You are on page 1of 3

I.

Title Page

II. Panimula

Ang mga Romano at Latino ay nakasanayan ng magtalik nang walang hanggan ngunit ayon sa
isang romanong mananalaysay na si Taytus Livius pati si Venus.Bago pa nabuo ang Roma, ang pagtatalik
ay hindi maaalis sa mga politikal at kasaysayan ng Romano. Ang pagtatalik para sa mga Romano ay
sadyang nakapagbibigay ng kasiyahan bagkus ito ay isa ring obligasyon sa pangkalahatan. Ito ay
nakapagbibigay saya sa mga kalalakihan at mas obligasyon para sa mga kababaihan. Ang mga
kalalakihan ay nahuhumaling na ipakita ang kanilang pagiging pagkalalaki at kagalingan sa pagtalik.
Habang ang mga kababaihan ay kinakailangan mag-ambag sa panganganak lalo na ang mga lalaking bata
para manatili ang pangalan ng pamilya. Ang mga batang babae naman ay makakatulong sa kabuuang
yaman ng pamilya. Samakatuwid, ang kasal ay isang di-pantay na relasyon sa pagitan ng lalaki at babae.
Ayon sa mga kalalakihan ang mga babaeng ikinasal ay hindi dapat maghangad ng anumang kasiyahan
dahil nagpakasal sila upang bumuo ng anak. Sa kabilang dako,ang mga babaeng asawa ay walang bahala
ang pakiki-apid sa ibang babae ng lalaking asawa. Samantala, ang mga kalalakihan aypwede makiapid sa
ibang babae hangga’t ito ay hindi pa kasal at kung sa lalakinaman dapat siya ay nasa tamang edad na.

Ano ba ang pre-marital sex? Ito ay gawaing pagtatalik ng isang babae at lalaki na wala pa sa
wastong edad o nasa edad na subalit hindi pa kasal.

May iba't ibang pananaw na siyang dahilan kung bakit ang isang tao lalo na ang mga kabataan ay
pumapasok sa maagang pakikipagtalik. Ito ay ang mga sumusunod:

1. Ito raw ay normal at likas na gampanin ng katawan ng tao upang maging malusog siya at matugunan
ang pangangailangan ng katawan. Kapag hindi raw ito isinagawa hindi mararating ng tao ang kaganapan
ng kaniyang buhay.

2. Maraming kabataan ang nag-iisip na maituturing na tama ang pakikipagtalik lalo na kapag ang mga
gumagawa nito ay may pagsang-ayon. Karapatan ng tao na makipagtalik at malaya silang gawin ito.

3. Naniniwala ang mga gumagawa ng pre-marital sex na may karapatan silang makaranas ng kasiyahan.

4. Ang pakikipagtalik ay isang ekspresyon o pagpapahayag ng pagmamahal.

A. Pagpapakilala ng paksa
• Hanggang sa pagsapit ng dekada 1950, ang katagang "pagtatalik na pre-marital" ay tumutukoy
sa ugnayang seksuwal sa pagitan ng dalawang mga tao bago sila ikasal sa isa't isa. Noong panahong iyon,
ang mga lipunang Kanluranin ay umaasa na ang kalalakihan at kababaihan ay magpapakasal sa
pagdating ng gulang 21 o 22; bilang ganyan, walang konsiderasyon na ang isang tao na nakipagtalik na
ay hindi magpapakasal. Ang kataga ay ginamit sa halip na ang salitang pornikasyon, dahil sa negatibo o
masamang konotasyon o pahiwatig ng panghuling salita.

Magmula noon ay nagbago na ang kahulugan nito, na tumutukoy na sa lahat ng mga relasyong may
pagtatalik na nagkaroon ang isang tao bago ang kasal; inalis nito ang pagbibigay ng diin sa kung kanino
naganap o nangyari ang ganitong mga relasyon. Ang kahulugan ay mayroong antas ng kalabuan o
kawalan ng kalinawan. Hindi malinaw kung ang pagtatalik sa pagitan ng mga indibiduwal na legal na
pinagbabawalang magpakasal, o mga relasyong seksuwal ng isang hindi nagnanais na magpakasal ay
maituturing na pre-marital.

Ang panghaliling mga kataga para sa seks na premarital ay naimungkahi, katulad ng pagtatalik na
walang kasalan (na sumasalabat sa pangangalunya, pagtatalik na mapangkabataan, patatalik ng
adolesente, at pagtatalik ng kabataang adulto. Ang mga katagang ito ay nakakaranas din ng antas ng
pagkamalabo, dahil sa ang kahulugan ng pakikipagtalik ay nagkakaiba-iba mula sa isang tao papunta sa
isa pang tao.

• Ang pre-marital ay kaugnay sa mga pangyayari bago ikasal ang dalawang tao. Habang ang Sex
naman ay ang pakikipagtalik ng isang tao. Ang Premarital sex ay gawaing pagtatalik ng isang babae at
lalaki na wala pa sa wastong edad o kaya di pa kasal.

Noong simula ng ikadalawang siglo, sinasabing tumataas ang pursyento ng pre-marital sex kahit
ang inaakalang ang iba dito ay nakapagtaling puso na. Ang mga pagbabago sa mga kabataang babae ay
nagpapaikli ng buhok sa larangan ng pagbayad. Ayon pa dito, mas madalas na ginagawa ito ng mga lalaki
kesa sa mga babae. Ayon din sa scholar, ang premarital sex ay tumaas ang bilang noong unang digmaang
pandaigdig. 7% ng mga babae rin ay nakikipag-talik muna bago sila magpakasal (backard, 2007) pero
sumagawa ng pag-aaral ang National health and social life survey na ilahad ang kanilang edad at
kasaysayan ng kanilang pakikipagtalik (Laumann and Gagnon, 1994). Ayon naman kay Lolin Allen (2003).
Marami sa mga kabataan ngayon lalong lalo na ang mga lalaki ay mayroong malalim na presyon tuwing
bago sila nagtatalik. Ang kaniyang pag-aaral ay nagpapakita rin ng kakulangan ng mga kabataan
patungkol sa sex kung kaya’t ang mga bata ay dapat mabigyan ng sex education upang mas malinawan
at maunawaan ng mga kabataan kung ano ang iba’t ibang impormasyon patungkol sa sex.

Ayon din sa hiwalat na pag-aaral, napag-alaman na isa sa limang kabataan ay nakikipagtalik na bago
pa sila maging labing limang taong gulang. Ang mga kabataan naman na lulong sa droga at nakainom ng
alak ay mas nagkakaroon ng mas mataas na presyon tuwing sila ay nakikipagtalik.

You might also like