You are on page 1of 1

GURONG TANGLAW

May mga nilalang sa sandaigdigan


Mga piping bayani sa kanila ay tinuran
Sila ang mga guro sa ating paaralan
Na handang maglaan ng lakas, talino at kakayahan.

Kung bakit ang mga kataga ay aking nabitawan


Halina’t pakinggan ang aking katwiran.
Nang inyong maunawaan ang kanilang kalagayan
Mabigyan lang tayo ng sapat na kaalaman.

Bukod sa magulang, mga guro ang nagpala


Sa mga mag-aaral na sa kanila’y ipinagkatiwala
Minahal, inaruga at kaalaman ay nilala
Upang mga mag-aaral magandang bukas ang mapala.

Tunay na dakila ang ating mga guro


Pilit iniintindi isip nating baliko
Kung ikaw ay mawala, sa bahay ay sumusundo
Di alintana maghapong pagod sa pagtuturo.

Tulad ng magulang, guro ay sensitibo


Sa damdamin ng puso na iyong binubuno
Kaya pilit inaalam at nang kanilang matanto
Kung paano masosolusyonan nilalahog ng iyong puso.

Kung mangaral ay wagas, sa mag-aaral na naliligaw ng landas


Upang masigurong hindi ka tatandang talipandas
May pagkakataon ding bulsa nila ay butas
Pagkat may mag-aaral sa pagkain ay salat.

Kung maranasan mong guro ay magalit


Huwag ka sanang magtampo at maghinanakit
Pagkat maganda mong bukas pilit nilang inuugit
Nang ang tagumpay mo ay tiyak mong makakamit.

Ang guro ay tanglaw nating mga mag-aaral


Tungo sa ating magandang kinabukasan
Kaya nga at halina sila ay ating ipagdangal
Tagumpay na makakamtan, sa kanila din ay ialay.

You might also like