You are on page 1of 2

SALAWIKAIN

1) 'Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa'


- lahat ng dinarasal sa Poong Maykapal ay hindi agad
nangyayari, kailangang kumilos upang matupad.

2) 'Kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay'


- sa kabila ng hindi magandang ginawa ng kapwa ay
kabaitan parin dapat ang isukli at hindi nararapat ang pagganti.

3) 'Daig ng masipag ang matalino'


- kahit pataas ang pinagaralan kung hindi ka gumawa ng
paraan para magamit ito ay wala ring pakinabang.

4) 'Kapag maikli ang kumot, matutong mamaluktot'


- sa oras ng kasalatan at kagipitan ay marapat na magtipid
at maghinayhinay sa paggastos.

5) 'Kung hindi ukol ay di bubukol'


- kung hindi tala para sa iyo ang isang bagay ay hindi
magbubunga.
BUGTONG

1) Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita.


Sagot: Tenga

2) Bulaklak muna ang dapat gawin, bago mo ito kanin.


Sagot: Saging

3) Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.


Sagot: Kandila

4) Malambot na parang ulap, kasama ko sa pangangarap.


Sagot: Unan

5) Dala mo dala ka, dala ka ng iyong dala.


Sagot: Sapatos

You might also like