You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

Province of Occidental Mindoro


Municipality of Sablayan
OFFICE OF THE MUNICIPAL MAYOR

Enero 24, 2018

Bb/G/Gng._____________________
___________________________________
___________________________________

Pagbati!

Ito ay may kaugnayan sa dalawang naunang paabiso na kayo ay hinihikayat


na inyo nang kusang bakantihin ang inyong inuukupahang bahagi ng
Municipal Plaza, upang ito ay maayos at malinisan na ng munisipyo bilang
preparasyan sa gaganaping MIMAROPA RAA Meet sa Sablayan.

Ipinababatid po sa inyo bilang huling paabiso na kayo ay binibigyan na


lamang ng hanggang sa Ika-30 ng Enero upang bakantihin ang nasabing
lugar bago namin sapilitang i-demolish ang inyong mga tindahan.

Ayon po sa umiiral na Ordinansa, walang kahit anomang tao o korporasyon


ang maaring magnegosyo sa loob ng sakop ng munisipyo ng walang
kaukulang business permit galing sa munisipyo sa pamamagitan ng LEIPO
at kung di rehistrado sa DTI. Ano mang paglabag ay maaring patawan ng
pagkumpiska at demolisyon ng negosyo at kanilang istraktura.

Dahil po dito kayo ay masasabing ilegal na nagpapatakbo ng negosyo at


pwedeng kumpiskahin ng munisipyo ang inyong paninda at i-demolish ang
inyong tindahan.

Aasahan po naming ang inyong pagtugon at pagsunod sa huling paabisong


ito.

Gumagalang,

EDUARDO B. GADIANO
MUNICIPAL MAYOR

2nd Floor Municipal Building, Brgy. Buenavista, Sablayan, Occidental Mindoro


Email: mayorsoffice_sbyoccmdo@yahoo.com / lgusablayan@gmail.com
Tel. Number: (0434)-458-02-95

You might also like