You are on page 1of 1

TAGA-Y SA ULO

Nobyembre 2, 2018

Punumpuno ng mga tao ang isang kanto,


Leon Guinto ang tawag dito.
Ang bawat hagikhikan mula sa baso,
Sinusundan ng lagok ng isang tuso.

May mga parokyano na dumating,


Dala-dala’y inumin na masanting
Init sa lalamuna’y di ko maatim,
siyang dahilan upang magdilim ang paningin.

Kantahan, kuwentuhan, at kung ano-ano,


Ito’y pinaglalampungan ng kung sino-sino.
binata, matanda, at pati mga paslit,
Kumukulbit ang bawat ngiti sa kalapit.

Kung ang bawat tagay ng tanggero,


ay kasintaas ng isang templo.
Asahan mo na ang putak ng mareklamo,
Baba-babaan mo naman, wala tayo sa impyerno.

Hindi ito pabilisan, ‘di ito palakasan,


Ito’y tanging paraan upang tayo’y magkasayahan.
At kung sakali man ika’y makaligtaan,
Ang swerte mo, mamaya’y darating ang kamalasan.

Mas marami ang tagay, kesa sa kuwento,


Kadalasa’y kukuhit ng sisig at menudo.
Ito ang pampawi sa pait ng likido,
upang ika’y ‘di agad-agad mahilo.

Ngunit sa pagtagal ng pagpapagal,


Alak ay nakikialam sa iyong asal.
Iyon ang simula ng pagpatak,
ng mga luha’t dugo na hinaplos ng itak.

Ang masasayang himig ay napalitan,


ng mga hiyawang ‘di mapigilan.
Takbuhan, Ilagan, at tumbahan,
Lahat ay umiiwas upang ‘di mo tamaan.

Ilang tumpok ng sisig ang nakahain kanina,


ngunit ngayo’y pira-pirasong katawan na.
Kilabot na bumalot sa lahat,
May iilan pa rin na nagpasalamat.

Nakaiwas man sa madugong trahedya,


ngunit dumadaloy pa rin sa baso ng tanggera.
Ang sinapit ng iilang kababata,
na sanay ngayon ay nagsasaya.

Tumapat man sa araw ng mga santo,


tinapatan naman ang iba ng itak sa ulo.
Sanhi’y kalasingan daw mismo,
ngunit sabi ng iba dahil sa pagiging seloso.

You might also like