You are on page 1of 1

OBEDIENCE

YBRAHIM LOPEZ ANGARA


Brothers and sisters,

Bago ko po simulan ang aking talk ay nais ko kayong bigyan ng isang mensahe mula sa buhay
ni President Gordon B. Hinkley ayon sa kanya “The Way of the Gospel is a simple way Humble
yourselves and walk in Obedience.” MAGING MAPAGPAKUMBABA AT MASUNURIN. Paano ba
tayo maging masunurin???Tayo ba ay sumusunod sa kanya dahil tayo ay takot na maparusahan??o
tayo ay nagiging masunurin dahil sa ating pag ibig sa kanya?PAANO NGA BA ANG MAGING
MASUNURIN SA ATING AMA SA LANGIT?ayon sa aklat ng Juan Kabanata labing apat talataan
dalawamput isa: Ang mayroon ng aking mga utos, at tinutupad ang mga yaon, ay siyang
umiibig sa akin: at ang umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama, at siya'y iibigin ko, at ako'y
magpapakahayag sa kaniya. Tayo ay sumusunod sa ating Ama na kanyang layunin ng PAg-
ibig?O tayo ay nahaharap sa mga Balakid ,ano ba ang mga balakid upang hindi natin matupad
ang kanyang mga plano para sa atin?

Una Galit/Pagka poot o Muhi


Kung tayo magkaroon ng Galit ay normal itong reaksiyon ng atin katawan sa mga
bagay na di natin naisin ngunit kung ito ay pabalik-alik paulit ulit oh kapag parang nilalamon
na nito ang ating Sistema ay nagiging poot ito ayon sa Sa Unang Sulat ni Pablo kay Juan
Kabanata tatlo talataan labinglima 15 Ang sinomang napopoot sa kaniyang kapatid ay
mamamatay-tao: at nalalaman ninyong sinomang mamamatay-tao ay hindi pinananahanan
ng buhay na walang hanggan.
Ikalawa Mga Pangarap sa buhay:
Madalas hindi tayo nakakapagsimba at nakakakapag renew ng ating kasunduan sa Ama dahil
sa mga personal nating naisin sa buhay may nagpapayaman, nagpapalago ng Negosyo o nagtatrabaho
kahit araw ng Linnggo.
Ikatlo Pakikipag Talo/Pakikipag away
MAadalas pag may mga opinion tayong pinaniniwalaan at ito ay hind nabibigyang halaga
kapag tayo ay nakararamdam ng pagkapahiya o nasasaling an gating damdamin tayo ay nawawalan ng
Espirito at nalalayo sa ating ama. Ayon sa ikatlong Nephi Kabanata Labing Isa Talata Dalawamput
Siyam 29 Sapagkat katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, siya na may diwa
ng pagtatalo ay hindi sa akin, kundi sa diyablo, na siyang ama ng pagtatalo, at kanyang
inuudyukan ang mga puso ng tao na makipagtalo nang may galit sa isa’t isa.

Handa ba tayong kalimutan ang tatlong ito na Nagsisilbing balakid sa ating Paglapit sa ating
ama sa Langit? sabi nga niya sa Aklat ni Mateo sa Baong Tipan Kabanata Dalawamput
Dalawa Talataan 36-40 Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso mo,
nang buong kaluluwa mo at nang buong pag-iisip mo. 38 Ito ang una at dakilang
utos. 39 Ang pangalawa ay katulad din nito: Ibigin mo ang iyong kapwa tulad ng
iyong sarili. 40 Sa dalawang utos na ito nakasalalay ang lahat ng bagay na nasa
mga Kautusan at sa mga Propeta. Ito ang Kabuuan ng Kanyang Utos.

ALAMIN natin sa ating Sarili kung tayo ba ay naging masunuring mga anak ng
Diyos?Handa ba nating Taklikuran ang mga bugso ng damdamin natin na siyang
Pinagkukunan ng Lakas ng Kalaban upang tayo ay siluin wag tayong Mag Patalo sa
Galit,Poot,o Pakikipag Talo.Labanan natn Ito at Sumunod sa Yapak Ni Kristo Ang lahat ng
ito iiwan ko sa Dakilang Pangalan ni Jesu cristo AMEN.

You might also like