hilagang-
kanlurang India ay hango sa apat na sagradong aklat na tinatawag na Vedas: ang
Rig Veda, Sama Veda, Yajur Veda, at Atharva Veda. Ang Vedas ay tinipong
himnong pandigma, mga sagradong rituwal, mga sawikain, at mga salaysay.
Makikita sa Vedas kung paano namuhay ang mga Aryan mula 1500 B.C.E.
hanggang 500 B.C.E. na tinatawag ding panahong Vedic.
Dinala ng mga Aryan ang kanilang mga diyos (na kadalasan ay mga lalaki
at mapandigma) at kulturang pinangingibabawan ng mga lalaki. Ngunit unti-unti rin
silang umangkop sa kanilang bagong kapaligiran.Hindi na pagpapastol ang kanilang
kabuhayan, natuto silang magsaka.Nakabuo rin sila ng sistema ng pagsulat.
Pagsapit ng 1100 B.C.E.,tuluyang nasakop ng mga Aryan ang hilagang bahagi ng
India.
Ang lipunan ng mga sinaunang Aryan ay may tatlong antas lamang: –
maharlikang mandirigma, mga pari, at mga pangkaraniwang mamamayan.
Kapansin-pansing ang mga kasapi ng bawat antas ay maaaring makalipat
sa ibang antas ng lipunan. Ang isang mandirigma ay pinipili upang pamunuan at
pangasiwaan ang pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao. Malinaw rin ang mga
tungkuling nakaatang sa kalalakihan at kababaihan. Subalit ang pagsakop nila sa
Lambak ng Indus ay nagdulot ng malaking pagbabago sa kanilang pamumuhay. Ang
lipunan ay naging mahigpit at masalimuot nang lumaon. Nagtatatag ng kaharian at
pagiging pinuno ay nagsimulang mamana. Naging mahalaga sa kanilang paniniwala
ang mga rituwal at sakripisyo ng mga pari.

Nang lumaon, nabuo ang tinatawag na sistemang caste sa India. Ang


katagang ito ay unang ginamit ng mga Portuguese na nakarating sa India noong ika-
16 na siglo. Ang terminong ito ay hango sa salitang casta na nanganga-hulugang
”lahi” o ”angkan.

Makikita sa ilustrasyon ang sistemang caste na nagpapakita ng


pagpapangkat ng mga tao.

61
Brahmin
kaparian

Ksatriya
mandirigma

Vaisya
mangangalakal, artisan,
magsasakang may lupa

Sudra
magsasakang walang sariling lupa, Dravidian,
inapo ng Aryan na nakapag-asawa ng hindi Aryan

Pariah
Naglilinis ng kalsada, nagsusunog ng mga patay,
nagbibitay sa mga kriminal
Sistemang Caste

Gawain 6. Tatak-Kabihasnan sa Timog Asya

A. Iguhit sa loob ng kahon ang tatlong mahahalagang bagay na naglalarawan sa


pamumuhay ng mga katutubo at dayuhang Aryan na nanirahan sa Timog
Asya. Pagkatapos, ay isulat sa loob ng bilog ang datos at kahalagahan nito sa
kanilang pamumuhay.

62
B. Itala sa unang kolum ng tsart ang mga ambag ng kabihasnang Indus at
Panahong Vedic. Sa pangalawang kolum, itala ang kapakinabangan nito sa
kasalukuyan.

Ambag ng Kabihasnan Kapakinabangan Ngayon

Pamprosesong Tanong

1. Ano ang dalawang lungsod na umunlad sa lambak-ilog ng Indus? Ilarawan


ang mga ito.
2. Paano mailalarawan ang pamumuhay ng mga tao sa panahong Vedic?
3. Ano ang iyong opinion tungkol sa pagpapangkat-pangkat ng mga tao sa India
batay sa sistemang Caste? Ipaliwanag ang sagot.

Pagbuo ng mga Kaharian at Imperyo (500 B.C.E.- 500 C.E.)

Mula sa kanilang orihinal na pamayanan sa rehiyonng Punjab, nagsimulang


tunguhin ng mga Aryan ang bahaging pasilangan. Mga 600 B.C.E. noon at 16
pinakamakapangyarihang mga estado ay matatagpuan sa kapatagan ng hilagang
India mula sa kasalukuyang Afghanistan hanggang Bangladesh. Kabilang dito ang
Magadha, Kosala, Kuru, at Gandhara.

Pagsapit ng 500 B.C.E.,ang malaking bahagi ng hilagang India ay


pinanirahan at sinaka ng mga Aryan. Ang dating payak na pamamahala ng mga
pinuno sa maliliit na pamayanan ay napalitan ng mas malalaking estadong nasa
ilalim ng monarkiyang namamana. Ang mga umuunlad na estadong ito ay
nangailangang mangolekta ng buwis mula sa mga opisyal, magtatag ng mga hukbo,
at magtayo ng mga bagong lungsod at lansangan.
Isa ang Magadha sa mga pinakamatatag at pinakamasaganang kaharian sa
bahagi ng Ganges River. Nagtataglay ito ng mineral na bakal, matabang lupain,
mayamang kagubatan na pinagkukunan ng mga tabla, at elepante na mahalaga sa
panahon ng digmaan at pagsasaka.

Isa sa mahusay na pinuno ng Magadha si Bimbisara (545-494 B.C.E.)


Nagpagawa siya ng mga kalsada, isinaayos ang pangangasiwa sa mga pamayanan,
at pinalakas ang kaharian kung ihahambing sa mga karatig-lugar. Lalo pang
pinalawig ng sumusunod na pinuno ang teritoryo ng kaharian. Nang lumaon,
nagawang mapamunuan ng Magadha ang kalakhang kapatagan ng Ganges at
buong hilagang India hanggang Punjab. Ito ang naging pinakamalawak na kaharian
sa panahong ito. Ang kabisera nito ay nasa Pataliputra na ngayon ay makabagong
Patna sa Bihar.

63
Halos kasabay ng panahong lumalakas ang Magadha, isang hukbong
pinamunuan ni Cyrus the Great mula Persia ang sumalakay sa hilagang-kanlurang
India. Noong 518 B.C.E. nasakop ni Darius, ang pumalit kay Cyrus, ang mga
Lambak ng Indus at Punjab. Ang bahaging ito ng India ay napasailalim ng Persia sa
loob ng halos dalawang siglo. Ang mga lungsod ng Persia ay naging sentro ng
kaalaman at kultura ang kalalakihan mula sa iba’t ibang kaharian ay maaaring
makapag-aral.

Tinapos ni Alexander, The Great ng Macedonia ang kapangyarihan ng


Persia. Tinalo niya ang mga Persian sa mga labanan bago tuluyang tinahak ang
landas patungong India noong 327 B.C.E. Matapos ang madugong
pakikipagtunggalian ng hukbo ni Alexander sa pinagsamang puwersa ng mga
Persian at Indian, nagawa rin nilang matawid ang Indus River. Subalit dahil sa layo
ng kanilang nilakbay at labis na kapaguran, ang mga tauhan ni Alexander ay
nagbantang mag-alsa laban sa kaniya. Dahil dito, napilitang lisanin ni Alexander ang
India. Mahihinuhang pagod na ang mga tropa at maaaring tinamaan sila ng sakit o
ng sakuna. Bukod dito, kulang na ang pantustos sa kanilang mga pangangailangan.
Sa pagkamatay ni Alexander noong 323 B.C.E., ang bahagi ng hilagang-kanlurang
India ay naiwang walang mahusay na pinuno.

Pagkatapos nito, iba’t ibang mga imperyo ang naitatag sa India. Tunghayan
ang kasunod na diyagram.

64
Imperyong Maurya

Pagkatatag

Noong 322 B.C.E., nasakop ni


Chandragupta Maurya ang dating
kaharian ng Magadha at tinungo ang Mahahalagang Pangyayari
mga naiwang lupain ni Alexander.
Sakop ng imperyo ang hilagang India Ang kabisera ay nanatili sa
at bahagi ng kasalukuyang Pataliputra.
Afghanistan.
Tagapayo ni Chandragupta
Maurya si Kautilya, ang may
akda ng Arthasastra.
Naglalaman ito ng mga
kaisipan hinggil sa
pangangasiwa .at
estratehiyang politikal.

Ang imperyo ay pinamunuan


ni Ashoka o Asoka (269-232
B.C.E.) ang kinikilalang
pinakamahusay na pinuno
ng Maurya at isa sa
Lions of Sarnath mahuhusay na pinuno sa
http://en.wikipedia.org/wiki/Emblem_of_India kasaysayan ng daigdig.
Matapos ang kaniyang
madugong pakikibaka sa
mga kalinga ng Orissa noong
Pagbagsak
261 B.C.E. na tinatayang
100,000 katao ang nasawi,
Nagsimulang humiwalay sa imperyo ang
ilang mga estadong malayo sa kabisera. Sa tinalikdan niya ang
pagbagsak ng Imperyong Maurya noong karahasan at sinunod ang
ikalawang siglo B.C.E. nagtagisan ng mga turo ni Buddha.
kapangyarihan ang mga estado ng India. Sa
sumunod na limang siglo, ang hilaga at
gitnang India ay nahati sa maliliit na kaharian
at estado.

65
Imperyong Gupta

Mahahalagang Pangyayari
Pagkatatag
Chandragupta II (Circa
Ang pangalan nito ay hango mula 376-415 C.E.).Nakontrol
sa pangalan ng naunang imperyo. uli ang hilagang India.Muli,
Itinatag ito ni Chandragupta I (circa ang kabisera ng imperyo
319-335 C.E.) ay nasa Pataliputra.

Itinuturing itong panahong


klasikal ng India.

Naging epektibo ang


pangangasiwa
Si Reyna
Kumaradevi samantalang ang
at panitikan, sining, at agham
Chandragupt ay yumabong.
aI
http://en.wikipe Maunlad ang mga
dia.org/wiki/Fil larangan ng astronomiya,
e:Queen_Kuma
radevi_and_Kin matematika, at siruhiya
g_Chandragupt (surgery) sa panahong ito.
a_I_on_a_coin_
of_their_son_Sa
mudragupta_35 Si Kalidasa, ang
0_380_CE.jpg kinikilalang
pinakamahusay na
manunulat at makata ng
India, ay nabuhay sa
panahong ito bagama’t
Pagbagsak
hindi alam ang eksaktong
petsa. Ang dulang
Sa pagsapit ng ikaanim na siglo C.E.,
Sakuntala na tinatayang
nagsimulang humina at bumagsak
isinulat niya noong ikaapat
ang Gupta sa kamay ng panibagong
o ikalimang siglo C.E. ay
mananakop, ang mga White Hun, na
hango mula sa kaisipang
maaaring mga Iranian o Turk mula sa
Hindu.
Gitnang Asya.

66
Imperyong Mogul

Pagkatatag

Itinatag ang Mogul nang masakop ni


Babur ang hilagang India at Delhi
noong 1526.
Mahahalagang
Pangyayari

Narating ng imperyo ang


tugatog ng kapangyarihan
sa ilalim ni Akbar na
namuno sa kabuuan ng
hilagang India mula 1556
hanggang 1605.
Nagpatupad siya ng
kalayaan sa
Taj Mahal pananampalataya at
http://en.wikipedia.org/wiki/File:Taj_Mahal_2 makatarungang
012.jpg pangangasiwa.

Ilan pang magagaling na


pinuno ang humalili kay
Akbar tulad nina Shah
Pagbagsak Jahan na nagpatayo ng Taj
Sa pagsapit ng ikaanim na siglo C.E., Mahal at Aurangzeb
nagsimulang humina at bumagsak nagbawal ng sugal, alak,
ang Gupta sa kamay ng panibagong prostitusyon,at sati (suttee)
mananakop,ang mga White Hun, na o pagsunog ng buhay sa
maaaring mga Iranian o Turk mula sa mga biyuda.
Gitnang Asya

Labis na humina ang Mogul dahil na


rin sa pagdating ng makapang-
yarihang English sa India.

67
Gawain 7. Empire Diagram

Kumpletuhin ang diyagram tungkol sa mga imperyong itinatag sa Timog Asya. Sa


mga unang kahon, itala ang mahahalagang datos sa bawat imperyo. Sa mga
ikalawang kahon, isulat ang mga tanyag na pinuno ng imperyo at ilarawan ang
bawat isa. Sa huling kahon, magbigay ng isang aral na natutuhan sa mga itinatag na
imperyo sa Timog Asya.

Pamprosesong Tanong

1. Ano ang naging kontribusyon ng mga pinuno sa pag-unlad ng kanilang


imperyo?
2. Paano bumagsak ang mga naturang imperyo sa Timog Asya?
3. Ano-ano ang naging ambag ng mga imperyong ito sa kasalukuyang
kabihasnan?

Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya

Ang mga natural na hadlang sa China tulad ng mga disyerto, bulubundukin, at


dagat ang nagbigay-daan sa pagpapanatili ng natatanging kultura ng mga sinaunang
Tsino at pag-unlad ng isang kabihasnang tumagal ng halos 3000 taon. Suriin ang
kasunod na diyagram:

68
Kabihasnang Tsino
Sinasabing nag-ugat ito mula sa Longshan, isang
kulturang Neolitikong laganap sa lambak ng Huang Ho.
Xia
(? - 1570 B.C.E.)
Hindi pa ito lubusang napatutunayan dahil sa kawalan ng
matibay na ebidensiyang arkeolohiya.

Sinasabing ito ang pinakamaunlad na kabihasnang


gumamit ng bronse sa panahong ito.

Naiwang kasulatan ng panahong ito ang pinakamatanda


sa mga panulat sa Tsino na nakasulat sa mga oracle
Shang bones o mga tortoise shell at cattle bone.
(1570? B.C.E. - 1045 B.C.E.)

Malimit ang isinagawang pagsasakripisyo ng mga tao


lalo na sa tuwing may namamatay na pinuno.

Pinatalsik ang Shang noong 1045 B.C.E.

Naniwala ang mga tao sa Mandate of Heaven o “Basbas


Oracle bone ng Kalangitan.” na, ang emperador ay namumuno sa
http://en.wikipedia.org/wiki/ kapahintulutan ng langit . Pinili siya dahil puno siya ng
File:Orakelknochen.JPG kabutihan. Kapag siya ay naging masama at mapang-
abuso, ay babawiin ng kalangiatan sa anyo ng lindol,
bagyo, tagtuyot, peste o digmaan.

Umusbong noon ang mahahalagang kaisipang humubog


sa kamalayang Tsino kabilang ang:
Zhou o Chou Confucianism - Layuning magkaroon ng isang tahimik at
(1045 B.C.E.- 221 B.C.E.) organisadong lipunan sa pamamagitan ng pagpapabuti
sa sarili at pagpapahalaga sa ugnayan ng mga tao sa
lipunan.
Taoism - Hangad ang balanseng sa kalikasan at daigdig
at pakikiayon ng tao sa kalikasan.
Legalism - Ipinanganak ang tao na masama at
makasarili. Subalit sila ay maaaring mapasunod sa
Confucius
http://en.wikipedia.org/wiki/ pamamagitan ng mahigpit na batas at marahas na
File:Confucius_Tang_Dynas kaparusahan.
ty.jpg

69
Ginapi ng mga pinunong Qin ang mga estado ng
dinastiyang Zhou.

Q’in o Ch’in Sa ilalim ni Ying Zheng ng Qin o Ch’in, nagawang


(221 B.C.E. - 206 B.C.E.)
pag-isahin ang mga nagdidigmaang estado at
isinailalim sa kaniyang kapangyarihan ang iba’t ibang
rehiyon sa China. Inihayag niya ang sarili bilang
“Unang Emperador” ng China at kinilala bilang si Shi
Huangdi o Shih Huang Ti (221-210 B.C.E.).

Ang hinahangaang Great Wall of China ay itinayo


Great Wall upang magsilbing-tanggulan laban sa mga tribong
http://en.wikipedia.org/wiki/ nomadiko na nagmula sa hilaga ng China may haba
File:The_Great_Wall_of_Ch
ina_at_Jinshanling.jpg 2400 kilometro o 1500 milya.
.jpg

Humina ang dinastiya nang mamatay si Shih Huangdi


at napalitan ng dinastiyang Han nang mag-alsa si Lui
Bang.

Ito ang kauna-unahang dinastiyang yumakap sa


Confucianism.

Han
(202 B.C.E. - 220 C.E.)
Ang pagsulat ng kasaysayan ng China ay isang
napakalaking ambag ng Dinastiyang Han.

Nagkaroon lamang ng dalawang emperador ang Sui.


Gayon man, nagawa nitong muling pag-isahin ang
watak-watak na teritoryo ng China.
Sui
(589 C.E. - 618 C.E.)
Isinaayos sa panahong ito ang Great Wall na
napabayaan sa mahabang panahon. Ginawa rin ang
Grand Canal na nag-uugnay sa mga ilog ng Huang
Ho at Yangtze.

Grand Canal
http://en.wikipedia.org/wiki/File:Kais
erkanal01.jpg

70
Li Yuan – Dating opisyal ng Sui na nag-alsa laban sa
dinastiya dahil sa mga pang-aabuso. Itinatag niya ang
dinastiyang T’ang.
T’ang
(618 C.E. - 907 C.E))

Itinuturing na isa sa mga dakilang dinastiya ng China


sapagkat nagkaroon muli ng kasaganaan ang lupain at
mabilis na mga pagbabago sa larangan ng sining at
teknolohiya.

Ang Buddhism na naging dominanteng relihiyon sa


mga panahong ito ay tinangkilik ng mga dugong
bughaw at mga karaniwang tao.

Mapa ng China sa ilalim ng


T’ang
http://en.wikipedia.org/wiki Ibinalik ang civil service examination system na naging
/File:Tang_Dynasty_circa_ mahalaga sa pagpili ng opisyal ng pamahalaan. Ang
700_CE.png pagsusulit na ito ay unang ginamit sa panahong Han
subalit pinagbuti pa sa panahong T’ang.

Bumagsak ang dinastiya dahil sa samu’t saring pag-


aalsang naganap sa China.

Itinayo ng isang hukbong imperyal ang dinastiyang ito.

Song
(960 C.E. - 1127 C.E.)
Naging sapat ang suplay ng pagkain sa China dahil sa
pag-unlad ng teknolohiyang agrikultural.

Nalikha ang isang paraan ng paglilimbag.

Sinakop ng mga barbaro ang hilagang bahagi ng China


kaya napilitan ang Song na iwanan ang kabisera nito
noong ika-12 siglo.

71
Itinatag ito ni Kublai Khan, isang Mongol. Sa unang
pagkakataon para sa mga Tsino, ang kabuuang China
ay pinamunuan ng mga dayuhang barbaro.

Yuan Ang mga Mongol ay kaiba sa mga Tsino sa aspektong


(1279 - 1368) kultural, tradisyon, at wika. Pinanatili nila ang kanilang
pagkakakilanlan at namuhay nang hiwalay sa China na
hindi nila pinagkatiwalaan.

Pagkatapos ng mga labanan dumaan ang dinastiya sa


tinatawag na Pax Mongolica o panahon ng
kapayapaan, maayos na sistema ng komunikasyon, at
mabuting kalakalan sa malawak na teritoryong sakop
mula Timog-silangang Asya hanggang silangang
Europe.

Pinabagsak ang dinastiya ng mga pag-aalsa na ang isa


ay pinamunuan ni Zhu Yuanzhang at itinatag ang
dinastiyang Ming.

Ang malaking bahagi ng Great Wall ay itinayo sa ilalim


ng dinastiyang ito. Naitayo rin ang Forbidden City sa
Peking na naging tahanan ng emperador.

Ming
(1368 - 1644)
Ang sining ay napayaman partikular ang paggawa ng
porselana. Naglayag at nakarating sa Indian Ocean at
silangang bahagi ng Africa ang mga Tsino sa
pamumuno ni Admiral Zheng He.

Maraming aklat ang nailimbag sa pamamagitan ng


pamamaraang movable type. Lumaki rin ang
populasyon ng China na umabot sa 100 milyon.
Forbidden City
http://en.wikipedia.org/wiki
/File:Forbidden_City_Cour
tyard.jpg Bumagsak ang dinastiya noong 1644. Pinahina ito ng
mga pagtutol sa mga pagbabago sa lipunan. Kasama
rito ang pakikipaglaban nito sa Japan na sumalakay sa
Korea.

72
Itinatag ito ng mga Manchu. Matapos magapi ang
Dinastiyang Ming na mga semi-nomadic mula sa
hilagang Manchuria at itinuturing ng mga Tsino na
barbarong dayuhan.

Ang pagkatalo ng China sa mga Digmaang Opium


laban sa England (1839-1842) at laban sa England at
France (1856-1860) ay malaking dagok sa imperyo.
Qing o Ch’ing
(1644 - 1911) Tinutulan ng pamahalaang China ang pagbebenta ng
opyo ng mga Europeo sa China, dahil nakasisira ito sa
moralidad ng tao at kaayusan ng lipunan.

Sa pagkatalo ng China, nagkaloob ito ng mga


konsesyon sa mga dayuhan, kabilang ang pagkakaloob
ng lupain tulad ng Hong Kong sa mga British.
Pinagkalooban din sila ng karapatang pakinabangan at
pamunuan ang ilang teritoryo sa China bilang sphere of
influence o mga rehiyon kung saan nangingibabaw ang
kapakanang pang-ekonomiya ng nanalong bansa.
Mapa ng China sa ilalim ng
Qing
http://www.inquirer.net/
Hinangad ng Rebelyong Taiping (1850-1865) at
Rebelyong Nien (1851-1863) na pabagsakin ang mga
Manchu na lubhang mahina at walang kakayahang
labanan ang panghihimasok ng mga Kanluranin. Nais din
ng Rebelyong Taiping na baguhin ang tradisyonal na
lipunang Tsino. Samantala, sumuporta ang Rebelyong
Boxer (1900) sa mga Manchu sa layuning palayasin ang
mga mapanghimasok na Kanluranin.

Lalong humina ang Dinastiyang Qing nang magapi ang


hukbong Tsino sa Digmaang Sino-French (1883-1885)
at Digmaang Sino-Japanese (1894-1895).

Noong 1911, nagwakas ang sistema ng dinastiya sa


China nang maganap ang Rebolusyon ng 1911 na
nagbigay-daan sa pagkatatag ng Republika ng China.

73
Gawain 8. Maramihang Pagpili sa Tsart

A. Buuin ang tsart sa pamamagitan ng pagtukoy ng mahahalagang


impormasyon tungkol sa kabihasnang Tsino. Kabilang ang tinutukoy na
dinastiya, mga tanyag na tauhan, at mga ambag nito sa kasalukuyan. Piliin
ang sagot sa loob ng mga bilog.

Kabihasnang Tsino

Chou Ming Q’ing Shang


Mga Dinastiya Sui T’ang Yuan

1. Nakasulat sa mga oracle bone ang mga naiwang kasulatan ng mga


sinaunang Tsinong nabuhay sa dinastiyang ito
2. Unang dayuhang dinastiyang namahala sa China
3. Huling dinastiya ng China
4. Yumabong sa dinastiyang ito ang kaisipang humubog sa
kamalayang Tsino tulad ng Confucianism, Taoism, at Legalism
5. Ipinagawa ang Grand Canal sa ilalim ng dinastiyang ito
6. Sa dinastiyang ito nagsimula at lumaganap ang kaisipang Mandate
of Heaven
7. Ipinatayo ang Forbidden City sa Peking sa dinastiyang ito

Zheng He Kublai Khan


Mga Tauhan Confucius Shih Huangdi

8. Itinuring ang kaniyang sarili bilang “unang emperador”


9. Itinatag niya ang Dinastiyang Yuan sa China
10. Pinangunahan niya ang mga ekspedisyon sa Indian Ocean at
silangang bahagi ng Africa
11. Nakasentro sa kaniyang mga aral ang kaisipang Confucianism

Great Wall Forbidden City


Mga Ambag Mandate of Heaven Taoism

12. Pagpapahintulot ng kalangitan na mamuno ang emperador


13. Nagsilbing-tanggulan ang estrukturang ito laban sa mga tribong
nomadiko sa hilagang China
14. Naging tahanan ng mga emperador noong Dinastiyang Ming
15. Hangad ng kaisipang ito ang balanseng kalikasan at pakikiayon
ng tao sa kalikasan

74
Kabihasnang Egyptian

Ang sinaunang kasaysayan ng Egypt ay kadalasang hinahati sa mga


panahong batay sa dinastiya ng naghaharing pharaoh. Ang pharaoh ang tumayong
pinuno at hari ng sinaunang Egypt at itinuring ding isang diyos na taglay ang mga
lihim ng langit at lupa. Para sa mga pharaoh, sila ang tagapagtanggol sa kanilang
nasasakupan. Sa pangkalahatan, maituturing na kontrolado ng isang pharaoh ang
lahat ng aspekto ng pamumuhay ng mga sinaunang Egyptian. Kabilang sa kaniyang
mga tungkulin ang pagsasaayos ng mga irigasyon, pagkontrol sa kalakalan,
pagtatakda ng mga batas, pagpapanatili ng hukbo, at pagtiyak sa kaayusan ng
Egypt.

Ang mga iskolar na nag-aaral sa kasaysayan ng Egypt ay tinatawag na mga


Egyptologist. Batay sa ilang tala, mahahati ang kronolohiya ng kasaysayan ng Egypt
sa sumusunod na pagpapanahon:

1 Pre-dynastic Period Nauna sa Panahon Nauna sa


ng mga Dinastiya 3100 B.C.E.
2 Early Dynastic Period Panahon ng mga Unang Una at Ikalawang Dinastiya
Dinastiya (circa 3100-2670 B.C.E.)
3 Old Kingdom Matandang Kaharian Ikatlo hanggang Ikaanim
na Dinastiya
(circa 2670-2150 B.C.E.)
4 First Intermediate Unang Intermedyang Ikapito hanggang Ika-11
Period Panahon Dinastiya
(circa 2150-2040 B.C.E.)
5 Middle Kingdom Gitnang Kaharian Ika-12 at Ika-13 Dinastiya
(circa 2040-1650 B.C.E.)
6 Second Intermediate Ikalawang Intermedyang Ika-14 hanggang Ika-17
Period Panahon Dinastiya
(circa 1650-1550 B.C.E.)
7 New Kingdom Bagong Kaharian Ika-18 hanggang Ika-20
Dinastiya
(circa 1550-1070 B.C.E.)
8 Third Intermediate Ikatlong Intermedyang Ika-21 hanggang Ika-25
Period Panahon Dinastiya
(circa 1070-664 B.C.E.)
9 Late Period Huling Panahon Ika-26 hanggang Ika-31
Dinastiya
(circa 664-330 B.C.E.)

Nangingibabaw ang bawat dinastiya hangga’t hindi ito napatatalsik o walang


tagapagmana sa trono. Ang mga petsa ng mga pangyayari sa kasaysayan ng Egypt
ay patuloy pa ring paksa ng mga pananaliksik kaya di pa maitakda ang tiyak na
petsa.
Suriin ang kasunod na diyagram upang higit na maunawaan ang daloy ng
sinaunang kasaysayan ng Egypt.

75
3 5 7

1 2 4 6 8 9

Nauna sa Panahon ng mga Dinastiya


Nile hieroglyphics nome nomarch

Ang mga sinaunang Egyptian ay namuhay sa mga pamayanang malapit sa


Nile. Tulad sa Mesopotomia, sumasailalim sila sa pamamahala ng mga lokal na
pinunong may kontrol sa pakikipagkalakalan. Ang mga eskribano ay nakapaglinang
din ng kanilang sariling sistema ng pagsulat na tinatawag na hieroglyphics o
nangangahulugang “sagradong ukit” o hieratic sa wikang Greek. Ang sinaunang
panulat na ito ay naging mahalaga sa pakikipagkalakalan at pagtatala ng mga
pangyayari.
Pagsapit ng ikaapat na milenyo B.C.E., ang ilang pamayanan ay naging
sentro ng pamumuhay sa sinaunang Egypt. Nang lumaon, ang mga ito ay tinawag
na nome o malalayang pamayanan na naging batayan ng mga binuong lalawigan ng
sinaunang estado ng Egypt. Ang mga pinuno ng mga nome o nomarch, ay unti-
unting nakapagbuklod ng isang estado sa Nile upang makabuo ng panrehiyong
pagkakakilanlan.

Tungkol saan ang larawan?


________________________________
Picture of
Hieroglyphics Bakit mahalaga ang larawan sa buhay ng
mga sinaunang Egyptian? __________
_________________________________
_________________________________
http://en.wikipedia.org/wi
ki/Hieroglyphics

3 5 7

1 2 4 6 8 9

Panahon ng mga Unang Dinastiya


Upper Egypt Lower Egypt Menes Memphis

Ang proseso ng pagbubuo ng isang estado ay nagtagal ng ilang siglo.


Mahalagang salik ang pagkakaroon ng mga alyansa sa harap ng mabilis na mga
pagbabago sa aspektong pangkabuhayan at politikal. Unti-unti ring lumaki ang
populasyong nangailangan ng mas intensibong irigasyon para sa mga lupang
sakahan. Dalawang kaharian ang nabuo sa kahabaan ng Nile, ang Upper Egypt at

76
Lower Egypt. Noong 3100 B.C.E., isang pinuno ng Upper Egypt, sa katauhan ni
Menes, ang sumakop sa Lower Egypt na nagbigay-daan upang mapag-isa ang
lupain sa mahabang panahon. Si Menes ay isa sa mga pinakaunang pharaoh sa
panahon ng Unang Dinastiya ng Egypt. Maliban sa pagkakaroon ng pinag-isang
pangangasiwa, nagtalaga rin siya ng mga gobernador sa iba’t ibang lupain. Ang
Memphis ang naging kabisera sa panahon ng paghahari ni Menes.

Tungkol saan ang nasa larawan?


________________________________
Picture of Menes
Ano ang nais ipahiwatig nito?
wearing two crowns _________________________________
________________________________

http://www.markville.ss.yrdsb.edu.on.ca/projects/classof2007/16chong/don
nelly/Egypt%20Web%20Site/donnellyegyptfacts.html

3 5 7

1 2 4 6 8 9

Matandang Kaharian
Great Pyramid Khufu Seven Wonders Pepi II

Ang Matandang Kaharian ay nagsimula sa Ikatlong Dinastiya ng Egypt. Ang


mga kahanga-hangang pyramid o piramide ng Egypt na itinayo sa panahong ito ay
nagsilbing mga monumento ng kapangyarihan ng mga pharaoh at huling hantungan
sa kanilang pagpanaw. Ang pagtatayo ng mga ganitong uri ng estruktura ay
nangailangan ng husay mula sa mga arkitektong nagdisenyo at sakripisyo naman
mula sa libo-libong taong nagtayo nito. Ang ilan sa halimbawa nito ay ang Great
Pyramid ni Khufu o Cheops sa Giza na naitayo noong 2600 B.C.E. Ito ay may lawak
na 5.3 ektarya at may taas na 147 metro.

Makalipas lamang ang dalawang siglo, nahinto ang pagtatayo ng mga


piramide. Sa kabuuan, tinatayang may 80 lokasyon ang pinagtayuan ng mga
piramide sa Egypt subalit ang karamihan sa mga ito ay gumuho na. Ang mga
piramide ang tanging estrukturang Egyptian na nananatili sa kasalukuyang panahon.
Kabilang ito sa tinaguriang Seven Wonders of the Ancient World na itinala ng mga
Greek na pinakamagandang arkitektura sa mundo.

Bagama’t natigil na ang pagpapagawa ng piramide, itinuon na lamang ng mga


pharaoh ang panahon sa iba pang mga pampublikong gawain. Kabilang dito ang
paghukay ng kanal upang iugnay ang Nile River at Red Sea at nang mapabilis ang
kalakalan at transportasyon. Gayundin ang pagsipsip ng mga latian sa Nile Delta
upang maging bagong taniman.

77
Si Pepi II ang kahuli-hulihang pharaoh ng Ikaanim na Dinastiya (circa 90
B.C.E.). Pinaniniwalaang tumagal ng 94 na taon ang kaniyang pamumuno na
nangangahulugang siya ang pinakamatagal na naghari sa lahat ng hari sa
kasaysayan. Anim na taong gulang lamang si Pepi II nang maupo sa trono. Namatay
siya sa edad na 100. Bumagsak ang Old Kingdom sa kaniyang pagkamatay. Ang
kaharian ay nagsimulang humina dahil sa laganap na taggutom at mahinang
pamamahala. Nagsimulang hamunin ng ilang mga opisyal ng pamahalaan ang
kapangyarihan ng pharaoh. Dahil dito, nasadlak ang lupain sa kaguluhan sa loob
halos ng dalawang siglo.

Unang Intermedyang Panahon


Ang tinatawag na Unang Intermedyang Panahon ay panahon ng Ikapito
hanggang Ika-11 Dinastiya ng Egypt. Sa pagsapit ng 2160 B.C.E., tinangka ng mga
panibagong pharaoh na pagbukluring muli ang Lower Egypt mula sa kabisera nitong
Heracleopolis. Sa kabilang dako, ang kanilang mga katunggali sa Thebes ay binuo
naman ang Upper Egypt. Dulot nito, nagsagupaan ang dalawang magkaribal na
dinastiya sa Egypt. Ang mga pinuno mula sa Heracleopolis ay nagmula sa linya ng
pharaoh na si Akhtoy samantalang ang unang apat na pinuno mula sa Thebes ay
pinangalanang Inyotef o Antef.

Anong estruktura ang nasa larawan?


________________________________
Picture of Great
Pyramid at Giza Paano inilarawan ng estruktura ang
taglay na kabihasnan ng mga sinaunang
Egyptian? ________________________
_________________________________
http://en.wikipedia.org/wi
ki/gizapyramid

3 5 7

1 2 4 6 8 9

Gitnang Panahon
Mentuhotep I Itjtawy Amenemhet II Hyksos

Ang kaguluhang politikal ay nagtapos nang manungkulan si Mentuhotep I. Sa mga


sumunod na naghari, napag-isa muli ang Egypt. Nalipat ang kabisera sa Itjtawy
(ipinapalagay na ngayon ay el-Lisht) sa Lower Egypt. Sa panahon ni Senusret I o
Sesostris I (1970-1926 B.C.E.), nakipagtunggali siya sa bahaging Nubia. Noong
1878 B.C.E., ipinagpatuloy ni Senusret o Sesostris III (1878-1842 B.C.E.) ang
kampanyang militar sa Nubia. Sa una ring pagkakataon, tinangka niyang palawakin
ang kapangyarihan ng Egypt hanggang Syria. Ang pinakamahusay na pinuno ng

78
panahong ito ay si Amenemhet II (1929-1895 B.C.E.) na namayani sa loob ng 45
taon.
Hindi sa Lambak ng Nile naganap ang mga gawain ng karamihan sa mga
naging pinuno ng Ika-12 Dinastiya. Sa halip, maraming ekspedisyon ang nagtungo
sa Nubia, Syria, at Eastern Desert upang tumuklas ng mahahalagang bagay na
maaaring minahin o mga kahoy na maaaring gamitin. Nagkaroon din ng kalakalan sa
pagitan ng Egypt at Crete ng kabihasnang Minoan.

Ang Ika-13 Dinastiya ay bahagi ng Gitnang Kaharian. Kaguluhan at pagdating


ng mga Hyksos mula sa Asya ang namayani sa panahong ito. Ang katagang hyksos
ay nangangahulugang “mga prinsipe mula sa dayuhang lupain.” Sinamantala nila
ang mga kaguluhan sa Nile upang makontrol ang lugar at palawigin ang kanilang
kapangyarihan sa katimugan. Nagsimula ang pamamayani ng mga Hyksos noong
1670 B.C.E. at kanilang napasailalim ang Egypt sa loob ng isang siglo. Hindi
nagtagal, ang kanilang paggamit ng mga chariot ay natutuhan din ng mga Egyptian.
Nang lumaon, dahil sa kawalan ng kontrol sa kabisera, nagsimula ang panibagong
panahon sa kasaysayan ng Egypt.

Ikalawang Intermedyang Panahon


Nagpatuloy ang pamamahala ng mga Ika-13 at Ika-14 na Dinastiya sa
alinman sa dalawang lugar, sa Itjtawy o sa Thebes. Subalit nang lumaon,
nagsimulang humina ang kanilang kontrol sa lupain. Ayon sa mga tala, ang Ika-13
Dinastiya ay nagkaroon ng 57 hari. Ito ay nagpapahiwatig ng kawalan ng
kapanatagan at katatagan sa pamamahala. Ang Ika-15 Dinastiya ay nangingibabaw
sa isang bahaging Nile Delta. Ang naging pangunahing banta sa mga pharaoh ng
Thebes ay ang Ika-16 na Dinastiya na tinatawag ding Dinastiya ng Great Hyksos na
namayani sa Avaris. Nagawang palawigin ng mga pinuno rito ang kanilang
kapangyarihan hanggang sa katimugang bahagi na umaabot sa Thebes. Ang
pangingibabaw ng dinastiya ng mga Hyksos ay natapos sa pag-usbong ng Ika-17
Dinastiya. Nagawang mapatalsik ng mga pinuno nito ang mga Hyksos mula sa
Egypt.

Anong pangkat ng tao ang nasa


larawan? _________________________
Picture of Hyksos
Ano ang bahaging kanilang ginampanan
sa kasaysayan ng sinaunang Egypt?
_________________________________
_________________________________

http://en.wikipedia.org/wiki/File:I
bscha.jpg

79
3 5 7

1 2 4 6 8 9

Bagong Kaharian
Empire Age Ahmose Hatshepsut Akhenaton Rameses II

Ang Bagong Kaharian ay itinuturing na pinakadakilang panahon ng


kabihasnang Egyptian. Ito ay pinasimulan ng Ika-18 Dinastiya. Tinatawag din ito
bilang Empire Age. Naitaboy ni Ahmose (1570-1546 B.C.E.) ang mga Hyksos mula
sa Egypt noong 1570 B.C.E. Sinimulan niya ang dinastiya ng mga dakilang pharaoh
mula sa Thebes at namayani mula sa delta hanggang Nubia sa katimugan. Panahon
din ito ng agresibong pagpapalawak ng lupain ng Egypt sa kamay ng malalakas na
mga pharaoh. Ang kapangyarihan ng Egypt ay umabot sa Nubia sa katimugan
hanggang sa Euphrates River sa Mesopotamia, sa lupain ng mga Hittite at Mitanni.

Si Reyna Hatshepsut (1503-1483 B.C.E.), asawa ni Pharaoh Thutmose II


(1518-1504 B.C.E.), ay kinilala bilang isa sa mahusay na babaing pinuno sa
kasaysayan. Siya ay nagpagawa ng mga templo at nagpadala ng mga ekspedisyon
sa ibang mga lupain. Sa kaniyang pagkamatay, lalo pang pinalawig ni Thutmose III
(1504-1450 B.C.E.), anak ni Thutmose II, ang Imperyong Egypt.

Isa sa mga tanyag na pharaoh noong ika-14 na siglo B.C.E. ay si Amenophis


IV o Akhenaton (1350-1334 B.C.E.). Tinangka niyang bawasan ang kapangyarihan
ng mga pari sa pamahalaan. Tinangka rin niyang baguhin ang paniniwala ng mga
tao ukol sa pagsamba sa maraming diyos. Pinasimulan niya ang bagong relihiyon na
nakatuon sa pagsamba sa iisang diyos, si Aton, na sinasagisag ng araw. Sa
kasamaang-palad, hindi tinangkilik ng mga pari ang ganitong pagtatangka. Sa
pagkamatay ni Akhenaton, tuluyang nawala ang kaniyang sinimulan. Siya ay
pinalitan ni Tutankhamen (1334-1325 B.C.E.) na noon ay siyam na taong gulang pa
lamang nang maupo sa trono.

Ang Ika-19 na Dinastiya ay pinasimulan ni Rameses I (1293-1291 B.C.E.).


Siya ay sinundan nina Seti I (1291-1279 B.C.E.) at Rameses II (1279-1213 B.C.E.).
Si Rameses II ay isa sa mahusay na pinuno ng mga panahong ito. Sa loob ng 20
taon, kinalaban niya ang mga Hittite mula sa Asia Minor na unti-unting pumapasok
sa silangang bahagi ng Egypt. Natapos ang alitan ng Egypt at Hittite nang lumagda
sa isang kasunduang pangkapayapaan si Rameses II at Hattusilis III, ang hari ng
Hittite. Ito ang kauna-unahang kasunduang pangkapayapaan sa pagitan ng
dalawang imperyo sa kasaysayan ng daigdig. Pinaniniwalaang ang Exodus ng mga
Jew mula Egypt ay naganap sa panahon ni Rameses II. Muli na namang humina
ang pamamahala sa Egypt sa kaniyang pagpanaw.

80
Ikatlong Intermedyang Panahon

Ang Ika-21 Dinastiya, na tinawag din bilang Tanites, ay pinasimulan ni


Smendes (1070-1044 B.C.E.) ng Lower Egypt. Ang dinastiyang ito ay napalitan ng
mga hari mula sa Libya na nagpasimula naman sa Ika-22 Dinastiya. Ang unang
pinuno nito ay si Shoshenq I (946-913 B.C.E.) na isang heneral sa ilalim ng
nagdaang dinastiya. Sa mga panahong ito, maraming mga nagtutunggaliang
pangkat ang nagnanais mapasakamay ang kapangyarihan. Humantong ito sa
pagbuo ng Ika-23 Dinastiya. Sa paglisan sa Egypt, sa Sudan, isang prinsipe ang
kumontrol sa Lower Nubia. Nang lumaon, isang nagngangalang Piye ang sumalakay
pahilaga upang kalabanin ang mga naghahari sa Nile Delta. Umabot ang kaniyang
kapangyarihan hanggang sa Memphis. Sumuko nang lumaon ang kaniyang
katunggaling si Tefnakhte subalit pinayagan siyang mamuno sa Lower Egypt.
Sinimulan niya ang Ika-24 na Dinastiya na hindi naman nagtagal.

Ano ang nais ipahiwatig ng mapa?


_________________________________
Map of Egypt
Empire during New Bakit tinagurian ang Bagong Kaharian
bilang Empire Age?
Kingdom
_________________________________
_________________________________
http://en.wikipedia.org/wi
ki/File:Egypt_1450_BC.svg

3 5 7

1 2 4
6 8 9

Huling Panahon

Psammetichus Alexander the Great Cleopatra VII

Nagsimula ang Ika-26 na Dinastiya sa ilalim ni Psammetichus (664-610


B.C.E.). Nagawa niyang pagbuklurin ang Middle at Lower Egypt. Nakontrol niya ang
buong Egypt noong 656 B.C.E. Sa ilalim ni Apries, isang hukbo ang ipinadala upang
tulungan ang mga taga-Libya na puksain ang kolonya ng Greece na Cyrene. Subalit
ang malaking pagkatalo ng kaniyang hukbo ay nagdulot ng kaguluhang sibil na
humantong sa paghalili ni Amasis II (570-526 B.C.E.). Hindi naglaon, napasakamay
ng mga Persian ang Egypt. Ang pinuno ng mga Persian na si Cambyses II ang
naging unang hari ng Ika-27 Dinastiya.
Napalayas ng mga Egyptian ang mga Persian sa pagtatapos ng Ika-28
Dinastiya. Sa pananaw ng Persia, ang Egypt ay isa lamang nagrerebelyong
lalawigan nito. Namuno ang mga Egyptian hanggang sa ika-30 Dinastiya bagama’t
mahihina ang naging pinuno. Panandaliang bumalik sa kapangyarihan ang mga
Persian at itinatag ang Ika-31 Dinastiya.
Noong 332 B.C.E., sinakop ni Alexander The Great ang Egypt at ginawa itong
bahagi ng kanyang Imperyong Hellenistic. Malawak ang saklaw ng kaniyang imperyo

81
na umabot ng Egypt, Macedonia, Asia Minor, Persia, Mesopotamia hanggang Indus
Valley sa India. Sa kaniyang pagkamatay noong 323 B.C.E., naging satrap o
gobernador ng Egypt ang kaniyang kaibigan at heneral na si Ptolemy.
Noong 305 B.C.E., itinalaga ni Ptolemy ang kaniyang sarili bilang hari ng
Egypt at pinasimulan ang Panahong Ptolemaic. Ang Dinastiyang Ptolemaic ay
naghari sa loob halos ng tatlong siglo. Si Cleopatra VII ang kahuli-hulihang reyna ng
dinastiya. Ang Egypt ay naging bahagi ng Imperyong Roman noong 30 B.C.E.
Mula sa Kasaysayan ng Daigdig ni Mateo et. al (2012), pp. 75-82

Sino ang nasa larawan?


_________________________
Picture of Cleopatra
Paano nagwakas ang kabihasnang
Egyptian?
_________________________________
_________________________________

http://en.wikipedia.org/wi
ki/File:Kleopatra-VII.-Altes-
Museum-Berlin1.jpg
Gawain 9. Walk to Ancient Egypt

A. Tukuyin ang inilalarawan sa bawat aytem upang makumpleto ang dayagram.

Kabihasnang Egyptian

1. Tauhan 8. Tauhan

2. Bagay 7. Bagay

3. Panahon 4. Tauhan 5. Tauhan 6. Panahon

82
1. Nagpagawa ng Great Pyramid na pinakamalaki sa buong daigdig
2. Sistema ng pagsulat ng mga sinaunang Egyptian
3. Itinuring bilang “Empire Age” at pinakadakila sa kasaysayan ng sinaunang
Egypt
4. Kinilalang isa sa mahuhusay na babaing pinuno ng sinaunang Egypt
5. Napag-isa sa kaniyang paghahari ang Upper Egypt at Lower Egypt
6. Nagsimula sa Ikatlong Dinastiya ng Egypt at panahon ng pagtayo ng mga
pyramid sa Egypt
7. Nagsilbing mga bantayog ng kapangyarihan ng mga pharaoh at naging
libingan ng mga ito
8. Lumagda sa kauna-unahang kasunduang pangkapayapaan sa hari ng mga
Hititte

Pamprosesong Tanong

1. Anong kabihasnan ang umunlad sa Africa?


2. Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng kabihasnang Egyptian sa mga
kabihasnang umunlad sa Mesopotamia?
3. Paano mailalarawan ang pamumuhay ng mga sinaunang Egyptian?
4. Sino ang mga naging pinuno ng Egypt? Ano ang kanilang naging papel sa
paghubog ng kabihasnan sa Egypt?
5. Anong kongklusyon ang iyong mabubuo sa kabihasnang Egyptian?

Hindi lamang sa mga kontinente ng Asya at Africa nakapagtatag ng mga


sinaunang kabihasnan sa daigdig, kundi maging sa kontinente ng America,
partikular sa Mesoamerica – ang mga Olmec at Teotihuacan.

Ang mga Kabihasnan sa Mesoamerica

Ang mga Pamayanang Nagsasaka (2000-1500 B.C.E.)

Maraming siglo muna ang lumipas sa pagitan ng pagsisimula ng pamumuhay


sa mga pamayanan at pagkakaroon ng mga lipunang binuo ng estado sa
Mesoamerica. Ang mga sinaunang tao ay nagtatanim ng mais at iba pang mga
produkto sa matabang lupain ng Yucatan Peninsula at kasalukuyang Veracruz noon
pa mang 3500 B.C.E. Sa pagsapit ng 1500 B.C.E., maraming taga-Mesoamerica
ang nagsimulang manirahan sa mga pamayanan. Naidagdag din sa kanilang
karaniwang kinakain ang isda at karne ng maiilap na hayop.

Mababanaag na ang pagkakaroon ng politikal at panlipunang kaayusan sa


Mesoamerica sa pagitan ng 2000 B.C.E. at 900 B.C.E. Sa maraming rehiyon, ang
maliliit subalit makapangyarihang pamayanan ay nagkaroon ng mga pinuno.
Nagkaroon din ng ilang mga angkang pinangibabawan ang aspektong pang-
ekonomiya, pampolitika, at panrehiyon. Ang pinakakilala sa mga bagong tatag na
lipunan ay ang Olmec.

83
Ang mga Olmec

Olmec (1500-500 B.C.E.)  Ang kauna-unahang umusbong sa Central


America (at maaaring maging kabuuang
America) ay ang Olmec
 Ang katagang olmec ay nangangahulugang
rubber people dahil sila ang kauna-
unahang taong gumamit ng dagta ng
punong rubber o goma
 Ang kanilang kabihasnan ay yumabong sa
Picture of Olmec culture rehiyon ng Gulf Coast sa katimugang
Mexico na nang lumaon ay lumawig
hanggang Guatemala
 Ang panahong ito ay halos kasabayan ng
Dinastiyang Shang sa China

The Wrestler, rebultong gawa ng mga


Olmec
http://en.wikipedia.org/wiki/File:The_Wr
estler_(Olmec)_by_DeLange.jpg Ang Olmec ay isang pamayanang agrikultural.
Ang sistemang irigasyon na itinayo rito ay
nagbigay-daan upang masaka ang kanilang lupain. Sila rin ay nakagawa ng
kalendaryo, gumamit ng isang sistema ng pagsulat na may pagkakatulad sa
hieroglyphics ng mga Egyptian, at nakalinang ng katangi-tanging akda ng sining.
Naunawaan na rin nila ang konseptong zero sa pagkukuwenta. Sa kasamaang palad
ang kanilang sulat ay hindi pa lubusang nauunawaan ng mga iskolar hanggang
ngayon. Dahil dito ang mga kaalaman sa Olmec at iba pang mga sinaunang tao sa
America ay hango mula sa iba pang labi ng kanilang panahon. Ang mga likhang ito
at maging ang paniniwalang Olmec ay may malaking impluwensiya sa kultura ng
mga sumunod na kabihasnan, tulad ng Maya at Aztec.

84
Kulturang Olmec

Larong Lilok ng anyong ulo


Pok-a-tok mula sa mga bato

Ang rituwal ukol sa kanilang Ang mga Olmec ay kilala rin sa


paniniwala ay mahalaga sa paglililok ng mga anyong ulo mula
pamumuhay ng mga Olmec. Sila ay sa mga bato. Ang pinakamalaking
may panrituwal na larong tinatawag ulo ay may taas na siyam na
na pok-a-tok na tila kahalintulad ng talampakan at may bigat na 44 libra.
larong basketbol, subalit ang mga Maaari diumanong ang mga lilok na
manlalaro ay hindi maaaring ito ay hango sa anyo ng kanilang
gumamit ng kanilang kamay upang mga pinuno. Sila rin ay nakagawa
hawakan ang bolang yari sa goma. ng mga templong hugis-piramide sa
Sa halip, gamit ang mga siko at ibabaw ng mga umbok ng lupa. Ang
baywang, tinatangka ng mga mga estrukturang ito ay nagsilbing
manlalaro na ihulog at ipasok ang mga lugar-sambahan ng kanilang
bola sa isang maliit na ring na gawa mga diyos.
sa bato at nakalagay sa isang
mataas na pader. Pinaniniwalaan ng
mga arkeologo na ang ilang mga Mahalaga sa paniniwalang Olmec
manlalaro ay ginagawang sakripisyo ang hayop na jaguar na
matapos ang nasabing laro. Nang pinakakinatatakutanng maninila
lumaon, ito ay nilaro sa iba’t ibang (predator) sa central America at
sentro sa buong Mesoamerica. South America. Ito ay nagpapakita
ng lakas, katusuhan, at kakayahang
manirahan saan mang lugar. Ito rin
ay agresibo at matapang.
Sinasamba ng mga Olmec ang
Hayop na jaguar espiritu ng jaguar.

Dalawa sa sentrong Olmec ay ang San Lorenzo at ang La Venta. Ang mga lugar na
ito ay mga sentrong pangkalakalan kung saan ang mga produktong mineral tulad ng
jade, obsidian, at serpentine ay nagmumula pa sa malalayong lugar tulad ng Costa
Rica.

Katulad ng iba pang kulturang umusbong sa America, ang kabihasnang


Olmec ay humina at bumagsak. Sinasabing sila ay maaaring makihalubilo sa iba
pang mga pangkat na sumakop sa kanila. Gayunpaman, ang mga sinaunang taong
sumunod sa kanila ay nagawang maitatag ang dakilang lungsod ng Teotihuacan.

85
Ang mga Teotihuacan

 Sa pagsapit ng 200 B.C.E., ang ilan sa


mga lugar sa lambak ng Mexico ay naging
Picture of Teotihuacan culture mas maunlad dahil sa ugnayang
kalakalan at pagyabong ng ekonomiya
 Isa sa mga dakila at pinakamalaking
lungsod sa panahong ito ay ang
Teotihuacan na nangangahulugang
“tirahan ng diyos”
Avenue of the Dead at ang Pyramid of the  Pagsapit ng 150 C.E., ito ay naging isang
Sun lungsod na may halos 12.95 kilometro
http://en.wikipedia.org/wiki/File:View_fr kuwadrado na mahigit sa 20,000 katao
om_Pyramide_de_la_luna.jpg
 Sa pagitan ng 150 C.E. at 750 C.E., ang
populasyon nito ay minsang umabot sa
Teotihuacan 120,000
(250 B.C.E.-650 C.E.)

Ang mga piramide, liwasan, at lansangan ay nagbigay ng karangyaan,


kadakilaan, at kapangyarihan sa lungsod. Maliban dito, ang mga pinuno nito ay
nagawang makontrol ang malaking bahagi ng lambak ng Mexico. Naging sentrong
pagawaan ang lungsod samantalang ito ay nagkarooon ng monopolyo sa
mahahalagang produkto tulad ng cacao, goma, balahibo, at obsidian. Ang obsidian
ay isang maitim at makintab na bato na nabuo mula sa tumigas na lava. Ginamit ito
ng mga Teotihuacan sa paggawa ng kagamitan, salamin, at talim ng mga kutsilyo.
Matagumpay na pinamunuan ng mga dugong bughaw o nobility ang malaking
bahagdan ng populasyon. Ito ay naganap sa pamamagitan ng pagkontrol sa
ekonomiya, pag-angkop sa relihiyon, at pagpapasunod nang puwersahan.

Ang pinakamahalagang diyos ng Teotihuacan ay si Quetzalcoatl, ang


Feathered Serpent God. Tinawag na diyos ng kabihasnan, pinaniniwalaang sa
kaniya nagmula ang iba’t ibang elemento ng kabihasnan ng Teotihuacan. Kinatawan
din niya ang puwersa ng kabutihan at liwanag. Siya rin ang diyos ng hangin.

Noong 600 C.E., ang ilang mga tribo sa hilaga ay sumalakay sa lungsod at
sinunog ang Teotihuacan. Mabilis na bumagsak ang lungsod matapos ang 650 C.E.
Ang paghina ng lugar ay maaaring dulot ng mga banta mula sa karatig-lugar,
tagtuyot, at pagkasira ng kalikasan.

Mula sa Kasaysayan ng Daigdig ni Mateo et.al (2012)

Maaaring tingnan ang sumusunod na Modyul ng Project EASE (Effective


Alternative Secondary Education) AP III para sa karagdagang impormasyon.
a. Modyul 3 – Ang mga Unang Kabihasnan (pp. 6-48)
b. Modyul 7 – Kabihasnang Klasikal sa Amerika at Pacifico (pp. 9-16)

86
Gawain 10. Tracing the Beginning Chart

a. Kumpletuhin ang tsart ayon sa hinihinging datos sa bawat kolum.


b. Talakayin ang mga impormasyon matapos mabuo ang tsart.

Ano ang sinaunang Paano nagsimula Ano ang katangian


kabihasnang ang kasaysayan ng ng mga
umusbong sa daigdig? kabihasnang ito? katutubo nito?

Pamprosesong Tanong

1. Sa anong aspeto nagkakatulad ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig batay


sa pagsisimula ng mga ito?
2. Ano ang magkakahawig na mga katangiang taglay ng mga sinaunang katutubo
sa panahon ng pagkatatag ng kanilang mga kabihasnan?
3. Kahanga-hanga ba ang ginawa ng mga sinaunang tao sa pagtatatag nila ng
kanilang kabihasnan? Ipaliwanag.
4. Anong aral ang iyong natutuhan sa naging katangian at kakayahan ng mga
sinaunang tao na mapaunlad ang kanilang pamumuhay?

Gawain 11. Pagbuo ng K-Web Diagram

Unawain ang mga panuntunan sa pagbuo ng “Kabihasnan - Web


Diagram.”
1. Alamin ang tinutukoy sa bawat bilang.
2. Isulat ang bilang at sagot sa kaukulang lugar nito sa web diagram.

Mesopotamia Egypt

Sinaunang
Mesomerica Indus
Kabihasnan

Tsino

87
1. Sistema ng pagsulat ng mga Sumerian
2. Kambal na lungsod na umunlad sa lambak-ilog ng Indus
3. Sagradong aklat ng mga Aryan
4. Tawag sa China na nangangahulugang “Gitnang Kaharian”
5. Kauna-unahang kabihasnang umunlad sa America
6. Pagpapangkat-pangkat ng tao sa lipunang Hindu
7. Bahay-sambahan ng mga Sumerian
8. Pinakamalaking estruktura at libingan ng pinuno ng sinaunang Egypt
9. Maunlad na lungsod sa Mesoamerica na nangangahulugang “tirahan ng diyos”
10. Tanyag na gusali sa Babylon; kabilang sa “Seven Wonders” ng sinaunang daigdig
11. Estruktura sa China na nagsilbing harang at proteksiyon laban sa mga mananakop
12. Tawag sa rehiyon ng America na kinabibilangan ng malaking bahagi ng Mexico, Guatemala,
at El Salvador
13. Taguri sa pinuno ng sinaunang Egypt
14. Sinaunang paniniwala ng mga pinunong Tsino na may pahintulot ang langit na pamunuan
ang China
15. Tawag sa sinaunang sistema ng pagsulat ng mga Egyptian

Batay sa mahahalagang impormasyon tungkol sa mga sinaunang


kabihasnan sa daigdig, ituon ang isipan sa pagsisimula, paglago, at tuluyang
pagbagsak ng bawat kabihasnan. Makatutulong ang susunod na gawaing
tatalakay pa rin sa kasaysayan ng mga sinaunang kabihasnan.

Gawain 12. Kabihasnan Pathway Diagram

a. Makilahok sa iyong pangkat. Unawain ang sumusunod na panuntunan.


1. Bibigyang-pansin ng Pangkat 1 ang Kabihasnang Mesopotamia, Pangkat
2 ang Kabihasnang Indus, Pangkat 3 ang Kabihasnang Tsino, at Pangkat
4 ang Kabihasnang Egyptian.

2. Batay sa iyong pag-unawa sa pinag-aralang kasaysayan, aktibong


makilahok sa iyong pangkat sa pagkumpleto ng Pathway Diagram sa
pamamagitan ng paglalagay ng mahahalagang pangyayari ayon sa
pagkakasunod-sunod ng mga ito. Isulat ang isang pangyayari sa bawat
hakbang.
3. Pagkatapos mabuo ang pathway diagram, punan ang mga bilog ng iba
pang impormasyon tungkol sa nakatalagang kabihasnan kabilang ang
ekonomiya, kultura, at lipunan nito.

4. Gawin sa manila paper ang kasunod na diyagram.

88
5. Pumili ng dalawang kapangkat na mag-uulat sa klase ng nabuong
pathway diagram.
6. Isaalang-alang ang mga pamantayan sa pagmamarka, gamit ang
sumusunod na rubric.

Rubric sa Pagmamarka ng K-Pathway Diagram


Pamantayan Paglalarawan Puntos
Nakapaloob sa diagram ang 5 o higit pang
Nilalaman mahahalagang pangyayari sa nakatalagang 10
kabihasnan; wasto ang pagkakasunod-sunod
nito
Pag-uulat Mahusay na naipaliwanag ang kasaysayan ng
nakatalagang kabihasnan batay sa nabuong 10
diyagram
Iba pang Nakapaglahad ng iba pang datos na may
impormasyon kaugnayan sa kasaysayan ng nakatalagang 5
kabihasnan
Kabuuan 25

b. Batay sa daloy ng talakayan, bumuo ng mga tanong tungkol sa


kasaysayan at iba pang aspekto ng mga iniulat na kabihasnan. Lumahok
sa talakayan.
c. Bigyang-pansin ang mga tanyag na pinunong namahala sa iba’t ibang
sinaunang kabihasnan sa daigdig.

Gawain 13. Gallery of Ancient Rulers

a. Unawain ang mga panuntunan sa paglahok sa gawaing ito. Pumili ang


pangkat ng isang pinunong binanggit sa nakaraang aralin.
b. Planuhin ang paggawa ng isang human statue ng napiling pinuno. Isaalang-
alang ang kasunod na mga panuntunan:
1. Pumili ng isang kapangkat na magsisilbing “estatwa” na kakatawan sa
piniling pinuno.
2. Ihanda ang posisyon ng “estatwa” ayon sa katangian at nagawa ng piniling
pinuno.
3. Dikitan ng papel (o manila paper) na may simbolo o mga salitang
maglalarawan sa pinuno ang katawan ng “estatwa.”
4. Itanghal sa klase ang mga “estatwa”. Magtalaga ng 1-2 kapangkat na
magpapaliwanag tungkol sa estatwa.

Pamprosesong Tanong

1. Ano ang mahalagang katangian ng napiling pinuno?


2. Bakit siya naging tanyag sa kasaysayan?
3. Maipagmamalaki ba ng inyong pangkat ang piniling pinuno? Ipaliwanag.
4. Para sa iyo, ano ang pinakamahalagang katangiang dapat taglayin ng
isang pinuno? Ipaliwanag.

89
Bibigyan ng marka ang ginawang estatwa gamit ang kasunod na rubric.

Rubric sa Pagmamarka ng Gallery of Ancient Rulers


Pamantayan Paglalarawan Puntos
Gawang Angkop ang estatwa bilang kinatawan ng
Estatwa piniling pinuno ng pangkat; wasto ang mga 10
simbolo at datos na ikinabit sa estatwa
Mahusay na ipinakilala ang nakatalagang
Pag-uulat pinuno batay sa estatwa; naglahad nang higit 8
sa tatlong impormasyon tungkol sa nasabing
pinuno
Natatangi ang pagkakabuo ng estatwa;
Orihinalidad gumamit ng mga akmang disenyo upang 7
maging makatotohanan ang hitsura
Kabuuan 25

Mga Pamana ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig

Ang mga sinaunang kabihasnang umusbong sa daigdig ay nag-iwan ng kani-


kanilang mga pamana sa sangkatauhan. Ang mga ito ay nagpapakita ng kadakilaan,
husay, at talento ng mga sinaunang tao sa iba’t ibang larangan at aspekto. Hindi
natin napapansin subalit ang ilang mga bagay na ating ginagamit araw-araw ay
maaaring mag-ugat sa malayong nakaraan. Gayundin, ang kasaysayan ng iba’t
ibang kaisipan, pilosopiya, at relihiyon sa kasalukuyan ay maaaring tuntunin sa mga
sinaunang kabihasnang ito. Bilang mag-aaral ng kasaysayan, ikaw ba ay may
nalalamang ambag o kontribusyong nagmula sa mga sinaunang kabihasnan na
kanilang ipinamana sa kasalukuyang panahon?

90
Mesopotamia
Sa larangan ng literatura, itinuturing
Ang ziggurat ay estruktura kung ang Epic of Gilgamesh bilang kauna-
saan pinaparangalan at unahang akdang pampanitikan sa
sinasamba ang diyos o patron buong daigdig. Ito ay kuwento ni
ng isang lungsod. Sentro rin ng Haring Galgamesh ng lungsod-estado
pamayanan ang ziggurat. ng Uruk sa Sumeria noong ikatlong
siglo B.C.E. Ang isa sa mga kabanata
ng epikong ito ay kahalintulad sa The
Ang katipunan ng Great Flood ng Bibliya.
mga batas ni
Hammurabi, na
mas kilala bilang
Code of
Hammurabi, ay Epic of
isang
napakahalagang Gilgamesh
ambag. Ito ay
http://www.crystalinks.com/ziggurat.html
naglalaman ng
282 batas na
pumapaksa sa
halos lahat na
aspekto ng araw-
araw na buhay sa Code of
Mesopotamia. Hammurabi
http://www.crystalinks.com/ziggurat.html

Iba pang kontribusyon


 water clock
 paggawa ng unang mapa Ang kauna-unahang
 sexagesimal system o sistematikong paraan ng pagsulat
pagbibilang na nakabatay sa 60 sa buong daigdig ay nalinang sa
 astronomiya
Sumer. Ito ay tinatawag na
cuneiform.

91
Indus

Isinulat ni Kautilya ang


Arthasastra noong ikatlong
siglo B.C.E. Ito ang kauna-
May sewerage system ang
unahang akda o treatise
Mohenjo-Daro. Bukod dito, ang mga
hinggil sa pamahalaan at
pamayanan sa Indus ay kinikilala
ekonomiya. Si Kautilya ay
bilang mga kauna-unahang
tagapayo ni Chandragupta
paninirahang sumailalim sa
Maurya, ang tagapagtatag ng
tinatawag na urban o city planning o
Imperyong Maurya.
pagpaplanong panlungsod. Ang
mga kalsada sa matatandang
lungsod ng Mohenjo-Daro at
Harappa ay nakaayos na parang Arthasastra
mga nagsasalubong na guhit o grid
pattern. Iba pang
kontribusyon:
 Pamantayan ng
bigat at sukat
Ang dalawang epikong  Decimal system
pamana ng India sa  Paggamot at
larangan ng panitikan. Ang pagbubunot ng
Mahabharata ay isang ngipin
salaysay hinggil sa  Halaga ng pi
matinding tunggalian ng (3.1416)
http://www.mitchellteachers.org/WorldHistor
dalawang pamilya na y/IndiaUnit/images/mohenjodaro/WaterChan Taj Mahal
magkakamag-anak – ang nelPic_large.jpg  Pinagmulan ng
mga Pandava na mga relihiyon
kumakatawan sa (Hinduism,
kaguluhan at kasamaan. Ramayana at Buddhism,
Ang Ramayana naman ay Mahabharata Jainism, at
isang salaysay tungkol sa Sikhism)
buhay ni Prinsipe Rama at
ang pagsagip niya kay
Prinsesa Sita, ang Ayurveda
kaniyang asawa, na
sapilitang kinuha ni
Ravana, isang demonyong Ang Ayurveda o “agham ng buhay’’ ay isang
hari. mahalagang kaisipang pangmedisina ng
sinaunang India. Tinawag itong “agham ng buhay’’
sapagkat binigyang-tuon nito ang pagpapanatili ng
kalusugan at kaligtasan mula sa mga
karamdaman.

92
Tsino

Ang I Ching (Classic of Change) ay


nagbibigay ng perspektiba at
Sa panahon ng Qin, tinatayang pamamaraan ng prediksyon ukol sa
isang milyong katao ang iba’t ibang bagay at sitwasyon sa
sapilitang pinagtrabaho upang buhay ng tao. Samantala, ang Bing
itayo ang Great Wall ng China. Fa (Art of War) ay itinuturing na isa
sa mga kauna-unahan at
Ito ay nagsilbing simbolo ng
kabihasnang Tsino sa loob ng pinakatanyag na aklat ukol sa
estratehiyang militar na isinulat ni
mahabang panahon.
Sun Zi o Sun Tzu noong 510 B.C.E.

Iba pang
kontribusyon:
 Paggamit ng
silk o seda I Ching at Bing Fa
 Kalendaryo
 Star map
 magnetic
compass
 seismograph
 wheel barrow
 water clock
 sundial
 chopsticks http://en.wikipedia.org/wiki/Great_Wall_of_
China
 abacus
 pamaypay
 payong Feng Shui

Ang paniniwala sa feng shui o geomancy ay nagmula rin


sa China. Ang kaisipang ito ay ukol sa tamang pagbalanse
ng yin at yang upang makapagdulot ng magandang
hinaharap sa sinuman. Ang yin ay sumisimbolo sa
kababaihan—malambot at kalmado. Samantala ang yang
ay tumutukoy sa kalalakihan—matigas at masigla.

93
Egypt

May sistema ng pagsusulat din ang mga Iba pang


Egyptian na tinatawag na hieroglyphics. Sa kontribusyon:
simula, ang isang larawan ay sumasagisag sa  Geometry
isang kaisipan. Ang hieroglyphics ay  Medisina tulad
nakasulat hindi lamang sa mga papel kundi ng
nakaukit din sa mga pampublikong gusali o pagsasaayos
kaya naman ay nakapinta sa luwad o kahoy. ng nabaling
Ang panulat na ito ay naging mahalaga sa buto
pagtatala at kalakalan. Ang mga rolyo ng  Kalendaryo na
pergamino o paper scroll ay mula sa may 365 araw
malatambong halaman na tinatawag na  Sagradong
papyrus. pagdiriwang

Hieroglyphics
Ang mga piramide http://en.wikipedia.org
ay hitik sa mga /wiki/Tutankhamun
simbolismong
relihiyoso. Libingan
ito ng pharaoh
kung kaya
sinisimbolo nito
ang kapangyarihan
ng mamuno.
Gayundin,
pinatunayan nito
ang paniniwala sa
buhay matapos http://en.wikipedia.org/wiki/gizapyramid
ang kamatayan.
Lahat ng
kayamanan at
karangyaan ng Ang katawan ng isang yumao ay sumasailalim sa isang
pharaoh ay preserbasyon bago ito tuluyang ilibing. Sa isang
makikita sa prosesong tinatawag na mummification, Ang mga
piramide bilang Egyptian ay gumagamit ng kemikal upang patuyuin ang
paghahanda sa bangkay. Matapos nito, ang isang mummy o
kabilang buhay. embalsamadong bangkay ay pinipintahan, binabalutan
ng linen, at pinapalamutian ng alahas.

94
Gawain 14. K-A-K Organizer

Unawain ang panuto sa pagbuo ng organizer.


a. Pumili ng tatlong sinaunang kabihasnan na gagawan ng Kabihasnan-Ambag-
Kabuluhan (K-A-K) Organizer.
b. Isulat sa unang hugis ang piniling kabihasnan, sa pangalawang hugis ang
ambag, at pangatlong hugis ang kabuluhan ng ambag sa mga sinaunang tao.

Kabihasnan Ambag Kabuluhan

c. Ibahagi sa klase ang mga nabuong kaisipan batay sa ginawang organizer.

Pamprosesong Tanong

1. Ano-ano ang pamana/ambag ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig?


2. Ano ang kabuluhan ng mga nabanggit na ambag sa pamumuhay ng mga
sinaunang taong nanirahan sa kani-kanilang kabihasnan?
3. Bakit maituturing na dakilang pamana ang mga ambag na ito?

PAGNILAYAN/UNAWAIN

a.
Sa yugtong ito, ang mga tinalakay na paksa tungkol sa impluwensiyang
heograpikal at mga sinaunang kabihasnan sa daigdig ay bibigyan ng malalim na
pagtalakay sa pamamagitan ng mga nakalaang gawain. Maipakikita rito ang
pagbibigay-kabuluhan sa impluwensiya ng heograpiya at pamana ng mga
sinaunang kabihasnan sa kasalukuyang pamumuhay ng tao.

Gawain 15. Thank You Letter.

a. Batay sa natutuhan tungkol sa ginampanan ng heograpiya sa pag-unlad ng


mga sinaunang kabihasnan sa daigdig, sumulat ng isang liham pasasalamat.

b. Isaalang-alang ang mga sumusunod na hakbang sa gawaing ito:


1. Pumili ng isang anyong lupa, tubig o kahit anong bagay na may
kaugnayan sa heograpiya ng mga sinaunang kabihasnan na nais mong
gawan ng liham pasasalamat.

95
2. Isulat sa liham ang sariling saloobin tungkol sa mahalagang papel na
ginampanan nito sa buhay ng mga sinaunang tao.
3. Gawing batayan ang kasunod na rubric sa pagmamarka ng iyong liham.

Rubric sa Pagmamarka ng Thank You Letter


Pamantayan Paglalarawan Puntos
Mahusay na naipaliwanag ang bahaging
Nilalaman ginampanan ng heograpiya sa buhay ng mga 12
sinaunang tao; nakapagbigay ng
halimbawang magpapatunay sa papel na
ginampanan nito sa mga sinaunang tao
Teknikal na Wasto ang paggamit ng mga bantas, baybay
Pagbuo ng ng mga salita, at maayos ang mga bahagi ng 8
Liham isang liham

Anyo at Malinis at maayos ang pagkakasulat;


Disenyo naglagay ng malilikhaing bagay at simbolo; 5
angkop ang kulay ng disenyo
Kabuuan 25

4. Ibahagi ang liham sa iyong mga kamag-aral.

Gawain 16. Maimpluwensiyang Kabihasnan

a. Kumpletuhin ang kasunod na dayagram. Itala ang pamana ng mga sinaunang


kabihasnan at ang impluwensiya ng pamanang ito sa daigdig at sa ating
bansa sa kasalukuyang panahon.

Impluwensiya sa Daigdig

Impluwensiya sa Pilipinas

Pamana ng Sinaunang Kabihasnan

Pamprosesong Tanong

1. Sa anong aspekto ng pamumuhay ng mga Pilipino maiuugnay ang


pamanang tinukoy sa dayagram?
2. Ano ang kapakinabangang dulot ng naturang pamana sa mga Pilipino?
Magbigay ng halimbawa.
3. Bakit maimpluwensiya ang piniling pamana sa mga tao?
4. Kung ikaw ay nabuhay sa kabihasnang nagkaloob ng nasabing pamana,
ano ang iyong reaksiyon?
5. Ano ang iba pang bagay na maituturing na pamana ng mga sinaunang tao
sa kasalukuyang kabihasnan? Bakit mo ito itinuring na isang pamana?

Balikan ang WQF Diagram at punan ang kolum ng F (facts) ng mga


bago at wastong kaalaman tungkol sa paksa.

96
ILIPAT AT ISABUHAY

Sa pagkakataong ito, isagawa ang huling yugto ng Modyul 1, ang


ILIPAT. Gamit ang kaalamang natutuhan mula sa pag-unawa ng teksto at
pagsasagawa sa mga gawain, ihanda ang sarili sa pagbuo ng susunod na
proyekto.

Gawain 17 – POKUS NGAYON:


Preserbasyon ng mga Pamana ng mga Sinaunang Kabihasnan ng
Daigdig

Isiping tagapangulo ka ng National Committee on the Preservation of


Cultural Heritage ng iyong bansa na isa sa mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.
Nakatanggap ka ng liham mula sa United Nations na humihingi ng panukalang
proyektong may layuning ipreserba ang mga dakilang pamanang mula sa iyong
bansa.
Ang iyong komite ay nagtakda ng pulong una bubuo ng isang panukalang
proyekto para sa nabanggit na layunin. Isaalang-alang ang mga panuntunan sa
pagbuo ng panukalang proyekto:

1. Sa tulong ng guro, hahatiin ang klase sa mga pangkat ayon sa sumusunod:


Pangkat 1 – Iraq para sa Kabihasnang Mesopotamia
Pangkat 2 – Iran para sa Sinaunang Persia
Pangkat 3 – Egypt para sa Kabihasnang Egyptian
Pangkat 4 – India at Pakistan para sa Kabihasnang Indus
Pangkat 5 – China para sa Kabihasnang Tsino
Pangkat 6 – Mexico para sa Kabihasnan sa Mesoamerica

2. Kung ikaw ang “tagapangulo ng iyong komite” na nabanggit sa itaas, tiyaking


makibahagi ang lahat ng miyembro ng iyong pangkat sa pagtalakay sa
itinakdang kabihasnan na bibigyang-tuon sa gagawing panukalang proyekto.
a. Bigyan ang bawat pares na miyembro ng pamana na nararapat na
ipreserba: Pares 1 – isang estruktura o landmark, Pares 2 – isang
tradisyon/kaugalian, at Pares 3 – isang sinaunang bagay
b. Sa papel, gawin ang format ng panukalang proyekto. Gawing gabay ang
kasunod na template.

Bansang nakatalaga sa pangkat: ____________________


National Committee on the Preservation of Cultural Heritage

UNANG BAHAGI:
a. Pamagat ng proyekto: _________
b. Kinaroroonan ng isasagawang proyekto: _________
c. Petsa ng simula at wakas ng pagpapatupad ng proyekto: _________
d. Halagang gugugulin sa proyekto: _________
Ahensiya ng pamahalaang kaakibat sa proyekto: _________

97
IKALAWANG BAHAGI:
a. Panimula (Tungkol saan ang panukalang proyekto?)
b. Katuturan (Mahalaga bang isagawa ang proyekto? Bakit?)
c. Kapakinabangan (Sino ang makikinabang nito? Sa paanong paraan?)

IKATLONG BAHAGI:
a. Mga hakbang sa pagkamit ng layunin (Ano-ano ang dapat gawin
upang magtagumpay sa hangarin ng pangkat?)
b. Pondo ng proyekto (Paano makakukuha ng salaping gagastusin sa
proyekto?)
c. Pagsasanay (Sino at paano sasanayin ang mga tauhan sa pagkamit ng
proyekto?)
d. Kagamitan (Ano-ano ang kagamitan upang magawa ang proyekto?)

IKAAPAT NA BAHAGI:
a. Inaasahang bunga (Ano-ano ang inaasahang bunga o resulta kung
isasagawa ang proyekto?)
b. Mensahe sa kinauukulan at sa taong-bayan (Ano ang nais mong
sabihin upang maging matagumpay ang preserbasyon ng mga
sinaunang ambag at pamana ng bansa?)
c. Guhit ng isasakatuparang proyekto (Ano ang hitsura ng kalalabasan
ng gagawing proyekto?)

c. Talakayin ng iyong pangkat ang bubuuing panukala.


d. Kumpletuhin ang template para sa gagawing panukala.
e. Iulat sa klase ang ginawang panukala.
3. Gamitin ang mga pamantayan sa pagmamarka ng gawaing ito.

Kraytirya 4 3 2 1

Nilalaman Kumpleto ang May 1-2 ang Mahigit sa 50% Mahigit sa


ng nilalaman ng nawala sa ang nawala sa 50% ang
Panukalang panukalang panukalang panukalang nawala sa
Proyekto proyekto; proyekto; hindi proyekto; nilalaman ng
100% na wasto bababa sa mahigit sa 50% panukalang
ang itinala sa 75% ang may ang hindi wasto proyekto;
panukala; wastong itinala sa mga itinala mahigit sa
makatotohanan sa panukala; sa panukala; 50% ang
ang lahat ng Makatotohanan may 50% sa hindi wasto
sagot sa ang mahigit nilalaman ng sa mga itinala
tanong; may 75% sagot sa panukala ay sa panukala;
kabuluhan ang tanong; may hindi hindi maka-
gawang kabuluhan ang makatotohanan; totohanan
panukala; gawang may pag- ang panukala;
mahusay ang panukala; aalinlangan sa hindi
iginuhit sa mahusay ang kabuluhan ang maipakita ang
magiging iginuhit sa gawang kaugnayan ng
bunga ng magiging panukala; hindi guhit sa

98
proyekto bunga ng gaanong panukala
proyekto na malinaw ang
may 1-2 guhit
aspekto ng
guhit ang
kailangang
isaayos

Pinagkunan Ibinatay sa 3 o Ibinatay sa 2 Ibinatay lamang Walang


ng Datos higit pang sanggunian ang sanggunian batayang
sanggunian ang datos sa batayang pinagkunan at
ang datos na aklat gawa-gawa
kabilang sa lamang ang
panukalang mga
proyekto impormasyon
(aklat,
pahayagan,
video clip,
internet, at iba
pa)
Presentasyon Mahusay ang Maayos ang Karaniwan ang Hindi malinaw
ng paglahad sa paglahad sa paglahad sa ang paglahad
Panukalang presentasyon; presentasyon; presentasyon; sa
Proyekto malinaw at may ilang maikli at hindi presentasyon;
malakas ang kinabahan at binigyan ng hindi
boses ng mahinang pansin ang naipaliwanag
tagapagsalita; boses; maraming ang
lubos na naipaliwanag bahagi ng maraming
naipaliwanag ang higit sa panukala; hindi bahagi ng
ang bawat 75% ng gaanong panukala;
aytem sa kabuuang maunawaan hindi
panukala aytem sa ang maunawaan
panukala pagsasalita; ang
mahigit sa 50% pagsasalita;
ang hindi kaunti lamang
naipaliwanag sa ang
panukala naipaliwanag

Transisyon sa Susunod na Yunit

Tinalakay sa yunit na ito ang heograpiya ng daigdig. Ang mga saklaw nito
tulad ng mga anyong lupa at tubig, klima, at likas na yaman ay tunay na may
malaking impluwensiya sa paghubog ng kasaysayan ng mga sinaunang tao.
Nakasalalay ang pamumuhay ng mga prehistorikong tao sa kanilang mahusay na
pakikiayon sa idinikta ng kanilang kapaligiran.

Ang kanilang talino at kakayahan ang naging instrumento upang maging


matagumpay sila sa mga hamon ng buhay. Ito rin ang nagbigay-daan upang higit na

99
mapabuti ang kanilang pamumuhay hanggang nakapagtatag sila ng mga mauunlad
na pamayanang tinawag na kabihasnan.
Ang mga kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa larangan ng politika,
relihiyon, ekonomiya, kultura, at maging sa agham at teknolohiya ay lubos na may
kapakinabangan hindi lamang sa kanilang panahon kundi sa lahat ng panahon.
Sa susunod na yunit, pag-aaralan mo ang mga dakilang kabihasnang klasikal
ng Greece at Rome. Idagdag pa rito ang pakikipagsapalaran ng mga Europeo noong
Gitnang Panahon, ang mga kabihasnan sa iba pang panig ng daigdig hanggang sa
pagbubukang-liwayway ng Makabagong Panahon.

100
Talasalitaan

Ahimsa– doktrina ng pag-iwas sa pananakit ng anumang may buhay na


organismo

Caste – pagkakahati-hati ng tao sa lipunang Hindu noong Panahong Vedic

Core – pinakamalalim na bahagi ng daigdig; binubuo ng inner core at outer core;


halos 1380 milya ang kapal ng outer core

Crust – pinakaibabaw na bahagi ng daigdig; matigas at mabatong bahagi ng


planeta

Dinastiya– pamamahala ng mga miyembrong nagmula sa iisang pamilya o


angkan

Hellenistic - nagmula sa salitang Greek na nangangahulugang “to imitate


Greeks”; tumutukoy sa kasaysayan, panahon, imperyo, kultura, at sining na
may impluwensiyang Greek pagkaraan ni Alexander the Great

Heograpiya – pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig at interaksiyon ng tao


sa kapaligiran

Heograpiyang pantao – sangay ng heograpiya na tumutukoy sa pag-aaral ng


wika, relihiyon, lahi, at pangkat-etniko sa iba’t ibang bahagi ng daigdig

Hominid – miyembro ng pamilya ng mga mammal na may kakayahang tumayo


sa dalawang paa kabilang ang tao, gorilya, chimpanzee at
orangutan

Khanate – estadong nasa hurisdiksyon ng isang khan (pinunong lokal ng ilang


bansa sa gitnang Asya)

Klima – kalagayan o kondisyon ng atmospera na karaniwan sa mga malaking


rehiyon o lugar sa matagal na panahon

Kontinente – pinakamalawak na masa ng lupa sa ibabaw ng daigdig

Khyber Pass – lagusan o daanan sa kabundukan sa pagitan ng Afghanistan at


Pakistan na nag-uugnay sa Timog Asya at Kanlurang Asya

Mantle – binubuo ng makakapal at maiinit na tunaw na bato; halos 1800 milya


ang kapal

Nome – malalayang pamayanan ng sinaunang Egypt

Nomarch – pinuno ng nome

Oracle bone – tawag sa mga tortoise shell at cattle bone na ginagamit upang

101
mabatid ang mensahe o saloobin ng mga diyos ng mga Tsino

Pacific Ring of Fire – rehiyong nakapaligid sa Pacific Ocean na katatagpuan ng


mga aktibong bulkan

Plate – malaking masa ng solidong bato

Satrap – gobernador o pinuno ng satrapy

Satrapy – lalawigan ng Imperyong Persian

Steppe – malawak na damuhang lupain na may kakaunting puno; matatagpuan


sa silangang Europe at Asya

Terra-cotta – anumang bagay (tulad ng banga, pigurin o estatwa) na yari sa


pinainitang luwad

Vedas – sagradong aklat para sa mga Hindu; binubuo ng mga himnong


pandigma, ritwal at mga salaysay.

Sanggunian

A. Aklat

Kasaysayan ng Daigdig ni Mateo et.al, edisyon 2012

B. Module

Project EASE Araling Panlipunan III, Modyul 2

Project EASE Araling Panlipunan III Module 3

102

You might also like