You are on page 1of 2

Banghay Aralin Sa ESP

Baitang-I

I. Layunin:

Sa loob ng itinakdang panahon ang mga bata ay inaasahang:

. Natutunan ang iba’t-ibang paniniwala tungkol sa Dakilang Lumikha

. Naipapakita ang paggalang sa paniniwala ng iba

.Naisasagawa ang iba’t-ibang paraan ng paggalang sa paniniwala ng iba sa pamamagitan na pagsagot

sa orihinal na gawain

II. Paksang Aralin:

Paggalang sa Paniniwala ng Iba

Kagamitan:

Teacher’s Guide sa ESP p.19-21, Learning Guide p.64-71

Mga larawan, ICT, manila paper

III. Pamamaraan:

A. Balik-aral:
1. Ano ang tawag sa mga mabubuting bagay na ipinagkaloob ng Diyos sa atin?
2. Magbigay halimbawa ng mga biyayang ating natanggap.
B. Bagong Laksyon:
1. Pagganyak:
Sa pamamagitan ng Ict, magpapakita ng mga larawan at hayaang tukuyin ng mga bata kung
anu-anong mga gusali ito.
2. Paglalahad:
Ipakita ulit ang mga larawan at ipasagot ang mga sumusunod na tanong:
A. Sino sa inyo ang nakapunta na sa mga gusaling ito?
B. Anong araw kayo pumupunta dito?
C.Anu-ano ang inyong ginagawa sa loob ng mga larawang ito?
3. Pagtatalakay:
1.Pagpapakita ng mga larawan na nagpapakita ng paggalang sa iba’t-ibang paniniwala.
2. Isa-isang talakayin ang kahalagahan ng paggalang sa paniniwala ng iba.
3. Hikayatin ang mga bata na magbigay ng sariling opinyon kung bakit kailangang igalang ang
paniniwala ng ibang tao.
4. Paglalapat:
1.Pagsagot sa orihinal na gawain.
Pangkat I- Piliin ang mga larawan na nagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng iba.lagyan
ng tsek kung tama ang pahayag at ekis naman kung mali.
Pangkat II-Iguhit ang hugis puso kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng paggalang sa panini-
wala ng iba at hugis bilog naman kung hindi.

Pangkat III- Pagpapakita ng aktuwal na paggalang sa paniniwala ng iba.


2. Pagsagot sa pagpapahalang tanong.
Sa anong paraan ninyo maipapakita ang paggalang sa paniniwala ng ibang tao?
5. Paghihinuha:
Anu-ano ang inyong natutunan sa ating aralin?

IV. Ebalwasyon:

Iguhit sa patlang ang masayang mukha kung tama at malungkot na mukha kung mali.

_______1. Nirerespeto ng mga kaklase ni Tony ang kaniyang relihiyon bagaman siya ay isang
Muslim at Sila ay Kristiyano.
_______2.Pinagtatawan nina Mark,Ben at Gabby ang kanilang kaibigang umaawit ng papuri
sa Diyos.
_______3.Sinusulatan nina Randy at Rico ang simbahan ng ibang relihiyon.
_______4. Maingay at magulo sina Sam, Eric at Jun sa loob ng simbahan habang nagdarasal
ang mga tao.
_______5. Magalang na nakikinig si Jenny sa paliwanag ng kaniyang kaibigan tungkol sa
pagkakaiba ng kanilang paniniwala

V. Takdang Aralin:

Humanap ng mga larawang nagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng iba at idikit ito sa


bondpaper.

Inihanda ni:

AIRES JOY Y. LUZON


Guro

Observed and checked by:

______________________________

You might also like