Filipino 8 Ok

You might also like

You are on page 1of 7

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon MIMAROPA
Sangay ng Marinduque
Boac

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 8


SY 2018-2019

Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem ng pagsusulit at matapat na
sagutan ang mga ito.

I. PAKIKINIG:
A. Panuto: Pakinggan ang bahagi ng sanaysay at piliin ang nais ipahiwatig ng mga sumusunod na
pangungusap.
1. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nais ipahiwatig ng sanaysay na napakinggan.
A. Talamak na sakit ng Pilipino
B. Ito ay ugat ng pagbaba ng antas ng edukasyon
C. Ang de-Amerikanisasyon ay may pinakamalaking tungkulin sa lipunan
D. Ang de-Amerikanisasyon ay nagbubunga ng maraming kapansanan

B. Panuto: Suriin ang katangian ng tauhan batay sa napakinggang teksto.


2. Ang anak ay: _________________
A. Puno ng galit
B. mapagmalaki
C. mapagbintang
D. maunawain
C. Panuto: Ibigay ang inyong interpretasyon sa bahagi ng tulang napakinggan
3. Ang nagsasalita ay _________________
A. galit na galit
B. naghihinanakit
C. nagmamakaawa
D. nagbibigay ng pag-asa

II. PAG-UNAWA SA BINASA:


A. Panuto: Ibigay ang opinyon at katwiran sa mga sumusunod na mga pahayag.Piliin ang itik ng tamang
sagot.

4. ”Kahit ikaw ang gumuhit sa nilikhang mga plano,


Ang gusali’y di titindig pag wala kang karpintero,
at hindi rin mabubuo ang hinalo mong semento,
kapag ikaw ay nasairan ng salaping isusuweldo.

A. Arkitekto ang gumagawa ng plano.


B. Salapi ang mahalaga sa pagbuo ng gusali
C. Kailangan ng semento sa gusaling itatayo mo
D. Malaki ang papel na ginagampanan ng isang plano sa pagtayo ng gusali
5.
“Kahit na nga mayroon kang kayamanang limpak-limpak,
pag wala kang karunungan ay marami ang pipintas;
at sa halip na ingatan ang salaping nakaimbak,
baka ikaw ay malinlang ng katotong di matapat”.

A. Oo,karunungan ang basehan sa buhay ng tao


B. Mabubuhay ang to kahit kulang sa salapi
C. Hindi mahalaga ang salapi sa buhay ng tao.
D. Kung walang karunungan, hindi magkakaroon ng salaping iiimbak

1
6. . “Naririyan ang lansangan’t paaralang nakatayo,
na pag-asa ng esk’welang di mabilang nating bunso;
Kaya iyan ay inisip at sinikap na mabuo,
na ang dunong, mahalaga kung hangad mong mapawasto.”

A. Isang katunayan na ang dunong ay mahalaga sa pagkakaroon ng salapi.


B. Sinikap na mabuo ang paaralan upang magkaroon ng karunungan
C. Mahalaga ng karunungan kung nais maiwasto ang buhay
D. Lahat ng nabanggit

B. Panuto: Basahing muli ang sumusunod na pahayag at ipaliwanag ang tema at mahalagang kaisipang
nakapaloob sa mga ito.Piliin ang titik ng tamang sagot na angkop sa pahayag.
7. “Ang Amerikanisasyon ay isang sakit na tumalamak na sa katawan ng ating lipunan. Bunga nito ang
maraming kapansanan ng bayan”.
A. Maraming kapansanan ang ating bayan dahil sa Amerikanisasyon.
B. Bunga ng Amerikanisasyon ang kahirapan ng bayan.
C. Ang Amerikanisasyon ay maihahalintulad sa sakit ng ating katawan.
D. Katulad ng isang sakit sa katawan ang Amerikanisasyon.

8. “Marahil ay di totoong mga Amerikano lamang ang dapat sisihin. Tayo man ay may kasalanan”.
A. Walang dapat sisihin sa mga nangyayari sa ating lipunan.
B. Hindi dapat sisihin ng mga tao sa lipunan ang mga Amerikano
C. May karapatan ang mga tao na sisihin ang mga Amerikano.
D. Ang mga tao sa lipunan ay mayroon ding ambag sa mga nangyayari sa lipunan.

Para sa bilang 9-11

Sandalangin Ang Guryon


Joey A. Arrogante Idefonso Santos

Ang laki ng naging kapalit Tanggapin mo, anak,itong munting guryon


Sa binalewala kong pakikisama Mo, na yari patpat at papel de hapon;
Nasugapa ang buhay ko, magandang laruang pula,puti at asul,
Nasira patiulo ko, na may pangalan mong sa gitna naroon.
Sa kamalasan, sa problema:
Naging demonyo ako, Ang hiling ko lamang, bago paliparin
Kaaway ng lahat------ Angguryon mong ito ay pakatimbangin;
Ng bahay, ng gobyerno, ng simbahan. Ang sulo’t paulo’y sukating magaling
Ayoko na! Nang hindi mag- ikit o kaya’y magkiling.
Hindi na kaya
Ng aking konsensya. At saka, pag umihip ang hangin ilabas
Ang hirap palang wala ka At sa papawiri’y baying lumipad
Sori Among! Datapwat ang pisi’y tibayan mo anak,
Patawa! at baka lagutin ng hanging malakas

C. Panuto: Basahin ang mga piling saknong ng tula sa itaas at pagkatapos ay suriin ito batay sa hinihingi
ng talahanayang makikita sa ibaba:

Tula Paksa o Tema Sukat Uri ng Tugma


Sandalangin
Ang Guryon

D. Panuto: Tukuyin ang payak na salita mula sa mga salitang maylapi na sinalungguhitan sa loob ng
pangungusap at isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang papel.
12. Ang mga katutubo katulad ng mga igorotat sumasampalataya sa kanilang bathala.
A. Asam B. Sampal C. Ampalaya D. Sampalataya
13. Ang paglayo ng kasintahan ay dulot ng kasiphayuan.
A. kasi B. hayop C. hayo D. Siphayo
14. Ang nayon ng malawig ay hinangaan ng binatang lumaki sa lungsod.
A. hina B. hangaan C. hinanga D. hanga

2
E. Panuto: Ibigay ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa loob ng pangungusap. Piliin ang
titik ng tamang sagot.
15.Matapos ang pagtataling puso nina Tenyong ay bumangon ito at ang lahat ay sumigaw ng “walang sugat”.
A.pagpapakasal B.pagkakasundo C.paghahanda D.pag-uusap
16.Dahil sa sobrang sama ng loob ay nagpakagumon siya sa pagtatatrabaho upang patunayan sa kanyang ama na
kaya niya ring tumayo sa sariling paa.
A. iniwanan B. nagpabaya C. nagpakasawa D.nagpapakadalubhasa
17. Napilitan siyang tumiwalag sa kanilang samahan bilang pagsunod sa payo ng kanyang magulang.
A. bumitiw B. manatili C. lumaban D. umalis
F. Panuto: Suriin ang mga sumusunod na salita ayon sa antas ng kahulugan:Piliin ang titik ng may
tamang pagkakasunod-sunod ng salita ayon sa antas nito
18. I. aklasan II. Sigalot III. rebolusyon
A. III, I, II B. II, I , III C. I ,II , III D. I, III , II
19. I. kuwalta II. Pera III. kusing
A. III , I , II B. II , I , III C. I , II , III D. I, III , II
20. I. kalunos-lunos II. kahabag-habag III. kaawa-awa
A. III , I , II B. II, I , III C. III , II , I D. I , III , II

III. GRAMATIKA:
Para sa bilang 21-25
A. Panuto: Basahin ang halimbawang tula. Piliin ang angkop na salita mula sa kahon upang mabuo ang
diwa nito.
Sa aking paggawa ang tangi kong __(21)__
Ang ani’y dumami na para sa _ (22)___
A. lahat B. bukid C. tiyak
Kapag ang balana’y may pagkaing __(23)__ D. hangad E. magagalak F. akin
Umaasa akong puso’y __(24)__
Halaw sa tulang “Bayani ng__(25)__.”
Ni: Al Q.Perez

B. Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang mga hudyat ng PAGSANG-AYON at PAGSALUNGAT upang
maipahayag nang maayos ang mga halimbawang opinyon.
26. ______ na disiplinahin ang mga bata habang sila ay bata pa upang maging mabuti paglaki.
27. Ang pamalo ay mabisa ring gamit sa pagdidisplina ____ito ay maaring magdulot ng masamang epekto sa
bata.
28. _____ iba na ang mga kabataan nagyon,masyado na apektado ng nagbabagong panahon.

A. subalit B. sadya C. hindi D. dapat

Para sa bilang 29-33


C. Panuto: Suriin ang sarsuwela batay sa mga halimbawa ng pagpapahalaga sa kulturang nakasaad sa
bawat bilang. Gamitin ang mga pandiwa sang-ayon sa aspekto na nakasaad sa bawat bilang.
29. Paggalang sa mga kababaihan
(Kontemplatibo - suyo) = ____________________________________________________________
30. Paggalang at pagmamahal sa mga magulang
(Perpektibo - dalamhati) = ____________________________________________________________
31. Paggalang sa matrimonya ng kasal
(Imperpektibo – tigil ) = ______________________________________________________________
32. Maalab na pagmamahal sa bayan.
(Perpektibo – laban = ________________________________________________________________
33. Pagiging matatag sa lahat ng pagsubok.
(Imperpektibo - kaya) = ________________________________________________________________

Para sa bilang 34-36


D. Panuto: Gumamit ng simpleng paglalahad o pagpapahayag tungkol sa wikang Filipino gamit ang mga
paraang nakatala sa ibaba.
34. Pag-iisa-isa ( Katangian ng Wikang Filipino)

35. Sanhi at Bunga

36.Pagbibigay ng Halimbawa ( Mga Pilipinong may Pagpapahalaga sa Wikang Pambansa)

3
E. Panuto: Kumpletuhin ang piling bahagi ng talata sa pamamagitan ng paglagay ng antas ng pang-uri
sa bawat patlang. Piliin ang sagot mula sa kahon.
May malaking pagkakaiba sa kanilang pananaw sa buhay, damdamin, gawi, kilos, ugali at asal ang mga
Pilipina noon at ngayon. Sinasabing ang mga Pilipina noon ay (41)____ na mahinhin, kagalang-galang at
maingat sa sarili. (42)____ taos sa kanilang mga puso at isip ang pagiging masunurin at mapitagan sa kanilang
magulang. Lalo silang masinop sa pag-aayos sa kanilang katawan at pananamit.
Samantala, ang Pilipina naman ngayon ay aral sa makabagong panahon kaya(43) _____ na malaya at
bukas ang kanialang isipan sa pangangatwiran. (44)_____ silang mapusok sa pagtupad sa mga gawain at mahilig
sila sa iba’t ibang uri ng paglilibang. (45)____ taas ng kanilang ambisyon. Marami rin naman sa kanila ay
kasintalino, kasinsipag at kasimbuti ng mga Pilipina noon.

A. lubha B. higit C. napaka D. sing

Paalala: Maaaring isagot muli ang titik na naisagot na.

IV. PAGSULAT
Panuto: Basahin ang sumusunod na sitwasyon at bumuo ng 2-3 pangungusap bilang pagwawakas

. Si Joel ay laging nangunguna sa klase. Halos lahat ng kanyang kamag-aral ay humahanga sa kanyang
husay na ipinapamalas sa lahat ng asignatura. Ngunit sa kabila nito ay may kahinaan din si Joel, ito ay sa larangan
ng pagsayaw at pag-awit. Nang minsang magkaroon ng patimpalak sa paaralan ay tila nabago ang ihip ng hangin
at ang kanyang kaibigan naman na si Dan ang tinitilian at labis na hinahangaan ng lahat dahil sa husay nito sa
pagsayaw at pag-awit. Tila may naramdamang kung ano si Joel at bigla na lamang siyang umalis at lumayo sa
nakararami.

Ano kaya ang maaaring maging wakas ng ganitong kalagayan ni Joel? Isulat ang inyong pagwawakas sa
sagutang papel.

B. Panuto : Pumili ng napapanahong paksa na ibinigay sa ibaba at sumulat ng isang maikling sanaysay. ( 3
puntos )45-47
Paksa : a. Mga naidudulot ng paggamit ng cellphone sa pag – aaral
b. Pagtatapon ng basura

Mga Pamantayan
1. Ang nabuong sanaysay ay batay sa tiyak na katangian nito
2. Nagamit ang iba’t ibang paraan ng pagpapahayag
3. Napalawak ang mga kaisipang kaugnay ng paksa
4. Malinis at maayos ang pagkakasulat
5. Wasto ang gamit ng wika at mga bantas

C. Panuto : Sumulat ng isang orihinal na tulang may apat na saknong gamit ang paksang “Paggalang
sa Karapatan ng Kababaihan o Paggalang sa mga Nakatatanda.(3 puntos) 48-50

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
Nailahad ang mga impormasyon o kaisipang ninanais sa paksa.
Angkop ang mga inilahad sa paksa.
May wastong baybay o paggamit ng mga salita
3 – nakatugon sa lahat ng pamantayan
2 – nakatugon sa dalawang pamantayan
1 – nakatugon sa isang pamantayan

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
Naging kaakit – akit ang wakas ng kuwento.
Maayos ang pagkakabalangkas ng mga pangyayari.
May wastong baybay o paggamit ng mga salita
3 – nakatugon sa lahat ng pamantayan
2 – nakatugon sa dalawang pamantayan
1 – nakatugon sa isang pamantayan

4
Sipi ng Teksto para sa Pakikinig – Ikalawang Markahan – Filipino 8

A. Panuto: Pakinggan ang bahagi ng sanaysay na babasahin ng guro at piliin ang nais ipahiwatig ng
mga pangungusap na nasa inyong pagsusulit sa bahagi ng pakikinig:( Blg. 1)

Ang de- Amerikanisasyon ng isang Pilipino ay isa sa pinakamalaking


tungkuling dapat nating gampanan sa kasalukuyan. Ang Amerikanisasyon ay
isang sakit na tumalamak na sa katawan ng ating lipunan. Bunga nito ang
maraming kapansanan ng bayan.
Halaw sa Amerikanisasyon ng Isang Pilipino ni Ponciano B.P. Pineda

B. Panuto: Makinig muli sa babasahin ng guro at uriin ang katangian ng tauhan batay sa
napakinggang teksto (Blg. 2.)

“Ayoko nang mag-aral, Inay.Tipid, pagtitiis, kahihiyan lamang ang


dinaranas ko rito. Bakit ako ginaganoon ni Itay? Gusto ba niya akong
pahirapan?”

C. Panuto: Suriin ang bahagi ng tulang babasahin ng guro at ibigay ang inyong interpretasyon
sa bahagi ng tulang napakinggan.(Blg. 3)

Maawa ka na Manong!

Tulungan Mo ako!

Pagalingin Mo ako

Baguhin Mo ako!

Ang toyo’t talangka sa ulo ko pakialis Mo!

Kahit paano makalakad uli ako nang diretso.

5
TALAHANAYAN NG ISPISIPIKASYON PARA SA
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT - FILIPINO
BAITANG- 8

Layunin Bilang Dami ng Kinalalagyan ng


Bahagdan
ng Araw Aytem Aytem

PAKIKINIG

1. Nahihinuha ang nais naipahiwatig ng


sanaysay na napakinggan 1 1 2.5% 1
(F8PN-IIf-g-25)

2. Nabibigyang-katangian ang mga tauhan


batay sa napakinggang paraan ng kanilang
pananalita 1 1 2.5% 2

(F8PN-IIg-h-26)

3. Nabibigyang interpretasyon ang tulang


napakinggan 1 1 2.5% 3
(F8PN-IIi-j-27)

PANG-UNAWA SA BINASA

4. Naibibigay ang opinyon at katuwiran


tungkol sa paksa ng balagtasan 3 3 7.5% 4,5,6
(F8PB-IIc-d-25)

5. Naipaliliwanag ang tema at


mahahalagang kaisipang nakapaloob sa
akda 2 2 5% 7,8

(F8PB-IIf-g-26)

6. Naihahambing ang anyo at mga elemento


ng tulang binasa sa iba pang anyo ng tula 2 3 5% 9,10,11
(F8PB-Iii-j-28)

7. Natutukoy ang payak na salita mula sa


salitang maylapi 3 3 7.5% 12,13,14
(F8PT-IIa-b-23)

8. Naibibigay ang kasingkahulugan ng


mahihirap na salitang ginamit sa akda 3 3 7.5% 15,16,17
(F8PT-IIe-f-25)

9. Naikiklino (clining) ang mga piling


salitang ginamit sa akda 3 3 7.5% 18,19,20
(F8PT-IIf-g-26)

WIKA AT GRAMATIKA

10. Nagagamit ang mga angkop na salita sa


4 5 10% 21,22,23,24,25
pagbuo ng orihinal na tula

6
(F8WG-IIa-b-24)

11.Nagagamit ang mga hudyat ng pagsang-


ayon at pagsalungat sa pagpapahayag ng
opinion 3 3 7.5% 26,27,28

(F8WG-IIc-d-25)

12.Nagagamit ang iba’t ibang aspekto ng


pandiwa sa isasagawang pagsusuri ng
sarswela 4 5 10% 29,30,31,32,33

(F8WG-IIe-f-26)

13. Nagagamit ang iba’t ibang paraan ng


pagpapahayag 2 3 5% 34,35,36
(F8WG-IIf-g-27)

14.Nabibigyang - katangian ang piling


tauhan sa maikling kuwento gamit ang mga
kaantasan ng pang-uri 4 5 10% 37,38,38,40,41

(F8WG-IIg-h-28)

PAGSULAT

15.Pasulat na nawawakasan ang maikling


kuwento sa pagbubuod o pagbibigay ng
makabuluhang obserbasyon 2 3 5% 42,43,44

(F8PU-IIg-h-28)

16.Napipili ang napapanahong paksa sa


pagsulat ng isang sanaysay 4 5 10% 45,46,47
(F8PU-IIg-h-28)

17. Naisusulat ang isang orihinal na tulang


may apat na saknong gamit ang paksang 4 5 10% 48,49,50
Pag-Ibig sa bayan o kalikasan

KABUBUAN 40 50 100% 50

You might also like