You are on page 1of 4

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2

Sa pamamagitan ng concept map bumuo ng mga kaisipang nangibabaw


sa binasang kabanata. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

MGA KABANATA KAISIPAN


Kabanata 2: Sa Ilalim ng kubyerta Ang kabanatang ito ang nagbigay
mulat at kaisipan sa mga pangyayari
sa kabanata, Dito nangibabaw ang
pangmamaliit ng mga nakakataas sa
mga kabataan na kung saan dapat
hindi natin sila sinasabihan ng
masamang salita sapagkat sila rin
ay may kalakasan, kagalingan at
kakayahan na magagamit nila sa
mga sitwasyon ng kanilang buhay
sapagkat May potensyal na
matulungan ang mga mahihirap, at
marami pang iba. Kaya dapat hindi
natin minamaliit ang mga bawat
komunto na ibinabato sa atin
sapagkat sa huli dito natin
malalaman ang resulta ng mga
opinyon ng mga tao.
Kabanata 14: Ang Tirahan ng Sa kabanatang ito na alala ko ang
Mag-aaral salita ni Jose Rizal na “Ang
kabataan ang Pag-asa ng ating
bayan” Dito masasalamin ang
pagiging makatotohanan ng mga tao
at pagiging mulat sa mga
pangyayari sa kanilang paligid. Alam
naman natin ang pangyayari sa
kabanata na ito kung saan ang mga
karakter sa kabanata ay naging
mulat sa paligid at sa kanilang
bayan na naging dahilan upang
kumilos sila sa nararapat nilang
gawin. Dito masasalamin ang dapat
maging kaisipan ng mga tao
kailangan mulat tayo sa katotohanan
ng ating paligid at gumawa ng
aksyon na may responsibilidad
sapagkat ito ang nararapat.
Kabanata 15: Si Ginoong Pasta Sa kabanata namang ito
masasalamin ang pagkakaroon ng
karapatan ng isang indibidwal na
kung saan bilang isang mamamayan
tayo ay may karapatan na magsalita
at magsumbong ng mga pangyayari
sa paligid sapagkat ito ang magiging
tungkulin ng mga nakakataas sa
ating. Tayong mga tao ay maging
matalino at wag matakot sa mga
posibilidad sa mga aksyon na
gagawin sapagkat ito ay karapatan
natin. Wag tayong mangamba na
baka hindi tayo pakinggan ng mga
tao basta lamang tayo ay nasa tama
walang imposible sa mga bagay na
ating gustong gawin.
Kabanata 22: Ang Palabas Sa kabanata namang ito
masasalamin ang pagtangkilik natin
sa sariling atin. Tayong mga
mamamayan ng ating sariling bansa
kailangan nating matuto na
tumatangkilik ng sariling atin kagaya
na lamang sa kabanatang ito na
dahil nga sakop tayo ng mga kastila
ay naging sentro ng palabas ang
mga palabas na tungkol sa mga
dayuhan na kung saan hindi naman
ito masama ngunit tayong mga
pilipino ay matutong tumangkilik
sapagkat marami rin namang mga
palabas na magaganda at kakaiba sa
ating mga palabas.
Kabanata 27: Ang Prayle at ang Sa kabanatang ito nanaig ang
Pilipino pagkakaroon ng karapatan natin
bilang isang mamamayan ng ating
sariling bansa. Alam naman natin na
ang mga prayle at kastila lamang
ang nasusunod sa mga bagay na
tayong mga pilipino ay pawang mga
aso na sumusunod lamang sa mga
utos ng mga prayle kahit alam na
natin na masama ito sa ating at sa
ating kapwa. Ngunit sa kabanatang
ito nangibabaw ang boses ni Isagani
na ipaglaban ang kanilang karapatan
laban kay Padre Fernandez. Gamit
ang boses ay itinaas niya na ang
mga katutubong pilipino na katulad
nila ay hindi minamaliit sapagkat
sila ay isang katutubo lamang na
dahil sila ay mababa sa estado. Dito
ang kaisipan na sumasailalim ay ang
pagkakaroon ng
pagkakapantay-pantay na pagtingin
sa lahat ng mga tao kahit ano man
ang katayuan sa buhay.
Kabanata 35: Ang Piging Sa kabanatang ito ang naging sentro
ng pagiging matulungin at
pagmamalasakit sa ating kapwa na
gaya ni Basilio na nakaranas rin ng
hirap mula sa kanyang mga
nakaraan siya ay tumulong ng bukal
sa kanyang loob kahit may mga
ibang tao na pumupuna at sinisiraan
siya na kahit anong hirap man ay
ginagawa pa rin siya ng paraan
upang tumulong at gumawa ng
paraan upang mag malasakit sa
kapwa na kung saan ang kaisipang
ito ang siyang dapat natin tandaan
na kahit ano man ang estado, buhay,
pangyayari ay wag nating kalimutan
tumulong at tumulong ng walang
hinihinging kapalit.
Kabanata 37: Ang Hiwaga Sa kabanatang ito pumasok sa akin
ang sariling “Marites” na
kasalukuyan natin na ginagamit sa
pag tsitsismis natin ng mga bagay
na minsan ay hindi makatotohanan.
Tayong mga pilipino ay mahilig mag
kwentuhan ngunit dapat kailangan
ng limitasyon sa mga bawat
komento, salita o opinyon na
lumalabas sa ating bibig sapagkat
may kaakibat itong responsibilidad
na dapat lagi nating taglayin bilang
isang mamamayan. Mahalaga ang
kaisipan na ito sapagkat nagbibigay
ito ng aral sa atin na kailangan sa
mga aksyon na ating ginagawa ay
may kaakibat na responsibilidad na
dapat natin gampanan.

You might also like