You are on page 1of 4

GROUP 3

BALITANG BIRHEN

SINULAT NA ULAT
Grupong Pag-uulat
FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA

GROUP MEMBERS:

Renmar Anasco
Jerico Resurrecion
John Paul Mostales
Janna Bea Isleta
Danica Cevas
Ritchie Erezo
Angelica Villa
(Pagtugtog ng musikang pambalita)

Janna:

Magandang tanghali sa inyong lahat! Lunes ng tanghali, nagbabaga ang panahon gayun din
ang mga balita! Ako si Janna Bea Isleta at ito ang Balitang Birhen. Para sa Ulo ng mga
nagbabagang balita *flash audio*

Mag-iina pinatay sa loob ng bahay sa Bulacan! *flash audio*

Embassy inaalam pa kung may Pinoy na biktima sa New Zealand mass shooting *flash audio*

At para sa unang balita, talamak na nga ang mga krimen sa iba’t ibang sulok ng bansa, katunayan may
masacre na naganap sa Bulacan nito lang Miyerkules ng gabi. Ibabalita yan ni Renmar Anasco.

Renmar:

Salamat Janna. Andito nga ako sa pinangyarihan ng krimen kung saan natagpuang patay ang isang ina at
kaniyang 2 anak sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Kaypian, San Jose del Monte City, Bulacan .

Nagtamo ng saksak sa iba't ibang bahagi ng katawan si Jaymee Casabuena, 28 anyos, at kaniyang mga
anak na may edad 5 at 8. Pinatay rin ang kanilang alagang aso.

Ayon kay Police Lt. Col. Orlando Castil Jr., hepe ng San Jose del Monte City police, naaresto sa follow-up
operation ang isang itinuturing na suspek at kasalukuyang iniimbestigahan.Kuwento ng isang
kapitbahay, nakita niya si Casabuena na may kasamang lalaki na gumagawa sa bubong nito alas-6
Martes ng gabi.Makalipas ang ilang oras, may namataan siyang 2 lalaki na pumasok sa bahay, pero wala
siyang narinig na ingay na may naganap na krimen.

Tumawag ang mga kaanak ng mga biktima Miyerkoles ng umaga, pero hindi na ito
sumasagot.Pinuntahan sila alas-8:30 Miyerkoles ng gabi para sunduin dahil dadating ang ina ni
Casabuena mula Abu Dhabi.Pero laking gulat ng pamilya nang makita na duguan ang mag-iina sa loob ng
bahay.Natagpuan sa sala si Casabuena. Ang isang bata ay nakadapa sa kama, habang ang isa ay nasa
kusina. Narekober sa crime scene ang isang kutsilyo na posibleng ginamit sa krimen.

Ayon sa ama ni Casabuena na si Jaime, wala silang alam na kaaway ng biktima kaya blangko sila sa
motibo sa krimen.Kuwento naman ng kapatid ni Casabuena na si Harley,natagpuan niya na bukas ang
mga drawer sa bahay pero hindi masabi kung may mga nawawalang gamit.Bagong lipat lang ang mga
biktima sa lugar kaya hindi pa masyadong kilala ng mga kapitbahay. Patuloy ang imbestigasyon ng mga
pulis sa insidente. Renmar Anasco, Balitang Birhen News. Balik sayo Janna.

Janna:

Salamat Renmar at narito naman si John Paul Mostales para sa mga triviang pandagdag kaalaman, John
Paul? *Trivia Flash Audio*
John Paul:

Alam nyo ba? Na ang ATM Machines at Public Toilets ay magkasing dumi? Ibinase ito sa cleanliness test
na isinagawa sa Britain. Inimbestigahan nila ang mga sample swabs na kinuha mula sa ATM Machines at
kinumpara ang mga bacteria at oragnismong nakita roon sa sample na kinuha sa Public toilets. At
napatunayang “Equally Dirty” diumano ang dalawa. Kaya mga KaBirgen, pagkatapos gumamit ng ATM
Machine, siguraduhing tayo ay nagdisinfect. Yun muna Janna, babalik ako maya maya lang.

Janna:

Salamat John Paul, at para naman sa internasyunal na balita. Laganap na nga ang mga sunod sunod na
nangyayaring terorismo sa iba’t ibang bansa. Tulad ng nangyaring mass shooting sa New Zealand. May
mga nadamay nga bang mga Filipino doon? Tinutukan yan ni Renmar Anasco, Renmar? *flash audio*

Renmar:

Yes, Janna. Wala pang naiulat na nasaktan o namatay na Pinoy sa pag-atake sa dalawang
mosque sa Christchurch sa New Zealand nitong Biyernes kung saan 49 ang namatay at higit 20
ang malubhang nasugatan. .

May 5,000 Pilipinong naninirahan sa naturang lungsod, ayon sa embahada ng New Zealand.

Ayon sa mga saksi, nakasuot ng military-style camouflage ang gunman at bitbit niya ang isang
automatic rifle nang pumasok sa Al Noor Mosque at Linwood Mosque sa Christchurch City.

May nakita ring dalawang improvised explosive device sa sasakyan ng isa sa mga suspek.

Arestado na ang apat na suspek kabilang ang isang 25 anyos na lalaki na kinasuhan na ng
murder at haharap sa korte sa Sabado.

Ayon sa mga pulis, wala silang impormasyon o intelligence ukol sa mga suspek. Planado rin
umano ang atake.

Kinondena ni New Zealand Prime Minister Jacinta Ardern ang insidente at iginiit na walang
lugar sa bansa ang karahasan.

Agad na nagpatupad ng lock down ang mga awtoridad kasunod ng insidente.

Pinayuhan ng embahada ang mga Pilipino sa Christchurch na huwag lumabas sa kani-kanilang mga
bahay habang minamanmanan ang sitwasyon. Yun lamang Janna balik sayo.
Janna:

Salamat Renmar, mabuti nman kung ganon. At para sa huling hirit na trivia narito muli si John Paul
Mostales, John Paul?*Trivia flash audio*

John Paul:

Ikaw ba ay may claustrophobia? O takot sa mga maliliit at masikip na espasyo? Worry no more, dahil
ayon sa Smell and Taste Treatment and Research Foundation na ang pag- amoy ng berdeng mansanas o
green apple ay nakakatulong para mabawasan o maalis ang stress na dulot ng claustrophobia. Maaari
din g maging gamut ang pagamoy sa green apple sa migraine at sakit sa ulo. Tunay ngang “An apple a
day can do more than just keep the doctor away.” Yun lamang sana nakatulong sa inyo ang aking mga
munting trivia, muli ako si John Paul Mostales balik sayo Janna.

Janna:

Salamat John Paul. Para po sa iba pang balita maari kayong makipag ugnayan sa aming Facebook page
Balitang Birhen, Twitter @balitangbirhen o di kaya sa aming official site www.balitangbirhen.com. At
yan po ang mga balitang nakalap sa aming malawak na pagpapatrol, sa ating malasakit sa isa’t isa
maihatid naten ang mga sariwa at birheng balita. Maraming Salamat at Magandang Tanghali.

You might also like