You are on page 1of 46

1

Pasasalamat

Sa pagbabasa at pagsusuri ng limang akda upang magampanan ang

pagtupad sa pangangailan sa kurso ay hindi magiging ganap sa tulong ng

mga sumusunod kayat aking pinasasalamatan:

Sa Panginoong Diyos na siyang nagbigay dunong at pagbibigay lakas ng

pangangatawan at determinasyon upang matapos ang pagsusuri. Wala ang

karungan ng tao kung wala ang kapangyarihang galing sa Kaniya.

Sa mga kamag-aral at naging kaibigan na siyang naging kaututang dila sa

mga karanasan sa pagtuturo at sa pag-aaral sa pagpapakadalubhasa sa

paaralang The national Teachers College.

Sa Mag-aaral na hindi ko lamang tinuruan bagkus mas nagbigay pa sa akin

ng higit na dunong at karanasan bilang isang guro. Na hindi nagpapapigil na

mailabas ang damdamin at kuro ukol sa mga akdang tinalakay na

nagpayaman sa karunungan at nagpaalab ng damdaming makabansa at

makatao.

Sa aking guro na si Dr. Victor Javena na nag-bigay inspirasyon upang

ipagpatuloy ang pag-aaral sa pagpapakadalubhasa, gayundin sa kaniyang

tawa at halakhak na nakakahawa upang maging masaya at magsigasig

upang paunlarin pa ang sarili bilang guro.


2

Paghahandog

Ang Pagsusuri na ito ay lubos kong iniaalay

Sa Poong Maykapal

Sa kapwa Guro

Mga naging Kaibigan sa paaralang NTC

Sa nagpapalakas ng aking loob at naniniwalang makakaya ko

Sa aking Mahal na Ina at mga Kuya

At sa mga magbabasa at magsusuri pa ng mga akdang makakatulong sa

pag-aaral
3

Mga Nilalaman

Pahina

Pasasalamat ………………………………………………………………………………………

Paghahandog………………………………………………………………………………………

Pagsusuri sa Tula ………………………………………………………………………………

Pagsusuri sa Sanaysay ………………………………………………………………………

Pagsusuri sa Maikling Kuwento …………………………………………………………

Pagsusuri sa Nobela ……………………………………………………………………………

Pagsusuri sa Dula ………………………………………………………………………………

Mga Akdang Sinuri ………………………………………………………………………………


4

PAGSUSURI SA TULANG

Isang Punungkahoy

Ni Jose Corazon de Jesus

A. Tungkol sa Akda

Ang akda ay paglalarawan sa isang taong naghihinagpis para sa kaniyang

buhay at naisin, ito’y paghahambing din sa isang Punong Kahoy at sa Buhay

ng Tao. Paglalarawan sa mga pasakit na may iiyak na minamahal dahil sa

kaniyang pagkawala at tatanod sa kaniyang libingan ay mga alaala na

magbabalik at alalahanin ng mga tao napamahal at napamahal din sa

kaniyang mga nilikha.

Ang buod ng tula ay tungkol sa isang punong kahoy, na kung saan ang

Punong-kahoy ay ang mismong persona sa tula. Nilalarawan ng persona ang

daloy ng buhay ng isang tao mula sa kaniyang pagkabata hanggang sa

matayog bilang isang tao. Ngunit katulad ng punong kahoy dumarating ang

unti-unting pagkalagas ng mga dahon sa kaniyang sanga, na ang tao sa

kabila ng kaniyang katagumpayan sa buhay, nagiging malungkot ang

pagtanda sapagkat umiinog ang mundo at nagbabago ang kapaligiran,

hanggang maramdaman ng tao ang kaniyang pag-iisa lalo sa pagdapit

hapon at pagkawala ng liwanag sa kaniyang buhay. At sa huli ng tula ay

inihahabilin niya na ang kaniyang buhay sa kamay ng kaniyang Manlilikha.


5

Ito rin ang akdang nilikha ni Jose Corazon De Jesus sa gitna ng kaniyang

pag-gunita at pagtatanong dahil sa nalalapit na pagpanaw, ngunit sadya

ngang alagad ng sining ang may-akda dahil sa kabila ng nararamdaman ay

naipakita niya ang kaniyang pag-ibig sa buhay at pag-ibig sa kaniyang

manlilikha.

B. Elementong Pampanitikan batay sa Dulog Formalistiko

1. Uri ng Genre : Tulang Pandamdamin o Liriko

Ayon pa kay Rufino Alejandro, ang tula ay nangangahulugan ng “likha”

at ang makata ay tinatawag na manlilikha. Ito ay dahil sa ang tula ay isang

pagbabagong hugis ng buhay. Sa tulong ng guni – guni, ang buhay ay

nabibigyan ng bagong anyo ng makata.

Nagpapahayag ang tulang ito ng damdaming pansarili ng kumatha o

kaya ay ng ibang tao. Maaari rin itong likha ng mapangarapin imahinasyon

ng makata batay sa isang karanasan. Karaniwan itong maikli at madaling

maunawaan. Ang makata ay direktang sinasabi sa mambabasa, ang

kanyang sariling damdamin, iniisip, at persepsyon.

Kalikasan at buhay ang pinaghanguan ng paksa ng makata at sa

pamamagitan ng mga larawang diwa ay pinupukaw niya ang ating

damdamin. Ang tula ay isang Elehiya na tulang may kinalaman sa guniguni

tungkol sa kamatayan.
6

2. Paksang-Diwa o Tema

Ang paksang-diwa ay ang binibigyang diin ng tula, na siyang pinag-

uusapan at paksang nangingibabaw sa tula. Sa tulang ito ay ang kamatayan

at kahalagahan ng buhay. Sa gitna ng pagdaramdam dahil sa nalalapit na

pagpanaw at pag-aalala sa mga mahal sa buhay na mawawalay ay simibol

ang damdaming pag-alala sa mga nagyari sa nakalipas na nagdaan sa

buhay. Ang buhay ng tao ang sentro ng akda, ang buhay ay hindi lamang

nalalarawan sa kung ano ang narating o sino ang nakasalamuha. Sa gitna ng

paghihintay ng sandali sa pagkalagot ng hininga ay nagbalik ang alaala mula

sa pagkabigo at pagkamit ng tagumpay,nakasalamuha at nakapagbigay

inspirasyon.

3. Simbolismo / Sagisag na ginamit:

Mahalaga ang paggamit ng manunulat ng mga simbolo/imahe at

pahiwatig. Pinag-iisip nito ang mga mambabasa at dinadala sa mayamang

mga imahinasyon.

Ang simbolo ay mga salita na kapag binanggit sa isang akdang

pampanitikan tulad halimbawa ng tula ay nag-iiwan ng iba’t ibang

pagpapakahulugan sa mambabasa. Ngunit ang pagpapakahulugan ng

mambabasa ay kailangang hindi malayo sa tunay na intensyon ng makata

sa kanyang tula.
7

Ang mga nakatalang salita ay mga simbolong ginamit ng may-akda sa

tulang “Isang Punungkahoy”:

Batis- luhang dumadaloy sa mga mata ng mga nagmamahal sa persona ng

tula.

Buwan- ang takip silim ng buhay ng persona na nakikita sa buwan,

malamlam ang ngiti dahil sa pagbukas ng kamay upang patuluyin sa

kamatayan.

Kampana- ang tuonog ng kamapana ay simisimbolo ng pagbatingaw ng

paghahanda para sa pagsapit ng kamatayan, at ang kampana din ang

sumusimbolo sa pagdarasal ng mga mahal sa buhay para sa ikaluluwalhati

ng kaluluwa ng pesona..

Kandila- ang liwanag na nagmumula sa kandila ay nagpaparamdam ng pag-

asa at tumatanglaw sa nararamdaman niyang kapighatian dahil sa

pagkawalay sa kaniyang mahal sa buhay.

Kurus- kung titignan ang posisyon ng tao sa kaniyang pagkakatayo at

pagkakalahad ng mga kamay ay nagpapakita ng krus na naglalahad ng

kahandaan para sa pagkikita ng persona at ng Diyos.

Punong-Kahoy- sumisimbolo ng buhay ng tao na katulad ng proseso ng

paglaki at pagtanda ng tao ay ganun din namn ang puno o halaman na

simula ay paglgo ng dahon hanggang sa maging malabay ito ngunit


8

dumarating ang panahon na itoy malalanta, matutyo at mamamatay at

babalik sa lupa upang maging pataba o maging bahagi ng lupa mismo

Sanga- sumusimbolo ng pagtulong sa iba at katatagan ng persona sa ibang

nangangailangan.

7. Estilo

Ang estilo ng pagkakasulat ng akda ay binase sa sitwasyon,

pangyayari o karanasan ng may-akda sa buhay, at kilala ang may-akda sa

taguring “Makata ng Pag-ibig” kaya naman mababakas ang kaniyang

pagiging sentimental sa mga salitang kaniyang ginamit. Katulad ng batis ng

luha na ang damdaming umiyak dahil sa lungkot sa nakatakdang pagkawala

ng persona sa tula.

Ang tulang ay gumamit ng mga matatalinhagang salita at tayutay

upang maipakita ang sining ng pagbuo ng tula at ang kagandahan nito sa

kabila na itoy isang Elehiya at paghihinagpis. Ang Tula ay nasusulat sa

tradisyonal na labindalawang pantig ang sukat at nasa ganap na tugma.

C. Pagpapahalagang Pangkatauhan

1. Maka-Diyos

Isa sa pagpapahalagang pangkatauhan ang maka-Diyos na

tumutukoy din sa batas na ibinigay ng manliikha na sumasakop sa kaasalan

ng tao, sapagkat ang akda hindi lamang nilikha upang magbigay ng dunong
9

sa mambabasa. Nilikha rin ito upang magbigay-aral at humubog ng

katauhan na ibinibigay sa atas na mula sa Diyos. Ang tula ay nasasalamin

ang kahalagahan ng Diyos sa kaniyang buhay kaya naman ito ang nagiging

sandigan niya sa huling sandali sa mundo.

Pansinin ang bahagi ng tula:

Kung tatanawin mo sa malayong pook,

Ako’y tila isang nakadipang kurus

Sa napakatagal na pagkakaluhod,

Parang hinahagkan ang paa ng Diyos!

(p. ;saknong 1)

2. Maka-Tao

Pagkakaroon ng pagpapahalaga sa mga taong nakagawa sa iyo ng

kabutihan at nakapg bigay inspirasyon sa buhay upang mapabuti at

makagawa din ng kabutihan sa ibang taong nakasalamuha.

Ang tula ay nagpapabatid ng kahalagahan ng pakikisalamuha at

katuhan ng persona sa kaiyang paligid kaya naman mababakas din ang

nakapaligid sa kaniya na naghihinagpis din sa paghihirap na dinaranas niya.

Narito ang bahagi ng tula:


10

At iyong isipin nang nagdaang araw,

Isang kahoy akong malago’t malabay,

Ngayon ang sanga ko’y kurus sa libingan,

Dahon ko’y ginwang korona ng buhay.

(p. ;saknong 8)

3. Maka-Bayan

Ang taong makadiyos ay nagmamahal sa kaniyang kapwa, siya ay

magiging makatao at ito ang magtutulak sa kaniya upang mahalin niya ang

kaniyang bayan. Ang Pilipinong makadiyos ay magiging makapilipino. Ang

prosesong ito ay natural na mangyayari sa kaniya sapagkat ito ay bahagi ng

plano ng Diyos sa kaniyang buhay.

Narito ang bahgi ng tula na naglalahad ng pagpapahalaga:

Ngunit tingnan ninyo ang aking narating,

Natuyo, namatay sa sariling aliw,

Naging kurus ako ng pagsuyong laing,

At bantay sa hukay sa gitna ng dilim.

(p. ___ saknong 6)

4. Maka-kalikasan
11

Ang tula ay nagpapahiwatig ng kahalagahan ng kalikasan sa buhay ng

tao, inihahalintulad ang buhay sa paglago ng kalikasan. Katulad ng

pagyabong ay pagsikat o pagtatagumpay ng tao na siyang dahilan upang

maliliman at magbigyang buhay ang mga nakapaligid na tumitingala sa

kaniya. Ngunit proseso ng buhay ang pagkawala at pagkamatay na sa

pagkawala ay sumisibol naman ang mga panibagong punla na nagmula din

ang pataba at pagdidilig sa taong pumanaw dahil sa kaniyang mabuting

paglaganap ng buhay.

Narito ang bahagi ng tula:

At iyong isipin nang nagdaang araw,

Isang kahoy akong malago’t malabay,

Ngayon ang sanga ko’y kurus sa libingan,

Dahon ko’y ginwang korona ng buhay.

(p. ____ saknong 8)

D. Pagsusuri Batay sa Kaukulang Pananaw na Pampanitikan

Imahismo

Teoryang nagpapahayag ng kalinawan sa mga imaheng biswal at ng

eksaktong paglalarawan upang upang makapagbigay ng anyo sa mga ideya

ng anumang akda. Ito rin ay nag-iiwan ng larawan sa isipan ng mambabasa.


12

Ang tula ay nasa ilalim ng imahismo sapagkat ang mga salitang ginamit ay

nagkikintal ng mga larawan na nabubuo dahil sa imahisnayon ng bumabasa

ilang patunay ay ang sumusunod:

Kung tatanawin mo sa malayong pook,

Ako’y tila isang nakadipang kurus

Sa napakatagal na pagkakaluhod,

Parang hinahagkan ang paa ng Diyos!

Sa pahina __ saknong 1, taludtod 2 ay naiiwan ang imahe ng

nakadipang krus na maaaring magbigay kahulugan na ang tao ay

naninikluhod sa Diyos, o kaya naman ay nagpapakita ng kahandaan niya sa

mangyayari sa kaniyang buhay.

Organo sa loob ng isang simbahan

ay nananalangin sa kapighatian,

habang ang kandila ng sariling buhay

magdamag na tanod sa aking libingan

Sa pahina ___ saknong 2, taludtod 3 ay nagbibigay ng pag-aalaala sa

imahen na kandilang tanod o bantay sa kaniya, imahen ng pag-aalal at pag-

mamahal ng kaniyang pamilya.

Romantisismo
13

Ang namamayani rito ay emosyon o likas na kalayaan. Pinaiiral dito ang

sentimentalism at ideyalismo. Sa teoryang ito, inspirasyon ang pangunahing

kasangkapan upang mabatid ng tao ang katotohanan, kabutihan at ang

kagandahan.

Sa sumusunod na taludtod ay mababakas ang kagandahan ng wikang

ginamit at pagiging sentimental ng persona sa tula:

Sa aking paanan ay may isang batis,

Maghapo’t magdamag na nagtutumangis,

Sa mga sanga ko ay nangakasabit

Ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.

(p. ___ saknong 3)

Dahil namamayani rito ang emosyon o damdamin sa halip na pag-isip.

Layunin nitong ipamalas ang iba’t-ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao

sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa at bayan na nagbigay sa kaniya

ng pagkakataon na kumaliga ng pag-ibig. Inspirasyon ng kagandahan ng

buhay hindi nawawala ang magandang tingin sa buhay dahil ang buhay ay

mundong may nagmamahal at nagtataglay ng kapangyarihan para manging

masaya ang tao at sa kaniyang kalagayan.


14

Bayograpikal

Naglalayon na ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng may-

akda. Ipinahihiwatig sa mga akdang bayograpikal ang mga bahagi sa buhay

ng may-akda na siya niyang pinakamasaya, pinakamahirap,

pinakamalungkot at lahat ng mga “pinaka” na inaasahang magsilbing

katuwang ng mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo. At ang tulang

ito ang isa sa pinaka tumatak sa may-akda sapagkat nalikha niya ito sa

panahong nang pagdadapit hapon ng kaniyang buhay.

Narito ang patunay:

Ngunit tingnan ninyo ang aking narating,

Natuyo, namatay sa sariling aliw,

Naging kurus ako ng pagsuyong laing,

At bantay sa hukay sa gitna ng dilim.

(p. ___ saknong 6)

Arkitaypal

Nilalayon ng uri ng teorya ang lahat ng simbolismo ay naayon sa tema at

konseptong ipinapakilala ng may-akda sa mga mambabasa.

Ang tula ay nasa teoryang Arkitaypal na ang layunin ay ipakita ang mga

mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng mga simbolo. Sa


15

pamamagitan ng mga simbolong ginamit ng may-akda naiparamdam ang

katanyagan, kaabahan, pag-iisa at kalungkutan. Sa pamamagitan ng mga

salitang korona naipakita ng may-akda ang katanyagang tinamo, ngunit ang

hukay, gabi at batis ng luha ay mga imaheng nagpakita ng kalungkutan at

kapighatian ng pag-iisa.

Narito ang bahagi ng tula:

Ngunit tingnan ninyo ang aking narating,

Natuyo, namatay sa sariling aliw,

Naging kurus ako ng pagsuyong laing,

At bantay sa hukay sa gitna ng dilim.

(p. saknong 6)

At iyong isipin nang nagdaang araw,

Isang kahoy akong malago’t malabay,

Ngayon ang sanga ko’y kurus sa libingan,

Dahon ko’y ginwang korona ng buhay.

(p. saknong 8)

HUMANISMO
16

Sa teoryang humanismo, ang binibigyang pansin ng akda ay nakatuon sa

saloobin at damdaming inilalahad ng persona. Sa pamamagitan nito,

itinataas ang karangalan ng tao bilang sentro ng akda.

Ayon kay Protagoras dahil manipestasyon na ang tao ay may sarling

kapalaran kaya naman pilit niyang hinahawi ang mga landas na

nakakasagabal sa kaniya upang mapuntahan ang landas na gusto niyang

tahakin, ibig niyang makiraan sa daigdig na may bakas na maiiwan upang

ang kaniyang buhay ay magkaroon ng bahagi sa isang di-maikukubling

kasaysayan, na nabatid natin sa mga atludtod ng tula.

Narito ang patunay na saknong:

At iyong isipin nang nagdaang araw,

Isang kahoy akong malago’t malabay,

Ngayon ang sanga ko’y kurus sa libingan,

Dahon ko’y ginwang korona ng buhay.

(p ___ saknong 8)

Na dinudugtungan pa ng saknong 6

Ngunit tingnan ninyo ang aking narating,

Natuyo, namatay sa sariling aliw.


17

Naging kurus ako ng pagsuyong laing

at bantay sa hukay sa gitna ng dilim

PAGSUSURI SA SANAYSAY

PAGISLAM: Ang Pagbibinyag ng mga Muslim

Salin ni Elvira B. Estravo

A. Buod ng Sanaysay

Ang akda ay nagsasalaysay ukol sa paraan ng pagbibinyag ng mga

muslim na kung tawagin ay PAG-ISLAM. Sa relihiyong kristiyanismo ay

tinatawag na Binyag o Bautismo at sa mismong ritwal ay pagbibinyag o

pagbabawtismo. Sa pagkukumpara sa dalawang relihiyon ang pagkakaiba ng

relihiyong islam at kristiyano ay ang paniniwalang ang bagong silang na

sanggol ay walang kasalanan. Ginagawa lamang ang ritwal ng Pag-islam

para sa pagtanggap ng relihiyong Islam at pagkilala sa Diyos na si Allah.

Inilalarawan ng akda ang 3 proseso ng Pag-islam bago tawaging

ganap na isang Muslim ang isang bata at sa bawat proseso ay naroon ang

pag-gabay ng magulang at ng mga nakapaligid sa kaniya na isa ng ganap na

muslim. Ang unang seremonya ay ginagawa ilang oras pagkapanganak,

isang salita ang bibigkasin sa kanang tainga ng bagong silang na sanggol

tanda na ang kaniyang Diyos ay si Allah. Sa panagalawang seremonyas


18

naman ay nagaganap makalipas ang pitong araw na tinatawag na

penggunting o pegubad, dito ay nagakakaroon ng pagsasalo-salo para sa

bagong silang na sanggol at pagkilala ng kaniyang pangalan bilang bahagi

ng kanilang lipunan. At ang ikatlong sermonyas ay ang tinatawag na

pagislam ito ay nagaganap kapag ang bata ay nasa gulang na pito hanggang

sampung taon na, tampok na gawain sa seremonyang ito ang pagtutuli.

Tinatawag na Pag-islam para sa mga lalaki at Sunnah naman sa mga babae.

Ginagawa ito upang ganap na maihandog ang kanilang sarili kay Allah at sa

relihiyong Islam.

B. Elementong Pampanitikan batay sa Dulog Formalistiko

1. Uri ng Genre- Sanaysay na Pormal

Ang sanaysay ay isang uri ng diskursong paglalahad. Ito rin ay isang anyo

ng panitikang malayang naglalantad ng kaisipan, kuru-kuro at palagay ng

sumulat na may layuning magpaliwanag, magbigay ng impormasyon,

magturo at magbigay aliw. Ang akda ay sanaysay na pormal teknikal ang

rehistro ng wikang ginamit, at partikular o tiyak ang paksang tinatalakay.

Naghahatid din ang akda ng mahahalagang kaisipan o kaalaman sa

pamamagitan ng makaagham at lohikal na pagsasaayos ng mga materyales

tungo sa ikalilinaw ng pinakapiling paksang tinatalakay.

2. Paksang-Diwa o Tema
19

Ang paksa ng akda ay magbigay impormasyon ukol sa paniniwalang Islam

ukol sa pagbibinyag o pagtanggap sa relihiyong islam. Sinasalaysay ng akda

ang kahalagahan ng magulang upang mamulat ang kanilang anak sa

kahalagahan ng relihiyon at ng dios.

Nilalarawan din ang kaugnayan ng RelihiSyon at ng kultura sapagkat ayon

nga kay Lev Vygotsky ang magulang o ang tagapag-alaga at ang nakapligid

sa isang bata ay ang nagpupunla ng kaalaman at kaasalan maging ang

pinaniniwala kung paano siya makikibagay sa kaniyang kapligirn o lipunang

ginagalawan.

6. Simbolo/Sagisag

Ang akda ay mababakasan ng direkta at hindi maligoy na pagsasalaysay

ukol sa paksang tinatalakay. Ilang simbolo ang tinalakay ng akda ayon sa

kulturang muslim.

Adzan- isang seremonyas ng pagbibiigkas ng dasal sa kanang tainga ng

sanggol. Ang seremonyas na ito ay sumusimbolo ng direktang pagkilala ng

tao sa kanilang diyos, na nagbibigay ng mabuting tinig para sa buhay ng

sanggol at upang ikintal na siya’y ipinanganak na Muslim.

Aqiqa- ito ay ang hayop na pinatay ayon sa tradisyong Muslim na maaring

baka, kambing o ano mang hayop na tanggap sa relihiyong Islam ayon na

rin sa antas ng pamumuhay ng pamilyang nagdiriwang para sa salo-salong

pinaghandaan para sa paghahandog ng pasasalamat sa buhay ng sanggol.


20

Sinisimbolo ng Aqiqa ang pagbibigay halaga ng pamilya para sa kanilang

pagmamahal sa kanilang bagong silang na sanggol dahil ito ay kaloob ni

Allah.

Buaya- Isa sa bahagi ng seremonyas ang pagluluto ng isang kakanin na

may itlog, niyog at gata nito na tinatawag na Buaya na pinapakain naman sa

mga batang dumalo sa pagdiriwang. Ginagawa ito para sa kaligtasan ng

bata kung naglalakbay sa tubig. Sumisimbolo rin ang Buaya para sa

katapangan ng bata sa kaniyang paglalakbay sa buhay.

Pagtutuli- Ginagawa ang pagtutuli sa bata ay kapag ito ay nasa pagitan ng

pito hanggang sampung taong gulang na. Tinatawag itong Pagislam para sa

mga batang lalaki at Sunnah para sa mga batang babae, nagsasagawa nito

ay isang matandang babae na may kaalaman sa kaugalian. Sinisimbolo ang

seremonyas ng pagtutuli para maging ganap ang pakikipagtipan sa kanilang

Diyos.

7. Estilo

Ang akda ay sinalin mula sa wikang ingles, ang estilo ng nagsalin o ng may-

akda ay nasa angyong pormal dahil ito rin ay nasa anyong pormal sa orihinal

na teksto. Malinaw ang kaniyang pagkakasulat at medaling maunawaan ang

mga salitang ginamit.

C. Pagpapahalagang Pangkatauhan
21

1. Maka-Diyos

Ang buhay ng tao ay nagsisimula sa paghinga na nagmumula sa kaniyang

paligid na nagmumula sa kaniyang manlilikha, kaya naman sa pagsilang

palang nang sanggo ay maririnig niya na ang isang dasal at ang pangalang

ALLAH.

Narito ang patunay:

Ito’y ginagawa upang dito’y ikintal na siya’y ipinanganak na

Muslim at ang unang salitang maririnig ay ang pangalan ni Allah.

(p. ____ talata ___)

Mababakas ang kahalagahan ng relihiyong kinabibilanagan ang lubos

na pagtanggap sa paniniwala para rin sa aspetong moral ng tao.

2. Makatao

Ang isang sanaysay ay nagibigay ng dunong at paglalahad ng isang paksa

na makatututlong sap ag-unawa ng nagbabasa. Sa paglalahad ng akada ay

na nagbigay ng katuturan upang ipaabot ang kabuluhan at pagbibigay ng

ilustrayon sa isip ng mamababasa. Atang pagakakaroon ng kabuluhan ng ay

nagpapahiwatig na pagiging makatao para sa kaniyang kapwa. Dahil sa

kaniyang pagbibgay ng pangkatalinuhan at gayon na rin sa damdamin upang

higit na maunwaan ang Relihiyong Islam at ang paniniwalang Muslim ay

papapahayag ito ng pagigigng makatao.


22

Narito ang patunay:

Naniniwala ang mga Muslim na ang isang sanggol ay ipinanganak na walang

kasalanan, kaya di kailangang binyagan. Ganoon pa man, mayroon silang

isang seremonya na kahalintulad ng binyag na tinatawag na pagislam.

Pinaniniwalaang ito ang pagbibinyag ng mga Muslim.

(p. __ Talata 1)

3. Makabayan

Sa kabila ng pagiging isang bansa at pagiging Pilipino ng manga naninirahan

sa bansang Pilipinas ay hinid kaila ang pagkakaroon ng paghihwa-hiwalay ng

sariling pesepsyon sa bawat relihiyong kinabbibilangan. Sa inilahad ng akda

ay ninanais nitong magbigay kaalaman at pagbabahagi sa mga kulturang

inilahad ng akda. Gayundin ang paghahamabing sa dalawang relihyon

kauganayb sa pagbibinyag. Sa paglalahad na ito ay naipapakita ang

pagiging makabayan ng akda sapagkat nais nitong magkaroon ng pag-

uunawaan na magiging dahilan upang maisaayos ang mga maling pag-iisip

sa bawat Pilipino.

4 Maka-kalikasan

Ang tao ay nakasandal sa kaniyang kapaaligran at kalikasang bilang isang

tao. Sinalaysay ng akda ang pagpapahalagang pangkatuhan batay sa

kalikasan sa paraang ang mga nakikita sa paligid ng tao ay pinagbatayan din

nila ng kanilang kalikasan bilang tao, binigyang pansin din ang


23

paghahambing ng katangian ng tao at ng buaya gayundin ang penggunting

kung saan ang kaniyang kakayahan sa kaniyang mararating ay sinusukat ng

ilang paniniwala pero dahil sa ilang mga karansan lao na sa pagpigil sa

buhay ng sanggol na umunlad ng kaniyang sarili ay hindi na binibigyang

pansin.

D. Pagsusuri Batay sa Kaukulang Pananaw na Pampanitikan

Pormalismo

Ang tanging layunin ng teoryang Pormalistiko ay ang pagtuklas at

pagpapaliwanag ng anyo ng akda. Tinitingnan dito ang nilalaman, kaayusan

o kayarian sa paraan ng pagkakaasulat ng akda. Samakatuwid, nakapaloob

dito ang istilo ng may-akda. Sa teoryang ding ito mahalaga ang

pagbabalangkas sa akda.

Narito ang patunay sa akda:

1. Sa katunayan, mayroon silang tatlong uri ng seremonyang

panrelihiyon na napapaloob sa pagislam, na ginagawa sa

tatlong magkakaibang araw sa buhay ng isang sanggol.

(p. Talata 2)

Sa paraan ng pagkakasulat ng akda ay mayroong pagkakasundo-sunod ng

pangyayari na ayon sa pagkakalahad ng bawat seremonyas sa buhay ng

sanggol.
24

2. Ang seremonya ay karaniwang ginagawa sa araw ng

Maulidin Nabi o sa ibang mahalagang banal na araw ng

mga Muslim.

(p. talata 9)

Kaugnay din nito talata ay nasusuri ang tema o paksa at istruktura ng

wikang ginamit upang mailahad ng maayos ang akda.

Moralistiko

Ipinalalagay na ang akda ay may kapangyarihang maglahad o magpahayag

hindi lamang ng literal na katotohanan kundi mga panghabambuhay at

unibersal na mga katotohanan at mga di mapapawing mga pagpapahalaga

at kaasalan. Sa akdang ito ay bibibigyang pansin ang kahalagahan ng

relihiyong Islama na batayan ng kanilang mga kultura at paniniwala.

Narito ang patunay:

Ang ikatlo at huling seremonya ay ang pagislam. Ginagawa

ito kung ang bata ay nasa pagitan ng pito hanggang sampung

taong gulang. Tampok na gawain sa seremonyang ito ang

pagtutuli. Tinatawag itong pagislam para sa mga batang lalaki

at sunnah para sa mga batang babae. Ginagawa ito upang alisin

ang dumi sa kanilang pagaari. Ang pagislam ay ginagawa ng


25

isang walian, na karaniwang isang matandang babae na may

kaalaman sa kaugaliang ito.

(p. ; talata 8)

Karaniwang pinahahalagahan ng akda ang mga aral o leksyon na naidudulot

sa mga mambabasa.

Naturalismo

Ang teoryang Naturalismo ay naniniwala na ang tao ay walang malayang

kagustuhan, dahil sa kaniyang buhay ay hinuhubog lamang ng kaniyang

heriditi at kapaligiran, katulad ng nagaganap sa seremonyas ng Pag-islam

ang mga sanggol ay nagiging isang muslim dahil na rin sa kagustuhan ng

kaniyang magulang at ang kinalalakihan nyang lipunan.

Narito ang patunay;

Ang unang seremonya ay ginagawa ilang oras pagkapanganak.

Isang pandita ang babasa ng adzan o kang sa kanang tainga ng

sanggol. Ito’y ginagawa upang dito’y ikintal na siya’y

ipinanganak na Muslim at ang unang salitang maririnig ay ang

pangalan ni Allah.

(p. talata 3)

Klasismo
26

Nagtataglay ang Kalsismo ng mga katangiang angkop sa akdang sinusuri

ang mga ito ay ang kakasunod-sunod ng ayos ng akda, pagkapayak, di

maligoy at may pagkaobhetibo sa sinasalaysay.

Narito ang patunay;

Sa katunayan, mayroon silang tatlong uri ng seremonyang

panrelihiyon na napapaloob sa pagislam, na ginagawa sa tatlong

magkakaibang araw sa buhay ng isang sanggol.

(p. talata 2)

Ang pangalawang seremonya ay higit na kilala bilang

penggunting o pegubad. Ginagawa ito pitong araw pagkapanganak.

Naghahandog ang mga magulang ng kanduli, isang salu-salo bilang

pasasalamat sa pagkakaroon ng anak. Dito’y inaanyayahan ang mga

kaibigan, kamag-anakan at pandita.

(p. talata 4)

Sa bahaging ito ng sanaysay, mababakas ang pananaw at pagpapahayag

ang nais ibahagi sa mga mambabasa ang pagbibigay impormasyon.

Historikal

Saklaw ng teoryang Historikal ang pagsusuri sa teksto na nakabatay sa

impluwensya nagpapalutang sa akda: ang tradisyon at kumbensyong

natalakay sa akda.
27

Narito ang patunay;

Ang bahaging ito ng seremonya ay di kinikilala ng Islam ngunit

bahagi ito ng tradisyon, patuloy pa ring ginagawa ng ilang

Maguindanawon. Isa pa ring bahagi ng tradisyon na kasama ng

seremonya ay ang paghahanda ng buaya. Ito ay kakaning korteng

buaya na gawa sa kanin, dalawang nilagang itlog ang pinakamata at

laman ng niyog ang ginagawang ngipin. Nilalagyan din ang buaya ng

manok na niluto sa gatang kinulayan ng dilaw. Inihahanda ito ng isang

matandang babaing tinatawag nilang walian, isang katutubong hilot na

may kaalaman sa kaugaliang ito. Ginagawa ito para sa kaligtasan ng

bata kung naglalakbay sa tubig. Pinakakain sa mga batang dumalo sa

seremonya ang buaya.

(p. ;talata 7)

Inilahad ng talata ang tradisyong ginagawa sa seremonyas ng pangalawang

proseso sap ag-islam, sa paglalahad mababakas ang kultura at gawi ng para

sa pagsasaayos at pagtanggap ng relihiyong islam ng isang sanggol o bata.

PAGSUSURI SA MAIKLING KUWENTO

AANHIN NINO ‘YAN ?

Vilas Manwat
28

Salin ni Lualhati Bautista

A. Buod ng Kuwento

Si Nhai Phan ay isa sa mga sikat sa kabahayanan.Ito ay dahil nasa

kanya na ang lahat tulad ng pagiging isang magaling na mananayaw at

magaling maluto ng sinangag at naniniwala siya na mas masarap magluto

kaysa magpayanaman .Mahiig siyang mamigay ng matatamis sa mga bata

ng hindi naghahanap ng bayad kayat dahilan ito ng laging pagrereklamo ng

kanyang asawa.Sa iskinita ding iyon ay nakatira ang isang lasenggo na hilig

hmla ng mga berso mula sa kuwento nina Khun Chang at Khun Phaen at

taimtim na nakikinig si nhai phan na pagkatapos ay hihingi ang lasenggo ng

isang tasang tsaang may yelo na bibigyan naman ni Nhai Phan na may

kasama pang doughnut. Isang gabi ay nagpuntansa sinehan ang kanyang

asawa at siya ay nag-isa. May isang kabataang lalaki ang pumasok sa

tindahan niya. Tinanong niya ang lalaki ngunit sa halip na sumagot ito ay

nilabas nito ang kanyang baril at tinapat sa puso niya .Naramdaman ni Nhai

Phan na hindi maganda ang pangyayari. Ngunit hindi natakot si Nhai Phan

bagkus nag pakita siya ng pagkamahinahon sa ng holdaper .Tinanong pa ni

nhai Phan kung ano ang pinaniniwalaan nito ngunit sinabi ng lalaki na hindi

daw nito alam kung saan siya pupunta at mukha daw wala nang anu pa man

sa mundong ito ang dapat paniwalaan.Tinanong pa ni Nhai Phan kung


29

nagbabasa ang lalaki ng libro at ang sabi ng lalaki ay dati ,bakit pa daw siya

magbabasa ng dyaryo kung alam lang daw nito ang puro

kriminalidad.biglang a kunsensya ang lalaki sa bawat pangaral na ibinigay sa

kanya ni Nhai Phan at nagsabi niya na isang malaking pagkakamali ang

kanyang nagawa sa ganoong kabait na tao. Kaya naman bago ito umalis ay

nagpasya ang binata na talikdan ang masamang ginagawa. Ibinigay niya kay

Nai Phan ang baril at sinabing magbabalik siyang muli ngunit wag nang

ipakita pang muli ang baril na iyon at tuluyan nang nagpaalam.

B. Elementong Pampanitikan batay sa Dulog Formalistiko

1. Uri ng Genre- Nobela

Ang Maikling Kuwento ay isang maigsing salaysay hinggil sa isang

mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may

iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng

panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung

ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang

pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan.

Walang hanggan ang maaring paksain ng manunulat ng maikling kuwento,

maaring maging hango sa tunay na pangyayari sa buhay, at maaari ring

magpatungkol sa kababalagha at mga piksyon o di makatotothanang bagay.


30

Ana Aanhin Nino Yan ay maitutring na nasa halmbawa ng Maikling Kuwento

ng Tauhan, dahil binibigyang pansin ang daloy ng kwento na ang binibigyang

puna ang ay ang buhay ng pangunahing tauhan na si nai Phan, bilang

patunay sa pasimula pa lamang ng kwento ay nilalarawan na si Nai Phan sa

kaniyang apg-uugali at paniniwala sa buhay.

Si Nai Phan ay isa sa mga sikat sa kapitbahayan. Hindi dahil isa

siyang mananayaw na ang paa’y singgaan ng saboy ng bituin; hindi rin

dahil ginawa niyang bukod-tangi ang sarili sa larangn ng pulitika o

panitikan. Marahil, ang kanyang talino sa pagsasangkap sa isang

masarap na luto ng sinangag ang kanyang naging tuntungan sa

kawalang-hanggan, pero kahit hindi naging katangi-tangi ang

nalalaman niya sa pagluluto, magiging tanyag pa rin siya, dahil handa

niyang pahintulutan ang kanyang mga parukyano sa walang

limitasyong pangungutang.

(p. talata 1)

2. Paksang-Diwa o Tema

Sinasabing ang buhay ay pakikibaka, sa mahabang paglalakbay patungo sa

katuparan ng mga pangarap ay maraming hadlang upang makamit ang

ninanais na tagumpay sa buhay. Maraming pagsubok ang nakaabang kayat

kailangang maging matatag at huwag mawalan ng pag-asa dahil sa mga


31

makakasalamuha ay maaaring maging tanglaw sa kadiliman ng buhay. Na

Katulad ng binatang holdaper ay nagbago ang kaniyang pananaw;

“Iabot mo ang salapi mo,” marahas na sabi ng kabataang lalaki.

“Lahat; kung anuman meron ka.” (p. talata 11)

Ang pagtulong sa kapwa ay hindi lamang nalilimitahan sa pagbibigay ng

pera o material na bagay sa iba. Ang pagbibigay tulong sa kapwa ay yaong

nagbibigay ng bahagi ng sarili upang makatulong at maiangat sa

kinalalagayan ng isang tao kung siya ay nakakaranas ng paghihirap o

kakulangan sa kaniyang buhay na siyang pinababatid ni Nai Phan sa binate;

“1Hindi nanginig si Nai Phan. Kalmante siyang nakatayo at sabi

niya sa tinig na parang nakikipag-usap lang: “Ibibigay ko sa ‘yo ang

pera, pero hindi dahil sa baril mo, ibibigay ko sa ‘yo dahil mukhang

kailangan-kailangan mo iyon.” (p. ;talata 12)

3. Banghay

Sa maikling kuwento, ang banghay ay kawangis ng kalansay ng

tao o ng plano o disenyo ng itatayong bahay. Ito ay balangkas ng mga


32

sunud-sunod na pangyayari na siyang magsisilbing gabay ng manunulat sa

kanyang pagsulat.

3.1 Simula

Ipinakikilala rito ang mga tauhan, ang suliraning kanilang kakaharapin,

pagkikintal sa isipan ng mga mambabasa ng damdaming pagigitawin sa

kwento at paglalarawan ng tauhan.

Sinumulaan ang kwento sa bahaging pagpapakilala kay Nai Phan sa

kaniyang kabahayan at ng kaniyng pag-uugali na siyang kinagigiliwan ng

mga kapit bahay sa kaniya. Nakintal din sa isipan ng mamababasa ang

damdaming pagbibigay ni Nai Phan kaya nagigiliw at humahanga tayo bilang

mambabasa sa natatanging pagtulog sa iba.

“Pag maulan, sasabihin ni Nai Phan sa mga estudyanteng

dalagita: “Mga binibini, nahihirapan na kayo sa pagtatampisaw sa putik.

Mula ngayon, puwede n’yong bitbitin ang inyong sapatos hanggang sa aking

tindahan at doon n’yo isuot.” Lagi niyang binibigyan ang mga ito ng malinis

na tubig para panghugas ng paa.” (p. ; talata 4)

3.2 Suliranin
33

Ito ang nagbibigay ng simula at madalas ay dahilan ng buong kuwento. Ang

suliranin at problema ay mga pagsubok sa kakayanan at katibayan ng isang

tao. At ang kakaharapin na problema ni Nai Phan ay maglalagay sa kaniya

sa bingit ng kamatayan;

“Isang gabi ay nagpunta sa sinehan ang kanyang asawa, at nag-

iisa si Nai Phan. Papadilim na at naghahanda na siyang magsara ng

tindahan nang mabilis na pumasok ang isang kabataang lalaki.

“Anong maipaglilingkod ko sa inyo, sir?, tanong ni Nai Phan. Sa

halip na sumagot, naglabas ng baril ang estranghero at itinapat iyon

sa puso niya. Hindi ito maunawaan ni Nai Phan, pero nadarama niya

na hindi maganda ang mga pangyayari. (p. ;talata 9 at 10)

Ang pangunahing problema ni Nai Phan sa tagpo iyon ay ang pagtutuk ng

baril ng lalaki kapalit ng pagbibigay ng pera dito.

3.3 Tunggalian

Bahaging kababasahan ng pakikitunggali ng pangunahing tauhan sa mga

suliraning kakaharapin na minsa'y ang sarili, ang kapwa, o ang kalikasan.

May apat na uri: tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan,

tao laban sa kapaligiran o kalikasan.

Sa kuwentong ito ay ginamit ng may-akda ang tunggaliang tao laban

sa tao. Narito atng patunay;


34

Papadilim na at naghahanda na siyang magsara ng

tindahan nang mabilis na pumasok ang isang kabataang lalaki.

Sa halip na sumagot, naglabas ng baril ang estranghero at

itinapat iyon sa puso niya. Hindi ito maunawaan ni Nai Phan.

Pag pinatay kita, wala nang ispesyal d’on, at pag napatay

mo ‘ko, hindi na rin masyadong nakapagtataka, kaya bilisan mo

na. Pag hindi ko nakuha ang salapi, patitikimin kita ng mga

bala.”

Ang pagtutungalian ni Nai Phan at ng binatang holdaper ukol sa salping nais

ng binata.

Ngunit ang susunod na salaysay ukol sa damdamina ta pag-aalinlangan ng

binatang holdaper ay nagkaroon naman siya ng tunggalian sa kaniyang sarili

o tao laban sa kaniyang sarili. Narito ang patunay;

13Inilagay niya ang salapi sa mesa pero ang binatang

holdaper ay tila hindi magkalakas-loob na hipuin iyon.

15Inilagay ng kabataang lalaki ang baril sa kanyang bulsa,

tulad ng isang masunuring bata. Itinaas niya ang mga kamay sa

pagpupugay sa wai kay Nai Phan, na kilala sa kanyang sinangag

at kape at pagbubukas-palad.

3.4 Kasukdulan
35

Sa bahaging ito makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o

kasawian ng kanyang ipinaglalaban.

Sa akdang ito ay naipakita ang katuparan ni Nai Phan na baguhin ang pag-

iisip ng binatang holadper upang magbago tungo sa ikabubuti nito.

Narito ang patunay;

30Pero hindi ko ganap na pinanaligan iyon dahil wala pa kong

nakitang gan’on. Sa loob ng maraming taon ay iniisip ko: “Sana’y

makakita ako ng isang tao na hindi pa naging buktot kasabay ng

kabuktutan ng mundo, para mapaniwalaan ko na may natitira pang

kabutihan, para magkaroon ako ng lakas para patuloy na mabuhay.’

Ngayo’y nakatagpo ako ng isang taong gan’on. Ibinigay mo sa akin

ang lahat ng hinahangad ko. Wala ka nang dapat ibigay. Uuwi na ako

ngayon. Mangyari pa, sa isip ko, hindi ko na kamumuhian uli ang

daigdig. Natuklasan ko sa wakas ang uri ng buhay na gusto kong

tuntunin.”

3.5 Wakas

Bagamat ang isang mailing kwento ay maaari nang magwakas sa

kasukdulan, may mga pagkakataong kailngan pa rin ang isang katuusan

upang ipahayag ang mga pangyayari pagkatapos ng kasukdulan. Maari

ritong ipaloob ang paliwanag o pahiwatig sa tiyak na sinapit ng tauhan sa

halip na ipaubaya na lamang sa mga mambabasa.


36

Sa katapusang ng kwento ni Nai Phan ay nakabuo na ng pagpapasiya ang

binata na magbago at talikuran ang kaniyang maling paniniwala sa buhay at

pagkakaroon ng pag-asa . Narito ang patunay;

33Ngumiti nang masaya ang holdaper, at kumakaway ng

pamamaalam, idnugtong nito: “Babalik ako para makita ka uli, pero

huwag mo nang ipakikita uli sa akin ang baril. ‘Yan ang kaaway ng

isang malinis na buhay. Paalam.”

34Nawala sa dilim ang estranghero. Yumuko si Nai Phan, ang

may-ari ng tindahan, para bisitahin ang pinakabago niyang pag-aari.

Iniisip niya na bukas ay ipagbibili niya iyon. Kailangang-kailangan niya

ng bagong pansala ng kape

4. Paglalarawang-Tauhan

Isang mahalagang sangkap ang ng maikling kwento ang Tauhan, ang

likhang panitik ay karaniwang tumutukoy sa tao-paano ito kumikilos,iniisip

at pinaniniwalaan nito. Napapalutang ang katauhan ng tauhang si NaiPhan

sa akda ayon sa kaniyang pag-iisip at aal o reaksyong naglalahad ng mga

sitwasyon .

5Pero eksaktong ikawalo gabi-gabi, isasara niya ang

kanyang tindahan. Sasabihin sa kanya ng mga kaibigan niya,

“Dapat kang magbukas at magsilbi sa gabi; diyan maganda ang

negosyo, mas madali kang yayaman.”


37

6Masayang tatawa si Nai Phan at sasabihin, “Mas masarap

matulog kaysa magpayaman nang mabilis.”

Samantala ang bintang holdaper naman ay nakikilala ang kaniyang katauhan

batay sa kaniyang pag-iisip at paniniwala sa kaniyang paligid at gayundin

ang impresyon sa kaniya ng ibang tauhan. Narito ang patunay;

22Walang pag-asang umiling ang kabataan lalaki. “Hindi ko alam

kung saan ako pupunta ngayon. Saan ako maaaring pumunta? Ano

ang mga pinaniniwalaan ko? Hindi ko alam. Mukhang wala nang ano

pa man sa mundong ito na karapat-dapat paniwalaan. Naging isang

miserableng nilikha na ako mula nang araw na ako’y ipanganak; hindi

nakapagtataka na hindi ko gusto ang aking mga kapwa-tao. Minsan,

ang tingin ko’y pananagutan ng lahat ang mga kamalasan ko. Ayokong

makisalamuha sa mga tao. Hindi ako nagtitiwala kahit kanino.

Kinasusuklaman ko ang paraan ng pakikipag-usap ng tao sa isa’t isa,

kung paano nila gugulin ang kanilang buhay, kung paano nila mahalin

at purihin ang isa’t isa, kung paano sila tumawa at ngumiti.

5. Tagpuan/Panahon

Nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon o mga insidente,

gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento.

Naganap na ang kwento sa tindahan ni Nai Phan kung saan malapit nang

mag-gabi sapagkat siya ay magsasara na nang tindahan. Dahil si Nai Phan


38

ay kilala sa kanilang lugar ay hindi siya nag-aalangan at nag-aalala sa mga

taong tumutungo sa kaniyang tindahan.

6. Simbolo/Sagisag

Baril- sinisimbolo ng baril ang karahasan na nakikita sa lipunan at sa isang

kalabit lamang nito ay maaring magbago ang buhay ng tao sa papamigatan

ng karahansan. Ang baril ay ginawa upang maisaayos at magpatupad ng

batas ngunit nagiging iba ang layunin nito ayon sa may hawak.

Binatang Holdaper- isang batang lalake na kumakatawan sa mga

kabataan nangangailangan ng pag-gabay at pag-unawa ng magulang,

lipuna na kaniyang ginagalawan. Ang mga pananalita nito at paniniwala ay

bunga lamang ng kaniyang kinalakihan at sap ag-aakalang hanggang doon

na lamang ang itatakbo ng kaniyang buhay ay gumagawa ng pag aakalang

ikabubuti niya.

Matamis (kendi)- Ang pagbibigay ng matamis sa mga bata ng libre ay

hindi niya ikalulugi bagkus ikayayaman niya pa sa pakikipagkapwa at

kabutihang loob sa mga bagong sibol na kabataan. Ang pagbibigay niya ay

sumasagisag sa pagkakaloob sa mga kabataang nagngaiangan ng kalinga sa

kanilang kapaligiran.

Nai Phan- isang taong sumisimbolo sa pagbabago at pagbibigay tulong sa

iba. Naiibang tauhan dahil sasabihin ng mga mambabasa na wala nang

ganoong klase o bihra na lamang makahanap nang taong hanadang


39

tumulong sa iba. Ngunit sumisimbolo ito sa bawat mamababasa dahil sa

akda ay nagkaroon ng pagbabago sa isipan at damadamin na sa mundong

ito ay kinakailanagn ng pagbubukas ng mata para Makita ang nagaganap,

pagbubukas ng tenga para pakinggan ang nagyayari sa lipunan at

pagbubukas ng palad na tumtulong sa kaniyang kapwa.

Pansalang Kape- ito ay isang makabagong gamit noong panahon na iyon

ngunit naglalahad ito ng kaisipan ng makabagong kaisipan na

kinakailangang ng lipunanang ion, na kung nais mong magkaroon ng

pagbabago ay kailangan mong tangkilikin at pag-aralan ang pagbabago.

Ganoon si nai Phan mag-isip hindi siya nahihinto lamang makalumang

kaisipan at siya pa ang kakikitaan ng liberal nap ag-iisip na nakatulong sa

kaniya pagkato lao na sa bintang kaniyang nakausap.

7. Estilo

Dapat nating malaman na ang isang akdang pampanitikan ay may sariling

buhay at umiiral sa sariling paraan. Sabi nga, nasa porma o kaayusan ang

kasiningan ng isang akda. Kung kaya’t mahalaga na may sariling estilo ang

manunulat dahil dito natin makikita ang kasiningan ng kanyang akda.

Ang istilo ng pagkakasulat ng akdang ito ay binase sa isang sitwasyon

,pangyayari o karanasan sa buhay. Ito ay angkop sa antas ng pag-unawa ng

mga mambabasa.

C. Pagpapahalagang Pangkatauhan
40

1. Maka-Diyos

Isa sa mga sampung utos ng Diyos ay “Huwag kang magnakaw” at iyon ang

isa sa pinapakita ng akda ang pagnanakaw ay hindi lamang kautusan ng tao

bagkus mas higit pa ang sa kautusan ng Diyos. Sa katapusan ng akda ang

pagbabago ng binata ay isang katagumpayan ng tao para sa isang naliligaw

na landas. Ang bawat tao ay may pananagutan sa kaniyang kapwa dahil

likha ng kapangyarihan ng Diyos na dapat ibalik niya ng lakas na ito sa

mabuting paraan at sa kapakanan ng lipunang kaniyang tinitirhan.

2. Makatao

Sa akdang Aanhin Nino Yan ay mababakas ang pagiging makatao ni

Nai Phan sa kaniyang kapwa, dahil sa kaniyang mabuting gawi ay

nabibigyan niya ng inspirasyon upang tignan ng nakapaligid sa kaniya ang

katuturan ng buhay. Ang pagbibigay sa mga bata, babae at mga

nangangailangan ay isang pananagutan ng tao sa kaniyang kapwa tao.

Bagamat sa mundong ay umiiral ang kasakiman at kasamaang taglay ng tao

ngunit sa kaniyang sariling pagpapasya ay nagbabago ang tao dahil meron

siyang karunungan na taglay na magdesisiyon ng ikabubuti ng kaniyang

sarili sa kabila ng mga pagiging iba sa iba.

3. Makabayan

Ang pagkakaroon ng pakialam at bagiging responsableng mamamayan ay

naghahatid ito sa kaniya ng pagiging makabayan at makbansa. Dahil ang


41

tao ang pika maliit ng yunt ng lipunan ngunit ang maliit na ito ang bumubuo

nkabuuan para maging produktibo ang lahat. At ang pagbabago ng holdaper

ay naghatid sa kaniya ng pagiging makabuluhang kasapi ng lipunan.

4 Maka-kalikasan

Kalikasan at kapaligiran ay nagiging matiwasay kung ang mga naninirahan

dito ay nagkakaroon ng pagbibigay sa bawat isa. Katulad na lamang ng

isang awit “Gawing Langit ang Mundo” na sa simula ay ang isang tao na

nagbubuo siya nang kaisipang pagtulong hanggang sa susunod na tao ay

maiisip na din ang paggawa sa kapaligiran at sa mundong tinitirhan.

D. Pagsusuri Batay sa Kaukulang Pananaw na Pampanitikan

1. Eksistensyalismo

Nagbibigay diin sa kalayaang pantao at sa kanyang panangutan. Hindi ito

naniniwala na ang tao ay bahagi ng isang daigidig na may sistema. Ang tao

ay ganap na Malaya at nasa sa kanya at paggamit ng kalayaang ito sa

pamamaraang makabuluhan at may pananagutan. Sa kabuuan, ang tao rin

ang may gawa sa kanyang sarili.

At sa akdang ito ay pinakita ng Binatang Holdaper ang kaniyng kalayaang

pantao na makabuluhan at nakamit niya ito dahil pinag-isipan ang kaiyang

sariling pinanindigan para sa kaniyang ikabubuti. Narito ang patunay;


42

“Sana’y kunin mo ito. Hindi ko na ito kailangan. Iyan ang tatak

ng mababangis. Sinumang lalaki na magdala ng baril ay walang awa o

paggalang sa iba, wala siyang iginagalang kundi ang baril. Ang mga

bandido’y maaaring mabuhay sa kanilang baril, pero ang buhay nila’y

laging gagambalain ng katotohanan na ang mga akaaway nila’y

maaaring sumalakay sa kanila nang wala silang kahandaan. Wala

silang panahon para panoorin ang paglubog ng araw o para umawit.

Pag ang tao’y walang panahon para umawit, mabuti pang maging

kuliglig na lang o ibong mynah.” (p. ;talata 32)

Sa inlahad ng talata ay nagnanais na ang binata na magkaroon ng maayos

na buhay at malayo na sa takot at marahas na pamumuhay.

2. Humanismo

Binibigyang pansin sa akda ang pagtugon sa mga saloobin at damdaming

inilalahad ng tauhan. Sa pamamagitan nito, itinataas ang karangalan ng tao

bilang sentro ng akda. Sa pagpapalitan ng kuro ng dalawang tauhan ay

pinaliliwanag ni Nai Phan sa binta ang mga bagay kaugnay sa mga

pangyayari sa buhay nito kung bakit ito nang hoholdap.

“Bakit hindi mo kunin?” tanong ni Nai Phan. “Tingnan mo, bakit

kita lolokohin? Alam kong hirap na hirap ka. Hirap tayong lahat sa mga

araw na ito. Hindi ako naniniwalang masama kang tao. Sino ang

gustong maging magnanakaw kung maiiwasan niya? Maaari ding


43

nagkaatake ang iyong ama at kailangan mo siyang alagaan. Dalhin mo

sa kanya ang perang ito, pero huwag mong ubusin lahat sa gamot.

Maniwala ka sa akin, magagamot ng doktor ang katawan, pero

kailangan ng tao ang lunas pati sa kanyang isip at kaluluwa. Bumili ka

ng ilang mababangong bulaklak, isang kuwintas ng bulaklak para sa

iyong ina na mailalagay niya sa harap ng sagradong imahen sa bahay.

Iyon ang ginagawa ko gabi-gabi. Hindi mo kailangang malaman kung

ano ang kabanalan o kung saan ito nananahanan. Sapat na ang

makadama ka ng kapayapaan sa iyong sarili. Iyon ang langit. Ay! – at

itabi mo ang iyong baril – giginhawa agad ang pakiramdam mo. Ang

isang lalakig may dalang baril ay hindi nakakilala ng kapayapaan, ang

puso niya’y naghihirap sa takot at pag-aalinlangan, at sa amoy ng

panganib. Hindi tayo liligaya habang ang ating mga kamay ay

nagsisikip sa mga sandata.” (p. ;talata 14)

3. Naturalismo

Sa teoryang Naturalismo ay binibigyang pansin ang mga saloobin,

damdamin, kilos, gawi ng tauhan, gayon din ang pakikipagsapalaran ng

tauhan upang mabuhay at ang epekto ng kapaligiran sa pakikipagsapalaran.

Narita ng patunay sa katwiran ng binata kaugnay sa kaniyang

panghoholdap;
44

Walang pag-asang umiling ang kabataan lalaki. “Hindi ko alam

kung saan ako pupunta ngayon. Saan ako maaaring pumunta? Ano

ang mga pinaniniwalaan ko? Hindi ko alam. Mukhang wala nang ano

pa man sa mundong ito na karapat-dapat paniwalaan.

Naging isang miserableng nilikha na ako mula nang araw na

ako’y ipanganak; hindi nakapagtataka na hindi ko gusto ang aking

mga kapwa-tao. Minsan, ang tingin ko’y pananagutan ng lahat ang

mga kamalasan ko. Ayokong makisalamuha sa mga tao.

Hindi ako nagtitiwala kahit kanino. Kinasusuklaman ko ang

paraan ng pakikipag-usap ng tao sa isa’t isa, kung paano nila gugulin

ang kanilang buhay, kung paano nila mahalin at purihin ang isa’t isa,

kung paano sila tumawa at ngumiti. (p. ;talata 22)

Sa pagsasalaysay ng binata ay sumandal ang kaniyang paniniwala sa mga

paniniwalang namulatan niya lamang sa mundo.

4. Dekonstruksyon

Nagbibigyang kahulugan ang mga nais sabihin ng akda batay sa relasyon ng

tao sa kaniyang lipunan. Sa teoryang ito natutukoy ang mga bahagi ng akda

na nagpapahiwatig ng impluwensya ng pakikipag-ugnayan ng tao sa

kaniyang kapwa at kahinatnan nito. Sa pakikipag ugnayan ng ni Nai Phan sa

kapwa tao ay nagbabago ang kaispan nila sa buhay na dapat ay hindi

lamang material ang dapat bigyang pasin. Dahil dito ay nagbabago ang
45

kaispan at pag-unawa din ibang tao sa kanilang nasaksihan.

Narito ang patunay;

“Ang mga taong naninirahan sa iskinita, pauwi sa kani-kanilang

bahay sa kalaliman ng gabi pagkaraan ng maghapong ginugol sa

paghahabol ng pera, ay makatatanaw kay Nai Phan na nakahilig sa

kanyang maliit na silyang de-tiklop, kuntentong nakikipag-usap sa

asawa. At maiisip nila sa kanilang sarili: “Ang saya-saya nilang

tingnan, malaya sa paghahangad sa kayamanan. Mas mabuti pa sila

sa amin.” (p. ;talata 8)

“Ang sagot na ito’y may pinupukaw sa puso ng mga nakakarinig

na mas mayaman kaysa kay Nai Phan, pero hindi pa rin kuntento sa

yaman nila, bagkus ay nagkukumagkag pang makapagpundar ng mas

malaki pang kayamanan. (p. ; talata 7)

5. Sosyolohikal

Binibigyang diin ang pagtatalakay sa kapiligirang panlipunan na

nagpapalalim at nagpapatingkad sa paksa. Ito ay ekstinsyon ng historikal na

pananaw. Nagbibigay diin din sa usapin tungkol sa kahalagahan at

pananagutang panlipunan sa buhay ng tauhan. Narito ang patunay;

25“Kaya mo ba akong paniwalaan? Hindi ako interesado sa kahit

ano. Sawang-sawa na ako sa lahat. Ang buong mundo’y parang

hungkag. Walang kahulugan, walang anupaman na mapapangapitan o


46

maigagalang ng tao. Kung talagang gusto kong magtrabaho, sa

palagay ko’y maaari akong humanap ng gawain. Pero nasusuklam

akong makita ang sangkatauhan, ayokong tumanggap ng kahit na

anong pabor mula sa kanila. Mananatili ako nang isang linggo sa isang

trabaho, dalawang linggo, sa isa pa—hindi ako nagtatagal kahit saan.”

Nagbabasa ka ba ng libro?”

27“Dati. Pero umayaw na ako. Ni hindi na ‘ko nagbabasa ng

diyaryo ngayon. Bakit pa? Alam na alam ko kung ano’ng laman nila.

Wala kundi barilan, nakawan, patayan! Binabago nila ang mga lugar at

mga pangalan, pero ganu’t gan’on din ang mga istorya.”

Sa pahayag ng binata nawalan na siya ng pag-asang mabuhay na hindi

nahihirapan dahil sa kniyang nkikita salipunan. Pero kabahagi siya ng

lipunanng iyon kayat nasa kamay niya kung mapapailalim siya sa patakaran

at nakasanayan ng lipunan.

You might also like