You are on page 1of 3

CARAGA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL

Brgy. San Juan, Surigao City

EDUKASYON SA PAGPAPAKATO 9
IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT
S.Y. 2017-2018

PANGALAN: PETSA: _____ ___


SEKSIYON: _ __________________________________ ISKOR: ___

AKO AY MATAPAT!
(I AM HONEST!)
Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap, sitwasyon at pangyayari. Pagkatapos,
sagutin ang sumusunod na tanong at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
(In capital letter and Strictly NO ERASURES)

1. Tayo ay nilikha upang makipagkapwa at makibahagi sa buhay-na-mundo, at itong buhay-na-


mundo ay nabubuo naman sa pagkomunikasyon ng kanyang mga kasapi. Ito ay pananaw ni B
A. Dr. Howard Gardner C. John Holland
B. B. Jürgen Habermas D. Stephen Covey
2. Nasasalamin ito sa mga paboritong gawain ng nagpapasaya sa iyo dahil gusto mo at buo ang
iyong puso na ibigay ang lahat ng makakaya nang hindi nakakaramdam ng pagod o pagkabagot. C
A. Pagpapahalaga B. Mithiin C. Hilig D. Kasanayan
3. Makakatulong ang pansariling salik na ito upang ikaw ay magpasya nang malaya at kumilos
ayon sa ikabubuti ng iyong sarili at pagiging produktibong bahagi ng lakas-paggawa. D
A. Talento C. Pagpapahalaga
B. Kasanayan D. Katayuang Pinansyal
4. Ang salik na ito ay masasabing may malaking bahagi sa pagtamo ng iyong mga naisin sa
buhay. B
A. Pagpapahalaga B. Mithiin C. Hilig D. Kasanayan
5. Isang pambihirang biyaya at likas na kakayahang kailangang tuklasin dahil ito ang magsisilbi
mong batayan sa pagpili ng tamang kursong akademiko o teknikal-bokasyonal. A
A. Talento C. Pagpapahalaga
B. Kasanayan D. Katayuang Pinansyal
6. Lumulutas ng mga mahihirap at teknikal bagay at nagpapahayag ng mga saloobin at damdamin
sa malikhaing paraan. D
A. People Skills B. Things Skills C. Data Skills D. Idea Skills
7. Nakikipagtulungan at nakikisma sa iba, magiliw, naglilingkod at nanghihikayat sa iba na
kumilos, mag-isip para sa iba. A
A. People Skills B. Things Skills C. Data Skills D. Idea Skills
8. Nagpapaandar, nagpapanatili o nagbubuo ng mga makina, inaayos ang mga kagamitan. B
A. People Skills B. Things Skills C. Data Skills D. Idea Skills
9. “Begin with the end in mind”, ito ay ayon kay D
A. Dr. Howard Gardner C. John Holland
B. B. Jürgen Habermas D. Stephen Covey
10. Ang hangarin ng isang tao sa buhay na magdadala sa kaniya tungo sa kaganapan. B
A. Bokasyon B. Misyon C. Propesyon D. Talento
11. Ito ang resulta ng kaniyang pinag-aralan o matagal na ginagawa at nagging eksperto na siya
dito. C
A. Bokasyon B. Misyon C. Propesyon D. Talento
12. Kailangan na itanong mo sa iyong sarili na ang personal na pahayag ng misyon ko ba sa
buhay ay makatotohanan? C
A. Nasusukat B. Tiyak C. Naabot D. Angkop
13. Ito ba ay angkop para makatugon sa pangangailangan ng iyong kapwa? D
A. Nasusukat B. Tiyak C. Naabot D. Angkop
14. Kailangan mong siguraduhin ang iyong gagawin. B
A. Nasusukat B. Tiyak C. Naabot D. Angkop

Page 1 of 3
15. Kailangan na ang isusulat mo sa iyong personal na pahayag ng misyon ay kaya mong gawin
at isakatuparan. A
A. Nasusukat B. Tiyak C. Naabot D. Angkop
16. Ito ang magsasabi kung ang personal na pahayag ng misyon sa buhay ay iyong nagawa o
hindi. A
A. Nasusukat ng Panahon B. Tiyak C. Naabot D. Angkop
17. Ito ay malinaw na ang bawat tao ay tinawag ng Diyos na gampanan ang misyon na
ipinagkaloob Niya sa atin. A
A. Bokasyon B. Misyon C. Propesyon D. Talento

Para sa bilang 18-30. Basahing mabuti ang panuto.


Liliman ang letrang A kung ang trabahong nabanggit ay kabilang sa CYBERSERVICES,
liliman ang letrang B kung ang trabahong nabanggit ay kabilang sa AGRIBUSINESS,
liliman ang letrang C kung ang trabahong nabanggit ay kabilang sa CREATIVE INDUSTRIES, at
liliman ang letrang D kung ang trabahong nabanggit ay kabilang naman sa MANUFACTURING.

A B C D
O O O O 18. Video Graphic Artist c
O O O O 19. Chemist d
O O O O 20. Horticulturist b

O O O O 21. Call Center Agent a


O O O O 22. Web Designer a
O O O O 23. Electrical Technicians d
O O O O 24. 3D Modelers c
O O O O 25. Flash Animator c
O O O O 26. Plant Mechanic b

O O O O 27. Developer (Software, Web) a


O O O O 28. Food Technologist d

O O O O 29. Sewers d
O O O O 30. Pathologist b
Para sa bilang 31-45. Basahing mabuti ang panuto.
Liliman ang letrang A kung ang trabahong nabanggit ay kabilang sa INVESTIGATIVE,
liliman ang letrang B kung ang trabahong nabanggit ay kabilang sa SOCIAL,
liliman ang letrang C kung ang trabahong nabanggit ay kabilang sa ENTERPRISING, at
liliman ang letrang D kung ang trabahong nabanggit ay kabilang naman sa CONVENTIONAL.

O O O O 31. Banker c
O O O O 32. Teacher b
O O O O 33. Economist a

O O O O 34. Finance Expert d


O O O O 35. Government Official c
O O O O 36. Librarian b
O O O O 37. Pharmacist a
O O O O 38. Historian b
O O O O 39. Secretary d

O O O O 40. Attorney c
O O O O 41. Judge c

O O O O 42. Administrative d
O O O O 43. Therapist b

Page 2 of 3
O O O O 44. X-ray Technician a

O O O O 45. Internist a

46. Alam ni Cita na hindi niya kakayanin ang kursong Medisina gayundin ang kakayahan ng
kaniyang magulang na suportahan siya. Kaya ang kanyang ginawa ay naghanap siya ng mga scholarship
sa kanilang munisipyo at iba pang institusyon at unti-unti ay nagsulat siya ng mga tiyak niyang plano at
mga paalaala daan upang maging gabay niya. Anong pansariling salik ang isinagawa ni Cita? A
A. Katayuang Pinansyal B. Mithiin C. Hilig D. Pagpapahalaga

47. Hindi lingid sa kaalaman ni Alfred ang mga naging puhunan ng kaniyang mga magulang sa
negosyong ipinundar simula noong bata pa siya hanggang sa kasalukuyan kung kaya sila ngayon ay
maginhawa at nakapagtapos lahat ng pag-aaral sa kolehiyo. Siya ang saksi sa kasipagan at pagiging
bukas-palad ng kaniyang mga magulang. Sa kaniyang propesyon ngayon dala niya ito lalo na kapag may
mga mahihirap siyang pasyente sa probinsya kapag nagdaraos sila ng medical mission. Anong pansariling
salik ang naging gabay ni Alfred sa pagpili ng kurso? C
A. Hilig B. Katayuang Pinansyal C. Pagpapahalaga D. Kasanayan

48. Alam ni Diane ang kaniyang galing at husay pagdating sa Matematika. Ang kahusayan niya
sa pagkalkula ay namana niya sa kaniyang ama. At ang kaniyang determinasyon at pagtitiyaga ay nakuha
sa kaniyang ina. Apat na buwan bago ang kanilang pagtatapos sa Junior High (Baitang 10) ay mayroon na
siyang ideya kung ano ang kaniyang pipiliing kurso. Suportado din siya ng kaniyang mga magulang lalo
pa siya naman ay bukas pagdating sa komunikasyon sa mga nais niyang kuning propesyon. Kahanga-
hanga si Diane dahil siya ay may matatag na loob na magpasya para sa kaniyang sarili. Anong pansariling
salik ang naging tuntungan niya sa pagpili ng kurso? C
A. Mithiin B. Pagpapahalaga C. Kasanayan D. Hilig

49. Malungkot si Melchor dahil hindi niya mapilit ang kaniyang mga magulang sa gusto niyang
kursong Engineering at mag-aral sa isa sa mga unibersidad sa Maynila. Gayunpaman, ang kanilang lokal
na pamahalaan ay nanghihikayat ng mga potensyal na mag-aaral na magtatapos sa kanilang batch na
pakuhanin ng mga kursong Tech-Voc. Sila ay sasailalim sa 6-month training, at pagkatapos ay may
naghihintay na trabaho sa Middle East. Sa kaniyang pagsasarili, naisip niyang ito ang magiging daan
tungo sa kaniyang magandang pangarap para sa kaniyang sarili at pamilya. Pumayag siya at naging
desidido sa kaniyang desisyon na piliin ito. Anong pansariling salik ang isinaalang-alang ni Melchor sa
kaniyang naging desisyon na maghanap ng alternatibo bilang tugon sa lumalaking demand sa lipunan? C
A. Katayuang Pinansyal B. Pagpapahalaga C. Mithiin D. Kasanayan

50. Bata pa lamang si Cecil ay may interes na sa pagbabasa ng mga Educational book, kasabay
din nito pagguhit at minsang pagsusulat. Lalo niya itong napaunlad nang siya ay sumasali sa mga
paligsahan sa paaralan at nananalo. Kaya sa pagdating ng pagpili ng kurso ay hindi siya nahirapan dahil
alam na niya ang magiging linya ng kaniyang propesyon, ang maging Journalist. Alin sa mga sumusunod
na pansariling salik ang naging daan upang makamit ni Cecil ang tagumpay ng kaniyang piniling
hanapbuhay? C
A. Kasanayan B. Mithiin C. Hilig D. Pagpapahalaga

God bless! Happy Vacation!

Page 3 of 3

You might also like