You are on page 1of 14

Gawain Sa Pagkatuto

Week 1-4
GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 1:

Ang sekswalidad ay
ang biyoholikal na
representasyon ng
isang babae at lalake

Ang sekswalidad ay
pagbubuntis na
Ang sekswalidad ay
kung saan
pagkakaroon ng
SEKSWALIDAD nangyayari
pagtatalik sa isang
pagkatapos
dalawang tao
magkaroon ng
pagtatalik

Ang sekswalidad ay
isang kasarian na
ginagamit ng iba’t-
ibang tao
GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 2:

1. Ano-ano ang mga isyung seksuwal na palagi nating naririnig at nababalitaang madalas ay
kinasasangkutan ng kabataan?

Maraming mga isyung seksuwal na palagi nating naririnig sa radyo, telebisyon, at iba pa na madalas nababalitang
kinasasangkutan ng ating mga kabataan. Madalas ay hindi magaganda ang mga nangyayari sapagkat nagkakaroon ng
pagtapak sa dignidad at buhay ng mga sangkot sa mga gawaing ito. Isa na rito ang pornograpiya na ayon sa nabalitaan ko
hindi lamang lalaki ang gumagawa at nanonood ng mga malalaswang mga video sa internet pati narin ang mga kababaihan
na kung saan ayon nga sa aking napanood ay mas marami pa daw ang mga kababaihan na nanonood ng mga malalaswang
video sa internet, ito ay nagpapakita ng mga hindi magagandang impluwensya lalo na sa ating mga kabataan na sa maaga
pagkamulat ng mga bata patungkol sa pagtatalik ay minsan ay nagagawa ito na kung minsan ay sapilitan pa. Sumunod ang
prostitusyon na kung saan isa sa pinaka maraming napapabalita dahil narin sa impluwensya ng mga nakakatanda at iba pang
mga kabataan marami sa mga nababalita na may ginagawang kahalayan ang mga taong gumagawa nito na kung saan ay
nagvivideo sila o tumatawag at nagpapakita sa camera at nagbibigay aliw sa mga taong nasa harap rin ng camera. Minsan pa
nga kabataan ang mas naaabuso ng mga gawaing ito. Isa rin sa halimbawa ng prostitusyon ay ang mga babae o lalaki na
nagtratrabaho sa bar na illegal na nag aaliw sa mga taong nakakasalamuha nila na kung saan ay mga kabataan ang involve sa
mga gawaing ito dahil narin sa mga kanya-kanyang mga dahilan kagaya ng hirap sa buhay o iniwan ng magulang at
napariwala. At ang panghuli ang pang abusing sekswal na kung saan isa sa mga halimbawa nito ang pang hahalay o di naman
kaya sapilitang pangaabuso sa isang tao na hindi man lamang niya alam ang nagyayari na isa sa mga nakakaranas nito ay ang
mga bata na walang kamalay-malay sa mga ginagawa sa kanilang na kung minsan nga ay sarili nilang mga magluang ang
gumagawa ng mga ganitong kahalayaan at ang isa pa ang pang-rarape na kadalasan na nababalita sa telebisyon at kahit lalaki
o mapababae ay nakakaranas ng mga ganitong mga bagay kung kaya’t madalas ay nagkakaroon ng matinding pagmamasid
lalo ang mga kabataan na lagging lumalabas kapag gabi.
GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 2:

2. Kung iyong susuriin, batay sa mga natutuhan mo, tama ba ang mga pananaw tungkol sa premarital sex?

Tama na malaman natin kung ano nga ba ang premarital sex at kung ano ang maidudulot na masama nito sa atin. Kailangan
natin matutunan ang mga ganitong usapin sapagkat dito tayo magkakaroon ng mga limitasyon patungkol sa pagtatalik na
kadalasan ang gumagawa nito ay mga taong nasa relasyon o mga kabataan na hindi alam ang kanilang mga ginagawa. Mali na
ginagawa ito sapagkat hindi nating alam kung gaano kahirap ang magiging resulta nito kung hindi tayo nakapag ingat maaring
mabuntis ng mga maaga na magiging teenage pregnancy, at isa pag ang premarital sex ay hindi magandang Gawain hangga’t
hindi pa kasal sapagkat kasalanan ito sa tao at sa diyos. Hanggat hindi pa nakakasal ang isang tao dapat hindi nito ginagawa
sapagkat malaking impluwensya nito sa ating mga buhay, paano na lamang kung nagtalik ang dalawang tao na bata pa at
hindi pa kayang magpalaki ng isang pamilya at dahil sa wala pa sila sa wastong gulang at maaga pang nabuntis hindi lamang
sila ang magsa-suffer dito kundi pati narin ang kanilang mga magulang sa mga aksyon na ginawa nila kaya napakahalaga
talaga ang gabay ng ating mga magulang patungkol sa mga bagay na ito sapagkat sila ang mas nakakaalam kung ano ang
magiging responsibilidad mo sa mga ganitong mga aksyon.

3. Nararapat bang makipagtalik ang kabataan kahit hindi pa sila kasal?

Isang malaking hindi, unang –una sa lahat maaring menor de edad pa ang kabataang iyon na kung saan hindi pa maaring
makipagtalik, pangalawa hindi maganda kung makikipagtalik ka ng hindi ka pa kasal sapagkat hindi natin alam ang maaring
mangyari, maari na kung makikiapagtalik ka at hindi kayo nabigyan ng proteksyon maari ito mauwi sa maagang pagkabuntis
na kung saan hindi ito magdudulot na Mabuti sa kanilng dalawa bagku magdadala ito ng malaking problema sa kanila lalo pa
at malaking responsibilidad ang kanilang kakaharapin kung kanilang itutuloy ang mga ganitong mga Gawain.
GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 2:

4. Ano ang mga maling pananaw ng kabataan sa mga isyung seksuwalidad na kanilang kinakaharap ngayon? Ipaliwanang ang
bawat isa.

Maraming mga pananaw ang bawat tao patungkol sa mga bagay bagay dahil narin sa mga impluwensya at pinaniniwalaan. Isa
na rito ang sekswalidad karamihan sa mga kabataan ngayon na ang pakikipagtalik ay isang normal laman na bagay na hindi
kailangan nang kasal upang magkaroon ng pagtatalik. Marami sa mga kabataan ang ginagawang dahilan na alam na nila ang
gagawin nila o di kaya okay lang ito sapagkat ito na ang nagiging mindset ng iba ring mga kabataan na kung saan isang napaka
malaking Malaki sapagkat ang sekswalidad ay isang malaking usapin na ang bawat aksyon ay may kaakibat na responsibilidad
kung kaya napaka importante na hindi natin ito isinasawalang bahala. Isa pa sa mga maling pananaw ng mga kabataan ang
patungkol sa sekwalidad ng isang tao na kung saan nakadipende ang respeto ng iba kung ano ang kasarian mo halimbawa na
lamang sa trabaho na mas pinipili nila ang mga kalalakihan kaysa sa mga kababaihan sapagkat sila ay malalakas kaysa sa mga
kababaihan na kung saan mali sapagkat lahat tayo ay may kanya-kanyang kagalingan upang magampanan ang ating mga
Gawain. Sumunod naman ang pagbubuntis marami akong nakikitan mga kabataan na nasa relasyon na kahit sila pa ay wala
pa sa wastong gulang na kung saan marami sa ating mga kabataan ang maagang nabubuntis dahil sa hindi nagabayan ng
maayos ng magulang ang iba nga ay sumasayaw pa sa tiktok at nagiging proud na sila ay buntis kahit ang iba rito ay 15 years
old pataas at may iba naman na pumapasok sa relasyon kahit 12 palang sila. Sumunod naman ang pornograpiya na ayon nga
sa ibang kalalakihan ito ay normal lamang sapagkat sila ay lalaki, ito ang paraan nila upang makapagrelax ngunit isa parin
itong napakalaking kamalian sapagkat ang panunuod ng mga malalaswang mga video ang minsan ang nagiging dahilan ng
maagang pagkamulat sa pagtatalik na nagiging dahilan ng mga iba’t-ibang pangyayari kagaya gn pagtatalik, pagkakaroon ng
maagang anak dahilan sa hindi nila alam ang mga protects kanila, at panghuli ang pagkakaroon ng mga krimen sa mga
ganitong mga bagay. Ito lamang ang napapakita ng mga maling pananaw ng mga kabataan na sa paglipas ng panahon ay
paunti-unting nagiging normal na lamang kanilang ngunit dapat natin ito mapigilan sapagkat ito ay isang kasalanan.
GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 2:

5. Ano-ano ang mga katotohanan ukol sa dignidad ng tao na nababalewala sa mga isyung tungkol sa seksuwalidad?
Pangatwiranan.

Ang dignidad ng tao ay na babalewala kung ang isang tao ay tipakan ka at nilapastangan ka halimbawa na lamang sa
prostitusyon marami sa mga nakakaranas nito ang diring-diri sa ginagawa nilang sapagkat yung mga bagay na pribado ay
nakikita na ng iba kahit wala naman silang relasyon nagiging isang napakalaking “red flag” o yung mga taong masama talaga
ang nagiging tingin sa iyo dahil nga sa mga isyu ng seksuwalidad parang nagiging normal na lamang sa kanila ang sirain ang
buhay ng iba dahil sa pagsira nito sa dignidad ng tao na pawang hirap mong tanggapin na nangyari ito sayo. Minsan pa nga
ang iba kahit alam nilang mali ang kanilang ginagawa nagiging proud pa sila kahit nasisira na ang dignidad nila sa ibang tao
ayan ang mga hindi magagandang pananaw lalo na ng mga kabataan ngayon. May mga 10 taong gulang pa lamang
nagkakaroon na ng relasyon at kung minsan lumalagpas na sila sa limitasyon. Ang dignidad natin ay dapat natin pahalagahan
lalo na sa usapin ng seksuwalidad sapagkat ito ang nagiging dahilan ng pagkawala ng iyong pagunawa sa mga ganingtong
usapin.
GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 3:

HN 1. Si Wilson ay nakatira sa kaniyang nanay at amain. Isang araw, pumasok ang kaniyang amain sa kuwarto niya at nagpakita
ng mga malalaswang litrato. Hindi mapakali si Wilson at hindi niya alam ang kaniyang sasabihin. Sabi ng kaniyang amain,“Halika
rito, anong klaseng lalaki ka?” Kinuha ni Wilson ang babasahin at ito’y kaniyang tiningnan at nagustuhan naman niya ito.

N 2. Hiniling ng isang kapitbahay ni Mela na kunan siya ng litrato na nakabikini. Sinabi sa kaniyang maaari itong ipagbili sa isang
kompanya ng pagmomodelo at kumita ng malaking pera. Tumanggi si Mela at sinabing ang katawan niya ay hindi kailanman
maaaring i-display.

HN 3. Si Annie ay 15 taong gulang at miyembro ng mahirap na pamilya. Wala na siyang interes na mag-aral mula ng paulit-ulit
siyang pagsamantalahan ng kaniyang amain. Nakilala niya si Merly at niyaya siya nitong umais ng kanilang bahay at magbenta
ng aliw. Sumama siya rito at nagsabing lubog na rin naman siya sa putik kung kaya’t marapat lang na ito ang kaniyang gawin at
kikita pa siya.
GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 4:

1.Ayon sa kwentong iyong nabasa. Ano ang mga isyung may kaugnay sa kawalan ng paggalang sa dignidad at sekswalidad na
nabanggit sa kwento?

Amg isyu na nagkaroon ng kawalan ng panggalang sa dignidad at sekswalidad ay ang pagsasabi ng nobyo ng kanyang ina ng
malalawaswang mga salita na kung saan itong sexual abuse sapagkat kahit ito ay salita naglalaman parin ito ng malallalim na
kahulugan at maari pang maging mitya ng hindi magangan pangyayari kung hindi ito mapipigilan lalo pa ang mga ganitong
bagay ay hindi dapat isinasantabi sapagkat kung nagagawa niya ito ng pasalita maari niya rin ito gawin ng pisikal kung kaya’t
dapat alam natin na dapat na tayong humingi ng tulong at sa magulang naman dapat maging mapagmasid tayo sa mga
ganitong bagay sapagkat hindi natin alam kung ano ang mangyayari.

2.Ano sa tingin ninyo ang dapat gawin ngayon ni Clarissa?

Mababasa natin sa kuwento na isa pa lamang na menor de edad si clarissa at isa pa ayaw pang maniwala ng ina ni clarissa
kanya na pawang biro lamang daw ito at walang halong malisya na sa totoo lamang ay hindi dapat ginagawang biro ito. Ang
magagawa na lamang ni clarissa ay kumalap muna siya ng ibedensya patungkol sa isyu na iyon at tsaka kung may matibay na
siyang ibendensiya ay ipagsabi niya ito sa awtoridad ito na lamang ang magagawa niya o di kaya sa kanyang guro upang
mabigyan ito ng solusyon at hindi na umabot sa malalang pangyayari alam natin na masasaktan ang ina nito ngunit kung
talagang mahal niya ang anak na si clarissa ay gagawa ito ng paraan upang mapigilan na ang mga ganitong mga pangyayari.
Napaka importante na kahit salita lamang ay nagiging sensitibo na tayo dito dahil kung kaya nilagn mahsalita ng mga ganung
salita sa iyo kaya rin nilang gawin ito sayo kaya dapat habang maaga pa lamang ay mapigilan na ang mga ganitong mga bagay.
GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 5:
GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 6:

TAMA 1. Kapag ang tao ay nagiging kasangkapan sa sekswal na pangangailangan at pagkahumaling, lahat ng mabuting
layunin sa pakikipagkapuwa ay maaaring hindi na matupad. Ang taong ay nagiging kasangkapan ng mga pagnanasa ay hindi
na nagpapakatao; bagkus, tinatrato ang sarili o ang kapuwa bilang isang bagay o kasangkapan.

MALI 2. Ayon sa kasabihan, pre-marital sex raw ay normal at likas na gampanin ng katawan ng tao upang maging malusog
siya at matugunan ang pangangailangan ng katawan. Kapag hindi raw ito isinagawa hindi mararating ng tao ang kaganapan ng
kaniyang buhay.

TAMA 3. Ang pakikipagtalik nang hindi kasal ay nagpapahayag ng kawalan ng paggalang, komitment, at dedikasyon sa katapat
na kasarian.

TAMA 4. Ang pang-aabusong seksuwal ay maaaring paglalaro sa maseselang bahagi ng sariling katawan o katawan ng iba,
paggamit ng ibang bahagi ng katawan para sa seksuwal na gawain at sexual harassment.

TAMA 5. Kapag ang tao ay nagiging kasangkapan sa seksuwal na pangangailangan at pagkahumaling, lahat ng mabuting
layunin sa pakikipagkapuwa ay maaaring hindi na makamit.
GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 7:

PANAYAM: AKING KAPATID

1. Sa iyong tingin gaano ka importante na bilang isang kabataang tulad mo ay mulat na sa tama at mali patungkol sa
sekswalidad?

Bilang isang kabataang tulad ko importante na alam ko o alam natin ang patungkol sa sekswalidad sapagkat ito ay
mahalaga na dapat malaman upang tayo ay makaiwas sa responsibilidad na alam naman natin na hindi rin natin kakayanan,
Importante na dapat may sapat tayong kaalaman sa mga isyu patungkol sa seksuwalidad dahil pagdating ng araw haharap rin
tayo sa mga problema na iyan kung kaya’t dapat mayroon tayong sapat na kaalaman dito. Mahalaga na alam natin ang tama
at mali sapagkat alam naman natin kung ano ang magiging resulta ng mga aksyon na gagawin natin

2. Ano ang magagawa mo bilang isang kabataan upang mabigyan ng tamang kaalaman at pananaw ang mga kapwa mo
kabataan na nakakaranas ng mga ganitong mga pangyayari?

Ang aking magagawa bilang isang kabataan ay magbigay payo na lamang sa aking kapwa lalo na sa mga tanong
nakakaranas ng mga ganitong mga pang aabuso. Alam naman natin na hindi ko pa kayang gawin yung mga bagay kagaya na
pagpunta sa kanila ang magagawa ko nalamang ay magbigay payo, at kung kailangan na talaga ng tulong ay magsasabi na ako
sa mga awtoridad patungkol sa nangyayari sa aking kapwa kabataan maari akong gumawa ng isang grupo na naglalayon na
wakasan ang pang aabuso lalo na sa mga kababaihan at iba pang nakakaranas nito.
GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 7:

PANAYAM: AKING KAPATID

3. Ano sa tingin mo ang magiging masamang epekto ng pangaabuso lalo na sa mga taong nakakaranas nito?

Bilang isang tao na hindi naman nakaranas ng mga ganitong pangyayari mahirap siyang I describe dahil iba-iba ang
taong nakakaranas nito ngunit kung titignan natin Malaki ang magiging epekto nito sa seksuwalidad at dignidad nito
magkakaroon siya ng problema sa mental health dahil sa trauma na nararanasan niya o di naman kaya ay maaring magbunga
ito ng negatibong pananaw sa mga taong nakakranas ng pangmumulestiya o pang aabuso. Kailangan natin maging mapanuri
sa mga taong nasa paligid natin kahit kamag anak pa natin sapagkat kahit sino maaring makaranas nito at makagawa nito.

Buuin ang pangungusap gamit ang mga pagpipiliang salita sa loob ng kahon sa ibaba.

Ang sekswalidad ay nararapat na pahalagahan at isabuhay. Ang premarital sex, pornograpiya, mga pang aabusong
sekswal at prostitusyon ay ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang ng seksuwalidad at dignidad ng tao.
GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 7:

Bilang kabataan, anong posisyon o mabuting pasiya ang maaari mong gawin bilang paggalang sa seksuwalidad? Ikaw,
paano ka tutugon sa mga isyung tungkol sa kawalan ng paggalang sa dignidad at seksuwalidad pagkatapos ng iyong mga
nalaman? Handa ka bang tumugon sa pagpuksa ng mga isyung ito upang matigil na ang mga ganitong klase ng pangaabuso sa
seksuwalidad?

Bilang isang kabataan, ang mabuting pasiya at posisyon na aking maaring gawin ay ang pagtugon sa mga taong nakakaranas
ng mga iba’t-ibang isyu patungkol sa seksuwalidad sapagkat naniniwala ako na ang kulang sa ating mga tao kung bakit tayo ay
nakakagawa ng hindi magandang bagay sa ating kapwa at Nakagawa ng mga desisyon ng padalos-dalos ay dahil sa hindi tayo
nagiging matalino sa pagdedesisyon, may kakulangan sa pag unawa at kalam patungkol sa sesksuwalidad at bilang isang
kabataan ang aking posisyon dito ay magbigay payo at kaalaman sa aking mga kapwa kabataan upang sa ganun ay maiwas sila
sa mga hindi magagandang bagay at magkaroon ng tamang padedesisyon sa mga aksyon na ginagawa nila.

Ang aking magiging tugon sa isyu ng dignidad at seksuwalidad matapos ko malaman ang mga kaalaman ukol rito ay
nagkaroon ako ng motibasyon na gumawa ng isang aksyon na makakatulong sa ating mga kabataan na at ibang tao na
nakakaranas ng mga ganitong mga pang aabuso maari akong gumawa ng isang grupo na tutulong sa mga taong nakakaranas
at magbigay kaalaman sa mga awtoridad na mas pagdibayin ang konsepto ng pagpigil sa pang aabuso lalong-lalo na sa mga
kababaihan. Kailangan ng pagtutulungan upang magampanan natin ang ating mga responsibilidad patungkol sa seksuwalidad
sapagkat ang pinaka mahalagang bagay na dapat natin isabuhay ay ang pagpapahalaga sa ating seksuwalidad lalong lalo na sa
ating dignidad kailagan natin maging maingat sa ano mang orad at kung alam natin na tay ay nakakaranas nito ay wag tayong
matakot na sabihin ito sa ating magulang, kaibigan guro o sa mga awtoridad dahil ito lamang ang ating paraan upang
masugpo ang mga ganitong mga pangyayari.
GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 7:

Bilang kabataan, anong posisyon o mabuting pasiya ang maaari mong gawin bilang paggalang sa seksuwalidad? Ikaw,
paano ka tutugon sa mga isyung tungkol sa kawalan ng paggalang sa dignidad at seksuwalidad pagkatapos ng iyong mga
nalaman? Handa ka bang tumugon sa pagpuksa ng mga isyung ito upang matigil na ang mga ganitong klase ng pangaabuso sa
seksuwalidad?

Opo, ako ay isang kabataan ngunit alam ko kung ano ang tama sa mali at hangga’t may boses ako at kaya kung ipagtanggol
ang mga taong nakakaranas nito ay aking gagawin iyon sapagkat naniniwala ako na walang imposible sa possible na masugpo
ang mga ganitong mga bagay alam ko bilang isang kabataan alam ko na kaya kong tumulong sa mga taong nakakaranas ng
mga ganitong mga bagay at alam ko rin na ito lamang ang ating magagawa amg magtulungan upang mapigilan ang pang
aabuso kagaya ng pornograpiya, prostitusyon, premarital sex at iba pang mga bagay sapagkat naniniwala rin ako na kung
mamumulat lang sa katotohanan ang iba pang kabataan at mga tao sa ating paligid siguradong kaya natin mapatigil ang mga
ganitong klase ng mga pang aabuso sa kahit ano mang kasarian.

You might also like