You are on page 1of 2

Ang mga Bantas ng Isang Guro Na ang edukasyon ang susi sa pag-ahon

Janzen S. Ventura- Cabacao ES At pagkamit sa pangarap na propeson.


Abra de Ilog District

Guro! Ang magiting na nasa unahan


Na may masugid na tagapakinig at tinuturuan
Ikaw na gumagabay sa mga kabataan
Isa sa haligi ng edukasyon at paaralan

Mga ordinaryong tao


Minsa’y nagigiliw at minsa’y problemado
Sa kahabaan ng pasensya’t pagmamahal mo
Ibinabahagi ang mga bantas na laging tangan
mo.

Tandang Pananong (?)


Ano? Sino? Paano? Bakit? Ang nasa kahon
Oh aking guro, bakit nga ba lagi kang
nagtatanong?
“Ito’y paraan nang matukoy kung kaalaman ay
baon.”

Kuwit (,)
Huminto muna tayo saglit,
Baybayin ang mga napag-aralan natin ng ilang
ulit,
Para matuto ka’t pumasok sa isip nang handa sa
pagsusulit.

Tandang Padamdam (!)


Oh bakit wala ka man lamang alam!
Wala ka bang natandaan!
Ang pag-aaral ang dapat nyong pagtuunan!

Tutuldok-tuldok (...)
Ang pasensya ng guro ay di maglalaon
Matiyaga na ituturo sa magaang diskusyon
Magagalit man, pero ngingiti’t aahon.

At ang tuldok (.)


Sumisimbulo sa tagumpay at pagtatapos
Saya ang hatid sa mga gurong nagbuhos
Nang sarili’t pagmamahal sa mga bata para
makapagtapos.

Salamat sa magigiting na guro


Pangalawang magulang na syang nagturo
Apat na Sulok
Janzen S. Ventura-Cabacao ES
Abra de Ilog District

Isang silid na puno ng kwento


Na may isang ilaw at iisang pinto
Puno ng pag-asa at pagbabago
Ang humuhulma ng isang pagkatao

Ang ilaw na gabay sa paglalakbay


Ang pintong nagbubukas ng malay
Ang pisarang naglalaman ng mga sulat
Para sa maayos na pag-uulat

Ang lugar kung saan tayo unang nangarap


Pumalakpak at pinalakpakan
Tumaas ang tiwala sa ating kakayahan
At pagkatuto sa pakikipagkaibigan

Ang silid na may apat na sulok


Ang tagapagtaguyod ng tamang edukasyon
Ang dahilan kung bakit tayo pumapasok
Para maiahon ang pamilya sa pagkakalugmok.

You might also like