You are on page 1of 27

Francisco E.

Barzaga Integrated High School

PANANAW NG MGA MAG-AARAL SA JUNIOR HIGH SCHOOL SA MGA TAONG


NAKIKIBAHAGI SA PORNIKASYON

Baitang 10 – Vision
Junior High School

Ipinasa nina:
CARMAN, ERICA CHAINE

BALUCON, KARL
BATARIO, DANIEL
DIESTA, ERICK
GARCIA, RESTY JOVEN
NOGAR, LESTER
BOLDA, ANGELA
GUYAMIN, KAYE
SAN SEBASTIAN, ERICA

PEBRERO 2018
Francisco E. Barzaga Integrated High School

ABSTRAK

Ang Juvenile Delinquency ay tumutukoy sa mga batang sangkot o gumawa

ng mga illegal na krimen, ito ay maaring mabigat o magaan. Ang salitang “Juvenile

Delinquent” ay ginagamit bilang pagkakakilanlan sa mga kabataan na ang edad ay

sampu hanggang labin-limang anyos ang gulang. Ang mga manga-ngaral o

mananaliksik ay naglayon na alamin ang mga pananaw o opinyon ng mga mag-

aaral na hayskul sa paaralang “Francisco E. Barzaga Integrated Highschool” sa mga

batang sangkot sa mga illegal na gawain o krimen. Nangalap ang mga mananaliksik

ng datos sa pamamagitan ng pag-bibigay ng mga sarbey sa benteng mag-aaral

mula sa ika-sampung baitang ng hayskul. Inalam ng mga mananaliksik kung

tanggap ba ng mag-aaral ang pag-baba ng “Crime Liability age” mula sa siyampu’t

gulang ay pinalitan ng labin-lima ang mga batang pu-pwedeng makulong. Inalam din

kung ano ang mga salik na nag dudulo’t ng ganitong pag-uugali o pananaw. Kung

ano ang maaring maging epekto nito sa pisikal at emosyonal na kalagayan ng isang

bata.Napag-alaman ng mga mananaliksik na pantay lang ang bilang ng mga mag-

aaral na pabor at di-pabor sa ideya ng pagtupad ng Juvenile Delinquency Act sa

Pilipinas. Ngunit ang karamihan sa kababaihan ay napag-alamang hindi pabor sa

pag-papatupad nito. Samantala ang karamihan naman sa kalalakihan ay napag-

alamang pabor sa pag-papatupad nito. Mayroong iba’t ibang pananaw ang mga

mag-aaral, positibo at negatibong opinyon na pinamalas, sa pagpa-patupad ng

batas na ito. Ayon sa datos ang pinaka-dahilan kung bakit ang kabataan ay nagiging

“Delinquent”ay dahil sa kapabayaan ng mga magulang nito, na gabayan ang


Francisco E. Barzaga Integrated High School

kanilang mga bata sa pang araw-araw nitong pamumuhay. At kabiguan nila na mag

responde ng tamang disiplina sa mga maling gawi, maling-kilos, maling-pag-iisip,

maling-paguugali, maling-mithiin at higit sa lahat ay salungat na pagintinde at

kakulangan sa kaalaman ng isang bata sakung ano ang tama at mali.


Francisco E. Barzaga Integrated High School

TALAAN NG NILALAMAN

PAMAGAT NA PAHINA ............................ ........i


PAGKILALA . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . ii
SERTIPIKO NG PAGKAORIHINAL . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . iii
ABSTRAK . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . iv
TALAAN NG NILALAMAN ....................................v
TALAAN NG MGA PIGURA . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .vii

KABANATA 1: SULIRANIN AT KALIGIRAN


a. Panimula ......................................
b. Kaligiran ng Pag-Aaral ...............................
c. Paglalahad ng Suliranin/Layunin . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
d. Kabuluhan ng Pag-aaral . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
KABANATA 2: MGA KAUGNAY NA LITERATURA

KABANATA 3: METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK


a. Disenyo ng Pag aaral . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
b. Kalahok sa Pag aaral . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
c. Sampling ..........................................
d. Pangangalap ng Datos . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

KABANATA 4: PAGLALALAHAD NG RESULTA NG PANANALIKSIK


a. Paglalathala ng mga Datos . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
b. Pagsusuri ng Datos .................................

KABANATA 5: BUOD NG PAG-AARAL, KONKLUSYON, ATREKOMENDASYON


a. Lagom . . . . . . . . . . . . . . . . . .v. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
b. Konklusyon . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
c. Rekomendasyon . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

BIBLIYOGRAPIYA. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
APENDIX . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
Francisco E. Barzaga Integrated High School

KABANATA 1:

SULIRANIN AT KALIGIRAN

Panimula

Ang bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang kinakaharap na problema,

galing sa mga kasalukuyang pinuno, krisis pang ekonomiya, hindi mapipigilang

paglagong populasyon, at kahirapan. Ngunit isa sa mga problema na kapansin-

pansin ay ang mga nagdaang araw na kung saan ang ating mga kabataan ay

gumagawa ng karumaldumal na krimen o kilala rin bilang “Juvenile Delinquency” sa

ingles. Ito ay hindi birong isyu sa ating komunidad sapagkat ito ay nakakaapekto ng

lubos sa ating bansa. Hindi lamang sa pisikal pati na rin sa emosyonal nating

kalagayan.

Ang kabataan ay mamamayan din ngunit kung ito ay patuloy sa paggawa ng

krimen “Major o Minor”. Ang kinabukasan ng ating bansa pati na rin ng ating

mamamayan ay nanganganib.Ang mga kaibigan, impluwensiya sa kapaligiran, at

kakulangan sa edukasyon ay maaaring magdulot ng ganitong masamang pang-

uugali. Ang mga magulang din ay siyang mayroong malaking impluwensiya sa

buhay ng isang bata. Kung tutuusin ang mga gawi, pag-uugali at mga pang araw-

araw na gawain ng mga magulang ang siyang nagiging lifestyle din ng bata. Ang

kakulangan sa pag reresponde ng tamang disiplina sa mga maling asal at kilos loob

ng isang bata. Ito ay isa sa mga kadahilan kung bakit ang isang bata ay nagiging

Delinquent.
Francisco E. Barzaga Integrated High School

Kaligiran ng Pag-aaral

Ang Juvenile Delinquency ay ang pagsangkot ng isang menor de edad,

karaniwang nasa eded na 10 at 17 sa kahit anong illegal na krimen o gawain. Ang

Juvenile Delinquency ay magagamit sa pagkakakilanlan sa mga bata na may

masamang pag-uugali, matitigas ang ulo at sumusuway s autos ng kanilang mga

magulang. Ang RA 9344 o “Juvenile Justice and Welfare Act” ay tumutukoy sa

Justice at Welfare bilang isang Sistema na nakikitungo sa mga bata na nagkasala

sa batas. Nagbibigay na angkop na paglilitis sa bata. Nagtatayo sila ng mga

programa at serbisyo para masigurado ang pagbabago at pag-unlad ng bata. Sa

halip na gamitin ang salitang “Juvenile Delinquents” pinalitan ito ng “Bata” ayon sa

nakatuon sa RA 9344.

Ang bata ay isang taong wala pa sa 18 ang edad. Ang bata ay maaaring

parusahan ayon sa espesyal na batas “Revised Penal Code”. Ayon sa RA 10630,

ang tinatawag na “Status Offence”. Ang mga halimbawa nito ay ang mga curfew

violations at pag-suway s autos ng mga magulang. RA 9344 ay itinaas ang edad ng

criminal liability.

Mula sa siyam na taong gulang sa ilalim ng “Presidential Decree 603”

hanggang sa minimum na 15 taong gulang. Ang mga CICLS o (Child in Conflict With

the Law) na may edad na 15 pababa ay ligtas sa responsibilidad at pananagutan ng

krimen. Maliban na lang kung napatunayan na kumilos ang bata nang may pag-

intindi.
Francisco E. Barzaga Integrated High School

Paglalahad ng Suliranin/Layunin

Ang layunin ng mga mananaliksik ay makita ang epekto ng pag-aaral tungkol sa


Juvenile Delinquency at ang mga salik na kung saan nag reresulta sa ganitong pag
uugali.
1. Tanggap ba ng mga mag-aaral ang pag papababa ng edad na kung saan

pwedeng mahatulan ng parusa ang isang bata.

2. Ano ang mga salik na kung saan nakakapag resulta sa pag-uugaling

delinquent.

3. Dapat bang kuhain ng Pilipinas ang pamamaraan ng New York sa pag

didisiplina ng mga menor de edad.

Kabuluhan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral ay maaaring magbigay linaw sa mga bata tungkol sa kanilang

mga pananaw, kilos at ang maaaring maging epekto nito sa kanilang buhay. Maaari

nilang maging basehan ang mga datos na nakalap sa pag-aaral, upang maturuan

sila sa mga karapatan at mga batas na maaaring magbigay proteksiyon sa mga

batang mag-aaral na pupwedeng kumaharap sa mga kaso balang araw. Ang mga

mambabasa ng pananaliksik ay maaring makakuha ng mga ideya na aming nilaan

sa paga-aral na ito. Nakasaad din dito ang mga salik na kung saan nakakapag

resulta ng pagkasira ng kinabukasan ng isang bata dahil sa pagiging isang

delinquent.
Francisco E. Barzaga Integrated High School

KABANATA 2

MGA KAUGNAY NA LITERATURA

Lokal na Pagbabasa ng mga Kaugnay na Literatura

Ang pundasyon ng isang bansa ay nagsisimula sa edukasyon ng mga bata

dahil itinuturing ito na isa sa mga pinakamahalagang yaman ng isang bansa. Ang

bawat pagsisikap ay dapat gawin upang maitaguyod ang kanilang kapakanan at

mapahusay ang kanilang mga pagkakataon para sa kapaki-pakinabang at

masayang buhay. Ang paghubog ng character ng bata ay nagsisimula sa bahay.

Samakatuwid, ang bawat miyembro ng pamilya ay dapat magsikap na gawing

masustansya at maayos na lugar ang tahanan kung ang kapaligiran at kondisyon

nito ay malaki ang makakaimpluwensya sa pag-unlad ng bata ayon kay Villanueva.

Ang krimen ay nangyayari kahit saan sa mundong ito at hindi kailangan ng

dahilan kung bakit, mayaman o mahirap, matatanda at mga kabataan ay sangkot na

sa ganitong gawain. Ang pangkalahatang publiko ay nakikita ang mga kriminal

bilang isang nakakatakot na mga mamayan. Ngunit ang pagtaas ng bilang ng mga

kabataan na nakikibahagi sa mga kriminal na aktibidad ay nag-alarma sa lipunan sa

kabuuan. Ang karaniwang mga gawaing kasuklam-suklam tulad ng pag-aalsa,

pagnanakaw, carnapping, pagpatay, panggagahasa, at iba pa ay ginagawa ng mga

kabataan at kahit mga taong may gulang na, ngunit sa mga panahong ito ang mga

kabataan ay kasangkot sa karamihan ng mga krimeng ito (“Juvenile Delinquency”,

2009). Ang isyu na ito ay hindi kasing dami ng krisis sa ekonomiya na nararanasan
Francisco E. Barzaga Integrated High School

ng lipunan ngayon; gayunpaman, ito ay palaging naging isyu ng pangmatagalan sa

komunidad at sa buong bansa. Ayon kay Villanueva (2006), ang pagkakasala ng

kabataan ay tumutukoy sa isang gawaing anti-panlipunan o isang pag-uugali ng

bata na lumihis mula sa normal na patterno ng mga patakaran at regulasyon,

kaugalian at kultura na hindi tinatanggap ng lipunan. Ang pag-iingat sa pagkakasala

sa batas ay isang mahalagang bahagi ng pag-iwas sa krimen sa lipunan. Sinabi ni

Guevara at Bautista (2008) na, “ang pag-iwas ay mas mahusay kaysa sa isang

kalahating lunas”, ito ay malinaw na nagpapakita ng kahalagahan ng pag-iwas sa

masama sa mga kabataan. Bukod dito, ang Juvenile Justice and Welfare Act R.A.

9344, Sec.4, 2006 ay nagsasaad na ang bata kabataan ay tumutukoy sa sinumang

taong wala pang 18 taong gulang. Ang batas na ito ay nakikipagtulungan sa mga

bata na may panganib at mga bata na may salungat sa batas. Nagbibigay ito ng

naaangkop na pamamaraan ng bata, kasama na ang mga programa at serbisyo

para sa pag-iwas, paglilipat, rehabilitasyon, muling pagsasama at pangangalaga sa

pag-aalaga upang matiyak ang kanilang normal na paglago at pag-unlad.

Karagdagan pa, sa Sek. 6 ng Batas na ito ay nagsasaad na "ang isang bata na 15

taong gulang o sa ilalim ng pagkakasala ng pagkakasala ay dapat exempted mula

sa kriminal na pananagutan. Ang isang bata na higit sa labin-limang taon ngunit mas

mababa sa 18 taong gulang ay exempted din mula sa kriminal na pananagutan

ngunit maging subjected sa isang sikolohikal na programa.

http//: www.Researchgate.net
Francisco E. Barzaga Integrated High School

Banyagang Pagbabasa ng mga Kaugnay na Literatura

Kamakailang high-profile na mga kaso ng media ng karahasan na ginawa ng

mga bata na edad labin-limang gulang o mas bata na iginuhit ng pansin ang

potensyal sa mga delinkuwenteng bata na maaring magbigay ng nakamamatay na

pinsala. Para sa mga kadahilanang ito ang mga delingkuwenteng bata ay

kumakatawan sa isang makabuluhang pag-aalala para sa parehong lipunan at ang

Juvenile justice system. Ang pakikinig ng mga rekomendasyon na interesadong

ibahagi at isaalang-alang na nagpagpapagaan at pagpapalala ng mga pangyayari o

nagsaad ng mga ito. Ang Juvenile Delinquency ay nakabalangkas mula sa panahon

ng pagkakasala, sa pamamagitan ng mga pagpapasya sa hatol, at ang pagsusuri sa

mga panukala ng pagkakasala ng isang delinquent ay isinasaalang-alang. Ang

talakayan ng pag-unlad ng kabataan ay nagbibigay pansin sa mga trend ng edad,

pag-unlad ng moral, at ng antisocial behavior. Ito ay nakatuon sa epekto ng iba't

ibang mga makasaysayang uso, kabilang ang mga pagbabago sa lipunan at

pamilya, na maaaring nag-ambag sa pagkakasala ng isang bata sa kabataan, ayon

sa natuklasan sa pananaliksik. Ang isinasaalang-alang na mga salik na

psychosocial ay kinabibilangan ng mga impluwensya ng pamilya, mga pelikula at

telebisyon, mga kadahilanan ng paaralan, at mga impluwensya ng mga taong

malapit sa isang bata.

http://www.ncjrs.gov
Francisco E. Barzaga Integrated High School

KABANATA 3

PAMAMARAAN O METODOLOHIYA

Disenyo ng Pag-aaral

Case Study ang disenyong ginamit sa pag-aaral. Ang case study ay isang

pananaliksikkung saan pinag-aaralan ang isang tao, grupo, o komunidad sa loob ng

isang pre-determined time frame o itinalagang oras at panahon. Pinag-aralan ng

mga mananaliksik ang pananaw ng labinlimang mag-aaral ng hayskul na may

opinyon sa Juvenile Delinquency. Inalam rin nila kung tanggap ba o hindi tanggap

ng mga mag-aaral ang mga batas ng mga sangkot sa Juvenile Delinquency, kung

ano ang mga salik na nakaaapekto sa kanilang opinyon at kung ano ang maaaring

maging epekto ng pananaw nila sa mga kabataang sangkot sa Juvenile

Delinquency.

Kalahok sa Pag-aaral

Ang mga kalahok sa pag-aaral ay nagmula sa apat na grupo na nag mula sa

ibat ibang seksiyon. Generosity, Servanthood, Discipline, Initiative, Communication,

Focus, Passion at Courage ng baitang ika sampu. Kumuha kami ng iilang

respondante na may ibat ibang kasarian at pinasagutan ang sarbey. Kung kaya’t

ang pag-aaral o pananaliksik ay may kabuuang dalawampung respondante.


Francisco E. Barzaga Integrated High School

Sampling

Sa pagpili ng mga sumagot sa sarbey, ang mga mananaliksik ay gumamit ng

Random Stratified Sampling Method kung saan nahati base sa limanghanay o grupo

angmga kinuhang kalahok sa sarbey. Ang strata o hanay ay ayon sabaitang sa

hayskul. Mula sa pangkatGenerosity, Servanthood, Discipline, Initiative,

Communication, Focus,Passion at Courage.

Pangangalap ng Datos

Nangalap ng datos ang mga mananaliksik mula sa benteng mag-aaral gamit

ang sarbey.Walang limitasyon o pamantayan ang mga mananaliksik sa pagpili ng

mga respondante, ngunit sinunod nila ang hanay o strata na base sa baitang ng

mga mag-aaral. Tatlo sa bawat baitang ang sinarbey gamit ang mga tanong sa

survey questionnaire na nakabatay sa layunin ng pag-aaral.


Francisco E. Barzaga Integrated High School

KABANATA 4

PAGLALAHAD NG RESULTA NG PANANALIKSIK

Sa kabanatang ito ay inilahad ang demograpikong pagkakakilanlan ng mga

estudyante batay sa edad, baitang, at kasarian, ang bilang ng mga pabor at hindi

pabor ng mga taong nabibilang sa Juvenile Delinquency, ang mga pananaw ng mga

estudyante sa mga taong nakikibahagi sa Juvenile Delinquency, ang mga salik na

nakaapekto sa pananaw nila, at ang maaaring epekto nito sa mga kabataan.

Sales

13 taong gulang 15 taong gulang 16 taong gulang 17 taong gulang


Francisco E. Barzaga Integrated High School

Ang Pie Graph 1 ay nagpapakita ng edad ng mga estudyante. Ang mga mag-

aaral na sinarbey ay nasa pagitan ng labintatlo hanggang labimpitong taong gulang.

Pinakamarami sa kanila ay nasa labing-anim at labimpitong taong gulang habang

ang pinakakaunti ay nasa labintatlo at labinlima taong gulang.

Baitang at bilang

Servanthood Responsibility Passion Generosity Discipline


Initiative Competence Communication Focus Courage

Ang Pie Graph 2 ay nagpapakita ng baitang ng mga estudyante. Pantay ang

bilang ng mga estudyante sa bawat baitang. Mayroong tatlo mula sa baitang

Passion, baitang Responsibility ay mayroong apat, baitang Courage ay may isa,

baitang Servanthood ay mayroong anim, baitang Focus ay mayroong isa, baitang

Initiative ay mayroong dalawa, baitang Generosity ay mayroong isa, sa baitang

Communication naman ay mayroong isa, at sa baitang Discipline ay may isa.


Francisco E. Barzaga Integrated High School

Kasarian

Babae Lalaki

Ang Pie Graph 3 ay nagpapakita ng mga kasarian ng mga respondante. Sampu

sa mga respondante ang babae habang sampu din ay mga lalaki. Ang Talahanayan

3 ay nagpapakita ng pantay na bilang.


Francisco E. Barzaga Integrated High School

Pabor at Hindi Pabor

Pabor Hindi Pabor

Ang Pie Graph 4 ay nagpapakita ng bilang ng mga respondante na tanggap o

hindi tanggap ang mga taong nakikibahagi sa juvenile delinquency. Ayon sa sarbey,

mayroong labing isang mag-aaral na nagsabing tanggap nila ang mga taong

nakikibahagi sa iba’t ibang uri ng juvenile delinquency habang siyam na mag-aaral

naman ang nagsabing hindi nila tanggap ang mga taong ito.

Ayon sasarbey, napag-alaman ng mga mananaliksik na tanggap ng mga

mag-aaral ng Francisco E. Barzaga Integrated High School ang mga taong

nakibahagi sa juvenile delinquency


Francisco E. Barzaga Integrated High School

KABANATA 4

PAGLALAHAD NG RESULTA NG PANANALIKSIK

Sa kabanatang ito ay inilahad ang demograpikong pagkakakilanlan ng mga

estudyante batay sa edad, baitang, at kasarian, ang bilang ng mga pabor at hindi

pabor ng mga taong nabibilang sa Juvenile Delinquency, ang mga pananaw ng mga

estudyante sa mga taong nakikibahagi sa Juvenile Delinquency, ang mga salik na

nakaapekto sa pananaw nila, at ang maaaring epekto nito sa mga kabataan.

Sales

13 taong gulang 15 taong gulang 16 taong gulang 17 taong gulang


Francisco E. Barzaga Integrated High School

Ang Pie Graph 1 ay nagpapakita ng edad ng mga estudyante. Ang mga mag-

aaral na sinarbey ay nasa pagitan ng labintatlo hanggang labimpitong taong gulang.

Pinakamarami sa kanila ay nasa labing-anim at labimpitong taong gulang habang

ang pinakakaunti ay nasa labintatlo at labinlima taong gulang.

Baitang at bilang

Servanthood Responsibility Passion Generosity Discipline


Initiative Competence Communication Focus Courage

Ang Pie Graph 2 ay nagpapakita ng baitang ng mga estudyante. Pantay ang

bilang ng mga estudyante sa bawat baitang. Mayroong tatlo mula sa baitang

Passion, baitang Responsibility ay mayroong apat, baitang Courage ay may isa,

baitang Servanthood ay mayroong anim, baitang Focus ay mayroong isa, baitang

Initiative ay mayroong dalawa, baitang Generosity ay mayroong isa, sa baitang

Communication naman ay mayroong isa, at sa baitang Discipline ay may isa.


Francisco E. Barzaga Integrated High School

Kasarian

Babae Lalaki

Ang Pie Graph 3 ay nagpapakita ng mga kasarian ng mga respondante. Sampu

sa mga respondante ang babae habang sampu din ay mga lalaki. Ang Talahanayan

3 ay nagpapakita ng pantay na bilang.


Francisco E. Barzaga Integrated High School

Pabor at Hindi Pabor

Pabor Hindi Pabor

Ang Pie Graph 4 ay nagpapakita ng bilang ng mga respondante na tanggap o

hindi tanggap ang mga taong nakikibahagi sa juvenile delinquency. Ayon sa sarbey,

mayroong labing isang mag-aaral na nagsabing tanggap nila ang mga taong

nakikibahagi sa iba’t ibang uri ng juvenile delinquency habang siyam na mag-aaral

naman ang nagsabing hindi nila tanggap ang mga taong ito.

Ayon sasarbey, napag-alaman ng mga mananaliksik na tanggap ng mga

mag-aaral ng Francisco E. Barzaga Integrated High School ang mga taong

nakikibahagi sa juvenile delinquency.


Francisco E. Barzaga Integrated High School

Talahanayan 5

Mga Pananaw ng mga Respondante

Pananaw

Dahil madami ang sobrang gumawa ng mga krimen, dahil maaari ng dalhin
na sila sa kulungan.

Dahil napapabalita na rin ang lumalaking Case ng mga kriminalidad


kasangkot ang mga kabataang may edad 15 pababa.

Dahil sa paraang ito matututunan ng isa na disiplinahin ang mga menor de


edad at maiwasan nya gawin ang mga bagay na mali nyang nagawa.
Kase mas lalong dadami o lalala ang mga kabataang kasangkot sa iba’t
ibang krimen, lalo pa kung malalaman na hindi sila ikukulong ng ganong
edad.
Kase bata pa sila at kailangan ng gabay.
Dahil dapat sa edad na 15 ay alam na ang tama at mali.
Sapagkat gagamitin ng mga matatanda ang mga binata sa anumang krimen.
Para mabuksan ang isipan ng mga kabataan na hindi porket sila ay mga
bata ay wala ng kaukulang parusa ang ipapataw sa kanila.

Para mas madisiplina ang mga menor de edad at para malaman ang tama.

Sapagkat pababa ng pababa ang edad ng mga involve sa krimen.

Sapagkat ang mga batang na sa ganitong edad ay menor de edad pa


lamang at may karapatan pa para mapangaralan at disiplinahin.

Dahil ginagawang rason ang pagiging menor de edad para maligtas.

Para mabawasan rin an mga batang nasasangkot sa anumang kaso.

Kasi nagiging dahilan sa mga ganong edad ang paggawa ng maling gawain.
Francisco E. Barzaga Integrated High School

Dahil sa panahon ngayon. Kahit bata na umaabot na 9 na taon ay


gumagawa ng krimen.

Ang Talahanayan 5 ay nagpapakita ng mga pananaw ng mga respondante sa

juvenile delinquency at sa mga taong nakikibahagi dito. Iba-iba ang mga opinyon ng

mga respondante ngunit may mga ideya na kahit papaano ay nagkakahalintulad

sila.

Isa sa mga ito ay ang pagbibigay-pokus sa mga rason kung bakit ginagawa o

nakikibahagi ang ibang tao sa juvenile delinquency. May nagsabi na maaaring ang

mga magulang ng mga batang ito ay may pagkukulang at hindi nila

nasusubaybayan ng maayos ang kanilang mga anak.

Mayroon ding mga nagkapareho na dapat lamang na ikulong ang mga menor

de edad na nasasangkot sa anumang krimen.

Mayroon namang mga respondante na nagsabing hindi tanggap ang mga

taong nakikibahagi sa juvenile delinquency kung maisasaalang-alang nila ang ilang

mga kondisyon. Ayon sa mga respondante, hindi dapat ikinukulong ang mga menor

de edad sapagkat wala pa sila sa tamang edad, magulang ang responsable sa

kasong kanilang kinasasangkutan kaya’t hindi nila tanggap ang mga taong

nakikibahagi sa juvenile delinquency.


Francisco E. Barzaga Integrated High School

KABANATA 5

LAGOM, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON

LAGOM
Ayon sa mga datos na aming napagtanto mula sa pagsasarbey,Napag-

alaman naming mga mananaliksik na pantay lang ang bilang ng mga mag-aaral sa

hayskul na ikasampung baitang, ang pabor at hindi pabor sa pag-papatupad ng

Juvenile Delinquent act.

Iba’t iba ang mga pananaw ng mga respondante sa mga batang gumagawa

ng krimen. Ang ilan ay nagbigay ng mga opinyon at ang pinaniniwalaan nilang mga

rason o dahilan kung bakit ang isang bata ay nasasangkot sa mga karumaldumal na

krimen. Mayroong mga nag banggit na ang pagpapatupad nito ay dapat paboran.

Sapagkat ayon sa kanila ang karamihan sa mga kabataan na kinse anyos pababa

ay wala pang muwang sa katotohanan at nangangailangan ng gabay. Ngunit ilan din

ang nag sasabing hindi dapat ito ipatupad dahil ito lamang ay magiging daan para

iudyok ang mga kabataan na gumawa ng krimen.

Ayon sa karamihan ng respondante ang mga salik daw kung bakit mayroong

mga Juvenile Delinquents o mga batang gumagawa ng krimen ay dahil ito sa

kapabayaan ng mga magulang sa kanilang responsibilidad bilang isang ama o ina

na tutukan ang paguusagali at kalgayan sa buhay ng kanilang anak. Ang hindi pag

responde ng Pisikal o verbal na pag di-disiplina ng isang magulang sa maling gawi

ng anak ay nag dudulot lamang ng kasamaan, sa pisikal at emosyonal na kalagayan


Francisco E. Barzaga Integrated High School

ng bata. Katulad na lamang ng pag-gawa ng mga krimen na kung saan walang

nararamdamang konsensya o kamalian ang bata, dahil kung itoy ginagawa naman

niya sa kanilang tahanan ay hindi siya nakakatanggap ng sermon o pagba-bawal

mula sa kaniyang ama o ina.

KONKLUSYON

1. Ang mga respondante ay nasa pagitan ng labinlima hanggang labinpitong

anyos mula sa mga seksiyon na Generosity, Servanthood, Discipline,

Initiative, Communication, Focus,Passion at Courage. Siyam sa mga

nasarbey ay lalake habang labing-isa naman ang nasarbey na babae.

2. Karamihan sa mga respondante ay hindi tanggap ang pag-papatupad ng R.A.

9344 Juvenile Delinquent Act.

3. May iba’t ibang pananaw ang mga respondate tungkol sa mga Juveniles o

batang sangkot sa krimen.

4. Ang mga rason kung bakit ganito ang kanilang pananaw ay dahil sa

kapabayaan ng isang magulang sa kaniyang anak.


Francisco E. Barzaga Integrated High School

5. Ang pagliliban ng masamang gawi ng bata ay nagdudulot lamang ng

kasamaan sa pisikal at emosyonal nitong kalagayan, at ito rin ay maaring

magdulot ng krimen sa hinaharap.

REKOMENDASYON

Kami na mananaliksik ay nirerekomenda sa mga magulang at guro na:

 Bigyang-kaalaman ang mga bata tungkol sa maaring maging resulta ng mga

sensitibong isyu at kung ano ang masamang maidudulot nito sa kanilang

moral na pagkatao kung ito’y kanilang gawin.

 Patuloy na gabayan ang mga bata patungo sa tamang kilos, asal at ugali.

Sapagkat ito ay maaring mag hulma ng kanilang pagkatao o pagkasino sa

hinaharap.
Francisco E. Barzaga Integrated High School

SARBEY

Edad:

Baitang

Kasarian:

Panuto: Tsekan () ang sagot sa loob ng kahon.

1. Pabor ka ba sa pagpapatupad ni Kiko Pangilinan na isang abugado na kung

saan ibinaba sa edad na 15 ang hindi pupuwedeng ikulong sa kahit anong

kasong kakasangkutan?(Minor or Major)

Oo Hindi

Bakit?(sariling opinyon)

2. Sa New York, ang sinumang under 15 na sangkot sa kahit anong ay agad

ipupunta sa korte at ang judge ang magdidikta ng parusa ng bata ayon sa

kalalaan ng kaniyang nagawa. At ang bata ay inilalagay sa Correctional

Camp(minimum 1 year). Dapat bang kunin ng Pilipinas ang pamamaraan ng

New York sa pagpaparusa at pagdidisiplina ng menor de edad?

Oo dapat lang Hindi dapat


Francisco E. Barzaga Integrated High School

Bakit?

3. Ano sa tingin mo ang pinaka dahilan kung bakit may “Juvenile Delinquents”?

A.) Kapabayaan ng Magulang

B.) Kahirapan

C.) Mababang Edukasyon

D.) Iba

Iba pang kasagutan

You might also like