Professional Documents
Culture Documents
Wikang Filipino Sa Akademikong Larangan
Wikang Filipino Sa Akademikong Larangan
Hunyo 7, 1940 - Pinagtibay ng Batas-Komonwelt Blg. 570 na nagtadhana na simula sa Hulyo 4, 1946. Ang
Wikang Pambansa ay isa sa mga opisyal na wika ng bansa.
Proklama blg. 12
Si Ramon Magsaysay, Pangulo ng Pilipinas, sa tagubilin ng Surian ng Wikang Pambansa, ay nagpapahayag na
Linggo ng Wikang Pambansa ang panahong sapul sa ika-29 ng Marso hanggang ika-4 ng Abril ng bawa’t taon,
na dito’y napapaloob ang kaarawan ng kapanganakan ni Francisco Baltazar, ang bantog na kumatha ng
“Florante at Laura.”
Proklama Blg. 186
Nilagdaan ni Pang. Magsaysay at sinususugan ang Proklama blg. 12, 1954.Itinatakda ang pagdiriwang ng
Linggo ng Wika simula sa ika-13 hanggang ika-19ng Agosto taun-taon (sa kasalukuyan, ito ay Buwan ng
Wikang Pambansa). Bilang paggalang sa kaarawan ni Pangulong Manuel L. Quezon "Ama ng Wikang
Pambansa".
Kautusang
Tagapagpaganap
Blg. 96
Ang lahat ng edipisyo, gusali
at tanggapan ng pamahalaan
ay pangalanan sa Pilipino.
Ito ay nilagdaan ni
Pangulong Ferdinand Marcos.
SEKSYON 7. Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino
at, hangga't walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles.
Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong na
mga wikang panturo roon.
Dapat itaguyod ng kusa at opsyonal ang Kastila at Arabic.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 52
Isinaad ang pagbabago sa Patakarang Edukasyong Bilinggwal nang ganito…”Ang patakarang Bilinggwal ay
naglalayong makapagtamo ng kahusayan sa Filipino at Ingles sa antas pambansa, sa pamamagitan ng pagtuturo
ng dalawang wikang ito bilang mga midyum ng pagtuturo sa lahat ng antas.”
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117
Nilagdaan ng Pangulong Aquino ang paglikha
ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (LWP)
bilang pamalit sa dating SWP at makatugon sa panibagong iniatas na gawain nitong patuloy na pagsasaliksik at
pagpapaunlad ng wikang pambansa.