You are on page 1of 5

EMCEE SCRIPT FOR GRADUATION

Ang buwan ng Abril ay isa sa pinakaaabangang sandali ng ating mga


batang mag-aaral mula sa ika-anim na baitang. Gayundin ang kanilang mga
magulang na masasaksihan ang isa sa pinakamahalagang pangyayaring ito
sa kanilang mga buhay. Ang pagmamartsa ng kanilang mga minamahal na
mga anak tungo sa tagumpay.

At ngayon, saksihan natin ang pagpasok ng mga batang


magsisipagtapos kasama ng kanilang mga magulang, mga guro at mga
opisyal ng sangay at rehiyon.

PAGPASOK NG MGA MAGSISIPAGTAPOS, MGA MAGULANG, MGA


GURO, MGA OPISYAL NA SANGAY AT REHIYON AT PAGPASOK NG
KULAY.

DANIEL&WEHN: Mula sa pangakat Diamond sa pamumuno ni Gng.


Rowena D. Samapaga ….(students, teachers, visitors)

DANIEL: Ngayon naman po ay saksihan natin ang pagpasok ng kulay na


gagampanan ng Eagle Scouts ng Southville 1 National High School.

PAMBANSANG AWIT NG PILIPINAS

WHEN: Sabay-sabay po nating awitin ang pambansang awit ng Pilipinas sa


pagkumpas ni G. Leo N. Magallanes.

AWIT PANALANGIN

DANIEL: Manitili po tayong nakatayo para sa isang awit panalangin mula sa


mga batang magsisipagtapos, susundan ito ng Himno ng cabuyao, Martsa
ng Laguna at Martsa ng Calabarzon, muli sa pagkumpas ni G. Leo N.
Magallanes.

PAMBUNGAD NA PANANALITA

WHEN:, Maligaya at makanuluhang pagdating sa ating ika-11 taon ng


pagtatapos ng Mababang Paaralan ng Southville 1. Para sa pambungad na
pananalita, tinatawagan ko po ang ating butihin, masipag at minamahal na
punung-guro, walang-iba kundi si Gng. Aida V. Marana.

MENSAHE

DANIEL: Maraming salamat po Maám Marana sa isang napakagandang


mensahe. Isang karangalan ang maituturing na siya ay ating makapiling
ngayong ika-11 taon ng pagtatapos upang bigyan ng malugod na pagbati at
mapanghamong mensahe ang ating mga batang magsisipagtapos.
Tinatawagan ko po ang ating masipag at kapitapitang pununglungsod ng
Cabuyao, Kagalang-galang Attorney Rommel “Mhel” A. Gecolea.

PAGSUSULIT SA MGA BATANG MAGSISIPAGTAPOS

WHEN: Maraming salamat po Mayor Mhel Gecolea.Ngayon naman po ay


matutunghayan natin ang pinakaaabangan at pinakatampok sa araw na ito,
ang pagpapakilala sa mga batang magsisipagtapos.

Tinatawagan ko po ang gurong Tagapag-ugnay ng ika-anim na baiting Gng.


Marites C. Bahil para sa pagsusulit ng mga batang
magsisipagtapos.Gayundin ang ating butihing punung-guro Gng Aida V.
Marana para sa pagkilala.Inaanyayahan ko din po ang OIC-CID chief DR.
EDNA F. HEMEDEZ,OIC-SGOD chief DR. ELVIRA B. CATANGAY para sa
pagpapatunay at para po pagtibayin ang mga ito, inaanyayahan ko rin po
ang OIC-Pansangay na Tagapamahala ng Lungsod ng Cabuyao, Maám
Doris DJ. Estililia.

PAGGAWAD NG SERTIPIKO SA MGA BATANG NAGSIPAGTAPOS

DANIEL: Para igawad ang Sertipiko ng Katunayan na kayo ay natapos na


sa Elementarya tinatawagan sina Maám Aida V. Marana punungguro ng
SV1ES, Dr. Edna F. Hemedez OIC-CID chief, Dr. Elvira B. Catangay OIC-
SGOD chief at Maám Doris DJ Estililia OIC-Pansangay na Tagapamahala
ng Lungsod ng Cabuyao.

Para pasimulan ang Seremonya ng Paggawad ng Sertipiko tinatawagan si


Gng. Rowena D. Sampaga gurong tagapayo ng pangkat Diamond.
PAG-AALAY NG SERTIPIKO

WHEN: Ngayon mga batang nagsipagtapos, natanggap nyo na ang inyong


sertipiko ng katunuyan na kayo ay natapos na ng elementarya.Mga bata
magsitayo kayong lahat.

Humarap kayo sa inyong mga magulang. At ialay ninyo ang inyong mga
sertipiko. Mga magulang, mga guro, at mga panauhin bigyan natin ng
masigabong palakpakan ang mga batang nagsipagtapos. Maraming
salamat. Maaari na kayong maupo.

PAGBATI

DANIEL: Sa sandaling ito mapapakinggan natin ang isang pagbati mula sa


ating Punung Lalawigan Kgg. Ramil L. Hernandez.

WHEN: Maraming Salamat po.Mapapakinggan din ang isa pang pagbati na


magmumula naman sa ating Punung Baranggay, walang iba kundi Kgg.
Dennis Felipe C. Hain.

PAGKILALA SA PANAUHING PANDANGAL

DANIEL: Para naman ipakilala ang ating Panauhing Pandangal, muli


tinatawagan si Gng. Rowena D. Sampaga guro mula sa ika-anim na baiting.

PAGGAWAD NG MEDALYA

WHEN: Mga bata bigyan nating muli ng malakas na palakpak an gating


panauhing pandangal Ms. Sarah Mae P. Desembrana. Para igawad ang
medalya para sa mga batang nagkamit ng karangalan tinatawagan sina
Gng. Aida V. Marana punongguro ng SV1ES, Kgg. Ramil L. Hernandez
Punong Lalawigan, Kgg. Rommel “Mhel” A. Gecolea Punonh Lunsod, At
Kgg. Dennis Felipe C. Hain Punong Baranggay ng Baranggay
Niugan.Tinatawagang muli si Gng. Rowena D. Sampaga, guro sa ika-anim
na baitang.

PANANALITA MULA SA BATANG NAGKAMIT NG KARANGALAN


DANIEL: Tinatawagan si Rica Milyka O. Baluran, Batang nagkamit ng
mataas na karangalan para sa isang pananalita.

AWIT NG NAGSIPAGTAPOS

WHEN: Maraming salamat Rica, batang nagkamit ng mataas na


karangalan. Ngayon ay mapapakinggan natin ang isang awit na
pinamagatang Patuloy ang Pangarap mula sa mga batang nagsipagtapos.

Maraming salamat sa inyong magandang awit. Minsan sinasabing ang


Pangarap ay mananatiling pangarap na lamang, subalit marami rin ang
nagsasabi na ang pangarap kapag patuloy mong pinapangarap ay
pasasaan ba’t matutupad rin.Nawaý dahil ninyo ang inyong pangarap at
patuloy na gawin ang lahat upang ipakita sa mundo na kaya ninyong abutin
ang lahat ng ito.

MENSAHE NG PASASALAMAT

DANIEL: Para ipabatid ang isang mensahe ng pasasalamat sa mga


magulang tinatawagan ang ating masipag na Guidance School Coordinator
walang iba kundi si G. Jordan A ani.

PANGAKO NG MAGSIPAGTAPOS

WHEN: Para sa pangako ng mga Nagsipagtapos tinatawagan si Jona B.


Costillas batang nagkamit ng mataas na karangalan.

PASASALAMAT

DANIEL: Mapapakinggan naman natin ngayon ang mensahe mula sa


kinatawan ng Tagapagturong lakas ng Mababang Paaralan ng Southville 1,
Gng. Cynthia Lyn F. Hernandez.

PANGWAKAS NA AWIT

WHEN: Maraming Salamat Maám Cynthia, Mapapakinggan nating muli ang


tinig ng mga batang nagsipagtapos sa kanilang Pangwakas na Awit na
pangungunahan ng mga piling mag-aaaral sa pagtuturo at paggabay nila
G, Joarth A. Bautista at G. Esteban D. Lagrada.
REMINDERS:

BRIGADA ESKWELA : “Isang Deped, isang Pamayanan, Isang Bayanihan


Para sa Handa at Ligtas na Paaralan.”

CARD GIVING DAY: April 10, 2017

OTHER MATTERS: Sir Leo N. Magallanes

SIGNING OFF

Kami po ay buong pusong nagpapasalamat sa lahat ng panauhin, mga


magulang ng mga batang nagsipagtapos, ng mga nagkaloob ng kanilang
mahalagang tulong upang mabigyang katuparan at tagumpay ang
palatuntunang ito at higit sa lahat sa ating POONG MAY KAPAL. Muli po,
Congratulations Batch 2016-2017. Kami po ang inyong Guro ng
Palatuntunan, Gng.Rowena M. Lustre at G. Daniel M. Ventura, Magandang
Gabi sa inyong lahat!

RECESSIONAL

You might also like