You are on page 1of 5

Researcher:: Magandang Araw po ano pong pangalan nila?

C1: Clyde Joseph Bojocan


Researcher:Age po?
C1:22 years old
Researcher: Ah okay lang po bang mahingi ang kaunting oras para ilang katanungan?
C1: Okay lang naman
Researcher:Kayo po ba ay nagkaroon ng karamdam na nangagailangan ng atensyong
medikal?
C1: Uhm Yes nag karoon ako trangkaso kamakailan lang
Researcher:Humantong po ba itong karamdamaan ninyo na kinakailangan ng karagdagang
lunas na ospital lamang ang makakatugon?
C1: Uhm Yes,
Researcher:Saan sa CAMANAVA area po kayo na-ospital na napuntahan niyo po?
C1: In the public caloocan city medical center nagkasakit ako, pero matagal tagal na yan , yung
recent naman na ay check up pero by Clinic lang sa malapit lang samin
Researcher: Okay , Both private and public po to?
C1:Uhm Yes, sa clinic kung di ako nag kakamali and public and nagkaroon ako ng APE or
annual physical exam sa Hi-Precision Fishermall Malabon
Researcher:Madali na lang po ba ito mapuntahan sa hospital
C1: Yes don sa public dalawang jeep lang, dun naman sa fishermall malabon eh isang jeep
lang
Researcher: Regular po ba kayo nakakapag konsulta sa doktor?
C1:Actually nag papacheck up ako every month, mostly sa public
Researcher: Ano pong prefer niyo mas gusto niyo po bang walk in or appontment kapag nag
papahospital?
C1:I prefer walk in since sa trangkaso or sakit dimo masasabi kung kailan ka
magkakatrangkaso or sakit kaya , mas gusto ko walk in
Researcher:Maari po ba naming malaman kung pribado or pampublikong institusyon ang
nasabing hospital
C1:Actually public siya, dalawa kasi napupuntahan ko isa na yung CCMC or Caloocan City
Medical Center pero mostly sakanila mas inaasikaso nila yung mga nasa emergency na kaya
mas madalas ako sa clinic
Researcher:Base sa inyong karanasan, kayo po ba ay nahirapan sa pagpapa-appointment/
walk-in sa naturang ospital?
C1: Mas mahirap ang appointment mostly sa part na kung di ako nag kakamali sa private kasi
tinry ko na kasi mag pa appointment sa sm north pero ang hirap mag pa schedule sa kanila
through email pa
Researcher:Pwede niyo po bang malarawan ang kalagayan sa both public and private hospital
C1: Sa public hospital, I think okay naman yung pamamalakad at yung sistema doon lalo na
dahil mga eksperyensado ang mga nag tatrabaho doon sa tingin ko saka talagang kung di ako
nag kakamali sa public mas marami silang inaasikaso kasi mas accessible sila sa mga tao
unlike sa private na kelangan mo pa magpaschedule . Pero based sa experience ko kamakailan
lang hindi naman pareho
Researcher: How about po yung sa mga staff nila yung pag pasok niyo sa hospital
accomodating po ba sila ?
C1: Both accomodating naman yung both public and private the only difference is that mas
kailangan prioritize yung sa public yung mga talagang malubha na ang mga karamdaman lalo
na yung mga emergency
Researcher: Meron naman po ba kayong hindi magandang karanasan noong nasa
pangangalaga palang kayo ng both private andpublic hospital?
C1:Actually, meron year 2013 March 24 or 25 kung di ako nag kakamali nabalian ako nung
time na yon tapos tinry ko pumunta doon sa CCMC na malapit lang samin , isa siyang public
hospital dito sa caloocan , may bali nako non at 30 mins nako naghihintay non pero wala paring
lumalapit na dotor at wala ring nag aasikaso sakin kaya napag pasyahan ko na try ko nalang sa
private which is MCM pero matagal na yon
Researcher: Sa tuwing naririnig niyo ang pribado/ private hospital, Ano po ang unang
pumapasok sa isip niyo?
C1:When it comes to public , ang unang pumapasok sa isip ko is experience, ,as eksperiensado
sila , at mainit sa mostly public hospital, Sa private naman unang pumapasok sa isip ko ay
mahal
Researcher:Ano ang nagkakumbinsi sainyo na mas ok si public kesa sa private/ pagpili ng ating
desisyon?
C1: Besides the price or rate , I really think mas pinaprioritize kasi sa public yung mas
malulubhang karamdaman kumpara sa private na kailangan pa schedule or sa ibang ospital
kailangan pa ng naka swab pa at faceshield
Researcher:Ayon sa mga nakikita niyo sa social media nakaapekto ba ito sa napili niyo ng
instusyon sa both private and public?
C1: To be honest no kasi di ako basta basta naniniwala sa mga opinion tungkol sa isang
hospital . Syempre kung nasanay ka sa government kind of hospital tas bigla ka mag private
siguro maari manibago ka mostly ganon kung di ako nag kakamali
Researcher:Kung kayo po ay nangangailangan muli ng atensyong pang medikal ikukunsidira
niyo po ba na bumalik sa public or pupunta po kayo ng ibang institusyon?
C1: Depende kasi yon kung trangkaso ganyan or kung kaya naman pwede naman ipublic
hospital, pero kung talagang malubha na pwede naman pwede ko rin maconsider ang private ,
advantage nalang siguro kung mayhealth card ka or philhealth man lang
Researcher: How about po yung name ng private and public hospital nakakaapekto po ba ito sa
pagpili
C1: To be honest no , wala sakin yung name ng hospital as long as magagamot naman nila
yung karamdaman ng pasyente ok na nako don
Researcher: Sa panahon po ngayon anong klaseng institusyon makakaabot sa expectation niyo
po
C1: Syempre private parin since kumpleto sila moslty sa equipment and syempre skilled talaga
ang mga nsa private hospital na mga staffs
Researcher:Ano ang inaasahang serbisyo at kalidad sa pagpili ng ospital?
C1: For me yung pinakamain na gusto ko talaga para pumili sa isang hospital is yung kung
gaano ka friendly or approachable na staff . Kahit sabihin mo naman kasi na nagagawa mo
trabaho mo may mangilan ngilan kasi na may takot sa injection na pasyente tas wala ka naman
kapake pake sa pasyente mo , para sakin depende parin sakin kung mabait ba or parang
walang pake yung mga staff
Researcher:May imumungkahi o nais iparating po ba kayo para maayos ang serbisyo ng bawat
ospital? (Optional)
C1:Para sa akin lang mostly sa mga government or publichospital siguro, magkaron man lang
ng friendly na pakikitungo sa pasyente at sana palaging kumpleto lagi ng gamit at gamot kase
minsan sa mga public hospital nauubusan ng gamot like sa dextrose nauubusan yung parang
tubig non ,mag hahanap ka pa sa mga botika yon imbes na nasa hospital na lang.
Researcher : Yun lang po mga katanungan ko sir thank you po sa oras at iuupdate ka po namin
about sa results po ng study na ito . Thank you po
C1: Okay salamat
Notes during interview

-22
-trangkaso
- public caloocan city medical center
-recent check up is clinic
- physical exam -fishermall malabon
-every month nag papacheck up sa public
-prefer walk in
- mas madalas sa clinic
- okay lang sa public kasi mas experienced sila
-kesa sa private kelangan pa mag check
-mas prefer yung private sa skils
- both staffs are competent sa dalawang institusyon kaso mas need mag focus ng public sa
mga emergencies
-public= evxperienced
-private- costly
-Mas pinaprioritize sa public yung mas malulubhang karamdaman kesa sa private mahirap
-Sa tingin niya di nakakaapekto yung social media
-Mostly yung mga nasa public hospital kapag nalilipat sa private eh namamahalan
-Mas pipiliin public kaso if malala na mas prefer private
-Private ang mas pipiliin dahil mas complete equipments sa private and skilled ang staffs
-Ang hinahanap niya sa mga hospital is kung gaano ka friendly yung mga staffs sa hospital and
approachable
-Recommend na maging friendly mga staffs sa hospital and have adequate equipments

You might also like