You are on page 1of 2

HALAGA NG SUPPORT NETWORK

LABAN SA PAGPAPAKAMATAY
Sa isang taong walang depresyon, mahirap maunawaan kung bakit may
mga nagnanais na bawiin ang sarili nilang buhay. Subalit, hindi
nangangahulugang wala siyang magagawa para sa taong may ganitong
naiisip at nararamdaman.

Suicide sa Pilipinas
Sa Pilipinas, hindi madalas mapag-usapan ang depresyon, na siyang
pinakamadalas na sanhi ng suicide. Para sa karamihan, hindi ito sakit
kundi dala lamang ng stress,emotional pressure, o kahinaan ng loob. May
dalang masamang bahid din ang pagpapakamatay dulot ng relihiyosong
paniniwala.
Ang mga ito ang ilan sa mga dahilan kung bakit hindi nagsasabi o
nagpapatingin sa sikolohista ang marami sa mga taong mayroong
depresyon at suicidal thoughts.

Pag-uunawa’t pakikiramay

Hindi ibig sabihin nito na


hindi sila naghahanap ng
tulong. Mapapansin ito sa
mga nasasambit nila:
“Ayoko nang mabuhay.”
Hindi biro ang mga salitang
ito. Sa ganitong paraan,
naibabahagi nila ang
kanilang matinding lungkot
at kawalan ng pag-asa para
humingi ng pag-uunawa’t
pakikiramay.

September 2016
Ito ang dahilan kung bakit mahalaga ang support network—mga taong
maaaring maging takbuhan sa tuwing nagkakaroon ng depresyon
at suicidal thoughts.
Binubuo ang support network ng iba’t ibang uri ng mga relasyon. Kabilang
nito ang pamilya at mga kaibigan, pati na rin ang mga kakilala sa paaralan,
opisina, simbahan,social networks, at iba pa.

Ang mga simpleng samahan sa komunidad ay pwedeng maging bukal ng


lakas-loob para labanan ang depresyon at magkaroon ng panibagong pag-
asam sa buhay. Maaari silang magsilbing positibong impluwensiya lalo na
sa pagbubukas-loob at paghahanap ng tulong.
Nagsisilbing takbuhan naman ang mga relasyon na mas malalim ang
samahan at pagtitiwala, kagaya ng pamilya, kasintahan, at mga matatalik
na kaibigan. Sa mga taong tulad nila, maaari magbahagi ng mga kaisipan
at damdamin na hindi madaling pag-usapan kaninoman.
Itong National Suicide Prevention Week, maging sensitibo tayo sa mga
taong nagpapakita ng sintomas ng depresyon, tulad ng pananakit sa sarili
at pagbanggit ng hangaring mamatay.
Hindi madaling pag-usapan ang depresyon at pagpapakamatay. Ngunit
para sa ating mga mahal sa buhay na may psychosocial issues,
mahalagang maging bukas, mapag-unawa, at matatag tayo para sa kanila.

http://www.healthpromo.doh.gov.ph/halaga-ng-support-network-laban-sa-
pagpapakamatay/

September 2016

You might also like