You are on page 1of 5

ALOU CAMILLE B.

SABADO BSIT - 3
Ang mga naiambag ng mga taong ito sa kasaysayan ng pilipinas at pag-usapan.

1. Jose Rizal
Isang pambansang bayani.Iminulat ang mga pilipino na ipaglaban ang karapatan para sa ating kalayaan sa
pamamagitan ng kanyang papel at pluma kasama ng kanyang akdang "El Fili at Noli. Naniniwalang sa panulat
ay maipapaabot ang mga hinaing laban sa maling pamamalakad ng pamahalaan.

2. Francisco Dagohoy

Si Francisco Dagohoy ang siyang namumuno sa pinakamahabangpagaaklas sa kasaysayan ng Pilipinas.Ito ay


ang Pag-aaklas saBohol(1744-1829).

Katulong ang ibang pinuno, sina Ignacio Arañez, Pedro Bagio at Bernardo Sanote,

nagtatag siya ng malayang pamahalaan sa bundok-bundok ng Inabanga at Talibon.

Ito ang kauna-unahang pamahalaan ng Pilipino mulanang sakupin ni Miguel Lopez de

Legazpi ang kapuluan nuong 1565. Mahigit 3,000 tagapulo( isleño, islanders ) ang

namundok at sumapi sa kanila, at hindi nagtagal, 9 baranggay na lamangang naiwang

nasa ilalim ng mga Español sa Bohol.

3. Marcelo H. Del Pilar

Binili niya kayGraciano Lopez Jaena angLa Solidaridad atnaging patnugot nito mula

noong1889 hanggang1895.Dito niya isinulat ang kanyangpinakadakilang likha ang La

Soberania Monacal en Filipinas at La Frailocracia Filipina.


Isinulat rin niya ang “Dasalan at Tuksuhan”na tumitira sa mga mapang-abusong prayle.

4. Tamblot

Tumagal lamang ng halos isang taon ang rebolusyon ng “pananampalataya" na

naganap sa lalawigan ng Bohol. Pero nag-iwan naman ito ng marka sa kasaysayan ng


bansa na pinangunahan ng isang Babaylan na ang pangalan ay Tamblot.

Ang Babaylan ay katutubong pari ng mga Filipino noong panahon ng pananakop ng

mga Kastila. Ang mga Babaylan ay may mataas na reputasyon sa komunidad dahil sa

angkin nitong kakayahan na mamamagitan sa tao at kalikasan.

Sinasabing nakakuha ng malaking hukbo ng tagasunod si Tamblot, tubong Tupas,

Antequera, nang talunin nito sa “paligsahan" sa paggawa ng himala ang isang

Kastilang pari na nais magpakalat ng Kristiyanismo sa lalawigan.

Sa naturang paligsahan, dalawang buho ng kawayan ang biniyak umano ni Tamblot

upang ipakita ang pabuya ng kalikasan. Ang isang buho ay may lamang tubig at ang

isa ay siksik naman ng palay. Ginamit umanong patunay ni Tamblot ang “himala"

upang palakasin ang pananampalataya ng mga tao sa kalikasan at hindi sa

Kristiyanismo na dala ng mga Kastila.

Ang “himalang" ito ay sinasabing kumalat na parang apoy sa lalawigan na humantong

sa rebolusyon upang labanan ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa Bohol noong

1621 hanggang 1622.

Sinabing dalawang ulit nangyari ang pinakamatinding pagsalakay ng hukbo ng mga

Kastila mula pa sa Cebu at Pampanga laban sa tropa ni Tamblot na nagkuta sa

bundok. Ang mga sundalong Kastila ay mga baril kontra sa armas ng grupo ni

Tamblot na itak, pana, sibat at bato.

5. Graciano Lopez Jaena


Nakainitan na siya ng mga frayle dahil sasinulat niyang "Fray Botod," prayleng bundat

na matakaw at mahilig sa babae. Sabi niya na"Lagi nang banggit ang Dios at Mahal na

Birhen samantalang panay ang daya at pagsamantalasa mga tao."

Ginamit na sandata ni Lopez-Jaena ang kanyang panulat upangipaglaban ang

makatao at makatarungang karapatan ng mga Pilipino sa ilalim ng

pamahalaangKastila.

6. Hermano Apolinario Dela Cruz

Pinangunahan niya ang Unang paghihimagsik sa Pilipinas para makapagtamo ng

kalayaan sa relihiyon.

Ang Relihiyong katoliko ay may batas na hindi maaaring umanib ang mga native o

indo people. Kaya nabigo siyang maging pari nang naisin niyang sumali sa Dominican

Order in Manila. Kaya, tuwing may bakanteng oras, nag-aaral siya ng biblia at ibang

religious material. Nakinig din sya ng sermon sa mga simbahan at gumawa siya ng

kaniyang sariling theology.

7. Trinidad H. Pardo de Tavera

Siya ay isang Pilipinong manggagamot at mananalaysay. Isang magaling na

Filipinologist na sumulat ng mga bantog na gawa sa iba't-ibang larangan ng pag-aaral

tungkol sa kultura ng Pilipinas, wika, aghamtao, alamat, atbp.

Si Tavera ay sumali lamang sa rebolusyon sa panahon ng pangalawang yugto nito.

Isa sa kanyang mga prinsipyo ay magkaroon ng kapayapaan sa pamamagitan ng


pakikipag-ayos sa mga makapangyarihang kalaban. Ito ay napatunayan nang itatag

niya ang dyaryong La Democracia na nagpapahayag ng mga intensyon ng mga

Americano para sa kapakanan ng mga Pilipino.

8. Felix Resurreccion Hidalgo

Si Felix Resurreccion Hidalgo (1855-1913) ay isang pintor na nakalikha ng halos

1000 na mga likhang-sining sa pagpipinta, gamit ang oil, water-color, pastels at uling.

Ang paksa ng kanyang mga gawa ay mula sa mga mitolohiya hanggang sa mga

makasaysayang tanawin ng lupa o dagat, at larawan ng mga tao.

Kasama ang iba pang mga pintor, sila ay naghahangad ng pagkapantaypantay, at

maakita sa mga kapwa Pilipino na tayo din ay may kakayahang magpinta gaya ng mga

Europeo - at syempre, maging mas magaling kaysa sa mga Español.

9. Emilio Jacinto

Si Emilio Jacinto ay ang utak ng Katipunan. Siya ay naging isa sa mga pinuno upang

pangunahan ang mga katipunero. Siya ay nakasulat ng dalawang aklat, A La Patria at

Liwanag at Dilim. Ang stage name niya ay Pingkian.

10. Diego Silang

Si Diego Silang y Andaya (Disyembre 16, 1730 – Mayo 28, 1763) ay isang pinuno ng

himagsikan na nakipagtulungan sa mga puwersang Britaniko upang magapi ang

namumunong mga Kastila sa hilagang Pilipinas at upang mailunsad ang isang


malayang bansang Ilokano. Ang kaniyang panghihimagsik ay nagatungan ng mga

karaingan na nag-ugat mula sa mga pagbubuwis at mga pang-aabuso ng mga Kastila,

at sa pamamagitan ng kaniyang paniniwala sa sariling pamamahala, na ang

pangangasiwa at pamumuno ng Simbahang Katoliko Romano at ng pamahalaan sa

Ilokos ay dapat na ipagkaloob sa mga sinanay na mga opisyal na Ilokano. Siya ang

asawa ni Gabriela Silang.

11. Andres Bonifacio

Siya ang namuno sa rebolusyon ng Pilipinas laban sa Espanya, ang unang rebolusyon

sa Asya na lumaban sapananakop ng mga bansang imperyalista sa Europa.

kinilala si Andres Bonifacio bilang "Ama ng Rebolusyon" saPilipinas. Si Bonifacio at

ang kanyang mga kasamahan sa Katipunan ay may isang layunin namarahil ay siyang

naging dahilan upang ang kanilang pakikidigma ay maging matagumpay.

12.katipunan

Ang Kataas-taasang, Kagalang-galang Katipunan ng mga Anak ng Bayan o mas kilala

bilang Katipunan at KKK ay isang lihim na samahan na itinatag sa Pilipinas ni Andres

Bonifacio na may layuning palayain ang bansa sa ilalim na ng mga mananakop na

Espanyol.

Sila ang isa sa mga pangunahing samahang nakipaglaban para sa kalayaan ng Pilipinas

sa mga Espanyol.

You might also like