Professional Documents
Culture Documents
Ang Ama
Ang Ama
Quiapo, Manila
Division of Graduate Studies and Research
I. Layunin
A. Nasusuri ang bawat bahagi ng maikling kwento mula sa mga piling pangyayari.
B. Nabibigyang kahulugan ang mga pahiwatig na ginamit sa binasang akda.
C. Naisasalaysay nang may pagkakasunod-sunod ang mga pangyayari mula sa akdang binasa.
III. Pamamaraan
A.Panimulang Gawain
1. Pagtatala ng liban sa klase
2.Pagsasaayos ng silid
B. Pagganyak
Pagpapakita ng larawan ng iba’t ibang hanapbuhay ng ama.
C. Paghahanda
1. Pag-unawa sa Binasa
(Jigsaw Reading) Pangkatang Gawain
2. Paglinang ng Talasalitaan
Bigyang kahulugan ang mga sumusunod na salita o pahayag mula sa akdang binasa:
a. alaala ng isang lasing na suntok
b. kudkuran na nagpapangilo sa nerbiyos
c. isang matigas ang loob
d. bumulwak ang wagas na pagmamahal
e. ang maitim na ulap na nagbabantang mapunit
D. Pagtalakay
Gawain 3 - Sa pamamagitan ng role playing, isadula ang pangyayari sa kwento na nagpabago sa di-mabuting pag-
uugali ng ama. Paano niya ipinakita ang pagmamahal niya sa kaniyang anak.
Gawain 5 – Isa-isahin ang mga kaugalian at kultura ng mga taga-Singapore na masasalamin mula sa kwentong
binasa.
Gawain 6- Paglalahad ng kahalagahan ng tungkulin ng isang ama.
IV. Ebalwasyon
Bumuo ng kaisipan na naglalahad ng kahalagahan ng tungkulin ng isang ama mula sa larawan sa ibaba
V. Takdang Aralin
Magsaliksik hinggil sa mga ss:
1. katangian ng Maikling Kwentong Makabanghay, isa-isahin ang mga ito.
2. elemento ng maikling kwento.
3. sangkap ng maikling kwento.
Isulat o idikit sa notebook ang iyong nasaliksik.
IKALAWANG ARAW
I. Layunin
A. Nasusuri ang mga katangian ng kwentong binasa.
B. Naihahambing ang katangian ng maikling kwentong makabanghay sa iba pang uri ng maikling kwento.
C. Nailalahad ang kwentong napakinggan sa pamamagitan ng yugto-yugtong pagbuo.
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
Pumili ng isang bagay na nasa loob ng silid-aralan kung saan maihahambing mo ang iyong ama. Bakit mo ito napili?
B. Balik-aral
Pagbubuod ng kwentong binasa at tinalakay noong nagdaang araw.
C. Paglalahad
Pagpapabasa ng akda “Nang Minsang Maligaw si Adrian”
D. Pagtalakay
1. Paglalahad ng kwento sa pamamagitan ng yugto-yugtong pagbuo.
Kaugnay na Pangyayari
SIMULA
Kaugnay na Pangyayari
GITNA
Kaugnay na Pangyayari
WAKAS
I. Layunin
A. Natutukoy ang iba’t ibang Transitional Device na ginamit sa akdang binasa.
B. Nagagamit ng wasto ang mga pangatnig o kataga na nagpapakita ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa
sariling pangungusap.
C. Nasasagutan ng wasto ang pagsasanay na inihanda ng guro.
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagpapasalaysay sa isa o dalawang mag-aaral hinggil sa ginawa nilang paghahanda bago pumasok sa paaralan sa
araw na ito.
2. Ipaulit sa isang mag-aaral ang inilahad ng kapwa mag-aaral.
B. Paglalahad
Paglalahad ng kwentong binasa (Takdang Aralin) gamit ang isang grapikong presentasyon, ang timeline.
C. Pagtalakay
1. Ang mga Transitional Devices
2. Wastong Gamit ng Mga Transitional Devices
3. Mga Halimbawang Pangungusap Gamit ang mga Transitional Devices.
D. Paglalapat
Balikan ang panimulang gawain, suriin ang ginawang paglalahad ng mga kapwa mag-aaral sa paggamit ng
transitional devices.
Pagpapalitang kuro hinggil sa paksa.
G. Pagsasanay
Pagsagot sa pagsasanay sa aklat Panitikang Asyano sa pahina 28, “Krus”.
I. Layunin
A. Nakabubuo ng isang kwento mula sa sariling karanasan.
B. Nagagamit ng wasto ang mga pangatnig o kataga na nagpapakita ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
Pagbabalik aral hinggil sa Transitional Devices.
B. Paghahanda
Paghahanda ng mga kagamitang gagamitin sa paggawa ng Awtput.
C. Pagbibigay Panuntunan:
1. Gumawa ng isang kwento o anekdota tungkol sa iyong karanasan noong nakaraang bakasyon.
2. Gumamit ng mga transitional devices at salungguhitan ng kulay pula ang mga ito.
3. Binubuo ng tatlong talata ang kwento.
4. Wasto ang gamit ng mga bantas.
5. Kawili-wili ang daloy ng kwento.
“RUBRIC SA PAGMAMARKA”
Panuntunan Marka
May nakapupukaw na panimula 20%
May kaisahan ang mga ideya 15%
Malinaw ang paglalahad 15%
Wasto ang gamit ng Transitional Devices at 30%
mga Bantas
May kawiliwiling gitna at wakas 20%
D. Pagpapahalaga
Pagsasagawa ng Fist o Five (magmumula sa guro)