You are on page 1of 1

I. Alin ang pinakamabisang pagtaya na ang isang manggagawa ay may kasipagan sa paggawa?

a. Nasasabi niya ang mga tiyak na hakbang sa nahusay na pagganap ng isang gawain.

b. Nabubuo niya ang inaasahang gawain sa panahong itinakda para tapusin ito.

c. Humihingi siya ng tulong sa mga eksperto upang mabilis na matapos ang gawain.

2. Alin ang magiging bunga sa pagpapakatao ng isang manggagawa na masipag t matiyaga

sa gawain na sa simula pa ay mahirap nang gawin?

a. Lalakas ang kanyang disiplina na ipagpatuloy ang paggawa sa harap ng iba't ibang

sitwasyon.

b. Mag-iisip siya nang malalim upang masolusyonan ang mahirap na bahagi ng gawain.

c. Siya ay magiging maingat sa pagtanggap ng mga gawain na ayon sa kanyang kakayahan.

3. Aling pagkilos ang makikita sa isang tao na may positibong pananaw sa pagganap ng kanyang paggawa
o tungkulin?

a. Hindi siya mababagot sa pagganap ng karaniwang gawain sa araw-araw.

b. Maramdaman niya ang paggalang ng mga kasama sa samahang pinaglilingkuran

c. Siya ay nagtitiyaga hanggang sa matapos ang gawain na may mataas na kalidad.

You might also like