You are on page 1of 1

Si Dr. Montreal ay isang bagong doctor sa San Dionisio Memorial Hospital.

Isang araw, may isa siyang pasyente na pumasok sa kanyang klinik at sa kanyang pagkataka, ilang araw
lang ang lumipas nang siya ay nagpakonsulta dulot ng kanyang hika.

“Dok, palagay ko sira ang aking inhaler o baka mali ang preskripsiyon na ibinigay mo sa akin. Nagkaroon
ako ng hika kagabi at hindi gumana ang aking langhapan, buti na lang tumawag ng ambulansiya ang
aking anak”, reklamo ng pasyente.

Tumahimik ang doktor at nag-isip siya ng matahimik, “Nagtapos ako ng magna cum laude sa
Unibersidad ng Pilipinas, nagkamali nga ba ako sa naibigay kong preskripsiyon?”

“Rita, ginagamit mo ba ang inhaler mo?”, malumanay na tanong ng doktor.

“Syempre dok. Araw-araw kong ginamit ‘yan”, sagot ng babae.

“Sigurado ka bang ginagamit mo ito nang tama?”, sabi ng doktor.

“Mukha ba akong tanga?”, pagalit na sumbat ng babae.

“Hindi naman. Pwede bang ipakita mo sa akin kung paano mo ginagamit ang inhaler mo?”, tanong ng
doktor.

Kinuha ng babae ang kaniyang inhaler sa kaniyang supot at kaniyang ini-sprayhan ang kanyang leeg at
pupulsuhan at saka huminga nang malalim.

Lubhang pinigilan ng doktor ang tumawa at saka sinagot niya ang babae, “Hmm, okay”.

Nakita ng isa sa mga nars ni Dr. Montreal ang babae na pagalit na nagdadabog palabas sa klinik ng
doktor.

Agad siyang pumasok at tinanong ang doctor sa kung ano ang nangyari at sa kanyang pagkalito, tumawa
nang tumawa ang doktor.

HANS WEBSTER LABORDO SSC-10

You might also like