You are on page 1of 9

PROYEKTO

SA

ARALING
PANLIPUNAN
BRIANNA LOUISE A. DELGADO
8-CHARITY

1
TALASALITAAN / GLOSARYO

Acropolis- ang burol at pinakamataas na lugar sa gitna ng lungsod-estado ng Athens at iba pang
lungsod-estado ng Greece

Agora- ang gitna ng lungsod-estado ng isang bukas na lugar kung saan maaring magtinda o
magtipon-tipon ang mga tao sa Greece

Antoninus Pius (138-161 C.E.) mahusay na Emperador ng Roma; Ipinagbawal ni Antoninus Pius
ang pagpapahirap sa mga Kristiyano.

Appian Way - isang kilalang daan at ambag na gawa ng Roman sa larangan ng inhinyera. Ito ay
nag-uugnay sa Rome at timog Italy

Aqueduct – daan ng tubig na ginawa ng mga Romano

Archon - mga pinuno ng asembleya ng mamamayan sa Athens na binubuo naman ng mayayaman


na may malaking kapangyarihan na pinapaburan sa mga may kaya sa lipunan.

Aristotle – ang pinakamahusay na mag-aaral ni Plato, ay nagpakadalubhasa sa pag-aaral ng


halaman, hayop, astronomiya, at pisika na pawing nangangailangan ng masusing pagmamasid.
Ayon sa kaniya, ang alinmang teorya ay maaari lamang tanggapin kung ito ay batay sa masusing
pagmamasid ng mga katotohanan. Kinilala si Aristotle na Ama ng Biyolohiya. Ilan sa mga tanyag
niyang aklat ay ang Poetic, isang pagsusuri sa mga iba’t ibang duladulaan, ang Rhetoric na
nagsasabi kung paano dapat ayusin ng isang nagtatalumpati ang kanyang talumpati, at ang Politics
kung saan tinalakay ng mga mamamayan ang iba’t ibang uri ngpamahalaan.

Attica – ito ang tawag sa ang Athens ay isa lamang maliit na bayan sa gitnang tangway ng Greece
sa simula ng 600 BCE

Augustus – unang emperor ng Roman; tagapagmana ng isang malawak na imperyo. Ang


hangganan nito ay ang Euphrates River sa silangan; ang Atlantic Ocean sa kanluran; ang mga ilog
ng Rhine at Danube sa hilaga; at ang Sahara desert sa timog. Sa pagsapit ng Ikalawang siglo C.E.,
ang populasyon ng imperyo ay umabot sa 100 milyon na binubuo ng iba’t ibang lahi,
pananampalataya, at kaugalian

Barter- pakikipagpalitan ng produkto

Bourgeoise- mga mangangalakal at banker na bagaman may salapi ay hindi nabibilang sa mga lipi
ng maharlika at kaparian

Burgis (men of burg o burgers o bourgeoisie) - makapangyarihang uri ng tao na lumitaw sa pag-
unlad ng kalakalan at industriya ng paglawak ng mga bayab, Ang interes ng grupong ito ay nasa
kalakalan. Ang mataas na uri ng bourgeoisie ay ang mauunlad na negosyante at mga bangkero.
Ang kanilang mga anak ay nag-aaral sa magagaling na unibersidad. Ang mga bourgeoisie ay ang
nagiging gitnang uri at mababa ang pagtingin sa kanila ng panginoong piyudal dahil sa sila ay mga

2
bagong yaman lamang. Ang mga burgis ay patuloy na umiral at sila ang nagtaguyod ng sining at
nakalinang ng sariling uri ng pagkamaharlika. Mababa rin ang pagtingin nila sa mga dalubhasang
manggagawa kaya nagkaroon ng pag-uuri ng tao sa lipunan batay sa yaman at hindi na sa angkan.

Caligula - (37-41 C.E.) Roman Emperor; Nilustay niya ang pera ng imperyo sa maluluhong
kasayahan at palabas tulad ng labanan ng mga gladiator. May sakit sa isip si Caligula at iniisip
niyang siya ay isang gladiator.

Charles Martel - ang nagsikap na pag-isahin ang France. Tinalo niya ang mga mananalakay na
Muslim. Mula noon, hindi na nagtangkang sakupin ang Kanlurang Europe.

Charlemagne o Charles the Great - anak ni Pepin the Short; isa sa pinakamahusay na hari sa
Medieval Period. Sa gulang na 40, kinuha niya si Alcuin, pinakamahusay na iskolar ng panahon
upang magpaturo ng iba’t ibang wika. Inanyayahan din niya ang iba’t ibang iskolar sa Europe
upangturuan at sanayin ang mga pari at opisyal ng pamahalaan. Sinakop niya ang Lombard,
Muslim, Bavarian at Saxon at ginawang mga Kristiyano.

Cicero - ay isang manunulat at orador ng Roman na nagpahalaga sa batas. Ayon sa kanya, ang
batas ay hindi dapat maimpluwensiyahan ng kapangyarihan o sirain ng pera

Claudius - (41-54 C.E.) Roman Emperor; Nilikha niya ang isang burukrasya na binubuo ng mga
batikang administrador.

Cleisthenes – pinuno noong 510 B.C.E., na siyang nanguna sa pagbabago sa sistemang politikal
ng Athens

Constantine the Great - Pinunong Papa na siyang nagbuklod-buklod niya ang lahat ng mga
Kristiyano sa buong imperyo ng Rome at ang Konseho ng Nicea na kaniyang tinawag. Pinalakas
ni Constantine ang kapapahan sa pamamagitan ng Konseho ng Constantinople. Sa kapulungang
ito, pinaguri-uri ng mga Obispo ang iba’t ibang malalaking lungsod sa buong imperyo. Gayundin,
pinili ang Rome bilang pangunahing diyosesis at dahil dito, kinilala ang Obispo ng Rome bilang
pinakamataas na pinuno ng Simbahang Katoliko Romano.

Court etiquette - kasasalan sa loob ng palasyo ng emperador

Crusade - nagmula sa salitang Latin na “crux” na nangangahulugang “cross”. Ang mga Krusador
ay taglay ang simbolo ng Krus sa kanilang kasuotan.

Cyrus The Great (559 B.C.E – 530 B.C.E.) - pinuno ng Persya na nagsimulang manakog at
napasailalim sa kanila ang Medes at Chaldean sa Mesopotamia at Asia Minor (Turkey)

Darius The Great (521 B.C.E. -486 B.C.E), -sa panahon ng pamumuno nya nang umabot ang
sakop ng imperyo hanggang India.Hinati ang mga imperyo sa mga lalawigan o satrapy at
pinamahalaan ng gobernador o satrap
Draco – isang tagapagbatas na gumawa ng kodigong ginawa niya ay nagbigay ng
pagkakapantaypantay sa lipunan at binawasan ng mga karapatan ang mga namumuno.

3
Dorian - sang pangkat ng tao mula sa hilaga ang pumasok sa Gresya at iginupo ang mga
Mycenaean noong 1100BC

Guild- samahan ng mga taong nagtatrabaho sa magkatulad na hanapbuhay

Fief- lupang ipinagkakaloob ng lord sa vassal

Hadrian - ( 117-138 C.E.) mahusay na Emperador ng Roma; Patakaran ni Hadrian na palakasin


ang mga hangganan at lalawigan ng imperyo.

Hellenes- tawag ng mga Greek sa kanilang sarili na hango sa salitang Hellas, isang lugar sa
hilagang-kanluran ng Greece

Helot- mga bihag ng digmaan ng lungsod-estado ng Sparta na ginagawa nilang tagapagsaka ng


kanilang malalawak na lupain

Herodotus – kinilala sa larangan ng kasaysayan. Ang kanyang mga paglalakbay sa Asya at Sparta
ay nakatulong upang maging obra maestro niya ang Kasaysayan ng Digmaang Persian. Tinawag
siyang Ama ng Kasaysayan.

Hippocrates - Ang pinakadakilang Greek na manggagamot na kinilala bilang Ama ng Medisina.


Itinaas niya ang larangan ng medisina bilang agham at hindi bunga ng mahika.

Investiture - isang seremonya kung saan ang isang pinunong sekular katulad ng hari ay
pinagkakalooban ng mga simbolo sa pamumuno katulad ng singsing sa Obispong kaniyang
hinihirang bilang maging pinuno ng simbahan. Sa pamumuno ni Papa Gregory sa Simbahan,
tinanggal niya ang karapatan ng mga pinunong sekular na magkaloob ng kapangyarihan sa pinuno
ng simbahan.

Ionia – pamayanan na itinatag ng isang pangkat ng tao na mayroon din kaugnayan sa mga
Mycenaean ang tumungo sa timog nga Gresya sa may lupain sa Asya Manor sa may hangganan
ng karagatang Aegean.

Kapapahan- tungkulin, panahon ng panunungkulan at kapangyarihang panrelihiyon ng Papa


bilang pinuno ng simbahang Katoliko, gayundin sa kapangyarihang pampulitika bilang pinuno ng
Estado ng Vatican

Krusada- ekspedisyong militar na inilunsad ng mga Kristiyanong Europeo laban sa mga Turkong
Muslim upang mabawi ang Jerusalem sa kamay ng mga ito

Lay Investiture- isang seremonya kung saan binibigyan ng mga hari ang Obispo ng singsing at
tauhan para sa kanyang opisina

Livius Andronicus - Romano na nagsalin ng Odyssey sa Latin. Si Marcus Palutus at Terence ay


ang mga unang manunulat ng comedy.

4
Manor- sentrong pangkabuhayan na pinamumunuan ng panginoong nakatira sa kastilyo

Marcus Aurelius - (161-180 C.E.) mahusay na Emperador ng Roma; Siya ay isang iskolar at
manunulat. Itinaguyod niya ang pilosopiyang stoic. Binibigyang-diin ng pilosopiyang ito ang
paghahanap ng kaligayahan sa pamamagitan ng pamumuhay ayon sa banal na kalooban (divine
will).

Metropolis - pinagmulang lungsod-estado

Minoan - Ang unang kabihasnang nabuo sa Crete ay tinawag na Minoan na hango sa pangalan ng
tanyag na hari ng pulo,si Minos.Si Minos ay anak ni Zeus at Europa.

Mycenaeans= pangkat na naman ng mga mananalakay ang lumusob sa Crete na nagmula sa


Gitnang Gresya. Sa pamamagitan nila, nagkaroon ng tuwinang ugnayan ang Crete sa sibilisasyong
umusbong sa Gresya.

Nero - ( 54-68 C.E.) Roman Emperor; Ipinapatay niya ang lahat ng hindi niya kinatutuwaan,
kabilang ang kanyang sariling ina at asawa. Inakusahan siya ng panununog sa Rome at natutuwa
pa siya diumano habang ginagawa ito.

Nerva - (96-98 C.E.) mahusay na Emperador ng Roma; Nagkaloob ng pautang sa bukirin si Nerva
at angkinitang interes ay inilaan niya para tustusan ang mga ulila.

Obsidian- isang maitim at kristal na bato na nabuo mula sa tumigas na lava na ginamit sa
Teotihuacan sa paggawa ng kagamitan, salamin, at talim ng kutsilyo

Olmec- kauna-unahang kabihasnan sa Central America: nangangahulugan ang salitang Olmec na


rubber people” dahil sila ang kauna-unahang gumamit ng dagta ng mga puno ng rubber o goma.

Ostrakon – pangalan na isinusulat sa pira-pirasong palayok.

Ostracism- ang sistema ng pagtatakwil at pagpapatapon sa isang tao sa sinaunang Athens

Papa Leo the Great (440-461) - Binigyang-diin niya ang Petrine Doctrine, ang doktrinang
nagsasabing ang Obispo ng Rome, bilang tagapagmana ni San Pedro, ang tunay na pinuno ng
Kristiyanismo. Sa kaniyang mungkahi, ang emperador sa kanlurang Europe ang nag-utos na
kilalanin ang kapangyarihan ng Obispo ng Rome bilang pinakamataas na pinuno ng Simbahan.
Makalipas ang ilang daang taon, ibinigay ang pangalang Papa sa Obispo ng Rome. Mula noong
kapanahunan ni Papa Leo, kinilala ang kapangyarihan ng Papa sa lahat ng mga Kristiyano sa
kanlurang Europe. Tumanggi naman ang Simbahang Katoliko sa silangang Europe na kilalanin
ang Papa bilang pinakamataas na pinuno ng Kristiyanismo hanggang http://upload.wikimedi sa
panahong ito.

Papa Gregory I - Iniukol niya ang kaniyang buong kakayahan at pagsisikap

5
sa paglilingkod bilang pinuno ng lungsod at patnubay ng Simbahan sa buong kanlurang Europe.
Natamo ni Papa Gregory I ang sukdulan ng tagumpay nang magawa niyang sumampalataya ang
iba’t ibang mga barbarong tribo at lumaganap ang Kristiyanismo sa malalayong lugar sa kanlurang
Europe. Dahil dito, nagpadala siya ng mga misyonero sa iba’t ibang bansa na hindi pa
sumasampalatay sa Simbahang Katoliko. Buong tagumpay na nagpalaganap ng kapangyarihan ng
Papa ang mga misyonerong ito nang sumampalataya sa Kristiyanismo ang England, Ireland,
Scotland, at Germany.

Papa Gregory VII - Sa kaniyang pamumuno naganap ang labanan ng kapangyarihang sekular at
eklesyastikal ukol sa power of investiture o sa karapatang magkaloob ng tungkulin sa mga
tauhan ng Simbahan noong kapanahunan ni Haring Henry IV ng Germany. Itiniwalag kaagad niya
sa simbahan si Haring Henry IV na gumanti naman nang ipag-utos niya ang pagpapatalsik kay
Papa Gregory VII. Ngunit nang maramdaman ni Henry IV na kaanib ni Papa Gregory VII ang mga
Maharlika sa Germany, sumuko siya sa Papa at humingi ng kapatawaran. Binawi ng Papa ang
kaparusahang pagtitiwalag sa Simbahan pagkatapos ng lubhang paghihirap sa pagtawid sa Alps at
napahamak pagkaraan nang malaon at masidhing pag-aaregluhan

Parthenon - isang marmol na templo sa Acropolis sa Athens. Ito ay itinayo nina Ictinus at
Calicrates at inihandog kay Athena, ang diyosa ng karunungan at patrona ng Athens.

Patrician – mga maharlika; mga kasapi sa Senado

Peloponnesian League – alyansang itinatag ng Sparta, Corinth at iba pa lungsod-estado na hindi


sumang-ayon sa ginawa ng Athens na pagkontrol sa Delian League

Pepin the Short - ang unang hinirang na hari ng France.

Pericles – isang strategos o heneral Noong 461 B.C.E.,na inihalal ng mga kalalakihang
mamamayan ang namuno sa Athens. Taon-taon ay nahahalal si Pericles hanggang sa sumapit ang
kaniyang kamatayan
noong 429 B.C.E. Sa loob ng mahabang panahon ng kaniyang panunungkulan, maraming pinairal
na mga programang pampubliko si Pericles. Lahat ay naglalayong gawing pinakamarangyang
estado ang Athens.

Phalanx- tawag sa hukbong Greek na karaniwang binubuo ng hanggang 16 na hanay ng


mgamandirigma

Phidias - Ang pinakadakilang Greek na iskultor. Obra maestra niya ang estatwa ni Athena sa
Parthenon at ni Zeus sa Olympia

Pisistratus - isang politikong noong mga 546 B.C.E., na namuno sa pamahalaan ng Athens.
Bagamat mayaman siya, nakuha niya ang suporta at pagtitiwala ng karaniwang tao. Mas radikal
ang mga pagbabagong ipinatupad niya tulad ng pamamahagi ng malalaking lupang sakahan sa
walang lupang mga magsasaka.

6
Piyudalismo- isang sistemang political, sosyo-ekonomiko at military na nakabase sa pagmamay-
ari ng lupa.

Plato – ang kaniyang pinakasikat na mag-aaral ni Socrates ang nagsumikap na maitala ang lahat
ng dayalogo sa pagitan ng dalawa o mas higit pang tauhan.

Plebian – sa panahon ng Republikang Romano, sila ang mga kapos sa kabuhayan at kasapi ng
Assembly na binubuo ng mga mandirigmang mamamayan. Walang kapangyarihan ang plebeian
at hindi rin makapag-aasawa ng patrician.

Polis – pamayanan na nagmula sa mga kuta ang mga Griyego sa mga lugar sa may gilid ng mga
burol at sa mga taluktok ng bundok upang maprotektahan ang kanilang sarili sa pagsalakay ng
iba’t ibang pangkat.

Pope Leo III ang humirang kay Charlemagne bilang “Emperor of the Holy Roman Empire”. Ayon
sa ilang aklat, nangangahulugan ito na ang ideya ng mga Romano ng isang sentralisadong
pamahalaan ay hindi naglaho.

Pythagoras - ang nagpasikat ng doktrina ng mga numero kung saan sinasabi niya na ang bilang
na tatlo, lima at pito ay maswerteng mga numero.

Republic - isang talakayan sinulat ni Plato tungkol sa katangitanging polis at ang uri ng
pamahalaan na makapagbibigay ng kaligayahan sa mga mamamayan nito.

Roman - kinikilala bilang pinakadakilang mambabatas ng sinaunang panahon. Ang kahalagahan


ng Twelve Tables ay ang katotohanan na wala itong tinatanging uri ng lipunan. Ito ay batas para
sa lahat, patrician o plebeian man. Ito ang ginamit upang alamin ang mga krimen at tantiyahin ang
kaukulang parusa. Nakasaad dito ang mga karapatan ng mga mamamayan at ang pamamaraan
ayon sa batas.

Royal Road- may habang 1,200 milya mula Surdis hanggang Susa. Dito naglalakbay ang mga,
opisyal at mensahero.

Sibilisasyong Heleniko – isa sa mga pinakadakilang sibilisasyong naganap sa kasaysayan ng


daigdig mula sa ilang pamayanan sa baybayin ng Gresya na tinatawag ang kanilang sarili na
Hellenes o Greeks

Sibilisasyong Minoan-itinuturing na kauna-unahang sibilasasyong nabuo sa Aegean na nagsimula


sa Crete mga 3100 BC o bago isilang si Kristo.

Solon – mula pangkat ng aristokrata na yumaman sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan na


nanguna sa pagbabago ay naganap noong 594 B.C.E. Kilala din siya sa pagiging matalino at patas.
Inalis niya ang mga pagkakautang ng mahihirap at ginawang ilegal ang pagkaalipin nang dahil sa
utang. Gumawa rin siya ng sistemang legal kung saan lahat ng malayang kalalakihang ipinanganak
mula sa mga magulang na Athenian ay maaaring maging hurado sa

7
mga korte. Ang mga repormang pampolitika na ginawa ni Solon ay nagbigay ng kapangyarihan sa
mga mahihirap at karaniwang tao. Nagsagawa rin siya ng mga repormang pangkabuhayan upang
maisulong ang dayuhang kalakalan at mapabuti ang pamumuhay ng mga mahihirap. Nalutas ng
repormang pangkabuhayan ang mga ilang pangunahing suliranin ng Athens at napaunlad ang
kabuhayan nito. Sa gitna ng malawakang repormang ginawa ni Solon, di nasiyahan ang mga
aristokrata. Para sa kanila, labis na pinaburan ni Solon ang mahihirap. Sa kasalukuyan, ginagamit
ang salitang Solon bilang tawag sa mga kinatawan ng pambansang pamahalaan na umuugit ng
batas.

Socrates – isang Athenian ang tumuligsa sa mga pilosopiya ng mga Sophist. Ayon sa kaniya
mahalaga na kilalanin mo ang iyong sarili (know thyself). Ayon sa kaniya dapat na patuloy na
magtanong ang mga tao hinggil sa mga bagay-bagay upang matiyak kung sila ay may mga
kasagutan sa mga katanungang ito. Ang pamamaraang ito ay kinikilala ngayon na Socratic
Method.

Sophist – isang pangkat ng mga guro na sumikat sa Athens. Nagpakilala sila ng pagbabago sa mga
umiiral na pilosopiya. Ayon sa kanila maaaring turuan ang mga tao na gumawa ng magagandang
batas,

Stolla – kasuotang pambahay ng babae ng Roman. Pinapatungan ito ng Palla kapag lalabas ng
bahay.

Strategos - heneral na inihalal ng mga kalalakihang mamamayan ang namuno sa Athens.

Teotihuacan- nangangahulugan ang katagang ito na “tirahan ng diyos” at isa ito sa mga unang
kabihasnang nabuo sa Valley of Mexico

Tiberius - (14-37 C.E.) Roman Emperor; Magaling na administrador si Tiberius bagama’t isang
diktador.

Thales – pinakilala niya ang kauna-unahang pilosipiya na ambag ng Greek sa larangan ng agham
at pilosopiya. Ayon sa kaniya ang sandaigdigan ay nagmula sa tubig, ang pangunahing elemento
ng kalikasan.

Thucydides – sumunod kay Heroditus na isa ring histoyador. Ilan sa mga isinulat niya ay ang
Anabis, isang kuwento ng sikat na martsa ng mga Greek mula sa Babylonia hanggang Black Sea
at Memorabilia na kalipunan ng mga kuwento ng guro niyang si Socrates

Trajan - (98-117 C.E.)mahusay na Emperador ng Roma; Sa panahon ng pamumuno ni Trajan,


narating ng imperyo ang pinakamalawak nitong hangganan.

Tribune – mahistrado may karapatan na humadlang sa mga hakbang ng senado na magkasama sa


mga plebeian. Kapag nais hadlangan ng isang tribune ang isang panukalang-batas, dapat lamang
niyang isigaw ang salitang Latin na veto! (Tutol Ako!). Sa loob ng isang siglo at kalahati,
nagkaroon ng higit na maraming karapatan ang plebeian. Noong 451 B.C.E, dahil sa mabisang
kahilingan ng mga plebeian, nasulat ang mga bataas sa 12 lapidang tanso at inilagay sa rostra ng

8
forum upang mabasa ng lahat. Ang 12Tables ang kauna-unahang nasusulat na batas sa Rome at
naging ugat ng Batas Roman. Sa pamamagitan nito, nabawasan ang panlilinlang sa mga plebeian
at napagkalooban sila ng karapatang makapgasawa ng patrician, mahalal na konsul, at maging
ksapi ng Senado.

Tunic - kasuotang pambahay ng Romano na hanggang tuhod. Pinapatungan ito ng toga kung sila
ay lalabas ng bahay

Tyrant- sa sinaunang Kasaysayan, ito ay pinuno ng Athens na nagsusulong ng karapatan ng


karaniwang tao at maayos na pamahalaan

Vassal- taong tumatanggap ng lupa mula sa lord

Vespasian (69-79 C.E.)Roman Emperor; Kinilala ang dinastiyang Flavian sa maayos na


patakarang pananalapi at pagtatayo ng imprastrukturang tulad ng pampublikong paliguan at
amphitheater para sa mga labanan ng mga gladiator

Villein- kasingkahulugan ito ng salitang serf; ito ang bumubuo ng masa ng tao noong Panahong
Medieval. Nananatili silang nakatali sa lupang kanilang sinasaka at naglilingkod sa kanilang
panginoong maylupa.

Zarathustra – nangaral ukol sa pagsamba sa iisang diyos

Zoroastrianism - relihiyon ng Persia na lalong nagpatanyag sa kanila. Ipinarangal ni Zarathustra


o Zoroaster. Isa itong paniniwala ukol sa labanan ng mabuti at pananagumpay ni Ahura Mazda,
ang diyos ng kabutihan

You might also like